Impius Academy 2: The Truism...

Missloorh tarafından

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. Daha Fazla

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 56

2.7K 129 236
Missloorh tarafından

A/N: I dedicate this chapter to mamatappy

Blaire POV

Pagdilat ko ng mga mata, isang pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. I'm here again. Where's goddess Hera? Did she left? I roamed my eyes and there was a boy catch my attention. Wait, is that Josh? Or this is just hallucination? I bite my lip at nagsimulang naglakad papunta sa kanya.

"Josh?" banggit ko sa kanyang pangalan. My forehead puckered when he didn't respond. Hindi ba niya ako narinig? I stopped behind him. I knew it, this is Josh but why he seems like his not aware that I'm here at his back?

"Josh?" bigkas ko muli sa pangalan niya at di ko napigilan ang sarili na hawakan siya sa balikat. I stepped back a little bit when he turned around and I saw his face. Agad siyang ngumiti ng matamis at yumuko.

"I'm glad that you're finally here My princess" he said sincerely. I was surprise. Did he just call me princess? The hell, i'm not even a princess for pete's sake.

"Oh c'mon Josh, stop joking around. It's not funny" I restrained.

"Joking is not my thing princess" he said seriously and he faced me. Napatigil ako nang nakita ko sa kanyang mga mata na hindi siya nagbibiro.

"I'm not a princess Josh" I said Seriously. Ngumiti lang siya at binaling ang tingin sa kanyang likuran habang ang isa niyang kamay ay nakalahad na parang niyaya niya akong maunang mag lakad.

Napaawang ang bibig ko dahil sa mga taong nasa unahan. Wala sa sarili akong naglakad. Sila ang nasa panaginip ko ngunit hindi malabo ang kanilang mga mukha. Bakit sila? Kaano-ano ko ba talaga sila? Lahat sila nakangiti habang nakatingin sa akin. Sino ba ako? Nang nakalapit ako sa kanila ay agad nila akong niyakap habang ako ay nakatunganga lang. Naramdaman kong kusang bumagsak ang aking mga luha. Anong nangyari sa akin? Bakit nakaramdam ako ng saya? Para akong nananabik sa mga yakap nila.

"Oh Blaire, sa wakas dumating kana rin"

"Ang prinsesa namin"

"B-bakit niyo ako niyakap?" wala sa sarili kong tanong at humiwalay naman sila sa akin. They just smiled and goddess Hera wiped my tears using her forefingers.

"Dahil mahal na mahal namin ang aming Prinsesa at nananabik kami sakanya" she respond emotionally and I couldn't help but let these tears fell again. I'm crying but why I felt happiness? What does they mean?
Nakita kong tumango tango ang iba.

"I don't understand, can you tell me who really I am? I-I'm so confused right now" I asked them pleasingly.

"Blaire, ikaw ang kaisa-isa naming prinsesa. All of us is your parents, I know it's hard to believe but I'm telling the truth. We created you and we love you Blaire" goddess Athena interrupted and she hugged me from the back. Para akong nabingi doon. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. What? I am really their daughter? I'm a princess? B-but why now? For after all these years.

"A-ako, ang Anak niyong nilikha?" lutang kong kumpirma sa kanila. They just nodded. Parang tumalon talon ang puso ko sa saya. Napatakip ako sa bibig gamit ang mga kamay habang bumagsak ang mga luha.

"Finally" I cried because of happiness and I immediately hugged them one by one. Hanggang sa nagkaisa kaming lahat para magyakapan. Finally, I got my parents.

"Blaire, miss na miss kana namin"

After the dramatic scene, they leaded me to sit down on the edge of the fountain. Sa wakas muli ko ng naramdaman ang totoong saya.

"Bakit ngayon lang ito nangyari?" I asked them out of curiosity.

"Dahil ngayon ang tamang panahon Blaire, ang araw ng kaarawan mo para mag dalawampu" nakangiting tugon ni Inang Artemis. I was surprise. Wait, what? This day is my freaking birthday? Bakit di ko man lang yun naalala? Damn, I'm so stupid.

"Inang Hera, bakit may mga iba't ibang nilalang kanina nung nasa kuweba tayo?" tanong ko dahil yun talaga ang katangunan ko nung nasa kuweba kami.

"Ang mga nilalang na iyun Blaire ay matagal naring nag-aantay sayo para maging tagapagbantay mo sa araw ng iyung kaarawan. Nananatili ang katawan mo doon Blaire dahil natutulog ka sa oras na ito ngunit totoong nasa Olympus ka ngayon" salaysay naman niya. My jaw dropped. Olympus? This place called Olympus? Kaya ba pamilyar sa akin ang pangalan nung nabasa ko iyun sa libro? Therefore this is my home.

"Tama ka Blaire, ito ang tahanan mo" Father Zephyrus said. I was shock. Did he read my mind? He nodded. Oh yeah, he did. Napakamot nalang ako sa batok.

"Pero bakit sa Ogygia ako lumaki?" takang tanong ko.

"Dahil sa misyon mo Blaire" my forehead immediately puckered when Mother Demeter mentioned the word of mission.

"Misyon? Anong misyon?" I asked them confusingly. Yes, I'm definitely confused as hell. Pakiramdam ko para akong isang nilalang na walang kamuwang muwang sa mundo.

"Blaire ang misyon mo ay iligtas ang lahat, iligtas mula sa kalaban ngunit hindi ka namin pipigilan kung gusto mong mananatili nalang sa mundong kinalakihan mo" Father Hephaestus stated calmly. My jaw was literally drop. I was literally shock. Ako ang magligtas ng lahat? Anong ibig nilang sabihin?

"Blaire, ikaw ang itinakda. Ang itinakda para tapusin ang kasamaan ni Hades" my world erupted because of Father Apollo said. A-ako? Ako ang itinakda? Ilang beses akong kumurap. Ang gulo na ng utak ko. Kung ganun sino si Divine? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Kumirot naman ang dibdib ko.

"B-bakit ngayon niyo lang sinabi?" I asked them confusingly.

