The Living Fictions

Autorstwa violetarae

2.8K 457 50

Love's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy househ... Więcej

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

56 16 0
Autorstwa violetarae

Chapter Eight

“Nakita mo yung reaction niya kanina nung pinatabi sa'yo ni ma'am si Ryden? I swear, para na siyang handang kumain ng tao sa sobrang pamumula sa inis.” Rinig na rinig ang malakas na halakhak ni Arin sa kabilang linya. Nakipag-video call kasi siya sa akin kaya naman heto ako at kaharap ang aking laptop habang kausap siya.

“Maybe she got embarassed. Why does she have to push Trisha away, anyway? Para lang kay Ryden? Tsk. Kung ako 'yun, matutuwa pa'ko kung hindi ko siya katabi.” Umirap ako sa kawalan.

“Girl? Seriously? Hindi ka pa rin nakamove-on sa ginawa niya? Eh nga di'ba sabi mo siya ang nakapulot sa kwintas mo? Edi sa wakas ay may nagawa ring tama si Ryden para sa'yo. Kalimutan mo na iyong coke at bookstore scene, 'yung kanina nalang alalahanin mo.”

“Excuse me? Dalawang beses akong nabwiset sa kaniya at isa palang ang magandang bagay na nagawa niya sa'kin so I won't forget what he did.”

“Okay, okay, go. Basta, eto ang isipin mo. This day, you won, Aye. Ang dami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking iyon and just like Alice, pinapangarap nilang makaseatmate sa klase. But of all the people and all the girls out there, it has to be you. You're living in their dreams, Aye. You're one in a million! Damn, ang swerte mo!”

Swerte? Nasaan ang swerte doon eh kanina pa nga lang na first day niya palang, sobrang yabang niya na kaagad. Kahit anong sinasabi at nagfe-feeling gwapo at parang poging-pogi sa sarili. I know there's nothing wrong with being so confident and he's actually attractive anyway. It's just that, it became so annoying and it is getting into my nerves. The worst is, I have to bear with it for the whole year! Sana lang ay kayanin ko.

The next days were just fine. At dahil kaka-start palang ng school year ay puro pre-assessments at lectures muna ang nararanasan namin. Though, there were still homeworks pero kaya pa naman. When I said kaya pa, I still had the time to read my books.

I'm now on the first chapters of the book and it was stated there how Chester was almost freaking out because of Teirrah. Pasaway kasi ito at halos araw-araw kinakausap sa adviser nila dahil palaging may issue. There was even a scene na nag-away silang dalawa dahil inagaw ni Chester ang sigarilyong hawak ni Teirrah para itapon ito. Teirrah got annoyed because he acts annoyingly at pakealamera daw kaya naman sinuntok niya ito sa tiyang parte. Chester winced in pain and even though that thing happened, hindi niya pa rin ito sinumbong kasi he feels kinda pity about her school records. Buti naman at hindi pa na-expel si Teirrah 'no?

So, let's get back to reality. Halos mapasapo ako sa aking noo dahil sa narinig kong task namin na required i-submit bukas. Nilingon ko si Ryden sa tabi ko at parang wala lang naman sa kaniya iyon pero ako, I'm in the verge freaking out because why does the world have to be this cruel to me.

“... in a one-whole sheet of paper, write down your interpretation about Manuel L. Quezon's Grow and Be Like Molave. And also, you have to create a poem about the situation of the Filipinos and the Philippines during the colonization. Don't worry, the poem is a free-verse and you have to it by pair. Together with your seatmates and may I inform you that your seatmates will be your partner in every performance tasks for the whole school year.”

“One whole ma'am?”

“Yes, Mr. Mier. One whole sheet of paper and will be submitted tomorrow. Ah, I almost forgot. Please study about our lesson for today because we'll going to have a long quiz tomorrow. Passing score, 45/50.”

Bagsak ang aking baga na bumuntong-hininga at napalingon naman kaagad si Ryden sa'kin dahil siguro'y napansin niya iyon. Bumuntong hininga rin si Ryden sa tabi ko at nagtiim-bagang.

