REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

126K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 20

1.9K 113 22
By spirit_blossom

What happened during breakfast was just the start of something worse. Naging rebelde sa mga sumunod pang araw si Gino. Hindi lang sa mansyon. Pati na rin sa ibang lugar tulad sa paaralan.

He skipped subjects several times that irked our professors, kasi kung nasa classroom man madalas namang nakikitang tulog o maingay. Namimilosopo rin ng mga guro at nang-iinis ng ibang kaklase. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang tumawag sa amin si ninong para ipaalam sa tatay ko ang mga ginagawa niya, especially that one time he was caught drinking liquor just outside school.

Hindi na rin siya nakakasabay sa amin kumain tuwing hapunan. Gabi na kasi siyang umuuwi at isang beses pa lang yatang bumalik nang 'di nakainom. Hindi naman siya masita ni Papa kasi sa kada pagsasabihan niya si Gino parating nangbubulyaw at gawa ngang nakainom kaya nauuwi sa pagbabasag ng mga gamit tulad ng ginawa niya noong una.

I was so guilty! I knew I am accountable for his change of behavior. Naalala ko na 'yung nangyari sa amin noong gabing malasing ako. I blamed him for something he wasn't even responsible. Wala siyang kasalanan sa nangyari sa akin pero sa kaniya ko binuhos ang lahat. I even cried I should have never met Gino. Hindi na lang sana siya nanghimasok sa buhay namin, at ngayong nangyayari na nga ang hiningi ko halos lamunin ako ng konsensiya, kasi kung alam niya lang nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganu'n. Hindi siya ganu'n. Hindi ganu'n si Gino!

Tahimik kong binuksan ang pinto ng home office ni Papa. Sumilip ako sa siwang. Nakita kong tahimik siyang nag-iisip sa kaniyang upuan. Nakaharap sa direksyon ng bintana habang nakapahinga ang likod sa sandalan.

"Pa?" mahinang tawag ko.

Umikot ng kaunti ang swivel chair ni Papa. The afternoon sunlight from his window gave a solemn ambiance. Nababalot sa anino ang tatay ko gawang nakatalikod siya sa liwanag ng araw.

"Can I come in?"

Hindi siya sumagot. Hindi rin naman niya ako sinabihang umalis. Huminga ako ng malalim atsaka tinipon ang lakas ng loob na harapin siya. Pumasok ako sa opisina niya at tahimik na sinarado ang pintuan.

I'm still suspended. Wala akong ginawa sa mga nakalipas na araw kundi ang mamalagi lang rito sa mansyon, at sa pamamalagi ko ngang iyon kaya nasasaksihan ko kung gaano naaapektuhan ang tatay ko sa nangyayari. Papa opted working at home for the past few days. Dumadaan na lang ang sekretarya niya para ihatid at kunin ang mga dokumento na kailangan niyang mabasa at mapirmahan.

Tumungo ako sa desk niya at nang makalapit sa gilid isang matipid muna ang ipinakita.

"How's work, Pa?" tanong ko.

Napatitig siya. Nakita ko sa mga mata niya ang kawalang-interes. Nangirot ang puso ko pero naintindihan ko naman. Pareho naming alam kung gaano ko kinasusuklaman ang trabaho niya.

"Work is fine, hijo. I was just taking a break.. contemplating over something.. someone." sagot niya kalaunan at bumuntung-hininga.

"Si Gino ba?" I asked. I cannot blame my father turning hesitant. Huling beses na pinag-usapan naming mag-ama ang binatang iyon nauwi lamang sa pagtatalo. Humarap uli ang tatay ko sa direksyon ng bintana.

"Your ninong just called an hour ago. Gino had a fist fight with a student from another school yesterday. Nakipagsuntukan. Na naman. Nagrereklamo ngayon 'yung magulang nung nakaaway niya."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig. This is the third time we received a call regarding his square fights. Ano bang nangyayari sa'yo, Gino?

"May nagawa ba kong mali, Rhiannon?" tanong bigla ni Papa.

Napabaling ako sa kinauupuan niya. Nakaharap pa rin sa bintana si Papa. The specially made basketball court was in full view from this window.

"Napakaraming panahon ang ginugol ko para hanapin siya. Napakatagal kong naghintay. Napagbigyan naman ako sa hiling ko pero parang unti-unti na uling nawawala. Was I wrong for fulfilling that dream I so desire?"

Papa really longed for a son. Napakasakit marinig pero alam ko namang 'di talaga namin maiiwasang mapag-usapan ito ni Papa. Gusto niya ng lalaking anak na tulad ni Gino, at maski masakit man sa parte ko na tanggapin ito pero hinayaan ko. For Gino.

"No, Pa." pilit kong pinatatag ang boses na parang mababasag.

"Siguro nga, anak." Papa said and there was silence for a minute. "Siguro rin mali ako."

Napatitig ako sa kinauupuan ni Papa. Narinig ko siyang bumuga ng hangin.

"I guess having him here wasn't the best for Gino; for you. I'm considering about invalidating the adoption—"

"What? No!"

Hindi ko inaasahan ang sagot kong iyon! Napakabilis ng sagot ko at nang mahimasmasan huli na para bawiin pa. Narinig na ni Papa. He was even sharing the same expression. Nagulat na para bang ibang Rhiannon ang nasa harap niya!

"Sigurado ka ba, anak?" Papa asked. I bit my lip.

Bakit ako tumutol? Hindi ba ito rin naman ang unang gusto ko! I want Gino out of our mansion; out of my life, even. I want him gone for good. I was given the chance a minute ago but I quickly disposed that opportunity! What is wrong with me?

"I.. I.."

Ang isip ko gustong sumagot ng hindi, na mali lamang ng narinig si Papa kanina at dapat na naming palayasin si Gino kasi ito naman talaga ang nais ko noon pa; pero ang puso ko taliwas naman ang gustong sabihin, na tama lang na manatili ang binatang iyon kasama namin, kasama ni Papa, at kasama ko.

Nangarera ang puso ko sa ideyang iyon. Natanggap na rin kalaunan ang kapalaran kong pilit kong tinatanggi sa sarili. I am falling in love with Gino. The boy that I used to call jerk; the boy that I used to hate.

"I'm going to talk to him, Pa. Gino's not going anywhere." sagot ko at napangiti.

Papa did the same. Nangilid ang mga luha sa sulok ng mga mala-uling niyang mata at sa unang beses pakiramdam ko may nagawa rin akong tama.

"Salamat, anak."

Napagdesisyunan ko ngang kausapin kinagabihan si Gino tulad ng aking pangako. Hindi muna ako natulog at minabuting tumungo sa kasunod na cuarto.

Huminga ako ng malalim nang makita ang nakasaradong pinto ng silid niya. Hindi masukat ang paninibok ng puso ko lalo na nang katukin ko ito ng isang beses.

"Gino." tawag ko pero wala namang sumagot sa loob.

Napatambol lalo ang dibdib ko. I wasn't sure if my voice was weak or he didn't bother answering me. I stared at the doorknob for a couple of seconds. Nahuli ko na lamang ang sariling pinihit ito.

Bumungad sa paningin ko ang madilim na silid ni Gino kaya lalo akong kinabahan. Wala akong natatandaang umuwi siya ng lasing kanina kaya 'di ko sigurado kung natutulog na ba siya. Gumala ang paningin ko sa kabuuan ng kaniyang silid mula rito sa siwang ng pinto. Hindi rin katagalan nang mapahinto ang mga mata ko sa kaniyang bintana. Gino was standing there and facing the outside.

He seemed to be talking to someone over his phone.

"Pasensiya na po kung ngayon lang ako nakatawag sa inyo, tita. Kumusta ho kayo?"

I blinked.

"Tita, ako po 'to. Nakalimot na agad?" tila may lambing sa tono ni Gino.

Siguro nga mali ang makinig sa usapan nila pero pinili ko pa ring manatili. Nababalot sa dilim ang kabuuan ni Gino habang nakaharap sa sarili niyang bintana na buwan lamang ang nagbibigay liwanag.

"Nagtampo na agad? Si tita naman. Pasensiya na nga po. Hindi po. Hindi ko po kayo nakalimutan, tita." Tumawa siya ng mahina.

Namilipit ang bituka ko sa tunog ng halakhak niya. Hindi ako makapaniwalang hahanapin ko pala ang nakakainis na tawa niya.

"Maayos naman po ako rito.. opo.. opo tita.. mababait naman po sila rito.. hindi po nila ako inaalila."

Nanumbalik bigla 'yung mga panahong inaalipusta ko si Gino. Naalala ko 'yung mga pinagsasabi ko sa kaniya noong bago pa lang siya sa amin. Napalunok ako nang tila magkaroon ng malaking bara ang aking lalamunan. Narinig ko uli ang mahinang tawa niya.

"Hindi po.. hindi niya po ako inaaway.. si tita talaga.. hindi rin 'ta.. haha.. magkasundo naman po kami ng anak niya."

Was he referring me? Hindi ko maintindihan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang pinakitaan ng kamalditahan. Bakit siya nagsisinungaling sa tiyahin niya?

Bakit ba ayaw akong patulan ni Gino? I've been nothing to him but a bully. Lagi ko siyang pinagsasalitaan noon kaya nang napapagtanto ko na ang mga kasalanan ko lubos akong nakokonsensiya. Hindi rin nakatulong ang mga sumunod na narinig ko!

"Gusto ko na pong bumalik.. miss ko na po kayo tita."

Napakagat ako ng labi. Nanghina ang mga tuhod nang tuluyang lamunin ng konsensiya bago mawalan ng balanse kaya bahagya kong nabuksan ang pinto. Napalingon agad si Gino.

Gino ended his call. Tumungo siya sa akin at mula sa kadiliman ng kaniyang cuarto dahan-dahan siyang lumapit sa liwanag na nagmumula sa pasilyo. Bumungad sa mga mata ko ang isang binata na napakalayo sa nasaksihan ko kanina.

"Ba't ka nandito ha?" tanong niyang monotono tila 'di nagustuhan ang presensiya ko.

"G-Gino." Tumingala ako dahil mas matangkad si Gino kaya kita ko ang disgusto sa mga mala-uling niyang mata. Hindi na ito tulad ng dati na maamo at mapagpasensiya.

"Bakit ka nakikinig sa usapan ng iba?" he growled.

Namilipit ng labis ang puso ko! What has become of you, Gino?

"Ba't 'di ka sumagot ngayon? Anong ginagawa mo labas?"

The sides of my eyes are getting warmer. Nagbadya man ang mga luha ko sa tono ng pananalita niya pero pinilit kong magpakatatag. I need to do this.

"Can we t-talk?" Panandalian kong nasipat ang karaniwan niyang titig na binibigay sa akin dati. Tumawa siya ng pagak nang mawala itong tuluyan.

"Umalis ka na." malalim niyang sabi at isasarado na sana ang pinto nang harangan ko.

"Ba't ka ba nagkakaganiyan?"

Huminto siya sa pagsarado ng pinto. Tumitig siya sa akin na nakabagsak ang dalawang malalagong kilay.

"Tumigil ka na! Hindi mo ba alam na marami nang naaapektuhan sa ginagawa mo? Si Papa! Wala ka bang pakiramdam kung anong nararamdaman niya kasi nagkakaganiyan ka?"

I wanted to include myself. Hindi lang naman si Papa ang nalulungkot ngayon sa kinikilos niya. Would he believe me if I tell him honestly of my feelings?

"Wag mo kong didiktahan, brat."

"Gino, please." pagmamakaawa ko lalo at kung magtagal pa ito tuluyan nang bubuhos ang mga luhang nakaambang sa mga mata ko.

