One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 28

1.7M 36.2K 6.3K
By jonaxx

Kabanata 28

Nervous

Tinukod ko ang aking siko sa pintuan ng sasakyan niya habang umaandar ito patungo sa tinukoy kong restaurant. Tinipa ko na kanina pa ang message ko kay Adrian na magkita kami roon ngunit wala parin akong natatanggap na reply galing sa kanya.

Halos isang oras akong sumubok na paandarin ang sasakyan ko kanina. Nang iinis na si Brandon sa harap at iritado na rin ako. Panay ang alok niya sa akin na ihahatid niya raw ako. Syempre, ayaw ko. Ngunit tsaka pa lang ako nag desisyon na payag ako nang nakitang lumabas ng elevator si daddy. Paniguradong pag nakita niyang naroon parin ako sa sasakyan ko kanina ay siya na ang maghahatid sa akin kaya pinili kong mag pahatid kay Brandon sa pagkakataranta ko.

Pangalawang beses nang tumunog ang cellphone niya. Ngayon ay pinindot niya ito habang natatraffic kami sa EDSA. Naka konekta iyon sa speaker ng kanyang sasakyan kaya ayaw ko mang makinig ay naririnig ko iyon.

"Mr. Rockwell, dumating na po ang blueprint ng dinesensyo niyong hotel. Naayos na ito ng architect." Sabi ng isang malalim na tinig.

"Okay, Hayes. Naka rest day ako ngayon. Ilagay mo na lang sa mesa ko. Bukas, titingnan at irereview ko iyan." Seryosong sinabi ni Brandon.

"Okay po." Sabi ng nasa kabilang linya bago naputol.

Pagkatapos niyang huminga ng malalim ay may tawag ulit at tungkol parin iyon sa trabaho. Hindi ko alam na seryoso pala siyang mag trabaho. Ang naisip kong ginagawa niya sa Highlands ay ang tumambay lamang doon mag hapon. Sumagi rin sa isip ko noon kung nagtatrabaho nga ba siya o ano.

"Mr. Rockwell, nag resign na si Miss Anne. Kanina siya nag pasa ng resignation letter. Tingin ko po ay kailangan niyong malaman iyan kaya ako ang tumatawag sa iyo." Ulit ng parehong malalim na boses.

"Oh! Bakit? Pwedeng pakikuha sa HR ang mga files sa pwedeng pumalit bilang sekretarya, Hayes? Kampante akong nagbabakasyon kasi binibigay niya sakin ang mga kailangan ko through email. She can't just resign. Kailangan niyang i turn over sa papalit sa kanya. Or at least train the new one." Medyo iritadong sinabi ni Brandon.

"Should I tell her to stay sir? Sasabihin ko bang iyan ang gusto mo?" Diskumpyadong tanong ng kabilang linya.

"Please, Hayes." Sabi ni Brandon bago pinutol ang kanyang linya.

Huminga siya ng malalim at pinaandar ang sasakyan. Halos marinig ko na ang frustration sa paghinga niya. Umirap ako sa ere at ngumuso.

"Nilayasan ka na naman ng empleyado mo. Baka pinatulan mo 'yon kaya umalis?" Sabi ko sa kawalan.

"Whoa! I'm not really friendly with my employees, Sweetheart." gulat niyang sinabi.

"Stop calling me that!" Umirap ulit ako. "Siguro ay masyado kang pala utos kaya nilayasan ka."

Nilingon niya ako. "Hmmm. Hindi ba iyon ang trabaho ng mga sekretarya? I tell them what to do and they do it. Is there a problem with that?"

"You sound like you're treating her harshly. Inhumane. Baka iniisip mong bagay siya, makina na kayang sumunod sa lahat ng gusto mo." Mariin kong sinabi.

"It's a matter of organization, Av. Marami akong trabaho. I'm always preoccupied with work during work. Kapag kaya ko namang ngumiti o makipag usap, ngingiti at makikipag usap ako. Your judgements about me are clouded with your anger, Sweetheart. Calm down." Ngumiti siya.

Naalala ko na naman kung bakit nag ngingitngit ang galit ko sa kanya. "Stop calling me that, Brandon! I'm not your Sweetheart!"

Humalakhak siya, nanunuya sa iritasyon ko.

Now I seriously didn't know what's gotten into me. Bakit ako sumama sa kulugong na ito gayong pang iinis lang naman ang binibigay niya sa akin? Stupid, Aurora! Well at least natakasan ko si daddy at nagkaroon pa ako instant driver!

