Bachelor Series 4: Jeopardize...

Autorstwa Blue_hestia

349K 13.1K 2K

Sometimes we harm ourselves in our own will wherein the biggest risks are those we take with our hearts. We t... Więcej

Must Read!
00
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Epilogue

01

24.6K 639 165
Autorstwa Blue_hestia

Louisse

"Good Afternoon, Villarde Family. This way po, naghihintay na po sila." I show my biggest smile, aba dapat nakangiti tayo lagi

"Can we go to our room already?" Napatango naman ako

"Yes, sure sir, follow me please" nauna na akong maglakad. Napatingin naman ako sa tabi ko ng sumabay yung kasama ni Sir Angelico saakin

"Hi, what's your name?" Ngumiti ako at Binagalan ang lakad ko.

"Louisse Magdanao po. Atsaka lalaki po ako, proud gay to be exact" taas noong pagpapakilala ko

"Jerzie Ruiz naman" ang ganda niya!

"Alam kong magkadugo tayo Sir or Maam" sabi ko sa mahinang boses na ikinatawa namin ng sabay

"Dito na po ang room niyo, sa kabila naman po ay ang kay Mr and Mrs Villarde, eto po ang card" inabot ko naman sakanila ang card. Nauna ng pumasok si Sir

"See you around--

"Lou nalang, pwede naman siguro kitang tawaging Jez diba? Sorry feeling close ako" nginitian ko siya at napakamot sa batok ko. Ang kapal ng pes ko

"Sure Lou, at its okay, I like your attitude, see you around"

"Enjoy your stay maam" yumukod ako konti tsaka nginitian siya at hinintay makapasok.

Huminga ako ng malalim.

Ang swerte naman nila, pati narin yung kasama ni Sir Alexis at yung minsang dinala ni Sir Javier dito.

Hindi ko ineexpext na may tatanggap parin pala talaga sa tulad ko. Masaya ako para sakanila.

Naglakad na ako pabalik sa harap.

"Success?" Napatawa naman ako sa sinabi ni Benjie

Tinaas ko lang ang kamao ko at umakbay kay Benjie.

"Sarap siguro ng buhay mayaman noh?" Napatingin naman siya saakin.

"Siguro? May iba kasing kahit mayaman, hindi naman masaya" inalis ko naman ang pagkaka-akbay ko sakanya.

"Pero iba sila Sir at yung mga kaibigan niya, pati narin sila Madam. Ang bait-bait nila, yung parang, alam nila kung saan sila nanggaling so dapat hindi sila magmukhang mataas kasi alam nila yung pakiramdam na nasa posisyon natin. Napaka-humble at down to earth nila" napangiti naman ako.

"Sus, ang dami mo talagang sinasabi Lou" tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Syempre marami kasi akong saloobin" with matching hawak sa dibdib ko pa yan.

"Louisse, Benjie" napatayo naman kami ni Benjie sa boses na yun at sabay na napatingin sakanya.

"Sir!"

"Okay na ba ang lahat ng rooms?" Napatango naman ako at ngumiti.

"Opo sir, napangalanan na po namin. By this time po nasa kwarto po sina Sir Angelico pati na po ang kasama nito" napatango-tango naman siya at nagpaalam.

Napabuntong-hininga naman ako habang tanaw ang likod ni Sir.

"Oy, oy! Anong tingin na naman yan?"

"Tingin ng in love Benj. Sana mapansin ako ni Sir noh, galing lang, may girlfriend na eh, kung girlfriend lang ba talaga" pabagsak akong umupo ulit sa upuan.

"Ang swerte siguro nung ibang tulad ko na mahal ng mahal nila noh"

"Wag kasi puro si Sir lang Lou, malay mo, may ibang may gusto sayo diyan, di mo lang makita kasi nakatutok ka sa isang tao" bored ko siyang tiningnan.

"Sa susunod ko na ibabaling ang tingin ko sa iba kung tuluyan ko ng susukuan si Sir" tumayo ako at kumuha ng maiinom na tubig.

"Hindi ka pa ba susuko? Talo kana ah" nag thumbs lang ako sakanya at naglakad palayo.

