Prince So Charming: The Wicke...

By HotNovember23

176K 4.4K 942

Talagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe... More

Trailer
Chapter 1: The Prince's Come Back
Chapter 2: A Different Prince
Chapter 3: Playful Prince
Chapter 4: Her Other Prince
Chapter 5: Prince and I
Chapter 6: Stuck Between Two Princes
Chapter 7: Talking 'Bout Prince
Chapter 8: The Prince's Fiancée
Chapter 9: Prince Plays With Fire
Chapter 10: The Prince's Game
NOT AN UPDATE.
Chapter 11: Yearning Prince
Chapter 12: A More Princely Rival
Chapter 13: What Prince Feels
Chapter 13.2: Excuses
Chapter 14: Bipolar Prince
Chapter 15: The Pissed, the Prince and the Kiss
Chapter 16: Prince of Seduction
Chapter 17: An Emotional Prince
Chapter 18: She Who Owns the Prince
Chapter 19: Missing Prince
Chapter 20: Losing Prince
Chapter 21: Between Prince and Painful Memories
Chapter 22: Bugged By The Prince
Chapter 23: Frustrated With Prince
Chapter 24: Desperate to Get Prince
Chapter 25: The Prince and the Suffering
Chapter 25.2 Toying Prince
Chapter 26: Being with Prince
Chapter 27: Prince's Surprise (part 1)
Chapter 27: Prince's Surprise (part 2)
A/N, Spoilers, Chorvas
Chapter 28: Just Cindy and Prince
Chapter 29: Prince's Choice
Chapter 30: Betraying Prince (Part 1)
Please Read
Chapter 30: Betraying Prince (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Not an Update. Again?!
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46

Prince So Charming

8.8K 152 66
By HotNovember23

Advanced AN:

Yung "Ariel" po ay pangalan ng babae, Little Mermaid ba. Hindi po yung sabong 7.50 :)


———

Prince So Charming — Prologue


"Bakit, ano bang dream wedding mo nang mapaghandaan ko?"

Napangiti si Belle sa tinuran ng kasintahan niyang kasabay ng pagsara ng pinto ng elevator ang pag-akbay sa kanya.

"Gusto ko yung mala-fairytale."

"Fairytale?" nakangiting ulit ng lalaki, animo siyang tawang-tawa sa ideya ng nobya. "How old school!"

"Of course not!" sagot ni Belle. "Ang KJ mo! Eh sa gusto ko nun eh. Para naman sa kasal pa lang natin eh feel na feel ko na yung spirit ng happy ending."

Pinigilan ng lalaki ang sariling lalong matawa. Ni wala siyang balak na alukin ng kasal ang dalaga ngunit heto ito, tila ba nagpaparamdam.

Tumaas ang kilay ni Belle, "What's funny?"

Nakangisi siyang hinarap ng binata. Hinawakan siya nito sa bewang. Yumuko pa ito para isandal ang noo sa kanya.

"Hindi totoo ang happy ending," aniya. "Kasi ang pagmamahal, dapat walang ending."

Napangiting muli si Belle, lalo noong itinaas ng lalaki ang kanyang mukha. Ngayon ay halos hininga na lang ang pagitan nila.

"Parang yung pagmamahal ko sa'yo," patuloy ng lalaki. "Wala 'yong ending."

Hindi na nakatiis si Belle. Kinapitan niya ang batok ng bolerong binata at hinatak ito palapit sa kanya upang mapagsaluhan nila ang isang mainit na halik.

Itinulak ng lalaki si Belle pasandal sa malamig na dingding ng elevator. Patuloy sila sa kanilang tila walang bukas na paghahalikan.

Hatak-hatak ni Belle ang itim na kurbata ng nobyo. Unti-unti niya itong hinubaran ng suot nitong amerikana. Binuhat siya ng kasintahan. Agad niya namang ipinulupot ang mga hita sa bewang ng lalaki. Ang kulang na lang ay may mangyari sa kanila doon.

Bumukas na ang elevator. Nasa 23rd floor na sila kung nasaan ang unit ni Belle pero wala yata silang balak huminto at bumaba.

Nakarinig sila ng mga yabag ng sapatos.

Klak, klak.

Mula iyon sa pares ng sapatos na may mataas at manipis na takong. Palakas nang palakas ang tunog, marahil ay papalapit sa direksyon nila ang sinumang nagmamay-ari ng sapatos.

Wala pa rin. Patuloy sila sa mapusok nilang paghahalikan. Wala silang pakialam kahit pa may makakita sa kanila.

"My Prince?"

Agad napalinga ang lalaki sa babaeng nagmamay-ari ng pamilyar na boses na umistorbo sa kanila.

