SPHEROID CHAMBERS 1: Sacchari...

By caffeineofwords

80.5K 2.1K 2.1K

COMPLETED Getting over someone takes a lot of time and tears. Feelings fade, time heals, but memories stay. B... More

Description
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 13

1.4K 41 49
By caffeineofwords

Tirik na tirik ang araw sa puntong nanunuot na ang init nito sa balat. Puro tawanan at mura ang naririnig ko. Basang-basa na kaming lahat at halos makainom na ako ng tubig-dagat sa sobrang lakas ng alon.

Mahigpit ang yakap ko kay Imari habang si Asia ay nakapulupot din ang mga braso sa akin. Halakhak ni Cohen ang nangingibabaw sa tawanan ng mga kasama naming lalaki.

"Asia! 'Yong dede mo!" sigaw ko nang dumiin ang dibdib niya sa akin.

"Sorry, ha? Laki lang!" halakhak niya.

Umirap ako at agad na napapikit nang muling humampas ang alon. We're riding a banana boat and it's absolutely fun! Ito na ang pangatlong activity na nagawa namin ngayong araw.

"Pucha, Cohen... yuko!" hagalpak ni Conrad na nasa likuran ni Cohen.

Nagtawanan kami nang sumadsad na ang nguso ng banana boat sa buhanginan. Nauna kaagad si Cohen bumaba at sinundan iyon ni Conrad. Imari jumped off the boat and combed her hair. I did the same and closed my eyes a bit because of the scorching sun.

"Grabe. Ang saya! Nakakagutom tuloy," wika ni Asia sa likuran ko.

"We'll do the snorkeling later, right? Relax muna tayo," Grecia said.

Tumango sila. Hinubad na namin ang life-jackets na suot at binigay iyon sa life-guard na nakaabang sa amin. I smiled when Comet's eyes found mine. Basang-basa siya at lalo lamang humaba ang buhok. His dress shirt kissed his naked and humid body. I looked away.

"Magbihis muna tayo. Let's meet each other in the restaurant," wika ni Casimir na ginugulo na ngayon ang basa niyang buhok.

He's wearing a black board shorts and a black sleeveless shirt. While Conrad is wearing a white sleeveless shirt. Si Cohen lang ang naka-terno sa kanila. He's wearing a geometric print beach suit. Bukas ang lahat ng butones ng kaniyang pang-itaas.

"Yeah. I have to take a shower, puro ako buhangin," sambit ko at hinila na si Imari.

We separated ways. Ako ang naunang maligo kay Imari. Saglit lang iyon dahil nagbanlaw lang naman ako at kaunting shampoo at sabon. I wore a black bralette top and denim shorts with a Gucci belt. I just partnered it with flats since I'm on the beach.

I applied lotion and sunblock before laying on the bed to wait for Imari. Nakita ko ang text message ni Comet.

Comet:
done?

Sahri:
Yep. Hbu?

Comet:
yes just relaxing a bit.

I grinned.

Sahri:
Massage kita maya, you want?

Comet:
no thanks.

Umirap ako at bumangon na nang lumabas si Imari na nakasuot ng beach dress. Kinuha ko ang aking wallet at sumabay sa kaniya sa paglabas. Ramdam ko ang pagod niya at ganoon din ako. We'll have an hour or two to loosen up before the snorkeling.

Marami nang tao sa restaurant nang makapasok kami. Wala pa sila Asia at Grecia roon. Naupo ako sa tabi ni Casimir at tumingin sa wristwatch ko. It's already one PM. Reasonable naman pala ang pagkalam ng sikmura ko ngayon.

Nagkatinginan kami ni Comet na nasa harapan ko. Namumula ang kaniyang balat at namumungay ang mga mata. Siguro dahil sa tubig-alat at araw. Dagdag pa ang pagod. Bumaling ako kay Casimir nang humilig siya sa akin.

"Your Mom just called me. Hindi ka raw nag-t-text sa kaniya," bulong niya.

Dahil mestizo siya, mas nadepina ang kaniyang pamumula. Basa pa ang kaniyang buhok at namumungay na rin ang suplado, ngunit maamong mga mata. I nodded.

"Alright," tanging sambit ko at bumaling kay Comet na igting na ang pangang nakatitig sa kaniyang baso.

I took a deep breath and looked away.

"Nandiyan na sila! Let's eat!" anunsyo ni Cohen.

Tumayo kami nang dumating na ang dalawa. Kaniya-kaniya kaming kumuha ng sariling mga plato at pagkain. Puro seafood ang naka-serve sa buffet at ang lahat ng iyon ay halatang masasarap. Kumuha ako ng lobster at shrimps. Dinamihan ko ang sugpo dahil paborito ko iyon.

"Gutom ang bata," Comet's taunting voice echoed beside me.