Tss, anong problema niya? Siya pa itong may ganang magpaka-choosy? Akala siguro nito ay pabuhat ako.

Pagkatapos iyon i-announce ni Ma'am Dara ay lumabas na ito dahil time naman na at nag-bell na rin, so she dismissed the class.

“Agh! That should be me eh! Bakit ba kasi sa isang Acosta pa?! Kainis! Yuna, Trisha! Lina nga kayo, naiinis ako dito! “

Nagsitahimik naman ang iba naming kaklase dahil sa nasaksihang pagkainis ni Alice. I know, she’s pissed about me. Edi kaladkarin niya na si Ryden kasi ayaw ko rin naman iyon maging partner. Never over my bundle of books.

“Woah! Salamat naman at matalino ang maging partner ko! Quinn I know, bibida na ang pagiging englishera mo nito girl! Woah! “ Tinawanan ni Quinn si Arin sa naging compliment nito.

“Hey, excuse me hindi lang dapat ako sa lahat, tutulong ka rin ‘no!” umiiling na tugon ni Quinn. Tumawa pa siya ng mahina.

Napabuntong hininga ulit ako at tinitigan si Ryden na tahimik na nagbabasa ng libro sa tabi ko.

“Kung ayaw mong makapartner ako sa performance tasks, pwede mong sabihan si Ma’am na palitan ako.” Wala sa sarili kong sambit. Napatigil siya roon at tiniklop ang librong binabasa. Gosh, why did I even vocalized that one?

“Why would I do that?” sulyap nito sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin. “Eh parang ayaw mo eh, you know, pwedeng si Alice nalang ang partner mo.”

“Really? But I think ikaw itong ayaw maging partner ako sa ating dalawa. “

What? Bakit napunta sa akin? Pinapalaya ko lang naman siya ah. But well, totoo naman.

“Huh? H-hindi ah, hindi naman sa ganoon. “ humalukipkip ako.

“Yun naman pala eh, no need to replace you, being her partner might cause a chaos again. You are fine to me. “

Napakibit-balikat na lang ako.

Fine!

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang uminit bigla ang pisnge ko. Argh! Bakit hindi ako makatakas sa lalaking ito? Sinusumpa na ba ako ng mga libro ko sa TBR list ko? Dahil bili ng bili ako ng libro eh yung nasa TBR ko'y hindi ko na pinapansin? What an absurd thoughts again, Aye.

“Ano ‘yung pinag-usapan niyo kanina? Ang hina hina pa ng boses niyo, napakapribado ba? Kayo ah, may sariling mundo na kayo, alam ko na talaga kung saan iyan tutungo.” Sinundot ni Arin ang tagiliran ko habang naglalakad kami patungong cafeteria para mag-lunch.

“H-huh? Pinagsasabi mo Arin? “ I simple answered.

“Naku! Kapag talaga may something na, baka magluksa pa ng buong taon si Alice,” halakhak ni Quinn. Napangiwi ako sa kanila.

“Don't worry, Quinn. That will never happen.” I assured them. Yuck, hindi ko naman pangarap magkajowa ng feelingero 'no!

Patuloy pa rin nilang pinag-uusapan si Ryden sa aking harapan. Even after I asked Arin to order lunch for us. Ako naman ang magbabayad, eh. Before we left for lunch, Ryden had told me na magkita nalang kami sa library later after school para doon gawin ang aming by pair task. Hindi na'ko kumontra because I also prefer the library of all the places here on this school. Kaya naman after this ay makakasama ko sila Quinn and Arin kung saan man sila tutungo kasi napagdesisyunan kong mamaya nalang akong after school babalik sa library.

“Oh Ashton, anong ginagawa mo dito?” That was Arin. The one who noticed Ashton coming towards our direction. biglaan lamang siyang sa tabi ko na upuan kaya umusog ako ng kaunti para hindi magtama ang mga siko namin sa mesa.

“Nag-away kami ng tropa ko, bahala sila basta ako gusto ko lang kumain ng libre ngayon Aye.” napailing na lamang ako roon at binigyan siya ng one-hundred para pambili ng lunch.

“Tss. Lalamunin talaga, oh! Dapat ikaw nanlilibre eh!” singhal naman ni Arin.

“Eh sa naubos allowance ko, eh. Si Daddy kasi, ang tipid sa pera.”

“Siyempre, siya ba naman magkaroon ng anak na palamunin.”

“Hah! Pag ako talaga yumaman Arin, hindi na kita pansinin.”

“Same tho, kasi mas mayaman naman ako kesa sa'yo in the future!”

Ashton sighed. Basta kami ni Quinn, mapayapa lang na kumakain. “Alam mo Arin, gutom lang 'yan.” Napamewang si Ashton at pinaypayan ang sarili gamit ang dala niyang nag-iisang notebook. Saka siya lumingon kay Quinn. “Hi, Quinn.”

“Hello, hindi ka pa ba kakain?”

“Uhm, eto bibili na.” Kinamot ni Ashton ang likuran ng kaniyang ulo at tumayo na.

“Shet, ang pogi niya maglakad!”

“I swear pag 'yan nag-wave, magmumukha 'yang kpop idol!”

“Kyaaah! I think he looked at me for a sec!”

“Grabe, ang tangkad, ah!”

“Kahit siya lang this sem.”

“Bobita, grades pangarapin mo, hindi si Ryden!”

Ilan lamang ang mga iyan sa mga maririnig sa loob ng cafeteria nang biglang pumasok sa loob si Ryden at nakasuot ang kaniyang hood habang naglalakad na nakapamulsa. Ganoon pa rin, face is emotionless to the point that it seems like he doesn't care about how the people around him reacts everytime they've got the moment to see his image.

“Grabe 'no, ang pogi niya!” ani Arin habang nguya-nguya ang pagkain.

“Pogi sana kaso parang ang boring ng vibes,” komento naman ni Quinn.

“He's not that attractive... but kinda.”

“Uy, Aye ha, rinig ko iyon.”

I shrugged. “Well, just saying.” After all, he saved my necklace so medyo nabura ang ilang parte ng bad impression niya sa'kin.

Sabay naming tatlo pinanood ang pag-upo ni Ryden sa isang table na nasa corner at katabi lamang ng glass wall kung saan kitang-kita ang view sa labas. He seems alone always but he seems doesn't mind it. I was like staring at him for minutes when he caught my eye. Nang mahuli niya ang mga mata ko ay napaawang ng unti ang aking bibig at agad-agad ko namang inalis ang aking mga mata sa kaniya. Phew, he might think that I was admiring him from afar.

Ashton indeed joined us for lunch and we spend the whole time there talking about random things. I didn't noticed the time not until the bell rang signaling that it's time for class already and that was the time where we all decided to get back already. Ashton's section was just beside ours kaya sumabay na siyang maglakad sa amin.

Nang dumating na ang hapon at dismissal na, nagpaalam na ako kina Arin na mahuhuli ako dahil gagawa pa kami ni Ryden ng assignment.

Nang nakarating na ako sa library, namataan ko agad sa tabi ng pintuan si Ryden na nakayuko. He is wearing a black hoodie jacket at sa ilalim nuon ay uniform. Nakapamulsa siya habang nakayuko, kanina pa yata ako hinihintay.

“H-Hey, sorry am I late? “ I ask him softly.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Yeah, late ka nga. “

Napalunok ako, I suddenly felt a guilt. Nauna na akong pumasok sa loob at nakahanap naman agad ako ng table namin.

“Wow! Ano yan? Library date? Ang bilis, ah!” biglang sumulpot si Ma’am Dara. Nagulat pa ako sa presensya niya.

“Shut up, ate. Gagawin lang namin ang assignment namin, nothing more.” Mas lalo tuloy naging awkward ang sitwasyon namin. Kumindat pa si Ma’am Dara at naglakad na palabas.

“Hmm, okay. Sabi mo eh.”

“Nabasa mo na ba iyong sinulat ni Manuel L. Quezon?” tanong ni Ryden habang sabay naming binaba ang aming mga gamit.

“Yeah, na-search ko siya sa internet and madali lang naman siyang intindihin.”

“Fine. You can write the interpretation at ako naman sa poem para matapos na tayo kaagad.”

“Okay.” Tango ko na lamang.

“Just wait here, maghahanap lang ako ng libro.” Tumayo na siya at hinayaan ko na lamang. Pasalamat naman ako at hindi ako ang inatasan niya sa poem. I swear, I'm not poetic enough to play with words to create a great poem.

Habang hinihintay ko siya, naghanap na ako ng masusulatan. Kinuha ko ang One-whole paper ko para doon na isusulat. Hinalungkat ko ang bag ko para maghanap ng ballpen. Binuksan ko na ang lahat ng zippers nito pero wala pa rin. Sayang, kakabili lang ni Daddy non.

Yumuko ako para subukang hanapin iyon sa ilalim ng desk namin ngunit wala pa rin. Inilabas ko na lahat ng laman ng bag ko para mas madaling hanapin. Halos ipasok ko na sa bawat bulsa at sulok ang mata ko para mahanap iyon.

“Anong hinahanap mo? “

Napahinto ako at sinulyapan siya. “Nawawala ko yung ballpen ko.”

Kinalkal ko pa ang bag ko at hinayaan siyang parang walang pakialam na nakatayo lang. In the end, malapit na akong mainis kaya nilapag ko na lahat ng laman ng bag ko; mga notebooks, pocket books, at kung ano-ano pa. Napatigil ako ng nasulyapan ko ang kamay ni Ryden na may hinablot.

“Sinong nagbigay nito sa’yo?” malamig nitong tanong.

“Pinahiram lang sa'kin ng lolo ko.”

Dinukot ko ang bulsa ko at napabuntong-hininga ng naroon lang pala ang ballpen ko. Seriously? “Akin na, nasa bulsa ko lang pala ballpen ko eh.”

So ayon, sinimulan ko na ang pagsulat ng interpretation while Ryden infront of me was busy staring at the ceiling and after a while, babalik na naman ang kaniyang attention sa papel niya. Nang sulyapan ko iyon ay halos mapangha ako nang makitang nakatapos agad siya ng two stanzas just in five minutes!

Matalino nga si Ryden kaya hindi na ganoon kahirap ang ginagawa namin. Marami din akong naisip na ideas para interpretation kaya naman saktong pag-alas singko ay natapos kami. Papasara na rin kasi ang library sa gantong oras eh.

Tumayo na si Ryden at sabay na kaming umalis doon. But there’s a thing came into my mind. So, sabay kami pauwi ganon? Agh di ko na makakaya ang awkwardness.

Magcocomute nalang ako ngayon since napauwi ko na ang driver eh wala naman akong load para tawagan si Mommy na magpasundo ako. Sinipa-sipa ko na ang mga maliliit na bato sa kalsada dahil sa kaumayan. Wala pa ding trycicle na dumadaan. Mabuti nalang nandito pa si Ryden kundi mag-isa na’ko. I sighed with my thought.

“Malapit lang naman iyong sa inyo diba?” bumaling sa’kin si Ryden.

“Maybe, hindi ko pa kasi natry maglakad pauwi eh.” Kibit-balikat ko.

Kumalabog ang damdamin ko nang bigla niyang hatakin ang braso ko at naglakad. Wala na din akong magawa kundi magpatianod na lang.

“Saan mo’ko dadalhin?” I swear to myself na kapag sa maling daanan niya ako dadalhin, sisipain ko na lang siya sa gitna niya.

“H’wag kang mag-alala, di kita kikidnap-pin. Maglalakad tayo hanggang sa inyo kasi wala nang trycicle, baka maabutan pa tayo ng ulan,” sagot nito habang hatak-hatak pa din ako.

Tumahimik na lang ako. I’m relieved.

“Shit! Wala pa naman akong payong!”

Nilagay ko kaagad ang bag ko sa harapan ko para di mabasa. Bigla ba namang bumuhos ang ulan at bigla ring bumalot sa akin ang mga braso ni Ryden, tinatakpan niya din ang ulo ko. Bigla kasing umatake ang ulan.