"Huy! Lou! Anong sinabi ko?!"

"Ipamukha mo pa! Sira!" Actually wala talaga kaming masyadong tatrabahuin ngayon kasi close itong resort. Close for reservations ang booking for three days, kaya free na free kami hahaha!

Umupo ako sa malaking bato malapit sa dagat at napatitig dito.

Nagulat ako ng mag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Agad ko naman tong kinuha at sinagot.

"Nay?"

"Anak! Isinugod namin ang itay mo mo sa hospital!"

Napatayo naman ako

"H-ho?! Bakit naman po? Nay anong nangyari kay tatay?"

"K-kasi anak, nadulas siya doon sa pinagtatrabahuan biya" marahas naman akong napahilamos sa mukha ko.

"D-didiretso na po ako diyan. Sabi kasing wag na magtrabaho, sige nay" ako na ang pumatay sa tawag. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa locker room namin.

"Oh beh? Pawis na pawis ka, anyare?" Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit.

"Kate, ipagpaalam mo nalang ako oh, please? Isinugod kasi ang itay ko sa hospital"

"A-ano? Sige sige, ingat ka" mabilis lang akong yumakap sakanya at agad na tumakbo paalis.

"Louisse?!" Hindi ko na pinansin ang tumawag saakin at dire-diretso lang ang pagtakbo.




















Hinihingal ako ng makarating ako sa hospital. Dumiretso ako sa ward kung saan sina nanay.

"Nay, mano po" nagmano ako sakanya at ngumiti lang siya saakin. Napatingin naman ako kay itay na natutulog sa kama.

"Kamusta po si itay?" Umupo ako sa tabi niya at yumakap sakanya.

"Okay naman daw anak, may minor fracture raw sa paa, pati na sa kamay niya kung saan siya kumuha ng lakas para hindi mabagok yung ulo niya" napabuntong hininga naman ako at hinaplos ang mukha ni itay.

"Sinabi po kasing wag na magtrabaho eh"

"Alam mo naman yang itay mo, ayaw niyang umasa lang sayo" napatingin ako kay inay.

"Nay, sapat na po yung nagtitinda kayo ng suman at saging. Nakakaipon naman ho kayo doon eh"

"Ewan ko diyan sa itay mo" mahina naman akong natawa.

"A-anak?" Napabaling naman ako kay itay.

"Gising na po pala kayo. Ayan tay ah, siguro naman magtatanda ka na. Stop na po kasi sa pagtatrabaho, keri ko na po lahat"

"Matanda na talaga ako anak" napailing naman ako.

"Tay naman eh!"

"Haha, oo na po. Makikinig na si itay"

"Ayan mabuti yan, makinig ka sa anak mo tay"

"Opo nay" napangiti nalang ako sakanila.

Itinaas ko naman ang pinky finger ko.

"Ikaw'ng bata ka" ganun rin ang ginawa ni tatay kaya ipinagdikit namin ito.

"Nakakatulong na nga po ako sa iba eh kaya keri ko lang po kayo ni inay, tay"

"Sus etong anak ko talaga" mahina naman akong natawa ng yakapin ako ni inay mula sa likod.

Pumalakpak naman ako.

"Oh sige nay, umuwi na po muna kayo para makapagpahinga kayo, ako nalang po maiiwan dito" ngumiti ako ng napakalaki kay inay ng mukhang hindi siya papayag. Napabuntong-hininga naman siya.

"O sige, sige. Maaga akong babalik dito bukas ah, dadalhan nalang kita ng damit anak" ngumiti lang ako at humalik sa pisngi niya.

"Nay baka makalimutan niyo po si Cholo"

"Ako pa ba kakalimutan yun, oo na. Sige, tay, wag masyadong matigas ang ulo sa anak mo ah"

"Oo na nay" napairap nalang ako.

Sanaol!

Nang umalis si inay ay umupo ulit ako sa tabi ni itay.

"Gutom po kayo?"

Umiling-iling lang siya at pumikit. Inayos ko naman ang kumot niya.

_________________.

Todo alalay kami dito sa resort. Ngayon na kasi ang huling araw na pagstay nila dito at ang kaarawan ni madam

"Louisse, kumain narin kayo" ngumiti lang ako kay madam.