Nakasimangot ko siyang tiningala. "I'm always on diet. Kaya marami ang kakainin ko rito," I reasoned out.

Tumango siya habang nakangising kumukuha ng pagkain niya. Hindi man lang niya ako sinulyapan. Umirap ako at kumuha pa ng isang lobster dahil mukhang kulang iyong dalawa sa akin.

"What drink do you want?" he asked silently.

"I'm fine with Sprite and water," I retorted.

"Alright. Ihahatid ko sa'yo mamaya," aniya.

Tumango ako at kumuha ng tig-iisang Salmon at Tuna. Iniwan ko siya roon at nagtungo na sa aking upuan. Kababalik lang din ni Casimir na mayroon nang dala. Hindi ko na sila hinintay at nagsimula nang lantakan ang sugpo.

"Dami naman niyan, Sahri," tawa ni Imari.

"At least, hindi mamamatay na gutom," I replied.

The buttered shrimp is absolutely delightful! Nanuot sa aking dila ang bawat tamis noon. Malambot ang laman at madali lang balatan. Tumingala ako nang may maglagay ng isang basong Sprite at tubig sa tabi ng aking pinggan.

"Ayan 'yong pinaabot mo sa akin," Comet muttered smoothly.

"Thanks!" ngiti ko.

Pumunta siya sa kaniyang puwesto at kumain na. I didn't peek at anyone since I don't want them to notice that there is something odd between us. Mabuti na lang at gutom ako kaya tuloy-tuloy ang kain ko.

"Mga alas cuatro na natin gawin ang panghuli. Antok na antok na ako," ani Conrad at sumimsim sa kaniyang baso.

"Baka bangungutin ka niyan sa sobrang busog," tawa ni Cohen.

"Mas magandang mamatay sa bangungot kaysa mamatay sa gutom," halakhak ni Casimir.

Ngumisi ako at sumimsim sa aking baso. Humihikab na sila, halatang antok at pagod. Sabay-sabay kaming umalis doon at nagtungo na sa sarili naming mga kuwarto. Bagsak kaagad si Imari sa kama.

I yawned. "Rest, finally..." I murmured and let the dark succumbed to me.

Kulang ang tulog naming lahat kaya tama lang na magpahinga kami ng dalawang oras o higit pa. Tutal, isa na lang ang hindi namin nagagawa. Mamayang gabi ay mag-iinuman na lang kami sa tapat ng dagat. It'll be fun, for sure.

I'm wearing a red seamless one-piece bikini. Pinatungan ko iyon ng rash guard bilang pang cover-up sa pang-ibabaw ko. Mas maingay pa ang tawanan nila kaysa sa makina ng bangka. The boat is huge, kaya hindi kami nagdikit-dikit.

"Picture-an mo 'ko, dude. I-s-send ko kay sisiw, baka miss na niya ako," ani Cohen at pumuwesto sa dulo ng bangka.

Conrad took a shot of him. Inaya ako ni Imari na mag-picture din. Kaniya-kaniya kaming kumuha ng litrato. Tahimik ang bangkero sa nguso ng bangka at nakatingin lang sa malayo.

"Nandito na po tayo," anito.

Kaagad kaming nag-ayos. We wore the required gears. Hindi sasali si Grecia dahil pagod pa rin daw siya. I don't mind, I'll enjoy this one.

"Sabay tayong tumalon, Sahri," aya ni Imari.

Tumango ako at saglit na huminga nang malalim bago kami sabay na tumalon. I freed my eyes and the spectacular coral reefs fed our orifices. Lumangoy ako patungo sa color pink na coral reef na mayroong maliliit na isda. I took my waterproof camera out and took a picture of it.

I saw Casimir with Cohen and Conrad. Nasa pinakamalaking coral reef sila at tinitingnan iyon. Umiwas ako sa medyo malaking isda at nagkunot ng noo.

What fish is that?

Halos mapamura ako nang may humaplos sa aking hita. Sinamaan ko ng tingin si Comet na halatang nakangisi na dahil sa ginawa niya. Inirapan ko siya at lumapit kay Imari na may hawak na ngayong starfish. Binigay niya iyon sa akin. Sinuri ko iyon.

It was big and looked bizarre. It's not color pink as I've expected. It's a touch of white and brown. It feels so weird against my palm because of its harsh texture. It was dotted with black circles.

Pinakawalan ko iyon at nagtungo sa tinitingnan nila Casimir kanina pa. Naroon na rin si Comet at pinapasadahan iyon. I positioned myself beside him and stared at the magnificent coral reef. It's a color pink coral with tiny fishes with different hues. Hinawakan ko ang tuktok noon at napangiti nang mabilis na gumalaw ang mga isda.

I looked at Comet and caught him staring at me. I smiled at him and swiveled my eyes to the coral before leaving them.

