Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Om...

By PsychopathxXx

2.3M 71.2K 32.7K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Dull Rainbow
2. Second Time Around
3. Sly Price
4. Sugar Daddy
5. Allergic Reaction
6. What Happens in the Island...
7. . .Stays in the Island
8. Island's Secret
9. First Date
11. H-ha?
12. Yours, Always
13. Perfect Two
14. Nice One...
15. Superman's Weakness
16. Disastrous Meeting
17. Innocent Seductress
18. Mask of Deception
19. Love is a Sacrifice
20. Letter of Truth
21. The Dose Makes the Poison
22. Departure
23. Knight in Dashing Suit
24. Wedding Invitation
25. An Alpha's Repercussion
26. After the Rain
27. Que Sera, Sera
28. Change of Heart
29. Good Things Come to those Who Wait
30. His Ultimate Downfall
Epilogue: Forever and Always
SPECIAL CHAPTER

10. Naked Truths

66.6K 2.1K 881
By PsychopathxXx

CHAPTER TEN

"Anak, iyan nga pala iyong mga envelope sa'yong adris ang nakalagay. Inipon ko muna noong nakipagtanan ka..." Manang giggled.

"M-manang nga!" I pouted. Tinanggap ko ang inabot niyang mga sobre sa akin. I wonder why I have those.

Humagikhik lang ang matanda bago ako iwan sa aking kwarto. Namumula ang buong mukha ko sa komento niya. Talagang iniisip pa rin nilang nakipagtanan ako.

Noong minsa'y nakita nito ang wallpaper ng phone ko. It was a stolen picture of Zak and Zahara playing. Ipinasyal namin ang baby naming dalawa. Masaya na naman ang puso ko. Kampante. I took the picture and made it my wallpaper.

At dahil may katandaan na si Manang, halos lahat ay mayroong malisya para sa kanya. She was right on that thing. Nobyo ko naman talaga ang isang Khromov Zakhar Petrovich.

Sa isiping iyon, napangiti ako.

Excited akong tiningnan ang unang envelope. Dalawa lang ang envelope na binigay ni Manang. My eyes widened as I read what it said. A special class with one of the most renowned painter of this generation! Oh my gosh! I was hyperventilating. Pinaypayan ko ang sarili ko, tinapik ko pa ang aking pisngi para siguruhing hindi ako nanaginip.

Finally, I am going to meet Mr. Phoenix Isla Trevino. I've been wanting to meet him, but I am poor to avail one of his classes. Isa pa, hindi naman ito naglalagi sa Pilipinas. It's one of a lifetime opportunity for me.

Mas lalong nanlaki ang mata ko nang mapagtantong ilang linggo na lang ito gaganapin. I haven't practiced for so long. Mangiyak-ngiyak akong napatingin sa sertipikasyon ng pagtanggap sa isa sa mga klase nitong gaganapin sa Pilipinas.

Dumako ang paningin ko sa sunod na sobre. Ganoon din ang panlalaki ng mata ko ng buksan ko iyon. It was Aramis! Ilang pictures iyon ng best friend ko mukhang sa isang malaking mansyon. She was all over the place. Hindi ako sigurado kung saang lupalop siya ng Pilipinas, she looked more beautiful in tan. I bet, she got herself a nice vacation.

I smiled. After her heartbreak with Dylan, I just want her to find the happiness and move on from his cheater ex. Itinago ko ang pictures ni Aramis, I would decorate her pictures in our apartment one of these days.

Kinuha ko ang phone ko at nag-type ng message para sa isang tao.

To: Zak <3

Are you busy? I miss you.

P. S. I'm not stuttering in text hehe :))

Sent.

Within a span of seconds, I heard my phone vibrate. Napangiti ako nang makita kong may reply ang boyfriend ko.

From: Zak <3

Still, I want to hear your voice. No matter how you stutter, I want to hear it. Don't deprive me, baby.

Another beep.

From: Zak <3

Can I call now?

Mabilis akong nagtipa ng reply.

To: Zak <3

Do you want me to send Zahara's picture? She's getting bigger.

Sent.

