Mystify Academy: Tale of the...

By YourPinkRose

54.6K 4.9K 1.4K

mys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ utterly bewilder or perplex (someone). 17 year old Selene Hope Ellanor spent her whole... More

Prologue
1: Mystify Academy
2: Escape
3: Hunting
4:Troll
Five
Six
Seven
TEAM BLACK KNIGHT
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Authotr's Note: ANNOUNCEMENT
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Author's Note
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
AUTHOR'S NOTE:
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
AUTHORS NOTE- PLOT REVISION
54: Honesty
55: Accident
56: Operational Save

Thirty

741 64 46
By YourPinkRose



Humanities Project


I tried to chase him but he's already gone. Naibagsak ko ang balikat ko sa disappointment ko.


I was about to ask him regarding the girl that I am looking for ever since. It's not that I'm way over heels to see her but at least I want to know her. After all, she's a High Rank too and maybe she could help us in so many ways like how she helped us before.


"Why are you looking for him?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng makita ko sa tabi ko si Dex. Nilingo-lingo pa nito ang paningin sa paligid bago tumingin sakin.


"Ahh..Wala. May nakalimutan lang akong itanong." Balik na tingin ko sa kanya at tsaka na ako bumalik sa pwesto namin kanina.


I tried to focus on sorting things. "Selene. her ability is elemental and you're putting her on the Breed files" Turo ni Kim sakin at sa maling pag so-sort out ko. Napasapo ako sa noo ko dahil sa mga pinag gagagawa ko. My mind is really spacing out.


"Hi team." Napatingin kami sa kadadating lang na si Shara at sa tabi nito ay may kasama siyang lalaking nakabonet He looks familiar.


"Oh, tapos na class mo?" Tanong sa kanya ni Dexter na hindi pinansin kung may kasamang iba si Shara lalo na at only High Rank Team members lang ang allow around this area.


"Who is he?" Nakakunot noong tanong ni Blade kay Shara habang nakaturo sa lalaking kasama nito. He's cousin to Shara so it's normal for him to acted like a Kuya to her.


"Ahh...Guys si Milo, classmate ko sa Humanities." Pakilala ni Shara sa kanya. "Milo nga pala." Alok naman nito ng kamay kay Blade pero tinignan lang siya nito kaya si Zed ang kumuha ng kamay nito at nakipag kamayan pa.


"Bearbrand nga pala." Sabi nito na ikinailing namin pero hindi ko mapigilan na matawa.


"Talaga? Name mo Bearbrand?" Medyo mabilis palang maniwala 'tong isang 'to. I think magkakasundo sila ni Zed.


Pilyong ngumiti naman si Zed at tumango dito. Namangha pa ang lalaki dahil akala niya ay tunay na pangalan ni Zed 'yun at wala man lang ni isa sa amin ang kumontra sa sinabi niya. Trip ni Zed yan, hindi na namin pakikielaman.


"Not to be rude huh, pero anong ginagawa niya rito?" Tanong ni Kim kay Shara. Dumaan siya sa gilid ko bago pumunta sa gitnang bahagi ng lamesa na sinundan naman nung Milo.


"We both have a project together on our humanities subject." Sagot nito at tsaka naman niya inaya na umupo ito sa tabi niya. Nilapag naman ng lalaking kasama niya lahat ng librong dala nito at nagsimula na silang mag-usap regarding sa project nila.


We continue where we left earlier pero pansin ko ang masamang tingin ni Blade sa kasama ni Shara habang nagtatawanan at nag-uusap ang dalawa kaya napatap ng ballpen sa harap niya si Kim dahilan para mapatingin 'to sa kanya at sawayin siya. Napapailing nalang ako habang nakangiti dahil sa napaka strict na inaakto nito.


I was on the edge of finishing this task ng maalala ko kung saan ko nakita yung lalaking kasama ni Shara. I immediately look at her sabay turo sa kanya at sa kasama niya. "Wait, hindi ba siya yung sinasabi mong lalaki dati sa rooftop dun sa Observatory, yung cru..."