"Bakit ngayon lang? If you said that to me since I was young I might not experienced to cry in pain, to be a fooled, I might have a chance to fight for love but my fear always ate me, fear that will end up with nothing but pain" emosyonal kong sabi at nagsimulang nangingilid ang aking mga luha dahil sa pighati. Hindi naman sila nakapagsalita.

"Do you have an idea how hard to be in prison and suffered from the sin that I did not do? It sucks as hell! I almost went crazy. Why did you let all the things happened? Why?" di makapaniwalang dugtong ko. It hurts, so much. Why they let me suffered? Ganito pala ang sakit kapag nalaman mo na maaari naman palang may magligtas sayo sa masalimuot na pangyayari ngunit wala naman silang ginawa. Bakit nila nilihim iyun sa akin? Kaylangan ba talaga na lahat may tamang panahon para malaman ang isang bagay o magawa? Pwede namang hindi lahat.

"Patawad Blaire kung pinagkait namin sayo ang katotohanan. Wala kaming nagawa dahil yun ang nakasulat sa propesiya. Ang lahat ng dinanas mong sakit at hirap ay kabilang na sa tadhana mo Blaire. Ang sakit at hirap ay nakakatulong para mas maging matatag ang isang tao. Blaire, ang lahat ng nangyayari ngayon ay nakasaad sa propesiya at dapat iyung matupad para walang magbago. Alam naming kaya mo ito Blaire dahil malakas ka, hindi lang sa isip kundi sa puso. Lahat ng hirap ay nalagpasan mo aming prinsesa" I hold my emotion when Father Zeus exhorted me. Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip. For all the pain, I did cry and suffered but I'm here, still breathing. Father is right, I did exceed all of them. I'm not weak but strong and brave. I felt relief and I wiped my tears. Ngayon malinaw na sa akin ang nakasulat sa propesiya.

"Salamat Ama" I said sincerely and he just smiled at me.

"Kung ganun, sino si Divine?" I asked them.

"Siya ay isang impostor Blaire. Ang nakasulat din sa propesiya. Nagmula siya sa Darkirous kingdom at isa siyang clone user. Nakopya niya ang kapangyarihan mo nung nasa Elveris kingdom ka Blaire, nung natulog ka" my jaw dropped because of Father Hermes said. How did he know those information? Darkirous kingdom? Saan yun?

"Paano mo nalaman iyun Ama?" tanong ko.

"Dahil ako ang diyos ng biyahero o manglalakbay. Lahat ng naging misyon niyo ay lagi akong nakasunod ng hindi niyo nalalaman" mas lalong umawang ang bibig ko dahil dun. Ang galing naman.

"Saan pala matatagpuan ang Darkirous kingdom nayan Ama?" tanong ko muli sa kanya.

"Si HM, alam niya kung saan iyan matatagpuan" agad nangunot ang noo ko. Anong alam ni HM? Why his involved?

"Alam ni HM ang lahat Blaire. Alam niyang ikaw ang itinakda. Siya ang pinagkatiwalaan ko para gawin ang isang misyon. Ang misyon para tuntunin ang kaharian ni Divine kaya niya hinayaan itong magpanggap bilang isang itinakda dahil iyun lamang ang paraan niya para magawa ang misyon. Ang misyon na kunin ang makapangyarihang punyal, ang punyal na kikitil sa buhay ni Hades" I was amaze when Father Pan proclaimed. Maybe that was the reason why he always insisted that I have to forsake my relationship with Four because he had a mission to fulfill. Kung ganun hindi pala talaga siya tutol sa relasyon namin. Kahit ginamit niya ako ay di ko magawang magalit. Ano kayang hitsura ng punyal nayun?

My forehead puckered when Josh draw near from the back of Father Pan.

"Ama kaano-ano mo si Josh?" tanong ko habang nakatingin parin kay Josh.

"Siya ang inatasan ko para bantayan ka habang nasa akademya ka Blaire. At siya ang kanang kamay ko" I was shock when Father Pan answered. Kaya ba lagi nalang siyang sumusulpot kapag nalalagay ako sa kapahamakan dahil iyun ang tungkulin niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Bakit di mo sinabi?" tanong ko kay Josh.

"No need Princess because the most important thing is to fulfill my duty" he said calmly. Napataas naman ang kilay ko.

"So if isn't your duty, are you still bother to help me?" I mocked him with sarcasm.

"I guess no, dahil hindi naman tayo magkatagpo if Lord Pan did not give me a mission" katwiran naman niya. Napairap naman ako. His right though. Dumagsa lang siya sa akademya dahil sa misyon. Tumayo na ako para maghanda sa pagbalik.

"Saan ka pupunta Blaire?" takang tanong ni Inang Hera.

"Babalik na ako sa akademya. Nanganganib ang buhay nila dahil sa isang impostor, kaya kaylangan ko silang gisingin sa pagkakatulog" makahulugan kong sabi.

"Hindi pa ngayon ang panahon para bumalik ka doon Blaire. Andito ka para sanayin ang lahat ng kapangyarihan mo at si Chiron ang maging guro mo sa iyung pagsasanay. Wag kang mag-alala hindi pababayaan ni HM na may mapapahamak sa akademya" Father Ares said. Napaisip naman ako. Tama si Ama, kaylangan kong mag sanay para sa nalalapit na digmaan. May tiwala naman ako kay HM. Pero saan si Chiron?

"Karangalan ang magiging guro mo Blaire" naagaw ang aking atensyon nang may nagsalita sa gilid ko at nakita ko ang isang maskuladong lalaki na ang kalahating katawan ay kabayo. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyun. Pagkatapos tumuwid siya sa pagkakatayo. Si chiron ito. Isa siya sa nabasa ko sa libro.

"It's a dignity to be your student My teacher" magalang kong sabi at yumuko. Muli ko naman siyang hinarap ng tuwid.

"Tawagin mo lang akong Master Blaire at bukas na bukas, magsisimula ang pagsasanay mo" pagtatama naman niya at tumango lang ako.

