Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.8K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

Importunate

979 34 4
By keeperofsins

"Mommy, you should have seen the look on kuya Mikael's face kanina," halakhak na lang ni Laydon.


Kanina pa walang patid ang tatlong anak niya sa pagbibiruan sa likod ng kotse mula nang magbyahe sila pauwi.


"Hoy!" agad na sita na lang ng binata rito na siyang naging dahilan ng malakas na pagtawa ng mga ito.


Hindi na nga alintana ni Mikael na ito ang nagmamaneho nang lumingon ito para pandilatan ang mga kasama na nasa likod.


"Bakit, ano bang nangyari?" Hindi niya napigilan ang mag-usisa dahil na rin sa reaksyon at kakatuwang hitsura ng katabi niya.


Kinunutan na lang ni Mikael ang mga nasa likod bago umayos ng pagkaka-upo upang ituon muli ang tingin at atensyon sa harapan nila.


"Wa...wala po iyon mam Lucy," pilit nitong sabi.


Mas lalo lang siyang naintriga nang makita ang biglaan pag-angat at baba ng lalagukan nito kasabay ng halatang pag-iwas nito ng tingin sa kanya habang nagsasalita.


"Saan ba kayo nagpunta?" muli na lang niyang pangungulit.


Doon naman biglang napahinto sa pagtawa ang tatlong anak niya at dali-dali na lamang nagsipag-ayos ang mga ito ng kilos at pagkakaupo.


Napataas na lamang tuloy si Lucy ng isang kilay habang pinapakatitigan ang tatlong binata mula sa rear view mirror ng sasakyan. Napagtanto niya na marahil ay mayroon itong pinuntahan na hindi kaaya-aya.


"Sinamahan lang po namin si Thorin na magpamasahe kanina," sambulat na ni Mikael nang dito niya na ibaling ang tingin.


Pansin na pansin niya ang biglaan pamamawis at pamumutla nito, kaya naman napangisi na lamang siya nang bahagya, dahil nakasisigurado na siya sa naisip at nakuha niya na ang dahilan ng pagtatawanan ng mga ito dahil na rin sa lumabas sa bibig ng binata.


"Oh. So, nagpamasahe rin kayo?" pilit pagpipigil na lang niya sa ngisi habang sinasabi iyon.


Halos kumawala na ang isang bungisngis kay Lucy nang makita niyang halos sabay-sabay na namilog ang mata ng apat na binata.


"No mom. Uhm...We just waited lang po sa labas kasi ayaw naman pumasok ni kuya Mikael," sagot na lang ni Laudrian habang panaka-naka ang pakikipagpalitan ng tingin sa mga kasama nito.


Alam niya naman ang klase ng lugar na pinuntahan ng mga ito, kaya batid niya ang pagkailang ng mga ito kanina, kaya mas lalo lang siyang ginanahan na tuyain ang mga ito, dahil na rin sa pilit pa rin na pagsisinungaling ng mga ito.


"How come?" saad niya na wari ay nagtataka.


Ilang sandali rin natahimik ang mga ito at nagsesenyasan ng tingin, kahit si Mikael ay panaka-naka ang pakikipagtitigan sa rear view mirror.


"Hi...hindi lang po kasi ako komportable sa ganoon lugar," sa wakas ay sagot na nito nang manatiling tahimik ang tatlo sa likod ng sasakyan.


"Oh," nasabi na lang niya nang makita ang tila lalong pagkataranta ng binata sa kanyang tabi, kaya ibinaling niya na ang atensyon sa tatlong anak. "How about you boys, bakit hindi niyo sinamahan si kuya niyo?" tuwid at may pagkaseryoso na niyang tanong.


Mukhang nakatunog na ang isa sa mga anak niya dahil napanguso na ito habang pilit na sinusuklian ang kanyang mga titig.


"The place wasn't to their liking," malalim na sambit na lang ni Landrake na napayuko na lamang muli pakasabi noon.


