My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Lagot 2

425 39 12
By HEYNEENAMOR

Ken's POV






"Dumaan kaya muna tayong convenient store. Ano bang wine or alak ang iniinom ng Daddy mo?" tanong ko kay Rita habang papunta kami ngayon sa bahay nila. Ngayong gabi kasi magaganap ang sinasabi nitong Dinner.. Dapat relax lang ako pero hindi ko maiwasang kabahan.










"Naku Ken, wag ka ng mag-abala. Bawal uminom ng wine at alak si Dad. Nasabi ko na sayo yung condition ng puso niya diba?" okay, Nakalimutan ko.











"Si Lola? Nasa bahay niyo na ba?"







"Walang reply si Mommy eh. Okay lang yan, nasa kabilang bahay lang naman sila Lola.." napansin kong napatingin si Rita sa akin at bigla itong tumawa.











"What?"











"Don't tell me kinakabahan ka?" tanong nito..









"Ako? Bakit naman ako kakabahan?"










"Aba malay ko! Eh halata sa mukha mo eh! Never pa kitang nakitang kabahan sa mga nakakameeting mo, pero ngayon kita ko na yang kaba mo! Ken! Mabait naman mga magulang ko!"









"Hindi kasi ako sanay kumain na maraming kasama. Sanay akong mag-isa. Siguro kaya ako kinakabahan. Well, tama ka.. I admit, kinakabahan nga ako.."









"Ano ba! Akong bahala! Sagot kita!" nakangiting sabi nito kaya napangiti din ako.. Unit-unting nawala ang kaba ko sa sinabi niyang iyon.. This girl, ang bilis bilis niya talaga akong mapakalma.














Pagdating namin sa bahay nila ay magkasabay kaming pumasok.. Sinalubong kami ng Daddy nito. Niyakap ni Rita ang Daddy niya at bumati naman ako dito..









"Magandang gabi po.." pormal na bati ko dito..












"Magandang gabi din iho, pasok ka.." nagsisimula na naman akong kabahan. Naiwan akong nakaupo sa sofa at inip na inaantay sila Lola at RJ.. Kasama din daw sila ngayon. Ilang minuto lang ay muling bumalik si Rita sa living area galing kusina.. Umupo ito sa tabi ko..










"Okay ka lang?" mapang-asar na tanong nito..











"Stop smiling!"










"Lah! Eh sa gusto kong ngumiti eh!"










"Where's Rj and Lola?"










"Ay wait, tatawagan ko.." tumayo ito at nag dial sa phone niya..

















"Rita anak! Sir Ken! Kumain na tayo!" tawag ng Mommy ni Rita kaya napatayo ako..









"Mommy! Sila Lola po ba? Pupunta daw?" tanong ni Rita sa mommy niya.













"Ay, nasabi pala nila kaninang umaga na hindi sila makakapunta dahil may biglaan silang lakad.."







"Kasama si Oslo?" mahinang tanong ko kay Rita habang patungo kami sa Dining area.














"Wala silang nasabi!" pabulong nasagot ni Rita.




























"Tara na dito Iho! Maupo ka na dito.." tawag sa akin ng Mommy ni Rita. Halos sabay lang kaming nakalapit ni Rita sa Dining Area. Nakaupo na ang Daddy at Mommy nito.. Pinag-usog ko ng upuan si Rita para mauna itong makaupo bago ako tumabi. Okay, nagsisumula na akong kabahan. Pansin kong nakatuon ang atensyon ng Daddy ni Rita sa akin. Alam ko.















Napatingin ako sa mga putaheng inihain ng Mommy ni Rita. Tatlong klase ito ng ulam. At alam kong mapapadami ang kain ko ngayong gabi..



















"Iho, ilang taon kana?" out of the blue na tanong ng Daddy ni Rita.. Seryoso ito sa pagtanong kaya agad akong sumagot..
















"28 po."















"May asawa kana ba?" medyo nagulat ako sa tanong nito kaya napatingin ako kay Rita..














"Dad naman! Yung mga tanong mo!" natatawang sabi ni Rita.










"Siguro ay wala? Nandidito ka eh. Tama ako?" siguradong sabi nito.. Tumango ako.











"Yes. Wala po."












