The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

63.8K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 22

1.3K 72 29
By kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares

* * * * *

MA R K

Nagpalinga-linga ako sa buong paligid nang malaman kong nakatayo ako sa gitna ng malawak na kadiliman. Tanging sarili ko lamang ang nakikita ko. Wala akong masinag na kahit anong liwanag.

Sinubukan kong iangat ang paa ko upang tangkain sanang maglakad nang hindi ko ito magawa. Nagtaka ako. Nangunot ang aking noo sa nangyayari.

'Nasa'n ako?' tanong ko sa aking isip.

Sa gitna ng aking pagtataka ay napalingon ako sa boses ng isang bata.

"What are we doing here, mister?" nadinig kong sabi nito sa kausap niyang lalaki. Matangkad ito at malaki ang katawan.

Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nila dahil pareho silang nakatalikod mula sa akin.

"Your parents ars waiting for you here." brusko ang boses ng lalaki. Malalim ang boses nito.

Hawak-hawak lamang nito ang kamay ng bata habang pareho nilang tinatahak ang mahaba at madilim na pasilyo.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang biglang sumalubong sa akin ang nakasisilaw na liwanag. Saglit akong napakurap bago sumalubong sa akin ang hindi ko inaasahan.

"Mark!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ng isang babae dito sa malawak na kwarto.

Iyon na lamang ang gulat ko nang sumalubong sa akin ang nagaalalang mukha ni mama na nakatingin sa akin.

"Mama. Papa." mahinang tawag ko nang mapagtanto ko ang sitwasyon ng mga magulang ko. Pareho silang nakatali sa upuan.

"Papa." muling tawag ko kay papa nang mapansin na wala itong malay. Nabaling ang tingin ko sa duguan niyang suot na damit.

Napatakip ako ng bibig sa nasilayan. Kusang dumaloy pababa sa aking pisngi ang sariwang luha nang mapagtanto ang aking nasaksihan.

Hindi maaari...

"Mama! Papa!" mabilis na tumakbo papalapit ang batang lalaki kay mama at mahigpit siya nitong niyakap.

"Hayop ka! Huwag mong idadamay dito ang anak ko!" galit na galit ang boses ni mama na sinigawan ang kung sino.

Kusang napalingon ako sa taong 'yon nang madinig ang dahan-dahang paghakbang nito mula sa madilim nitong parte ng kwarto.

Natigagal ako sa nakita. Hindi ko inaasahan na makikita dito si Tale. Malinaw na malinaw ang pag-ngisi niya matapos hithitin ang nagbabagang sigarilyo sa kanyang kamay.

"I wont hurt your son if you will give me the diamond. Decide, Ellen. The diamond or your son's life?" malalim ang boses ni Tale na labis na nagbigay ng matinding pangingilabot sa aking kalamnan.

Anong nangyayari?

"Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala sa akin ang hinahanap niyo!"

Pagak na tumawa si Tale sa tinuran ni Mama. Sinadya niyang itapon ang natitirang parte ng kanyang sigarilyo sa sahig at agad na inapakan hanggang sa maupos ito.

"Don't make me laugh, Ellen. Fine! Madali akong kausap..." biglang tumahimik ang buong paligid.

Tumindig ang ang buo kong kalamnan nang makita ang pagbunot ni Tale ng isang baril mula sa kanyang likuran.

"Huwag..." para akong nawalan ng boses dahil hindi ko magawang bigkasin ang isang salitang 'yon.

Ang gumalaw ngayon upang pigilan si Tale sa kanyang binabalak ay imposible para sa akin.

"Take the kid away..." maotoridad na utos ni Tale sa mga kasama.

Bago pa man ako makatanggi ay hila-hila na ng isang lalaki ang batang lalaki papalayo kay mama. Malakas ang boses nitong tinawag sa mama at nagpupumilit na muling mahagkan si mama.

"Please! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!"

Nagpumilit ang batang lalaki na makawala sa pagkakahawak ng lalaki hanggang sa napagtagumpayan niya ito. Mabilis na tumakbo ang bata. Muntik pa sana siya nitong maabot nang tanging kwintas lang nito ang nahawakan dahilan para mapatid ito mula sa leeg ng bata.

"Huwag Tale, nagmamakaawa ako sayo."

Ngunit bago pa man makalapit ang bata ay malakas nang umalingawngaw ang putok ng isang baril. Gulat akong napabaling kay mama na duguan na at wala nang malay.