"Pero bago yun, kaylangan may gawin tayo sa dinadala mo Blaire" nakangiting sabi ni Inang Hera na nakapagpagulat sa akin. Alam niya? Alam niyang buntis ako? Nakaramdam naman ako ng kunting kaba. Di ba sila magagalit?

"Wag kang mag-alala Blaire, hindi kami galit na buntis ka dahil bunga iyan sa pagmamahalan niyo ni Prince Chaos" Father Eros said calmly. Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit agad akong napatingin kay Josh. Nakita ko naman ang matamis niyang ngiti kaya wala na akong naging problema. Alam kong gusto niya ako kaya akala ko magagalit siya ngunit hindi naman pala.

NAGHAWAK kamay kaming lahat para bumalik sa kung saan ang katawan ko. Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang mga magulang ko. Tinulungan nila akong makatayo at pagkatapos naglibot ako ng tingin. Lahat naman ng iba't ibang nilalang sa paligid ay nakayuko para magbigay galang. Napangiti nalang ako dahil ang ganda nilang tingnan.

"Snow!" naagaw ang aking atensyon nang may tumawag ng ibang pangalan ko kasabay ng pagbago ng aking timpla. Nangunot ang aking noo dahil nakita ko sa unahan si Aubrey na nakatayo na para ng maiyak. Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakarating dito? Nagsimula akong naglakad para lapitan siya, sumunod naman ang magulang ko, pati na si Josh at si Master.

"How long have you been here Aubrey?" malamig kong tanong sakanya. Napatakip naman siya sa kanyang bibig habang may nangingilid na mga luha. Unti unti namang lumambot ang puso ko. Ang ayaw na ayaw ko ay may umiyak sa aking harapan.

"Snow I'm so sorry" mangiyak-ngiyak niyang sabi at dahan dahan niyang ibinaba ang mga kamay para abutin ang mga braso ko. Bakit siya nagsosorry?

"Snow I'm sorry dahil hindi kita pinakinggan. Tama ka Snow, kalaban si Chanon. Niloko niya ako at ginamit, patawad kung hindi ako nakinig sayo. Patawad kung nagalit ako, please Snow give me a chance to fix our friendship" pagmamakaawa niya habang umiiyak. Lumambot ng tuluyan ang puso ko dahil sa ginawa niya, lalong lalo na't tuluyan niyang nahawakan ang mga braso ko. Hindi naman talaga ako galit sakanya. Ang pagaaway ng totoong magkakaibigan ay normal lang kaya wala iyun sa akin. Kung nagpapatawad kayo sa isa't isa, yun ang oras na nagpakabata kayo at mas mabuti iyun. Dahil ang mga bata, pag nagaaway ay laging nagkabati.

"Don't say sorry Aubrey, naintindihan kita. Hindi ako galit sayo kaya wag ka ng umiyak" masuyong sabi ko at ngumiti ng totoo. Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Totoo? Hindi ka galit sa akin?" masigla niyang tanong at nagmamadaling pinahiran ang mga luha habang sumisinghot. Nakangiti parin akong tumango tango.

"Kyaaahhhh Snow! Thank you so much" masigla niyang sabi at agad akong inambaan ng niyakap. Pinaulanan niya ako ng halik maliban sa mga labi kaya napatawa naman ako.

"Iiieeee miss na miss na kita Snow" parang bata niyang sabi at niyakap na naman ako ng mahigpit.

"Aheemm!" napatigil siya nang may tumikhim. Napailing-iling nalang ako dahil agad siyang lumingkis sa aking braso para talikuran ang nasa likod namin.

"Snow bakit mo sila kasama?" bulong niya sa akin. Napangisi naman ako nang meron akong naisip na kalokohan.

"Andito sila para sunduin ka at itapon sa Tartarus sa salang pagpapaiyak sa akin" balik kong bulong sa kanya. Napakagat ako ng labi para pigilan ang matawa nang namutla siya. Natakot ko yata.

"Kidding, sila ang mga magulang ko" pag babawi ko at para naman siyang nabunutan ng tinik ngunit agad ding nanlaki ang mga mata niya.

"Sila! Mga magulang mo?! Silang lahat? Pati si Josh" napataas ang boses niya kaya natawa nalang ako.

"Gaga hindi kasali si Josh pati narin si Master Chiron. At gaya ng sinabi ko, ang mga natira ay mga magulang ko. Ang lumikha sa akin. Nakakapagod na kasing ipakilala silang lahat eh" sabi ko at napakamot nalang sa batok dahil sa huli kong sinabi. Hinarap namin silang lahat at nakita ko ang pagiling-iling nila.

"Wow! Holy crap! So ikaw ang prinsesa nila?" manghang tanong ni Aubrey at tumango naman ako.

"At siya ang itinakda Aubrey" her jaw dropped because of Father Poseidon said. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw? Ikaw ang itinakda Snow? Pero sino si Divine? Isa ba siyang impostor?" sunod-sunod tanong ni Aubrey at tumango lang ako.

"Kyaaahhh sabi ko na eh! Sabi ko ng hindi talaga si Divine ang itinakda, yiieeee ang galing naman, kaibigan ko pala ang tagapagligtas" masigla niyang sabi at nakataas pa ang kanyang noo na parang may pinagmamalaki kaya napailing-iling nalang ako. Na-miss ko rin ang kaingayan niya.

"So bakit lahat ang mga magulang mo nandito Snow? Ngayon naba ang digmaan? Oh gosh, I'm not yet ready" parang naiihi niyang sabi. Umiling ako kaya para naman siyang nabunutan ng tinik.

"Paano ka pala nakasunod dito?" tanong ko sakanya. Ngumisi naman siya ng mapalad.

"Pumusok ako sa dorm mo at sumunod akong pumasok sa portal" nakangiti niyang sabi. Napatango nalang ako.

"Aubrey may sasabihin ako sayo" seryoso kong sabi. Agad naman siyang tumango tango at nakatuon lang ang kanyang mga mata sa akin na para maigi itong nag-aantay.

"Buntis ako at si Four ang Ama" kagat labi kong sabi at gayun nalang ng paglaki ng kanyang mga mata. Ilang beses siyang kumurap at lumunok ng laway na parang pati dila niya ay nalunok narin.

