Golden Scenery of Tomorrow (U...

By 4reuminct

73.7M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

22

1.2M 58.8K 788K
By 4reuminct


"Tapos ka na bang umiyak?" 


Lumingon ako kay Kino pagkahinto ng van sa tapat ng building ng condo niya. Rito niya ako ibababa at siya naman ang bababa sa parking lot just in case na may sumusunod or nagbabantay sa kaniya. Hindi siya nagsalita at nakaiwas ang tingin sa akin pero nakita kong kinakalikot niya ang mga daliri niya. Ibig sabihin noon ay kinakabahan siya sa akin. 


"Magkita na lang tayo sa taas," sabi ko sa kaniya bago ako bumaba at dire-diretsong pumasok sa may lobby. Mayroon akong resident card na binigay sa akin ng magulang ni Kino kaya naman dumiretso na lang ako sa may elevator. 


Nauna akong nakarating sa unit niya kaya binuksan ko 'yon gamit ang susi ko. Nakasabit kasi iyon kasama ng susi ng bahay kaya palagi ko ring dala-dala. Pagkapasok ko ay ganoon pa rin ang itsura ng condo niya. Malinis na parang hindi inuuwian. Tinanggal ko ang sapatos ko at umupo sa maliit na sofa habang hinihintay siya. 


Maya-maya, pumasok na rin siya at sinara ang pinto sabay alis ng hood, cap, at shades. Masyado namang protektado 'tong lalaking 'to. Nang magtama ang tingin namin ay umiwas kaagad siya at dahan-dahang naglakad palapit. Umupo siya sa may pinakadulo ng sofa at huminga nang malalim. 


"Sorry, Via!" Malakas na sabi niya kaya nagulat ako. "Ilang beses kong prinactice sa salamin kung paano ko sasabihin sa 'yo pero palagi akong pinapangunahan ng takot na makita ulit 'yong ganoong tingin mo sa akin... Disappointed. I didn't want to disappoint you." 


"With what you did... You just disappointed me more." Natawa ako nang sarkastiko at umiwas ng tingin. 


"Mali ako. Alam kong mali ako at dapat sinabi ko sa 'yo nang maaga kaysa malaman mo pa sa iba. Alam kong nangako ako sa 'yong papagbutihin ko ang pag-aaral ko. Alam kong marami akong naging kasalanan sa 'yo. Hindi na ako mangangako pero sasabihin ko sa 'yong simula ngayon, sasabihin ko na lahat. Lahat ng gusto mong malaman. Lahat ng kailangan mong malaman. Lahat ng nangyayari sa akin. Lahat, Via... Patawarin mo lang ako..." 


"Hindi na rin ako aasa sa mga sinasabi mo..." Yumuko ako. "Pero maniniwala ako..." Maniniwala ako pero para maiwasan ang sakit, hindi na ako mag-eexpect masyado sa kaniya.


"Via..." Lumapit siya nang kaunti, tinatantya ang reaksyon ko. "Hindi ko sinasadyang ma-guilty ka dahil sa akin... I'm sorry... Alam kong kahit anong gawin ko o gustuhin ko, susuportahan mo ako dahil gusto ko 'yon... Huwag mong isiping hadlang ka sa lahat ng ginagawa ko." 


"Baka... masyado na tayong nalayo sa isa't isa na pareho na tayong nawalan ng tiwala, 'no?" Lumingon ako sa kaniya, pinipigilan ang luha ko. "Wala ka nang tiwalang mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari... At wala rin akong tiwalang sasabihin mo lahat ng totoo sa akin... Paano na 'to, Arkin?" 


Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa dahil simula pa rati ay malaki na ang tiwala namin sa isa't isa kaya naman madalas naming hayaan ang isa't isa sa lahat ng desisyong ginagawa namin. Ngayon, pakiramdam ko unti-unti na naming hindi nakikilala ang sarili namin. 


"'Yong UP... Pangarap ko 'yon... UP 'yon, e'... Nagalit ako kasi inisip ko ring ang unfair... Kasi paano mo nakakayanang isuko 'yong bagay na pinapangarap ko?" Tumulo na ang mga luha ko. "Pero ngayong sinasabi ko nang malakas, na-rerealize ko kung gaano ka-self-centered ang galit ko... Nagagalit ako dahil sa personal na rason at hindi ko man lang naisip na nahihirapan ka nang pagsabayin ang pag-aaral mo riyan sa... passion mo." 


Lahat naman ng tao nagbabago. Siguro nagbago na rin ang gusto niya matapos matikman ang sarap ng pag-aacting. Siguro natuwa na siya roon... At wala akong karapatan para diktahan siya kung ano ang maganda at masama para sa kaniya. Mahal ko lang siya... Mahal ko lang.


Wala man lang siyang sinabi sa pag-amin ko kanina dahil siguro iniisip niyang ang pagmamahal na 'yon ay bilang kaibigan lang dahil iyon naman dapat. Hanggang doon lang naman dapat... Kaya bakit ba nangyari 'to? Bakit kailangang magbago? 


