Naging usap usapan tuloy sa school ang pag post ni Ethan ng picture naming dalawa. May iba na natutuwa may iba naman na hindi. Hindi rin kasi maitatanggi na maraming nagkakagusto sa kaniya. Kada dadaan tuloy ako sa hallway pakiramdam ko pinag uusapan ako.
Hindi naman niya kailangang gawin yon. Parang gumawa lang tuloy siya nang topic sa school. After din naman kasi ng gabing yon wala na, hindi ko na siya nakikita. Bukod sa malayo ang building ng tourism samin, crush lang naman niya ako. Wala naman siguro siyang ibang intensyon sa pag post niya na yon kaya hindi ko alam kung bakit ginawang big deal ng iba.
"Kape tayo..." parang tamad na tamad si Anya ng ayain kami. Kakatapos lang ng major exams namin at kampante naman ako sa mga sagot ko.
"Huy, tara! Deserve ko mag kape dahil sa hirap ng exams." lumapit sa akin si Olive para tulungan akong mag ayos ng gamit ko.
Sakanilang tatlo mas malapit talaga ako kay Yara dahil magkakilala na kami simula elementary palang. Sabi niya sa akin ay binibigyan niya ako ng space para makakilala ng iba dahil siya lang ang kaibigan ko simula noon. Madali lang naman pakisamahan ang mga kaibigan namin ngayon kaya naging malapit na rin ako kila Olive at Anya. Lalo na kay Olive dahil magkatabi kami sa upuan. Si Anya naman hati ang oras sa amin dahil may boyfriend. Naiintindihan naman namin yon. Bukod sa pag aaral e, priority niya rin talaga ang bebe time.
Dumiretso kami sa Starbucks at dahil maaga natapos ang exams namin, paniguradong magtatagal nanaman kami sa pag tambay dito. Okay na din yon dahil mas gugustuhin kong manatili dito kasama sila kesa umuwi ng maaga sa bahay.
"Mauna na kayo sa table at umorder na din kayo. Mag rest room lang ako." paalam ko sa kanila. Nagkatinginan pa kami ni Yara dahil alam niya naman ang gusto ko kaya siya na rin ang oorder para sa akin.
Pumunta lang naman ako sa rest room para mag ayos ng sarili. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit na ng mukha ko. Ginawa ko lang ang routine ko. Nag hilamos, nag suklay, nag blush on at nag liptint tapos nag pabango bago lumabas.
Hinahanap ko ang pwesto ng mga kaibigan ko nang makasalubong ko ang mga pamilyar na lalaki. I think sila yung mga kabanda ni Ethan. Napatigil pa sila sa paglalakad ng mamukhaan nila ako.
"Classmate mo si Olive diba?" tanong sa akin nung drummer nila. Mukha siyang may lahi pero mukha rin siyang bad boy dahil sa hikaw niya sa labi. "Hindi satin nasabi ni Olive na mayroon siyang classmate na maganda ah."
"Hello! Im Archie" lumapit sa akin ang guitarist nila. May hawak itong isang cup na order niya at nakangiting nakatingin sa akin.
Isa ito sa pinaka gwapo sa banda nila. Itim na itim at bagsak ang buhok niya. Medyo tumatama pa nga ang bangs niya sa singkit niyang mga mata. May hikaw siya sa kaliwang tenga at mahahalata mo talaga sa itsura niya na mayaman siya. Mukha siyang korean leading actor kung susuriin mo ang kabuuan niya.
"Hi Archie... Nice meeting you. Una na ako, hinihintay na rin ako ng mga kasama ko." paalam ko sa kanila dahil wala naman akong balak kilalanin sila. Kaso parang papansin tong isa na to e.
"Wait," hinarangan ako bigla nitong Archie. Tinitigan niya ako kaya nilabanan ko din ang pag titig niya. Napangiti tuloy siya dahil sa inasta ko.
"What's your name?" tanong niya pa.
"And I tell you, because?" tinarayan ko siya. Naiirita na sa ginagawa niya.
"Mas okay kung sayo ko na itanong kaysa itanong ko pa kay Olive, diba?"
Hindi ko na sana siya papansinin at maglalakad na ulit nang biglang marinig ko ang pangalan ko sa claiming area. Parang wala na akong nagawa dahil pinag sigawan na ang pangalan ko.
"One Java Chip, for Kisses!" pag uulit pa ng barista.
Agad akong pumunta sa counter para kuhain ang order ko pero nauna na tong Archie na to i-claim yon. Kinuha niya yon habang nakangiti pa din sa akin.
"Excuse me?" pag tataray ko. "Akin na, please."
"Hindi dapat ito ang dinadala mo." ngumisi siya sa akin at halatang nang-aasar.
"Ha? E ano pala dapat?" takang tanong ko.
"Apelyido ko."
Napairap nalang ako sa kacornyhan ng lalaking to. Habang si drummer boy naman ay natatawa sa amin. Is he trying to flirt with me? Kasi it's not working! Naiirita lang ako sa kaniya! Ramdam ko ang pag sunod niya sakin hanggang sa makarating sa pwesto ng mga kaibigan ko. Hinayaan ko na lang siya dahil mukha namang walang makakapigil sa pagpapapansin niya.
Akala ko nga itong Archie lang na to ang sisira sa araw ko kaso... Kaso hindi e! Na para bang makikita mo sa imagine mo na... Wow paalis na si Archie, wow hindi na ako maiinis ganon e. Kaso nakita ko si Ethan kasama ng mga kaibigan ko. Success ka eh, pero bigla ka na stress! Kung bibigyan ka nga naman ni lord ng sitwasyon oh!
Ano bang ginagawa ng banda nila dito?? Wala ba silang practice?!
"I just helped her," sabi agad ni Archie ng tignan siya ng mga kaibigan ko.
"As if hindi ko kayang dalhin yan?" tinarayan ko pa rin siya.
He smiled at me at halatang nang aasar ang tingin. "Alam kong kaya mo. Pero diba? Sinabi ko na sayo kung ano dapat ang dinadala mo?" inirapan ko lang siya bago ako umupo sa tabi ni Yara.
"Okay na, Archie. Thank you." sabi ni Olive sa lalaki bago ito tanguan at umalis. Mukhang nairita din si Olive sa lalaking yon! Pogi sana kaso nakakainis.
"Taray talaga ng bebe ko! Marami talagang nagkaka crush dito e!" pang asar ni Yara sa akin dahilan para makaramdam ako ng hiya.
"Your into coffee pala?" Ethan randomly asked me. Hindi ko tuloy siya matignan dahil nahihiya ako sa kaniya. It's really awkward!
"Yeah." tipid na sagot ko.
"Ako mas gusto ko tea." He said. I just smiled on him. Hindi ko alam ang sasabihin ko tapos bigla pang tumahimik ang mga kaibigan ko.
"Share ko lang," sabi pa niya. Ramdam na ramdam ko tuloy ang awkwardness sa aming dalawa.
I just sip on my drink while scrolling to my phone. Wala akong choice kundi mag scroll sa social media para lang ma lessen ang awkwardness na nafefeel ko. Pero bigla nalang tinulak ni Ethan yung pastry na inorder niya sa harapan ko.
"Here, try this one..." alok niya sa akin. Napatingin tuloy ako sa mukha niya pero agad rin akong umiwas. "and you can loosen up a bit."
I awkwardly smiled to him. Halata ba? Halata bang tense ako?? Bakit ba kasi nandito siya sa table namin? Hindi niya ba sasamahan ang mga kabanda niya? Nahalata tuloy na naiilang ako sa kaniya. Pinilit ko nalang na mag hiwa ng maliit sa pastry niya at halos hindi ko yon malasahan nang naisubo ko na. Ugh! What's wrong with me today!!
"It's good." maikling sabi ko. May masabi lang.
He smiled at me. "You can have it."
Hala bat kailangan ngumiti? Nakakainis! Hindi dapat siya ngumingiti ng ganon sa akin!