Kumalabog ang pintuan ng sasakyan ni Brandon. Nilagay ko ang malaking butterfly sunnies sa aking mga mata at inayos ang aking bag sa aking braso. Nakarating na ako sa restaurant na pagkakakitaan namin ni Adrian. Kung iindianin ako ng lalaking iyon ay masusuntok ko talaga siya.

Kumalabog ulit ang pintuan ni Brandon. Hudyat na bumaba rin siya. Nilingon ko siya at nagtaas ako ng kilay. Bakit pa siya bumaba gayong hinatid niya lang naman ako? Umiling ako at dumiretso sa loob ng mamahaling italian restaurant. Sumusunod na naman siya sa akin habang papasok ako roon.

"Bakit ka narito? Umalis ka na." Sabi ko nang di siya nililingon.

"I just want to see if you're meeting someone else." Aniya.

Halos matawa ako. "Brandon, so what if I'm meeting someone else? Do you have a problem with that?"

Pagkaupo ko ay nagawa niya ring umupo sa salungat kong upuan. Tinanggap pa niya ang menu ng waiter na nag aantay.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Yes, I have a problem with that."

Nagtaas ako ng isang kilay. Binabasa niya ang menu at nagawa niya pang umorder sa waiter. "What's yours?" Tanong niya sa akin.

Hinahamon talaga ako ng lalaking ito. Ngumiti ako sa waiter na medyo hindi makatingin sa akin.

"I'd like some chicken salad and pineapple juice, please." Sabi ko at inantay na umalis ang waiter bago humarap ulit kay Brandon.

Matuwid ang kanyang upo at nagtataas siya ng kilay sa akin. Hindi ko talaga kaya ang kayabangan niya gayong hindi ko naman hinihingi ang presensya niya dito.

"Wag kang umastang pag aari mo ako, Brandon. Hindi ako natitinag sa mga porma mong bulok. You have a problem with me meeting someone else? Why? Are you my boyfriend? You are not. Kaya wag kang umasta na boyfriend kita." Sabi ko ng diretso.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ba ako pwedeng mag alala kung hindi mo ako boyfriend? I know you still can't forgive me right now." Pumungay ang mga mata niya. "Pero gusto ko na nandyan ako habang naghihintay na mapatawad mo ako. I know your feelings for me were true, Sweetheart." Malutong niyang sinabi ang huling salita. "I know you didn't use me."

Nagbara ang lalamunan ko. Biglang hindi ko na siya matingnan ng maayos dahil sa sinabi niya.

"I know you're just angry. Kasi inisip mong ginamit kita. Inisip mong kasabwat ako ni Arielle. And I just hope that your feelings for me were stronger than your anger. It will melt. At hindi ko hahayaang ang panahon ang maging apoy na lulusaw sa galit mo. Ako ang magiging apoy na lulusaw sa galit mo, Av. That's why... bear with my annoying presence, please?"

Hinanap ng kanyang kamay ang kamay kong nasa mesa. Gusto kong kumawala. Nanunuyo at may nagbabara sa aking lalamunan. Wala akong masabi. Lahat ng pinairal ko ay galit at pambabara sa kanya. Now that he mentioned about my feelings, I couldn't damn open my fucking mouth!

Tumikhim ang waiter at nag lapag ng juice sa aming mesa. Nilayo ko ang kamay ko sa kamay niya at hindi na ako nagsalita.

May kung ano sa kalooblooban ko na guilty sa nangyari. Brandon believed that I didn't use him. Kahit na ba sa totoo lang ay pinlano ko ring gamitin siya para malaman ang katauhan ni Arielle. Kahit na alam kong alam niya na nagsinungaling ako kay Arielle tungkol sa kung paano ko nakuha ang katotohanan ay pinatawad niya ako. He was forgiving, I am not.

But then how can I be sure that he's not going to choose me over Arielle? He's done it before. And my dad, I know, will choose his neglected daughter over me. I can't stand another man neglecting me. Not Brandon.

Kagat kagat niya ang pang ibabang labi habang tinitingnan akong nag iisip. Pinilit kong kunutin ang noo ko habang hinarap ang cellphone ko. Where the hell is that Adrian?

Naka receive ako ng mensahe sa kanya na nagsasabing kakagising niya lang galing sa maiksing tulog. Kakain na lang daw siya sa kanila at magkita na lang kami sa agency kung nasaan ginaganap ang Go-See.

