My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : ID

415 38 10
By HEYNEENAMOR

Rita's POV



NAKANGITI kong sinalubong ang pagsikat ng araw mula sa Villa namin. Ito na ang huling araw namin dito sa resort at wala kaming ibang gagawin kundi ang sulitin ang araw na ito. Binigyan pa kami ng 2 days off para makapagpahinga dahil sa nangyaring teambuilding. Habang naglalakad ako sa dalampasigan at naghihintay ng ilang mga empleyado dahil sabay-sabay kaming magbbreakfast ngayon, may kung sinong tumawag ng pangalan ko..












"Miss Rita.." it was Rebecca. Ang ganda ng gising ko tapos eeksena pa to. Ano na naman ba ang kailangan nito. Tss..
















"Hi Miss Rebecca! Good Morning!" nakangiting bati ko dito , pero punong-puno ng kaplastikan. Alam kong ganoon din ito dahil sa pagngiti niya sa akin. Sus. Akala mo ang bait! Arrrgh.. Matapilok ka sana.








Sorry Lord.











"Kamusta ka? Okay ka na ba? Mabuti na lang at nahanap ka ni Ken.. " aba, kailan pa to naging concern sa akin?










"Oo, okay na ako. Thankful nga ako kay Sir Ken. Siguro kung hindi siya dumating, hindi ko na alam kung saang parte na ako ng karagatan nandodoon.." sabi ko dito at pinakiramdaman ko kung ano ang magiging reaksyon nito..











"We're going on a trip. I invited him as my escort sa grand opening ng cosmetic line ko sa Singapore.." Eh anong pakialam ko? Share niya lang ganun? Tss..










"Wow! Congratulations in advance!" kunyaring masaya na bati ko dito.









"You congratulates me for what? For my new branch of cosmetics or for having Ken in mylife?" tanong nito na ikinagulat ko.. Having Ken in mylife na agad siya mga teh!! Feeling to! Jowa ka girl??












Ngumiti ako dito..












"Oh well, congrats na nga din dun sa pangalawa mong sinabi!"  pabirong sabi ko dito at tumawa ako.. Tumawa din naman ito.. Plastik din bwisit..
















"Oh, I have to go! Have a great day Miss Rita!" sabi nito. Tumango na lang ako. Pagtalikod na pagtalikod nito ay napairap na ako. Eksenang gustong-gusto kong gawin kanina pa! Tss..














Nagapatuloy ako sa paglalakad ng mapahinto ako. Nanlaki ang mata ko ng makita kong lumabas ng Villa si Camille. Pero hindi namin iyon Villa. Ang pagkakatanda ko ay Villa iyon ni—- Hector? Teka. Diyan ba siya natulog ? Kaya pala paggising ko ay wala na si Camille sa tabi ni Iza!!! Lalapitan ko sana si Camille ng maalala kong kasal na pala ang dalawa. Kinalma ko ang sarili.. Pinagmasdan ko na lang itong naglalakad pabalik na sa Villa namin.,









Naku Camille!!! Kapag nahuli talaga kayo ni Ken sa ginagawa niyo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. Ang bigat sa konsensya. Ayoko naman itong isumbong. Haaays..

















Habang papunta na ako sa Gazibo kung saan kami kakain ng breakfast ay dala-dala ng isip ko yung ilusyon ni Rebecca. Having Ken in her life? OA siya sa part na iyon . Naiinis ako kung iisiping totoo iyon. Pero papaano kung Totoo? Paano kung girlfriend na pala siya ni Ken? Pero walang sinasabi si Ken sa akin ng about sa kanila ni Rebecca.. O ayaw lang niyang malaman ko? Juskooo naman. Dagdag na naman sa iisipin!!












Wala na ako sa mood ng makarating sa Gazibo. Umupo ako sa tabi ni Tosh at pinagmasdan ang pagdadatingan ng ilang empleyado.. Napatingin ako kay Hector na nandidito na sa Gazibo pero wala pa si Camille. Ang husay talaga magtago ng sekreto. Tss.. Kunyaring hindi sila sabay na gumising at hindi natulog sa iisang Villa. Haays..








Umayos ako ng upo ng matanaw ko na ang pagdating ni Ken , kasabay si Rebecca.. Ang laki ng ngiti ni Rebecca na kabaliktaran sa poker face ni Ken. Yung expression nito tuwing umaga, kapag kakagising lang at kinulang sa tulog. Lihim akong napangiti, ang swerte naman ng mga tao na nandidito, nasasaksihan nila ngayon yung ganyan kaseryosong mukha ni Ken, eh ako nga, kapag nakikita ko yang ganyang mukha every morning, aminado akong kinikilig at automatic na napapangiti..







"Good Morning Sir Ken! Ms. Rebecca!" halos sabay-sabay na bati nila.















"Good Morning!" bati ni Ken. Hinihintay ko na tumingin ito sa akin..












Isang segundo..











Pangalawang segundo..













Bingo.













Para akong kinuryente ng ilang boltahe sa tingin niyang iyon. Nailang ako at nag-iwas ng tingin. Pag-iwas ko ay pinilit ko talagang pigilan ang ngiti ko..



















Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan.. Siniko ko si Iza para itanong kung nasaan si Camille..











"Nasaan ba si Camille?"











"Nilagay na niya yung mga gamit niya sa bus.. Yung sayo ba? Naakyat mo na kanina sa bus diba?"







"Hindi pa! Teka? Hindi ako nainform na maglalagay na ng gamit sa bus! Pauwi na ba tayo? Akala ko na hanggang 3pm pa tayo?"












"Nag email si Sir Ken kanina by 10am, uuwi na tayo.. Ewan ko lang. Feeling ko nga nagkatension kanina between our company and sa management.. About yata sa incident kagabi.." automatic na napatingin ako kay Ken ng marinig ko iyon mula kay Iza. So baka nagdemanda nga ito?? Juskoo. Ano ba itong gulong nagawa ko..










Habang inip na naghihintay ng lahat para sa breakfast ay napatingin kami sa isang crew ng resort.. Tila may hinahanap ito..











"Sir Hector Peñaflor?" agad na napatingin kami sa crew at curios akong nakatingin sa hawak nito..












"Ako yun. Bakit?"














"Habang naglilinis po kami ng room niyo kanina, naiwan po yata ng asawa niyo tong wallet niya sa room niyo.." sabi nito sabay taas ng wallet..













"Asawa? Teka baka nagkakamali—-"


















"Camille Beatriz Peñaflor.." ito po yung nakalagay sa ID pagkacheck namin kanina.."


















Shiiit!!!
















Paano sila nakapag-update ng ID agad-agad? And gamit na ni Camille yung last name ni Hector? Shit!




















Mabilis akong napatingin kay Ken at tila nagulat din ito sa mga nangyayari.. Sakto ang pagdating ni Camille at nawala ang ngiti nito ng mapansin niyang hawak ng crew ang wallet nito.. Mabilis niya iyong kinuha.. Pero huli na. Napatayo si Ken at lumapit sa crew..















"Again? Wallet mo iyan Camille?" seryosong tanong ni Ken.. Alam kong balak pa sanang tumanggi ni Camille pero wala na itong magawa. Umamin na ito.. Tumango ito.
















"Wife of Hector Peñaflor?" nagtatakang tanong ni Ken.. Nagkatinginan si Hector at Camille..














Ilang segundo pa ang dumaan pero walang nagsalita sa kanilang dalawa..






















"Really? Are you guys married? Congratulations!!!" nakangiting eksena ni Rebecca..












"Sir Ken, sasabihin naman namin——"



















Walang iniwang salita si Ken pero ramdam kong galit ito. Tumalikod ito at umalis sa Gazibo. Gusto ko itong sundan pero hindi ko magawa.. Hinayaan ko lang itong naglakad palayo habang tanaw-tanaw ko siya.. Ngayon ay napatingin ako kay Camille na kasalukuyang yakap-yakap ni Hector. Umiiyak ito..





Dahil hindi nila alam kung ano na ang mangyayari after this. Posibleng mapatanggal ang isa sa kanila or the worst is pareho sila.. Ito na nga bang sinasabi ko..


























Ken's POV


Nagmadali akong nagmaneho ng kotse ni Rebecca. Nag offer ito na gamitin ko na lang ang kotse nito para makabalik na agad ako ng Manila. Tinanggap ko na ang offer nitong pagpapahiram at sabay na kaming bumalik ng Manila. Naiinis ako sa nalaman ko kanina. That's why, hirap akong magtiwala sa tao dahil sa mga tulad nila. Hanggang kailan nila ako lolokohin? Hanggang kailan nila bibilugin ang ulo ko?







"Ken, huminahon ka.. Makakarating naman tayo ng safe sa Manila diba?" rinig kong sabi ni Rebecca at ngayon ko lang napansin na napapabilis na pala ang pagmamaneho ko. Huminto ako sa gilid ng daan at madiing hinawakan ang manibela.







"Relax.."







"Relax? Rebecca! Yung dalawang empleyado ko, niloloko ako! Relax?"







"Ano bang masama doon? Kasal lang—-"









"Hindi ko inaallowed ang magkaroon ng magkarelasyon sa kumpanya! Alam nilang lahat yan! At base sa review ko sa status nila pagkapasok ko doon, walang magkarelasyon sa kumpanya! Pero ano iyon? Biglang nagpakasal yung dalawa? Hindi sila sumusunod sa batas ko!"






"Ken, wala din namang batas na dapat sundin nila ang lahat ng rules mo hah? Tao sila. It's a normal thing na mainlove sa kapwa nila empleyado ! Kalokohang rules naman yan Ken.."






"Wag mong maliitin ang rules na ginagawa ko sa kumpanya. Hindi lang naman sa kumpanya ko nangyayari yan.. For sure may iba ding kumpanya! Papaano ko pagkakatiwalaan ang mga empleyado ko kung sa kahit sa mga rules ko, sinasalungat ako?"







"Don't tell me tatanggalin mo na sila sa Ka-Vogue?" napatingin ako kay Rebecca ng sabihin niya iyon. Huminga ako ng malalim tyaka muling pinaandar ang kotse..























Inip akong naghihintay na buksan ni Feliciano ang pinto nito.. Nang bumukas ay tinulak ko na ito para mabilis akong makapasok. Inis parin akong umupo sa couch sabay kuha ng bote ng alak na nasa center table at nilagyan ang isang baso..





"Wow. Anong nangyari ? Hindi ka manlang tumawag na pupunta ka?"





"Siraulo. Wala akong cellphone diba?" inis nasabi ko dito.





"Eh ano yan? Bakit inuubos mo na naman tong mamahalin kong alak.."











"They lied to me." seryosong sabi ko kay Feliciano








"Wala akong pakialam." sagot nito kaya nabato ko siya ng unan.. Tinawanan lang akong walanghiya.








"Pinagkatiwalaan ko sila!"













"Relax ka nga muna. Ano ba kasing nangyari?"












"Remember my golden rule sa company? May sumalungat na. Mula pa sa team ni Rita.."










"So?"









"So? Anong So? Kung hindi lang nakita ng crew yung wallet ni Camille, friend of Rita, hindi ko malalaman na kasal na ito sa isa sa HR Staff ng Ka-Vogue!"






"Eh bakit ka galit na galit ngayon? Pinabayaran ba sayo yung gastos? O kinuha kang Ninong sa Kasal nila? HAHAHAHAHAH.."











"Gago."












"Come on Ken! Tanggalin mo na kasi yung rule!"










"Dahil sa rule na iyon, makikita mo talaga kung gaano sila katapat sayo. Ang hirap talagang magtiwala."










"Pakinggan mo kaya muna ang explanation nung dalawa! Wag kang gagawa ng decision ng hindi mo pinapakinggan yung side nila. Nakapag-usap na ba kayo ni Rita about it? Alam niya ba yun?"








"Closed friend sila. Imposibleng hindi niya iyon alam. Kahit siya, hindi ko na din alam kung kaya kong pagkatiwalaan."








"Hey! Bakit pati si Rita, nadadamay? Umayos ka Ken! Talk with her!!! Wag kang magalit ng dahil lang sa nalaman mo. For sure may nakahanda ng paliwanag sayo yung tao."










"Araw-araw kaming magkasama sa bahay, pero hindi manlang niya nagawang sabihin."










"Ikaw na nga ang nagsabi Ken na closed friend sila. Respetuhin mo yung decision ni Rita na hindi ipaalam sayo, alam kong ayaw niyang mapahamak yung kaibigan niya. She's just protecting Camille."











"Nagmumukha na pala akong tanga sa harap nila. Mukhang ako na lang ang hindi nakakalam ng relasyon ng dalawa.."









"Bakit ka ba talaga napunta sa isang decision na gumawa ng batas na ganyan sa kumpanya? Dahil kay Isabel diba? Bitbit mo parin ba yung galit? Dahil may posisyon ito sa kumpanya niyo before.. Na after pala niyang ireject yung wedding proposal mo, iniwan ka , nag ibang bansa at pinagpalit ka din pala sa pinagkakatiwalaan mong assistant sa kumpanya ng Dad mo? Trinaydor ka ng taong labis mong pinagkatiwalaan.. Nakakulong ka parin sa eksenang iyon? Ken! Gumising ka nga! "












"Parang binasag ng ilang beses yung tiwala ko ng ibang tao, pero hanggang ngayon, hindi parin mabuo-buo. Hindi ko na alam. Nakakapagod na.."













"Ka-Vogue, your staffs, Rita, Her team. Iba sila. Magkaibang-magkaiba. Kung bubuksan mo muli ang puso mo na magtiwala, baka mas gumaan na yang pakiramdam mo.."













"Umuwi ka na at kausapin mo si Rita."













"Ayokong umuwi. Galit ako."










"Okay, dahil galit ka, dumito ka muna at magpalipas ng galit. Pero bukas na bukas, umuwi ka na."
































Tumayo ako at mabilis na tumungo sa pinto para lumabas..












"Ken! Saan ka pupunta?"











"Bibili ng phone."











































Rita's POV





NANG makarating kami ng Manila ay dumiretso kami sa unit ni Iza. Kasama si Tosh, Camille at Hector..












"Ka-kailangan ko na bang mag update ng resume? May mga alam ba kayong hiring na company? Rita?" natetense na tanong ni Camille..









"Ssshh. Babe, calm dawn! Hindi niya pwedeng tanggalin tayong dalawa. Against the Law iyon!"










"Pero Hector, nagsinungaling tayo sa kanya. Hindi natin agad naamin yung tungkol sa atin.."












"It's our decision. Ipapaalam natin sa kanya or hindi. Hindi naman niya tayo pwedeng tutulan sa pagpapakasal, hindi natin siya magulang.." may pait na pagkakasabi ni Hector..






"Ano ng gagawin natin?? Rita? Pwede mo bang kausapin si Sir Ken for us?" tanong ni Camille sa akin. Napatingin si Hector sa akin. Alam na ba nito na sa iisang bahay kami nakatira ni Ken? Maybe, asawa na siya ni Camille eh.








"Nabigla si Sir Ken kanina. Galit ito. Iyon ang sigurado. Pero gagawin ko ang lahat para maconvince ito na tanggalin ang rule..." bigla akong niyakap ni Camille..









"Ayokong umalis ng Ka-Vogue. Ayokong iwan kayo dito .." umiiyak na sabi nito..









"Rita, ipagpabukas mo na yung pakikipag-usap mo kay Sir Ken. Galit siya ngayon, for sure pati sayo. Baka makagawa iyon ng decision ng biglaan at madamay ka din, wag muna ngayon. Baka pati ikaw isipan niyang tanggalin., Please, ayokong maiwan kami ni Tosh dito sa Ka-Vogue.. Hindi makukumpleto ang team kapag wala kayo!"









Napaisip ako sa sinabi ni Iza. Kaya niyang gawin iyon? Pati ako ay mapatanggal niya? Hindi naman siguro diba?















Napatiningin ako sa phone ko ng magring ito, unregistered number..















"Hello?"
















"Nasa bahay ka na ba?"










Ken??


















"Pa-pauwi palang.." sagot ko dito.













"Okay, by 7pm nasa bahay na ako." sabi nito mula sa kabilang linya..











Parang kalmado naman siya?
















I need to go home. Kailangan kong makausap si Ken. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat..





❤️

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
12.6K 713 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
96.4K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...