Nanatili kami sa ilalim ng tubig ng mahigit tatlumpong minuto. Umahon na rin kami nang unti-unti nang dumilim. Hinubad ko ang aking rash guard at tinali ang basang buhok.

"Here," ani Casimir at inabot sa akin ang puting towel.

"Thank you," ngiti ko at tinanggap iyon.

Comet is standing near the driver. Kinakausap niya ito ngunit nasa akin ang mga mata. Nginitian ko siya. Nginuso niya ang aking dibdib at tinuro ang towel na hawak ko. Tumango ako at tinakpan ang sarili. Malamig na rin ang hangin.

"Let's have our feast at the seaside," Cohen said lazily.

"Alright. I'll arrange the reservation," Casimir drawled.

Madilim na nang makabalik kami sa resort. Nagtatawanan na ulit sila Conrad at may tinuturo-turong kung sino at panay na ang awat sa kaniya ni Cohen.

"Sino 'yan?" tanong ni Asia.

"Wala. Gago 'to si Cain, turo nang turo pag ikaw nanuno sa punso—"

"Mukha bang nuno sa punso 'yang crush mo?" pang-aasar sa kaniya ni Conrad.

"Saan diyan?" kuryosong tanong ulit ni Asia.

"Ayun oh," turo ni Conrad sa babaeng matangkad at nakatalikod sa direksyon namin.

Nanliit ang aking mga mata at tinitigan iyon. Masiyado nang madilim at hindi ko na iyon maaninag masiyado. Maputi ang balat, matangkad, maganda ang pangangatawan, at mukhang hindi itim ang buhok.

"Gago, dude. Pag ako sinapak niyan ulit. Bahala ka riyan— hoy! Puta!" nanlaki ang mga mata ni Cohen nang biglang maglakad si Conrad patungo roon. Kumapit siya kay Casimir na tumatawa na ngayon. "Hala, puta... Casimir, pigilan mo nga 'yon!" halos magmakaawa siya.

"Who's that?" tuluyan na akong naintriga.

"Paano ko pipigilan, nakakapit ka sa akin?" tawa ni Casimir.

"Nililigawan ni Cohen 'yan," sambit ni Comet na nasa tabi ko na ngayon.

I frowned. Kausap na ngayon ni Conrad ang babae. Hindi ko iyon makita dahil malaking tao si Conrad. Lumingon siya sa amin at mala-demonyong tinuro si Cohen na malutong nang nagmumura at sinusumpa ang kaibigan niya.

"Hala... papunta! Yie!" hagalpak ni Asia.

"Oy, si ano 'yan, ah..." Imari trailed off.

Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang mataray na mukha ng babaeng nakita ko sa restroom. She's wearing a black bralette top and white shorts, showing her long and creamy legs. Nakatali ang buhok niya at na kay Cohen na ngayon ang medyo singkit na mga mata.

"Cohen, nakita ko si Indra!" ngiti ni Conrad.

What?

"Uy, hi!" ngisi ni Asia.

Napalunok ako nang manatili ang tingin ng babae kay Cohen bago mataray na nilingon si Asia. She raised a brow then smiled mischievously.

"Kasama ka ni Cohen mag-outing, huh?" she said shadily.

My eyes broadened.

"Obviously," Asia giggled but she stopped instantly when Cohen called her.

"Una na kayo, kakausapin ko muna," seryoso nang sambit ni Cohen.

"Okay!" malaki ang ngiting sabi ni Conrad.

Halos itulak ako ni Imari upang umalis. Indra walked away with her arms over her chest. Parang tuta siyang sinundan ni Cohen na hinawakan na ang kaliwang kamay dahil nanginginig na sa kaba. I chuckled.

"Tangina mo, Cain. Yari ka mamaya," sabi ni Comet at tumawa.

"Kanina pang umaga nandito 'yong babae kasama mga kaibigan niya. Sinundan ata si Cohen," halakhak ni Conrad. "Tangina, katakot. Ginusto niya manligaw ng gano'ng babae, e. Bahala siya," he smirked evilly.

"Iikli buhay ni Cohen do'n," tawa ni Casimir.

Ngumuso ako at naglayag ang isipan sa babaeng nililigawan ni Cohen. Sa kanilang apat, si Cohen ang mukhang hindi magkakaroon ng girlfriend. Lapitin siya ng mga babae dahil bukod sa guwapo niyang mukha at magandang pangangatawan, magaling pa siyang makisama. And I never thought that he'll pursue someone... like that girl.

There's nothing wrong with it. But that girl is obviously exposed and very popular. Mukhang magkaiba sila ng mga interes ni Cohen.