"Ayos lang po, marami pang bisita madam" ngayong araw kasi dumating ang iilan na imbitado sa birthday ni madam.

"Sige, kumain kayo ah" ngumiti at tumango lang ako.

Napatingin naman ako sa kabilang banda kung saan nagtitipon ang magkakaibigan.

Napahikab ako, ilang oras lang pala ang tulog ko.

Huminga ako ng malalim at pinilig ang ulo ko.

"Tired?" Napaigtad ako sa nagsalita sa gilid ko.

"S-sir"

"Nagmamadali ka ata nung isang araw? I called you but you just keep on running" napangiwi naman ako.

"Ahmn yung itay ko po kasi, isinugod sa hospital"

"I didn't know. Kamusta na siya?" Napangiti naman ako

"Ayos na ayos po. Nga pala sir, bakit wala po yung girlfriend niyo?"

"Well, sabi niya marami raw siyang aayusin." Napabuntong-hininga naman siya

"Lalim nun sir ah"

"Nothing. Pinilit ko kasi siya, hindi kasi siya masyadong okay para kay mom pati narin kay Raena. So, I thought, her going here will build up some closeness between them" napailing-iling naman siya.

"I propose to her last week, at simula nun, parang mas dumoble yung pagkabusy niya. Nag-away pa kami" tinapik-tapik ko naman ang balikat niya.

"Kung mahal niyo po ang isat-isa maayos niyo rin po yan. Papasaan rin ay magiging okay rin kayo, at malay mo pati narin kina mama at kapatid niyo po."

"Yeah. Thank you" ngumiti lang ako

"Sige po sir ah, mag-aasikaso po muna ako" tumango lang siya kaya umalis na ako. Napabuntong hininga naman ako

Ikakasal na pala sila.

"Lou! Tara kain!" Tumango lang ako at tumabi sakanila

"Sige lang, wala akong gana tsaka busog pa ako" hindi narin naman sila namilit pa.

Nakatitig lang ako sa buffet ng may naglahad ng plato sa harap ko. Napaangat naman ako ng tingin.

"M-maam Raena"

"Just Raena dear, ikaw lang ang hindi kumakain" nagdadalawang-isip naman na tinanggap ko ang plato na nakalahad sa harap ko.

"Kumain ka, okay?" Tumango-tango lang ako at nagpasalamat.

"Ayan, ayaw pa kasing kumain" nakasimangot naman akong umupo. Magkakilala na kami ni Maam Raena. Medyo close, oo. Ako kasi yung parang kanang kamay dito sa resort, so ganun.

Kinain ko nalang ang binigay ni Raena.

__________________.

Wala akong trabaho kasi Linggo ngayon. Linggo at sabado hindi ako pumapasok kasi may ibang pinagkakaabalahan ako dito sa baryo namin at naiintindihan naman yun nila Sir. Dalawang araw narin pala simula ng birthday ni madam. Mag-isa akong naglalakad sa kadiliman ng kalye na ito papunta sa baryo namin.

Tahimik talaga dito, walang kabahayan eh. Di bale, wala naman akong kailangang ikabahala. Ilang metro nalang ay mararating ko na ang parte kung saan may ilaw at saan tumatambay ang mga sikad driver.

"F-fuck!" Napatigil naman ako sa paglakad at napalibot ng tingin.

Guni-guni ko lang siguro.

"H-help, a-anyone, a-argh fuck!" Napatigil ulit ako at napahawak sa dibdib ko.

Kinakabahan na ako takte!

Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa gilid ko ng may narinig akong galaw doon. Kinuha ko naman sa bag ko ang tinidor at flashlight. In-on ko ito at dahan dahang lumapit doon.

"H-hello? M-may tae ay este tao ba diyan?" Gumalaw naman ang iilang matatayog na dahon kaya doon ko naitutok ang flashlight. Nanginginig man ay mabilis at matapang ko iyong hinawi.

"A-argh!"

"S-sir?!"

__________________.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

858K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1.6M 52.7K 41
《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 1st installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is w...
1M 29K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...