Tahimik kaming kumain ni Brandon. Panay ang tanong niya sa akin at ang tanging sagot ko lang ay oo o hindi.

"Saan ka pupunta pagkatapos mong kumain? I'm free the whole day, I can drive you anywhere." Nakikita ko ang pag iingat sa kanyang mukha habang sinasabi ito.

"Pupunta ako ng agency namin. Sa modeling. May Go-See." sabi ko nang di siya binibisita ng tingin.

"For the Fashion Summit?" Tanong niya.

"Sumali ka?" Tanong ko.

Umiling siya. "Mahirap pagkasyahin sa schedule ko." at ngumuso.

Unti unting uminit ang pisngi ko. Now that I realized it, si Brandon ay isang de kalidad at may mataas na kalibre sa pag mo-modelo. I am just one of those aspiring so-so models in the field. Well, may excuse ako. That's not really my job. Although, hindi rin iyon ang tanging trabaho niya pero I've seen how far his modeling career has gone. At alam kong nasa showbiz na siya sa lagay na iyan.

"Pupunta ako." My ego said. "I'll check it out. Usapan namin ni Adrian."

"You... want me to give you a slot?" Nag aalinlangan niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. "I don't need your recommendation. I'm sure I'll pass."

Oh, Av. Ilang buwan kang nanatili sa Highlands at hindi ka nag g-gym. Matatanggap ka kaya?

Pagkatapos kumain ay kinuha agad ni Brandon ang bill at nag lagay ng gold card doon. Nag tiim bagang ako.

"I am not poor, you know." Sabi ko.

"I'm pretty sure you're not." Tango niya.

Inirapan ko na lang siya at tumayo na lang nang binigay pabalik sa kanya ang card.

Sabay na rin kaming umalis sa restaurant na iyon. Dumiretso na ako sa sasakyan niya. Hindi alam kung tama bang pag bigyan ko siya ng kahit konting oras man lang. Tutal ay ang alam ko ay wala siya bukas dahil sa trabaho niya.

"Brandon! How odd! I thought you're not on this Summit? Your Summit days are gone. Puchu puchi, sabi ni Lima." Tawa ng isang bading na kulay blonde ang kulot kulot at maiksing buhok.

"Hugo." Bati ni Brandon sabay tapik sa kanyang balikat.

Isang beses lang naligaw ang titig ni Hugo sa akin bago binalik ulit kay Brandon. My big butterfly sunnies are hiding my eyes. Wala akong planong tanggalin ito at baka makita niya lang na iniirapan ko siya.

Ilang modelo ang sumalubong kay Brandon sa hall pa lang ng agency. Dumiretso naman ako sa receptionist para magtanong kung naroon na ba si Adrian o kung saan ba gaganapin ang Go-See.

"Wala pa po si Adrian, Miss Avon. Nasa loob po 'yong Go-See. Nagsisimula na po." Sabi ng receptionist.

Tumango ako at kinuha ang aking sunnies. Bumaling ako kay Brandon na ngayon ay pinapalibutan ng tatlong matatangkad na modelong half something at isang bading na si Hugo.

"Are you with someone?" Tanong ng modelo kay Brandon.

Hindi ko narinig ang sinabi ni Brandon dahil pumasok na ako sa loob ng studio one kung nasaan ang Go-See.

Puting mga dingding, red carpet, mga nakahilerang damit, isang long presidential table na may iilang laptops, lights, reflectors, at mga modelo ang naroon. May malalaking ID na nakasabit sa leeg ng mga designer at organizer ng gaganaping Fashion Summit.

"Tapos ka na bang mag log at mag pasa ng iyong forms?" Harang sa aking ng babaeng nasa pintuan.

"Miyembro ako ng agency na ito. My co model told me na may privilege ang mga members na sumubok sa Fashion Summit." Sabi ko, halos sampalin ko na siya dahil hinarangan pa ako.

"Okay. Then, go." Suplada niyang sinabi.

Nagtiim bagang muli ako. Are you insulting me? Ganunpaman ay taas noo parin akong lumapit sa mga upuan kung nasaan ang mga modelo. Naisip ko ang sinabi ng bading na Hugo kanina na puchu puchu ang malaking Fashion Summit na ito para kay Brandon.

When he entered the room, I almost heard everyone's heavy breathing. Napailing na lang ako nang may nagbulungan sa unahan ko at nangingiti sa pagpasok ni Brandon. Nakapamulsa siya at hinanap agad ako habang nakaupo ng matuwid sa mga upuan doon.