"Iyon pala ang manliligaw niya? Tanginang Cohen. Nabanggit kasi ni Kedavra na meron nga raw nanliligaw sa kaniya pero saka na raw niya sasabihin kung sino," daldal ni Imari.

Dahil hindi na ako lalangoy, nagsuot na lang ako ng simpleng maong shorts and white sleeveless cropped top. Pinatungan ko iyon ng kulay puting jacket at tinali ang aking buhok.

"Why? Is she that public?" I said lazily.

"Hindi naman as in. Pero nag vlog kasi siya ng Q and A. At kasali iyon sa mga tanong kaya sinagot niya lang. That girl is Troy's ex-girlfriend. Kilala mo 'yon? Iyong sikat na varsity sa La Salle? Muntik na silang mag two years kaso naghiwalay," kuwento ni Imari habang naglalakad kami patungo sa lift.

I chuckled. "Kawawang Cohen."

Humagalpak si Imari. "Matik. Gago, maalam sa mixed martial arts 'yon, e. Athletic din. Sana all!"

"Ano bang course no'n?" kuryosong tanong ko at nilingon siya.

"Tourism," simpleng sagot niya.

Tumahimik na kami at nagtungo sa seaside. Nandoon na silang lahat at mayroong isang nadagdag. Katabi ni Cohen si Indra na kinakausap na ngayon ni Conrad.

"Sit here, Sahri," Casimir tapped the vacant seat beside Comet.

Tumango ako at naupo roon. Imari sat beside Comet. Tahimik na nilalagay ng waiter ang orders namin. I looked at Indra and lifted a brow when I caught her looking at Comet then her gaze went to me.

"Kanina pa kayong madaling araw dito?" tanong ni Conrad.

"Yeah. We planned to come here since one of my friends has relatives here in Batangas. Besides, this place is cool," Indra said smoothly then glanced at Cohen.

Nakapangalumbaba na si Cohen at pinapanood siyang magsalita. Ngumuso ako at uminom sa tubig na nasa tabi ng aking plato.

"Akala ko sinundan mo si Cohen," Conrad laughed.

"Oh, that's impossible. Mas posible kung siya ang gagawa niyan," maarteng sabi ni Indra at umirap.

"Kapal naman ng apog mo," pambabara sa kaniya ni Cohen.

Nagtawanan sila. We began having our feast and conversed about stuff. I heard mag-iinuman talaga sila sa tapat ng dalampsigan. That's cool. I want to do it since I did that before, it was fun.

"Gusto mo ba 'to?" wika ni Comet sa tabi ko at pinakita ang Salmon.

I nodded. Naghiwa siya nito at nilagyan ang aking plato. I looked at him then smiled.

"Thank you," wika ko at kumain.

"Invite your friends to drink with us," I heard Asia said.

"They are shy types. But well, okay. I'll tell them," Indra muttered. "Cohen, I want orange juice."

I glanced at them.

"Sure," ani Cohen at tinaas ang kamay upang kunin ang pansin ng waiter.

"Nakausap mo na ba ang Mommy mo?" biglang tanong ni Casimir sa akin.

I looked at him. Nakatingin siya sa kaniyang pagkain at tahimik na naghihiwa. Tumango ako.

"Yes. I sent her a text message bago tayo kumain," I retorted.

He looked at me. Natigilan ako nang makita ko ang seryoso niyang mga mata at mukhang may malalim na iniisip. Kinabahan ako roon.

"W–Why?" I stammered.

Umiling siya. "Nothing. We'll talk after Halloween Party," he said as he looked away.

Napalunok ako at agad na lumipad ang isipan. I don't want to overthink, but I can't help it. I don't think he knows anything. Kung alam niyang may ginagawa akong kalokohan, siguro naman ay kukumprontahin niya ako, hindi ba?

Yakap ko na ang aking sarili nang magtungo kami sa tapat ng dagat. Naglatag sila ng malaking blanket sa ilalim ng puno ng niyog at mayroon na roong mga alak at pagkain. There's even a huge Bluetooth speaker and bonfire for the cold temperature.

"Nasaan si Cohen?" tanong ni Asia.

"Kasama niya ang girlfriend niya, bakit?" sagot agad ni Casimir.

Napatingin ako sa kanila. Asia held her chest and frowned at Casimir. Mukhang iritado sa kaniya si Casimir dahil magkadikit ang mga kilay nito.

"Girlfriend agad? Nanliligaw pa nga," ani Asia at tumawa.

"They'll reach that point, anyway. Stop looking for him. Maupo ka na riyan," masungit na wika ni Casimir at naupo malapit sa puno.

Asia just rolled her eyes. Halos mapairap din ako nang mamataan ko si Comet na nakaupo na at katabi agad si Grecia. May pinag-uusapan sila at kita ko ang ngiti niya habang nakikinig kay Grecia.

"Patabi," sambit ko at naupo sa tabi ni Casimir.