"Wala po"  paggaya nito sa sagot ko. Napasandal ito sa upuan at tila may iniisip.. Bakit ganito. Grabe yung kaba ko.



















"So wala kang balak mag-asawa?"

















"Dad!! Too personal yung tanong mo! Nakakahiya! Boss ko po yung tinatanong niyo!!" ramdam ko yung tense ni Rita..












"Rita anak, I'm just asking.. We invited him na pumunta dito. At pinaunlakan naman niya.. hmm Hindi ko siya tinatanong bilang boss mo.. Tinatanong ko siya bilang hmm kaibigan mo? Or ano mo ba siya? .. Kung kaibigan mo siya, gusto ko lang naman makilala ang lahat ng nagiging kaibigan ng anak ko.. At tulad ng ibang magulang, hindi kami basta-basta nagtitiwala sa isang tao para maging kaibigan ng anak ko kung hindi ko pa ito kilala.. So I'm just asking questions para makilala kita.. Siguro naman iho naiintindihan mo ako? Dapat alam mo yan bilang ikaw ay boss ng isang kumpanya.. Bago magtiwala sa isang tao, dapat kinikilala muna diba?"













"Dad!—-"














"Tama po kayo Sir. Agree ako sa sinabi niyo.."














"See! Agree si Ken sa sinabi ko! So let's go back to my last question, wala kang balak mag-asawa?"
















"Asawa na lang po ang kulang.." nakangiting sagot ko sa Dad nito at tumawa ito..











"Well, committed ka ba ngayon?"













"Hindi po.."













"For sure hindi! Kasi kung committed ka ngayon, wala ka dito... "













Aminado akong kinakabahan sa mga tinatanong nito. Pero sinagot ko ito ng purong katotohanan. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ni Rita. Nang matapos kaming kumain ay nag stay pa kami sa dining area dahil nagsimula na namang magtanong ang Daddy nito.














"Ilan kayong magkakapatid?" muling tanong nito.. Napatingin ako kay Rita ng maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko mula sa ilalim.. Paraan nito para sabihing okay lang kahit hindi ko sagutin. Yes, it's too personal.. Hindi ko alam na mas malala palang mag ask ng questions ang Daddy ni Rita compared sa kanya.. Yung tapang ni Rita sa pag iinterview ay nakuha niya sa Dad niya, for sure.








"Dad, tama na.." pakiusap ni Rita..










"Okay, wag mo ng sagutin." sabi ng Daddy nito.









"Dalawa po. Isang step sister and step brother. My father side.." sagot ko dito..











"So your—-"







"Lumaki po akong Mommy ko lang ang kinagisnan kong magulang. Pero when I entered college, pinakilala na ni Mommy ang totoo kong Daddy. Lihim siyang sumusustento sa amin ng Mommy ko mula pa pala noon, then ng makilala ko siya, he offered na siya na ang magpaaral sa akin sa college. That time, wala akong magawa. Kailangan kong pakisamahan ang Daddy at mga kapatid ko. Yes, may ibang pamilya ang Dad ko. Kami ay pangalawang pamilya lang nito.. When I finished college, pinapasok niya ako sa family business namin, sa sarili nitong kumpanya. I worked for him for almost 6 years bago ko naisipang umalis at humanap ng bagong kumpanya.."








"In good terms naman kayo ng Dad at mga kapatid mo? Anong reaction niya na mas pinili mong umalis sa family business niyo at maglingkod sa ibang kumpanya?"









"He respected my decision. Wala naman akong balak makihati sa kumpanya ni Dad. Ibibigay ko na iyon sa mga kapatid ko. Naniniwala naman akong kaya kong mag grow and success na hindi nakasandal sa pangalan at yaman ng Daddy ko.. Lahat ng meron ako ngayon ay pinagtrabahuan ko. Totoo iyon. "









"So your Dad must be proud of you.."











"I hope so.."











"Where's your Mom?" ngayon ay napalingon ako sa Mommy ni Rita na ngayon ay siya naman ang nagtatanong. Ngumiti ako bago magsalita.








"Wala na po siya, inampon na po siya ng langit.."










"I'm so sorry—"







"Okay lang po. Alam ko namang pong kahit saan ako magpunta, lagi parin akong ginagabayan ng Mommy ko." okay , medyo nagtutubig na ang mga mata ko kaya napayuko ako para hindi nila makita.. Emotional talaga ako kapag Mommy ko ang pinag-uusapan. Naramdaman ko muling hinawakan ni Rita ang kamay ko at lumingon ako dito..









"Hoy Ano ba yan! Maghuhugas pa tayo ng pinggan!" biro nito kaya natawa ako..










"Alam mo Ken, idea ko itong dinner na ito. Gusto ko kasing makilala kayo, ikaw, si Rj at si Lola. Gusto ko kasing makilala yung mga tao na nakakasama ng anak ko sa araw-araw. Kayo ang madalas na makasama ng anak ko ngayon..  Kami, malayo kami sa kanya.. Gusto kong magpasalamat sa inyo.. For taking care of her. Na kahit malayo kami ay alam kong napapadama niyo sa kanya na may pamilya siya.. "





"She's a good employee.. Magaling siya. Mabuti din siyang kaibigan, kapitbahay.. Wala po kayong dapat ipag-alala sa anak niyo kasi napakatapang niyan. Lahat kinakaya." napangiti si Rita sa sinabi ko.









"Workaholic talaga yan. Hindi maiwan ang trabaho. Nagpumilit ngang tumira mag isa dito sa Manila dahil sa trabahong mahal na mahal niya.." sabi ng Dad nito at natawa si Rita at napasandal sa upuan nito..



















"Ilang beses ka nang nakitulog dito sa bahay ng anak ko?" biglang tanong ng Dad ni Rita. Pareho kaming nagulat ni Rita sa tanong ng Daddy nito..







"Po?"












Hindi ako makasagot. Napatingin ako kay Rita. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito ng totoo. Baka sa isasagot ko ay malalagay sa pahamak si Rita. Ayoko namang mangyari iyon.






"Ken, wag ka ng mag isip ng isasagot. Ang gusto ko ay sumagot ka ng totoo. Yung TOTOO ang kailangan kong sagot.."seryosong sabi nito..












"Dad naman.."









"Rita, hindi ikaw ang tinatanong ko. So ano nga Ken? Ilang beses na?"









"Yung TOTOO ang kailangan kong sagot.." tumingin muna ako kay Rita bago ako sumagot..













"Yes, nakatulog na po ako dito. Pero hindi ko alam kung ilang beses—-"










"Okay! Thanks for saying the truth." sabi ng Daddy nito sabay tayo..







"Dad! It is not what you think!" rinig kong sabi ni Rita.









"Anak, wala akong ibang iniisip. Kilala kita. Alam kong pinalaki kitang responsible woman. Alam kong alam mo na yung tama at mali. Hindi na ako magtatanong kung bakit siya nakikitulog dito or what.. Bigay ko na sayo iyon anak.."








"Dad, just to be clear, sa kabilang kwarto siya natutulog. Kung saan kayo natutulog ngayon.."






"Alam ko. "






"Alam mo Dad?"









"The first time na nakita yung toothpaste na kulay pula sa banyo ng room na iyon, naghinala na akong may ibang tao na nakikitulog sa bahay mo. Rita, kilala kita. Hindi ka gumagamit ng toothpaste na kulay pula! Ayaw na ayaw mo nga yung lasa nun!"
medyo galit na tonong sabi ng Dad nito.. Alam kong galit ito sa pagsisinungaling namin at hindi agad pagsabi ng totoo. Ito na nga ba ang sinasabi ko.







"Arturo, huminahon ka.." rinig kong pagpakalma ng Mommy ni Rita dito..








"Dad, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi.."









"Good decision nga ang pagpilit ko sa Mommy mo na puntahan ka namin dito para naman malaman namin kung kamusta ka na.. "







"Dad, okay ako."








"Oo. Mukhang okay ka naman. Kaya masaya akong nakikitang okay ka.."







"Sir, huwag ho kayong mag-alala sa anak niyo. Sisiguraduhin po naming mababantayan at maalagaan siya dito.. I always respect your daughter's decision.. Hindi po ako gagawa ng isang bagay na ikakagalit niya at ikakagalit niyo.."





"Iho. Tulad ng sinabi mo.. Sana may isang salita ka. Ang gusto ko lang ay ingatan niyo ang anak ko.. Respect her, Guide her, protect her, Wala kami to take care of her. Please. Do it for us." pakiusap nito sa akin..










"Makakaasa ho kayo.." sagot ko dito..
















"So I want to hear the truth, kaibigan ka lang ba talaga ng anak ko?" muling tanong nito..
















"Dad. Boss ko si Ken. He's a friend." si Rita na ang sumagot at tumango naman ang Dad nito.


















"Okay. So the this conversation is over. Pwede na ba tayong matulog Darling?" tanong ng Daddy ni Rita sa Mommy nito at natawa kami..


































"Sorry sa kakulitan ni Dad. Ganyan kasi talaga siya. Gusto niya, nalalaman niyang lahat." hingi ng paumanhin ni Rita habang hinahatid niya ako palabas..









"It's okay. Overprotective lang ang Daddy mo sayo!"












"Kasalanan talaga to ng toothpaste na naiwan mo sa banyo!" naiiyak na sabi ni Rita.






"Hahah. Aba malay ko bang di ka gumagamit ng red toothpaste? Iniwan ko iyon kasi baka kumalat sa bag ko!"











"Hay naku. tsk. Pero mukhang okay naman na yung paliwanag natin diba? Ang galing mo ngang sumagot eh."










"Lahat naman ng sinabi ko sa Dad mo ay totoo. Lahat iyon ay totoo.."











"Talaga? You will guide, protect and take care of me? Lakas maka-Tito nun hah! Salamat Tito!!" pang aasar nito sa akin.. At nagawa pa niyang tumawa hah! Aba!











"Isa pang tawa mo, bibigyan kita ng punishment.." pagbabanta ko dito at mabilis siyang tumigil sa pagtawa.











"Sige na! Pumunta ka na ng hotel! Maghuhugas pa ako ng pinggan!"











"Gusto mong tulungan na kita?"












"No. Magpahinga ka na.." sabi nito.







"Pero Rita—"













"Respect my decision.." paalala nito..











"Haha. Ewan ko sayo. Sige na . I have to go. Alam ko namang Professional ka sa paghuhugas ng pinggan eh. Kaya mo na yan.." natatawang sabi ko dito..













"Ingat! Thanks for tonight Ken!" nakangiting paalam nito.. Sumakay na ako ng kotse. Ibinaba ko ang bintana at nagpaalam na kay Rita..















"Being with you is always an evening well spent. Thanks again for the great time , My Rita!" nakangiting sabi ko dito sabay paandar ng kotse ko. It was a big relief for me to say it in front of her.














My Rita.





































Rita's POV







"Being with you is always an evening well spent. Thanks again for the great time , My Rita!"









Natuod ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon mula kay Ken. Mabilis nitong pinaandar ang kotse at hindi manlang tiningnan ang reaksyon ko! Pero okay na din kasi baka pagtawanan lang niya ako sa reaksyon ko! Hindi ako agad nakagalaw. Na para bang pinoproseso pa ito ng utak ko. He just said "My Rita" in front of me? So hindi nga typo error ang text niya! He really mean it!! Teka lang naman! Hindi pa nga ako nakaka get over sa text na iyon kagabi, ito na naman po siya.











Mabilis akong pumasok sa bahay at sinarado iyon! At doon ay nagtitili ako sa kilig. Huli na ng maalala kong nandidito pala sa bahay sila Mommy at Daddy kaya nataranta silang lumabas ng kwarto para i-check ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa hiya..










"Anong nangyari iha??" natatarantang tanong ni Mommy..












"P-po?? Ah may nakita kasi akong palaka sa labas ! Oo may palaka sa labas! Nagulat ako! Dumaan sa paa ko kaya nagtitili ako. Pasensya na po kung naistorbo ko ang pagtulog niyo!" pagdadahilan ko. Napailing si Dad.









"Sige na, matulog ka na anak!"











"Ma-maghuhugas pa po ako ng plato Mommy! Sige po, sa kusina lang ako.." mabilis silang bumalik sa kwarto.. Pagpasok ko naman ng kusina ay nagsasayaw ako habang hawak hawak ang plato at baso na ginamit ni Ken kanina. Para akong baliw na kinilig sa mga oras na ito..




















Hindi ko alam at hindi malinaw ang lahat. Pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako. Masaya ang puso ko..




















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
96.1K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
26.9K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
6.5K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...