"Ano?! Buntis ka?! At ang walang hiyang Chaos ang Ama?!" she screamed. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya dahil halos mabingi ako. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. Unti unti namang nawala ang pagkakagulat niya at napalitan ng inis kaya tinanggal ko ang kamay sa bibig niya.

"Andito ba ang mga magulang mo para patayin si Chaos? Kung ganun sasama ako jan. Huh! Walang-hiya siya, iniwan ka lang niya ng basta basta para sa impostor nayun grrrrrr" nanggigigil niyang sabi. Napangiti nalang ako dahil sa kanyang reaksyon.

"Hindi siya ang pinunta namin dito Aubrey. Pupunta daw kami sa lugar na kinalakihan ko" kalmado kong sabi. Nangunot naman ang kanyang noo.

"Andito kami para isagawa ang ritwal sa Ogygia at ilipat ang batang nasa sinapupunan ni Blaire sa mahiwagang bulaklak" magaan sabat ni Inang Aphrodite. Napanganga naman si Aubrey.

"Ano?! Ililipa_" agad kong tinakpan ang kanyang bibig at kinaladkad siya sa palabas ng kuweba. Ang ingay talaga ng babaeng ito kahit kailan.

NAKARATING kami sa Ogygia gamit ang isang portal at mainit naman kaming sinalubong ni Auntie Calypso. Pumunta kami sa isang batis kung saan ang mahiwagang bulaklak na kung saan din ako sinilang. Ang sabi nila, kaylangan daw talagang ilipat ang batang nasa sinapupunan ko sa mahiwagang bulaklak para hindi ito maaapektuhan sa anumang gawin ko na maaaring ikakapahamak sa akin. Agad naman nilang ginawa ang ritwal at pagkatapos nun ay nahimatay nalang ako bigla.

Nagising ako nang may humaplos sa aking pisngi at bumungad naman sa akin si Auntie Calypso. Agad akong nagbalikwas sa pagkakahiga. Agad kong tiningnan ang aking tiyan at hinawakan. Naramdaman kong parang may nawala sa akin.

"Lalabas lang ako Auntie" paalam ko sakanya at di ko na inantay pang makasagot siya ay agad akong lumabas sa silid. Dali dali akong pumunta sa batis kung saan ginawa ang ritwal. Umawang ang bibig ko dahil ang mahiwagang bulaklak, nung hindi pa nasimulan ang ritwal ay nakabuka ito ngunit ngayon ay nagmukha ng tulips. Mas lalong kumintab ang iba't ibang kulay ng talulot nito. Ang ganda.

"Yieee Snow, ako ang ninang ah" may bigla namang nagsalita sa gilid ko at agad siyang lumingkis sa aking braso. Napangiti naman ako. Ano kaya ang kasarian ng anak ko. Mas gusto ko lalaki pero kung babae tatanggapin ko parin ng buong buo. Pero paano kaya mabuhay ang anak ko jan? Sabagay, wala namang imposible para sa aming mga imortal.

"Blaire, hali kana. Babalik na tayo sa Olympus" napalingon kaming dalawa nang may nagsalita at nakita ko naman si Inang Artemis. Tumango naman ako. Nilingon ko si Aubrey na ngayon ay nakatingin din sa akin na may lungkot sa mga mata. Alam niyang babalik ako ng Olympus para mag sanay dahil sinabi ko iyun bago sinagawa ang ritwal. Niyakap ko siya at hinaplos haplos ang likod niya. Narinig ko naman ang kanyang pagsinghot.

"Wag kang malungkot Aubrey, babalik ako" tahan ko sakanya.

"Sure ka? Babalik ka? Pangako mo yan ah" emosyonal niyang sabi at tumago tango naman ako. Humiwalay ako sakanya at lumapit kay Inang Artemis. Lumitaw naman ang iba kong mga magulang pati narin sina Master Chiron at Josh. Naghawak kamay muli kami at pagdilat ko ng mga mata ay nandito na kami sa Olympus.

"Hali ka Blaire, ipapakita ko sayo ang magiging silid mo" nakangiting paanyaya ni Inang Hera. Tumango ako kaya nagsimula na siyang naglakad at agad naman akong sumunod.

Napaka eleganteng tingnan ang kaharian nato. Halos lahat ng makikita mo ay ginto. Maraming ulap ang makikita mo sa labas. Marami ding mga bulaklak sa bawat gilid ng kaharian. Huminto kami ni Inang Hera sa malaking pinto at binuksan niya iyun. Tumambad naman sa akin ang eleganteng silid. May queen size bed na kulay ginto din ang nakatakip na tela at may puting tela din sa ibabaw na parang gawa sa balahibo ng pusa. Ang mga kurtina namang nakasabit sa bintana ay kulay silver. Ang ganda dito.

"Ito ang magiging silid mo aking Blaire" nakangiting sabi ni Ina. Mangha parin akong pumasok at agad tumihaya sa kama. Ang lambot.

"Sige Blaire, maiwan na kita" paalam niya at ngumiti naman ako bago tumango. Lumabas na siya at sinarado ang pinto. Tumunganga lang ako sa kisame. Ang daming rebelasyon sa araw na ito. Ang araw na nagising ako sa katotohanan. Di ko akalain na ako pala talaga ang itinakda. Kahit noon na may posibilidad na ako ang itinakda dahil nakapagpalabas ako ng iba't ibang kapangyarihan ay ako mismo ang nag-tulak sa sarili na hindi maniwala, lalong lalo na't dumating si Divine. But now, no more secrets. All I have to do is to fulfill my mission.

Kalmado kong pinikit ang mga mata at agad naman akong nakatulog. Pagkagising ko ng umaga ay agad akong sinundo ni Master Chiron pagkatapos ng agahan at dinala niya ako sa malawak na field kung saan ako mag sasanay.

"Lahat ng kapangyarihan mo Blaire ay sanayin natin lalong lalo na ang kapangyarihan mong Destruction. Pati narin ang mga abilidad mo, gaya ng vision ability, healing ability at iba pa" maiging sabi niya. Tumango lang ako habang nakatayo ng matuwid. I can do this.