"Hehe ang cute mo talaga Selene." Nagulat ako ng mabilis na salpakan ako ni Shara ng pagkain sa bibig ko sabay ngiwing ngiti nito samin. She even widens her eyes on me and mouthed that I should be quiet.


"Binubuking mo siya." bulong sakin ni Kim kaya dun ko lang nagets ang ibig sabihin nito kaya mabilis kong natakpan ang bibig ko dahil sa katangahang taglay ko. Napaka naive mo talaga Selene kaya wala kang lovelife eh.


"Tapos na 'ko!" Zed declare after he compiled the remaining papers beside him. Nag unat na rin ako ng kamay ko ng matapos ako sa ginagawa namin. I looked at my watch to see the remaining time I have before my next class. "Shoot, mag rereview pa pala ako."


Mabilis akong tumayo sa upuan ko at kinuha ang bag ko. "May next class pa ako, kita nalang tayo sa dorm." Paalam ko sa kanila kaya tumango naman sila sakin. Dumaan pa ako sa gilid kung saan nagpaalam sakin si Shara at ang kasama nito. He looked nice anyway. 


I tapped Blade's shoulder as I passed him dahil mukhang kanina pa siya naiirita sa kasama ni Shara.


Mabilis akong nakarating sa last class ko since malapit lang sya sa Academy's Library. Unfortunately, this is one of the class that I felt awkward the most.


Wala pa ang prof namin so I'm still safe. I got straight to my seat where Rance sat beside mine, as usual, he is reading another book.


"Hi." I manage to greet him pero tinapunan lang nya ako ng tingin bago siya nagbalik sa harap ng libro niya. It's my class in Humanities like what Shara had and to my dismay, I was with Keiran and Rance. Speaking of Keiran, he's still not here.


Since wala pa si Keiran, I put my bag on his seat. Iniilabas ko naman ang notes ko. I'm taking an exam later at my Math subject due for being absent for days since I was quarantined in my dorm for observation. Feeling may virus lang ako.


I tried to practice and memorize some formulas and solved example problems right now para sa exam ko later. Even though I don't have class later, I still have to take exam. Akala ko makakaligtas na ako sa Math pero pati sa mundong 'to eh puro math parin.


"You got the wrong value of X." Nagulat ako ng magsalita sa tabi ko si Rance sabay turo nito sa notes na trinatry kong sagutan.


"Bakit? Tama naman ah, dapat 5 yan kasi nandito yung linear niya." Tsaka niya kinuha mismo ang notebook na sinasagutan ko at nagsimula na siyang mag solve ng walang kahirap-hirap. "See? you will get this as a product if you use 5 as an X."


Iniharap nito sakin ang notebook ko at ng tignan ko to ay tama nga. "Wow, ang galing mo naman po pala sa math." Namamanghang puri ko sa kanya habang triny ko ulit ang same problem na ginawa niya.


"It's simple, you just need to find the value of your X."


"Bakit ba kailangan hanapin value nun? X is X and it doesn't need a value." Sagot ko sa kanya habang busy ako sa kakasagot sa math na 'to.


Magagamit ko ba sa magic world to? Ano to isosolve ko yung linear ng fire ko bago ko ibuga yun?


"Everything has a value even though it seems useless for some." Banat na sagot naman nito sakin. Napatingin naman ako sa kanya. "Sakit lang sa ulo yang mga X na yan, tignan mo..." Pinakita ko pa ng notes ko sa kanya. "...ang gulo diba?" I move upward my mouth as I said it.


Nagtaas lang siya ng balikat niya sakin kaya nagsagot nalang ulit ako ng another set of questions. "You made it wrong again." Singit niya.


"Bakit tama naman ah? Andito yung linear niya, I have the value of Y so X ang kukunin ko."


"No. This is its value." At nagsimula nanaman siya magturo sa akin kaya mas lalo akong natutuwa dahil mas nagegets ko kapag siya ang gumagawa.