"Gusto mo ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko ulit sa kaniya para makasigurado. Sabi ko nga... Hindi lang naman iisa ang daan para makapunta sa pangarap mo. Pwede siyang maglakad sa ibang daan... kahit palayo 'yon sa akin. 


Unti-unti siyang tumango at tumingin sa akin na puno ng pag-asa ang mga mata. Pag-asang papayag ako... Kahit hindi naman niya kailangang hingin ang permiso ko. Napangiti na lang ako nang tipid sa kaniya at tumayo para lumapit. 


Huminto ako sa tapat niya habang nakaupo siya kaya napatingala siya sa akin. Kusang napapikit ang mga mata niya nang tumama ang bangs niya roon dahil nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya. Ginulo ko ang buhok niya at napangiti lalo nang makita ang reaksyon niya. Para siyang tuta kung umasta. 


"Okay," bulong ko. "Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo... Iintindihin ko lahat ng desisyon mo. Lahat gagawin ko para hindi ka malayo sa 'kin kaya huwag mong i-layo ang loob mo sa akin, Kino... Pagkatiwalaan mo rin ako." 


Tumango siya at bigla akong niyakap sa bewang. Sinandal niya ang ulo niya sa may bandang tiyan ko at hinaplos ko naman ang buhok niya habang nakayakap siya sa akin. Naramdaman kong naiiyak na naman siya kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya. 


"I'm sorry," bulong niya ulit. 


Doon ako natulog noong gabing 'yon dahil wala naman na akong masasakyan pauwi kaya pinaalam ko na lang kay Papa. Sa kama ako natulog at sa sofa naman si Arkin. Sabi ko okay lang sa akin pero ayaw niya akong tabihan kaya hinayaan ko na lang siya roon. Pakiramdam ko ay guilty pa rin siya kaya lumalayo siya. Baka kailangan niyang mag-reflect sa mga pinaggagagawa niya. 


Naging maayos naman kami ni Arkin pagkatapos noon at gaya ng sabi niya, palagi na niyang sinasabi lahat sa akin. Iyon nga lang... Literal na lahat ay sinasabi niya. Kahit pagkain niya, pagligo niya, bagong projects niya, pati lahat ng name-meet niya sa set ay sinasabi pa niya! Napakarami niyang oras para mag-text! Punong puno na ang inbox ko! Pagkatapos ng klase ay puro messages niya lang ang naroon! 


"May lisensya na 'ko!" Proud na sabi ni Arkin sa akin pagkapasok niya ng kwarto ko. Himala at wala siyang schedule ngayon. "Makukuha ko na 'yong regalong sasakyan ni Papa sa 'kin! Kaso ang kuripot at kailangan ko pa siyang hatian!" 


"Anong sasakyan?" Tanong ko sa kaniya habang gumagawa ako ng plates. 


"Porsche. Pangarap ko!" Tuwang tuwang sabi niya. "Drinive ko 'yon papunta rito!" Binagsak niya ang sarili niya sa kama ko at sinipa-sipa pa sa tuwa ang paa sa ere. Parang bata talaga. 


"Pagda-drive mo 'ko?" Tanong ko habang abala pa rin sa pag-sketch. Nakaupo lang ako sa tapat ng desk kong makalat dahil kanina pa ako bura nang bura. 


"Kaya ko nga dinala rito! Ikaw 'yong una kong gustong isakay sa sasakyan kaya pagkatapos mo riyan, ikot tayo. Papakitaan kita ng driving skills ko," mayabang na sabi niya. 


Tinapos ko tuloy kaagad ang ginagawa ko at excited pa 'kong sumakay roon sa sasakyan niya. SUV pala 'yon. Akala ko ay maliit na kotse. Halatang bago dahil sa amoy pagkasakay ko. Hindi naman ako kinabahan noong nag-drive na si Arkin dahil maayos naman siyang mag-drive at sobrang ingat. Napaghahalataang bago ang sasakyan, ha. 


Huminto na lang kami sa tapat ng isang fast food restaurant para bumili ng take-out. Wala kasing drive-thru at gutom na si Kino kaya hindi na kami makapaghanap ng iba pang kainan. Sinuot niya ulit ang hoodie niya at cap pero sinabi kong huwag na siyang bumaba ng sasakyan dahil baka pagkaguluhan pa siya roon. 


Habang patagal nang patagal ay pasikat nang pasikat si Arkin. Minsan ay nakakalimutan ko pang sikat siya at naaalala ko na lang kapag naririnig kong pinag-uusapan siya ng mga random na tao sa paligid ko. Ang iba sa blockmates namin ay nagkakagusto pa sa kaniya at talagang fan niya. Tahimik lang kaming tatlo nina Luna tuwing naririnig 'yon. Actually, nakikisali pa nga si Luna minsan. 