"Eh bakit ikaw?" tuya na lang na balik ni Laudrian dito.


Bahagya itong umatras sa kapatid habang tinataasan ito ng isang kilay. "Do you really need me to elaborate on that," buong tapang na panunubok ni Landrake sa kapatid.


Ngiwing napatango na lang si Laudrian dito habang nakikipagsukatan ng tingin sa kapatid. Tuluyan na siyang napangiti dahil sa nabatid niyang may bahid na ng katotohanan ang sinasabi ng anak.


"Where here!" taas kamay na bulyaw ni Laydon nang bahagya na nitong maaninag ang kanilang tahanan mula sa kinalalagyan.


"At last!" Malakas na buga naman ni Laudrian ng hininga nang dahan-dahan ng iparada ni Mikael ang kotse sa may harap ng gate ng kanilang bahay.


"Hurry up Drake, my legs need stretching!" singhal na tulak ni Laudrian sa kapatid.


Halata ang pagmamadali nito na makababa dahil halos kanina pa nagsisiksikan ang mga ito sa naturang likuran ng sasakyan.


Natatawang pinagmasdan niya na lang ang tatlong anak na mag-unahan sa pagtakbo upang buksan ang gate ng kanilang tahanan.


"Thanks for driving us Mikael," baling niya sa binata nang makita niya ng tuluyan ng nakapasok ang tatlo niyang anak sa loob.


"Uhm, mam Lucy," halos bulong na sambit na lang nito.


Nananatili pa rin na nakatingin ang binata sa harap ng kotse ng mga sandaling iyon, tulala sa kalsadang madilim na at wala ng katao-tao.


"Oh, bakit?" buong tamis na ngiti na lang niya nang dahan-dahan na itong lumingon sa kanya.


Naglalambing na napanguso na lang ito habang panaka-naka ang pagkisap ng namumungay at nakikiusap nitong mga mata.


"Nandiyan naman po sina Laydon, baka naman po pwedeng samahan niyo muna po ako sandali." Maingat, dahan-dahan at mayroon pang pag-aalinlangan ang pagkuha nito sa kanyang kamay.


Napabuntong hininga na lang siya nang mabatid ang ninanais ng lalake ng mga oras na iyon, subalit sigurado niyang hindi siya basta-basta makakaalis ulit, lalo pa at naroon ang tatlo niyang panganay na lalake.


"Saan naman?" buong lambing na lang niya na pagmaang-maangan.


Ganoon na lang ang pagpipigil ni Lucy ng tawa sa pagkaaliw nang lalo lang humaba ang pagngunguso nito dahil sa narinig.


"Doon, sa alam niyo na," pilit tuwid na sambit nito.


Doon na siya tuluyan napahagikgi kaya naman napasubsob na lang si Mikael ng mukha sa balikat niya dahil sa hiya.


"Saan nga?" magiliw niyang tuya dito.


Napabusangot na lang ito nang muling mag-angat ng tingin sa kanya, kaya naman ganoon na lang ang muli niyang paghagikgik dahil sa nakakatuwa nitong hitsura.


Nanlalaking matang napatigil lang siya nang biglaan na lang nitong ipasok ang kanyang kamay sa loob ng pantalon nito.


"Mikael, isa!" halos pabulong na sita niya nang maramdaman ang tigas na tigas nitong pagkalalake sa kanyang mga palad.


"Dali na mam Lucy," buong lambing nitong sambit bago marahan na ilapat ang mga labi sa kanyang leeg.


Nahigit na lang niya nag kanyang hininga nang bigla na lang bumugso ang kakatuwang kiliti sa buo niyang kalooban, na sinabayan pa ng agaran ng pag-iinit ng kanyang katawan nang magawa naman ng binata na maisilid ang kamay nito sa loob ng kanyang palda.


"Miss ko na kayo eh," nanunuyong saad nito.


Hindi na siya kaagad nakasagot sa binata dahil unti-unti na siyang nanlalambot habang napapatirik ng mata nang madama na ang pagsisimula ng mapanuksong paghaplos nito sa maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita.