"Ikaw nalang kaya magsagot ng exam ko mamaya. Gamitan mo ko ng Telekinesis." biro ko sa kanya pero mukhang di man lang siya natawa. Ang KJ talaga.


"Are you sure that you will pass?" Grabe naman makapagsalita, parang wala siyang bilib na makapasa ako sa math. I mean, baka nga wala pero at least I am trying right now!


"Here, I'll teach you some basic formul then answer my example. Wait, how many minutes left do we have?" Tanong nito sakin kaya tumingin ako sa wrist watch ko. "15 Minutes pa." Tumango naman siya at mabilis siya gumawa ng isang problem na tinuro naman niya kung paano sasagutin.


Halos mamangha ako sa galing niya magturo dahil nagegets ko lahat 'to. Gumawa naman siya ng tanong at halos pumalakpak ako sa tuwa ng nasagutan ko kaagad. "See? If you know the value of your X, you will get the right answer." Sagot nito sakin sabay taas ng kilay nito.


"Oo nga, pero bakit parang hugot yang sagot mo huh. Ikaw humuhugot na ah." Asar ko sa kanya sabay tusok sa braso niya ng end point ng ballpen ko. Halata naman ang pagkairita niya dahil inaalis niya to pero nakakatuwa asarin si Rance kaya natatawa nalang ako rito.

"Stop it." Alis niya rito pero kinukulit ko lang siya lalo hanggang sa makita ko na medyo ngumiti siya.


"Uyy ngumingiti na siya." Turo ko pa sa kanya at biglang namang nawala 'to. May pagka Tsundere din pala 'tong si Rance eh.


"Move your bag." Natigil ako ng may maglapag ng bag ko sa lamesa ko at nakita kong nandito narin pala si Keiran.


"Oh Kei..." Bati ko sa kanya pero hindi man lang ako pinansin ng isang 'to dahil naupo na siya at sinalpak nito ang headset sa tenga niya kaya hindi ko nalang din siya kinulit at baka may dalaw.


Minutes later ay dumating nadin ang Prof namin at nagsimula nang mag start ang class.

"Today will be the start of your Middle Semester for the year and weeks later an event will happen. I guess you already knew that, right?" She asked kaya sumagot naman kami sa kanya. "And weeks after the School festival, you have to prepare for your finals which is the tournament." Tournament? What does she mean? Bakit hindi namin alam?


"What is this tournament?" Keiran speak up kaya napunta sa kanya ang atensyon namin. Everyone was asking the same question.

"Since I already speak this too early and eventually, you will know this, your final grade will be based on the final exam and that is the tournament." She spoke. "Annually, we all have a tournament. It can be one on one, by group of people or can be a team vs team, this annual tournament is the last exam that every student has to pass."


"What if we fail?" Tanong ng isang classmate ko.


"Then just wait for the consequence."


"Anong consequence?"


"How should I know? I'm not part of the Head Committee." She casually answers. Lahat kami ay napatanong sa sagot ni Ma'am at napaisip sa sinabi nito. So, in the end of this year, we have to compete? Peculiar to peculiar.


"Anyway, like I said, you will be going to be busy for the rest of the weeks since you'll start preparing for the School Festival and weeks after, you have to prepare yourself for the Tournament. I will advance now your Final Project to my class." Lumapit siya sa board at doon ay may sinulat. We saw what she wrote.


"Research Paper?" I uttered.


"You will do a research about a particular peculiarity that you choose but one topic each team only. You have to state in your research ethnicity, origin and everything that's under your topic and since this my final project to all of you, I won't give this as an individual project instead, it's a group one. You may have 3-4 members per group and I think that is enough to provide all the help for the necessary information that each topic needed." Mahabang paliwanag ng Prof namin. "You can now choose your groupmates; I'll give you 10 minutes to choose your desired topic."


Nagsimula nang magbigay ng oras si Maam sa amin. 3-4 members?


