TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 12

544 50 44
By ha7fcook

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

"Hindi namin matanggap na hindi na ikaw ang Presidente namin, nakakapanibago talaga, as in." Sabi ni Forah sa akin.

Kasalukuyan na kaming nananghalian pareho at pinag-uusapan ang nangyari.

"Sanayin mo na, because I am no longer the President." Ani ko.

"I want to quit!" Aniya kaya tinignan ko siya.

"Don't." Sabi ko at sumubo sa pagkain.

"Malay mo, makakaya ni Quim na ihandle sa mas maganda at maayos na paraan, learn to trust your new Leader." Sabi ko.

Yes, I do hate Quim but I don't under estimate her leadership. Hindi ko din naman ugali ang manira kapag serysong usapan.

Forah sighed, at hindi na umimik at nagpatuloy sa pagkain.

"Nga pala, pansin ko lang, hindi pumasok si Sullivan." Sabi niya.

Napakibit balikat naman ako.

Hindi ko na poproblemahin si Sullivan, I am no longer the President Council kaya naman bahala na sila.

He can do whatever he want to do now, sabayan ko pa kung gusto nila eh.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Forah ay bigla siyang tinawagan for an emergency meeting sa SSC, ayaw man niya, pumaroon na lang din.

Mag isa ko ngayong kumakain.

"Ooh, look who's here, nakakatuwa namang hindi na ikaw ang namamahala sa school na ito. Sana noon palang ay nagrally na kami sa 'yo." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

Napakunot noo ako, tinignan ko mula ulo hanggang paa ang estudyanteng ito.

"Sino ka naman?" Walang gana kong tanong.

"Ako lang naman ang isa sa mga estudyanteng nasabunutan mo noon." Mataray na sabi niya at may mga kasama pa siya sa likod niya.

"Ano ngayon?" Tanong ko at sumubo.

"Aba! Hindi pwedeng hindi kami makaganti sa 'yo." Pagkasabi niya ng sinabi ay nagulat ako sa padarag na may humila sa akin mula sa likuran ko at hinawakan ako magkabilaan.

Hindi ko man lang namalayan.

Inis ko silang tinignan at talagang kayhigpit ng kanilang hawak.

"Bibilangan ko kayo, bitawan niyo ak---fuck!" Napamura ako nang sampalin niya ako.

"That's one." Sabi ng isa.

Nasa anim kasi sila eh.

"Huwag niyo akong hintaying maga---punyeta!" Sigaw ko nang sinampal na naman ako ng isa.

"Huwag niyo akong sagarin!" Sigaw ko ngunit tawa lang ang sinagot nila.

Nagkaroon na ng bulong bulungan.

"Mabuti nga 'yan sa kaniya."

"Karma na niya 'yan."

"Iyan ang napapala niya ngayon."

"Sigeee! Patumbahin na 'yan!" Mag nagsigaw.

"Patumbahin! Patumbahin! Patumbahin!" Pagkanta pa nila.

Biglang tumaas ang init ng ulo ko dahil halos lahat ay sang ayon sa nangyayari sa akin ngayon.

"SHIT!" Sigaw ko at napaluhod sa sahig nang may humapas sa likuran ko.

I clench my fist in anger.

Ang dalawang babaeng may hawak sa akin kanina ay muli akong hinawakan.

"Ahh!" They scream in pain.

Bago nila mahigpitan ang hawak sa akin ay tig-isang siko sa muka nila ang iginawad ko.

Mukang nainis pa ang apat at sabay sabay na sumugod at nagulat ako sa bat na hawak nila eh wala naman silang hawak kanina.

Isang malakas na hampas ang ginawa ng isa kaya naisangga ko ang kamay.

"Fuck!" Mariing bulong ko.

Ang sakit!

Hindi ko pa man naipoposiyon ang katawan ko ay isang hampas na naman ang natanggap ko dahilan para sumalamak ako sa sahig.

"Ayan! Mabuti nga sa 'yo!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA."

"Sige! Lumupuhin na 'yan!"

Iba't ibang cheer ang mga estudyante, at lumukob ang sama ng loob sa puso ko.

