TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 11

532 47 35
By ha7fcook

PS: Brutal scenes, brutal words and languages ahead.

[Zero's Pov]

Pinapanood ko lang ang mga reaksyon ni Leighra habang votation, kung ako ang nasa kalagayan niya ay normal lang ang kabitteran na ipapakita.

Napangisi naman ako, kawawang Leighra.

Habang abala ang lahat ay kinuha ko ang pagkakataon para lumabas na ng campus.

Dumaan ako sa likod ng Senior building.

Over the bakod is life.

Mabilis akong umakyat sa bakod at tumalon na pababa.

Hinanap ko na kung nasaan ang bike ko at pumedal sa lagi kong pinupuntahan.

Kumusta na kaya siya? Kahit kagagaling ko lang sa kaniya kahapon ay gusto ko na namang bisitahin ngayon.

Kaya naman ay pumedal ako papunta sa hospital kung nasaan siya.

Nginitian ako ng nurse kaya ngumiti din ako, kilala na nila ako dito dahil nandito lang ako lagi dinadalaw siya.

As I enter at ayun siya nakahiga, binabantayan siya ng pinsan ko.

Ngumiti naman ang pinsan ko at nagpaalam munang lalabas.

"Nagcut ka na naman ng klase mo." Nahihirapan man ay nagawa niyang itanong.

Ngumiti ako.

"Wala naman kaming ginagawa eh, kukumustahin lang kita." Sabi ko.

"Ganito parin, walang nagbago, nandito parin ang sakit." Sabi niya.

"Lumaban ka---"

"I will Math, I will." Aniya kahit nanghihina.

"Dapat lang po, gagaling ka, hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw mawawala." Sabi ko at umupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay.

"Math---"

"I need an assurance that you are going to live longer." Sabi ko.

"Math an---"

"Please naman oh." Nagmamakaawa na ang tinig ko.

"If we find a donor Math, mabubuhay ako, pero kung wala, wala tayong magagawa." Sabi niya.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Hahanap ako, maghahanap ako para sa 'yo." Sabi ko sa kaniya.

"I want you to study well Math--"

"I'd rather spend my days for you." Pamumutol ko agad.

She sighed deeply and smile at me.

Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita.

"Math." Tawag niya sa akin kaya napalingon ako and I saw how she gasp for air.

"Damn it!" Napamura ako at napatakbo sa lahat.

"Doc, doc---" Sigaw ko at dali dali naman na silang pumasok para tignan siya.

I stayed outside, ayokong makita ang paghihirap niya, abot abot ang kaba at pag-aalala ko dahil sa nangyayari sa kaniya.

Hinintay kong matapos ang mga doctor bago ako pumasok.

"How is she doc?" I asked.

"Iho, kailangan na niyang maoperahan at kailangang sa America dalhin."

"I suggest you to bring her in Medina---"

"We can't afford that Hospital doc." Pamumutol ko.

Gustuhin ko mang ilipat ay wala kaming sapat na pera para mapagamot sa gano'n kamahal na hospital.

Napabuntong hininga ang docotor at sinabi ang mga kailangan at dapat.

Muli kong inihabilin sa pinsan ko ang pagbabantay at mabuti nalang at napakabait niya para bantayan siya.

Nagpaalam na ako, hindi ko na siya ginising at hinayaan na siyang magpahinga.

Kaya naman dali dali na akong lumabas ng hospital at pumunta na muna sa Cafe.

Damn, what should I do now?

I am wishing for a miracle for her.

[Leighra's Pov]

Napakabigat sa dibdib ang pangyayaring 'yon.

"Ang tamlay mo naman anak." Sabi ni daddy.

"Natanggal na po ako daddy. Hindi na po ako ang Presidente sa school." Sabi ko.

Natigilan naman si daddy sa pagsubo dahil sa sinabi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Bakit? Paano?"

Yumuko ako, ayokong sabihin kay daddy, dahil alam kong mas sasang ayon siya sa iba.

Dahil alam ko naman ang kamalian ko eh.

"Leighra, anak." Tawag niya sa akin.

"I quit." Sabi ko.

Maging si mommy ay hinihintay ang sagot ko kung ano nga ba ang nangyari kung bakit.

"If you really quit, bakit ganiyan itsura mo? If pabor talaga sa 'yo na umalis sa posisyong iyon, bakit ang tamlay mo?" Tanong ni daddy.

Hindi ako umimik.

"Harvey?"

"P-po?" Nauutal pang tanong ni Harvey.

"It is all about my ruthlessness as a leader daddy, I got impeached." Sabi ko.

He sighed at tinignan ako.

He didin't utter anything pero alam kong napakadami niyang gustong sabihin sa akin.