Pag-iiba ko ng usapan. I'm not really a call person, mas gusto kong i-type ang sasabihin ko. While my boyfriend on the other hand, gusto niyang tinatawagan ako. Sometimes, I'm already asleep and the call is still on going. The next morning, he's greeting me with his husky voice.

Hindi pa rin ako sigurado kung natulog ba ito habang natutulog ako o pinakinggan niya lang ang mumunting sounds na ginagawa ko sa pagtulog.

From: Zak <3

Please.

: (

I bit my lip. Hindi pa ako nakakasagot ng oo, lumiwanag na ang screen ng phone ko. It was indicating an incoming call. Bahagya akong nataranta nang makita ang pangalan ni Zak sa screen. Siya lang naman ang kaisa - isang taong tumatawag sa phone ko.

Bumagsak ang katawan ko sa kama. Aligaga kong sinagot ang tawag.

"H-hello..."

"What's up, baby?" Another wave of erratic heartbeats overwhelmed my being. My breathing stopped for a moment. Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko nang tumawa si Zak sa kabilang linya. "I miss you, too, kitten."

"S-sinong nagsabing m-miss kita?" I pouted.

Sumeryoso ang kanyang boses. "My bad, I assumed." I couldn't sense the other emotion when he said that.

"M-mali kasi 'yon, sobrang m-miss kita, Z-zak."

Natahimik ang kabilang linya. Kahit iyong paghinga niya ay hindi ko marinig. Nanlaki ang mata ko, anong nangyari? Patay na ba si Zak? Patay na patay sa akin? Hehe. Hindi kinaya ang kilig.

"I'm coming home to you,"

Namilog ang mata ko sa tuwa. "T-talaga?"

"Yes, wait for me."

"A-always,"

Khromov Zakhar is such a busy man. Madalas siyang nasa Russia, he run things around there. Lalo nang ilang buwan din siyang nawala noong stranded kami sa isla. The trip from Moscow to Manila was exhausting him. He never complained.

"My b-best friend s-sent me photos and post cards! She l-looked tanned. Tapos I got in one of the f-famous painters class to be h-held here in Manila. I'm excited, Zak." kwento ko rito.

I always told him how my day was. He listened. And I asked him how his day went, and just groaned. Ang stupid daw ng mga tao sa paligid niya. Zak can be so mean sometimes.

"Congrats, baby. You deserve everything life has to offer, including me." Zak chuckled sexily. Ako naman ang natameme. "What do you want for a celebration? Dinner? Movie date? Let's visit a museum, you like that? Or me."

My face flustered once again. "H-ha? Pwede bang a-all of the a-above? Hehe."

"Whatever you like... I'm yours."

"O-okay,"

When I looked up, I saw Manang Lukreng grinning at me like crazy. Mayroon siyang dalang fresh towels and sheets. Ibinaba ko ang tawag ng hindi nagpapaalam kay Zak. Nakaramdam ako ng hiya kay Manang. Narinig niya kaya?

"A-ano... H-hindi naman po..." Kabang - kaba ako.

"Ay, nako. Ang isda talaga'y nahuhuli sa sariling bibig." sinabi niya nang makahulugan. Ayoko sa ngisi ni Manang. Nang-aasar iyon.

Lumabi ako. "Hindi naman po ako i-isda, Manang."

Inilapag niya sa kama ang bed sheets na nilabhan.

"Ayos lang namang umibig, isa pa, hindi ka na naman bata. Malalaki na kayo pareho ng ate mo. Ang akin lang sana, 'wag magpapabuntis ng hindi pa handa sa magiging responsibilidad." pangaral niya. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha.

I was hyperventilating at the thought she was trying to inflict my mind. "Manang, b-buntis po agad?!"

"Bakit hindi? Ganoon na ang panahon ngayon, alam mo ba noong kapanahunan ko—"

"P-panahon pa ho iyon ng H-hapon..."

Nanlaki ang mata ng matanda. Kitang - kita ko ang disgusto sa mukha ni Manang. "Ikaw na bata ka!"

I giggled. Tumayo ako para hindi maabot ng pagtatangka niyang mangurot. Hindi na ako tinangkang habulin ni Manang kagaya ng dati. Another sign of old age. Humagikhik ako.

