Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 5

134 2 0
By issakalsada

Chapter 5
Kiss

Kinaumagahan, bumalik ulit ako sa gubat. Baka sakaling matagpuan ko na ang hinahanap ko. Kahit alam kong magagalit ang may-ari, sa tuwing pumupunta ako dito,para akong nahi-hipnotismo sa ganda ng tanawin. Naakit ako na maligo ng paulit-ulit.

Hindi ko naman magawang maligo sa dagat dahil maraming tao, dito, mag-isa lang ako.

Nauubos ang oras ko sa paghahanap ng bagay na alam ko naman na hindi ko na mahahanap. So, I decided to take a dip. Wala namang tao so I'll violate the rule once again. They say that I'm a trouble maker, but I'm not just that, I'm also a rule breaker. And no one can stop me from whatever I want to do.

Hapon na ako ng natapos sa paliligo at napagpasyahan ko pang maglakad-lakad. Boring sa bahay at alam kong wala pa doon si Nanay.

Hindi ko namalayang nakalayo na ako at hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Nakakita ako ng Resto bar. "Conde Victoria Restobar" ang nakalagay sa itaas ng entrance. Nakarinig pa ako ng isang malamig na boses. Boses ng isang babaeng kumakanta sa loob. Hindi na ako nag-abala pang pumasok at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Stars conquered the sky. Malamig ang simoy ng hangin at buti nalang palagi akong may dalang jacket sa tuwing aalis sa gabi. Hindi naman ako pwedeng malamigan, mahirap na. I don't bring my inhaler everytime na lalabas ako.

"Kung sinu-swerte ka nga naman,may magandang dilag pa na napadpad dito." Hinarangan ako ng isang grupo ng kalalakihan. Lalagpasan ko sana pero humarang ulit sila.

"Alam mo bang nasa teritoryo kita? At hindi ka pwedeng umalis nalang basta." Sabi ng isang matangkad na lalaki sa gitna. Lider ata nila.

"Tabi." Malamig na utos ko sa kanila.

"Naks naman! Ang ganda na, ang tapang pa!" Sabay tawa nila. May nakakatawa ba?mas nakakatawa ang mga mukha nila.

Tinaasan ko sila ng kilay at humakbang palapit sa kanila. Akala nila, natatakot ako? Natatakot is understatement!

Ayaw ko ng gulo at pinipilit ko naman ang sarili ko na umiwas kung maaari, pero bakit hindi ako tinatantanan? Pinanganak na ata akong lapitin sa kapahamakan at hindi ko na ito maiiwasan.

"Marunong ka bang maglaro ng bilyar?"

"Isang laro lang, Miss. At kapag nanalo ka, malaya kang makakaalis."

"'Yon ay kung mananalo ka." Sinabayan pa nila ito ng mala-demonyong tawa.

Bilyar ba kamo? Hinablot ko ang taco na iwinawagayway ng lider nila sa harapan ko at pumasok sa loob ng bilyaran. May mga taong naglalaro at nagkakatuwaan pero natigil sila ng pumasok ako kasama ang mga lalaki sa likod.

"Mukhang may laban!" Pinalibutan na kami ng mga tao at manonood pa ata.

Naglabas ako ng isang libo at nilapag iyon sa harap. Walang ganang umupo muna ako sa high-chair sa gilid at pinagmasdan ang lider nila. Nagbukas ako ng bubblegum at kinain iyon.

"Mukhang hinahamon ka boss ah?"

"Go babe! Kaya mo 'yan. Isang hamak na babae lang 'yan eh." Malambing na sabi ng isang babaeng maikli ang suot na short at sando. Naghalikan muna sila sa harapan namin. Naghiyawan ang mga tao. What a scene!

Naglapag din sila ng pera at pumuwesto na ako.

"Ako si Michael. Ikaw?" Nagawa pang magkakilala ng isang ito ah? Tinitigan ko lang ang kamay niya sa ere.

"Let's start." Sa halip na sabi ko at in-snob siya. Humalakhak muna siya bago kinuha ang sariling taco.

Mabilis nagsimula ang laban. Nauna siyang tumira at agad naipasok ang unang tatlong bola. May mga pumalakpak sa kanya at naghiyawan ulit. His girlfriend even kissed him once again.

Tumira ulit siya pero pumalya na siya ngayon.

It's my turn now. Step back everyone. I know the techniques and stance on this game. Don't underestimate me. "Queen of Billiards" 'yan ang bansag saakin ng mga kasamahan ko sa Maynila.

Nginisihan ko muna si Michael bago ipinasok ang limang bola, ng sunod-sunod. Napasinghap ang iilan. Galing sa prenteng pagkakaupo, ngayon ay nakatayo na siya. Tensyonado. Madilim ang kanyang titig sa bawat bolang pumapasok.

Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan mo. Baka sa kangkungan ka pulutin.

Naging mainit ang laban. Ang kaninang tapang at yabang na ipinakita niya saakin, napalitan iyon ng pagkainis.

"Sa susunod, kilalanin mo muna kung sino ang hahamunin mo para hindi ka pulutin sa kangkungan." Paalala ko sa kanya at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

Nakangising tinapon ko ang taco sa ibabaw at kinuha ang pera. Iniwan ko silang nakanganga. Iritado din si Michael at pinagtatawanan na siya ngayon ng mga kasama dahil natalo siya ng isang babae.

"Teka lang, Miss!" Marahas na may hinablot ng braso ko. "Hindi ko pa pala nasasabi sayo ang rules dito. Kaya hindi ka pa pwedeng umalis."

