Seducing my Baby's Father ✅

By LILSYMAE

1M 23.3K 711

Blackmailed by her own father, Syden Avianna Gray was forced to seduce a man in order to keep their company a... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
EPILOGUE
Lil-Notes🥀
(AMENDMENTS)

CHAPTER 25

22.2K 575 4
By LILSYMAE

Chapter 25

"Eunice!" my voice broke. Tears were falling down on my cheeks as I faced her. "You shouldn't... Shit!"

I closed my eyes in so much frustration. Hindi ko hinangad na aabot sa puntong ito, napakalaking rebelasyon ang nalaman ni Ace na hiniling ko'y hindi niya na malaman pa!

How ironic...

"Oh babe, your mouth..." umiling-iling si Ethan.

Eunice confusedly looked at him and then at me. " B-Bakit?" she was shocked as she saw me crying. Her eyes widened when she realized it. "O-Oh my God..."  natutop niya ang bibig bago sulyapan si Ace.

I bit my lower lip before hushing my son. Unti-unti nang tumatahimik si Asher, tila nalilito sa nangyayari. Ipinaharap ko siya saka hinaplos ang mukha. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa sandaling ito, hindi ko alam ang unang gagawin.

Should I leave now? Eunice and Ethan will understand me. Hinawi ko ang mga luha galing sa aking mata at saka huminga nang malalim. Biglang nagsalita si Ace.

"Say it again," parang ngayon niya lang na-absorb ang sinabi ni Eunice.

His voice was filled with so many emotions he couldn't suppress.

I stared at Eunice. Her face became pale, she looked at me, intimidated. Naiiling akong napayuko, humigpit ang kuyom ko sa aking mga palad.

I don't think I could ever run away from this. I can't get rid of this that easily.

"S-Syden..." bakas sa boses ni Eunice ang takot. "Sorry, a-akala ko kasi..." she bit her bottom lip.

I just nodded at her. She didn't know, she just accidentally threw those words she didn't suppose to. There's no one to blame, kung meron man, ako iyon.

"S-Sorry—"

"I said, say it again!" Ace's voice thundered. Naikuyom ko lalo ang mga palad.

"Ace, ano ba?!" hindi ko na mapigilang sumigaw.

Nagtama ang paningin namin. Magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay niya. Ramdam ko ang galit na meron siya ngayon. Pero kung hindi naman ako magsasalita, hindi rin siya titigil, lalo lang kaming mapapahiya rito!

"Hindi ka ba nahihiya? Ang daming tao, oh! Please naman, huwag kang mag-eskandalo rito!"

Tumiim ang bagang niya. Sobrang talim ng mga mata niyang nakatingin sa akin. He doesn't care if someone is watching our argument. Ang kapal talaga ng mukha ng kwagong ito!

"Hindi ako mag-eeskandalo kung magsasabi ka lang ng totoo."

Natigilan naman ako. My jaw dropped when he looked at my son on my arms.

"Totoo ba ang sinabi niya?" lumunok siya nang makailang beses. "Is he... our son?" humina ang boses niya sa huling sinabi.

His eyes remained on my son. I didn't answer, though. I just looked away.

Tumayo ako nang maayos at marahang hinarap ang anak. Kung makita niya lang ang mukha ng anak ko, he would never ask that. My son copied his face, only an insane person would doubt that it's his.

"He is..." I spoke. "He's not yours... My friend is just... mistaken."

Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Whenever I see his face, nakakalimutan ko ang katraydurang ginawa niya.

Wala naman talaga akong karapatan, but recently, he acted differently that gave me false hopes. Umasa ako na gugustuhin niya rin ako, but he just fooled me to get on my panty!

Ginawa niya akong malaking tanga! Tapos ngayon aarte siyang parang kasalanan kong hindi ko siya sinabihan tungkol sa anak namin? Ha! Manigas ka! You won't know, and will never be!

Nagulat nalang ako nang maramdamang may humawak sa akin. Napalingon ako sa dalawang gwardyang humahawak sa magkabilang braso ko. Sumibol ang matinding kaba sa aking dibdib.

"T-Teka!" pagpupumiglas ko. "Get off me, my son!" hinigpitan ko ang hawak kay Asher.

Napalingon ako kay Eunice at Ethan na pinapalibutan na rin ngayon ng maraming gwardya para hindi makapunta sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hinarap ang dalawang gwardyang nakahawak pa rin sa akin.

"A-Ano'ng ibig sabihin nito?!"

Lumagpas ang aking paningin sa isang gwardya at nakita ang walang emosyong si Ace na naglalakad papunta sa gawi ko.

Hinigpitan ko lalo ang hawak kay Asher kahit nahihirapan na ako dahil sa dalawang malalaking gwardya sa magkabilang tabi ko.

Nagtagis ang bagang ko nang huminto si Ace sa aking harapan. "Ano ba'ng kailangan mo? Ha? We're done a—"

"Shut up!" natahimik naman ako sa paasik na sabi niya. He looked at me in the eye. "I want a DNA."

Umawang ang labi ko at mas lalong nagpumiglas sa mga gwardya ngunit lalo rin naman nilang hinihigpitan ang pagkakahawak. Hinarap ko si Ace at matalim na tinignan.