"Aren't you cold?" nakakunot ang noong tanong niya habang pinapasadahan ang suot ko.

"This is fine. Naka-jacket naman ako," ngiti ko at yumakap sa kaniya.

I felt the heat of his body but it really feels different. It doesn't give me the weird feeling like Comet's body does. He's wearing board shorts and a white sleeveless shirt. He snaked his arm around me.

"It's not that thick," he chuckled huskily.

Napalunok ako at tiningala siya. Nakasandal siya sa may puno at nakadungaw sa akin. I stared into his eyes. Natural itong mapupungay, binibigyang hustisya ang kulay kape niyang mga mata. I wandered my eyes through his narrow nose to his full lips.

I couldn't feel anything anymore. Is it bad?

"But i–it's fine..." my voice shook a bit.

Ngumisi siya dahilan ng pag-akyat ng tingin ko sa kaniyang mga mata. Kumalabog ang aking puso nang mapansin ko ang paninitig niya sa akin. Halos lumayo ako sa kaniya nang yukuin niya ako at inabot ang aking labi. I closed my eyes.

His lips were soft and delightful. But it doesn't give me different emotions. I kissed him back to look for the feelings I wanted to feel but nothing came. He sighed.

"Tangina... PDA!" himutok ni Conrad.

Agad akong kumalas sa kaniya at uminit ang buong mukha. Awtomatikong mabilis na gumala ang aking mga mata at nanlamig nang makita ko si Comet na may hawak nang isang bote ng San Mig Light at matalim na nakatitig sa dagat.

"They are in a relationship, that's normal," Imari said lazily.

Umingay ang paligid nang dumating si Cohen kasama si Indra at ang dalawang kaibigang babae nito. Tumikhim ako at umayos na.

"Hi! Sorry, natagalan. Hinintay ko pa kasi ang mga friends ko magbihis!" Indra said joyfully.

Natahimik si Conrad sa isang tabi. Naupo sila Cohen sa kaliwang banda kasama ang dalawang babaeng dala ni Indra. Kumunot ang aking noo nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na babae.

Wait... who's that?

"Okay lang, Indra," akala ko hindi na magsasalita si Conrad.

Humalakhak si Cohen at kumuha ng apat na bote. He gave one to Indra then to her friends. Umiling ang babaeng may maikling buhok at bangs.

"Ayaw mo?" Cohen raised a brow.

"Hindi siya umiinom, Cohen," ani Indra.

"Ah. Ano gusto mo? Juice? Tubig? O... pintura?" Cohen tilted his head.

"Stupid!" singhal sa kaniya ni Indra at hinila ang kaniyang buhok.

Humalakhak si Cohen at binalik ang bote sa bucket. Tinanggap ko ang binigay na bote ni Imari at ininuman iyon. May Jose Cuervo at Bacardi nang nakabukas. Mukhang maglalasing talaga sila ngayong gabi.

"Pupunta ba kayo sa Halloween Party sa Cove?" tanong ni Conrad at uminom.

"Oo. Mag-v-vlog kasi ako for new content. Is it okay kaya? Kasi kung hindi, huwag na lang," Indra muttered.

"Puwede naman. Anong costume mo?" Cohen lifted his brow.

"Witch ako," she smiled.

Tahimik na kinuha ni Comet ang iPad ni Conrad at kinalkal iyon. He connected it to the speaker and browsed through the playlist.

"Ikaw Azul? Anong costume mo?" ngisi ni Cohen sa babaeng may bangs.

She's really familiar! Saan ko ba nakita itong babaeng 'to?

The girl blinked and her cheeks glowed. "Uh... hindi ko pa alam," she shook her head.

"Talaga? Sabi mo sunflower ka ni Van Gogh," tawa ng isa nilang kaibigan.

"Shut up, Crisel," tawa ni Indra.

"Well, if it's fine," Azul said slowly.

"Of course, it's fine," singit ni Conrad nang hindi sila tinitingnan.

'We get so close but we never touch,
Gotta wear this mask for just long enough
To get away from all the eyes that stare us down.
Like two criminals with the dream to steal,
Not a trace to be found of the way we feel.
With our hearts on line, we give in and we get away.'

"Uy, favorite ko 'yan sa mga kanta ni Hunter Hayes," tawa ni Imari.

"Ganda niyan. Bagay sa mga may jowang patago or kabit," Asia said bluntly.

Naubo ako sa iniinom at agad na umiling nang akma akong tutulungan ni Casimir. Ngumiwi ako at sinulyapan si Asia na kalmado lang na umiinom.

What the hell?

'Secret love, all the things we do,
Secret love, baby me and you,
Got a secret love
Stayin' under cover and out of sight,
If nobody knows, then we're doin' it right
Secret love
Got a secret love.'

"I think... ready na ako sa hard drinks," ngisi ko upang bawasan ang tensyon sa akin.

Naglagay ako sa kulay pulang baso ko at sinenyas iyon sa kanila. Kumuha sila ng sarili nilang cups at nagsalin. I took a shot and closed my eyes a bit.

"Graduating ka na pala, Comet. Daanan mo kami sa school, ha?" ngisi ni Cohen.

"Baka hindi na. Busy na siya niyan after that," Grecia smirked.

"Bakit? Pagbabawalan mo ba? Higpit mo namang girlfriend. Baka masakal 'yan," Conrad chuckled.

Kunot-noo kong sinulyapan si Grecia na tumatawa lang at nakahawak na sa hita ngayon ni Comet. Suminghap ako roon. Comet seems oblivious again since he's drinking with his eyes fixed on the shore.

"Hindi naman. Of course, I'll give him freedom," Grecia giggled.

"Saka ka na mag ganiyan pag kayo na," Asia fired.

I raised a brow. Comet glanced at me. Tumalim ang tingin niya sa akin bago mag-iwas ng tingin. Napaawang ang aking bibig at napainom sa aking cup. He looked angry and... sad.

"Tatanggapin na ba natin 'yong contract after graduation Mukhang nakakakaba naman 'yon," seryosong wika ni Cohen.

"It's normal to feel nervous once the opportunity came. But don't let fear rule your feelings. Don't waste the opportunity just because you're afraid," Indra said then shrugged.

"It's inevitable. Your girlfriend is right, Cohen. Tatanggapin natin 'yon," Casimir slowly said.

"I am not his girl—"

"Gano'n pa rin naman ang kahahantungan niyo," Crisel cut her off.

They chatted about random stuff. Comet is quiet for some reason. Minsan lang magsalita kapag sumasagot sa mga tanong. Tinigil ko na ang pag-inom nang makaramdam na ako ng hilo. Asia and Cohen started mumbling things.

"Love must come naturally, you know?" Asia pouted.

"Falling in love is inevitable but doing something to make it happen is a choice. Love won't spoon-feed you phenomena to make the two people happen. Law of attraction is nothing without actions!" ngisi ni Cohen na namumungay na ang mga mata sa kalasingan.

"Huh? Na-i-in love kayo? Kadiri," Conrad clamored with disgust on his face.

Napapikit ako at sumandal kay Casimir na tumatawa na ngayon. Nahihilo na ako at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. I have to take a nap or at least, relax.

"Saya kaya ma-in love lalo na pag malaya kayong dalawa!" maingay na wika ni Asia.

Kumalabog ang aking puso at napadilat.

"Bakit? You love someone ba pero hindi kayo malaya?" halakhak ni Grecia.

Nanuyo na ang lalamunan ko sa kaba lalo na nang sumulyap sa akin si Asia at ngumisi nang malaki. I swallowed hard and closed my hands tightly.

She knows something... I know.

"Baka 'yong iba... tinatago. Kasi... kabit," humalakhak siya at napamura nang muntik siyang matumba dahil sa kalasingan.

Kumunot ang aking noo nang tumugtog ang hindi pamilyar na kanta. Conrad groaned. Kumuha ng isang bote si Asia at tumayo sa harapan namin habang hila-hila si Cohen na halos mapapikit na.

"This song is for sa mga ano... wait ayoko mag english. Basta alam niyo na," she chuckled.

"Ano 'yan? That's pang kabit," Indra chuckled.

"Kay sakit namang isipin na, sa puso mo ako'y pangalawa. Sa tuwing makikita kitang kasama siya, pinipikit ko ang aking mga mata. At sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga. Ha!" She sang like crazy and clutched her chest dramatically. "Hawak ko ang bote ng tequila, nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa... naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama," she continued.

I gritted my teeth. Nagtatawanan na sila. I stayed silent. Comet is silent, too. Maybe that was humorous for them but for me... it's not. It's not funny especially for Comet's feelings.

"Ano ating lagay? Hindi mapalagay, ako'y nasasaktan pag hawak mo kaniyang kamay. Sa kaniya ka sa tanghali, akin ka sa gabi. Pagdilat sa umaga yo! Wala ka sa tabi meron kahati, gusto kita na mapa-sa'kin," Cohen slammed his head in the air. "Puwede lang ba sana sa kaniya kita nakawin at lagi mong iisipin, kung hindi ka para sa akin... 'wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin!" he vocalized and danced like crazy.

"You looked stupid," tawa ni Casimir.

Sinulyapan ko si Comet na nasa malayo na ang tingin at gumagalaw ang mga panga. Napasinghap ako nang pinilig niya ang kaniyang ulo at tumayo. He said something to Grecia and walked away. Tawanan nila Conrad at boses nina Cohen ang umukopa sa puwesto namin. Maraming napapatingin sa direksyon namin at tumatawa.