Pagkapasok ko pa lang sa fast food restaurant ay bumungad na rin kaagad ang poster ni Arkin doon sa tabi. Endorser nga pala siya nito. Natawa ako at may kagat pa siyang burger roon. Naalala kong naiinis pa siya rati kapag inaasar siya sa commercial niya. 


"Kamukha mo iyong nasa poster sa loob," sabi ko kay Kino pagkabalik ko ng sasakyan. Tinted na tinted pa 'tong sasakyan niya. 


"Gwapo noon, 'no?" Tinaas niya ang kilay niya. Hindi ako sumagot at napairap na lang. Ang kapal ng mukha niya kahit totoo naman. 


Sa mga sumunod na linggo ay sinundo lang namin si Yanna sa Nueva Ecija dahil malapit na siyang manganak. Noong December ay nagplano ng charity event si Sam at inaya niya na rin si Arkin kahit alam niyang busy ito. 


"Kuhanin daw natin ang cake sabi ni Luna," sabi ko kay Arkin pagkapasok sa condo niya. Noong dumami ang projects niya ay lumipat na siya ng unit. 


Same building pa rin naman pero lumipat siya sa mas malaking condo. Medyo hindi pa kompleto ang gamit pero sabi niya hindi naman daw siya madalas nakakauwi. Uuwi lang siya para maligo at matulog. Pagkatapos noon ay aalis na ulit siya para sa taping. Nag-aalala na nga ako sa kaniya. Hindi ba siya nahihirapan sa ganoon? Tanggap pa siya nang tanggap ng projects. 


Nagsuot lang ng simpleng striped shirt, black jacket, at black ripped jeans si Arkin. Siyempre, hindi nawala iyong sombrero niya na palagi niyang sinusuot kapag lumalabas siya. Hindi pa rin talaga ako sanay. Parang dati lang nakikipag-away pa siya kay Lance sa likod ng school. 


Na-late kami dahil sa traffic pero nakaabot pa rin naman kami roon sa event. Nagalit pa ako kay Kino. Akala mo naman ay may magagawa siya sa traffic. 


"Uh, Via, Arkin, si Clyden," pagpapakilala ni Sam sa boyfriend niya. Mukhang nagulat pa 'yong jowa niya at hindi inaasahang ipapakilala siya. 


"Hello, pre, kilala mo naman na siguro ako kaya hindi na 'ko magpapakilala!" Nakaramdam kaagad ako ng secondhand embarrassment sa sinabi ni Kino kaya napaiwas ako ng tingin. 


"Hindi kita kilala," sabi ni Clyden. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko pero natawa ako lalo dahil sa tunog ng tawa nina Sevi at Luna. 



"Via," pagpapakilala ko pagkatapos ni Kino. "Boyfriend ni Sam, 'di ba? Cute n'yo! Bagay kayo. Huwag na kayong maghihiwalay, ha." Ngumiti ako sa kaniya. Maganda ang pakiramdam ko rito sa boyfriend ni Sam. Halatang matino at... matalino! Tinitignan ko pa lang siya ay nai-intimidate na 'ko sa presensya niya. Ang bigat! 


Umalis si Sam saglit para mag-serve ng cake at nakipagkulitan naman si Arkin kay Sevi tsaka sa mga bata. Umupo ako sa table para ilapag ang gamit ko. Kitang kita ko pa sa malayo na nagkakagulo ang mga staff sa event dahil sa presensya ni Arkin. Nagtuturuan pa sila kung sino ang unang magpapa-picture. 


"Your boyfriend?" Nagulat ako nang hinatak ni Clyden ang upuan malapit sa tabi ko at umupo roon. He gestured his chin to point at Arkin before looking back at me. 


Umiling kaagad ako. "Best friend," sagot ko. 


Napaawang ang labi ko nang bigla siyang natawa sa sinabi ko! "Sure," sarkastikong sabi niya bago lumingon doon sa batang lumapit sa kaniya. Binuhat niya kaagad ito at naglakad paalis para makipaglaro. 


Nakipaglaro na rin ako sa mga bata hanggang sa matapos ang program. Naging center of attention si Arkin noong picture-taking na. Nanood na lang ako sa malayo habang nagpapa-picture sa kaniya ang mga bata at mga staff. Napangiti ako habang naka-krus ang braso sa dibdib. 


"Halatang in love ang tingin mo, Via. Huwag mo naman masyadong ipahalata," biglang sabi ni Luna sa tabi ko.


"Siraulo." Binatukan ko siya kaagad. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko at nag-init ang pisngi ko. Halata?! Masyado ba 'kong halata?! Mabilis lang talaga siguro siyang makiramdam. Siya nga, kapag nagkaka-crush siya, mas lalong halata! Gusto pa talaga niyang ipaalam kaagad sa tao! 


