Mahiwaga (On-going)

By knightius_austere

46 17 0

Sometimes, an hour can make us feel like a second. And a second, can make us feel like a lifetime. More

Author's Note
...
Lagrimas Series
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5

Kabanata 4

2 1 0
By knightius_austere

Please listen to "Fall" by Ben & Ben while listening to this chapter. 💜

_____________________________

Tatlong araw ang lumipas at kailangan naming dalhin si baby Kylie sa doctor dahil sa check-up niya.

Nagpacheck-up na din si Kaina dahil minsan daw sumasakit ang balakang niya.

Sumama na ako dahil wala naman akong ginagawa sa bahay at saka medyo nag-aalala ako kay Kaina.

Sumama si Reese ngayon. Si Reese ay pinsan ni Pareng Lindon. Gusto niya daw kasing makita ang paborito niyang pamangkin. Siraulo din 'yong babaeng 'yon.

May iba pa ba siyang pamangkin bukod kay Leonard Kylie? Tss.

Kaya naman ay nag-iingay siya sa kotse ngayon at inaagawan ako ng papel sa pamangkin ko.

"Ang pogi talaga ng paborito kong pamangkin! Manang mana kay Lindon! Poging-pogi! Magpaiyak ka nang maraming babae paglaki mo, ah? Gusto mo iyon?" kinakausap kausap niya si Kylie.

Biglang umiyak si Kylie.

"Oh? Bakit? Baby, why?" pag-aalo ni Reese kay Kylie kaso ayaw tumigil nito sa pag-iyak.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Akin na ang anak ko." saad ko.

Napailag siya sa sinabi ko. "Anak mo? Ikaw umire?"

"Oo. Tinae ko." saka ko siya binelatan.

"Dugyot, amp." bulong niya.

Napangiwi naman siya saka ibinigay sa'kin ng maingat si Kylie.

Umiiyak parin ang cute kong pamangkin.

Itinayo ko siya sa hita ko habang hawak hawak ko siya sa magkabilang gilid niya.

"Lalaki kang pogi pero hindi manloloko, diba baby? Magmamana ka kay Tito Daddy saka Daddy Lindon sa pagiging good boy, diba? Hijdi na baleng tayo ang maloko basta huwag tayo ang magkoko."

"Diba? Yiee! Yieee! " ngumiti siya dahil sa sinabi ko saka siya mahinang nagsisipa sa hita ko.

"Huwag lang sana siyang lumaking siraulo tulad mo saka ni Lindon." narinig kong sabi ni Kaina sa may front seat.

Natawa naman si Reese saka inasar ako.

Nginiwian ko siya saka nilaro ulit ang pamangkin kong pogi.

Nang makarating sa hospital ay pinaubaya ko kay Reese ang pagdadala kay Kylie.

Si Kaina naman ay nakabantay lang sa anak niya at kay Reese.

Ako naman ay nakasunod sa kanila.

Nauna silang sumakay sa elevator.

Bago pa ako makasakay sa elevator ay parang nakita ko si Karla na parang wala sa sarili.

"Kalvin, bilisan mo!" sigaw ni Kaina.

"Oo." sagot ko saka pumasok na din sa elevator.

Nag-uusap lang si Kaina saka Reese at nilalaro laro si Kylie.

Hindi pa malikot si Kylie dahil magda-dalawang buwan palang siya.

Tahimik lang ako at iniisip kung bakit nandito si Karla.

Saka ko naalala na related sila sa hospital na 'to sabi ni Kaina. Paanong related kaya?

Kahit na sila may-ari ng hospital na' to, dapat hindi siya dito namamasyal. Iyong babaeng iyon talaga napakawirdo kahit kailan.

Pagkalabas ay nakarating kami agad sa kung saan sila naka-schedule na magpacheck-up.

Si Reese lang ang sumama sa kanila sa loob dahil pakiramdam ko medyo masikip lang sa loob kung papasok pa ako.