"Isa, baka makita tayo ng mga anak ko!" hangos niyang sita sa binata.


"Tatlong buwan na iyong huli natin, baka naman pwede maka-isa ngayon," lambing nitong muli.


"May sakit ka naman kasi last month," kapos hiningang bara niya dito.


Halos parehas na silang naghahabol ng hininga ng mga sandaling iyon dahil unti-unti na silang naaanod sa sarap ng mga nangyayari.


"Sabi ko naman kaya ko, kayo lang iyon may ayaw noon eh," agad nitong balik, ipinupunto ang nangyari ilang buwan na ang nakakaraan.


"Hay naku," angil niya na lang sa binata.


Tuluyan na siyang sumuko sa nais nito dahil na rin sa unti-unti ng pagsakop ng sensasyon sa kanyang katawan ng mga sandaling iyon.


"Mam Lucy!" napapaliyad na ungol na lang ng binata nang hawakan na niya ang naghuhumindig nitong ari.


"Oh ayan," napapakagat labi niya ng sambit nang simulan niya ng paglaruin ang kamay sa kabuuan ng pagkalalake nito.


Naisipan niya na kung magagawa niyang maparaos ito sa mismong sasakyan ay hindi na niya kailangan pa na sumama rito.


Walang patid na ang panaka-naka nilang paglilikot sa kinauupuan dahil tila naglalaban na silang dalawa sa kung sino ang kayang magparanas ng mas makamundong sensasyon sa kanila.


"Hala," biglang daing na lang ng binata nang bigla na lang alisin ni Lucy ang kamay sa loob ng pantalon nito.


"Ayan na sila, umayos ka na," sita niya na lang sa binata.


Naaninag niya kasi ang isang anak sa gilid ng kanyang paningin, kaya naman tila parang naupos na lang kaagad ang nagliliyab niyang pakiramdam.


Naroon man ang kanyang pagkabitin sa ginagawa nila ay hindi niya naman kayang makita ng anak sa ganoon sitwasyon. Mabuti na lamang at nanatili siyang alisto dahil na rin sa kinalalagyan nila.


Mabilis naman umayos ng upo si Mikael na napapangiwi pa habang iniaayos ang pantalon nito dahil bukol na bukol pa ang pagkalalake sa suot.


"Mommy!" singhal ni Laydon habang kumakatok sa salamin ng kotse.


Nakasimangot na ito at salubong na salubong na ang kilay ng mga sandaling iyon kaya naman nakadama na siya ng bahagyang kaba, sa kadahilanan na baka nakita nito ang ginagawa nila sa loob ng sasakyan.


"Yes," pilit ngiti na lang niya pakabukas na pakabukas ng pinto ng kotse.


"I think you need to get inside quick," ngitngit nitong sambit.


Doon siya bahagyang naguluhan lalo pa nang makita ang pangingiwi nito habang napapapikit.


"Why, what's wrong?" kunot noong tanong na lang niya dahil sa pagkalito.


Napapitlang na lang sila nang maulinigan ang isang malakas na pagkalansing ng kung anong nabasag mula sa loob ng bahay.


"Shit," dali-dali na lang na napatakbo si Laydon sa pabalik sa loob.


"Ano iyon!" nanlalaking matang sambulat ni Lucy pakatalon pababa ng sasakyan upang humabol sa anak.


"Mam Lucy, sandali! Hintayin niyo ako." Ganoon na lang ang pagkataranta ni Mikael na tanggalin ang seatbelt nito.


Subalit hindi niya na ito hinintay dahil sa pagkataranta. Halos matapilok pa nga siya sa pagmamadaling tumungo papunta sa kanilang bahay, lalo pa nang maulinigan ang ilang sigawan mula roon.


Nanumbalik na lamang ang kanyang takot at kaba nang maulinigan ang namamaos at galit na galit na pagsigaw ng isa sa mga anak.


"No, you fucking left us and now you think a little sorry is going to make up for it!" bulyaw ni Landrake habang dinuduro ang ama.


Naabutan niya ito na hawak-hawak ng dalawang kapatid na lalake habang kaharap si Andrew na nakatayo sa harap ng mga ito habang nakaangat ang dalawang kamay.


"What's happening here?" agad na lang niyang sita sa mga naroon.


Sabay-sabay naman na napalingon naman ang apat sa kanya, kaya naman nagpalipat-lipat na lang siya ng tingin sa mga ito.


"Mom, can you just please tell him to leave," baling na lang sa kanya ni Laudrian.


"Lucy, help me out here," turan naman ni Andrew.


"Who let you in?" Pamamaywang niya na lang sa lalake.


Wala siyang maalala na nagpaalam ito na pupunta ng araw na iyon, kaya naman kahit siya ay nagulat nang madatnan ito roon.


"The boys of course," magiliw na sagot na lang ni Andrew sabay baling sa tatlong nakababatang anak na halatang takot na takot na ng mga sandaling iyon habang nagsisiksikan sa isang gilid ng sala.


"Then, nasaan iyong bantay ng mga bata?" sermon na lang niya.


Naroon kasi ang kaba niya na baka nakita ng lalake ang naturang taong iniwan niya para sa kambal.


Naparolyo na lang ng mata si Andrew. "She locked herself upstairs with the twins," turo nito sa ikalawang palapag ng bahay.


Nakahinga na lang siya ng maluwag nang mapuna na mukhang hindi naman nito nagulo ang pinagbantay niya sa kanyang mga bunso.


"Mam Lucy, anong nangyayari?" bulalas na lang ni Mikael nang lumitaw ito mula sa likod niya.


Muli na lang naparolyo si Andrew ng mata sabay napamaywang na rin nang makita ang binata.


"Great, he's here. Kid, you better leave, this is a family matter," mapanuya nitong sita bagong dating.


Agad naman na napasimangot si Mikael pakatapon ng isang matalim na tingin sa naturang lalake dahil sa tinuran nito.


"Maybe you should be the one who should leave," walang pagdadalawang isip na bulyaw nito kay Andrew, kaya naman napatawa na lang ng mapakla ang isa pang lalake.


"Okay, that's enough," malakas niyang singhal sa dalawa pakaangat ng mga kamay sa mukha ng mga ito. Naroon na kasi ang akmang paglapit ng dalawa sa isa't-isa, kaya humarang na siya sa mga ito.


"Can I talk to you for a moment." Paniningkit niya na lang ng mata sa dating asawa sabay tango upang pasunurin ito.


Nagmamadali na lang siyang tumalikod upang kausapin ang lalake sa labas pero laking gulat niya na lang nang mabatid na hindi pa rin ito sumusunod sa kanya, bagkos ay nakikipagsukatan pa rin ito ng matatalim na tingin kay Mikael.


"Andrew!" sigaw niya na dito.


Napabusangot na lang ito, pagkatapos noon ay sinipat pa nito ang binata mula ulo hanggang paa bago tuluyan na sumunod sa kanya.


Napasapo na lamang siya sa mukha dahil sa tila pag-aasal bata nanaman nito sa harapan ni Mikael, na wari mo ba ay kaedad lang nito ang binata.


"What do you think are you doing?" nanlilisik matang sita niya sa lalake nang makalabas na sila sa may hardin ng bahay.


Medyo malayo-layo na sila sa mga nasa loob kaya sigurado niyang hindi na sila rinig mula roon.


Mabilis naman ang tila pagiging maamong tupa ni Andrew nang bumaling na kay Lucy. Matamis na ang ngiti nito at namumungay na ang mga mata


"Making amends, what else. I said I'd do it right," buong giliw nitong saad.


"But not like this! You know how the boys hate sudden confrontations," singhal niya sa lalake.


Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya at inis ng mga oras na iyon dahil na rin sa batid niyang hindi ganoon ang totoong pakay nito roon.