"Magsikain na kayo, after you brush your teeth later, proceed in the library Leighra." Aniya.

Nanlumo naman ako.

"Ton, hayaan mo naman na muna ang bata." Sita ni mommy pero nilingon lang siya ni daddy.

"She's not okay." Seryosong sabi ni mommy.

"Gheo, huwag mo naman palaging kinukunsinti ang anak mo." Sabi ni daddy.

"Kagagaling lang niyan sa pagkahimatay, that is what I mean Tonton, so let your daughter rest and talk to her some other time." Seryosong sabi ni mommy.

Mula sa dismayadong ekspresyon ni daddy ay napalitan ng pag-aalala.

"Bakit na naman?" Tanong niya.

Mommy gestured daddy to shut up and don't ask, just eat and let everyone rest.

And I thank mommy for that. Hindi naman sa natatakot ako kay daddy, kaso kasi masakit tanggapin ang mga katotohanang binibitawan niya.

He never scolded nor hit us ever since, pero matalino si daddy at maipapaunawa niya ng husto ang mga bagay na kahit ayaw mong tanggapin ay maiiyak ka nalang dahil sasapulin ka ng mga salita niya.

Tahimik na lamang kaming kumain ng hapunan at nagpaalam na sa isa't isa na magsi akyat sa kaniya kaniyang kwarto.

I locked my door, yes, naglalock ako ng pinto kapag gusto kong mapag isa, kapag malungkot ako at kailangan kong makapag isip isip, maging kapag ayokong paistorbo kahit na kanino.

Hoping that they can understand that.

Agad akong pumasok sa banyo ko nilagyan ng toothpaste ang tooth brush ko at nagsipilyo na.

Wala pa ako sa sariling nagsisipilyo at hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko sa pagsisipilyo hanggang sa maramdaman ko na ang hapdi at lamig sa palibot ng bibig ko dahil sa toothpaste kaya tinapos ko na agad.

Why I am so much affected? Hindi ba't matuwa nalang ako dahil wala na akong poproblemahin araw araw sa school?

Magiging normal na estudyante lamang ako at walang titulo?

O sadyang minahal ko ang posisyong 'yon?

Napailing ako.

I suddenly regret my ruthlessness.

Kung nakinig lang siguro ako sa kanila e' 'di hindi ako umabot sa ganito.

Tangina Leighra, ngayon mo pa pagsisisihang ngayong tapos na.

Bakit ko naman pagsisisihan?

Malay ko.

Napanguso ako at nahiga sa kama ko at nakita ko ang nag iisang butiki sa kisame.

"Bakit nandiyan ka? Manhid ka din eh! Gusto kong mag-isa nandiyan ka?" Sabi ko sa butiki.

Gumalaw naman ito at gumapang at muling tumigil.

"Hindi ka talaga aalis? Papansin kang butiki ka, bakit macocomfort mo ba ako? Mapapagaan mo ba pakiramdam ko? Kapag hindi ka lumayas diyan tatanggalin ko ang buntot mo." Banta ko sa butiki, as if naman naiintindihan ako.

Pero natawa din ako nang umalis ang butiki.

"Naintindihan mo ako, balik ka dito mag-usap tayo!" Sabi ko sa butiki pero hindi na bumalik.

"Aba, pati ikaw nang-iiwan ha, pakyu sa 'yo." Sabi ko.

Normal pa naman ata ako para kausapin ang butiki at batiin ng condolence ang lamok na napatay ko kanina.

Why am I so damn affected!

Come on Leighra! Cheer up! Damn cheer up!

"Ahy puki ng palaka!" Napaigtad ako sa gulat nang may kumalampag sa pintuan ko.

"Leighra, come out, may gagawin tayo." Sabi ni mommy.

Napakibit balikat naman ako at pinagbuksan na siya.

Nakangiti naman siya.

"Tara sa practice room." Aniya.

Napangiti naman ako at sumama sa kaniya sa taas.

Masaya kaming nasparing ni mommy, kahit nagkakasakitan kami ay masaya parin kami sa ginagawa namin.

Hanggang sa sabay na pumasok si daddy at Harvey na may dalang plate of cookies and four glasses of milk.

Napangiti naman sila at inilapag sa lamesa ang mga dala nila.

Masayang lumapit si Harvey sa akin at sumipa kaya napailag ako, umaatake siya at iniilagan ko lang.

Nang makatiyempo ay ako naman ang umatake at panay naman ang ilag niya.

Sumipa ako ngunit hindi karadapat dapat na galaw ang ginawa niya, hinawakan niya ang paa ko at isinabit sa balikat niya at tatawa pa sabay punas sa pawis ko.

Kaya natawa ako, at hinayaan siyang punasan ako.

