The Accused Mistress

By LadyClarita

1M 31.5K 4.5K

(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong dep... More

The Accused Mistress
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas

Chapter 7

20.4K 714 72
By LadyClarita

Chapter 7

Dilim

Tinatagan ko ang loob nang makauwi na ng bahay. Wala akong pinagsabihan sa nangyari. Hindi ko rin ito ipinaalam kay Hope. Matapos magpalit ng mas komportableng damit ay binisita ko si Papa sa study room niya.

Nang mapansin ang pagpasok ko kay agaran niyang ibinaba ang mga dokumentong pinipirmahan. Pinagmasdan niya pa ako ng ilang segundo.

"What's wrong, JC?"

Umiling ako at pilit siyang pinakitaan ng ngiti. Naglakad ako papalapit sa kanyang bookshelves.

"I'm okay, Pa. Magbabasa lang po ako. Just continue with what you're doing." Kinuha ko ang makapal na libro ni John Maxwell tungkol sa pagnenegosyo. Nangiti ako sa sarili dahil naaalala na ito ang paboritong libro ni Papa.

"Tungkol ba 'to sa Mommy mo?" banayad niyang tanong.

Sa unang pagkakataon na binanggit si Mommy ay mahina akong natawa. Oo nga pala at kay Mommy lang ako nagkakaproblema noon.

"I'm fine, Papa," pagpapanatag ko sa kanyang kalooban. "Pagod lang po talaga ako sa eskuwela."

"Pagod pero kinuha mo si Maxwell?" May pagdududa sa tono ng pananalita niya.

"Well I guess I'm just like you." Malapad akong ngumiti at nagkibit ng balikat. Itinuro ko ang sofa na malapit sa malaking sliding window. "Magbabasa lang po ako."

Sa paghakbang ko patungo rito ay hindi naman nakalagpas sa pandinig ko ang kanyang malalim na pagbuntonghininga. Hindi niya na rin naman ako inusisa pa kung ano ang problema.

Pareho kaming hindi nagtagal ni Papa sa loob ng study room dahil kinailangan na rin naming lumabas para sa hapunan. Habang kumakain sa dining area ay napasulyap naman ako sa malaking vintage wall clock na nakasabit sa pader. Naalala ko na ngayon sana iyong dinner na imbitasyon ni Sir Mendez. Mapait akong napangiti sa sarili.

"Are you going to see your therapist tomorrow, JC?" biglang tanong ni Papa sa gitna ng hapunan.

"Yes po."

"Personally, I really think that you're just wasting your time with that therapist, Jean," sabad ni Mommy. "Hindi pa rin naman nawawala iyang phobia mo sa dilim. It's been years that you've been seeing her!"

"Gusto ko lang naman po na ma-overcome 'yong phobia ko. And most importantly, I just want to find the reason why I have it in the first place."

Hindi na siya nagsalita pa at muling natahimik ang hapagkainan.

Naghuhugas ako ng mga kamay sa may lababo nang bigla na lamang lapitan ni Manang. Napasulyap na muna siya sa pinto ng dining area bago muling tumingin sa akin.

" 'Yong titser mo na kapitbahay pala natin nandoon sa labas," pabulong na pagkakasabi niya. Siguro ay para maiwasan na marinig nina Mommy at Papa na hindi pa tapos ng hapunan.

Mabilis kong pinatay ang tubig dahil sa gulat at hinarap siya.

"P-Po?! Bakit daw po?"

"Hinahanap ka. May bitbit na tupperware na chicken curry yata ang laman. Nasa labas pa ng gate at naghihintay. Nag-alok na nga ako na siyang mag-aabot sayo kaya lang eh gusto niya na ikaw daw mismo ang tumanggap dahil may sasabihin siya."

Napakagat ako sa ibabang labi dahil hindi alam ang gagawin.

Naniningkit na ngayon ang mga mata ni Manang habang mariing pinagmamasdan ang bawat sulok ng mukha ko.

" 'Yong tupperware na dala niya ay parang pamilyar. Parang... Parang tupperware natin..." Umawang ang kanyang labi. "Huwag mong sabihin sa akin JC na teacher mo 'yong crush na kinababaliwan mo?!"

Napahawak ako nang mahigpit sa kanyang braso. Pakiramdam ko ay maiihi na yata ako ng dis oras.

"Manang... H-Hindi ko po siya kayang harapin! K-Kayo na lang po ang kumausap...Sabihin niyo na lang po na tulog na ako," natataranta kong palusot.

Nagtagpo ang kilay niya.

"Huh? Bakit? Hindi mo na siya crush?"

"Crush pa rin po pero magmo-move on na ako simula ngayon!" Sinimulan ko na siyang itulak papalabas ng pintuan ng kusina. Hindi na naman siya nagmatigas pa at nagpatianod na lang.

May mga ibinubulong pa si Manang na hindi ko na inintindi dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Nang nagkusa na siyang maglakad papunta sa may gate namin ay pasekreto ko naman siyang sinundan. Nagtago ako sa may halamanan.

Umusog ako ng kaonti at lumipat sa may likod ng pader. Binuksan ni Manang ang pinto ng gate. Hindi na ako naglakas-loob pa upang silipin si Sir sa likod nito.

Ipinosisyon ko ang tainga malapit sa dulo ng pader para marinig ang pag-uusap nila.

"Ewan ko ba sa batang iyon at tulog na raw siya—este nakatulog na siya kanina pa, Ser," si Manang na nadulas pa.

Ilang segundo akong walang narinig na tugon ni Sir sa sinabi ni Manang.

"Ako na lang po talaga ang magbibigay niyang chicken curry niyo, Sir," pagpiprisinta ni Manang. Binahiran niya pa ito ng nanghihinayang na tono.

"Ah. Sige po. Okay lang... po ba siya?" Parang may sumundot naman sa puso ko dahil sa nag-aalinlangang tono ng boses ni Sir Mendez.

"Magiging okay din siya. Matatag ang batang 'yon dahil sa dami na ng napagdaanan," banayad na sagot ni Manang sa kanya.

Tulala ako nang makaalis na si Sir. Kung hindi pa ako hinila ni Manang papasok ng mansiyon ay mananatili lang siguro ako sa labas.

"Nagsisisi ka na ba at hindi mo siya hinarap kanina?" marahang tanong ni Manang nang nasa loob na kami.

Malungkot ko siyang nginitian.

"Mas magsisisi lang po ako kung hinarap ko siya."

Ang hirap mag-move on lalo na kung palagi ko namang nakikita ang taong gustong-gusto ko. Pinilit ko na muling ipunin ang emosyon na naipalabas para itago sa loob ng kahon at panatilihin rito. Para magawa ito, hindi na ako muling tumingin pa sa kanya.

Ipinagpatuloy ko ang mga araw at pinagtuonang pansin na lamang ang pag-aaral. Noon pa man, bago siya dumating ay ganito naman na talaga ang takbo ng buhay ko. Kaya alam kong magiging maayos lang ang lahat at makakalimutan ko rin siya. Awa ng Diyos, bumalik naman ulit sa normal ang buhay ko.

"Magse-second semester na tayo! I can't believe na-survive natin ang first sem!"tili ni Hope nang naimbitahan ko sa mansiyon.

"Wow! Limited edition lang ba talaga 'tong wine na 'to, JC?" anas ni Jok habang manghang pinagmamasdan ang isang bote ng wine.

"Oo. Sa mismong supplier ni Papa 'yan sa Italy." Inilapag ko na ang tatlong wine glasses sa mesa. Inimbitahan ko ang dalawa na mag-celebrate sa bahay dahil wala naman si Mommy at Papa. Sa portiko na paboritong lugar ni Mommy namin naisipang magdiwang.

Malapad ang ngisi ni Jok habang binubuksan ang wine.

Isa-isa niyang sinalinan ang tatlong wineglasses pagkatapos ay sabay naming iniangat ito.

"Cheers for our survival!" nakangiting sabi ni Hope.

Sumabay kami sa kanya at sabay kaming sumimsim sa kanya-kanyang wineglass. Ninamnam ko ang init at masarap na wine na dumaloy sa aking lalamunan.

"Hindi ko siguro muna kukunin ang FA 2 na subject," sabi ni Hope.

"Bakit naman?" tanong ko at naupo na sa tabi niya. Pareho kaming nakatanaw sa ibaba.

"Si Ma'am Ramones pa rin ang handler ng subject. Asar! Alam mo namang kulang na lang ng ilang puntos at bagsak na ako sa kanya. Kung makapagbigay ng grades akala mo naman maayos magturo!" naiinis niyang pahayag.

"Mamili ka na lang ng ibang handler. Nga lang, taga ibang course na magiging kaklase mo," suhestiyon naman sa kanya ni Jok.

" 'Yan na nga ang plano."

"Eh 'di hindi na tayo classmates sa lahat ng subjects niyan?" baling ko sa kanya. May pagtatampo na ang tono ng boses.

"Okay lang 'yan, babe. Isang subject lang naman."

"Hindi ko na rin kukunin ang FA subject this sem. Sa third year na rin," sambit ko.

Mahina akong sinundot ni Hope sa tagiliran.

"Ay wag ganyan. Baka isipin ko nagseselos ka pa rin at hindi pa talaga nakaka-move on!"

"Of course I've moved on!" paninindigan ko. "Hindi na nga siya binabanggit, 'di ba?"

Napaisip pa siya. "True that."

"Can't relate. OP naman ako rito," banat ni Jok na ngayon ay pinapapak na ang hazelnuts. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa mesa at iniabot ito sa akin. "Wifi password nga. ML na lang ako."

" 'Yon pa rin."

Tumango-tango siya at itinuon na ang pansin sa hawak na cellphone.

"Hindi ba talaga siya nag-try ulit na kausapin ka? I mean, Monday the following week noong pumasok na ako nagpaliwanag naman ako sa kanya. Inamin ko na ako 'yong naglagay ng daga sa locker ni Jana!"

Inaamin kong naramdaman ko noon ang pagsubok niya na kausapin ako araw ng Martes, isang linggo matapos ang nangyari. Ngunit naging duwag ako dahil sa takot na baka muli na naman akong maghintay at umasa sa katiting na atensiyon niya. Kaya umatras at ako na mismo ang nagbigay ng distansiya sa aming dalawa. Ako na mismo ang nagpatatag sa pader na noon pa man ay nakapagitan na sa aming dalawa.

Naging mas madali ang pagbubukas ng second semester. Bukod sa mas maluwag ang class schedule ko, medyo madali rin para sa akin ang iilang subjects. Hindi ko na rin guro pa si Sir Mendez dahil wala naman siyang subject na hina-handle sa mga subjects na kinuha ko.

Naging Dean's lister ako sa nagdaang semesters. Balak kong ipagpatuloy ang pagpupursigi sa pag-aaral para maipagpatuloy ito. Aral at bahay lang ang naging takbo ng buhay ko. Ngunit minsan naman ay hindi ko nakakalimutang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan.

Isang araw habang nasa covered court at abala sa paggawa ng mga props na gagamitin ng assigned booth para sa darating na foundation days ng university ay dinaanan ako ni Jok.

"May balak ka raw ba na i-accept 'yong friend request ng kaklase kong si Loyzaga sa'yo? No'ng first sem para 'yon at baka inaamag na."

"Hindi pa ako ready na magka-boyfriend." Ipinasa ko  sa kasamahan sa org ang malaking bungo na tuyo na ang pintura.

"Okay na 'to, Glai."

Imbes na umalis ay naupo pa si Jok sa gilid ko.

"Advance mo talaga mag-isip. Friend request lang, relationship agad nasa isip mo."

"Oo na! Ia-accept ko na ngayong gabi, okay na? Sige na at busy pa kami. Abala ka!" pagtataboy ko sa kanya.

Sumaludo pa siya bago tumalikod. Hindi pa man nakakapaglakad ng malayo ay muli niya akong nilingon.

"Baka makalimutan mo mamayang gabi, ah. Birthday ni Ivy! Regalo mo," pahabol niya at saka tumalikod na.

Napamura ako sa isipan. Nakalimutan ko pa yata ang birthday ng girlfriend niya. Sinulyapan ko si Glaiza na abala sa pagpapatuloy ng inventory sa mga props na gagamitin.

"Glai, may alam ka bang pinakamalapit na gift shop dito sa university?"

"Meron yata a few blocks away from Helen's cafè. Sa gilid ng printing shop."

"Ah sige. Thank you." Kinuha ko ang cellphone mula sa loob ng bag at nag-set talaga ng alarm para hindi na makalimutan pa mamayang hapon. Habang nagtitipa ay narinig ko ang biglaang pagsinghap ng katabing si Glaiza.

"Good afternoon po, Sir Mendez!" biglang pagbati niya.

Nanigas ako sa kinauupuan at hindi magawang mag-angat ng tingin mula sa hawak na cellphone. Bago pa man makapag-isip ng matinong gagawin upang makaiwas ay nauna nang umaksiyon ang katawan ko. Inangat ko ang hawak na cellphone at idinampi sa bandang tenga.

"Yes, hello? Oo, papunta na ako riyan!" Dali-dali akong tumayo at halos nanakbo na papalayo sa mesa. Hindi na ako muling bumalik pa ng covered court at tumambay na lamang sa loob ng cafeteria buong maghapon. Dito na ako sinundo ni Hope.

"O, heto na ang bag mo," aniya sabay abot sa akin nito. Nag-text ako sa kanya at nakisuyo na kunin ang bag na naiwan ko sa covered court dahil takot na akong bumalik pa.

Kinuha ko ang bag mula sa kanya at tumayo na.

"Thanks."

"Alam mo kung umasta ka, para kang kriminal. At saka ang obvious mo siguro kanina. Naikuwento sa akin ni Glaiza na para ka raw kambing na hinahabol ng kabayo."

"Nandoon pa ba si..."

Inirapan niya ako.

"Siyempre wala na! Dumaan lang daw. Halata ka naman masyado, babe."

Pagod akong bumuntonghininga at nagsimula nang maglakad palabas ng cafèteria. Sumunod naman si Hope sa likuran ko. Nasa labas na kami nang muli ko siyang nilingon. Nagtaas ako ng kilay.

"Saan ka kanina? Hindi ka tumulong sa props, huh!"

Tuso siyang ngumisi at umusog palapit sa mismong gilid ko.

"Tumambay lang ako sa library."

"Nag-aral ka?" mangha kong tanong.

"Bakit ako mag-aaral do'n?" Kapansin-pansin ang kalituhan sa hitsura niya. "Anyways, nag-usap lang kami ni Jerome. 'Yong taga-college of Tourism."

Ngayon ay ako naman ang umirap sa kanya.

"Ginawa mo na namang dating site ang library. At akala ko ba kayo no'ng Vince na taga Nursing?"

"Ayoko do'n. At saka sinagot ko na si Jerome kanina lang."

Naglakad na kami patungong parking lot kung saan naghihintay si Kuya Benj.

"Ang sabi mo noong graduation day natin ng highschool na hindi ka muna magbo-boyfriend sa college para focused sa studies. Anong nangyari?"

"Kahit naman wala akong boyfriend ligwak pa rin grades ko. So I realized na siguro dapat may inspiration na ako. Tingin ko tataas na grades ko ngayong second sem."

"Ewan ko sa you, Hope."

Isinabay ko na rin si Hope sa pag-uwi. Sinamahan niya rin ako sa pagbili ng regalo para sa girlfriend ni Jok. Nang tanungin ko siya kung may regalo ng nabili ay kalmado lang siyang umiling. Ang sabi niya, blessing lang daw sa relationship ni Jok at Ivy ang ireregalo niya. Humahanap lang talaga ng palusot, eh.

Dumalo kami sa party na ginanap sa bahay mismo ni Ivy. Nag-enjoy ako at nakisali na rin sa games na pakulo naman ni Jok. Sinulit ng lahat ang party lalo na at walang pasok kinabukasan.

Sa araw na Lunes ay nag-meeting kaming mga chairman ng iba't-ibang organization at college departments. Pinag-usapan ang tungkol sa finalization ng committees para sa mga booth na gagawin kinabukasan dahil sa iilang pagbabago.

"For the Biz org which is horror booth, Ma'am Ramones and Ma'am Ochavez are your current coordinators, right?" baling sa akin ng chairman ng Business department.

Tinanguan ko siya at kinuha niya ito bilang hudyat upang magpatuloy.

"Unfortunately, Ma'am Ochavez backed out during the last minute. May urgent conference daw siya. But since Ma'am Ramones already requested the help of Sir Mendez, your booth coordinators are still intact. So... "

Wala na akong narinig sa mga sumunod pa niyang sinabi. Nagpirmi lang ito sa huling pangalan na sinabi niya. Sa lahat ba naman ng pagko-coordinate-an ko, bakit kasali pa si Sir?! Pumikit ako nang mariin at iwinaksi ang negatibong nararamdaman. Hindi ko dapat hayaan ito na maging rason para mawalan ng gana sa booth namin. Handa na kaya ang lahat ng magagandang props na pinaghirapang gawin ng Business Department! Lalong-lalo na ang effort na ibinigay ng organization ko.

Lahat ay naging abala sa paghahanda ng kanya-kanyang booth kinabukasan. Todo effort din ang Biz org mapaganda lang ang horror booth. Halos isang buong araw ang inilagi ko sa classroom na naka-assign upang gawing booth kasama ng iba pang miyembro.

"Dito na lang natin ilagay ang coffin," utos ko sa mga lalaking kasamahan.

Sumang-ayon naman sila kaagad.

"JC, maglalagay din ako ng bungo rito sa may bintana, ah?" si Hope naman na bitbit sa dalawang kamay ang tinutukoy.

Pinakitaan ko lang siya ng approve sign bilang pagsang-ayon.

Muli kong iginala ang tingin sa loob ng booth. Medyo may kalakihaan ang classroom na napili namin para sa booth. Mas maganda ito dahil nagkaroon kami ng pagkakataon para bigyan ng pasikot-sikot ang horror booth.

Marami-rami na rin kaming props na nailagay. May pekeng cobwebs, may mga nakalambitin sa kisame na animo ay mga manananggal. Naglagay rin kami ng fake human skeletons.

Alam ko na magiging nakakatakot ang lugar lalo na kapag idagdag ang mga naka-assign na miyembro para umakto bilang mga multo, kapre, aswang, at iba pang mga nakakatakot na nilalang.

"Dapat sa actual day ng pagbubukas nitong booth lakasan natin ang aircon para malamig at nakakapangilabot talaga," suhestiyon ni Glaiza.

Tumango ang lahat.

"Magdala rin tayo ng yelo rito sa loob. Dapat may hawak ang mga multo natin nito para idampi sa balat ng mga papasok," dagdag ko naman.

Dahil sa sinabi ko ay mas lalong na-excite ang lahat. Nagpatuloy kami sa pagpulido ng finishing touches.

"Ugh, I'm so hungry," reklamo ng kasamahan naming si Christine.

Napasulyap ako sa suot na relo. Nagulat ako nang makitang mag-a-alas siyete na pala ng gabi. Sa pagiging abala ay hindi ko na napansin ang oras.

"Sige, mauna na kayong umuwi para kumain. Sa finishing touches na naman tayo kaya ako na ang bahala," sabi ko.

Mabilis na tumayo si Christine at binitiwan ang pumpkin props niya.

"Thanks talaga, JC!"

Sumunod naman ang iba pa sa kanya hanggang sa huli ay kami na lang ni Hope ang naiwan. Napuna ko ang paulit-ulit na pagsulyap niya sa kanyang cellphone.

"Gusto mo na rin umuwi?" sabi ko na hindi siya binabalingan dahil nasa pumpkins lang ang atensiyon.

"Nag-chat kasi si Jerome...."

Inayos ko ang ilaw na nakalagay sa loob ng pumpkin.

"Sige na mauna ka na. Nahiya ka pa."

"Hindi naman sa nahihiya ako. Wala kaya ako, no'n. Ayaw naman kitang iwanang mag-isa rito."

Tumayo ako dahil sumasakit na rin ang binti.

"Okay lang naman. Sanay na akong nagtatagal sa campus lalo na kapag may mga school events."

Magsasalita na sana siya ngunit hindi na naituloy dahil sa narinig naming katok mula sa pinto. Maya-maya pa ay bumukas din ito at pumasok si Sir Mendez.

Awtomatikong umayos ang tayo ko at sinipat ng tingin si Hope.

"Wag mo na lang pala akong iwan!" natatarantang bulong ko sa kanya.

Iginala ni Sir ang tingin sa buong silid. Nakapamulsa siya sa kanyang suot na khaki pants. Nakatupi na rin hanggang bandang siko ang sleeves ng suot niyang kulay navy blue na button down shirt.

"Patapos na kayo?" kaswal na tanong niya sa akin.

Naghuhuramentadu naman ang puso ko sa kaba. Pinangaralan ko ang sarili at umayos na.

"Yes, Sir."

"Sige, JC! Mauna na ako. See you tomorrow!" biglang pagpapaalam ni Hope na mabilisang tumayo. Nang nasa may pintuan ay binalingan niya si Sir.

"Bye po, Sir. Mag-usap po kayo ni Miss Villarejas tungkol sa... booth." Matapos niya itong sabihin ay lumabas na siya at iniwan na nga kami.

Sa unang ilang minuto ay binalot kami ng katahimikan. Upang maiwasan ang pagiging balisa ay inabala ko na lang ang sarili sa pag-aayos ng mga ginamit na paint brushes na iniwan lang ng mga kasamahan. Ipinatong ko ang mga ito sa manila paper at tumayo na upang dalhin sana ito sa labas. Nagmadali ako dahil parang gusto ko na ring umuwi.

"Need some help with that?"

Humina ang pagkakahawak ko sa magkabilang dulo ng manila paper dahilan upang magsilag-lagan ang mga nakapatong na paint brushes. Napahawak ako sa dibdib dahil sa matinding gulat. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin.

"H-Hindi na po." Yumuko ulit ako para pulutin ang mga nahulog sa sahig.

Tinulungan niya ako. "You've been avoiding me."

"Hindi po!" agaran kong sagot.

"That was not a question, Miss Villarejas."

Napalunok ako dahil mistulang nahuli na sa krimen. Nangapa ako sa susunod na sasabihin at dahil wala naman akong nakapa, inabala ko na lang ang sarili sa pagpulot ng mga paint brush.

Dahil sa pagtulong niya ay mabilis naming napulot ang lahat. Ilang segundo kaming nagtitigan lang. Ako na nag-iisip ng palusot. Siya na sa mga mata ay parang pilit naman akong pinapaamin.

Niyapos ko ang hawak na manila paper kung saan ibinalot ang mga paint brush. Mistulan itong ginawang proteksiyon laban sa kanya. Ibubuka ko na sana ang bibig upang magpaalam ngunit hindi na naituloy dahil sa biglang pagdilim ng paligid. Akala ko ay nahimatay na ako. Diyos ko. Sa lahat ba naman talaga ng pagkakataon, ngayon pa talaga namatay ang ilaw.

Continue Reading

You'll Also Like

317K 17.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 31.5K 43
(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few...
936K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...