Chasing Love (Sequel to Hopel...

By The8thWorldWonder

258K 4.9K 856

[BOOK 2 of HOPELESS LOVE] Paul had never stopped chasing Aaliyah. After a short while, Aaliyah got chased. Bu... More

Chasing Love (Hopeless Love Book 2)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37

CHAPTER 35

4K 93 31
By The8thWorldWonder

“Welcome back, Ali!” malakas na bati sa akin ni Demi nang makita niya akong palabas ng airport. Niyakap niya ako nang mahigpit at saka nag-tatalon sa sobrang tuwa.

“Parang three days lang naman akong nawala,” saad ko nang bumitaw na siya sa pagkaka-yakap sa akin.

“Three days is like forever, you know? Matagal na iyon for me.”

I gave her a huge smile at saka binaling ang atensiyon ko kay Ate Mhina na ngayon ay kausap na si Justine. I wasn’t any longer wondering why. Ngayon ay alam ko nang iisa lang pala ang grupo ng kaibigan namin ni Justine.

“Siya nga pala, Demi. Hindi lang kaming tatlo nila Justine at Carol ang umuwi,” naka-ngiting pahayag ko.

“Huh?” she said and gave me a puzzled look.

Tumingin ako sa likod ko upang ituro sa kanya ang lalaking palapit sa amin. Tiningnan ko si Demi at kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding pagka-gulat.

“Demi?” pag-tawag ko sa pangalan niya ngunit parang hindi niya ako narinig.

Nanlaki ang mga mata niya at animo’y tumigil ang mundo niya. Maging ang pag-hinga niya ata ay natigil.

“M-Miggy,” mahinang saad niya nang makalapit sa kanya si Miggy at yakapin siya nito. Parang nakakita pa rin ng multo si Demi noong mga panahon na iyon. Nagmistula siyang isang kandilang matindi ang pagkakadikit sa semento. Ni hindi siya gumalaw upang yakapin pabalik si Miggy.

“Demi. Na-miss kita,” Miggy said when he finally let go of Demi. Mabilis namang pumunta si Miggy sa pwesto ni Lexie at niyakap din ito.

Tila wala pa rin sa katinuan si Demi noong mga oras na iyon, kaya ang ginawa ko at inapakan ko ang paa niya.

“Ouch! Bakit mo ‘ko inapakan, Ali?”

“Para ka kasing estatwa d’yan,” natatawang saad ko.

“Kasi naman, nag-hahallucinate ata ako na bumalik na si Miggy,” seryosong pahayag niya at saka kumamot pa sa ulo niya.

“Stop scratching your head,” sabi ni Miggy mula sa likod ni Demi nang hawakan niya ang kamay nitong gamit pang-kamot sa kaniyang ulo.

Bigla namang namula nang husto si Demi. Pinanlakihan niya ako ng mata na animo’y tinatanong sa akin kung ano’ng nangyayari.

Demi slowly turned around to face Miggy.

“M-Miggy,” muli na namang utal na saad niya.

“Well?” naka-ngiting tugon naman ni Miggy.

“I-ikaw nga.”

“Yes. Ako nga.”

“Nandito ka na.”

“Bumalik na nga ako.”

“Nandito ka na.”

“Hahahahaha!” malakas na tawa ni Miggy at saka niya muling hinatak si Demi upang yakapin. Makalipas ang ilang sandali ay kumalas siya sa yakap at saka ginulo ang buhok ni Demi.

Nakasakay kami nang taxi na wala pa ring kibo si Demi. Ngayon ko lang siya nakitang matameme. Hindi siya ‘yong Demi na sobrang daldal na halos gusto mo na lang i-packing tape ang bibig niya para manahimik siya. Ngayon ay animo’y bigla siyang naging pipi na sa tuwing kakausapin siya ni Miggy ay tatango lang siya o kaya naman ay iiling.

Kakaiba.

Pero parang pakiramdam ko naman ay alam ko kung bakit. Pakiramdam ko ay may nararamdaman siya kay Miggy.