"What rules?"

"Na kahit manalo ka, kailangan halikan mo pa rin ako para—"

"Halikan mo ang kamao ko!" Agad na lumapat ang kamao ko sa mukha ni Michael. Muntikan pa siyang matumba kung hindi lang dumating ang mga kasama niya at nasalo siya. Fuck!

Tumakbo ako palayo sa kanila.

"Habulin niyo ang babaeng 'yon! Hindi siya pwedeng makaalis! Letse!" Sigaw ni Michael.

Lumusot ako sa mga eskinita haggang sa makalabas na ako doon. Hindi pa nga ako nakakahinga ng maluwag, nasa likod ko na agad ang mga humahabol saakin kaya tumakbo ulit ako.

May nakasalubong akong lalaki at hinablot ang braso ko at sumiksik kami sa madilim na parte. Nakasandal ako sa pader at itinago ang sarili sa katawan ng lalaking hindi ko naman kilala. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo.

I was about to push this man but he stopped me. "Shhh..."

Isang malamig na bagay ang tumama sa dibdib ko.

"Nandito lang 'yon eh! Hanapin niyo!" Nataranta ako at hindi alam ang gagawin.

Mabilis kong hinaklit ang damit ng lalaki at inilapat ang labi ko sa kanya. Idiniin ko pa lalo ang katawan niya saakin. This is the only way para hindi ako makita ng mga letseng 'yon!

Kumunot ang noo ko dahil bigla nalang gumalaw ang labi no'ng lalaki at marahan niya akong hinalikan. Hindi ako tumugon sa halik niya. Tinulak ko siya matapos maramdaman ang kanyang pag-ngisi at ang unti-unting paghaplos nito sa bewang ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko at tinulak siya ng malakas.

Tumama ang ilaw ng poste sa mukha niya kaya nakilala ko siya.

Fuck! Cross?

"What are you doing here?" Galit na sambit niya.

Letse! Sa dinami-rami ng mga lalaki dito, bakit siya pa?!

"Teka lang!" Sumunod siya saakin nang mag-martsa na ako paalis. "Hey!"

Hindi ko siya pinansin. Sunod parin ng sunod! Letse naman oh! Iritadong-iritado na nga ako, dumagdag pa siya!

"Bakit ang lagkit—"

"Ano?!" Tumigil ako at hinarap siya. "Anong malagkit?!" Saka binablot ang kwelyo ng kanyang damit.

"Ang lagkit ng mga braso mo. Ano bang iniisip mo?" Then he smirked.

"Gago!" Bulyaw ko sa kanya.

Naglakad ulit ako. Syempre hindi pa ako nagbabanlaw! Nanlalamig na nga ako eh.

"Bumalik ka nanaman doon? Gabi na ah? Saka anong ginagawa mo dito? Buti nalang dumating ako." Para siyang bubuyog na bubulong-bulong, naririnig ko naman.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Bat ka ba nagagalit? Eh, ikaw itong unang humalik saakin ah?"

"Pwede ba, tumahimik ka nalang?"

"As if naman first kiss mo 'yon..." Sandali siyang hindi nagsalita. "What the! Fuck! Is that your first kiss? I'm your first kiss? Kaya ka ba nagagalit?" Humagalpak pa siya ng tawa at ready ko na siyang bigwasan pero nagtitimpi lang ako!

I've never been kissed and yes, damn it! That was my fucking first kiss! At sa kanya pa napunta? Kung minamalas ka nga naman oh!

"I'll take responsibility." What the hell is he talking about? May responsibility responsibility pa siyang nalalaman. Meron bang ganoon?

"Hindi ikaw ang first kiss ko! Bakit ba kasi sulpot ka ng sulpot? Ikaw tuloy ang nahablot ko!"

"What? Bakit? Hahalikan mo din ba ang kung sino man ang makakasalubong mo para lan—"

"Bakit hindi? Gagawin ko din naman iyon sa iba kahit hindi ka dumating!"

"Fuck!"

Hinablot niya ang braso ko kaya napasandal ako sa dibdib niya. I heard his heart beating so fast and loud. Tumingala ako sa kanya at nagpumiglas. Ngunit sadyang malakas siya.

I saw his perfect angled jaw line, his pointed nose. And his face darkened more, the ruthlessness on his eyes were very evident.

"Don't you dare." He said with a deep, dark and demonic voice.

He suddenly brushed his lips on mine.

"Buti nalang pala, hinanap kita." He said between our kisses.

Nangantog ang tuhod ko. Kung hindi lang niya hawak ang kamay ko at nakasuporta ang isa niya pang kamay sa bewang ko, baka bumagsak na ako sa sahig.

"From now on, all your kisses are mine." Bulong pa niya.

"Ano ba?!" Tinulak ko siya at isang malutong na sampal ang iginawad ko sa kanya.

"Whoah! Ganito ka ba magpasalamat? You're welcome." He said sarcastically. "Sakit ah. Feeling ko mamamaga ito." Reklamo niya.

Arte neto. Feeling niya lang 'yon.

Natigilan ako dahil sa pagtitig niya saakin mula ulo hanggang paa.

I'm wearing an oversized white shirt at leggings. So what's the problem? May problema ba siya sa suot ko at lagi ko nalang napapansin ang pagtatagal ng titig niya dito?

And hell, who is he? He doesn't have the rights to look at me like he wants to eat me!

Just what, Rielle?! What the hell are you thinking?!

Continue Reading

You'll Also Like

205K 3.7K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
58.6K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING