My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Ayos

372 36 4
By HEYNEENAMOR


Rita's POV







Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay at tama nga ako, nakauwi na si Ken sa bahay..












Seryoso itong nakaupo sa sofa at nanonood ng Tv. Hindi ko alam kung ano ang dapat na unang lumabas sa bibig ko habang papalapit sa kanya. Hindi ko kasi sure kung galit ba ito or hindi. Pero alam kong alam niyang andidito na ako. Dahan-dahan akong lumapit dito..












"Nag dinner kana?" tanong nito. Hindi naman mukhang galit or cold yung boses nito . Parang normal niya lang.. Napangiti ako at tumabi sa kanya sa sofa..











"Actually hindi pa, kanina ka pa?" tanong ko dito.







"Sabay na tayong kumain. Nag take out na ako kanina para sa dinner natin." napansin ko ang bago nitong phone na nakalapag sa center table.








"Nakabili ka na ng bago mong phone?"








"Oo. Kailangan eh."












"Pwedeng installment na lang yung pagbabayad ko sa phone mo? Wala kasi akong——"









"Hindi ko naman pinapabayaran sayo yung phone."










"Pero kasalanan ko—-"










"Accident yun." napabuntong hininga ako at seryosong nakatingin parin sa kanya.
















"Kamusta ka? Kamusta ang araw mo?" tanong ko dito out of nowhere. Ngayon , siya naman ang huminga ng malalim bago nagsalita..













"There is one girl sa company, hindi siya madalas na makinig sa akin.. She constantly lied to me. At naging dahilan pa para pagtakpan ang kasinungalingan ng iba.." nanlaki ang mata ko ng maisip kong ako pala yung tinutukoy nito.. Hindi naman ito mukhang galit kaya pinakinggan ko muna ito.








"She is smart, loud, well, maganda din siya, charming.. Wala yatang tao ang hindi niya kaibigan sa kumpanya.." napangiti ako sa sinabi nito..









"Pero she lied to me. At pakiramdam ko, may tinatago pa ito sa akin.." napayuko ako at aminado akong guilty sa pagkakataong ito..













"Lying is a bad habit. She didn't trust me? Right?"











"Pero nasubukan mo na ba siyang tanungin kung bakit siya naglihim sayo?" sagot na tanong ko dito..











"Pero siguro kahit itanong ko iyon sa kanya, may mga nakahanda na siyang excuses.. I don't accept excuses. Lalo na't from the very beginning, sinadya na niyang magsinungaling at maglihim." ngayon ay nakakaramdam na ako ng takot dahil unti-unti ng nagbabago yung mood nito.. Nararamdaman ko ng galit ito.










"Wala siyang excuses Ken! Reasons! She has a lot of Reasons kung bakit niya nagawa iyon.. Naipit din siya sa sitwasyon. Mahirap din para sa kanya ang magtago ng katotohanan.." ngayon ay naiiyak na ako kasi hindi ko na alam kung papaano magpaliwanag sa kanya..








"Excuses, Reasons. Pero kahit sabihin niya iyong lahat sa harap ko, wala ng mababago.. Nangyari na ."









"Sobrang sama ko na ba talaga?" malungkot na tanong ko dito. Tumayo ito pero nakapameywang lang sa harap ko na para bang pinapagalitan ako ng Tito ko. Charr
















"First, pumasok siya sa bahay ko at ginulo ang interior nito.. Second, ang ingay-ingay niya, Third, matapang na empleyado.. I remember na clumsy din ito, nahulog yung reports na hawak niya sa sahig.. Doon ko nalamang isa siya sa magiging staff ko. Ang liit ng mundo diba? Well, Sa halip na tulungan ko siyang pulutin iyon, hindi ko ginawa.." natawa ako sa sinasabi nito ng maalala ko iyon at nag flip ako ng hair para mapakalma ang sarili ko.
Nagulat ito sa pagtawa ko at seryoso paring nakatingin sa akin.









"Natawa kasi ako sa kinuwkwento mo. Sige tuloy mo pa.."











"I remember, she lied to me na magpapadala siya ng pera sa magulang niya pero nalaman kong nakipagdate lang pala ito sa dati niyang boss, anak ng may-ari ng kumpanya.." nagulat ako. Teka, date? With Oliver? Sinamahan niya lang ako para ma-interview si Miss Anne nun eh! Date ka diyan! Hmp..