Napa-igting ang panga niya. Napabaling siya sa kanan at nakita ko kung paano umangat ng kaunti ang mga ugat sa leeg niya. Natakot man pero may bumulong sa sulok ng puso na kailanman 'di ako padadapuan ng kamay ni Gino.

I was right. "Ba't ano bang pakialam mo?"

Pag nagpatuloy ka sa ganiyan tuluyan ka nang itatakwil ni Papa! Paaalisin ka na sa amin at aminin ko man o hindi parang 'di ko makakaya! Gusto kong sabihin sa'yo kaso natatakot ako na baka pagtawanan mo ko! Hindi ko na gustong umalis ka! I'm eating my words that I used to tell you before!

I so wanted to tell him that but I'm too scared. Paano kung lalo siyang umalis dahil sa pag-amin ko?

"Please, Gino. S-Stop this. Para kay P-Papa.. p-para sak—" but I was stopped as tears that I ceased greatly started falling down.

Hindi ko na na-control ang damdamin. Napaluha na ko ng masidhi at napapikit na lamang sa harapan niya. I never expect this day would come that I would be this invulnerable infront of him. I turned weak. I wasn't like this and it's because of him. Si Gino na ang binatang kinamumuhian ko noon.

"Noong nakaraan lang gusto mong mainis sa akin tatay mo, tapos ngayon gusto mo nang matuwa na uli siya sakin. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako lalagay sa'yo. Ba't ba ang gulo ng mga utak niyong spoiled brat?"

I opened my now-swollen eyes. Naluha ako lalo nang sumalubong sa akin ang walang ekspresyon niyang mga mata. Gusto kong sumagot pero tila napakahirap. I can only shook my head.

"Bumalik ka na sa cuarto mo, Rhiannon." sabi na lamang ni Gino bago niya tuluyang isarado ang pinto.

I stared at his doors with tears flowing continuosly like a river. I didn't mean it. I swear. I wasn't thinking before. I now regret everything. I'm sorry. I'm sorry, Gino.

Nakapangalumbaba kong pinagmamasdan ang kalawakan ng luntian naming hardin mula sa balkonahe. Nakamasid sa dalawang katulong na dinidiligan ang mga bulaklak at ibang halaman na tanim pa ng nanay ko. Nakita ko silang nagkukuwentuhan. Narinig ko ang mga masasaganang tawanan nila pero imbis na mahawa sa saya nila lalo lamang akong napabuntung-hininga.

Sumipol ang banayad na hangin nitong kinahapunan ng Huwebes. Humalik sa aking pisngi na tila ba pinapagaan ang mabigat kong damdamin.

Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakapangalumbaba nang buksan ng mga guwardya ang entrada. Pumasok ang itim naming kotse at binuntutan ko ito ng tingin hanggang maiparada ito katabi ng iba pa naming mga sasakyan.

Bumaba si Gino sa likuran. Sumunod sa pagbaba niya ang isa naming kaklase. Napakunot ang noo ko. Tang ¡na?

Napalingon ang dalawang katulong sa lakas ng boses ng kasama ni Gino. Nairita ako sa tunog ng halakhak niya at nahuli ko na lamang ang sariling mabilis na nilisan ang balkonahe. Nagpatianod ako sa aking mga paa na dalhin ako hanggang sa pinakaibabang baitang ng aming grand staircase.

Tumatawa pa rin ang bruha nang makapasok sa mansyon pero agad ring natigilan nang marinig ako.

"Ibang klase rin pala kakapalan ng mukha mo ano!"

Bumaling sa kinatatayuan ko si Stephanie. Tumirik ang isa niyang kilay. Hindi rin nagtagal nang umusbong ang mapang-insultong ismid sa labi niyang pulang-pula.

"Hi, Rhian. Kumusta bakasyon?"

Continue Reading

You'll Also Like

50.1K 774 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
216K 6.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
12.2K 791 56
Coincidence? Luck? Mischief? You can say almost everything. But, Pin knows it's one thing: It's Love. What will you do if your love suddenly appears...
44.7K 3K 48
Bound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity...