One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 25

1.6M 38.2K 16.5K
By jonaxx

Kabanata 25

I'm Sorry

"You liar!" mahinahon ngunit mariin niyang sinabi. Mas lalo niya akong inilapit sa kanya at ang kanyang labi ay nasa tainga ko na. Pumiglas ako at alam kong may ilang tao nang nakapansin sa aming dalawa. "You used me," singhal niya.

"I didn't!" Giit ko sabay balikwas sa kamay niya. "Bitiwan mo ako!"

Mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso, "Ilang lalaki na ang natikman mo, ha?" bulong niya. "Sinong mas magaling sa kama?"

Nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko siya palayo sa akin. Pinamulahan ako ng mukha. Lahat ng alaala ko sa gabing iyon ay bumuhos sa akin. Gusto ko nang kalimutan kung paano ko naisuko sa kanya iyon pero pilit yata akong pinapaalala!

"Bitiwan mo ako, Brandon!" pagbabanta ko.

"Not when you tell me, Aurora Veronica," mariin niyang angil.

"I don't know what you are talking about," sabi ko at tiningnan ang kamay niyang halos manuot na sa aking braso. "Brandon, nasasaktan ako."

Dinungaw niya ang kamay niyang mariing nakahawak sa aking braso tsaka niya pa lang binitiwan. May sumipol sa likod niyang medyo maputi na lalaki. Tinapik niya si Brandon habang tinititigan ako ni Brandon ng masama.

"Avon?" dinig ko ang pagtawag ni Adrian sa akin.

Naglipat ng tingin si Brandon sa kanya at agad akong tumalikod para hilahin na paalis doon si Adrian.

"Let's go, Adrian," sabi ko kahit na nananatili ang nagtataka niyang mukha doon sa kinatatayuan ko kanina. "I said, let's go..."

Kinaladkad ko si Adrian sa aking Honda Civic. Gulong gulo pa siya sa pagkakakaladkad ko sa kanya. Hindi ko naman nilingon si Brandon at wala na akong pakealam kung nasaan man siya ngayon.

Hinawakan ko ang palda ng gown ko at tinaas ito para makapasok ng maayos sa driver's seat ng sasakyan. Pumasok naman si Adrian sa front seat, madramang huminga ng malalim at nilingon ako.

"Why was he furious, A? What exactly happened?" Nilingon ni Adrian ang kinatayuan namin kanina.

Mabilis ang hininga ko at pinihit kaagad ang sasakyan. Hindi ko na alam kung tama bang susunod pa kami sa venue ng reception nitong kasal ni Jessica o hindi. Teka? Tinatanong pa ba iyon? Of course we need to be there! Ako iyong Maid of Honor and we're best of friends! Hindi ko ito pwedeng talikuran!

"I told you already." Sabi ko habang nagmamaneho.

"You told me already? Na nalaman mo na pinaikot ka niya at pinaasa kaya umalis ka nong na basa mo lahat nong nasa Facebook niya. So? Is he damn angry because you got into his privacy? Or is he angry because you left without notice?" Pumasa ere ang kamay niya, nalilito parin.

"Maybe both? I don't know. Bakit ba kasi nandito ang gagong iyon? Of all people!" Iritado kong sinabi at hinampas ang manibela.

Mura ako nang mura habang pinapaharurot ko ang aking sasakyan patungo sa venue. I feel shitty. Bago ako lumabas ay nag powder muna ako at nag retouch ng lipstick. Natataranta na sa tanggapan ang coordinator. Mukhang hinahanap niya yata ang mga entourage.

"So... light make up?" Adrian chuckled.

I know exactly what he meant. I glared at him and then put my pressed powder away. "Let's go."

Natatawa pa rin siya habang palabas kami sa sasakyan ko. Nakita kong kakarating lang din ng sasakyan ni Brandon. Halos buhusan ako ng malamig na tubig nang nakita kong mariin agad ang titig niya sa akin. Imbes na iwasan ko ang coordinator ng kasal ay sinalubong ko pa siya para lang mahiwalay sa mga guests na papasok na sa loob.

"Kita na lang tayo mamaya, Adrian. Reserve a seat for me please." Sabi ko sabay diretso sa hall kung saan tinuro ng coordinator.

Walang ibang taong pumunta roon kundi ang mga bride's maid at groom's men ng kasal. Mag papaputok ng confetti at sasayaw ang groom's men pag pasok ni Jessica at Anton sa hall. Kaming mga babae naman ay magpapaulan ng rose petals. Like it's the gayest thing I will do for years but I'll say yes for my best friend.

At kahit nong nasa gitna ako ay namataan ko parin si Brandon na nakatingin sa akin. Umiigting ang panga niya at matalim ang titig niya habang sinasabuyan ko si Jessica at Anton ng mga bulaklak.

Pagkatapos ng entrance ay dumiretso na ako sa mesa ni Adrian. Little did I know na ang mesang inuupuan ni Adrian ngayon ay parehong long rectangular table na inuupuan din ni Brandon kasama ang iilang mga relatives ni Anton! Pinagdarasal ko na sana ay matapos na ito sa bawat minutong nag daan. Bumaling ako kay Jessica na sobrang saya sa ngayon dahil sa presensya ng kanyang pamilya at ni Anton. I know it's unfair to wish for that but I can't help it. At matalim kong tinitigan si Adrian, how intelligent of him to find this kind of seat for me.

"I'm sorry, assigned seats, A." Paliwanag niya habang papalapit ako.

Kaharap ko ang iilan sa mga lalaking relatives ni Anton ay mga groom's men na rin. Brandon is three seats away sa lalaking nasa harap ko.

Inayos niya ang kanyang wrist watch at namataang sa mesa ng mga kaibigan ko ay may humahagikhik na mga babae. Nilingon ko sila at nakita kong nakatingin sila kay Brandon at nag bubulung-bulungan. Nilingon nong kasama niya ang mga babae at nagtaas ng kilay bago bumaling ulit kay Brandon.

Kinausap ako ng ilang kaibigan namin patungkol sa kagandahan at ka engrande ng kasal ni Anton at ni Jessica. Ngumiti lamang ako at sumang ayon.

"Adrian!" Lumapit ang iilang babae na kaibigan namin kay Adrian para batiin ang kanyang pagbabalik. They didn't have much time kanina sa simbahan para magkamustahan kaya ngayon sila nag batian.

Meals were served first before the entire programme. Kaya habang naghihintay na makumpleto ang paglalagay ng mga pagkain ay nagchikahan sila.

"How about you, A? I heard you work for Tagaytay Highlands?" Tanong nong kaibigan kong babae na nakaupo sa harap ni Brandon.

Bumalig si Brandon sa akin, hinihintay ang sagot ko.

"Uh, yes. Pero umalis ako doon." Maiksi kong sagot.

"Hindi ba ay hotel ninyo iyang Highlands, Brandon?" Baling niya sa kay Brandon.

I didn't know he was quite popular even to my friends? God! But of course, he's a model!

"Yup. It's a hotel under our chain." Sabi ni Brandon habang tinitingnan ako.

Bumaling ako kay Adrian na ngayon ay kausap parin ang ilang kaibigan namin.

"Bakit ka naman umalis?" Tanong ng isang groom's men na kilala ko lang sa mukha bilang kaibigan ni Anton. Bakit iniintriga ako ng lahat ngayon sa di tamang panahon?

"I want a new workplace." Kibit balikat ko.

Tumawa si Brandon sa sinabi ko. "People in our hotels are given contracts. If breached may kapalit iyon. That's the rule of my dad to his employees. And because you left without notice within your contract, I think you owe the company." Mariing sinabi ni Brandon.

Palipat-lipat ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin at sa kanya. Nagtaas ako ng kilay. Sinusubukan niya ako sa harap ng mga kaibigan ko.

"Hindi ako nag run through sa kontrata. Hindi ko nakita kung magkano ang babayaran pag na breach ito. Maybe you can tell me now and I can give you the entire amount of my damage." Tinagilid ko ang ulo ko.

Narinig kong tumigil sa pakikipagtawanan si Adrian at siniko niya ako. Tahimik ang mga kaibigan namin habang nakikinig sa usapan namin ni Brandon.

"Ohh? So magkakilala kayo? I mean, Brandon Rockwell's your boss sa Highlands, A?" Tanong ng echuserang kaibigan ko.

He's not my boss. I am the boss. But I won't say that. Ngumisi lang ako at tumingin doon sa nag tanong.