Ang hirap hatakin ni Arkin pauwi dahil nag-uusap sila ni Sevi na akala mo'y ngayon lang sila nagkita ulit! Kung hindi ako ang kasama ni Kino, si Sevi naman. Palagi kasi silang nag-gygym. Gym buddies na sila. Pakiramdam ko nga mas madalas kausap at kasama ni Arkin si Sevi kaysa sa akin. Minsan tuloy ay nagseselos na ako. Mas maraming alam si Sevi tungkol kay Kino! 


Noong January ay nanganak na si Yanna. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noong nakita ko 'yong bata. Avrielle... Gusto ko mang haplusin ang mukha niya kaso bawal pa siyang hawakan. Baka suntukin ako bigla ni Yanna kaya hanggang tingin na lang muna ako. Pinicture-an ko na lang para i-send ang picture kay Kino dahil nasa taping pa siya. 


From: Arkin

ano 'yan? hint? gusto mo na ng baby? 


Nag-init kaagad ang pisngi ko at agad tinago ang phone ko dahil baka may makabasa habang naglalakad ako sa hospital. Magpapaliwanag pa sana ako pero nag-text siya ulit.


From: Arkin

jk cute ng bb avi :( bisita ako pagkatapos ko rito kaso matagal pa ata kami. uwi ka muna. text ka kapag nakauwi ka na.


Mabilis lang ang panahon pero pakiramdam ko ang bagal ng oras dahil sa Architecture. Nagtataka rin ako kung paano ko ba na-survive ang 3rd year ko kahit alam kong lahat ng plates na ginagawa ko ay walang halong kulay. They all felt dull. They felt dead. Hindi ko magawa nang maayos dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit ko ginagawa. Hindi ako katulad ni Luna na binubuhos lahat sa plate niya, o si Kierra na alam sa sariling Architecture ang gusto niya. Ako, ginagawa ko 'to para lang maka-graduate. Iyon lang pero hindi ako natutuwa sa bawat gawa ko. 


Hanggang sa 4th year na ako ay iyon pa rin ang nararamdaman ko... pero may panahon pa ba ako para sumuko? Isang taon na lang ay ga-graduate na 'ko kaya titiisin ko na lang. Hindi ko rin naman alam ang gusto kong gawin kahit sukuan ko ang Architecture. Ang hirap. Ang hirap talaga kapag hindi mo alam kung anong saysay ng programang pinili mo. Hindi konektado ang puso ko sa isipan ko. 


"May ipe-pair na sila sa 'kin." Napakamot ng ulo si Kino habang nakaupo sa sahig ng kwarto ko. Nakadapa rin kasi ako sa sahig dahil nagpe-paint. "'Di ba nabanggit ko sa 'yo noon na pagkatapos noong teleseryeng ginawa ko na ako 'yong bida, may bago akong movie? Susubukan na raw ng agency na i-pair ako sa iba. Kapag nagustuhan ng tao, baka maging permanent pairing na kami. Loveteam? Ayaw ko noon..." Reklamo niya.


"Maganda 'yon para sa career mo," sabi ko. Hindi ko man lang naisip na maaaring mahulog siya roon sa makaka-pair niya. "Sino bang ka-pair mo?" 


"Si Clea..." 


Napatigil ako sa pagpipinta at napatulala sa sahig. Clea... Clea Zorel? Iyong nabanggit nina Nics dati? Sobrang ganda noon, ha... Ibang klase rin ang kasikatan niya. Mas lalo siyang sikat kaysa kay Arkin dahil mas matagal na siyang nasa showbiz. Sabi nina Nics ay simula bata pa raw ay uma-acting na 'yon. Gusto ng management na i-angat ni Clea si Arkin sa industriya. Si Arkin ang mas makakakuha ng malaking advantage sa gagawin nila. 


"Mukhang... maganda nga 'yon para sa career mo," ulit ko. "L-loveteam lang naman... Hindi mo naman... Hindi mo naman siya kailangan i-date sa personal..." Hindi ko na alam ang sinasabi ko. 


"Wala naman akong magagawa..." Napabuntong-hininga na lang siya. "Sunod-sunuran lang ako sa manager ko." 


Ako ang mas kinakabahan sa mangyayari. Rati pa man ay may mga partner naman siya sa movie pero mga one-time pairing lang 'yon. Hindi naman masyadong pinagkakaguluhan ng mga tao. Ngayon kasi ay kay Clea siya ipe-pair... Sobrang sikat noon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. 


"Dalawang kaibigan na natin ang nasa showbiz," natatawang sabi ni Kierra. Nagsimula na rin kasing mag-model si Sam pagkatapos grumaduate. 


"Plates lang ay sapat na," sabi naman ni Luna. Mabuti naman at mukhang okay na okay na siya kahit matagal din siyang nalungkot sa break-up nila ni Kalix. Todo focus na talaga siya sa pag-aaral niya ngayon dahil nga naghahabol siya ng Latin honors. Ako, hindi ko na sinusubukan. Parang mapapagod lang ako kapag ginawa ko 'yon. Si Kierra ay pwede pa. 


"Nagsisimula na bang mag-shoot si Kino para roon sa movie nila ni Clea?" Tanong ni Kierra sa akin. 


"Oo," sagot ko habang nakayuko at nag-iiscroll sa Twitter. Hindi naman ako mahilig gumamit ng social media pero simula noong nagsimulang mag-shoot si Kino ng movie at nabalitaan kong maraming kumakalat na behind the scenes photos ng dalawa ay palagi na 'kong nakatambay roon. 


Para sa promotion ng movie, kailangan pa nilang mag-aktong sweet. Ang sabi ni Kino sa akin ay mabait naman daw si Clea noong nag-meet sila para sa film, pero halatang mas mataas daw ang level nito kaysa sa kaniya. Presensya pa lang daw nito ay kinikilabutan na siya. Balita ko ay kaibigan din siya ni Samantha. 


"Hindi naman bagay," bulong ko at tinago ang phone ko. Nakita ko kasi ang stolen picture nilang nagkekwentuhan. Ngiting ngiti pa si Arkin! At inabutan pa raw niya ng tubig sa set! Kilig na kilig naman 'yong mga tao at pinagkakaguluhan na sila kaagad kahit wala pa ang movie! 


From: Arkin

punta tayong up? free na ako. bukas na ulit 'yong shoot 


Nagulat ako sa text ni Arkin. Maaga naman ang uwian ko ngayon kaya pumayag kaagad ako, tutal ay na-iistress na rin naman ako sa school. Kailangan kong magpahinga, kahit saglit lang. Dala ko pa iyong gitara ko dahil pinaayos ko sa isang malapit na shop. Ang tagal ko na iyong hindi ginamit kaya pinapalitan ko ng string at pina-design na rin. 


Nag-jeep lang ako papunta sa UP para roon na lang kami magkita. Suot ko pa ang uniform ko ng Archi. Tinanggal ko ang salamin ko at tinago sa case. Nag-ipit na rin ako ng ponytail dahil mainit. Saktong tanghali pa. Akala mo ay sinusunog na ako sa impyerno. 


Pagkarating ko sa Sunken Garden ay nakaupo na roon si Arkin. Nakasuot siya ng sombrero at nakasandal ang magkabilang kamay sa gilid habang pinapanood ang ibang tao sa malayo. Nakasuot lang siya ng simpleng shirt at shorts. Kahit hindi pa ako nagsasalita ay parang naramdaman niya kaagad ang presensya ko dahil napalingon siya sa akin. 


"Via!" Ngumiti kaagad siya at inabot sa akin iyong baso na nakalapag sa gilid niya. Binilhan na pala niya ako ng street food. "Hindi ako pwedeng kumain niyan, e'. Naka-diet ako ngayon." Ngumuso siya. 


Palagi na nga siyang nag-gygym kahit dati pa. Sinasabayan niya si Sevi na athlete kaya naman ang ganda na rin ng katawan niya. Ang yabang pa nga niya at palagi niyang fineflex ang biceps niya. Kaunting workout, flex kaagad. 


Kung ikukumpara noong highschool, ang laki na ng tinangkad ni Kino sa akin. Ang dami na palang nagbago sa kaniya. Palagi pa siyang nagpapa-facial dahil kailangan sa trabaho niya kaya ang kinis ng mukha niya. 


Nang pagmasdan ko pa ang mukha niya ay naalala ko lang ang photos na nakita ko sa Twitter. Napasimangot ako kaagad at inismiran siya. Mas nainis lang ako nang abutan niya ako ng tubig kagaya noong ginawa niya kay Clea. 


"Ano ka ba? Water refiller?" Tanong ko at inagaw ang bote. Napaawang ang labi niya sa gulat dahil sa biglaang galit na tanong ko. 


"May kasalanan ba ako ulit? Wala naman akong ginawa..." Napaisip tuloy siya. "Sinasabi ko naman na lahat sa 'yo. Ano 'yon, Via?" Kinakabahan kaagad siya. 


Kinuha ko ang cellphone ko para maglaro ng games at hindi siya pansinin pero 'yong black na screen ang bumungad sa akin kaya nag-reflect ang mukha ko roon. Haggard ang itsura ko dahil galing sa klase tapos nag-commute pa. Ang gulo pa ng buhok ko. Inis kong kinuha ang bag ko at naglagay ng lip tint na bigay ni Luna sa akin. Mukha akong pale.


"Whoa, lip tint," manghang sabi ni Arkin. 


Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit? Si Clea lang ba pwede? Ah, hindi na pala noon kailangan mag-ayos dahil ang ganda na niya kahit anong itsura niya. Teka nga... Ano ba, Via?! Bakit ka ba ganiyan?! Kakasimula pa lang nila mag-shoot, ang dami mo nang kinakagalit! Paano pa kapag napanood ko na iyong movie, huh?! 