Habang naghihintay ay nakita ko ulit si Karla.

Sigurado na ako na siya iyon dahil papalapit siya sa pwesto ko kaso parang wala siya sa sarili niya.

Tulala lang siya habang naglalakad at mukhang malalim na malalim ang iniisip.

"Karla----"

Dinaanan niya lang ako at mukhang hindi narinig ang pagtawag ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa iniasta niya.

Sinundan ko siya para tawagin ulit pero nahiya ako bigla dahil may mga taong nakatingin sa'kin.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa wheelchair saka ko hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa paglalakad.

Napatitig siya sa'kin nag ilang sandali saka parang natauhan.

"O-Oh? Kalvin. A-Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya.

Kumunot ang noo ko pero binalewala ko nalang ang pagtataka ko sa kinikilos niya.

"Ah. Nagpacheck-up si Kylie saka Kaina." simpleng sagot ko.

"Ah. Ikaw? Hindi ka ba magpapacheck-up?" tanong niya bigla.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman. Nagthe-therapy ako baka sakaling may pag-asa pa akong makalakad----"

"Magpacheck-up ka at baka maisipan mo ulit na tumambay sa rooftop at tumalon don ng tuluyan." sabi niya sabay ngiwi sa'kin.

Inirapan ko nalang siya.

Napatingin ako sa mukha niya. Napapilig ako dahil may napansin ako sa kanya.

"Ayos ka lang, ba? Namumutla ka." hindi ko saan kung saan galing ang pag-aalala sa tono ko.

Akala ko aasarin niya ako pero ngumiti siya. "Wala 'yan. Ganyan talaga kapag bampira. Maputla." biro niya.

"Ang corny ng biro mo kahit kailan."

Natawa nalang siya.

Bigla ay tinitigan niya ako habang nakangiti.

Nailang naman ako bigla sa tingin niya. "Kalvs, May gagawin ka ba? Pwede mo ba akong samahan na kumain?"

Napatitig ako sa kanya saka napakurap.

"H-Ha? B-Bakit?"

Kumunot naman ang noo niya pero ang ngiti niya ay andon parin.

"Bakit naman hindi? Walang malisya. Gusto ko lang..." malalim siyang bumuntong hininga saka tumingin sa malayo. "Gusto ko lang na may makasama ngayong kumain...kahit saglit lang."

Tinitigan ko siya. Inaalam kung nangti-trip lang ba 'to o seryoso talaga siya.

"Kung ayaw mo edi huwag." saka niya ako tinalikuran at nag-umpisang maglakad.

Napamaang naman ako sa inasta niya. "Sandali lang!"

Napatigil siya sa paglalakad peplro hindi ako nililingon.

Napansin ko ang simple ng suot niya.

Naka-white icon shirt, black ripped jeans, saka white shoes.

May dala-dala siyang cross bag na itim.

Black and white ang datingan.

Lumapit ako sa kanya at nang makalapit ako sa kanya ay tinitigan niya ako nang nang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matawa siya

Lumabas kami ng hospital.

Naglakad lang siya ng naglakad habang nakasunod lang ako sa kanya.

Napalayo na kami sa hospital at madami ng mga tao ang nakakasalubong namin.

Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng... karinderya?

"S-Sure ka dito?" nag-aalangang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay nauna siyang pumasok sa loob.

May iilan na kumain at madami pa namang mga bakante kaya oks lang na kumain kami.

Hindi siya 'yong karinderya na may mga ulam.

Ang tinitinda nila ay mga lugaw, bulalo, mami, kwek-kwek, fishball, hotdog, at iba pa.

Prente siyang umupo sa isang upuan sa may bakanteng gilid na akala mo ay araw-araw siyang andito at iyong parteng iyon ang favourite spot niya.

Pumasok ako saka lumapit sa kanya.

Hindi na ako lumipat sa upuan.