"Ahm, pwede ba tayo magka members, kulang kasi kami ng isa eh?" Lumingon mula sa harap namin ang isang classmate namin na babae at halos mapanganga ako sa ganda niya.

Tinanong nito si Keiran na nasa tabi ko. I was about to ask him but it seems that he has already a team kaya lumingon ako kay Rance na nasa kanan ko dahil for sure papayag siya.

"I know you're going to ask me." Sagot nito kaya medyo napaurong ang dila ko roon. Lumingon naman siya sakin. "I have no choice." At alam ko na ang sagot niyang yun kaya napahawak pa ako sa braso niya sa tuwa.


"Yiehh Thanks."


"I will be on your team." Napalingon naman ako sa kaliwa ko ng magsalita si Kei at nakatingin sa amin. "Pero may team ka na diba?" Turo ko pa sa babaeng nasa harap ko.


"I didn't say yes." Sagot nito sakin kaya napatagilid ang ulo kong tumingin sa kanya.


"Ahm, if okay lang sa inyo nalang din ako makiki team since need ng 3 to 4 members naman and mukang kumpleto nadin sila eh." Turo niya sa grupo ng mga tao na nasa gilid niya.


"Nope, three is better." Tipid na sagot naman ni Kei sa kanya.


"We're good." dagdag na sagot naman ni Rance sa kanya at halos manlumo siya ng marinig ang sagot ng dalawa.


"Ahh... Ganun ba? It's okay, hahanapan nalang ako ng other team." She sounds disappointed and now she lost her team because she asked Kei and waited for his answer. Ako ang na gu-guilty.


"Ahmm.. You can join us since 4 naman need eh." I sounded empathetic but I think mas better naman 'to kaysa sa sinabi ng dalawa.


"Is it really okay?" Malumanay niyang tanong sakin. I think I'm gonna have a girl crush since now. Ang cute niya kasing tignan.


"Oo naman? Just don't mind this two." Turo ko pa sa dalawang nagsusungit nanaman.


"Who told you to decide things?" Tanong ni Keiran sakin pero binelatan ko lang siya at nag thumbs up naman ako sa babaeng nasa harap ko. Inayos naman niya ang upuan niya at iniharap sa amin.


"Okay complete team na tayo, now we have to decide our representative. Wait, ano nga palang name mo?" Tanong ko sa babaeng maganda na nasa harap ko.


"Letisha, and you are Selene, right?" Tumango naman ako sa kanya. I think I'm really getting popular these days. "And ikaw naman si Rance." Turo naman nito kay Rance pero hindi siya pinansin nito.


"Hayaan mo na, masasanay ka din. Anyway, Sino ang magiging team representative natin?" I initiated our conversation this time cause for sure, this two won't talk.


"Since you ask, why don't you become our leader." Rance suggested kaya naiwagayway ko kaagad sa harap niya ang kamay ko. "No, pass na ako diyan..."


"Yes, ikaw nalang. Since I can be comfortable if you're the team leader." She requested while smiling at me. She's too cute to resist and I think I have no choice since pag isa sa dalawang 'to maging leader they can ignore Letisha and if Letisha become the Leader, these two won't cooperate. In the end, I am taking the lead again.


"I guess I have no choice."


"Yehey!" She even holds my hand.


"So, the topic?" Putol ni Rance sa kasiyahan ni Letisha.


"Ahm, since humanities talks about the diversity of everyone's origin. There is really something that I am eager to learn." Tumango-tango naman ako kay Letisha to continue her suggestions. "I really want to know more about vampires." Sagot niya kaya napatingin naman ako kay Kei na nasa tabi ko na kumunot ang noo sa suggestions ni Letisha.


"I don't like the topic." Mariing sagot sa kanya ni Kei.


"But I think it's a good topic since It's kinda intriguing right?" Tanong pa nito. Maybe she doesn't know that Kei is a vampire but he looks one. Or maybe she knew and gusto lang talaga niya yung topic.