Nang makalabas ito ng kwarto, binalikan ko ang phone na nahulog sa kama. I was shocked that the call hasn't ended.

"Z-zak? Are you still t-there?"

"Hm-mm, I'm always here."

***

To: Zak <3

Malapit na ang dinner. Manang cooked sea foods : (( Nalimutan niya yatang bawal iyon sa akin. I'm starving. : ((

Sent.

Kunot na kunot ang mukha ni Papa nang bumungad ako sa kanya sa hagdan. I looked at myself and my pajamas. Ayos naman ang suot ko, wala naman akong dumi sa mukha.

"What are you wearing, Rainbow?" he asked with a creased forehead.

"P-pambahay, Papa." sagot ko. Sumama ako sa kanya papuntang dining table. Hindi na ako tumulong kay Manang, usok pa lang ng nilulutong sea foods niya, nagre-react na ang balat ko.

Buhat ko si Zahara na may dalang small carrot. Binalingan ako ni Papa ng tingin. "We have a visitor, be presentable, anak."

"T-talaga po? Kaya pala nagluto si Manang ng sea foods, e 'di ba, Papa, b-bawal naman iyon sa akin?" I pouted. "Anong k-kakainin ko sa d-dinner? Tapos n-nagagalit siya kapag tini-tease ko na p-panahon pa ng Hapon..."

Amused na tumingin sa akin si Papa. He shook his head. "Anak, hindi naman panahon ng Hapon si Manang, panahon pa siya ng Espanyol."

Namilog ang mga mata ko. "Ganoon k-katagal? E 'di dapat p-patay na po siya?" Papa laughed.

"You are so gullible, Rainbow. Kaya homeschooled ka, natatakot akong ma-kidnap ka ng kung sino - sino. You're trusting everyone." Hinaplos niya ang baby ko sa aking bisig. "Now, change your clothes. The visitors will be here any moment. Ransack your sister's closet. I am sure, it has a lot of dresses you can choose from."

Mabilis akong umiling. "It's s-suicide, Papa!"

Tumawa lang ito at naglakad papasok sa hapagkainan. Naiwan akong nakatayo sa may pinto. Papatayin ako ni Reign kapag nangialam ako sa gamit niya, mas lalo na ang kanyang damit! She just knows it.

"Rainbow, ano pang ginagawa mo r'yan? And'yan na ang bisita ng daddy mo." sinabi ni Manang. Dahil hindi pa rin ako umaalis sa tayo ko, hinila niya ako sa kung saan.

Natagpuan ko ang aking sarili sa main door ng bahay. Ibig sabihin, I have to greet the visitors with Manang. Dapat yatang mas sinunod ko ang payo ni Papa.

Hindi ko nagawang umeskapo ng bigla na lang bumukas ang main door. Pumasok ang ilang kalalakihan. Halos panawan ako ng ulirat nang mapagtanto ko kung sino ang mga iyon. Nagyuko ako ng ulo.

"Welcome to the Sy's household, gentlemen." sabay - sabay na bati ng mga kasambahay.

Most of them just passed the main door. One in particular stood in front of me. Kilalang - kilala kung sino iyon. Nakapamulsa ito.

His baritone voice filled the room. "You must be one of the daughters of Richard Sy, I'm Khromov Zakhar Petrovich." Naglahad pa ito ng kamay.

Nang mag-angat ako ng paningin, sumalubong ang bahagyang nakakaloko nitong ngisi. I blushed ferociously. At the same time, natatawa ako. Hindi ko magawang tanggapin ang kanyang kamay, nasa bisig ko pa rin si Zahara na mukhang hindi na-recognize ang daddy niya.

I couldn't help but smile.

"Ser, teka lang, may boyfriend na iyang alaga ko." natatawang wika ni Manang.

Pumormal ang mukha ni Zak. "Shame. Her boyfriend must be so lucky, huh." He has that sly smirk on his face.

After saying that, Zak proceeded to go with his colleagues. Nauna na ang mga ito sa kanya. Maliban doon sa Chinese.