Iniusog ko nalang ang upuan sa tapat niya saka ako pumwesto don.

Tinuro niya sa akin ang isang board kung saan nakalagay ang mga binebenta nila.

"Alin sayo?" tanong niya.

Napakurap naman ako saka umayos ng upo.

"Uhm... Isang mami, kwek-kwek, saka bulalo na din. Tapos tubig lang for drinks." sagot ko.

"Ito tubig, oh." sabay tapik niya sa isang pitchel na nasa mesa namin.

Mukhang malamig iyon dahil may moist pa sa labas ng pitchel.

Tumango lang ako.

"May pipino ba 'yong kwek-kwek nila?" tanong ko.

Napatitig naman siya sa' kin na mukhang nagulat sa sinabi ko.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Tinuro niya ako. "Ikaw. Paano mo nalaman 'yan?"

"Ang alin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Paano mo nalaman na pwedeng lagyan ng pipino ang kwek-kwek?" hindi makapaniwalang saad niya.

Napangiwi naman ako sa naging reaksyon niya.

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang kumakain ng streetfoods? Tss. Noong high school ako ay tuwing hapon bumibili kami ng mga Street foods dahil may pumipwesto na stall don sa tapat ng school namin." paliwanag ko.

"Private school ka diba?" tanong niya. Tumango ako.

Natulala naman siya sa'kin at mangha akong tinignan. "Wow. I'm so proud."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Ilang saglit ay tumayo siya saka in-order ang mga kakainin namin.

Nang tinignan ko siya habang umuorder siya ay nakikipagtawanan siya sa mga tindera at nagluluto.

Nagtaka naman ako.

Ilang saglit ay bumalik siya na may dalang tray.

May sumunod din sa kanya at saka inilapag ang dala nitong mami saka bulalo.

Magkapareho lang pala kami ng in-order.

Kumuha ako ng stick saka nagtusok ng fishball saka sinawsaw sa suka na may pipino.

Agad ko itong kinain. Medyo mainit pa kaya masarap lalo na dahil may pipino at medyo maanghang dahil sa siling nakahalo sa suka.

"Boyfriend mo, Mam Karla?" tanong ng waitress.

"Oo, eh." sagot niya.

"Uho!" nabulunan ako dahil sa sinabi niya.

Natatawa siyang nilagyan ng tubig ang baso saka iniabot sakin ito.

Agad akong uminom.

Nang mahimasmasan ay sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya saka ako kinindatan.

"Salamat po, Ate Josie." nginitian niya ang babaeng waitress.

Nang makaalis ang waitress ay pinitik ko ang kamay ni Karla.

Napangiwi siya dahil sa pagkakapitik ko. Nagsisi naman ako kaagad.

"S-Sorry." paumanhin ko.

Natawa naman siya. "Ang bait mo naman masyado."

"Tss." tanging saad ko saka inumpisahang kainin ang mami. Ganon din ang ginawa niya.

In-obserbahan ko ang kilos niya at mukhang sanay na sanay siya sa pagkain ng mga in-order namin.

"Bakit nga pala kilala ka ng mga staff dito? Suki ka na talaga dito?" tanong ko.

Humigop ulit ako ng sabaw saka kinain ang noodles habang hinahantay na sumagot siya.

Tinignan niya ako matapos niynag humigop ng sabaw. "Ah. Ako kasi may-ari nitong karinderya na 'to."

Napatitig ako sa kanya saglit saka ko naibuga ang kinakain ko nang narealise ko ang sinabi niya.

Ubo ako ng ubo at talagang masakit siya sa lalamunan at ilong.

May lumusot pa na noodles sa kabilang ilong ko kaya nakakahiya.

"Isinga mo, bilis." utos ni Karla.

Nahihiya akong umiling.

"Psh. Bilis na. Hilain mo nalang kaya? Ako na----"

"H-Huwag na. A-Ako na." hinila ko ang noodles pero di ko nahila lahat dahil naputol ito.