Tumayo ako at pinunasan ang labing pumutok.

I smirked and in one move, isang sipa ang iginawad ko sa isa at napahiga na lamang sa sahig.

Nakangisi kong pinagmasdan pa ang tatlo at nag-aalinlangang lumapit sa akin.

Naglakad ako papalapit and she look so threatened.

Iniamba niya ang bat ngunit mabilis kong sinipa iyon.

"WAHH!" Sumigaw sa sakit sang kasamahan niya dahil iyon ang natamaan ng bat nang masipa ko.

I laughed evilly.

At dinaklot sa kwelyo ang isa at nanginginig na ito sa takot.

I smirked and smile evilly and punch her in her face at nagsisisigaw naman sa sakit and fuck! Nag enjoy ako!

Sinenyasan ko ang isang lumapit pero umatras kaya binilisan ko ang paglapit at dinaklot siya at sinakal.

Katahimikan ang namutawi sa buong canteen.

"Bi--bitawan mo ako!" Utal utal na sabi ng sakal sakal ko.

"Please!" Pagmamakaawa na niy.

Naangiti ako sa pagmamakaawang ginawa niya.

"If I beg you guys, would you let me go?" Nakakalokong tanong ko alam kong magbibigay kiabot sa kanila.

"Nagkakamali kayo ng kinalaban, I can do whatever I want lalo na ngayong hindi na ako Presidente! Kaya huwag kayong tanga!" Sigaw ko at imalingawngaw 'yon sa loob ng Canteen.

Tahimik ang lahat at mukang pigil hininga pa sila.

"If you please me to kneel down and respect your new President, never gonna happen, because I never get the respect that I wanted when I am the one who's sitting as your leader!" Sabi ko.

"Paano ka namin irerespeto eh ganiyan ka?" May naglakas loob na magsalita.

I smirked.

"Isipin niyo kung bakit ganito ako, balang araw maiintindihan niyo." Sabi ko at hinampas ang babae gamit ang platong ginamit ko.

At umiyak naman sa sakit.

"Leighra!" Someone shouted nang makapasok ng canteen.

Napasinghal ako, kung kailan tapos ay 'tsaka umeksena, walang kwenta.

Inirapan ko siya at tumalikod at dumaan sa likod palabas ng canteen.

Hindi pa ako nakakainom ng tubig punyemes!

Habang naglalakad ay sari saring negatibo ang naglalaro sa isip ko.

I sighed.

Ibinulsa ko ang dalawang kamay ko.

Ramdam ko na ang sakit ng buong katawan ko lalo na ang kamay kong nahampas kanina.

Naglakad ako paakyat ng hagdan at naisipang pumunta muli ng roof top.

Natagalan man ay nakarating parin naman ako.

Dumeretso ako sa gilid at pinagmasdan ang malawak na field ng paaralan.

Napabuntong hininga akong muli at hinilot ang kamay ko, pakiramdam ko'y namamanhid na, mukang may bali pa.

Napaupo ako sa sahig at yumuko sa mga tuhod ko.

"Kumusta?" Sa gulat ko ay napaangat ako ng tingin at nakita ko si Sullivan na umiinom ng tubig sa sulok gaya lang kahapon.

"Pahingi naman ng tubig." Sabi ko nang maisara na nya 'yon.

Inihagis naman niya sa akin at mabuti nalang at nasalo ko.

Binuksan ko naman 'yon at nilagok.

"Namumula ang muka mo ah." Aniya.

"Napaaway ako sa canteen eh." Sabi ko naman.

Tumawa siya.

"Aba kawawa ka nga." Sabi kaya napairap ako.

"So, how's life as an ordinary student?" He asked.

"Well, not good, dumami bashers ko alam mo ba 'yon?" Sabi ko.

Tumawa na naman siya.

"Lahat naman basher mo ah, kahit pa noong ikaw pa ang nakaupo." Sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit may katotohanan sa sinabi niya.

"Fuck their new President."

"Ohh, Quim is pretty and hot and looks delicious, so my pleasure to fuck her." Aniya at nakangisi pa.