Kinurot ako ni Manang nang makalayo sila. Kilig na kilig ito. "Mukhang bet ka noong lalaki. Ang gaganda talaga ng mga alaga ko."

Kumamot ako sa ulo. "B-bet ko rin po s-siya, Manang."

Her eyes widened. "Masama ang mamangka sa dalawang ilog. Paano ang boyfriend mo, aber?" Hindi ba nito natatandaan ang paintings ko noon? It was Zak. Ang tinawag niyang duling.

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "S-siya po ang boyfriend ko, Manang."

The old woman gasped loudly.

***

From: Zak <3

Where are you, kitten? Why didn't you have dinner with us? Have you eaten? I brought you foods.

Received.

Napabangon ako para basahin ang text message na na-receive. Sakto namang nakarinig ako ng pagkatok sa pinto.

Bumaba ako sa kama at tinungo ang pintuan. Bumungad si Zak na nakasandal sa hamba ng pinto. Mayroon siyang basket ng pagkaing hawak. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. He was supposed to be in the dinner table with my father.

Nilakihan ko ang pinto at pinapasok siya. Nang maisara ko ang pinto, hinila niya ako palapit sa kanya at siniil nang masuyong halik. It was soft and intense. Ramdam ko ang pagkasabik at pangungulila ng halik na iyon. I missed him, too. I missed him so bad.

Pumalibot ang aking braso sa kanyang nape habang pinagsasaluhan namin ang halik. I made soft moans. Habol ang hiningang binitiwan ko siya. He kissed my forehead. Kinabig niya akong muli para sa isang mahigpit na yakap. Pulam - pula na naman ang aking pisngi.

Kung kailan tapos na, saka pa ako tinatamaan ng hiya.

I could hear his beating heart against mine.

"I missed you." Zak whispered.

"I m-missed you, too."

Pinitik niya ang ilong ko. Nilibot ni Zak ang kanyang buong paningin sa kwarto. Then, he went to my bed. Inabot ko ang basket na dala niya. Nahiga siya roon.

"W-why are you h-here?" I asked him. Naupo ako sa gilid ng kama. Binuksan ko ang laman ng basket, nagtubig ang aking bagang sa pagkaing nakahain.

"Don't you want me here?" His brow rose.

Umiling ako. "H-hindi naman sa ganoon, s'yempre, g-gusto ko. G-gusto kita."

Zak chuckled. Hinigit niya ang kamay ko, napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Our distance made me blush.

"Baka h-hinahanap ka na ni Papa..." I told him.

He shook his head. "I told them, I need to use a comfort room. Your Manang has her eyes fixated on me, kitten. Does she know already?"

I nodded and scratched my head. "Is it o-okay to you?" hindi ko siguradong tanong.

Kumunot ang noo ni Zak. "I'd be the happiest if you'll let me meet your loved ones, kitten."

I crawled on top of Zak and hugged him. Happy na naman ang puso ko. Rinig ko ang pagtibok ng puso niya.

"Hindi ka pa ba b-babalik sa d-dinner table?" I asked him after quite some time. Humigpit ang yakap niya sa akin at mukhang walang balak akong pakawalan.

He shook his head. "I want to be with you,"

"M-magtataka si Papa. B-bakit ang t-tagal mo mag-excuse..."

Zak caressed my cheek. "I'll just tell them I had toilet problems."

I looked up to see his creased forehead. "LBM?"

"Like that," He answered. Pinisil niya ang ilong ko. "Don't be so concerned about my alibi, kitten. I can handle it."

"Pero kapag s-sinabi mong ganoon, m-mapapagalitan ni Papa ang mga c-cook namin. N-napakain ka ng food na nagpa-LBM sa'yo, k-kawawa naman sila Zak..." I pouted.

Umigting ang kanyang panga. "Damn it. Why are you like that?"

I shrugged and drew circles around his chest. Natamaan ko pa yata iyong nipple niya. He was groaning from time to time.

"Five minutes more." He whispered.

I spent the five minutes hugging him, drawing things to his upper body and talked about casual things. I loved every bit of it. I am at peace when he is around.