Hindi sumabay sa amin sa taxi si Paul. Humiwalay sila ni Ate Mhina kasama si Carol at ang iba pang kaibigan ni Carol na sumundo naman sa kanya.

Sumama sa amin si Miggy pabalik dito sa Pilipinas dahil gusto niya akong tulungang makaalala. Gusto niya raw makabawi sa mga taong lumipas na hindi man lang niya alam kung ano ang nangyari sa akin.

Sinakripisyo niya ang pag-aaral niya sa New York para lang sa memorya kong nawala at napag-iwanan na ng panahon. I should be thankful then, but I don’t feel like I owe him something. Hindi ko alam. Pero noong sinabi niya sa akin na uuwi siya kasama namin ay hindi maganda ang naramdaman ko. Parang may mangyayaring kakaiba ngayong kasama na namin siyang muli dito.

I shook my thoughts away. I should not overthink things.

~*~

“Ma, gusto ko na pong ituloy ang theraphy ko.”

Tinigil ni Mama ang ginagawa niya at saka tumabi sa akin sa couch.

“What made you change your mind?”

I shrugged. “I just feel like doing so.”

“Si Paul ba?”

Bigla naman akong natigilan nang banggitin ni Mama ang pangalang iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at saka iyon pinisil.

“Bago kayo umalis papuntang Singapore, nag-punta siya dito. Kinausap niya ako.”

“Kilala mo siya, Ma?”

“Of course, I know him. He’s your first love, how can I forget that?”

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Buti ka pa, Ma. Hindi mo nakalimutan iyon. Pero ako, nangangapa pa rin.”

“Nawala lang naman ang alaala mo, anak. Pero ang laman niyan, hindi,” saad niya habang nakalagay ang palad niya sa kaliwang dibdib ko.

Bigla kong naalala ang mga panahon na biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing makakasama ko si Paul, sa tuwing may sasabihin siya sa akin na mahalagang bagay.

“So, you were saying na kinausap ka niya before we went to Singapore?”

Tumango lang si Mama.

“Ano’ng pinag-usapan niyo?”

“Humingi siya ng tawad sa akin.”

“Para saan?”

“He said he was sorry for letting you suffer. Humingi siya ng tawad sa mga panahong wala siya sa tabi mo. Sa mga panahong dapat ay sinamahan ka niyang makaalala. Sa mga panahong walang walang ka.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano’ng dapat kong sabihin.

Nagpatuloy si Mama sa pag-kukuwento, “He cried hard, you know?”

“Ma?” ang tanging nasabi ko.

“Umiyak siya sa harap ko. Sobrang nagsisisi siya sa lahat, anak. Gusto niyang itama ang lahat pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa’yo ang lahat.”

I bit my lower lip, trying to absorb what my mother was saying.

“Inamin niya sa akin na ayaw ka na niyang makaalala.”

Nabigla ako. “B-bakit daw po?”

“Natatakot siya na baka kapag naalala mo na ang lahat, mawala ka na naman sa kanya. Natatakot siya na mas mangibabaw ang galit sa puso mo kesa ang pagmamahal mo sa kanya.”

I breathed heavily. Hindi ko alam na iyon ang dahilan niya. Hindi ko alam na sobrang takot ang nangingibabaw sa kanya.

“I told him to just trust you. I told him to trust your heart,” saad ni Mama. Niyakap niya ako at ganoon din ang ginawa ko. Hinimas niya ang likod ko at saka bumitaw. “Anak, tama lang naman na gamitin natin ang isip natin sa mga desisyon na gagawin natin. Pero huwag mong kakalimutan na tao ka – may puso kang nakakaramdam kung ano ang tama. Hindi dapat nagtatalo si utak at puso. Si utak dapat ang nagsasabi sa’yo kung ano ang nararamdaman ni puso.”

Kinabukasan ay nag-announce si Ate Camille sa office ng Advocate tungkol sa Christmas Party na gaganapin next week.

“Our former members will also be invited to join. I already sent them e-mail invitations.”