“Hey! Mababasa ka!” sigaw ko habang nakayuko

“Tumahimik ka nalang at maghahanap ako ng masisilungan!”

Hindi ko masyadong kita ang daanan kaya nagconcentrate na lang ako sa pag-amoy sa kaniya. A manly scent is very evident!

Napansin kong napaliko kami. Inangat ko ang tingin ko. Dito kami huminto sa maliit na kainan. Amoy na amoy ko agad ang mga barbecue na pinapay-payan ng isang babae. Sa tabi niya naman ay isang may edad na na babae na nanay niya ata ang nagbabantay doon sa may mga bilog-bilog na orange na nakatuhog sa stick. Meron ding parang ka-shape ng french fries na na nakatuhog din sa stick.

May bakanteng table sa malapit at doon na kami pumwesto. Napahimas pa ako sa magkabilang braso dahil sa lamig ng panahon. Tumayo si Ryden at hinubad ang hoodie jacket niya at binalot sa’kin.

“O-okay lang naman ako.”

“I didn’t ask.”

Umirap na lang ako sa pambabara niya. Gagawa na nga lang ng magandang bagay, namimilisopo pa!

“Uy hijo! Buti naparito ka ulit umorder na kayo tsaka—uy! Pakilala mo naman ako dito sa gerlpren mo, ito ba yung anak nila Hester?”

Uminit naman agad ang pisnge ko sa narinig. Nginitian ko lamang siya ng simple.

“Ah, opo ah, di ko po siya girlfriend.” Kumamot siyang bahagya sa batok niya.

“Ay ganon ba? Pasensya kana hija, bagay kasi kayo eh tsaka first time nitong may kasamang babae.” Medyo nagulat pa ako sa kaniyang sinabi. Ramdam ko na ang pisnge kong namumula na nga.

Umorder lamang si Ryden ng kape para mawala ang lamig. Inofferan ko pa siya ng wallet ko but he refused. Nagpaload nalang ako sa kanila para makatawag ako kay Mommy. Plano ko ring ipahatid na rin si Ryden sa kanila.

“Ma? Nandito ako kila Aling Mela ang lakas ng ulan eh, uuwi din ako maya-maya… Opo Ma, Babye na.” binaba din ni Ryden ang cellphone.

Mabuti na lang at medyo humupa ang ulan kaya pwede nang maglakad kung may payong ka lang. Napalingon naman ako ng may humintong sasakyan sa tabi ng kalsada. Umibis roon ang driver namin.

“Bakit nandito ang driver ng mga Acosta?”

“Nandito yung anak nila, ayun oh”

Napayuko ako sa usap-usapan ng mga tao. Sabay-sabay kasi silang napatingin sa akin. Nilingon sila ni Ryden at binalik nito ang titig sa akin. Parang wala namang pakialam.

Nilapitan ako nung driver namin at napaangat naman ang tingin ko sa kaniya.

“Ma’am tara na po, hinahanap na kayo ni Madame” tumayo na ako kasabay ni Ryden at tumango na.

“Uh Ryden, sabay ka na, ipapahatid na kita sa inyo” huminto ito sa paglalakad at lumingon.

“No thanks.” He responded emotionlessly.

Para naman akong naguguilty kapag di ko siya mayaya dahil pinahiram pa niya ako ng jacket baka nilalamig na siya.

“B-But madilim na kasi, mas safe kung sumabay ka na.” I persuaded.

“Di naman ako lampa eh.”

“B-But—” he cut me off.

“H’wag ka nang mapilit, umuwi ka na lang.”

Yumuko ako dahil sa pagkabigo. Kaya sumuko na lang ako. Bahala na nga siya, buhay niya 'yon eh, edi sige.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

2.8K 679 56
[𝑼𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑺𝒍𝒐𝒘 𝑬𝒅𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈] HAZEL VENNESA LOUISSE, a wealthy and successful fangirl, presents an image of perfection to the world. However...
101K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
5.5K 273 32
6SH Series #2 : Bass an epistolary A girl named Megan knows on how to play bass guitar, but something on her mind wanted him to her tutor, Oliver the...
57.1K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...