Bumangon si Zak sa pagkakahiga nang matapos ang hinihingi nitong five minutes. He claimed my lips for a passionate kiss. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at aking sentido.

Inayos ko ang bahagyang nagusot na polo sa paghiga niya sa kama at ang tie na suot niya. Mayroon nga palang dalang pagkain si Zak para sa akin. Ni hindi ko iyon pinansin habang magkasama kami.

"Will you be a-alright?" I asked him.

Muli niyang pinisil ang aking ilong. "Of course, kitten. I'll be fine. Don't worry too much."

"K-kailan ulit tayo m-magkikita?"

"Hm, we'll celebrate tomorrow, you want?" Titig na titig siya sa akin.

Kinagat ko ang labi ko. "I... Itatanong ko pa kay P-papa, Zak. K-kailangan ko munang m-magpaalam." sagot ko.

I saw his amused expression. "Do you want me to ask your dad personally?"

Agad akong umiling. Ayoko namang biglain si Papa, isa pa, alam kong kapag sinabi ko iyon sa kanya, uulanin ako nang maraming tanong. I don't want that to happen. Not yet.

Sasabihin ko rin naman sa kanila, hindi pa lang ako handa. Ginulo niya ang buhok ko bago nagtungo sa pintuan. Nakasunod ako sa kanya.

Dinapuan niya ng isang swift kiss ang labi ko bago ito lumabas ng pinto. I waved my hand at Zak while smiling from ear to ear.

"Take c-care, Zak..."

Khromov Zakhar Petrovich just winked at me. I was stunned on the spot.

Hindi na ako nakabawi hanggang sa tuluyang papalayong likod na lang nito ang tanaw ko. Huminga ako nang malalim at isinara ang pinto.

Sumandal ako ng ilang minuto upang pagnilayan ang naturang pangyayari. Napangiti ako ng wala sa sarili. Bumalik ako sa kama kung saan nakalapag ang mga pagkaing dinala para sa akin ni Zak. I guess, they are Russian foods.

Mas lalong kumalam ang walang laman kong sikmura.

***

Sinundo ako ni Zak nang sumunod na umaga. Dala ko si Zahara, Momo at Sunshine. We went to my place. I'd love to spend our date in the comfort of my apartment.

Kaswal lang ang suot niya, with shades on pero napakagwapong tingnan. I look like his alalay. Nakakainis naman!

"Why is your forehead creased?" Zak raised a brow. The car stopped in front of my apartment.

"I... I am just thinking n-nonsense." I unbuckled my seatbelt, dodging the topic. Hindi binitiwan ng boyfriend ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Come on, baby, tell me what's bothering you. I'm here to listen the fucking nonsense you will utter." He encouraged.

Lumabi ako. "I don't l-look like your g-girlfriend, Zak. Mukhang akong a-alalay mo."

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Gusto kong pagkasyahin ang kabuuan ko sa mahabang skirt na suot. Nahihiya ako sa mga titig niya. And I'm kinda sacred, he'd realize how unattractive I look.

"W-what?"

"What?" pagbabalik tanong nito.

Humalakhak si Zak. Hindi ko alam kung anong nakakatawa. I don't know if I should take it as offensive, nakaramdam ako ng pagkainis. Pasimple ko siyang inirapan. I looked outside of the car.

Pinitik niya ang pisngi ko at pilit na hinaharap sa kanya. When I finally looked at him, he still has that amused smirk plastered on his face.

"You really think that? You look like an alalay?" Sumeryoso ang mukha ng lalaki. He's definitely foreign pronouncing the word. "I don't see you that way, in fact I see you as the future mother of my kids." Muli itong humalakhak nang pagmasdan ang reaksyon ko.

The ferocious heat on my face was too much to handle. Pulam - pula ako.

"T-tara na..." sinabi ko na lang.

Si Zak ang unang bumaba para pagbuksan ako ng sasakyan. He offered his hand to me, tinanggap ko iyon. Habang pasulyap - sulyap ako sa kanya, kita ko pa rin ang panaka - naka niyang pagngisi. I know he was still teasing me. Marahan kong hinampas ang kanyang braso.

"What?!"

"Nang-aasar ka!" Hinapit niya ang beywang ko.