"Nakakainis naman," bulong ko at padabog na kinuha ang bag ko para suklayin ang buhok ko. Pakiramdam ko ay ang lagkit na ng buhok ko dahil sa jeep. Inabot ni Arkin ang kamay niya kaya binigay ko ang suklay sa kaniya. 


Tumalikod ako sa kaniya at lumapit naman siya para roon ako nakaupo sa may space sa gitna ng dalawang binti niya. Hinatak niya ang hair tie ko bago sinuklay ang buhok ko. Ngumuya na lang ako ng fishball habang nakasimangot. Puno pa ang pisngi ko dahil sa bagal kong ngumuya. 


"Bakit ka naiinis?" Malumanay na tanong niya sa akin. Ingat na ingat pa siya na parang magagalit ako kaagad. 


Hindi ako nagsalita kaya hindi na rin siya nangulit. Inipitan niya na ulit ang buhok ko bago tinago ang suklay sa bag ko. Tumayo ako saglit para i-tapon iyong pinagkainan ko at pagkabalik ko, nilalabas na niya sa case iyong gitara ko. 


Umupo ako ulit sa damuhan at pinanood na lang ang paglubog ng araw. Nawala na kaagad ang inis ko. Ako naman ang kasama niya ngayon kaya hindi na dapat ako naiinis... Pero hindi ko maiwasang isipin kung siya na ba ang gusto ni Arkin ngayon? Hindi na ba... ako?


"Bakit mo 'ko inaya rito ngayon?" Tanong ko habang yakap ang dalawang tuhod ko. Hindi siya nakasagot kaagad. Umiwas pa siya ng tingin.


"Maglalabas na ako ng single soon. Naalala mo 'yong kantang sinusulat ko noon? Ipaparinig ko sa 'yo. Tapos ko na. Matagal na," sabi niya. Hindi ko alam kung bakit kabadong kabado ang itsura niya. "Makinig ka..." Nautal pa siya. 


Nag-strum siya sa gitara bago kumanta. "Napapaisip sa gitna ng kaguluhan... Litong lito sa pulso ng nararamdaman. 'Di mawari kung ito'y isang panaginip... Tila ang puso ko'y naglalaro sa kalawakan..."


Hindi ko kaagad nakuha ang mensahe ng kanta. Hindi ko rin alam kung tungkol saan ba iyon. Nakinig na lang ako. 


"Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan... Magkatabi't sinisilayan ka. 'Di na alam, naguguluhan... Tuwing kasama kita sa..." Tumingin siya sa harapan. Unti-unti nang lumulubog ang araw. "Ginintuang tanawin... Sa ilalim ng langit, ika'y kapiling ko... Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo..."


Napakunot ang noo ko dahil parang tugma iyon sa kung nasaan kami ngayon... O baka naman ina-assume ko lang iyon? 


"Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako. Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo..."


Bumilis na nga ang tibok ng puso ko nang tignan niya ang mga mata ko habang tumutugtog sa gitara. Napaiwas kaagad ako at hinigpitan ang yakap sa tuhod ko. Dumagdag pa ang ganda ng boses niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. 


"Sumisilip ang tinatagong kagustuhang makasama ka't manatili sana sa iyong tabi... Umaawit sa kislap ng 'yong mga ngiti... Hihiling na lang na sana'y ako man lang ay iyong tignan. Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan... Magkatabi't sinisilayan ka... 'Di na alam, naguguluhan, tuwing kasama kita sa..." 


Inulit niya na naman iyong chorus. Ginintuang tanawin. Natapatan pa siya ng sinag ng palubog na araw kaya mas naging maganda ang itsura niya sa mga mata ko. 



"Nagtatanong ang aking isipan... Nais mo rin ba akong mahagkan?" Tinignan niya ako. "Hanggang dito na lang ba ang ating... pagkakaibigan?"


Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ang gusto niyang iparating... Kaya niya 'ko tinawag dito ngayon... Nasaktuhan pang dala ko ang gitara ko kaya ganito niya gustong sabihin. 


"Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit, sana'y malaman mo... Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako? Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako. Kulay kahel na langit, hindi mapipilit mabigyan ng pag-ibig mo..." Tumigil na siya sa pag-strum ngunit nakapatong pa rin ang gitara sa binti. 


Walang nagsasalita sa amin at pareho kaming nakaiwas ang tingin sa isa't isa. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Nag-papanic ako! Napahawak ako sa dibdib ko na parang mapapakalma ko iyong puso ko. Nag-fake cough pa si Arkin at uminom ng tubig, halatang naiilang na rin. 


"Ang... Uh... Ang ganda ng kanta," sambit ko. Muntik pa siyang masamid sa tubig. "Tungkol sa... taong may gusto sa kaibigan niya, 'di ba? Anong naisip mo at ganitong kanta sinulat mo?" 


Nakita kong napangiti siya habang umiinom ng tubig. Nang binaba niya ang bote at binalik sa bag niya ay natatawa na siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit! 