"Casimir... restroom muna ako, I have to freshen up," I whispered.

"Samahan na kita," aniya at ambang tatayo.

Umiling ako at hinawakan siya sa braso. He looked at me with his brows rose. Halos hindi na ako makapagsalita sa kaba.

"Saglit lang ako... kaya ko na," seryosong sambit ko.

He bit his lower lip then nodded slowly. I smiled faintly and stood up. Hindi ko na sila pinansin at mabilis na umalis doon. Tinakbo ko ang buhanginan at ginala ang paningin. Hindi ko na makita si Comet.

Where is he?

Pumasok ako sa loob ng hotel at dumiretso sa lift. For sure he went to his room to relax or pee. I don't know. Wala naman siyang ibang pupuntahan bukod doon. Nginitian ko ang nakasabay ko sa lift nang ngitian ako nito.

I went out immediately when I arrived to his floor. Hindi kami magkaparehas ng floor. He's in the same floor with Cohen. Two beds each room ang kinuha namin kaya sila lang ang nahiwalay.

I bit my lower lip. Mabilis ang takbo ng aking puso at para na itong sasabog palabas sa dibdib ko. It is causing an intense earthquake against my chest. I couldn't breathe properly.

Imbis na kumatok, pinihit ko ang pintuan upang alamin kung naka-lock ba ito. My eyes widened when it opened. Hindi iyon naisara nang maayos! Bumungad sa akin ang malaking kama at malaking bintana. Nakahawi sa magkabilang gilid ang kulay brown na kurtina nito, pinapakita ang magandang tanawin sa labas.

Pumasok ako sa loob at tahimik na sinara ang pintuan. I saw his shirt and phone on the King-sized bed.

"Comet?" I called.

I waddled towards the white door. Binuksan ko iyon nang walang pag-aalinlangan at kaagad na natigilan nang batiin ako ng malapad na likod ni Comet. He's washing his face and he's topless. Hindi man lang siya nagulat sa presensya ko.

"Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong at pinatay ang gripo.

I looked at him through the mirror. Nakayuko siya at hindi ako binabalingan. I swallowed hard to ease my uneasiness and went to him.

"Sinundan ka," I answered as I stood beside him.

Nilingon ko siya. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Namilog ang mga mata ko.

"Wait... umiyak ka ba?" kumalabog ang aking puso at hinawakan siya sa braso upang maharap siya nang maayos.

"I didn't," iritadong wika niya at iniwas ang sarili sa akin.

My lips parted because of his behavior. Pinanood ko siyang kumuha ng towel at pinunasan ang kaniyang mukha nang hindi ako tinitingnan.

"Bumalik ka na roon. Halikan mo na lang ulit boyfriend mo," he chuckled.

Tuluyan na akong natigilan. Umiling siya at inabot ang puting sipilyo. A slight pang hit my chest as I looked at his smile. It doesn't even look genuine.

"Hindi ako magrereklamo, Sahri. Bumalik ka na roon, boyfriend mo naman 'yon," nakangiting sabi niya habang naglalagay ng toothpaste.

I looked down when my eyes heated. Hindi ako gumalaw at nanatiling parang tuod na nakatayo sa tabi niya. I felt him looked at me. Seryoso ko siyang tiningala nang muli siyang tumawa.

He's laughing like a fool in front of me but his eyes were gleaming in tears. Hindi man lang ako natawa o nangiti sa tawa niya. Gusto ko siyang sapakin sa inis! Why is he pushing me to Casimir?

"Umalis ka na. Bumalik ka na—"

"Bakit mo 'ko pinapaalis?" naiiyak ko nang tanong.

Sinapo ng kaniyang kamay ang kanan niyang mata. Lalong nangilid ang aking luha nang pumatak ang kaniyang mga luha. Iniwas niya ang sarili sa akin at suminghap. Binitiwan niya ang ginagawa kanina at huminga nang malalim.

"Hindi na ako babalik doon. Ikaw na lang..." namamaos niyang sambit.

"S–Sabay na tayo..." nanginginig kong wika.

Umiling siya at mariing pumikit. "Sa tingin mo babalik pa ako roon pagkatapos nilang ipamukha sa akin kung ano lang ako sa buhay mo?"

I tried so hard to stop my tears. Awang ang aking bibig nang hawakan ko ang matigas niyang braso upang iharap siya sa akin. Nakakuyom iyon, dinidepina ang emosyong kanina niya pa pinipigilan.

"Comet..." marahang tawag ko sa kaniya at hinila siya.

He didn't even move. Inabot ko ang kaniyang mukha upang pumunas din ngunit iniwas niya iyon. My heart is slowly shattering into pieces. Muli kong hinawakan ang braso niya at pilit siyang pinaharap sa akin.