"We lied sa harap ng mga magulang nito at hanggang ngayon ay hindi parin sinasabi ang totoo about sa situation ng bahay..See? Pati ako ay dinamay sa pagsisinungaling.." okay. Guilty ako..











"Enough. Ang bigat na pala talaga ng kasalanan ng babae na yan. Ayokong mapunta sa posisyon ng babaeng yan. Baka ma -haggard lang ako.." sabi ko dito.











"Wag mo ng asamin to be in that girls place. Matigas ang ulo nun." sabi nito at ngayon ay inirapan ko si Ken..









"Maganda naman." sagot ko dito ng hindi parin tumitingin sa kanya..














"Gusto kong magtiwala. Gusto kong ibigay ng buo yung tiwala ko. Pero sa tuwing susubukin kong magtiwala muli, may maling sitwasyon na nangyayari. Hindi parin mabuo-buo yung tiwala ko.. Kasi everytime when she choses her friends, kung ano yung nakikita niyang mali, she always kept by herself. Hindi niya iniisip na posible akong masaktan.." napatingin ako sa mga mata nito at nakakakita ako ng lungkot.. May trust issues siya. Malinaw na malinaw. At kahit sa akin ay hindi niya kayang mabigay ang buo niyang tiwala. Para namang nababasag ng maliliit na piraso tong puso ko. He didn't trust me.











"Ang bigat ng comparison. Hindi ako pwedeng pumili. Mahalaga sila. Mahalaga ka rin" pag-amin ko dito.









"Her friend violated the most important rule of the company and hide it to the boss. Hmm.. Instead of advising them and tell everything, she chose to hide it... Rita, kung ikaw ba ang nasa posisyon ko? Pagkakatiwalaan mo pa yung mga tao na iyon? Yung tao na iyon?"
tumango ako.










"Oo naman. Magtitiwala ako sa tao na iyon. Kung alam ko naman sa sarili ko na kilala ko ito."










"Well, hindi ako katulad mo, katulad niyo na mabilis magtiwala sa isang tao.." seryosong sabi nito. Kinuha ko ang mga kamay ni Ken at hinawakan ito. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandidito lang ako. Alam ko, nararamdaman kong may mabigat itong problema na dala-dala, kung ano man iyon, tutulungan ko siya na malagpasan iyon..






















"Bakit lumipat ka ng sofa?" tanong ni Ken sa akin ng mapansin nitong naglakad ako palapit sa kabilang sofa..











"Hindi naman sa ayaw kitang katabi at guilty ako ngayon dahil sa nagawa namin sayo, may mga gusto lang akong itanong sayo at mas okay tong position parang Tonight with Boy Abunda lang.." natatawang sabi ko dito.









"Questions? Ayoko."












"Dali na Ken! Wala naman tong Fast talk na sex or chocolate, kasi alam ko na ang isasagot mo dun!! Dali na!"










"Kakain pa tayo ng Dinner Rita!"






"Saglit lang to!! Damot naman!"










"Fine! Bilisan mo.."














"First, hmmm itong babae na tinutukoy mo kanina na naging dahilan kung bakit ka nagagalit ngayon, hmmm gaano ka ba kagalit sa kanya ngayon? Rate from 1-8 .. " tanong ko dito..














" Nine" sagot nito at umismid ako..












"Ta-talaga ba? Hmmm. Sa tingin mo ba talaga, na may masamang intensyon yung babae na iyon para magawa niya ito?? Gaano kasama yung intensyon niya? Rate from 1-8 .."










"Zero." sagot nito. Doon ay medyo gumaan na yung pakiramdam ko..









"Sa tingin mo ba talaga, gusto ka niyang masaktan dahil sa pagtatago niya ng katotohanan?" seryosong tanong ko muli dito.. Matagal ito bago sumagot.. Para akong nagbibilang ng iyak ng butiki habang inip na naghihintay ng sagot nito..









"Hindi ko alam. Ikaw ba? Sa tingin mo?" balik na tanong nito sa akin..










"Alam kong madaming masamang nagawa sayo yung tao. Base sa mga sinabi mo kanina. Pero alam ko, alam ko hindi niya sinasadyang saktan ka. Hindi ka niya kayang saktan.." seryosong sagot ko dito..












"As a result of her action, pakisabi sa kanya na isang buwan niyang lalabhan muli ang mga damit ko.." Aba! Kita mo yan!! Oportunista!