"Kasali ba siya sa Summit?" Tanong ng nasa unahan.

Lumapit si Brandon sa mga organizers at iilan sa kanila ang binati siya, niyakap, o hinalikan. Ganon din ang mga designers na kani kanina lang ay matitigas ang mukha habang namimili ng modelo.

Bumaling si Brandon sa akin at humalukipkip. Nag iwas ako ng tingin. Kahit na taas noo ako at punong puno ng pride habang nakaupo ako dito ay hindi ko maiwasang manliit. He's a godamn professional model, designer, and businessman. At ako narito nag aaudition para sa isang 'puchu puchu' na summit.

"A!" Baritonong boses ni Adrian ang umalingawngaw sa tainga ko.

I saw him entered with five more hot guys. I know them of course. Sa agency namin ay halos magkakakilala lang kaming mga modelo.

"Fred!" Sabay kaway ko sa isang kilala ko.

Tumayo ako para batiin sila. Nagkukumustahan kami nang biglang iritadong sinabi ng organizer na ang mga lalaki ay sa likod muna dahil uunahin kaming mga babae.

Napatingin si Adrian kay Brandon na naroon at mariing tinititigan ang mga nakasalamuha ko. Nagtaas ng kilay si Adrian sa akin.

"Kita tayo mamaya." Sabi niya bago kumaway at dumiretso sa likod.

"Okay." Sabi ko.

Umupo na lang ako doon habang nakahalukipkip parin si Brandon at pinapasadahan ng tingin ang naglalakad na mga modelo. Halos bumaliktad ang sikmura ko habang sinasaway ng organizers ang lakad, iniilingan ang katawan, o sinasabihang hindi bagay ang damit sa mga modelong naroon. Am I going to be judged that way? This is not my first time pero ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot. Noon ay iniirapan ko lang tuwing pinapagalitan ako. Ngayon ay pakiramdam ko manliliit ako kasi nandito si Brandon. Fuck! Ano ba itong ginagawa niya sa sistema ko?

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Brandon sa legs ng babaeng may high waist shorts. Ngumuso siya at kumunot ang noo niya.

"Good! But you need to improve your walk!" Sigaw ng organizer. "What do you think, Brandon?"

Kumalabog ang puso ko. Tatanungin ba ang opinyon niya dito? Bahagyang humagikhik ang mga babae sa unahan.

"Fine. But she can still improve." Tango ni Brandon.

Sinundan ko ng tingin ang babaeng maputi, may straight bangs, at kulot ang buhok na sinabihan ni Brandon na 'fine'. So... she's fine for him. So... that's what's fine for him. Nice abs, nice legs, properly formed butt, high cheekbones, porcelain white skin, flat chested... Oh... wait? Tiningnan ko ang dibdib ko. I'm not really flat chested and I'm not sure if my butt is properly formed. My skin is not porcelain white but it's fair. Am I going to pass?

Bago pa ako matigil sa pag iisip ay may naramdaman na akong humawak sa tuhod ko. Bumaling kaagad ako sa halos nakaluhod na si Brandon sa aking gilid.

"Are you okay? Nervous?" Tanong niya.

Shit! Umiling kaagad ako. "Of course not!" Umirap pa ako.

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya. "Namumutla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Holy shit! "Ayos lang ako. I just feel a little weird." Sabi ko nang di siya tinitingnan. "My model friends are not around."

Pinasadahan niya rin ng tingin ang mga babae sa paligid. Ilan sa kanila ay nakatingin sa akin at sa kanya. "Syempre, this is not exclusive sa agency ninyo. Dito lang ginanap. Are you sure you're fine?" Bumalik ulit ang tingin niya sa akin.

"Bakit ako hindi magiging maayos, Brandon? I'm perfectly fine." Sabi ko.

"What about this model, Brandon. What do you think?" Sigaw ng organizer kaya napilitang tumayo si Brandon para tingnan ang isang morenang napakatangkad, ngumingiti sa kanya.

"Good, Hugo." Simpleng sinabi ni Brandon bago bumaling ulit sa akin. "Bilhan kita ng tubig. You can do this, don't worry." Seryoso niyang sinabi.

"Brandon-" Bago ko pa malakasan ang boses ko ay dali dali na siyang lumabas ng studio.

Oh God... I can't believe I'm this nervous right now!

Continue Reading

You'll Also Like

119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
63.4K 3.8K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...