Tinignan ko pa siya ng may pandidiri at tinawanan lang niya ako.

"Mandiri ka nga." Sabi ko at umirap.

"Ano palang ginagawa mo dito sa rooftop?" Tanong niya.

"To look for peace kaso may demonyo akong naabutan." Sabi ko.

"Kapwa lang naman tayo." Aniya at ngumisi pa kaya tinaasan ko siya ng gitnang daliri ko.

"Aray! Shit!" Sigaw ko nang maituko ko ang kamay kong nahampas kanina.

Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko para tiisin ang sakit at pigil ang mga luha ko.

"Tsk, tsk, tsk, kawawang bata."

'Bwisit!'

Napamura nalang ako sa isip ko at maingat niyang inaangat ang braso ko, may bali nga ba o may naipit lamang na ugat?

Damn! Ang sakit!

Isinandal ko ang sarili ko sa pader at pumikit.

"Ahh!" Sigaw ko nang iangat niya ang kamay ko.

Hindi ko man lang naramdamang lumapit.

"Aray! Ano bang ginagawa mo!?" Sigaw ko.

"Shut up! Just relax!"

Siya pa itong naiinis, ayos ah.

"Tiisin mo masakit talaga 'to." Sabi niya sa akin, kahit na mangiyak ngiyak ako sa sakit ay tumango ako.

[Harvey's Pov]

Nabalitaan ko na naman ang nangyari sa canteen, punyemes.

"Lereigheo, nakita mo na ate mo?" Xyzee asked.

I sighed and shook my head.

"Look." Aniya at pinakita ang cellphone niya.

Video ng kaganapan sa canteen kanina.

"So it's not her fault at all, sumobra lang siya." Sabi ko at tumango tango naman si Xyzee.

"Where is that bitch!" Inis na sabi ko at problemadong nagkamot.

"Tang'na!" Mura ko nang mapanood ko sa vid ang pagpalo ng bat sa kamay niya.

Lalo akong nag alala sa kalagayan niya, punyemes!

Hoping na hindi siya naapektuhan, damn it!

"Reigheo!" Hinihingal na tawag ni Cloud.

"Ate mo." Sabi.

"Nahanap mo na?" I asked.

"Hindi." Sabi kaya nainis ako at tinangkang sapakin kaso nagtago sa likod ni Xyzee.

"Tangina mong Ulap ka." Sabi ko.

"Tama na 'yan, pang asar ka naman kasi JD." Sabi ni Xyzee sa kaniya.

Jhone Davis Cloud kasi tsk. Oo apellido niya ang Cloud pero Cloud parin ang tawag ko.

"Sorry na, nagbabaka sakali lang hehe." Sabi ngunit sinamaan ko lang ng tingin at nagpaalam sa kanila.

"Hi, have you seen Ate Leighra?" Tanong ko sa mga estudyante.

"Nakita ko kanina umakyat sa SH building. Baka nasa room nila or sa rooftop, icheck mo." Sabi nila af nagtulak tulakan pa.

Nagpasalamat nalang ako at mabilis na umakyat sa Senior Department papunta sa floor nila.

Pagkarating ko ay tinignan ko agad ang room kaso wala kaya naman rooftop nalang ang alas ko.

Pagkadating ko doon ay natigilan ako.

"Aray, dahan dahan naman!" Si ate 'yon ah.

"Tiisin mo, masakit talaga 'yan." Sino ang lalaking 'yon?

"A-aray! Masakit! Sipain kaya kita."

Putek, are they doing something?

"Puro ka aray masakit, ititigil ko 'to. Kaunti nalang naman eh."

"Anong gusto mong sabihin ko? Aray ang sarap? Ha? Gago ka ba?"

"Hoo, ang sarap, gano'n ba?"

Peste!

"Sa una lang 'to, kapag natapos at maipahinga mo mawawala na ang sakit, trust me." Sabi ng lalaki.

"Ahh! Shit." Atungal ng kapatid ko kaya nasipa ko ang pinto.