"I was just suppose to talk to you, but then they came in and so I thought might as well talk to them, right," buong lambing na lang nitong sambit.


Muli na lang napabuga ng hininga si Lucy, naroon na ang unti-unting pagkirot ng kanyang ulo dahil na rin sa walang patid na kapalpakan nito.


"Andrew, what do you think are you going to achieve, doing a surprise visit like this!" nangngingitngit niyang sermon.


Tila wala pa rin kasi itong kadala-dala sa mga kaguluhan at away na nangyari rito noon nakaraan at paulit-ulit pa rin nitong ginagawa ang halos parehas na pagkakamali.


"I just want to fix things, you know," napapangusong saad na lang nito.


Muli na lang siyang napabuga ng hininga. "Then, can you at least try to be more sincere about it! I know that I told you to do this as soon as posible, pero huwag naman ganitong bara-bara na lang!" sermon niya muli.


"I'm trying Lucy, I swear. But this would be a lot easier if they could just see that the two of us are getting along again," tila nanghehele nitong sambit.


Napataas na lang siya ng isang kilay sa narinig. "We were getting along fine a year ago, until you started shoving your ass in my personal space," gigil niyang sambit.


Tila ganoon na lang ang biglaan pamamawi ni Andrew, napatawa na lang ito sabay kamot sa batak. Naroon na rin ang panaka-naka nitong pag-iwas ng tingin.


"I was just looking out for you and trying to catch up on old times, is that so bad?" tila nagmamakaawang turan na lang nito.


"Of all the people in the world, I doubt I'd trust you to look out for me, since we both know where that got me and there isn't anything important that we need to discuss since we both know what the other has been up to," pagtataray niya na lang.


Sa sobrang tagal na niyang kilala ang lalake at may kaunti na siyang ideya sa kung ano ang totoong tumatakbo sa isipan nito kung bakit ginagawa iyon.


"Oh c'mon Lucy, are we going to bring this up again?" pagtataas na lang nito ng kamay.


Naroon na ang padurang pagbuga nito ng hangin dahil na rin sa pagbabalik tanaw as naturang usapin na iyon.


"I wouldn't be, if you would just avoid trying to screw with me again," bara niya rito.


"Lucy naman," maktol na lang nitong sambit pakasalampak ng balikat.


Sa pagkakataon iyon ay naubos na talaga ang kanyang pasensya dahil na rin sa halatang hindi talaga siya balak tigilan ng lalake, hanggat hindi nakukuha ang gusto nito.


"Just face it Andrew, you only have two choices here. Get your shit together and fix things up so that we can all finally move on with our lives or you can just keep screwing around and pissing me off which will just end up with everyone going back to square one." Duro niya na lang dito.


Ilang sandali itong natahimik, nakailang pagtalikod pa ito habang inis na napapakamot na lang sa ulo. Ilang saglit pa ang lumipas at naging tuwid na ang mukha nito.


"Is this what you really want?" turan ng lalake nang muli ng humarap sa kanya.


Naroon ang na ang talim ng titig nito at lalim ng boses pakasabi noon.


Humalukipkip na lang siya upang makipagsukatan ng tingin sa lalake. "Do I look unsure to you Andrew," pagpapalinga na lang niya ng ulo.


Ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat nito pakabuga ng hangin. "Can I at least stay the night," malumanay na pakiusap nito, na halos nagmamakaawa pa ang mga tingin sa kanya.


"You better not, just say good bye to the boys, so we can show them we're in good terms," walang gana na lang niyang balik.


"All right then," tipid na lang nitong sambit bago dahan-dahan na tumalikod sa kanya.


Napasapo na lang siya sa kanyang ulo dahil sa sakit na nagsimula ng mamuo roon, hindi niya lubos akalain na sa edad nilang iyon ay mararanasan niya pa ang matinding uri ng kakulitan, kapal ng apog at kawalan ng hiya mula sa isang tao.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...