Chapter 13:
Ria's POV
" Ria, tinatawag ka ni maam. Punta ka raw ng office" pagpapa-alam sa akin ng kaklase ko
nahinto ako sa pagliligpit ng mga gamit. " ano nanaman kaya pakay nun sakin?"
" puntahan mo nalang, hintayin ka naming sa parking space" sabi saakin ni Yshi kaya tumango nalang ako at naglakad na papuntang office.
Nang makausap ko na si maam. Sinabi niya sa akin na may Quiz Bee raw akong sasalihan. Pero may partner raw ako. Yun nga lang, galing daw sa other school yung kapartner ko.
" Maam, is that possible? Sa kabilang school ang partner ko? Parang ngayon ko pa po nalaman yang ganyan"
" Kasi Ria, ang principal ng school na ito ay asawa ng kabilang school. Bale Mag-asawa silang dalawa. Yung anak nila ang Top 1 sa kabilang school at ikaw ang Top 1 sa school na ito and you're both 4th year students. Kaya naman kayo ang napili to compete"
" Pero ma - - "
Hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin ko ng sabi ni maam na malaki raw ang maitutulong nito sa school namin lalo na pag kami ang mananalo.
Wala na akong nagawa pa at pumayag na lamang. Naglakad na ako papuntang parking space at nagdrive patungo sa Minnie. Same routine at tumugtog ulit kami. Sinabi ko rin sa mga girls na sasali ako ng Quiz Bee at ang kapartner ko ay galing sa ibang school. Nagtaka sila pero kalaunan ay na iba na rin ang atensyon nila.
Natapos ang araw at hindi ako sumama sa kanilang mag Area. Nauna na akong umuwi. Nang makarating ako sa bahay ay nagtungo agad ako sa sala. Sa living room, marami akong aklat. Kahit saan ka man mapunta sa bahay ko, makakakita ka talaga ng aklat or books na nasa shelves. May kinuha ako at dumiretso na sa kwarto ko. Ang kwarto ko lang ang walang aklat sa buong bahay ko. Kahit CR ko man, may books parin doon. Nagsimula na akong magbasa.
Nakakalahati pa ako sa binabasa kong aklat ng may nag door bell.
" ano ba naman 'to. Istorbo" sabi ko at padabog na bumaba. Nagtungo ako sa bintana at tiningnan kung sino ang meron. Sino pa ba? Edi ang mga kaibigan kong galing sa Area.
" Napadalaw ata kayo?"
" Ba't sa bahay ni Ria pa tayo napunta? Puro aklat na naman kaharap natin ditto."
" Kung ayaw mo sa bahay ko eh pwede ka naman umalis eh" sarkastikong sabi ko kay Kimmy at umakyat pabalik sa kwarto ko.
" Ria, movie marathon kami!" sigaw ni Yshi sa akin mula sa baba
" bahala kayo sa buhay niyo" at bumalik na ako sa pag-aaral
maya maya pa ay may narinig akong yapak na papunta sa kwarto ko at may kumatok
" Ria?"
Hindi ko sumagot pero pumasok parin sila. Ugsh ano naman to
" ano? "
" tingin kami ng movie ah?" sabi ni Lyan at katabi niya si Yshi na may dalang popcorn at si Kimmy na may dalang junk foods.
" san kayo kumuha ng mga pagkain?" inis na tanong ko sa kanila
" fridge?"
" oh, kung mag momovie kayo eh ba't napunta kayo ditto sa kwarto ko?"
"gusto naming ditto tumingin ng movie!"
" eh malalaki naman yung speakers ng tv ko dun sa sala ah? Sa theater room nalang kaya kayo para feel niyo ang sine. Sige na. Alis. Chupe!" pagtataboy ko sa kanila
Kasi naman, sa lahat ng lugar at bakit sa kwarto ko pa nila mag isipang mag movie marathon?
" Marami paring aklat sa theater room, pati sala mo. Pati sa Study room ko pinunta naming kasi may laptop ka run, balak naming kunin para mag movie marathon pero may mga libro." Sumbong sa akin ni Lyan at yun naman ang pagtango tango ng dalawang katabi niya na nasa may pintuan parin ng kwarto ko
" Kwarto mo lang walang libro. Kaya ditto, makakatingin kami ng maigi"
" ina ano ba kayo ng mga libro ay ayaw niyo malapit sa kanila? Bwiset naman. Sa susunod wag kayo ditto manggulo. Alam ng busy yung tao."
Matapos kong magalit sa kanila ay dinala ko ang mga binabasa ko at pumuntang Study room. Ang tatlo naman tuwang tuwa at sa pagkaka alam ko ngayon, nasa kama ko na sila at kumakain ng popcorn habang nanonood. How sweet.
Habang ako ditto, kaharap ang mga aklat at nag-aaral. Hahay.
1pm na ng mapag-isipan kong matulog. Umakyat na ako sa kwarto ko at nakita ko ang tatlo na tulog na. bukas pa ang tv at nanonood pala sila ng Romeo and Juliet. Malaki naman ang kama ko at full black ang room. Touches of white and black lang. I mean buong bahay ko pala. Blang and white pati sasakyan ko black. Favorite color ko eh.
Ria ( picture above)