"I said I don't like it." Madiin na sabi sa kanya ni Kei at halata ang inis nito sa babaeng kaharap kaya kita ko ang pagbaba ng tingin ni Letisha dahil dito.


"Kei, you don't have to do it." Saway ko rito. "Kung ayaw mo then wag..."


"I like the topic, let's go with that." Rance retorted kaya nakuha niya ang atensyon namin.


"See? He even agrees, It's a great topic." Mabilis na nagbago ang expression ni Letisha dahil sa sinabi ni Rance.


"I didn't say that agree to you stop being overjoyed for nothing." Pinutol na kaagad ni Rance ang kasiyahan ni Letisha.


"No, I don't like it." Sagot ulit ni Keiran rito at pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko dahil sa dalawang 'to.


"Pero gusto niya." Turo ni Letisha kay Rance. "Then 2 votes na agad sa vampire's origin and 1 vote for not. So ikaw Selene? Anong boto?" pressure na tanong sakin ni Letisha at pakiramdam ko ay mas mahirap pa tong sagutin kaysa sa math exam ko mamaya.


I'm about to open my mouth but I close it again as I looked at Kei. If I said no, then the vote will tie again and for sure another topic will be our next problem and If I say yes, then baka si Kei ang magalit sakin. Ano bang gagawin ko?! Si Minki magaling magsolve ng mga gantong problem eh.


"Gusto ko sana kaso..."


"Go ahead." Napalingon ako kay Kei. "I know you wanted it too, so it's fine to me." I tilted my head. May menopause ba tong lalaking to ngayon at biglang nagbago ng mood?


"Anyway, she seems need to know everything during this research." Banggit nito sabay tingin pa kay Letisha na mukhang clueless sa sinabi ni Keiran.


"Time's up." Our Prof, lahat kami ay napunta sa kanya ang atesnyon. "I'll give you 1 weeks to finish this project and next meeting, you have to submit all of your research project." She announces. Marami pa siyang sinabi tungkol sa project namin at ng matapos iyon ay tinapos na rin niya ang klase niya sa amin.


"So mayron lang tayong 1 week to finish this project? Why don't we start right away? Maybe later?" Suggest ni Letisha sabay clap pa nito ng kamay.


"I'm busy." Sagot naman ni Rance sa kanya at tsaka na nito inilagay ang binabasa niyang libro sa bag niya.


"That's okay, sa inyo nalang tayo gumawa ng research since ako lang naman ang saling kitkit sa inyo so ako na mag aadjust. Sa dorm niyo nalang tayo magresearch."


"We don't allow anyone in our place." Gatong pa ni Kei.


"Edi samin nalang, tutal free naman ang dorm namin and for sure okay na okay lang yun sa mga teammates ko."


"WIll you stop suggesting like you're the leader?" Muling sumagot naman si Rance sa kanya at base sa tono nito ay naiirita na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila kaya sumingit na ako sa kanila.

"Okay, to end this discussion. Kina Letisha nalang tayo gagawa since siya lang naman ang hindi natin kasama sa dorm and mapanganib kapag siya ang uuwi mag isa incase gabihin tayo sa research. Agree ba or agree?" itinaas ko pa ang dalawang kamay ko at nag thumbs up sa kanilang tatlo.


"Tss. Whatever." Rance.


At hindi naman sumagot si Kei and silence means yes kaya umagree na kaming apat na kina Letisha nalang mag research,


Tumunog na ang School bell at nauna nang lumabas ng room samin si Rance since may last class pa siya for today. "Rance, pag nakapasa ako ililibre kitang pagkain!" Sigaw ko sa kanya kaya lumingon siya at nagtaas siya ng kilay.


"Good luck." Tipid niyang sagot sakin sabay saludo pa nito bago siya nawala sa paningin ko. Lumingon naman ako sa taong nasa kaliwa ko. "Wala ka nang class?" Umiling siya sakin bilang sagot.