"Pikon," bulong nito sa aking tainga. Kinurot ko siya sa tagiliran, nanakbo ito palalayo sa akin nang tumatawa. Siya ang unang nakarating sa pinto ng apartment.

Humakbang na ako pasunod dito ng mayroon akong naalala bigla.

"Zak!" I called him. "Ang mga a-anak natin,"

I almost forgot about Zahara, Sunshine and Momo on the back of the car. Nasapo ko ang noo ko. Ang bad bad ko namang mother.

Bumalik si Zak para kuhanin ang tatlong anak namin sa sasakyan. Zahara was still munching her carrots.

Binuksan ko ang apartment. Naunang pumasok ang apat. Sumunod lang ako. Muling pumunta si Zak sa sasakyan upang kuhanin ang pinamili naming groceries, dumaan kami sa isang grocery store habang nagdi-drive patungo ng apartment.

It was when I realized my ugly features. Ang sama - sama ng tingin noong cashier sa akin.

We'll stay in my apartment for the rest of the day. Hinayaan ko siyang gumawa sa maliit na kusina. Sinalansan niya ang lahat ng pinamili namin. Sobrang dami pala noon.

"Do you k-know kitchen c-chores, Zak?"

His brow raised. He nodded. "My father didn't hire a nanny when I was a kid, I have to figure everything out in an early age." kaswal nitong sagot. "How about you?"

"T-tumutulong ako kay Manang sa g-gawaing bahay,"

Noong bata pa ako, I thought I need to pay back Papa and Manang, pinamukha kasi ni Reign na sampid lang ako sa pamilya. In my little ways, I have to help them. Ayos lang sa akin ang ganoon, basta hindi nila ako ibibigay sa ampunan. Mas gusto ko pa sa ate ko, kaysa mapunta sa iba. Kahit awayin niya ako lagi, kahit second choice lang ako madalas, sila pa rin ang pamilya kong kinalakihan.

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang naghubad ng shirt si Zak sa harapan ko. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ako sigurado kung alin ba dapat ang takpan ko, ang bibig ko o iyong mata?

It wasn't the first time I saw his body. Pero ganoon pa man, nagha-hyperventilate pa rin ako simula't sapul.

His gaze met mine. Nagtatanong ang mga mata nito. "B-bakit ka ba biglang n-naghuhubad?"

"It's hot." He winked naughtily. Inilang hakbang niya ang paglapit sa akin. "Your face is red hot. What's the matter, baby?"

I braced myself and Zak chuckled sexily. "How will you paint me, then? You can't even look at my body properly."

My eyes widened even more. Hindi ko pa rin nalilimutan na gusto ko siyang i-paint, and it was a shocked that Zak didn't forget it, too. Usapan namin iyon habang nasa isla. And I'll only paint him if he's naked. Mas lalo akong pinamulahan.

He gave me a kiss on the lips. Masuyo, marahan. Still has the same effect on me and my body. I was ready to be consumed by the kiss, when a small baby broke us apart. Zahara was on both of our feet. It was trying to eat Zak's foot. Ubos na nito ang binigay kong carrot kanina.

I laughed at Zak's annoyance by Zahara. Binuhat ko si Zahara. Kumuha ako ng carrot sa paper bag at binigay iyon sa baby ko. She's such an intelligent one. I kissed the top of its head.

Naglaro kami ni Zahara, Momo at Sunshine, most of the time, hawak lang niya iyong carrot niya. Zak and I watched movies and cuddled. We kissed more often. Yakap - yakap niya ako. He assigned himself to cook for our lunch. Ang highlight ng araw na iyon, we posed for the camera as a family.

Mayroon na rin kaming family picture na ipi-print ko mamaya at napapayag ko si Zak na mag-picture. It was such an accomplishment.

We looked good together. And I would paint the very moment. Ngumiti ako. "Zak?" No response from him. "Zak, w-where are you?"

Tumayo ako. Inilagay ko ang phone sa ibabaw ng mesa para hindi mapaglaruan ni Zahara. Tinungo ko ang aking kwarto, wala siya roon. Pinuntahan ko rin ang kusina, hindi ko pa rin siya natagpuan.

