Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.8K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

Having it

816 34 11
By keeperofsins

Dalawang oras, ganoon na katagal nagtitiis si Andrew sa pagpapabalikbalik mula sa naturang gusali at sa kanyang sasakyan. Sa ngayon ay napagod na siya sa kakahanap sa naturang unit ni Lucy kaya minabuti niya na muna ang mag-abang sa nakaparadang kotse sa takot na baka magkasalisi sila.


Hindi man siya mapakali dahil sa inis at galit ng mga sandaling iyon sa kung ano na ang mga pwedeng nangyayari, subalit wala naman siyang magawa dahil hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.


Hindi niya rin magawang mahagilap si Jordan ng mga oras na iyon para sana matanong kung anong ginagawa ng anak nito at kung nakasama ba sa mga ipinatrabaho niya dahil na rin sa hindi niya ito matawagan.


Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa pagkataranta at kaka-isip sa kung ano na nga bang nangyayari kay Lucy, kaya't ganoon na lamang ang lalong pamumuo ng kanyang galit.


Hanggang sa wakas ay makita niya na itong lumabas matapos ang ilang sandali. Doon na tila gumaan ang kanyang pakiramdam at nakahinga ng maluwag, dahil na rin sa bugso ng kanyang galit ay walang pasabi na lang niyang pinasibad ang sasakyan papunta rito.


Halata naman gulat ni Lucy nang makita ang biglaan pagparada ng itim at magarang sasakyan sa harapan nito. Napaatras na lamang ang babae habang napapataas ng isang kilay nang ibaba na ni Andrew ang salamin noon.


"What have you been doing all this time? Do you even know how long I've been waiting here for you!" bulalas niya na lang.


Hindi niya na napigilan ang sarili dahil sa inis at pagka-irita sa tagal nito roon, maliban pa sa katotohanan na hindi niya alam ang ginagawa nito sa naturang lugar.


Mabilis naging matalim ang mga titig ni Lucy kasabay ng paghalukipkip nito at busangot dahil sa kanyang sinabi, halatang uminit na rin ang ulo nito.


"At bakit, sino bang nagsabi sa iyo na maghintay ka? I don't remember telling you to wait for me," mataray nitong sabi sabay salubong ng kilay.


Natameme na lamang si Andrew nang mabatid ang kabulastugan na nagawa ng mga sandaling iyon.


Ganoon na lamang ang pagkataranta niya nang irapan na lang siya ni Lucy sabay talikod, agad itong naglakad paalis papunta sa kabilang kanto ng naturang gusali.


Dali-dali na lang niyang pinaandar ang sasakyang pasunod dito. "Lucy! Hey, Lucy!" pilit papansin niya na lang sa babae.


"What!" singhal nito pakalingon.


Salubong na salubong pa rin ang kilay nito at halatang galit na sa kanya dahil sa pagkakakusot ng mukha nito at pamumula ng mukha.


Tila parang nanliit na lamang si Andrew sa kinalalagyan dahil na rin sa katangahan na nagawa niya ng mga oras na iyon.


"Mabuti pa sumakay ka na, mahirap magcommute ngayon. Tingnan mo ang oras, baka ma-late ka pa sa pagsundo sa mga bata," paliwanag niya na lang.


Pero nanatili lamang na nakatayo si Lucy sa kinalalagyan, nanlilisik ang mga tingin habang nakapamaywang. Hindi tuloy siya magkandamayaw sa pagyuko upang umiwas ng tingin dito, dahil para bang sinusunog siya ng mga titig nito.


Ilang sandali pa at napatingin na lang si Lucy sa relo, isang buntong hininga ang pinakawalan ng babae bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa kabilang dako ng kanyang kotse.


Hindi niya napigilan ang mapangisi nang makasakay na ito dahil na rin sa kung anong tuwa na napapayag niya pa rin ito na sumabay na sa kanya.


Iyon nga lang, halatang mainit pa rin ang ulo nito dahil ni hindi man lang siya binalingan o kinausap habang nagsusuot ng seatbealt. Nang makapag-ayos na ang babae ay nanatili lang itong nakatingin sa harapan, nakadekwarto sa kinauupauan at nakahalukikip habang nakaupo.


Hindi niya na lang muna iyon pinansin at sinimulan na lang na paandarin ang kotse upang kahit papaano ay masolo niya na ito.


"So, bakit parang ang tagal mo yata sa loob?" pagsisimula niya matapos ang ilang minutong katahimikan sa kanilang biyahe.


Nasakto kasi noon na naabutan sila ng pulang ilaw ng traffic light kaya naman naisipan niya ng kausapin at usisain ito.


"Do we still have an obligation to each other for you to ask that?" Pagtataas ni Lucy ng isang kilay nang balingan siya.


Tuwid na tuwid pa rin ang mukha nito at halatang mainit pa rin ang dugo ng mga sandaling iyon.


"Syempre naman. I mean, your still the mother of my children," ngiting pasubali na lang niya.


Hanggang ng mga sandaling iyon kasi ay ayaw pa rin siya patahimikin ng kanyang isipan sa kung ano nga ba ang ginawa nito sa naturang lugar.


Napairap na lamang si Lucy sabay buga ng hininga. "But that doesn't mean you have the right to barge in to my personal life. So, mind your own business," tuwid nitong sambit bago ibalik ang tiningin sa harapan ng daan.


May kung anong parang kumanti na lamang sa kanyang sintido dahil sa hindi nito pagsagot. Mas lalo lang tuloy nangati ang kanyang isipan sa kung ano nga ba ang nangyari sa naturang lugar at tumagal ito ng ganoon roon.


"Lucy naman, para naman tayong walang pinagsamahan niyan," magiliw na biro na lang niya.


Pero nanatili pa rin ang nakasimangot at kunot nitong noo habang nakatingin sa harapan.


"What I do now is none of your problem," walang gana nitong sambit.


Sa pagkakataon iyon ay tila hindi na niya napigilan ang kung anong bugso ng kanyang damdamin. Walang patid na rin kasi ang pangangamot ng kanyang kuryosidad kaya naman hindi niya mapigilan ang inis, idagdag pa ang halos walang kaamor-amor na pakikitungo ni Lucy ngayon na siyang mas lalo lamang nakadagdag sa kanyang inis.


"Not my problem," halos ngiwi niya na lang na ulit sa sinabi nito.


Pero nanatili lang na tikom ang bibig ni Lucy, hindi ito sumagot at wala man lang naging reaksyon sa kanyang ginawa, kaya naman mas lalo lang siyang nairita sa mga nangyayari. Hindi na siya nakapagsalita muli dahil kinailangan niya ng paandarin ang sasakyan.


Sa ikalawang pagkakataon na huminto sila ng dahil sa trapiko ay hindi na niya natiis ang matinding katahimikan nito.


"How can it not become my problem, your the mother of my kids, of course I need to look out for you. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa mga bata if they see you doing shady stuff," sambulat na lang niya nang tuluyan ng hindi makatiis.


Ganoon na lamang ang pagak na pagtawa ni Lucy sa narinig. "Ngayon mo pa naisip ang sasabihin ng ibang tao sa mga anak ko, kung kailan sirang-sira na sila dahil sa mga kagagawan mo! Ano ba sa tingin mo ang naidulot ng pag-iwan mo, tapos bigla mo pagpapakasal sa kabit mo na kahihiwalay lang." bulyaw na balik nito na halos napapatawa pa.


May kung anong parang napigti sa kanyang pasensya dahil sa mga sinabi nito kaya naman hindi niya na napigilan ang sarili na sumagot dito.


"You married Jeff too you know, who by the way was also divorced!" balik niya sa babae.


Ganoon na lamang ang pagnganga ni Lucy sa hindi makapaniwalang reaksyon habang humaharap sa kanya.


"Wow naman Andrew, hiyang-hiya naman ako sa iyo niyan. Bakit, sino ba sa ating dalawa ang nagloko, nakabuntis at sumama sa iba habang kasal pa, sino ba sa atin ang nagpabaya sa mga anak niya ng ilang taon dahil sa galit ng hindi man lang iniisip ang kapakanan ng mga bata. Bilib rin naman ako sa kapal ng apog mo para sabihin mo sa akin ang lahat ng iyan," singhal nito.


"You were the one who asked for an annulment!" agad niyang bara dito nang maalala nanaman ang ukol sa bagay na iyon.


"What did you expect? Bigyan kita ng award at magtatatalon ako sa tuwa dahil sa nakabuntis ka ng ibang babae." agad na sagot ni Lucy. "You still haven't change, have you Andrew. You're still a self righteous, prideful, egotistical, selfish, immature man. Ilang taon na ba tayo sa tingin mo, ang tanda na natin pero halos wala ka pa rin pagbabago." sermon nito.


Tila natahimik na lamang siya, naalala niyang nagkaroon na sila dati ng iringan ukol sa ganoon bagay sa bandang huli ay hindi naging maganda ang katapusan ng naturang usapan. Minabuti na lang niyang huwag ng sumagot sa pagkakataon na iyon at ituon na lang ang pansin sa pagmamaneho.


"You're not concerned with the kids well being or how people see them, all you're really concerned about is iyong iisipin ng tao sa iyo at iyang pagkalaki-laki mong ego. If you were, hindi mo sana sila pinabayaan ng ganoon katagal. Do you even know how much adjustment and psychological trauma they went through all because of you. I doubt you're even aware of what my children sacrificed all these years," dagdag ni Lucy habang ipinaparada na ni Andrew ang sasakyan.


May kung anong bagay nanaman ang nag-udyok sa kanya na ipagtanggol muli ang sarili, hindi niya matanggap na siya nanaman ang lumalabas na mayroon mali sa pagkakataon na iyon.


"Oo na, I made a mistake. Pero sana naman bigyan mo ako ng chance to fix this, para naman makabawi ako sa mga anak natin," pilit kalmang saad na niya.


Naparolyo na lamang ng mata si Lucy sa pagkakataon na iyon. "Is that the same line that you used on Vanessa? Na you made a mistake kaya hindi mo alam na nagkaroon kayo ng panganay and that you want to fix things between you and your daughter para makabawi ka?" ngising saad nito nang ituon na muli ang tingin sa kanya.


Tila bigla na lamang siyang nakadama ng kung anong bigat at galit dahil sa binanggit nito, kaya minarapat niya ng huwag sumagot.


"Tell me Andrew, did wooing her to be your mistress also part of your plan para makabawi sa anak mo?" mapanuya nitong sambit.


Naroon ang buong lapad ng ngisi ni Lucy habang pinapanatili ang mga makahulugan at mapanghusgang tingin sa kanya.


"I didn't woo her Lucy," pilit tuwid na lang niyang sagot.


Subalit hindi na niya magawa pang makatingin ng tuwid dahil sa kung anong pakiramdam na unti-unti ng bumabalot sa kanya.


Nakasisiguro si Andrew na iniinis lang siya nito ng mga sandaling iyon upang maging dahilan iyon ng kanilang pag-aaway, batid niyang pilit nitong ginagawa ang naturang bagay na iyon upang magkaroon muli ng rason para patigilin siya sa ginagawa.


"Then how did she get pregnant? Ano iyon, she asked for sex para payagan ka niya na makita iyong bata?" pagak na tawa na lang nito.


May kung anong nagpigti sa kanyang sintido dahil sa matinding galit na bumugso sa kanya dulo't ng sinabi ni Lucy sa yumao niyang kabiyak, sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya napigilan ang sarili.


"Enough!" buong lakas na sigaw na lang niya.


Iyon ang naging hudyat para mapatawa nanaman si Lucy ng mapait. "Don't try to persuade me with your twisted ideology and bent beliefs. Hindi ako tanga Andrew and I'm not that stupid to not know what you're trying to do here. If you are really serious in wanting to make it up to your kids, specifically iyong mga panganay natin, you will stop with these shenanigans and start making amends with them and not me. Because frankly, habang mas lalo mo itong pinapatagal, mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon mo." seryoso at mahinahon na nitong sagot.


Muli na lang siyang natameme dahil nang mabatid na talo nanaman siya sa pagkakataon iyon dahil sa pagkakaubos ng kanyang pasensya.


Wala na siyang nagawa nang tuluyan ng bumaba si Lucy, naroon pa rin kasi ang init ng kanyang ulo ng mga oras na iyon kaya alam niyang hindi maganda ang maidudulot noon para sa kanya.


"One more thing Andrew and take this as a word of advice," saad ni Lucy nang makababa sa kotse at muling humarap sa kanya. "don't try to bribe them with money and mga pamana mo, It's just going to cause you more trouble," tuwid nitong saad bago tuluyan isarado ang pinto ng sasakyan.


Napakuyom na lamang siya ng mahigpit sa manibela ng kotse dahil sa matinding inis at galit sa sarili. Agad na lang siyang napapunas ng mukha upang pahupain ang nadarama ng mga sandaling iyon. Hindi niya lubos akalain na mauuwi sa ganoon ang lahat-lahat ng kanyang pinaghirapan dahil lamang sa pang-uusisa niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...