"Hoy, I'm asking questions about you Ken, wag mong pinapasok yung mga ganyan! Kinikilala kita, kasi wala pa akong masyadong alam sayo..Don't get confused! "nagtataray na sabi ko dito.









"Oo na! Bilisan mo na.."













"Sure? Sasagutin mo talaga lahat ng itatanong ko?"










"Bilis."













"Tell me about your first kiss with a girl.." biglang sabi ko dito at alam kong nagulat siya..















"Inemphasize mo talaga na girl? Hindi pa ako nakakahalik ng lalaki Rita." strict na pagkakasabi nito. Huuu. Katakot. Ahahah















"Sagutin mo na dali! I'm so ready to listen." nakangiting sabi ko dito kahit na hindi ako sure kung handa ba itong mag share..















Napansin kong umayos ito ng upo. Pumikit na para bang inaalala nga nito ang unang halik nito.. Laaah? Sa dami siguro, nakalimutan na niya.














"Summer time. Sa isang resort sa Cavite. Kasama ang buong section namin, nagkayayaan na pumunta sa beach .. There she is. A beautiful young lady.. It's just happen. Hindi ko siya pinilit kasi siya yung unang humalik sa labi ko, sabi niya crush niya daw ako.." natawa ako dito.













"Nakaw ang una mong halik? Kawawa ka naman. Akala ko pa naman malakas ka sa babae.. Yun talaga nag insist? Hahah. Ilang taon ka ba that time?"











"Nine." para akong mahuhulog sa kinauupuan ko. Bata pa lang siya, madami ng patay na patay sa kanya. Grabe naman yun!!!












"Oh, nasagot ko na hah? May tanong ka pa?"










"Di pa natin napag uusapan yung girl!! So tell me about her? Sabi mo beautiful young lady, describe her please!! Tisay ba siya? Morena? Singkit? O bilugan ang mga mata? —"











"Kailangan talaga details?"













"Aba syempre!"











"Okay! Hmm.. I remember her red hair. Ang ganda ganda niya." Okay, napaismid ako sa kung paano nito inaalala yung itsura nung girl. Sus, bata palang Red Hair na? Princess Ariel pala yun?















"Stop, next question..—"










"Teka, bakit may hawak kang sketch pad? Don't tell me tini-take down notes mo yung mga sagot ko?"















"Wala to!! Hmm, eh according sa kwento mo, maganda siya, yung girl sa first kiss mo. Eh yung girl na last kiss mo as of the moment, natatandaan mo pa?" matapang na tanong ko dito..













"Wala naman akong amnesia. Kagabi lang yun nangyari, bakit mo tinatanong?"














"So ako ba yun?"











"Bakit? May iba pa ba akong hinalikan kagabi??" nagtatakang tanong nito..











"Aba malay ko! Hindi ko alam. Ikaw lang ang nakakaalam niyan. Malay ko bang may nadali kang iba diyan! Kakauwi mo lang dito sa bahay diba? Saan ka ba galing? Tinatanong ko ... kasi kanina, umalis ka ng resort with that Rebecca—-"











"Are you jealous?"











"Ofcourse not!!"










"Galing ako sa bahay ni Feliciano."







"Okay."






"Ayan ka naman sa okay na yan!"










"Fine! Okay na ako sa sagot mo. Don't confused me hah! Ayoko kasi manghula.."










"I'm confusing you? Ikaw nga tong madaming tanong na hindi ko maintindihan kung bakit sinasagot ko din naman. You distracted me! Galit ako sayo diba? Gusto mong kalimutan ko agad yung ginawa mo?" napayuko ako sa sinabi nito. Ewan ko ba, siguro nga ganoon na ako ka-attached sa taong ito at ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito na hindi lang magustuhan ng pandinig ko ay susugat na agad sa puso ko..









"Alam ko naman na hindi mo iyon makakalimutan... Ken... I'm sorry.." doon ay totoong napaiyak na ako.. Mabilis kong pinunasan ang sarili kong luha..












"Ilang minuto na tayong nag-uusap. Kumain na tayo para matabihan mo na si Oslo sa kwarto. Tulog na yung bata.."









"Ken? Ano ba talaga yung totoong dahilan mo kung bakit ka napunta sa decision na magset ng ganoong klaseng rule? Hindi ka naman aabot sa puntong iyon kung wala kang napagdaanan na nagdulot ng trust issues mo sa mga taong nakapaligid sayo!" doon ay wala na akong narinig na sagot mula dito.. Tumayo ito at pumasok sa kwarto niya, iniwan akong mag-isa sa sala..






