Si Paul agad ang unang pumasok sa isip ko nang i-announce ni Ate Camille iyon. Nang makabalik kasi kami dito galing Singapore ay hindi ko na siya nakausap o nakita pa ulit. Hindi ko man lang rin siya nakakasalubong sa hallways o kahit na sa hagdan o elevator man lang.

Sana pumunta siya.

Pag-labas ko ng school ay nandoon na at naghihintay sa akin si Miggy. Pupunta kami ngayon sa doctor na gumamot sa akin two years ago. Hihingi kasi kami ng advice kung paano ang magiging theraphy ko at kung may mapapala pa ba ako doon gayong halos dalawang taon na ang nakalipas simula nang maaksidente ako.

“Retrograde amnesia,” saad ni Dr. Magnus nang makita niya ang files ko. “Ano bang gusto ninyong malaman?”

“Gusto ko po sanang sumailalim sa theraphy,” sagot ko.

“The accident happened two years ago. I don’t think theraphy will help,” diretsong pahayag niya sa amin ni Miggy. Tumingin ako kay Miggy at nag-tama ang paningin naming dalawa. I knew that moment what my doctor meant by that. “Alam mo, hija. I’ll be very frank with you.”

I nodded and prepared myself for what was coming.

“Amnesia has no cure,” then it hit me. I will not be able to remember anything. “Retrograde amnesia is the case where you forget things that happened for the past years of your life.”

“Tinutulungan naman po ako ng mga kaibigan ko na makaalala. Kinukwento nila sa akin ang mga nangyari from my past. Won’t it help?”

“I’m afraid not. Your memory cannot be recovered from simply being told personal experiences and your identity. Reminder treatment doesn’t work with people suffering from RA.”

“So kahit na po ano’ng marinig kong stories from my past, wala pa rin? Kahit na puntahan ko ‘yung mga lugar na maaaring makapag-paalala sa akin?”

“It cannot simply reverse RA. It has no scientific bearings on recovering your memory.”

Parang gusto ko na lang biglang maiyak dahil sa mga nalalaman ko. My case was hopeless. Kahit pala ano’ng gawin ng mga tao sa paligid ko… Kahit ano’ng pagpapa-alala sa akin ng nakaraan ko, wala pa ring mangyayari.

“My case is hopeless.”

“Not really, my dear.”

“Ano pong pwede naming gawin para bumalik ang alaala niya?” tanong ni Miggy.

“Spontaneous recovery may help. You would have to learn, acquire, and experience new things in order for you to retrieve memories that you previously learned, acquired, and experience. Simply means, you would have to go through those memories again.”

“Hindi ko po maintindihan,” pag-amin ko.

Parang wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Wala na akong ma-absorb na kahit ano. Ang alam ko lang, malabo nang makaalala pa ako.

“Ganito lang, Aaliyah. We’ll schedule a check up next week. Mag-consult tayo sa psychiatrist na kilala ko so we can both give you advice on how you will cope up with your past. Is that alright, my dear?”

I couldn’t bring myself to speak. Buti na lang at kasama ko si Miggy at siya na ang nag-asikaso ng magiging schedule next week.

Punung-puno ng takot at pangamba ang isip at damdamin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Pero hindi dapat. Hindi ako mabubuo kung hindi ko maaalala ang nakaraan ko. Hindi ko mabibigyan ng kasagutan lahat ng bumabagabag sa akin.

“Don’t worry. You’ll be fine,” dinig kong saad ni Miggy sa tabi ko. He placed his hand on my shoulder and tapped it. “You’ll be better.”

“How?” I asked.

“Close your eyes,” he commanded.

Tumingin ako sa kanya sa halip na gawin ang sinabi niya.

“Trust me. Close your eyes.”

I breathed heavily and did as told. As I close my eyes, I only saw nothing but darkness.

“Think of happy thoughts,” mahinang saad niya pa.

Happy thoughts? I can’t think of any. It was just plain black.

“Think of him,” he said, the word ‘him’ was almost a whisper.

Then Paul appeared from the darkness. Maybe it wasn’t really hopeless. I still have Paul, don’t I? And everything made a perfect sense.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...