Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.4M 534K 36.9K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 15

514K 10.7K 403
By Whroxie

Daming votes salamat sa mga votes.. please support niyo ang  new story na ginawa ko.. entitled  LEGACY- I Kiss You 'Coz I Hate You. Thanks! Muawh....

________________________________

Papunta si Iñigo sa resthouse niya. Halos paliparin niya ang sasakyan, gustong-gusto niya na talagang makita ang mag ina. Maaga siyang nagising para bumyahe.

Narating niya ang resthouse at agad na umibis ng sasakyan, hindi na nito inayos ang pagkakaparada pa. Tumakbo siya papunta sa loob.

"Sir Iñigo ang aga niyo po." Sabi ng nakasalubong niyang si Nana Caring.

"Nana Caring si Andra po?"

"Sa loob nag aalmusal." Mabilis siyang tumakbo papunta sa loob. Agad siya pumunta ng dining area at napahinto siya bigla ng makita ang dalawa.

Sinusubuan ni Cassandra si Gelo, nakaupo ito sa dulo ng table. Napangiti si Iñigo habang nakatingin. Napansin siya ni Cassandra.

"Iñigo hi." Bati sakanya ni Cassandra. Lumingon din si Gelo na nakatalikod sakanya, nakaupo sa longside table.

"Tito Iñigo!" Bumababa agad si Gelo sa upuan at mabilis na tumakbo papunta sakanya.  Agad niyang binuhat si Gelo at mahigpit na niyakap.

Hinalikan niya ang ulo nito ng paulit-ulit at muling hihigpitan ang yakap. Parang natutunaw ang puso niya sa sobrang saya at nagtubig ng bahagya ang mata niya na agad naman niyang sinupil para hindi tuluyan bumagsak ang luha.

"Did you miss me Gelo?" He asks. Umangat ng ulo si Gelo.

"Opo! I miss you very big!" Masiglang sagot ni Gelo.

"Ahahaha! I miss you too very very big." Pinupog niya ito ng halik sa mukha kaya napahagikgik ang bata.

Napangiti naman si Cassandra na nakatingin sa dalawa. Lumapit si Iñigo sa table tinitigan niya si Andra ng mabuti. Gustong-gusto niya itong yakapin. Ngumiti nalang siya dito at tumingin kay Gelo uli.

"Ako magpapakain sayo Gelo ah. Gusto mo?" Tanong niya at pinaupo uli si Gelo.

"Opo!" Sagot ng bata at umupo din si Iñigo sa tabi nito.

"Ako na Andra ang magpapakain." Kinuha ni Iñigo ang pagkain at sinubuan si Gelo.

"Ang aga mo ata ngayon?" Tanong ni Cassandra

"Oo, wala naman akong appointment." Sagot niya pero ang totoo punong-puno ang schedule niya ngayon lahat pinaka cancel niya.

"Gelo, gusto mo bang mamasyal tayo?" Tanong niya.

"Opo! Gusto ko!" Masiglang sagot nito.

"Saan mo gustong pumunta?"

"Theme park!" Tinaas pa nito ang dalawang kamay.

"Theme park!  Masaya nga d'on. Halika nga." Tumayo siya at binuhat si Gelo.

"Gusto mo punta tayo sa Disney Land? Huh?" Nanglaki ang mata ni Gelo.

"Yehey! I wanna see mickey mouse. Yehey!" Tinaas ni Iñigo si Gelo habang nakatingala siya dito tawa naman ito ng tawa.

"Okay! Pupunta tayo ng Disney land."

"Hoy Iñigo!  Pwede ba wag mo akong pinapasubo sa anak ko. Anong Disney land ka d'yan." Saway ni Cassandra. Kinarga uli ni Iñigo si Gelo ng maayos.

"Ayaw ni mommy Gelo." Iñigo says.

"Mommy! I wanna go to Disney land. Please!"

"Dadalhin kita sa enchanted kingdom. Doon lang kaya ko." Bumulong si Iñigo kay Gelo. Pagkatapos binaba ito. Lumapit si Gelo kay Cassandra.

"Mommy I wanna go to Disney Land! Mommyyy!!! Mommyyy!!" Nag iiyak si Gelo.

"Gelo stop it!" Napangiti naman si Iñigo dahil inutusan niya itong iyakan ang mommy niya. Lumapit si Iñigo at umupo ng pa squat sa likod ni Gelo.