"Sa pagsasanay ay laging sabayan ng determinasyon. Mga puot at sakit ng naramdaman mo ay isa walang bahala para makapag fucos lamang sa pagsasanay. Wag mag-iisip ng kung ano-ano dahil isang malaking hadlang iyun sa gawain" pangaral niya at tumango na naman ako.

Unang sinanay niya sa akin ay ang kakayahan ko sa physical combat. Kung paano magdepensa ng walang kapangyarihan. Sa pangalawang araw ay itinuro din niya sa akin ang mga iba't ibang paraan kong paano gamitin ang isang espada. Pagkatapos ng limang araw ay nasanay ko narin ang aking mga kapangyarihan at mga abilidad. Pagkatapos ng lahat, naramdaman kong mas lalo akong lumakas.

"Blaire, handa kana ba para bumakas?" malambing tanong ni Inang Hera. Sinuklay niya ang ginto kong buhok gamit ang kamay niya. Nagbago ang kulay ng aking buhok nung lahat ng kapangyarihan at abilidad ko ay aking nahasa, pati narin ang aking mga mata ay kulay dilaw na parang ginto din. Napansin ko din sa aking sarili na hindi na ako palangiti dahil laging bumabalot sa akin ang malakas na enerhiyang nananalaytay sa aking mga ugat.

"Lagi akong handa Ina" kaswal kong sabi. Naramdaman ko naman ang pag-ngiti niya. Bukas, bababalik na ako ng akademya

Third person POV

Nasa office ni HM ang mga Royalties para sa bagong misyon ngunit hindi pa nila alam. Lahat sila ay seryosong nakaupo habang nag-aantay kay HM. Sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa doon ang inaantay nila. Seryoso ang mukha ni HM na umupo sa swivel chair niya.

"Bakit mo kami pinatawag HM?" seryosong tanong ni Scarllet. Tiningnan ni HM isa isa ang mga Royalties at napahinto siya kay Divine na ngayon ay nalingkis sa braso ni Chaos.

"Pinatawag ko kayo sa bagong misyon para sa nalalapit na digmaan" seryosong sabi ni HM. Nagulat naman ang mga Royalties at nagkatinginan ang mga ito dahil di nila inaasahan na malapit na ang labanan. Si Lucy naman ay makikita mo sa kanyang mga mata ang takot.

"Anong klaseng misyon iyan HM?" tanong ni Sophie. Katahimikan naman ang namamayani sa buong sulok ng office habang si HM ay matiim nakatingin kay Divine kaya tinaasan siya ng kilay nito.

"Misyon para kunin ang makapangyarihang punyal" seryoso at malalim sabi ni HM. Nanlisik naman ang mga mata ni Divine dahil sa gulat.

"Para saan iyan HM?" kuryusidad tanong ni Alexis.

"Ang mahiwagang punyal lamang ang makatatapos sa buhay ni Hades at pati narin ang kanyang kaluluwa ay maglalaho" seryosong sabi ni HM na nakapagpagulat kay Divine at sa iba.

"Ang sabi sa propesiya ay si Divine lamang ang may kakayahan na kikitil sa buhay ni Hades ngunit bakit ang punyal?" naguguluhang tanong ni Lucy.

"Lucy hindi tatarak ang punyal kung walang humahawak" makahulugan sabi ni HM kaya natahimik naman si Lucy.

"Saan namin yan matatagpuan HM?" seryosong tanong ni Kade. Ngumisi naman si HM ngunit agad ding napalitan ng seryosong mukha habang nakatingin kay Divine na parang nananabik ito sa maging reaksyon ng dalaga sa sasabihin niya.

"Sa Darkirous kingdom, kung saan naninirahan ang mga Black charmer" seryosong sabi ni HM at para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Divine.

"Hindi!" gulat napatayo si Divine sa kinauupuan niya. Napangisi naman si HM ng palihim habang ang iba ay nagulat sa naging reaksyon ni Divine.

"Bakit Divine? May problema ba?" pagkukunwari ni HM na parang nababahala.

"A-ah eh ang ibig kong sabihin, hindi namin alam kung saan iyan matatagpuan dahil bago pa sa amin ang lugar na yan" pinilit ni Divine ang wag mautal ngunit makikita mo sa kanyang mukha ang pamumutla. Napatango tango naman ang iba dahil napaniwala ito sa sinabi ni Divine. May punto nga naman ito dahil bago sa kanila ang kaharian na iyun.

"Divine is right HM, we have no idea where we can find that kingdom" sang-ayon naman ni Acel. Habang si Divine ay nananatiling nakatayo.

"Hindi ako tanga para magbigay ng isang misyon ng walang sapat na impormasyon Royalties" seryosong sabi ni HM at natameme naman ang lahat samantalang si Four ay tahimik lang na parang walang nangyari sa paligid niya.

"Patawad HM" hinging paumanhin ng iba at si Divine naman ay nakayukom ang mga kamao na parang sasabog na ito ng wala sa oras.

"Salamat sayo Divine dahil natunton ko ang kaharian nayun" nakangiting sabi ni HM ngunit may halong pang-aasar ang tuno ng boses niya kaya nangunot ang noo nilang Scarllet. Si Divine naman ay parang nabuhusan ng mainit na tubig dahil nanlisik ang kanyang mga mata sa galit.

"Anong ibig mong sabihin HM?" nagulat ang lahat dahil sa malalim na tanong ni Divine na parang papatay na ito ng tao. Ngunit si HM ay di nasindak dito.

"Hindi ako bobo Divine na magpapaniwala sa mga kasinungalingan mo. Alam kong ikaw ang prinsesa ng mga Black charmer at hindi ang itinakda" nagulat ang mga Royalties dahil sa rebelasyon ni HM at agad silang nagsitayuan, maliban kay Four na para parin itong robot na nakaupo lamang. Umusok naman ng itim si Divine dahil sa galit.