"Hindi mo siya anak! So, don't bother, you're just wasting your time and money!" matigas na sabi ko.

Side of his lips curved. "Oh really? If he is really mine, I won't care about the money and time, marami ako niyan." he smirked wickedly. "If he's not, why are you so bothered, then?"

"I am not!" mahinang saad ko.

Tiningnan ko ang anak ko at nakitang nakatingin ito sa akin. I couldn't help but to hug him and look at Ace fiercely.

"Hindi ka matatakot kung totoong hindi ko siya anak, Syden Avianna!" malamig na sabi niya. "Let science do its job."

At tinanguan niya iyong dalawang gwardyang nakahawak sa akin. Naramdaman ko nalang ang pagkuha ni Ace kay Asher!

"T-Teka, what do you think you're doing?!" I exclaimed.

Pilit akong nagpupumiglas pero masyadong malalakas ang dalawang ito.

Hanggang sa tuluyan nang nakuha ni Ace si Asher. My tears fell and it shed on my eyes down to my cheeks.

"Teka! 'Yong anak ko!" naluluhang sambit ko at umiindak na para makawala sa dalawang gwardya. "Ace, please!"

Tila may bumara sa lalamunan ko, pinahihirapan akong magsalita. Nilingon ako ni Ace, sandali lang iyon bago niya hinarap ang anak ko sa bisig niya.

Parang bumagal ang oras nang makita ko kung paano kuminang ang mga mata niya nang makita ang anak ko.

Ilang sandali pa nang may butil ng luha ang tumulo sa mga mata niya, kitang kita ko kung paano pinaliwanag ng anak ko ang buong mukha ni Ace at kung paano ito nakitaan ng hindi maipaliwanag na saya.

"Ace..." nangingiusap na sambit ko sa pangalan niya. "Please, ibalik mo ang anak ko."

Nakatitig pa rin si Ace sa anak ko at ilang sandali pa niyan ay nilingon niya ako, walang mababakas na emosyon sa mukha. Gone with the happy face earlier, his face turned the usual. I bit my lower lip.

"Seems like I don't need science for this," aniyang nagpatayo sa mga balahibo ko. "At talagang itinago mo siya sa 'kin, at ngayon lalayo kayo para hindi ko malaman ang totoo?! Kasama ang lalaki mo?!"

"A-Ano'ng sinasabi mo?"

Kumurap-kurap ako at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Si Ethan ba ang tinutukoy niya? Wala naman akong ibang lalakeng kasama bukod sa lalakeng iyon.

Ang putanginang 'to! Seriously? Hindi ba niya nakitang magjowa ang dalawang iyon kanina?! Damn him! He did think I'm the third wheel? Oh God! He's gone nuts!

"You got it wrong, Ace!"

Tinitigan niya lang ako. At base sa titig niya, hindi siya naniniwala sa akin. Malaking parte sa puso ko ang nabiak, that was hurt. His gaze remained at me for some seconds, then, he turned his back and started walking with my son!

"Ace!" I shouted his name but he never listened, he just continued walking. "Shit! Ibalik mo ang anak ko, Ace! Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! 'Yong anak ko, kinidnap!"

Pilit akong nagpupumiglas pero lalo lamang akong nasasaktan sa higpit ng hawak ng mga gwardyang ito. Lumalayo na ang bulto ni Ace, kasama ang anak ko.

Humagulhol ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Parang may bumabara sa lalamunan ko, sobrang sakit.

"Please, let me go." pakiusap ko ngunit tanging iling lamang ang sagot ng mga gwardya.

"Pasensya na po, Ma'am. Sumusunod lang po kami sa utos ni Sir Ace,"

"Kahit kidnapin niya ang anak ko?! Okay lang?!" pasigaw na asik ko sa gwardya. "Please.."

"Anak niya rin naman po iyon, Ma'am—"

"Hindi niya anak 'yon!"

Damn! Why am I denying the obvious, anyway?

Nagkatinginan lamang ang dalawang gwardya saka umiling. Nang masiguradong wala na talaga si Ace, doon lang nila ako binitawan.

Pabagsak akong napaluhod sa sahig, umiiyak, nanghihina, nasasaktan. I can hear people gossiping.

"Teka. Siya 'yong anak ng may-ari ng Gray group of companies, 'di ba?"

"Oo nga, 'no? Kaya pala pamilyar."

"May anak na pala 'yan? At sino 'yong lalake? Yung ama ata?"

"Walton 'yon, heir."

"Oh? Talaga?!"

"Oo, pribado lang talaga sila kaya hindi masyado kilala. Pero sa larangan ng negosyo, palagi silang una. Business tycoon, kumbaga."

Naikuyom ko nang mahigpit ang aking kamao. Flashes of cameras were everywhere, my vision became blurred and I felt like I'm dying already.

"Syden! Syden!"

I heard Eunice's voice but I was too weak to even glance at her.

"O my God, Syden! Oh my! Oh my! Ethan, call the ambulance! Quick!"

That's the last thing I heard before I lost my consciousness.

Continue Reading

You'll Also Like

698K 25K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
381K 4K 14
Johansen meets Samantha, his dad's new secretary, and initially assumes she is his dad's mistress. However, Samantha ends up living in their house, a...
2M 46.9K 43
LOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang luga...
629K 11.2K 41
"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kany...