He refused to answer. Ano ba talaga ang totoong dahilan Ken?





































Kinabukasan, nagising akong mugto ang mga mata. Halatang-halata ang iyak ko kagabi. Hindi na din ako nakakain ng dinner dahil nawalan na ako ng gana. Pero ibang saya ang pinaramdam sa akin ng panaginip ko. Sa panaginip ko, masaya kaming magkahawak ng kamay ni Ken na naglalakad.. Ang saya-saya namin sa panaginip na iyon. Napangiti ako na kahit sa panaginip ko ay kinikilig ako sa kanya. Haaays... Paglabas ko ng kwarto ko ay napansin kong busy si Ken sa kusina.. Teka? Nagpeprepare siya ng breakfast namin? Totoo ba? O nananaginip parin ako?













Nang mapansin niya yatang nakatingin ako sa kanya ay mabilis akong tumalikod dahil ayokong makita niyang mugto ang mga mata ko. Pero magtalikod ko ay pader na pala ang sumalubong sa akin kaya nauntog ako..









"Shit!!" tanging salitang nasabi ko dahil sa sakit ng noo ko..










"Ayos ka lang ba? Hala dumudugo!"










"A-ano? Du-dugo?! Dumudugo??" kinakabahang tanong ko dito. Nawala ang kaba ko ng biglang bumulahaw ng tawa si Ken..











"Hahahahah.. Biro lang. Wala naman. Alam ko naman kung gaano katigas yang ulo mo. Hindi yan madadamage, alam kong matagal ng may damage yan.." pang aasar nito kaya nahampas ko siya sa braso at irita akong bumalik ng kwarto. Sinundan niya ako sa loob..







"Tara na sa labas, kumain na tayo. Alam kong gutom kana.."









"Anong nakain mo, bakit ka nagluto ng breakfast?"






"Wala nga eh. Tara na!" pamimilit nito. Pinasadahan ko ng sulyap ang natutulog na si Oslo sa crib bago ako magpakaladkad sa lalaking ito papunta sa kusina..



























"Hinihintay tayo ni Sir August. Short discussion regarding sa magazine ng cosmetic line ni Rebecca.." rinig kong sabi nito.










"Sir August, father of Rebecca?"











"Yes."












"Kasama si Rebecca?"











"I don't know. Hindi siguro. Biglaan ang meeting eh, kakatawag lang kaninang 6am.."











"Pero wala tayong pasok. 2 days off tayo diba? Urgent ba yan?"












"Bakit ba ang daming reklamo nung girl na yun . Sa tingin mo ba, dapat ko ng padalhan ng Memo yun? Sa tingin mo hah?" sabi nito kaya sumenyas ako na tatahimik na ako. Natawa ako at nagsimula na akong tumayo para ayusin ang mga plato..












Para akong tinamaan ng kidlat dahil sa pag-agaw ni Ken ng hawak kong plato at baso dahil alam kong sinadya nitong hawakan ang kamay ko. Napatingin ako dito.











"Mag ready ka na dun. Ako ng bahala dito." rinig kong sabi nito.. Napangiti ako dito at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya.. Papalabas na sana ako ng kusina ng muli kong nilingon si Ken na busy sa pag-aayos ng kinainan namin..









Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran.. Gusto ko siyang yakapin. Kahit na alam ng puso ko na wala itong tiwala sa akin. Masakit. Gusto kong intindihin pero hindi ko alam kung hanggang kailan.. Natigil ito sa ginagawa niya. Hindi ito humaharap sa akin bagkus, hinayaan niya lang ako sa ginagawa kong pagyakap sa kanya.. Napangiti ako ng mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay ko na para bang ayaw niyang itigil ko ang pagyakap na ginagawa ko sa kanya..




















Ngayon ay hinarap na ako ni Ken at nakangiti itong nakatitig sa akin.. Akmang hahalikan niya ako ay mabilis kong kinuha ang isang pandesal at kinain ko iyon. Natawa ito dahil hindi natuloy ang paghalik niya, nakangiti ko itong tinalikuran at nagsimula na akong pumasok ng kwarto ko para makapaghanda sa meeting mamaya..




















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

8K 454 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
12.9K 720 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
6.7K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
28K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