"Isn't that a disgrace to the school you've been to? Hindi ka ba tinuruan doon na bago umalis o mag resign sa pinapasukan ay dapat mag bigay ng resignation letter? Or at least don't answer the email with a curse? It's very unprofessional." iling niya at tumunog disappointed ang boses.

"Oh! I'm not sorry, actually. Bago ako magbigay ng respeto ay dapat tumanggap muna ako. And because you did not seem to treat me with respect, I don't think I can give you my respect." Sabi ko na siyang nagpagulat at nagpadaing sa mga nakikinig.

"Oh? What happened?" Tanong ng ilang kaibigan ko.

Kinurot na ni Adrian ang binti ko, pinapatigil ako.

"I respected you. You know that. Even after you asked. Even after you begged that night, nirespeto ko lahat ng gusto mo." Diretsong sinabi ni Brandon.

Nalaglag ang panga ko at napalinga sa mukha ng mga kaibigan kong nanlalaki ang mga mata. Stupid, Brandon! "Oh you shut up! If you did respect me, sana ay hindi ka nagsinungaling." Nag iwas ako ng tingin.

Humalakhak siya. "Sino sa atin ang nag sinungaling? You were there for a different reason, right? Ang akala ko ay hindi mo na itutuloy pero 'yon naman pala... tinuloy mo rin. I trusted you. And you seem to be a good actress." Ngumisi siya. "Very good, actually. You fooled me."

Tumikhim si Adrian na siyang dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang nagtataka at nananahimik na mga kaibigan namin. Tumikhim na rin ang best man at nagkunwaring maligaya sa niserve na pagkain.

"Oh? Oriental?" Sabi ng isa pang bride's maid tinutukoy ang niserve na pagkain.

Nag iwas ako ng tingin kay Brandon at bumaling kay Adrian. Nilakhan niya ang kanyang mata bilang warning sa akin na tigilan ang pag eeskandalo at baka mamaya ay magkagulo pa sa kasal ni Jessica.

Bumaling ako kay Brandon at nakita kong kinakausap na siya ng kanyang katabi at pinapakilala sa ilang mga babaeng pare pareho magaganda. Tinusok ko ng tinidor ang karneng nakahain sa aking plato at nagsimula na lang kumain. Umiinit ang pisngi ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang hiya sa sagutan namin ni Brandon kanina.

Ilang sandali ang lumipas ay tumayo na si Adrian para sa maikling speech at toast sa mag asawa. Pumalakpak ako at nginitian siya. Ang ibang mga kaibigan namin na nasa kabilang table ay humiyaw pa.

Pagkaakyat ni Adrian sa stage ay nilingon ko si Brandon. Nakita may mga kausap siyang babaeng guest rin ng okasyong ito. Ngumuso ako at umirap.

Mahaba ang sinabi ni Adrian pero hindi ko na nasundan dahil masyadong marami ang iniisip ko. Ilang sandali ay sumulyap ulit ako kay Brandon. Nahagilap ni Brandon ang mga mata ko kaya agad akong nag iwas ng tingin at napainom ng wine kahit na hindi pa nagsasabi ng toast si Adrian.

"For Anton, pare, always remember the magic words "You're right". Those two words are very powerful lalo na pag kaaway mo si Jessica. Wag na wag mong kakalimutan iyan. That's the answer of everything."

Nagtawanan ang mga guest pero imbes na mailagok ko iyong wine na iniinom ay nasabuyan pa ang damit ko non. Nilapag ko kaagad ang wine glass at tiningnang mabuti ang aking dress na may pulang mantsa dahil sa red wine.

Kinuha ko ang puting table napkin at nagpunas ng mantsa doon. It's all over my top and down the skirt of my gown. Padabog kong binitiwan ang puting table napkin at tumayo ako pagkatapos pumalakpak ng guests sa toast ni Adrian. Sinenyasan ko ang mga kaibigan namin na mag C-CR lang ako.

Pagkalabas ko ng venue ay nakasalubong ko ang ilang waiter na papasok sa hall para sa mga sweets. Iniwasan ko sila at dumiretso na sa CR nang biglang may humablot sa braso ko. Kumalabog ang puso ko nang hinarap ako ni Brandon.

"Brandon!" Sigaw ko nang nakita ang galit sa kanyang mukha nang harapin ko siya. "Bitiwan mo ako! How dare you say things like that in front of my friends!"