"Pulang pula pisngi mo," natatawang sabi niya. 


Napahawak kaagad ako sa mukha ko at umiwas ng tingin. "Mainit kasi," pagpapalusot ko. "Uh, tara na. Lumubog na 'yong araw. Magdidilim na. Commute pa ako pauwi," sabi ko sa kaniya at tumayo na. 


"Wait lang..." Tinago niya ang gitara sa case bago 'yon sinabit sa balikat niya at tumayo. Dahil wala na ngang araw ay dumidilim na sa paligid. Nakasunod lang sa akin si Kino habang naglalakad kami, hindi nagsasalita. 


"So..." Sabay kaming nagsalita kaya sabay rin kaming natahimik. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at sumunod naman siya sa akin sa likod. 


"Anong tingin mo sa kanta? Nakuha mo ba 'yong message?" Tanong niya sa akin. 


Hindi ako lumingon sa kaniya nang sumagot ako. "Oo naman! Nagco-confess 'yong tao sa kaibigan niya kahit alam niyang may risk na malayo sila sa isa't isa..." Hindi ako makapagsalita nang maayos. Kung ano na lang ang pumasok sa utak ko ay 'yon ang sinabi ko. 


He... confessed, right? 


Anong sasabihin ko roon? Pwede na ba? Kaya ko bang i-sugal lahat ng pinagsamahan namin para rito? Para lang sa panandaliang relasyon? Paano kapag naghiwalay kami? Ano nang mangyayari sa pagkakaibigan namin? 


"P-pero... Maganda! Maganda 'yong kanta!" Lumingon ako sa kaniya at tumigil sa paglalakad. Tinanggal niya ang cap niya at ginulo ang buhok niya. Madilim naman na at wala masyadong tao. "Uh... Arkin-" 


"Mahal kita, Via."  


Nahugot ko ang hininga ko, hindi inaasahang sasabihin niya 'yon bigla. Alam ko naman na 'yon pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin! Napaiwas ako ng tingin at nilaro ang mga daliri ko. 


"Hindi bilang kaibigan," seryosong sabi niya. "Alam mo naman na 'yon kaya bakit mo pa iniiwasan?" 


Napalunok ako. Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita. Kailan pa siya naging ganito ka-seryoso? Noong last na nag-confess siya ay umiiyak pa siya... Ngayon, parang nakakatuwa para sa kaniya ang reaksyon ko. 


Ano ba?! Ano bang sasabihin ko?! Gagayahin ko ba si Pres?! Ngayon, nararamdaman ko na ang nararamdaman niya noon. Iyong urge na magpasalamat kapag hindi mo alam ang sasabihin. 


"Alam ko ang iniisip mo. Huwag kang magpasalamat sa 'kin dahil hindi ko 'yon kailangan." Seryoso pa rin siya. 


"Anong gusto mong sabihin ko?!" Reklamo ko nang hindi ko na makayanan. "Ang hirap naman ng ganito, e'! Magkaibigan tayo, 'di ba?! Bakit ba kasi kailangan mo pang sabihin 'yan? Bakit kasi kailangan mo pang sabihin 'yon noon?! Dahil sa 'yo, hindi ko na rin alam kung anong mararamdaman ko! Bwisit naman kasi, Larkin!" Napahawak na ako sa ulo ko. 


"Ano bang nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin. "Mahal mo ba 'ko?" 


"Malamang! Magkaibigan tayo!" Pilit ko pang pinagtakpan ang nararamdaman ko. Handa na ba akong sabihin? Natatakot ako sa pwedeng mangyari... sa pwedeng mawala. 


Matagal siyang napatitig sa akin bago tumango at sinenyasan akong maglakad na lang. Napasimangot ako sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Sinabi na lang niya na dala niya ang sasakyan niya kaya hindi ko na kinailangan mag-commute. Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa byahe kami pauwi. 


"Arkin! Napabisita ka!" Gulat na sabi ni Papa nang sundan ako ni Kino hanggang sa loob ng bahay. Akala ko talaga ay aalis na siya pero nag-park pa siya roon sa malayong parking space. Rent 'yon kaya nagbayad pa siya for overnight! Ibig sabihin ay dito siya matutulog! Hindi ba siya naiilang, ha?! 


"Hi, Papa!" Masayang bati ni Kino na parang walang nangyari. "Dito muna ako matutulog. Maaga naman akong aalis dahil may shooting pa 'ko."


"Sikat ka na talaga. Huwag mong kalimutang alagaan ang sarili, ha... Via, nagluto na 'ko. Kumain na muna kayo." 


Nakikipagkwentuhan lang si Kino kay Papa at sa mga kapatid ko habang kumakain. Nauna akong natapos kaya hinugasan ko na ang plato ko at umakyat para maligo. Sa wakas ay hindi na siguro ako amoy pawis. Nagpalit ako ng shorts at... Ano 'to? 