"Anong gina--- ahehe." Natigil din ako nang makita kong hinihilot lang ang kapatid ko.

I really hate my mind. Kababasa ko 'to, si ate kasi nagbabasa ng wattpad pati ako naimpluwensyahan.

"Bakit?" Tanong ni ate at doon palang ako nabalik sa wisyo.

"Hinahanap kita, nabalitaan ko ang nangyari sa canteen, kumusta 'yang kamay mo?" Tanong ko at lumapit sa kanila.

"Kamay parin naman." Sagot niya kaya nagkatinginan pa kami ni kuya Zero at sabay na ginalaw ang kamay niya.

"ARAY!" Sigaw niya at sinipa niya kaming dalawa.

Masakit ngunit tinawanan lang namin.

"Akin na at tapusin ko, kaunti nalang." Sabi niya.

"Ayusin mo, ihuhulog kita." Banta ng kapatid ko kaya napasinghal naman si kuya Zero at hinilot ang kamay ni ate.

May pinapahid siya, baby oil.

Pinapanood ko naman ang ginagawa niya at kagat kagat ni ate ang ibabang labi, masakit nga talaga siguro.

"A-ray, Zero naman." Inis na sabi ni ate.

"Tiisin mo nga! Ang lakas ng loob mong sumalag ng baseball bat tapos ayaw mo pahilot!" Sabi ko sa kaniya.

"Oo nga naman, eh kung ikaw ang ihulog ko ha?" Sabi naman ni kuya Zero.

"Eh kung itlog niyo ang hilutin ko at bitakin nalang 'no!?" Hamon niya.

Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi ni ate, gano'n din si kuya Zero at ipanagpatuloy ang ginagawa niya sa kamay ni Ate.

"Anong tinatawa tawa niyo? Mga lintik na 'to." Sabi.

Hindi nalang namin siya pinansin.

"There, tapos na, kapag hanggang bukas ay makirot pa, ipacheck up na siya dahil tinanggal ko lang ang pagkakaipit ng ugat mo. Para kapag gumaling 'yang isa mong kamay naman ang isangga mo." Sabi ni kuya Zero.

Napairap naman si ate.

"Ako na magdadrive mamaya ate, mauna na ako sa classroom, time na." Sabi ko naman at 'tsaka umalis.

[Leighra's Pov]

I don't know if I should thank Zero for torturing my arm.

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko and masakit parin pero hindi na gaya ng dati.

"Salamat." Sabi ko parin sa huli at tumango lang siya.

"Una na ako."

"Classroom mo?" I asked.

"Hindi, aalis ulit ako ng campus." Aniya.

Magkacutting na naman siyempre.

Sisitahin ko sana kaso hindi na pala ako ang Presidente kaya naman tumango tango nalang ako.

Tinignan ko ang oras at sampung minuto na pala akong late.

Kaya naman tumayo na ako at bumaba papunta sa floor namin.

Bago ako makababa ng fifth floor ay may narinig akong mga bulungan ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin pa.

Gaya nga ng lagi kong sinasabi.

Hindi na ako ang Presidente dito, wala na akong palakealam, walang sisitahin bahala na sila.

Kahit gumuho ang kinauupuan ni Quim ngayon.

Bago ako pumasok ay kumatok muna ako bago ko buksan

"You're late Aragon." Sabi ng guro.

"Sorry Miss." Iyon nalang ang sinabi ko at dumretso sa upuan ko.

"How are you?" Tanong ni Alfie.

"Buhay pa." Sagot ko habang sa pisara ang tingin.

Lumipas ang ilang minuto nang may kumatok.

Pinagbuksan naman ni Miss kung sino man ang nasa labas.

At ayun may impaktang nagpakita.

"Yes President Ortega?" Tanong ng guro.

Nakatingin lang ako sa kanila, ngumiti naman ng malapad si Quim.

"May I excuse Aragon Miss dahil po sa kaguluhang nangyari sa Canteen kanina." Aniya.

Inis akong tumayo.

"Tara." Aya ko.

Nagulat pa silang dalawa.

Maging ang muka ng mga kaklase ko.