Hindi niya binitiwan ang braso ko. Imbes ay hinigpitan niya pa ang pagkakahawak rito. "How dare you leave after you moaned, gasped, and begged under me that night!" Pabulong ngunit mariin niyang sinabi.

Binawi ko ang braso ko sa kanyang pagkakahawak. Naghuhuramentado ang sistema ko. Hindi ako ang may kasalanan sa aming dalawa. Well, maybe may kasalanan ako ngunit hindi ako makakapayag na sa akin isisi ang lahat. Siya ang nag paikot sa akin at siya pa itong may ganang manumbat sa akin ngayon? After three damn months? "And how dare you lie to me! Kaya pala... kaya pala tuwing nandon si Arielle ay pinapaalis mo ako! Kasi kayong dalawa? May usapan kayong gaguhin ako!" Mariin kong sinabi.

Nanlaki ang mata niya. "You used me! To get to her! And all the while I thought you've forgotten your anger towards your step sister! Akala ko ay imbes na manggamit ay nahulog ka na nga sa akin!? Who would give up their virginity for a piece of information? Ikaw! Aurora Veronica Pascual! You're willing to give your virginity for a piece of information. Now I hope you're happy..." Sarkastiko niyang sinabi.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sampalin siya gayong sa bawat salita niya ay nanghihina ako. Lumagapak ang palad ko sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwalang iyon ang paniniwala niya. I love him, alright! I love him that's why it was so damn easy to give him all of me. Pero nang nabasa ko lahat ng mga sinabi niya kay Arielle, nabasag ako ng sobra sobra! Ngayon, siya pa iyong nagmukhang mas nasaktan?

"I will never be happy! I am the most miserable woman, Brandon!" Asik ko. "Because I gave my all to a man so cruel like you! Nabasa ko lahat ng sinabi mo kay Arielle. Na hinding hindi mo siya tatalikuran. Na walang babaeng makakapag tibag sa samahan ninyong dalawa! That was why wala kang sinabi sa akin, hindi ba?" Nabasag ang boses ko. "Kasi pinoprotektahan mo siya! Kaya paano ako masisiyahan? Na ibinigay ko ang sarili ko ng buong buo sa gagong tulad mo, may bagahe, may ibang babaeng pinoprotektahan? May mas pinipili ka sa akin! Don't act as if you're the one wounded here!" Sabi ko habang siya ay gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko.

Tinalikuran ko siya. Ninanakawan ako ng hininga sa pinaghalong galit at hinagpis.

"Avon..." Huminahon ang kanyang tinig, papalapit parin iyon sa akin.

Papalapit na ako sa CR at umiinit na ang gilid ng mga mata ko. I am so glad that my tears like to fall after my outburst. Ganon palagi. Mabuti iyon. Dahil ayaw na ayaw kong may nakakakita sa aking nasasaktan.

"Avon..." He called again.

Tinulak ko ang pintuan ng CR at laking pasasalamat ko na walang tao roon kahit sa dalawang cubicle na meron ito.

Bumukas ang pintuan at tumambad si Brandon. He even have the guts to follow me inside! Nilingon ko siya at agad na inatake ng suntok sa dibdib.

"Umalis ka dito!" Sigaw ko. "Umalis ka!"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinirmi ito sa dibdib ko. Habang ginagawa niya iyon ay patuloy ko siyang sinasapak. Tumigil siya at pinulupot niya ako sa isang mainit na yakap. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko habang pinagsusuntok ang kanyang dibdib ngunit hindi siya gumalaw. Hindi niya ininda ang bawat suntok ko.

"Umalis ka dito..." Sabi ko.

"Shhh... I'm sorry." Tanging sinabi niya na mas nagpalala pa sa galit ko.

Tinulak ko siya ng buong lakas ngunit hindi ako makawala sa yakap niya. Inatake ng pang lalaking pabango ang aking ilong na nakahalik sa kanyang dibdib. Nanatili kaming ganon. Ako na tinutulak siya at siya na yakap yakap ako ng mahigpit.

"I don't need you! Umalis ka!" Sabi ko nang paulit ulit. "Iyan lang? Pagkatapos ng tatlong buwan? Putang-" Niyakap niya pa ako ng mas mahigpit kaya hindi ko natapos ang sinasabi ko.

"I'm sorry." Marahan niyang sinabi.

Continue Reading

You'll Also Like

119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
625K 22.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...