Napapikit ako sa sobrang pagkapahiya at inis.

Hindi ko sinasadya na mag-inhale kaya pumasok sa loob ang natirang noodles at dumiretso sa lalamunan ko saka ko nalunok.

Napakurap si Karla.

Mas lalo naman akong nahiya. Uminom siya ng tubig pero hindi nakatakas sa'kin ang pagngiti niya.

Nakakahiya amputa.


Tinuloy namin ang pagkain ng tahimik hanggang sa matapos kami.

Naalala ko na hindi ko pala na-text si Kaina na umalis ako kaya naman ay tinext ko siya.

Sakto na may text pala siya sakin at hinahanap ako.

To: Kaina, my Princess.

I'm with a friend. Okay lang ako. Mauna nalang kayong umuwi.

Send.

Siguro nag-aalala na 'yon. Maalalahanin pa naman 'yong kapatid ko na 'yon. Siguradong magtatanong pa 'yon kung sino ang kasama ko at anong oras ako makakauwi o magpapasundo pa ba ako sa driver namin.

Nagreply si Kaina.

Binuksan ko ito at nawala ang ngiti ko sa reply niya.

From: Kaina.

K.


Napakurap ako.

Hehe. B-Baka tinamad magtype?


Napasimangot ako saka nilibot ang tingin sa loob ng karinderya na pagmamay-ari pala ni Karla.

Maayos naman siya at malinis.

Organisado at may sterilisation area pa para sa mga utensils.

May sounds pa na naka-on at may TV pero hindi muna ginamit dahil nga may sounds.

Kanta pa ng Ben and Ben ang nagpi-play. 'Yong Fall.

"Bakit nagtayo ka ng karinderya at hindi nalang restaurant?" hindi ko mapigilang tanong.

Napatingin naman siya sa' kin habang nagtatanggal siya ng tinga gamit ang toothpick.

Napangiwi ako. Hindi man lang siya nahiya.

"Bakit? Ano bang problema sa karinderya? Nakakababa ba?" tanong niya pero hindi sa tonong naiinis. Parang kaswal lang na tanong.

"A-ah hindi. Natanong ko lang. I didn't mean to offend y-you." paumanhin ko.

Napangisi naman siya. "Hindi mo naman ako na-offend. Masyado kang mabait kaya hindi mo natatagalan ang pang-aasar dahil mabilis kang makonsensya. Hahaha!" tawa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ang totoo, hindi 'to sakin. Binili ko lang 'tong karinderyang 'to saka ko niregalo sa dati naming yaya." sagot niya saka itinuro ang isang picture na malapit sa may isang kwarto.

"Si Nanay Tilda. Dati naming yaya. Kaso pumanaw na siya last year. Kaya ang apo niya nalang ang namamahala ngayon." saad niya. "Bumibisita lang talaga ako lagi dito."

"Alam ng kuya mo?" I asked.

"Does he should know?" balik-tanong niya.

"Bakit naman hindi?" naguguluhang tanong ko.

"We're not close. We're just siblings but we're not really close." tipid siyang ngumiti.

"And... why is that?" I carefully asked. Napansin ko na hindi siya kumportable sa tanong ko. "It's okay if you won't answer. Sorry for being a nosy."

Mahina siyang natawa. "Nah. It's fine. You see. Me and my kuya, we're not.... We're not really fully blood related. Anak ako ng papa namin sa ibang babae. And, my biological mother died after giving birth to me. My kuya is the legitimate son." she explained as if it's nothing.

Kaswal lang siyang nagkukwento.

Kumg sabagay. Wala naman siyang kasalanan. Hindi naman kasalanan ang pagiging anak sa labas. Kasalanan ng papa niya kasi nangaliwa. Pero siguro, it's really meant to happened. Kasi kung hindi nangaliwa ang papa niya, wala siya dito ngayon, sa harap ko.

"May gagawin ka pa ba? Mauuna na ako?" paalam niya.

Napansin ko na parang namumutla siya.

Nagpapawis din siya na ewan.

"Hoy, oks ka lang?" tanong ko.

Ngumiti siya pero napansin ko ang sakit sa tingin niya.

Mukhang nahihirapan siya pero ayaw niyang sabihin.

Tumayo siya saka nauna nang maglakad palabas.

"Hoy! Teka lang! Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya saka siya sinundan.

Tumango ako mga staff don sa kainan saka sinundan si Karla.

Mas binilisan ko ang pagpapagulong sa wheelchair ko para maabutan ko siya.

Nakita ko siya na parang lasing na naglalakad.

Madaming mga taong naglalakad at sumasalubong sakin kaya nahihirapan akong habulin siya.

"Ano ba 'yan! Bakit kasi dito pa dumaan?!"

"Feeling ba niya normal siya?!"

"Nakakasakit 'yang wheelchair mo kuya."

"Dapat nasa bahay lang 'yang mga ganyang tao, eh."

Nasaktan ako sa mga narinig ko sa mga taong nadaanan ko.

Hindi ko lang alam kung bakit at paano nila nakakayanang sabihin ang mga 'yon nang hindi iniisip na makakasakit sila ng tao.

"S-Sorry po." yumuko ako bilang paghingi ng paumanhin.

Nakita ko si Karla sa malayo at mukhang sumusuka siya base sa position ng katawan niya.

Nandon siya sa may basurahan.

"Karla!" tawag ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang may dugo sa bibig.

Agad akong lumapit sa kanya.

"H-Hoy. Ayos k-ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti siya pero ang paningin niya ay hindi na steady.

Mukhang nahihirapan siyang aninagin ang mukha ko.

"Hehe... A-Ayos lang ako. B-Baka may nakain lang ako-----"

"Karla!!!" tawag ko sa kanya nang bigla siyang matumba.

Mabuti nalang at nasalo ko siya.

"D-Dadalhin kita sa hospital!" tulirong saad ko.

Bigla ay may lumapit sa'kin na mukhang nasa mid-40s na lalaki.

"Kailangan mo nang tulong, pare?" mukhang nag-aalalang tanong nito.

"O-Opo. Dadalhin ko po siya sa hospital."

Nanlaki ang mga mata nito.

"Diyos ko! A-Aba! Halika na----"

"Ayoko.... A-Ayokong pumunta ng hospital... Sa bahay ko... Andon... Andon 'yong gamot ko, Kalvs...." nanghihinang saad ni Karla.

May malay pa pala siya.

"Pero kailangan mong madala sa hospital! Nagsuka ka ng dugo hindi ba?" medyo inis na saad ko.

Tipid siyang ngumiti kahit nakapikit siya.

"Nasa bahay nga kasi ang gamot ko.... Ayoko sa hospital..." saad niya.

"Ano ba naman 'yan! Tumatambay-tambay ka sa hospital kapag okay ka. Tapos ngayong hindi ka okay saka naman ayaw mo na pumunta don?! Siraulo ka ba?!" inis na talaga na sigaw ko sa kanya.

"Please.... Please...." nagsusumamong saad niya.

Mariin akong pumikit.

"K-Kuya... Ayaw niya daw po sa hospital. Nandon daw po sa bahay niya ang gamot niya. Baka po nasa bulsa niya ang ID niya po. Pakikuha po para makita ang address niya."

Agad naman na tumalima si Kuya sa sinabi ko.

May nakita nga siyang wallet at binuksan ito. Nandoon ang ID niya.

May nakita akong taxi na may kababa lang na pasahero kaya agad ko itong tinawag.

Binuhat ni Kuya si Karla saka dinala sa may backseat.

Nakasunod lang ako.

Nainis ako dahil sa wheelchair ko.

Nahirapan akong makasakay sa taxi.

Bumaba ulit si Kuyang tumulong sa amin ni Karla saka ako tinulungan na makasakay sa tabi ni Karla.

Siya na mismo ang nagtupi ng wheelchair ko saka inilagay sa tapat ko.

Yumuko ako saka nagpasalamat.

Naluluha na ako sa sobrang pag-aalala, kaba, inis sa sarili, at pagiging walang kwenta ko.

Wala akong nagawa at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa sobrang frustration.

Si Kuya na mismo ang nagbigay ng address ni Karla sa taxi driver.

Tinignan ko si Karla at nakita ko na parang hinang-hina siya.

Namumutla na siya at parang hirap siyang huminga.

Nagpapawis na din siya.

Mas lalo akong nag-aalala.

"K-Karla..." tawag ko sa kanya.

Akala ko wala siyang malay pero bigla ay nanghihinang minulat niya ang kanyang mga mata.

"Dalhin na kaya kita sa H-hospital? Mukhang malala ang nangyayari sa'yo ngayon ----"

"O-Okay lang... Normal lang 'to..." pilit siyang ngumiti.

Napakurap naman ako sa sinabi niya.

"A-anong normal? Nahihirapan ka! Ang putla mo na, oh! Anong normal diyan?! Para kang mamamatay na!" hindi ko mapigilang sumigaw.

Ngumiti lang siya sa' kin.

"Kapag dinala mo 'ko sa hospital, magagalit ako sa' yo habang buhay.... Kahit na mamatay pa ako, magagalit parin ako sayo..." mahinang sabi niya.

Umawang naman ang labi ko sa sinabi niya.

"E-Eh ano naman?! Wala naman akong pake kung magalit ka sa'kin o hindi!" inis na sigaw ko.

Napatitig siya sa'kin. "Ako kasi...may pake sa nararamdaman mo sa'kin... Ayokong magalit sa'yo...." saka siya ngumiti.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya hanggang sa hindi ko namalayan na huminto na pala ang taxi.

Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay na may malaking dilaw na gate.

"Dito na po ba, Mam?" tanong ng driver.

Napatingin naman ako kay Karla. Tinignan niya ang bahay saka siya ngumiti at tumango.

"S-Salamat po...." pagpapasalamat niya.

Ako na ang nagbayad sa driver.

Hindi ko akalain na hanggang sa pagbaba namin ni Karla ay tutulungan parin kami ni Kuya.

Siya na ang nagbuhat ulit kay Karla habang ako naman ang bumukas sa gate niya.

Nakita ko kasi ang susi sa wallet niya na isinauli ni Kuya.

Naiinis parin ako dahil pakiramdam ko wala akong silbi and worst is parang pabigat lang din ako.

Pagkapasok namin sa bahay nila ay sobrang tahimik ng bahay pero malinis.

Inilapag ni Kuya si Karla sa sofa.

May itinuro si Karla na mesa at doon nakalagay ang madaming lalagyan ng gamot.

Si Kuya na din ang kumuha noon at saka pinainom kay Karla.

Mabilis na kumuha si Kuya ng tubig sa ref at binigyan si Karla.

Hindi ko alam kung ilang gamot ang ininom niya basta paiba-ibang gamot ang ininom niya hanggang sa inihiga niya na ang sarili niya at pinilit na kumalma at makahinga ng maayos.

Ako naman ay may napansin sa isang sulok ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na lumapit doon.

Nang makita ko ang lahat ng iyon ay kumabog nang mabilis at malakas ang dibdib ko.

Napaawang ang bibig ko at wala akong ibang masabi.

Parang bigla ay bumigat ang hininga ko at parang sinasaksak ang dibdib ko sa nakita ko.

This is just a joke, right?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

294K 34K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. ๐Ÿ”ฅโค๏ธ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
2.8M 162K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
318K 18.4K 19
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...