I was about to go back to our mini sala, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa tapat ng pinto ng isa pang kwarto. It was slightly opened. That's where I store my art collection. And it seemed like he found it.

I sighed. Nakaramdam ako ng konting kaba. My art speaks for myself. My art is my life. My art is my naked truth and I felt bare.

Nang buksan ko ang pinto, nakapamulsa si Zak habang tinitingnan ang bawat painting. He looked really engrossed.

Tumikhim ako para ipaalam ang aking presensya. "How old are you when you started painting?" He was inspecting every bit of it. I was still seeing his muscled back. Hindi na talaga siya nagdamit.

"Young. V-very young."

"These are great, baby. Fucking awesome. They communicate with me. Every single piece reflects the truth."

Kinagat ko ang labi ko. I felt the surge of pride. "T-thank you."

Agad na nabawi iyon ng bigla na lang nitong i-harap ang isang canvass na sinadya kong tinalikod sa gilid. It was my imperfect version of him. Iyong duling!

Napakamot ako sa ulo. Humarap si Zak sa akin nang nakahalukipkip. His green orbs were so intense. Napahawak ako sa door knob pansuporta sa nanghihina kong tuhod. Pakiramdam ko ay mas lalong lumiit ang kwarto.

"So, I already have my piece, huh?"

Napanguso ako. "Ang g-ganda kasi ng e-eyes mo. I... I was attracted."

"Just my eyes, baby?" He dared.

I bit my lip again. "Don't bite that lip of yours, I'll bite it for you."

"I t-thought of it as a r-remembrance. I t-thought our paths wouldn't c-crossed again." sinabi ko. "G-galit ka ba, Zak?"

"Why would I? It's a pleasure to be painted by such a talented maiden."

Humaba ang nguso ko. "R-really? Kahit d-duling?"

"Duling, what?"

"It's i-imperfect, Zak..." nahihiya kong banggit. It was the truth. Duling siya roon sa painting, gaya din ng sabi ni Manang.

Hinawakan niya ang beywang ko. "Still, I appreciate it, kitten, and everything you do." Kinintalan niya ng halik ang noo ko. "Tour me with your nakedness."

Tinampal ko ang kanyang braso. "B-bastos!"

"It's not." Humalakhak ito.

Kagaya ng sinabi niya, inusisa pa namin ang mga paintings ko. Pinaliwanag ko ang ilan sa kanya. Hindi naman siya nagtanong ng karagdagan sa ibang paintings ko. Some abstracts were meant to be understood by one's perspective. Hinayaan kong i-indulge niya ang kahubdan ko sa mga paintings na gawa ko.

Most of my art were stored in this room. Wala pa akong lakas ng loob na ipakita iyon sa mundo. I never had my own exhibit. Pili lang din ang paintings na ipinapakita ko sa ilang kliyente.

"Who's she?"

I blinked several times. "My m-mother..."

Huminga ako nang malalim habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanyang mukha. Her vibrant smile was visible, but her eyes couldn't lie. It didn't match her smile. There was something in there that etched my mind, hanggang ngayon tanda ko ang ekspresyon niyang iyon. It haunted me even in sleep.

"She is beautiful just like you are," seryosong sabi ni Zak sa tabi ko. Indeed, she was beautiful. But Reign resembled her in more ways than I am. "Will you let me meet her?"

I shook my head.

"She's d-dead, Zak..." I breathed hard. "She was killed in front of me..."

Inhale. Exhale.

"...of someone I used to know."

Ngumiti ako nang makahulugan.

[END OF CHAPTER TEN]

Gong Xi Fa Cai! And advance Happy Valentine's Day! Enjoy and stay awesome!

Chi xx

Continue Reading

You'll Also Like

6K 265 11
ROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their en...
2.9M 67.6K 55
Del Russo Series #6 *** Oh, yes, he's the great pretender.....until she came along. *** Please be advised that this book contains sexual scenes, foul...
101K 3.4K 38
She's a gold-digger... In this economy, respect the hustle. The Gold-digging Mastermind | PsychopathxXx __________ Warning: R-18 | Story not suitable...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...