Ibinaba niya ang paa ko bigla akong kinarga na parang sako ng bigas kaya hinampas ko ang p'wet niya.

"Aray." Daing niya at maingat akong ibinaba.

Nakangiti naman si mommy at daddy sa aming dalawa.

"Magpunas ka pa ate, pawis na pawis ka." Aniya, kaya naman nagpunas ako ng pawis ko at umupo kaming apat sa sahig at masayang kumain ng cookies at uminom ng gatas.

"How are you?" Daddy asked.

"Feel better now daddy." Sabi ko.

He smile at me at ginulo ang buhok ko.

Nang matapos namin ang pagkain namin ay nagsitungo na kami sa kaniya kaniya naming kwarto.

I took a quick half bath and take a rest right after.

*KINABUKASAN*

I woke up early in the morning and excited to take a bath para maaga ang pagpasok ko sa school ngunit agad ding nawala ang excitement ko nang maalala kong hindi na pala ako ang presidente sa school.

But wait.

Does it matter if I am not? I can go early as I want as an ordinary student too, right?

Napangiti ako sa sarili kong naisip at isinukbit na ang bag ko sa aking balikat at kinuha ang cellphone ko.

Pagbukas ko ay sangkatutak na mesaages and miss calls and natanggap ko mula kay Alfie.

Bumuntong hininga nalang ako at hindi na nag abalang basahin pa 'yon.

Paglabas ko ay siyang paglabas din ni Harvey.

"Wow, ganda ng ngiti natin ate ah." Sabi ni Joe sa akin.

Ngumisi nalang ako at inaya na siya, as usual, nakapasok na si mommy sa trabaho niya.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." Biglang pagkanta ni Harvey kaya naman kunot noo ko siyang pinagmasdan.

"What? Nagpapractice lang ako, birthday kaya ni Xyzee ngayon, magkabirth month kamo ano." Aniya.

"August twenty two pala bebe mo." Sabi ko naman.

"At twenty four ako." Aniya.

Sa sabado na nga pala, dahil huwebes ngayon.

Tumango tango naman ako at inaya na siyang umalis.

Pumasok na kami sa kotse ko at ako na ang nagmaneho papuntang school.

Pagkapark na pagkapark ay lumabas na si Harvey pero hinintay pa ako bago umalis.

"Mauna ka na." Sabi ko naman sa kaniya, tumango siya at mabilis na umalis.

Kinuha ko muna ang bag ko at nilock ang kotse ko bago ako pumasok sa campus.

As I enter may ilang nataranta ngunit nang maisip ata nilang hindi na ako ang Presidente ay kumalma din sila at tumambay muna sa may gate.

Bulong bulungan kaliwa't kanan, nakikita ko pa ang mga peke ar sarkastikong ngiti samantalang ang iba ay nakangisi at ang iba ay imiirap.

"Fellow students please don't stay here near the gate that long, proceed to your rooms immediately." Quim said politely with a big smile on her face.

"Sige po Pres." Sabi nila at ngiting ngiti pa sa kaniya.

Ngunit nanatili parin ako sa bukana ng gate.

She faced me and crossed her arm and smile.

"How are you?" She asked.

"Hindi okay eh, mukang feel ko manapak." Sabi ko at ngumiti pa.

"Oh dear, you can't do that you your President, respect is a must." Aniya.

Kaya napangisi ako.

"You don't deserve my respect bitch." Sabi ko dahilan para umasim ang muka niya.

"Huwag kang makipagmatigasan Leighra, dahil kaya kitang dalhin sa opisina ngayon." Sabi.

"Without any case? Tanganess plus boboness to the max level lang? Tsk, tsk. Huwag tanga." Sabi ko sa kaniya.

"Then proceed to your room now!" She shouted.

"Ohhh, too harsh, you treat your fellow students like that now?" Sabi ko at kita ko kung paano ito magpigil.

"Ganito ka naman noon ah!" Sabi.

"Yeah, pero ano ba ang ipinangako mo sa mga estudyante? To be a model right? Panindigan mo 'yan." Sabi ko sa kaniya.

She smile.

"Ohw, ofcourse, I am so happy, finally ako na ang President ng paaralang 'to, and you are nothing now." Sabi niya.

"Isa ka nalang ordinaryong estudyante dito, walang titulo, estudyante lang. You are now nothing to everyone, at ako na ngayon---."

"Kung something ka na sa karamihan, don't worry, because you are just nothing to me, just a bitch, attention seeker and looking for fame." Sabi ko.

"How dare you to talk to your President like that."

"Nah-uh! My President is myself, even if you are the President now, it doesn't mean that I'm under of your Presidency."

"Big ekis Miss Ortega, nasabi ko na sa 'yo, habang pilit mo akong pinapaluhod para sumunod ako baka ikaw pa ang magmakaawa at luhuran ako kapag nahirapan ka."