"Ano ba 'yan..." Napakamot ako sa ulo ko nang makuha ko na naman iyong shirt ni Arkin. Sinuot ko na lang 'yon at bumalik na sa kwarto para patuyuin ang buhok ko. Maya-maya, pumasok na rin si Kino, bagong ligo na. 


"Akin 'yan." Turo niya sa suot ko na para bang inagaw ko sa kaniya. Wala siyang suot na pangtaas dahil basa pa ang buhok at nagpapatuyo ng towel. 


"Hindi ko naman sinasadya. E' 'di sa 'yo na! Damot mo!" Tumayo ako at pumunta sa tapat ng cabinet para kumuha ng bagong shirt ko. 


Napatigil ako nang bigla niyang isandal ang palapulsuhan niya roon sa may cabinet habang nasa likod ko siya. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at nagulat pa dahil ang lapit niya. 


"Huwag na." Sinara niya ang cabinet at sinandal ako roon. Basa pa ang buhok niya at may nakasabit na twalya sa leeg. 


"Umalis ka nga..." 


"May kissing scene sa movie." Napabuntong-hininga siya at lumayo sa akin. 


Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. "Ano naman?" Tanong ko kahit may kumirot sa dibdib ko. "Wala ka pang first kiss, 'di ba? Si Clea! Ayaw mo ba noon?"


"Gusto ko ikaw," seryosong sabi niya ulit. 


Napalunok kaagad ako at umiwas ng tingin. Nagbibiro ba siya? Hindi magandang biro 'yon, ha... Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Bakit ba siya narito? Bakit hindi na lang siya umuwi sa kanila?! 


"Si Clea na lang! H-hindi ako marunong!" Tanggi ko kaagad.


Bigla siyang natawa nang malakas sa sinabi ko. Hiyang hiya na tuloy ako! Inis akong lumapit sa kaniya para takpan ang bibig niya dahil ayaw niyang tumigil sa kakatawa! Pilit naman siyang umiiwas sa kamay ko. Napatigil lang ako nang hawakan niya ang dalawang palapulsuhan ko at sinandal ulit ako sa may cabinet. 


"Isa," pagbabanta niya sa akin. 


"Bakit ka kasi tumatawa?!" Mahina ko siyang sinipa sa binti. Niluwagan niya ang hawak sa palapulsuhan ko at binaba 'yon. "Ano bang nakakatawa? Totoo naman! Sigurado ako mas marunong si Cl-"


"Si Clea ba gusto ko?" Hindi niya 'ko pinatapos.


Natahimik ako at umiwas ng tingin, kagat ang ilalim ng labi ko sa sobrang hiya. Hinawakan niya ang baba ko at pilit akong hinarap sa kaniya. Ang tangkad niya kaya kailangan ko pang itaas ang tingin ko. 


"Aminin mo na, Via. Nahuhulog ka na rin sa 'kin." Napangisi siya nang makita ang reaksyon ko. Pinisil pa niya ang pisngi ko na paniguradong namumula na. 


"Asa," pakikipaglaban ko pa. 


"Ayaw mong aminin?" Ginilid niya nang kaunti ang ulo niya at nilapit ang mukha sa akin. "Itulak mo 'ko kung hindi mo 'ko mahal." 


Napaawang ang labi ko nang nilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin. Ni hindi man lang pumasok sa utak kong itulak siya kahit ang tagal niyang naghintay na ganoon ang pwesto namin. Napapikit na lang ako. Narinig ko pa ang maikling tawa niya bago ko naramdaman ang halik niya sa labi ko. 


Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at diniinan ang halik sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. I turned my hands into a fist and put it on his chest. Nanghihina ang tuhod ko. Ginalaw pa niya ang labi niya at binaba ang kamay sa leeg ko. 


Pinakawalan niya lang ako nang biglang may kumatok. Hingal na hingal ako nang iwan niya 'ko sa tapat ng cabinet para buksan ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang nangyari. 


"Ysha!" Napalakas ang boses ni Arkin, halatang kinabahan. 


"Si Ate po?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. 


"Hmm..." Sumandal si Arkin sa may pinto at tumingin sa akin habang nakangisi, halatang nang-aasar. "Bakit, Ysha? Anong kailangan mo sa girlfriend ko?" 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 12.7K 5
Si Khloie Sandoval ay baliw na baliw kay Drake Palermo. Si Drake ay isang malanding lalaki, may laging ka-sex at dahil nga gusto siya ni Khloie ay ha...
130M 3.5M 44
University Series #3. Sevi, the team captain of Growling Tigers, never expected to fall in love again after his first heartbreak with his bestfriend...
126M 4.1M 48
UNIVERSITY SERIES #4. Samantha Vera from Ateneo De Manila University, the epitome of kindness, empathy, grace, and solicitude got her life ruined whe...
3.9K 1K 34
Due to the arranged marriage agreed by their grandfathers, Meredy Aisley Victorio had to marry Ishmael Andrew Javier. However, Meredy didn't agree wi...