"Hangal! Hinding hindi niyo makukuha ang gusto niyo HAHAHAHAHAHA" dumadagundong ang halakhak ni Divine at naglaho ang kanyang katawan. Isang maitim na usok ang umikot ikot sa buong office at lumabas ito habang ang kanyang halakhak ay nananatiling naririnig.

"Royalties wag niyong hayaang makatakas si Divine!" awtoridad utos ni HM. Determinadong tumango naman sila kahit gulat parin ang mga ito sa nangyayari.

"Aaahhhh! Demon!"

"Tulong!"

"Kalaban! May mga kalaban!"

Nagsimulang nagkagulo naman ang mga estudyante sa labas dahil naglilitawan nalang ang mga Demon sa paligid. Sabay napatingin ang mga Royalties kay Chaos na ngayon ay wala paring naging reaksyon. Wala silang nagawa ay lumabas nalang sa office ng hindi kasama ang leader nila. Paglabas nila ay agad nilang hinanda ang mga sarili at agad nilibot ang paningin. Kuwarenta ka Demon ang nakikita nila.

"Hahahahhahahahaha hinding hindi kayo mananalo laban sa amin!" isang nakakakilabot halakhak naman ni Divine ang nangingibabaw sa sigawan ng mga estudyante at lumitaw ito sa itaas. Nagtinginan ang mga babaeng Royalties at sabay silang lumipad paitaas papunta sa gawi ni Divine na ngayon ay inaatake ang mga estudyante ng Dark ball.

Ang natira namang mga lalaking Royalties ay kinalaban ang mga Demon. Lumabas narin ang mga konseho at nagulat pa ang mga ito sa kanilang nasaksihan, na si Divine ay kinalaban ngayon ng mga babaeng Royalties at nagpapalabas ng itim na kapangyarihan.

Agad nagbato si Sophie ng Ice ball ngunit kinain lang ito ng katawan ni Divine dahil nasa kanya parin ang kapangyarihang elemento. Nagulat naman sila.

"Hahahahahahaha wag na kayong magsasayang ng lakas dahil mamamatay lang naman din kayo hahahahaha" halakhak ni Divine. Naiyukom ang mga kamao ng mga prinsesa dahil sa pang iinsulto nito.

"Walang-hiya ka! Manloloko! Ikaw ang dahilan kung bakit galit sa akin si Blaire!" galit na galit sigaw ni Lucy at naging dilaw ang kanyang mga mata kasabay ng paglabas ng malaking ahas na kulay puti sa kanyang katawan ngunit may pakpak ito. Nagulat naman ang ibang prinsesa dahil ngayon lang nila nasaksihan na ganun pala ka makapangyarihan si Lucy.

Agad sumugod ang malaking ahas kay Divine ngunit agad naman siyang nakailag kahit gulat din ito. Agad niyang binato ng Dark ball ang ahas ngunit nilamon lamang ang atake niya. Naging mabilis ang pangyayari ay di niya nailagan ang buntot nitong papunta sa kanya kaya tumalsik siya sa baba. Galit na galit bumungon si Divine at agad kinontrol ang mga malalaking gamot sa ilalim ng lupa, kasabay ng pagyanig ng paligid. Nagsilabasan nalang ang mga gamot at pinaghampas ang mga estudyante. May gumapos na malaking gamot sa buntot ng malaking ahas ni Lucy at marahas itong hinala pababa kaya nasalampak ito sa lupa. Para namang nanghihina si Lucy at gulat itong nakatingin sa ahas niyang nanghihingalo sa lupa at marami ng nakagapos ditong malalaking gamot.

Agad kinontrol ni Scarllet ang ibang gamot na hindi nakontrol ni Divine at pinigilan niya ang mga gamot na umaatake sa mga estudyante. Agad nagpaulan ng Ice shards si Sophie at bawat natatamaan na Demon ay sumalampak sa lupa. Ngunit sadyang mailap ang iba kaya kaunti lang ang natatamaan niya. Sinubukang pasukin ni Alexis ang pag-iisip ni Divine ngunit sumakit lang ang ulo niya dahil ang nakikita niya sa isip nito ay ang walang hangganang kadiliman kaya hindi niya naituloy at sa isang Demon nalang siya umaatake.

Pinaglaho nalang ni Lucy ang kanyang ahas dahil hirap na hirap na ito. Nagbato ng mga Fire ball si Divine sa bawat sulok ng akademya kaya mas lalong nagkagulo ang lahat. Agad nagbato si Miles ng mga Water ball sa mga nasusunog na gusali at ang iba ay binugahan niya ng tubig. Agad namang nagbato si Kade ng poison sa isang Demon na papalapit sa isang babaeng estudyante at tinuluyan niya ito ng kanyang espada. Agad inatake ni Acel ang isang Demon gamit ang kanyang kapangyarihang hangin kaya tumalsik naman iyun sa isang gusali. Agad naman iyung tinuluyan ng chain whip ng lalaking estudyante kaya nagkanda bali-bali ang mga buto nito dahil sa malalakas na latigo. Marami din namang mga estudyante ang tumalong para puksain ang mga Demon at ang iba naman ay takot na takot na nagsitago sa mga sulok. Si Parker naman ay nilinlang ang isang Demon na ang nasa paningin nito ay nasa harapan siya dito ngunit ang totoo'y nasa likod siya at walang pag-aatubili niya itong ginilitan ng leeg gamit ang espada.

Nagpalabas ng maiitim na usok si Divine at kaya nitong itigil ang paghinga ng isang tao kaya mas lalong nagkagulo ang lahat ngunit isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong akademya kaya hindi natuloy ang kapangyarihang itim. Nawala ang nakakasilaw na liwanag at isang malaking dragon ang tumambad sa kanila na lumilipad sa itaas. Nagliliyab ito ng iba't ibang kulay na apoy. Bawat pagaspas ng pakpak nito halos tatangayin ka ng hangin. Isang nakakakilabot na presensiya naman ang sumisigaw sa kapangyarihan na para ka nitong mapapaluhod dahil sa panghihina.