"Mama!" sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mailabas ang aking boses sa oras na 'yon.

Ngunit bago ko pa man maigalaw ang aking buong katawan ay binalot na ng matinding kadiliman ang buong paligid.

"Mama!" pinilit kong sumigaw at nagbabakasakaling makita muli si mama. Umaasang masagip siya sa kapahamakan.

Malalim akong napabunot ng hininga nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa aking braso.

Nanlalaki ang aking mata na nabungaran si Tale na nagaalalang nakatitig sa akin.

"Mark! You're having nightmare..."

Nang mabalik sa sarili ay agad ko siyang tinulak papalayo sa akin. Muling nanumbalik sa aking alaala ang ginawa niyang pambababoy sa akin at ang pagpatay niya sa mga magulang ko.

Galit ko siyang binuntungan ng tingin.

"Huwag kang lalapit sa akin!" marahas ko siyang muling itinulak nang tangkain niyang lumapit ulit sa akin. Hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang pagtataka sa nangyayari.

Nagpumilit akong siksikin ang sarili sa headboard nitong kama at binalot ang sarili nitong kumot. Kusang dumaloy muli ang sariwang luha sa aking namumugto nang mata.

"What's happening, Mark?" halatang-halata sa kanya ang frustrasyon nang sinadya niyang sabunutan ang sarili.

"Fuck! You're making me insane! Ano bang nangyayari sa'yo?" bahagya siyang napatayo sa kama. Nanginginig ang kanyang kamay na sinikap muling abutin ako.

Nakapikit kong ibinaling papalayo sa kanya ang aking ulo sa labis na takot na baka maulit na naman ang ginawa niya sa akin kanina.

"Please, tama na... Nagmamakaawa ako sayo..." mahihinang halinghing ng pag-iyak ko ang pumailanlang sa buong kwarto. Nanatili lamang na nakapikit ang aking mata. Takot na baka makita muli ang galit na mukha ni Tale.

"Shit." mahinang pagmumura ni Tale.

Mahabang katahimikan.

"Mark." pagtawag niya sa akin.

"I'm worried. Please, tell me what's happening." bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.

"Huwag... Huwag..." ang kaninang paghawak niya lang sa balikat ko ay napunta sa pagyakap niya sa akin.

Malakas akong napadaing nang mahigpit niya akong nahawakan sa aking braso.

"Tale, nasasaktan ako..." hirap akong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Parang madudurog ang buto ko dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

Pilit niya akong ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Nagpumilit akong kumawala sa kanya ngunit balewala lamang ang lakas ko kumpara sa malaki niyang katawan.

Malakas akong napasigaw at nagpumilit na itulak siya palayo sa akin.

"Mark... Please... I won't hurt you." mas lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ang aking ulo.

Buong pwersa ko siyang sinuntok sa kanyang dibdib ng ilang ulit ngunit hindi man lang siya natinag. Nanhahapdi na ang aking mga mata sa lubha na ng aking pag-iyak. Hirap na rin ako sa paghinga dahil sa paninikip ng aking dibdib. Gahol pa akong napaubo dahil sa pagtaas ng aking emosyon.

Naalimpungatan ako nang madinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng aking kwarto. Ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng aking mga mata nang imulat ko ito ngunit agad ring napapikit nang masulyapan si Tale ang pumasok.

Pinakiramdaman ko ang bawat galaw niya. May kung ano siyang nilapag sa bedside table. Ilang saglit ay lumundo ang kama sa harap ko.

Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na natutulog. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahinang paghaplos niya sa buhok ko.

"Mark?" mahinang bulong niya sa pangalan ko.

Wala akong tinugon.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. I have no any idea kung bakit bigla ka na lang nagkaganun kanina. I hope I could help you. You're breaking my heart, Mark. Seeing you suffering like this really breaking my heart."

Naikuyom ko ang aking kamay nang madama ko ang kanyang halik sa aking noo.

Kalaunan ay nadinig ko ang mahihina niyang yabag at ang muling pagbukas-sara ng pinto. Naghintay muna ako ng ilang saglit bago tuluyang imulat ang aking mga mata. Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga at sumandig sa headboard nitong kama.

Napalingon ako sa bedside table. Ang kaninang nilapag niya pala dito ay tray ng pagkain. Napaling ang tingin ko sa labas at malaman na umaga na pala. Napahilot ako sa ulo ko dahil sa pangingirot nito.

Nanunuyo na rin ang lalamunan ko kaya naman ay maingat kong inabot sa tabi ko ang isang baso ng gatas. Saglit akong natigil nang mapansin ang isang sticky note sa ibaba ng tray. Inabot ko ito at binasa.

'Have some breakfast, Mark.'

Naikagat ko ang aking labi dahil sa nabasa.

Muli akong napasulyap sa bintana nang madinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan mula sa labas. Mabilis akong pumalis sa ibabaw ng kama upang silipin 'yon. Nangunot ang aking noo nang matanaw ang sasakyan ni Tale papalabas nitong lugar.

'Saan siya pupunta?' tanong ko sa isip ko.

Muli akong bumalik sa kama nang tuluyang makaalis si Tale. Napabuntong-hininga ako sa nangyayari ngayon sa akin. Hindi ko mapagtanto kung ano nga ba dapat ang gawin ko. Alin ang mas matimbang?

Napayuko ako at muling napabuntong-hininga. Sandali akong natigilan nang masulyapan ang suot kong t-shirt. Nangunot ang aking noo. Ito pa rin kasi ang suot kong tee shirt kapareho ng tee shirt na pinunit ni Tale nang pagtangkaan niya akong halayin.

Mas lalong nangunot ang aking noo. Napuno ng pagtatanong at pagtataka ang aking isip. Naguguluhan akong napatitig sa band-aid sa aking daliri. Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto. Tumayo ako at binuklat ang comforter nitong kama. Wala akong nakitang butones ng polo sa ibabaw ng kama. Napalunok ako.

Hindi mapawi sa sistema ko ang pagtataka.

Imposibleng hindi 'yon totoo. Damang-dama ko kung paano niya ako marahas na hinawakan. Malinaw na malinaw sa aking alaala ang bawat detalye ng pangyayari.

Kahit naguguluhan sa nangyayari ay wala akong padadalawang-isip na tinungo ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Inabot ko sa itaas ang isang duffle bag at agad na isinalansan doon pasilid ang aking mga kagamitan. Naluha ako sa balak na gawin.

Nang matapos ay kinuha ko ang aking cellphone at wallet sa drawer at agad na nilisan ang bahay ni Tale.

Mabilis kong tinipa ang numero ni tita Emma sa kalagitnaan ng aking paglalakad papalabas nitong subdivision. Palingon-lingon ako sa buong paligid habang hinihintay ang pagsagot ni tita. Nakailang dial pa ako ng kanyang numero bago niya ito sagutin.

"Napatawag ka, Mark?" masayang bungad sa akin ni tita Emma mula sa kabilang linya.

"T-tita..." hindi ko napigilang mautal sa muling pagbugso ng aking damdamin dahil sa ginawa kong pagtakas. Naiiyak ako. Natatakot sa pwedeng mangyari.

"May nangyari ba? Umiiyak ka ba, Mark?" napawi ang galak sa kanyang boses at napalitan ito ng pag-aalala.

Tanging mga hikbi ko lang ang aking nagawa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Mark? Ano bang nangyayari? Nasa'n ka ba? Pupuntahan kita riyan." huling dinig kong sambit ni tita bago umikot ang buo kong paningin. Namamanhid ang buo kong katawan. Napahawak ako sa aking ulo. Mariing ipinikit ang aking mga mata.

"Mark? Nandyan ka pa ba? Diyos ko po..."

"Mama... Papa..." tanging mga hikbi at pag-iyak lang ang aking nagawa nang magising ako sa gitna ng masukal na kagubatan.

Madilim. Nakakatakot. Tila nasa loob ako ng isang bangungot.

Napadaing ako sa sakit nang muli kong sikapin na tumayo ngunit natumba rin kalaunan. Hindi ko magawang makapaglakad dahil sa sugat ko sa talampakan. May kung anong bumaon dito nang magpagulong-gulong ako sa gitna ng aking pagtakbo.

Napalingon ako sa kung saan nang makarinig ng boses ng mga tao.

"Hanapin niyo!" galit na galit na sigaw ng kung sino.

Kahit hirap gumalaw ay sinikap kong magtago sa gilid nitong puno. Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang aking katawan dahil sa malamig na simoy ng hangin at takot.

"Mama... Papa..." muling pagtawag ko sa mga magulang ko.

"Mark... Mark..." napalinga-linga ako sa paligid nang madinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang babae.

"Tita Emma?" pasinghot-singhot akong gumapang papalabas sa aking tinataguan at susubukan sanang silipin si tita ngunit 'yon na lamang ang gulat ko nang isang nakakatakot na lalaki ang sumalubong sa akin.

Habol ang hininga akong napamulat ng aking mga mata. Basang-basa ng luha ang pisngi ko. Napawi ang matinding takot ko nang sumalubong sa akin ang nag-aalalang si tita Emma. Mabilis akong pumayakap sa kanya.

"Tita..." halinghing ko. Ramdam ko ang marahang paghaplos ni tita sa likod ko na bahagyang ikinakalma ko.

"Tahan na. Nandito na ako."

Nagtagal kami sa ganung posisyon bago ko napagdesisyunang kumalas na sa yakap niya. Hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mukha ni tita Emma.

Napalibot ang tingin ko sa buong kwarto. Nakahiga ako sa isang hospital bed kung saan may nakalagay na makina sa gilid nito. Tanging kaming dalawa lamang ni tita ang naririto.

"Ano bang nangyayari sayo?" maingat na pinalis ni tita ang panibagong luha sa aking pisngi.

Bigla kong naalala ang balak ko sanang pag-alis sa bahay ni Tale nang mawalan ako ng malay sa gitna ng paglalakad ko.

"Mabuti na lang may nakakita sa'yo nang mawalan ka ng malay at naisugod ka rito sa ospital. Naku! Ano ba kasing tumatakbo sa isip mo at may dala-dala kang bag? Nag-away ba kayo ni Tale?" naging sunod-sunod ang mga tanong ni tita habang hawak ang aking kamay.

Napayuko ako. Mariin na napakagat sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Mark? Nag-aalala ako sa kalagayan mo." pagpupumilit sa akin ni tita.

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tinitigan si tita. Tinitimbang kung sasabihin sa kanya ang nangyari.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita nang masulyapan ko ang pagbukas ng pintuan nitong kwarto at iniluwa nito si Tale. Agad na nagtagpo ang mata naming dalawa ngunit mabilis rin akong umiwas sa tinginang 'yon.

"Tale. Ikaw pala yan..." pagpansin ni tita sa presensya niya.

Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni tita nang humakbang papalapit sa amin si Tale at umupo sa kabilang gilid nitong kama. Hindi ko magawang tingnan siya ngayon.

"I'm glad you're already awake." nakangiting bungad sa akin ni Tale.

"Maiwan ko muna kayo para makapagusap kayo ng maayos." napaangat ako ng tingin kay tita nang kalasin niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Magsasalita na sana ako upang pigilan siya sa pag-alis nang mawalan ako ng boses. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Naramdaman ko ang paghawak ni Tale sa aking kamay. Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya.

"Why did you leave, Mark?" pagtatanong niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong tahimik. Pinilit kong ituon ang aking atensyon sa paglalaro sa aking daliri dahil sa nagsisimulang kaba na umuusbong sa aking sistema.

"Is it about Natalie?" muli ay hindi ko siya tinugon.

"Look, I already talk to her about what really happened. I'm sorry if I misinterpreted what happened between you two. I'm sorry if I misjudged you, Mark. H-hindi ko sinasadya."

"I'm really sorry... I-I just got carried away."

Sinubukan niya muling abutin ang kamay ko ngunit naging maagap akong umiwas sa kanya. Nanariwa sa aking isipan ang nangyari.

Hindi na nawala sa aking isip ang tila isang bangungot na pangyayari nang 'yon. Ang makita si Tale ay nagiging dahilan lang para manumbalik sa akin ang pasakit na 'yon.

"Binaboy mo ako..." halos pabulong kong pag-amin sa kanya.

Saglit siyang natigilan. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal niyang tanong.

"Binaboy mo ako, Tale." pag-uulit ko.

Punong-puno ng poot at paghihinagpis ang pagkatao ko ngayon.

"I can't do that to you." nangunot ang kanyang noo.

Napailing ako. "Pero nagawa mo na..." matatalim ko siyang tiningnan sa naguguluhan niyang mga mata.

"I-I don't understand, Mark." napailing siya. Nilahad niya ang kanyang braso upang abutin sana ako ngunit marahas ko itong pinalis.

Pagak akong napatawa sa pagpapanggap niya. Pipilitin niya ba akong sambitin ang mga salitang 'yon?

"You tried to rape me, Tale."

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

337K 10.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...