"Ikaw Selene wala ka nang class? Okay lang sabay na tayo then hintayin na natin si Rance sa dorm niyo para sabay-sabay na tayo papunta sa dorm ko? I am willing to wait naman."


"May exam pa ako eh." Sagot ko.


"It's okay I can wait naman then si Rance nalang hintayin natin after nun." She recommends and I guess, It's not a bad idea. Umagree kaagad ako sa kanya.


"Sa dorm nalang tayo kita." Paalam ko at nauna nang lumabas ng room si Letisha at doon ako inantay habang nag aayos ako ng gamit ko.


"See you." Paalam ko sa kanya. Somehow nagiging komportable na ako sa kanila at nasasanay na ako sa mga ugaling pinapakita nila.


"Wait." Napaangat ang tingin ko kay Kei at walang sabi-sabi ay kinuha nito ang kamay ko at doon ay may inilagay. Tinignan ko naman 'to at nakita ko ang isang maliit na rose keychain kaya napataas ang kilay ko sa kanya.


"Para saan to?"


"Someone gave it to me; she says it's a lucky charm but I don't want it. You can have it since you have an exam later." Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanya at sa bagay na binigay niya.


"Binigay sayo tapos ibibigay mo sakin? Mukha ba akong tapunan ng mga unrequited love nila sayo?" Nakangiwi kong tanong sa kanya pero bigla nalang ako nilayasan ng walang pasabi hanggang sa makalabas na siya ng classroom.


I'm simply not happy from what I received. I mean, it's a good thing he gave me a lucky charm but to think that this is came from someone who gave it to him then ipapasa niya lang sakin? Isn't that kinda weird?


Wala na kong nagawa kaya sinabit ko nalang 'to sa bag ko as my keychain. I immediately went to my math class to take my prelim exam. I finished answering all the problems after 1 hour given at ang masasabi ko lang. Math really hates me.


"Kailan result ng exam mo?" Tanong ni Letisha sakin ng naglalakad na kami papuntang dorm since I need to change before going to her dorm at para masundo namin yung dalawa.


"Tomorrow din and hoping na makapasa."


"Kaya yan, I know you did." She forms her hand as a fist and do the motion of fighting.


Mabilis kaming nakarating sa dorm namin at inanyayahan ko naman si Letisha sa loob kahit nahihiya siya. "I can't believe na makakapasok na ako sa dorm ng isang High Rank Team."


"Welcome to our dorm." I introduce.


"Wow! Is this even a dorm? Ang ganda!" She said in amazement.


"For sure nandito na si Kei. Hintayin mo nalang ako sa sala incase huh. Magpapalit lang ako sa kwarto ko." Sabi ko rito at tumango naman siya. She walks in an elegant way and too fragile. Para siyang princess sa itsura at kilos niya.


"You're here already. Have you already eaten?" Bati at tanong ni Minki ng makita ko siya sa sala na kalalabas lang sa Garden habang may dala siyang tasa sa kamay niya.


"Mamaya nalang ako kakain. Wala ka nang class?" Tanong ko sa kanya at tsaka ko nilagay sa shoe rack ang sapatos ko. He nodded as an answer.


"Only two class. Anyway, who's she?" Turo niya kay Letisha.


"Ah, Hi. Letisha from White Pawn. Classmate nila Selene sa Humanities." Yumuko pa 'to ng magpakilala kay Minki. Tumango lang si Minki dito. "Tea?" Alok pa niya rito.


"Ah no, medyo di ako sanay sa tea." Mahinhing sagot naman ni Letisha.


"Too bad, anyway welcome." Paalam nito at tsaka na siya dumiretso sa kusina para kumuha ng another round of tea niya.


"Isn't he Minki? Minki Yoon?" Bulong na tanong nito ng makaalis na si Minki. How did she know him? "You guys are pretty popular you know." She seems to read my expression when she answered the questions in my head.


"That is because we're from the High Rank Team, anyway may kailangan ba akong dalhin later?"


"Ahh wala naman may laptops and net naman sa dorm so everything is settled." She answered.


"Okay. Hintayin mo nalang ako rito since wala pa rin naman si Rance and feel at home." Alok ko sa kanya at siya namang umupo sa sofa. I looked the shoe rack at kita ko rito ang sapatos ni Kei. "And I'll check Kei on his room too."


Nagpaalam na ako sa kanya bago umakyat ng kwarto ko. I choose to wear a simple black shirt and a pants to make myself comfortable. I am done wearing my casual wear ng makaramdam ako ng sakit ng batok ko at pagkahilo kaya bigla akong napaupo sa kama ko.


I feel dizzy and my head keep spinning but I manage to keep my conscious. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ako sa sakit. I stayed like that for about a minute hanggang sa maramdaman ko na medyo nagiging okay na 'ko.


"What is happening to me?" I shrugged my head ng maging okay na ako. Baka siguro sa pagod ko lang to or baka dahil I have my peculiarities now.


Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at lumapit sa kwarto ni Kei. I hesitated for a second before I heaved a deep sigh and have the courage to knock on his door three times. "Kei? Ayos ka na ba? Nasa baba si Letisha and for sure padating na rin si Rance."


I waited pero wala man lang sumasagot sa kabilang pinto. I knocked again and called him pero same situation happen. I tried to open the latch of the door and to my surprise, it wasn't unlocked.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito at baka mamaya ay may masama nang nangyari kay Kei kaya hindi siya sumasagot. It appears to me the whole view of his room when I open it. Compare to mine, napaka simple pero malinis ang room niya.


"Kei? Andito ka ba?" Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. All of us have the same size of rooms, not too big nor too small, just enough for us to fit ourselves, our bed and stuffs.


Wala din masyadong decor or gamit sa kwarto niya but I can see na may isang shelf siya na puno ng notebook. To my curiosity, kumuha ako ng isa roon at tinignan iyon.


"He draws?" I ask to myself in amaze dahil sa galing niya magdrawing. Most of his drawing were sceneries. Inilipat ko pa ang pages ng notebook niyang ito ng makita ko ang isang drawing na kakaiba sa lahat. It was a black shadow with a figure of a woman.


It doesn't have a face since it's pure black and I think he made it using a pencil. I just wonder, who is this woman?


"What are you doing in my room?" I heard Keiran's voice kaya mabilis kong naisara ang notes niya.


"Ahh hinahanap kas..." My eyes widened and my jaw drop because of what I am seeing right now. Kakalabas lang ni Kei sa cr at naka towel lang to!


"Care to explain why you're in my room?" He alarms me in his question and I can't even move from where I am right now.


"Ahh...Antayin ka nalang namin sa baba. Bye." Halos kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto niya sa sobrang hiya na nararamdaman ko. What did I saw?! I used to see topless men but not to the point na towel nalang matitira. That's another story and masyadong karima-rimarim!


"Oh, ayos ka lang?" Tanong ni Letisha sakin ng hindi ko mamalayan na nasa sala na pala ulit ako.


"Ahh. Oo, Oo ayos lang ako hehe." Ngiwing sagot ko sa kanya.


"Here, water." Nakita kong may dalang baso ng tubig si Minki kaya mabilis kong kinuha yun at tsaka nilagok. "Thanks." Bigay ko sa kanya.


"Ahm, that was supposed to be for your classmate?" Sagot ni Minki kaya nakaramdam naman ako ng hiya.


"Okay ka lang ba?" Takang tanong ni Letisha sakin kaya tumango ako sa kanya bilang sagot. "Sorry, kuhaan nalang kita ulit."


Mabilis akong tumakbo sa kusina at kumuha ng tubig. I slapped my hand on the table and shrug my head as I calm myself. "Kalma Selene, I know masyadong karima-rimarim ang nakita mo but you have to hold yourself. Parang ngayon ka lang nakakita ng ganun ah... Pero ngayon lang naman talaga eh. Eh paano yung mga lalaki sa beach? Diba naka shorts nga sila. Pero iba naman yun, short yun at eto towel lang, take note kakalabas lang ng cr so may dripping water pa."