Lumapag ang nakakakilabot na dragon sa lupa sanhi ng sandaliang pagyanig ng paligid at nakita ng lahat ang nakakakilabot na babaeng sakay nito. Parang mahimbing itong natutulog sa likod ng dragon at ang gintong buhok niya ay tinatangay ng hangin. Katahimikan naman ang bumabalot sa buong paligid at pati si Divine ay nakaramdam ng takot sa presensiya ng babae.

Bumangon ang babae sa pagkakatihaya at isang dilaw na mga mata ang bumungad ng lahat sa pagdilat nito. Agad itong naglaho sa kinauupuan at lumitaw nalang ito sa harapan ng dragon. Nag bago ang paligid at nabuhay ang lahat ng mga puno't halaman, pati na ang mga damo nang sa pagapak ng babae sa lupa. Nagulat naman ang lahat at namangha sa kabila ng takot. Ngumisi naman ang babae ng nakakakilabot kay Divine.

"Surprise" nakakapanindig balahibong sabi ni Blaire dahil sa kalamigan ng boses niya. Naramdaman naman niya ang takot ni Divine ngunit pilit parin itong mag pakatatag.

Naramdaman ni Blaire na dahan dahang umatras ang isang Demon kaya pinikit niya ang mga mata para gamitin ang kapangyarihan niyang Destruction. Marahas siyang lumingon sa gawi ng Demon habang nakapikit at naramdaman niya ang napakalakas na enerhiyang nananalaytay sa kanyang mga ugat. Pagdilat niya ng mga mata ay deretso nakatuon ang kanyang paningin sa Demon, kasabay ng pagbago ng kulay ng kanyang mga mata at naging kulay itim ito.

"Die" napasinghap ang lahat nang agad naging abo ang Demon.

Sa takot ni Divine ay agad niyang binato si Blaire ng Dark ball kahit hindi ito nakatuon sakanya. Ngunit nahinto ang bolang itim sa ere nang agad pinaabante ni Blaire ang kanyang kamay.

Ngumisi lang si Blaire dahil sa bolang itim na nasa harapan ng kanyang kamay. Sinuri niya ito at bumalik naman sa dating dilaw ang kanyang mga mata. Tinapunan niya ng tingin si Divine at nakita niyang nagulat ito lalong lalo na't naglaho nalang ang Dark ball.

"Not that so fast my dear impostor" nakangising sabi ni Blaire at namutla naman si Divine.

Nataranta si Divine nang nagsimulang naglakad si Blaire papunta sa gawi niya kaya agad niyang kinontrol ang mga malalaking gamot para atakihin si Blaire ngunit hindi man lang nakalapit ng tuluyan ang mga ito dahil may enerhiyang pumipigil dito at nanggaling iyun kay Blaire.

Naramdaman ni Blaire na may dalawang Demon ang papalapit sakanya ngunit agad iyung inatake ng blue flame ng kanyang dragon. Nagbato naman si Divine ng Fire ball at hinayaan niya lang na lamunin ng kanyang katawan ito. Nagulat naman si Divine kaya sunod sunod itong nagbato ng mga Dark ball. Isang kumpay lang ng kamay ni Blaire ay naglaho na parang bula ang mga atake ni Divine. Tatakbo na sana ito ngunit lumitaw sa kanyang harapan si Blaire.

"There's no way to run my dear" nakangising sabi ni Blaire at mas lalo namang namutla si Divine. Susuntok na sana ito sakanya ngunit agad niyang hinuli ang pulsuhan nito at walang awa niya itong binalibag.

Napadaing naman si Divine at nagkaroon ng markang pabilog ang lupa dahil sa lakas ng pagkasalampak niya. Parang nabali ang kanyang mga buto. Agad siyang napatingin kay Blaire at nakita niyang papunta na ito sa gawi niya kaya pinilit niya ang sariling gumapang.

"Chaos! Help me!" namimilipit niyang sigaw at himalang hindi niya ito tinawag na Love.

Napatigil si Blaire nang may tumarak sa tiyan niya at tumagos sa kanyang likod. Parang tumigil ang kanyang mundo dahil sa lalaking nasa kanyang harapan na para isa itong galit na lion. Dahan dahan niyang binaba ang tingin at sumikip nalang ang kanyang dibdib dahil sa nagliliyab na espadang nakabaon sa kanyang tiyan. Parang yumanig ang kanyang mundo at halos hindi siya makahinga dahil sa sakit. Tiningnan niya muli si Chaos at napasuka siya ng dugo nang marahas nitong hinugot ang espadang nakabaon sa kanya. Di niya matanggap na kayang kaya siya nitong patayin ng walang pagalinlangan. Di niya namalayan ang kasunod nitong atakeng suntok dahil nalunod siya sa emosyon. Tumalsik naman siya sa gilid ng fountain.

Napapikit siya ng mariin. Agad naghilom ang kanyang sugat sa tiyan at determinado siyang tumayo. Naiyukom niya ang mga kamao sa nakikita niyang pangyayari. Inalalayan ni Chaos ang nagsusumamong Divine. Tatakas na sana ang mga ito ay agad siyang nagteleport sa harapan ng dalawa. Malakas niyang sinuntok si Chaos sa tiyan kaya tumalsik ito sa malayo at nasalampak naman si Divine sa lupa. Agad ginapos ni Blaire ng mga Vines si Chaos at nagpupumiglas naman ito. Binalingan niya muli si Divine na ngayon ay gumagapang sa lupa at unti unti na itong nakalayo mula sa gawi niya. Agad siyang nag teleport sa uluhan nito at gulat namang nagtaas ng tingin si Divine. Hinila ni Blaire ang buhok ni Divine at sapilitang pinatayo.

"What have you done to my Four?" talim tanong ni Blaire. Ngumisi lang si Divine kaya binalibag na naman niya ito sa lupa. Naagaw ang kanyang atensyon nang may bolang apoy ang tumama sa kanya at medyo tumalsik siya ng kaunti ngunit agad namang nakabangon.

Nakita niyang nakawala si Chaos kaya agad niya itong ikinulong sa malaking Water ball. Muli niyang binalingan si Divine at agad nanliit ang kanyang mga mata nang di na niya ito nakita.