"Comet!" I called him frustratingly.

"Bumaba ka na," he seriously said.

"Ayoko. Wala silang alam, Comet. Katuwaan lang nila 'yon. At hindi kita—"

"Kabit mo 'ko," tawa niya at nilingon ako gamit ang namumungay na mga mata. "Hindi mo naman ako boyfriend. You can name me as your boy toy, ganoon naman—"

"Shut up," naiiritang putol ko sa kaniya.

Umiling siya at nag-iwas ng tingin nang muling mangilid ang mga luha. I swallowed hard and held his face. He looked at me with his wet bloodshot eyes.

"I'm sorry..." I said softly.

Hindi na siya nagsalita. Sumandal siya sa konkretong pader ng restroom. Lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan ang kaliwa niyang pisngi. I wiped the tears on his face. I wiped the sides of his eyes, too.

"You can leave me if you're tired," labag sa loob kong sambit.

I suddenly felt the familiar pain. If he'll leave me and find another woman, I'll accept it. Maybe it'll upset me, but I don't have the right to stop him. He's single, and I am not. From the start, I know that this is immoral. But I still devoted myself to this.

"Are you hurt?" marahang tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang mukha kahit wala na iyong luha.

He nodded slowly. "I am..." he admitted.

Nag-angat ako ng tingin sa namumungay niyang mga mata. Napalunok ako at nangilid ang mga luha. I never thought that I could hurt him like this.

"Iwan mo na ako. I won't stop you, Comet," my voice trembled a bit.

His jaw clenched. "Mahal kita, ayoko..." he shook his head.

A tear fell from my left eye. I hugged him and put my face on his bare muscled chest. His hand caressed the small part of my back. Mariin akong napapikit.

"I'm sorry if I'm hurting you. You can leave if you can't take this anymore..." I said shakily.

Tiningala ko siya. Nakasandal na ang kaniyang ulo sa pader at nakapikit nang mariin. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam's apple dahil sa marahas na paglunok.

"Hindi naman kasi talaga ako para sa'y—"

"Don't say that!" he cut me off harshly as he opened his eyes.

He cupped my face and stared at me seriously. He looked pained and frustrated right now. And it hurts seeing him like this. I used to see him cool and tough.

"You are for me, all we have to do is to correct this, Sahri," he said like he's convincing me.

Pinalis niya ang aking mga luha at hinalikan ang aking noo bago ako yakapin nang mahigpit. I closed my eyes and embraced his familiar warmth. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya, para akong nasa isang maganda at komportableng tahanan. I never felt this in Casimir's arms.

"Break up with him before I lose my mind. Break up with him and let's make this right," he whispered.

I bit my lower lip as I nodded slowly. His grip around me tightened and I felt his soft kisses on my hair. I snaked my arms around him and equaled his hug.

"Give me time... I will do it before Finals," may pinal na wika ko.

Hinawakan niya ang aking baba at inangat ang mukha ko. Napapikit ako nang salubungin ako ng kaniyang mga labi. He kissed my lips softly, it's healing the pain and frustrations I just felt minutes ago.

"I will..." bulong niya at masuyo ulit akong hinalikan.

I can smell his manly scent mixed with hard liquors. It smells good but I pushed him away. Nagtaas siya ng kilay sa ginawa ko.

"Amoy alak ka... magpalit ka na, I'll go to my room. Babalik ako rito mamaya kapag tulog na silang lahat," I said while caressing his neck.

His jaw clenched as he nods his head. Ngumiti ako at tumingkayad para abutin ang kaniyang mga labi. Hinawi ko ang aking buhok.

"See you later, Comet..." bulong ko.

Sinundan niya ako ng tingin habang kagat ang kaniyang labi. Kinawayan ko siya at tumalikod na upang lumabas ng bathroom nang bigla niyang hulihin ang aking braso. Napatili ako sa gulat.

"Comet!" I shrieked.

Halos umikot ang buong mundo ko nang buhatin niya ako at pinasok sa loob ng shower. He slammed the glass door and pushed me against the wall. Napapikit ako nang atakihin niya ako ng maiinit na halik. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniya.

"Akin ka, buong gabi..." bulong niya bago ko marinig ang pagkapunit ng aking damit dahil sa marahas niyang paghila.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.3K 40 31
With both sides of her family being prominent and successful in their own respective career fields, the value of pursuing a passion and a purpose had...
50.1K 1K 42
She, who saves people. She, who saved him, but left her broken in the end at the midst of mending herself. Will she be able to spend the rest of her...
192K 4.2K 53
[COMPLETED] Aristizabal family, the respected family in Pueblo De Amor. Aristizabal family is known as the kindest family of the town. Like other ric...