"Who you are talking to?"


"Ay dripping!"


Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa gulat dahil sa taong nagsalita at ng iangat ko ang tingin ko ay parang mas gusto kong lamunin ng tubig .


"Who are you talking?" Ulit na tanong ni Kei and now his all dress. I can feel the heat on my cheek and the embarrassment right now!


"Okay ka na, punta na tayo kina Letisha." My irrational act is to walk so fast hanggang sa makalabas ako ng kusina at makarating ulit ako sa sala. Kita ko roon si Letisha na nakaupo kaya hinila ko kaagad siya patayo.


"Wait hindi ba natin aantayin si Rance?" Tanong ni Letisha at sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Rance na kadadating lang.


"Speaking of, halika na. Sunod ka nalang Kei!" Sigaw ko ng hindi man lang lumilingon at tsaka ko naman hinila palabas sina Letisha at Rance na kinagulat naman niya. "Wait, where are we going?" Takang tanong nito sakin ni Rance pero dire-diretso na kaming lumabas ng dorm. Bahala na! I feel so awkward.


In no time, mabilis kaming nakarating sa harap ng dorm nila Letisha without even looking at Kei who was behind us. Their dorm is kinda similar to us except sa fact na may malapit sila sa ibang dorm from the other team unlike us, who seems isolated.


"Pasok na tayo." Aya niya samin kaya sinundan lang namin siya hanggang sa pinto ng dorm niya. She knocked on it at bumukas naman to.


"Oh, Isha nalate ka ata. May kasama ka?" Tanong ng isang babae na nagbukas, gusto ko sana magpaka sarcastic pero wag nalang. "Wait, sila yung High Rank Team ah." She even cupped her mouth.


"Ahh dito kami sa dorm gagawa ng project namin." Sagot naman ni Letisha.


"Aren't you going to let us in?" Narinig ko nanaman ang pagtataray ni Kei and for a second, I forgot the embarrassment lately.


"Ahh. Oo, sige pasok kayo." Aya ni Letisha at ng babae kaya pumasok na kaming tatlo sa loob. Inside their dorm, the structures are the same but compare to the interior, ours are a bit exaggerated since it's Shara, Zed, Me and specially Minki who participated a lot in decorating the dorm kaya mukhang isang luxurious place siya. Hindi sa pagmamalaki, pero parang ganun na nga.


Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan na ayos ng dorm nila at ganun din ang dalawang kasama ko.


"Nakakainis naman! Talo nanaman!" Nakarinig kami ng isang ingay mula sa sala nila at ng makapasok kami dun ay nakakita kami ng dalawang lalaking naglalaro at nakatalikod sa gawi namin.


"Ah, guys. May bisita pala ako. Dito kami gagawa ng Project namin." Mahinhin na paalam ni Letisha sa dalawang lalaking naglalaro.


"Ahh Hi." Bati ko sa kanila kahit na busy sila sa paglalaro and I heard the other guy scream again ng matalo siya sa nilalaro niya.


Tinapon niya ang controller sa harap niya dahil sa inis nito. "Sino ba yang mga kasama mo huh." He said in a dry tone as he turns his head on us at halos kumunot ang noo ko ng mamukaan ko siya.


"Matthew?"


"Oh? Ikaw?!" Turo pa niya sakin na hindi makapaniwala.


"Magakakilala kayo?" Tanong ni Letisha samin.


"He's the guy Matthew?" Kei asked as he cocked his head and narrowed his eyes.


One of Letisha's co-member is Matthew? the one who almost hurt Zed and the one who triggered me to unfold my peculiarities. Am I going to thank him or be pissed in my whole stay here?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: I guess this is my longest chapter in this story of mine since umabot siya ng more than 5000 words? Hahaha. Anyway, enjoy! I will start dedicating some chapters once I reach chapter 30 😊

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 1.1K 61
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
4.1M 192K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...