"Wait, ano bang nangyari?" Tanong ng guro at tinignan ko ang mga kaklase kong wala din atang kaalam alam, even Forah, Neil and Dayne, they're look so puzzled.

"Nagkaroon ng hampasan ng baseball bat sa canteen Miss. 'Yan ang problema sa inyo, hindi niyo sinesecure ang bodega ng maayos." Sabi ko at lumabas.

"Hoy! Bilisan mo at matapos na ang kaso ko, ikaw hampasin ko eh! Babagal bagal." Sabi ko kay Quim at nagsimula ng maglakad.

Ang sakit parin ng katawan ko maging ang likod ko bwisit.

Napakamot ako sa inis at dumeretso sa opisina ni Dean at mukang inaasahan niya ako.

Masamang tingin ang ipinukol niya.

"Anong problema mo?" Dean asked.

"Wala naman Dean, ikaw meron?" Tanong ko ngunit lalo lang niya akong sinamaan ng tingin.

"Kaya ba gumagawa ka ng eksena at kaguluhan dahil hindi mo matanggap ang pagkatanggal mo ha?" Tanong ni Dean.

Boring ko siyang tinignan.

"Me?"

"Baka ako." Sarkastikong aniya.

"Malay ko sa 'yo Dean, buhay mo 'yan eh." Sabi ko at sumandal sa upuan.

"Isa Leighra, napupuno na ako sa 'yo ah." Sabi niya.

"Ano ang ginawa mo sa Canteen kanina?" He asked.

"Kumain Dean tapos nakipagsapakan." Sagot ko.

"At talagang nagsimula ka ng gulo? Ha?"

"Bakit 'di niyo tignan ang CCTV? Anong silbi no'n?" Tanong ko.

"Namimintang kayo agad wala naman kayong alam, magagalit kayo wala naman kayong ginagawa." Sagot ko na ikinalaki ng butas ng ilong niya.

Pumasok naman si Quim kasama na ang apat na babaeng nakaaway ko kanina.

Isang masamang tingin ang iginawad ko at nag-alinlangan na silang pumasok at maupo sa kung saan man sila dapat maupo.

"Sila daw ang sinaktan mo kanina." Sabi ni Quim.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Sila ang nagreport sa 'yo----"

"Hanep! Kayo pa talaga ang nagreport, ang kapal naman ng muka niyo, kayo ang susugod sugod sa akin tapos kayo ang maglalakas loob na magreport?"

"Hindi niyo ba alam na nabalian niyo ako?!" Sigaw ko at itinuro ang kamay na nahampas nila.

"Ano lang naman ang tinamo niyo?!" Sabi ko at tumayo at lumapit.

"Aragon!" Nagbabanta ang tinig ni Dean pero hindi ko pinansin.

"Kapag hindi niyo inayos ang sasabihin niyo, paaikutin ko ang mga leeg niyo, huwag niyo akong subukan." Sabi ko at nilingon si Dean at Quim ng may masamang tingin at lumabas ng opisina.

Umakyat ako ulit papunta sa room, walang katok katok, kinuha ang bag ko, walang paapaalam na lumabas at nagtungo sa gate.

Sinabi ko sa nagbabantay na pinpauwi ako dahil masama ang pakiramdam ko kahit hindi 'yon totoo, mabuti nalang at pumayag kaya naman malaya akong nakauwi sa bahay.

~to be Continued~

[Chapter 12 is up, don't forget to tap the star ☆ button to vote ★, comment lines too if you want, thanks for reading my 3sures]

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 253 33
I'M 10 YEARS OLD TO START FALL IN LOVE WITH YOU, NGAYON IKAW PARIN YUNG TAONG PINANGARAP KO HANGGANG PAGLAKI KO IKAW AT IKAW PARIN ANG LAMAN NG PUSO...
294K 3.8K 89
CNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars...
79.7K 5.2K 54
BOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina presents a challenging personality, often e...
4.8M 47.1K 49
Guys, bare with my grammatical errors. Di ko pa kase 'to na eedit. I started writing it when I was 15 - semi editing chapter 12