Matiim niyang nilibot ang paningin at nahagilap niya sa Divine na nagtago sa isang gusali. Nahuli naman siya nitong nakatingin kaya dali-dali itong umatras. Kumulo ang dugo niya at agad siyang nag teleport sa harapan nito. Nagulat naman si Divine lalong lalo na't may kamay ang sumakal sa kanyang leeg. Hinigpitan ni Blaire ang pagkasakal dito at nagpupumiglas naman ito.

"B-bitawan m-mo a-ako" nahihirapan nitong sabi ngunit di nakinig si Blaire at may mga luha namang bumagsak sa kanyang mga pisngi.

"P-please m-maawa k-ka, g-gusto ko pang m-mabuhay" pagmamakaawa nito at napukaw naman si Blaire kaya lumuwag ang pagkasakal niya. Unti unti namang lumambot ang kanyang puso dahil sa mukha nito.

Tuluyan siyang nakaramdam ng awa kaya inalis niya ang kanyang kamay. Umiyak naman si Divine ngunit agad itong ngumisi at hinawakan ang kanyang mga braso.

"Hahahahaha dadalhin kita sa panginoon_" hindi na ito nakapagsalita nang naging abo nalang ito bigla dahil agad naging itim ang mga mata ni Blaire sa galit.

Blaire POV

Kinalma ko ang sarili at naramdaman ko namang unti unting kumalma din ang malakas na enerhiyang nananalaytay sa akin. I killed Divine. If she being sincere to her obtestation I'm willing to spare her life but she wasn't instead she provoked me. Nagsimula na akong naglakad at tinapunan ko ng tingin si Four. Pinaglaho ko ang tubig na nakabalot sakanya at bumagsak naman siya sa lupa. Bumuntong hininga ako at di na siya pinagtuunan ng pansin. Pinabalik ko naman ang guardian ko sa aking katawan.

Lumapit naman si HM sa akin na may ngiti sa mga labi.

"Welcome back Blaire o sasabihin nating itinakda" mainit salubong niya sa akin at nagulat naman ang lahat. Napangisi ako bago tumango.

"Huh? Siya ang itinakda? Gosh baka galit na yan sa atin"

"Myghod! Nagkamali tayo"

"Siya ang itinakda at pinagtabuyan pa natin siya"

"Oh no! hindi ko carry ito, baka patayin niya ako dahil sa nagawa ko sa kanya noon"

"Blaire" may mga boses namang tumawag sa akin mula sa likod. Alam kong ang mga prinsesa ito ngunit di ko sila pinansin.

"Ikaw na ang bahala sa mga nasira HM, magpapahinga lang ako" seryoso kong sabi at tumango naman siya. He has a power of creation that's why it's easy for him to handle the damaged. May ganun din akong kapangyarihan ngunit mas gusto kong magpahinga. Tinalikuran ko na silang lahat at nagsimulang naglakad.

"Blaire!" tawag ng mga Royalties sa akin. I still didn't bother to face them but I did stop to walk when there was someone appeared in front of me.

"Threes are you okay?" napakurap ako dahil sa nag-alala niyang tanong. Lumambot naman ang puso ko ngunit agad ding napalitan ng inis. He held my arms just to check if I have a wound attained.

"Don't touch me" malamig kong sabi at agad kung piniksi ang mga kamay niya. Nagulat naman siya doon kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Why? What's the matter?" he asked confusingly. Seriously? He still have the guts to asked that? I clenched my fists. Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat?

"Stop acting that you care co'z you're not" talim kong sabi. Ito yung sinabi niya noon.

"What? What are you talking about? Ofcourse I care" mas lalo naman siyang naguguluhan kaya mas lalo akong nainis. Lalagpasan ko na sana siya ngunit agad niya akong niyakap na nakapagpagulat sa akin. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko.

"Please Threes don't be like this, it's killing me inside" mahinang pagmamakaawa niya at napapikit naman ako dahil parang may kung anong natunaw sa akin. Ngunit isang imahe ang lumitaw sa aking isipan. Nakita ko ang isang pangyayari pagkatapos nung iniwan ko si Four sa silid niya. Nakita ko si Divine na nakatayo sa paanan ng kama ni Four habang siya ay tulog. Ang gabing iyun ay ang gabi na pinagtanggol ako ni Four sa harapan ng mga mapanghusgang estudyante dahil sa dalawang babaeng namatay. Pagdilat ko ng mga mata ay agad kong naiyukom ang mga kamao.

How dare her to put a dark spell to my Four. A dark spell is a kind of spell that can manipulate the person, not just the mind but also the heart. The only way to eliminate the spell is to kill the person who did.

Sapilitan akong kumalas sa yakap niya. Sa ngayon, kahit wala siyang alam sa kasalanan niyang nagawa ay di ko parin siya magawang mapapatawad ng ganun kadali. Mas mabuting ipag palipas ko muna ang galit at sakit. Nagsimula akong naglakad ngunit agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko.

"Threes, please tell what's going on? I'm begging you" pagmamakaawa niya at napapikit naman ako ng mariin.

"Let me go, I need to rest" malamig kong sabi para itago ang namumuong emosyon sa aking dibdib. Unti-unti namang lumuwag ang pagkahawak niya sa akin.

"Okay, you may take a rest but expect that I won't stop until you will tell me what's going on. I'll do everything for you to comeback Threes. I'm willing to dig beneath from the ocean just to seek your heart and claim it again" determinado niyang sabi at tuluyan niyang pinakawalan ang pulsuhan ko. Para namang tumalon ang puso ko sa saya ngunit agad kong pinigilan ang aking nararamdaman. Huminga ako ng malalim at dali-daling naglakad paalis.

@Missloorh

Did I surprise you? Charot! Grabe ang daming rebelasyon ng chapter nato mwehehehehe at talagang pinatay ko si Divine hahahahah but anyway, sana nag-enjoy kayo

Thank you so much for reading! Mahal ko kayo! Ti amo tanto! Muahh

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...