"A-Ariel?" sambit ng lalaki. Naibaba pa niyang bigla si Belle. Tinakpan niya't kinusot ang kanyang mga labi, animo nais niyang alisin ang kumapit na lipstick roon.

"My Prince, anong ibig sabihin nito?" tanong ng babaeng nagngangalang Ariel.

"Excuse me?" sabat ni Belle. Nakataas ang isa niyang kilay nang humakbang siya palabas ng elevator at palapit kay Ariel. "Your Prince? You must be mistaken cause he's MY PRINCE."

Tumawa si Ariel sa narinig. "Oh, really? How can he be your prince when he's my boyfriend? You bitch!"

"Hey, watch your mouth, bitch! Sino bang kahalikan niya? Hindi ba ako... na girlfriend niya?"

"Whow, whow, whow! Hindi porke magkahalikan kayo, kayo na. What do I know? Ah, pokpok ka siguro!"

"Ano?" asar na sabi ni Belle sabay lingon sa kanina pang tahimik na lalaki. "My Prince, sabihin mo nga sa babaeng 'to na ako ang girlfriend mo!"

Humalukipkip naman si Ariel. "No, tell this bitch, whoever she is, na ako lang ang girlfriend mo."

Tumikhim ang naiipit na lalaki. "Well, uhm..."

"Hey," si Belle ulit, "don't tell me GF mo nga siya? Niloloko mo ba 'ko?"

"Actually ano eh..."

"Ano?" pilit naman ni Ariel.

"Ano nga?" dagdag ni Belle nang hindi pa rin magsalita ang binata. "What? Are you two-timing me?"

"Wait, let me explain," ika ng lalaki.

"Eh sa'kin, hindi ka mag-e-explain?" sabat ni Ariel.

"Girls, relax! Chill! Magpapaliwanag ako," paniniguro ng lalaki. Nakangiti pa siya't kalmado kahit sa ganoong sitwasyon. Para bang katatawanan lang ang lahat sa kanya.

"Fine," si Belle. "Explain! Tell her na ako talaga ang girlfriend mo!"

"Oh, pwede ba?" asar na sagot ni Ariel. "Wag ka ngang feeling!"

Nang hindi pa rin magsalita ang lalaki ay tinapunan siya ng tingin ng dalawa. Magkakrus ang mga braso ni Belle. Nakataas naman ang kilay ng nakapamaywang pang si Ariel.

Ano na? waring tanong ng mga ito. Nagpasalin-salin lang ang tingin niya sa dalawa. Kailangan niyang makaisip ng palusot.

Mabuti na lang at nabasag ang katahimikan nang tumunog ang cellphone niya.

Tumikhim siya't pasimpleng dinampot ang cellphone niya mula sa kanang bulsa ng kanyang pantalon.

Snow calling

Lihim siyang napangiti. "It's a business partner, I need to take this call."

Hindi na niya pinansin ang naging reaksyon ng dalawa. Tinalikuran na niya ang mga ito saka siya naglakad palayo. Narinig niya pa ang pagtatalo ng dalawa sa likod niya.

Naglakad siya papasok sa fire exit ng condo. Doon niya sinagot ang tawag.

"Hello, pretty! You missed me?"

"Yeah. What took you so long to pick up? May kasama ka siguro 'no?"

He grinned. "Nope, kalalabas ko lang ng banyo. All the while thinking of you."

Narinig niya ang mahinang hagikgik ng babae. "Hmp! Ikaw talaga! So are you coming here tonight?"

"Sure baby. Hintayin mo 'ko. I'll be there in thirty minutes."



Ilan lang sila sa mga kasalukuyang girlfriend niya. Si Snow, si Belle, si Ariel. Mga babaeng kapangalan pa ng bida sa iba't ibang pambatang libro.

Sa dulo ng bawat kwento ay ang sikat na tagline na and they lived happily ever after. Plot twist? That's until they realized one thing. They all fell for the same man—the rich, noble and womanizer Prince Charming.



———

Ang nobelang ito ay ang ikalawang libro ng napagtripang kwento ni Cinderella este Cindy ng The Wicked Cinderella... at syemperds, ng kanyang (frog) Prince Charming.

Hindi sa hindi ninyo maiintindihan ang book 2 without reading book 1 (may sarili pa rin itong kwento)... pero mas masaya siguro kung babasahin na rin ninyo yung book 1 para lang ma-gets ninyo yung hugot ng characters lol

Third person narration pa rin po ang gagamitin ko rito. Pero magkakaroon ng POV si Cindy sa loob ng iba't-ibang chapters, parang yung sa last parts ng Last Wicked Chapter.


General Fiction = NON-TEEN FICTION

Capslock para intense. Naka-bold pa! This story has mature theme targeted to mature audiences. No BS though. Don't expect any.

Tweet me your thoughts! #WattpadPrinceSoCharming  



Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
2.7M 100K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...