"By the way, congratulations, good luck and rest in peace soon, advance Condolence." Sabi ko at nakangisi siyang nilagpasan.

Pagkalagpas ko ay may tumawag sa akin kaya nilingon ko.

"Hi Alfie." Malanding bati ni Quim sa kaniya, pero hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin at sa akin dumeretso.

Nakita ko ang panlilisik sa mga mata ni Quim.

Malamig kong tinapunan ng tingin sa Alfie na papalapit.

"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko kagabi?" He asked.

"Busy ako." Sabi ko.

"Hindi mo man lang ba maisingit na sagutin man lang."

"Mahalaga ang oras ko." Sabi ko.

"Saglitan lang naman--"

"Hindi kasali ang tawag mo sa oras ko Alfie. Pasensyahan kung hindi ko sinagot dahil 'busy' ako. I can't give a small time para mag-aksaya sa tawag mo." Sabi ko sa kaniya.

Nanahimik siya at kumurap kurap pa. Tumikhim bago tumango.

"Kabilis naman mawala ng imporyansya ko sa 'yo." Sabi sa pabirong paraan at ngumiti pa ngunit alam kong seryoso 'yon.

"Dahil sinayang mo ako." Sagot ko.

Umiwas nalang ako ng tingin at naglakad. Sumabay naman siya sa akin.

"Kumusta ka pala?" He asked.

"I'm fine." Sagot ko.

"Sigurado ka?"

"Muka bang hindi?" Sarkastiko kong tanong.

"Nag-aalala lang naman ako sa 'yo eh." Malumanay na aniya.

"Para saan?" Inis kong tanong.

"For what happen yesterday, balita ko ay nasugatan ka pa." Sabi niya.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Does it hurt?"

"Napakawalang kwenta mo magtanong, peste ka! May nasusugatan bang hindi nasasaktan? Bobo ka?"  ba?" Maldita kong tanong.

Napakamot naman siya at natawa.

"Sorry, wala man lang akong nagawa at wala pa ako kahapon." Sabi niya kaya napairap ako.

"Kahit naman meron ka wala kang magagawa." I know napakarude ko.

Pero anong magagawa ko?

Ganito ako eh.

"Sorry." Paumanhin niya.

Nakonsensya ako sa sinabi ko at dahil isang drum na pride ang pinaligo sa akin ay hindi ako nagsorry at nagpatuloy sa paglalakad.

"Nandito lang naman ako lagi kapag kailangan mo Leighra, please give me another chance, papatunayan ko sa 'yo." Sabi.

Bumuntong hininga ako.

"Alfie! How many times do I have to reject you? Please stop asking for a chance! Huwag ka ng umaasa dahil hinding hindi na babalik ang relasyong matagal ng tapos." Sabi ko sa kaniya.

"Minsan lang naman ako nagkamali eh." Sabi.

"Tapos ano? Kapag binigyan kita ng pagkakataon ay maghihintay na naman ako ng pangalawang pagkakamali?" Tanong ko.

"No." He almost beg.

"Alfie, let me go. Tama na, bumitiw ka na, sukuan mo na, dahil kahit dumating sa puntong ikaw nalang ang natitira sa mundo kasama ko ay hindi ko pipiliing bumalik."

"Tanggap ko na ganito at pinagtutulakan mo ako pero sana aware ka na nasasaktan din ako." Sabi niya.

"Masasaktan at masasaktan ka talaga, dahil hanggat umaasa at pinagpipilitan mo ang chansang gusto mo ay patuloy akong tatanggi kaya please lang, kung ayaw mo ng masaktan, tantanan mo na ako." Sabi ko at iniwan na siya at umakyat na papunta sa room namin.

Pagkarating ay naupo na ako upuan ko ag nagbuklat ng libro.

Sinimulan ko na ang pagbabasa sa aralin na alam ko.

But I can't concentrate because of many thoughts playing inside my mind.

I sighed and close the book, lean down at my table and take  nap 'til our teacher in First Period came in.

~to be Continued~

[Chapter 10 is up, don't forget to tap the star ☆ button to vote ★, comment lines too if you want, thanks for reading my 3sures]

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 253 33
I'M 10 YEARS OLD TO START FALL IN LOVE WITH YOU, NGAYON IKAW PARIN YUNG TAONG PINANGARAP KO HANGGANG PAGLAKI KO IKAW AT IKAW PARIN ANG LAMAN NG PUSO...
79.7K 5.2K 54
BOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina presents a challenging personality, often e...
4.8M 47.1K 49
Guys, bare with my grammatical errors. Di ko pa kase 'to na eedit. I started writing it when I was 15 - semi editing chapter 12
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.