"Mommy payag na kasi. Kawawa si Gelo oh! Please mommy." Pang gagatong ni Iñigo. Pinagsalikop pa ni Iñigo ang kamay ni Gelo.

"Please mommy!  Please mommy!" Sabay ni Iñigo at Gelo, napangiti si Cassandra sa kacute'an ng dalawa dahil nag puppy face pa ang dalawa. Hinawakan ni Iñigo ang kamay ni Cassandra na nasa hita nito.

"Andra payag kana, aattend ako ng business conference sa Hong Kong.  Sama kayo." Pahayag ni Inigo habang nakatingala siya kay Cassandra.

"Bakit kami?"

"Ano.. um. Para hindi ako mainip!?" Patanong na sabi ni Iñigo.

"Tsaka para kay Gelo. Please Andra. Payag ka na, 3 days lang." Pamimilit nito. Nagisip si Cassandra.

"Libre?"tanong ni Andra at ngumiti si Iñigo.

"Libre!"Sagot ni Iñigo, ngumiti si Andra at tumango.

"Sasama ka? Payag ka?" Tanong ni Iñigo na bakas aa mukha ang saya.

"Oo, libre naman eh." She says and smiles.

"YES!" Tumayo si Iñigo at hinawakan ang mukha ni Cassandra at pinatingala habang nakayuko naman siya dito.

"Thanks Andra." Sabay halik nito sa mag kabilang pisngi niya at sa noo.

"Let's go Gelo. Payag na si Mommy!" Masayang sabi nito sabay buhat uli nito kay Gelo na tuwang tuwa naman at yehey ng yehey.

"Let's go upstairs! Play tayo." Sabay alis nito. Napasunod nalang si Cassandra ng tingin dito na medyo napatulala sa mga pinag gagagawa ni Iñigo.

"Mukhang enjoy na enjoy si Iñigo kay Gelo no?" Lumapit si Aiken at umupo kung saan nakaupo si Gelo kanina. Ngumiti si Cassandra.

"Oo nga eh. Gustong-gusto niya si Gelo at gusto din siya ni Gelo." -Cassandra

"Mukhang hindi lang si Gelo ang gusto niya eh." Makahulugang sabi ni Aiken at nakangiti. 

"Ano ibig mong sabihin?"

"Uhm. Pati ang mommy gusto din ata niya." Pilyong ngumiti si Aiken.

"Tumigil ka nga Aiken." Uminom nalang ng kape si Cassandra.

"Andra, lalaki din ako. Alam ko pag may interes ang lalaki sa isang babae." Nilapag uli ni Cassandra ang cup sa lamesa at tumingin kay Aiken.

"Well, mali ang man instinct mo ngayon. Si Gelo ang gusto niya, siguro dahil sa edad niya, naiisip na niya ang magkar'on ng anak." Ngumiti lang si Aiken.

"Ikaw, wala ka pa bang balak bigyan ng daddy si Gelo?" Aiken asks

"Eh ikaw. Wala ka pa bang balak mag asawa?" Balik na tanong ni Cassandra.

"Ito ang problema ng maganda at gwapo eh. Sa dami ng gustong mag apply satin wala tayong mapili." Natawa ng mahina si Cassandra.

"Naisip ko lang Andra. Pag 30 years old na ako na wala pa akong asawa. Bakit hindi nalang kaya tayo ang magpakasal, magkasundo naman tayo. Alam ko din naman na may pag nanasa ka sakin."

"Ahahaha!" Natawa ng malakas si Cassandra sa sinabi ni Aiken.

"Hay Aiken! hindi ko type ang 8 pack abs mo. 4 or 6 pack lang ang gusto ko." Natatawang sabi ni Cassandra. Mamaya sumeryoso ang mukha niya.

"Pwede rin! Sige." Pagkway sabu niya at  tumingin siya kay Aiken.

"Tayo nalang ang magpakasal. pero pagkasal na tayo at may nagustuhan ka namang iba. Mag pa'annulled nalang tayo." Sabi ni Cassandra, ngumiti si Aiken at in'offer ang nakakuyom na kamao nito para makipag fist bump.

"Deal!" Nakipag fist bump si Cassandra dito.

"Deal" Ulit ni Cassandra

***

Umakyat si Iñigo para ayain si Cassandra na kumain. Medyo nakabukas ang pinto at sumilip siya pero hindi niya ito tinawag ng marinig na may kausap at tawa ng tawa, nakaupo ito sa kama at nakatalikod sa may pinto.

"Ahaha! Those pick up lines are so corny Miguel, pero napatawa ako infairness." Nangunot ang noo ni Iñigo sa narinig.

"Ano meron ka pang alam na pick up line?" Tumigil ito sa pagsasalita at maya-maya tumawa na naman ng tumawa.

"Andra!" Tawag ni Iñigo kay Cassandra,  Lumingon naman si Cassandra na tumatawa parin.

"Dinner is ready." He says.

"Susunod nalang ako." At muling tumalikod na kinainis ni Iñigo at napalakas ang pagsara ng pinto,  lumingon si Cassandra sa pinto. 

"Problema n'on?" She uttered

"Miguel sige na, mag d'dinner na daw eh." Paalam niya

"Okay, don't forget the dinner tomorrow night okay, susunduin ko nalang kayo ng anak mo sa bahay mo." Miguel says

"Okay Miguel." She hangs up and stood up. Lumabas si Cassandra at bumaba.

Nando'n na sa dining ang lahat, ang yaya, Gelo and Iñigo. Lumapit at umupo si Cassandra sa tabi ni Gelo at nilapag ang cellphone niya sa table.

"Mommy bakit ang tagal mo?" Tanong  ni Gelo na kinuyakoy pa ang dalawang paa.

"Sorry baby, did you wait for mommy?"

"Yes"

"May kinausap lang si Mommy sa phone, very important." She explained

"Tss. Kailan pa naging important ang  pick up line." Iñigo mumbled his words.

Tumingin dito si Cassandra ng marinig ang pagbulong-bulong nito at ngumiti nalang. Pero hindi siya nginitian ni Iñigo, sa halip kumuha nalang ito ng pagkain.

Sungit naman nito ngayon... she thought

Kumuha nalang din siya ng pagkain at sinibuan muna si Gelo bago siya sumubo.

"Hmm sarap nito ah." She says as she munches the food. Tumingin siya sa katiwala na naglalagay ng prutas sa table.

"Nana Caring sarap niyo talagang magluto. Anong luto po 'to?" Tanong niya at sumubo uli.

"Hmm sarap talaga promise,  favorite ko na 'to." Tumingin sakanya si Iñigo at napangiti.

"Ma'am Andra, si sir Iñigo ang nagluto niyan." Natigil sa pagnguya si Cassandra at tumingin kay Iñigo.

"Did you?" She asks. Ngumiti si Iñigo at bahagyang tumango.

"Wow! Grabe, you're so good talaga. This is good, you're so good." Lalong napangiti si Iñigo sa reaksyon ni Cassandra.

"Mommy subo." Tumingin si Cassandra kay Gelo.

"Sorry baby ah. Sarap kasi eh."  She says and chuckled dahil nakalimutan niya ng sinusubuan pala niya si Gelo. Sinubuan niya ito.

Tumunog naman ang cellphone niya na nasa table, kinuha niya at tinignan. Muling nilapag at sumubo.

Maya-maya napansin ni Inigo, ang bagal na nito sa pagsubo dahil maya-maya tumutunog ang cellphone nito, napansin din niya ang pag ngiti at pagpipigil ng tawa ni Cassandra. 

"Mommy subo." Gelo says, binitawanan niya ang cellphone at sinubuan si Gelo. Tutunog uli ang cellphone.  Patingin-tingin lang dito si Iñigo.

"Mommy water please." Wala ng laman ang baso nito, tatayo sana ang yaya.

"Ako na yaya." Pigil niya dito at binitawan niya ang cellphone at tumayo para kumuha ng tubig na nasa bilog na maliit na table.

Saktong tumunog naman ang cellphone nito na hindi naman nakalock, naka open lang ito sa messages kaya kita agad kung ano ang conversation.

Hindi natiis ni Iñigo na hindi tignan ito. Pasimple niyang sinilip  ang cellphone. 

Tumiim ang bagang niya ng mabasang si Miguel lang ang katext nito at puro na naman ka'kornihan ang laman ng conversation.

Bumalik si Cassandra at umupo, pinainom si Gelo at muling sinubuan ito, kinuha nito ang cellphone at binasa ang text. Medyo natawa pa ito ng mahina na lalong kinainis ni Iñigo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 889 1
Rafa Armand Castro. CEO of his own company. Billionaire. Powerful. All-time playboy. And handsome - extremely handsome. Geneva Garcia The normal empl...
4.5M 107K 35
Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange...
10.5M 10.3K 3
Mysterious. That's the most appropriate word that would describe the eldest among the Filan brothers.
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...