ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

27.4K 745 150

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
BUWAN
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
HULING GABI
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
TAHANAN
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
NATATANGING LIHAM
THE GOLD DIGGER
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN
WAITING SHED

LETTING GO

362 10 8
By RuinousMystery

"Meme, tara na. Male-late ka na sa talk show mo with tito boy" rinig kong sabi ni Buern sa akin. Tinignan ko ang time at isang oras na lang, oo nga interview na.

"Wait lang, may hinihintay lang akong message. Message ni vhong, oo kay vhong." tinignan ko muli ang phone ko bago ako tumingin kay Buern. Nahuli niyang nakatitig ako sa kaniya kaya ako naman ang nag iwas ng tingin.

"Meme, busy si fafa vhong today kaya hindi ka maime-message. Don't me, meme. Kilala ko pagkatao mo, tara na." Buern. Kinuha ko na yung phone ko at sumunod na kay Buern. Pakiramdam ko wala akong lakas na humarap sa camera today. Ayokong mag salita sa media pero kailangan para wala matahimik na ako pati siya. Para okay na yung buhay namin pareho.

Pinag mamasdan ko yung sarili sa salamin. Ako ba talaga to?


"Hello madlang people! It's nice to be back here at showtime!" bati ko bago ko kumaway sa kanila at makipag beso sa mga co hosts ko. Pansin ko yung mga ngiti nila. Masaya.

"Kamusta ang vacation sis?" Anne.

"Ay nako, okay na okay ang vacation ko..nasaan ba yung kasama ko sa vacation? Wala pa yata ha." lumingon ako sa paligid pero hindi ko makita si karylle.

Narinig ko yung tilian ng mga kasama ko. Ngumiti na lang ako sa kanila. Kilala naman nila ang tinutukoy ko.

"Puyat pa yon. Nag party kagabi sa bahay ni mama z, sumama kaming dalawa. Tapos medyo hindi pa kami talaga nakakatulog dahil nga galing kaming France, Korea,Japan, America.. Pabalik balik kami ng flight for honeymoon." pag eexplain ko sa kanila. Inasar naman nila ako na hindi ko mapigilan na hindi mapa kilig ngiti.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na may imabutan si Dumbo ng mic. Tuluyan ko siyang nilingon, at ngumiti ako sa kaniya.

" Nandito na yung misis ko! Hi, good morning love!" nilapitan ko na siya at inalalayan ko paakyat ng stage. Pinag mamasdan ko pa yung lakad niya, dahil nakakatuwa talaga. Sakang eh. Hahahaha

"sakang ka na naman karylle ha." nag sisimula na akong mang asar sa kaniya. Tinignan nya ako ng masama bago ako pabirong hinampas.

Tinawanan ko lang siya, I remember our first night of love making. Kinabukasan hirap na hirap siyang maglakad. Nahihiya siyang kumilos kapag kasama niya ako.

"Bakit? Eh diba nag ballet ka, kaya para kang nasakang. Ito namang asawa ko oh, bumati ka na sa mga madlang people kanina ka pa nila hinihintay." hinawakan ko siya sa braso at itinabi ko sa akin.

"Ang blooming ni twinnie! Karylle, girl ha!" Anne.

"Nakapag rest lang kaya blooming. HI MADLANG PEOPLE!"bati niya at kumaway na din.

After ng spiels namin, hinawakan ko na siya sa kamay at pinag salikop ko yon.

"Kamusta buhay may asawa? Makulit ba si vice, bruh?" tanong sa kaniya ni vhong. Lumingon sa akin si karylle at ngumiti siya sa akin..

"Sometimes, but oh well maalaga naman siya sa akin. Mabait, mabait si vice. Okay naman kaming dalawa. Masaya ang buhay may asawa." Karylle.

"love! Papasukin mo ko whoy!" kinakatok ko ang pintuan ng banyo namin. Ayaw nya akong papasukin man lang. Ugh.

"Wait lang vicey! I'm waiting for the result!" no ba yan, nakakaloka naman to. Naka sandal ako sa pinto ng buksan niya kaya muntik akong masubsob sa sahig. Buti na lang nahawakan ko yung gilid ng sink.

"Love! Sorry I didn't know na nakalean ka pala. Here, here. Wait natin pareho yung result." pinalapit niya ako sa kaniya habang ako nag back hug na lang.

Nakatingin ako sa pregnancy test na hawak niya. Yung kamay ko nanlalamig, pati na rin kinakabahan ako.

" Vicey, relax." hinawakan nya yung kamay ko. Saglit na hawak lang niya kumakalma yung puso ko. Yung buong pagkatao ko.

Tumitig ako sa pregnancy test hanggang ang isang linya ay nadagdagan pa ng isa. Two lines.

"Two lines.. Vicey two lines!!"

Nagkatitigan kami at mahigpit ko siyang niyakap.

"positive!!! Thank you Lord!!" hindi ko maiwasan na hindi ko sya buhatin at yakapin ng mahigpit.

Finally, magkakaroon na kami ng baby.

"Ang asawa ko, umiiyak na." Karylle. Tumitig ako sa kaniya at ngumiti ako. She smiles back at me.

"Because I am happy, after two years magkakaroon na tayo ng anak oh. Sobra akong nagpapasalamat kay Lord dahil sa gift nya sa atin. Happy second wedding anniversary, mahal kong asawa!"

Nakita ko na nag luluha na rin siya hanggang sa tuluyan ng umiyak. Kaya pala lately napaka mainitin ng ulo sa akin. Ayaw nyang naliligo ako agad, nakakaloka. Mas gusto nya yung amoy ko maghapon. Yung amoy work, amoy ewan. Nag lilihi na pala yung asawa ko.

"And I am proud to have a husband like you. I love you so much vice. Hanggat sumisikat ang araw, kasama mo ako. Nandito lang ako lagi para sayo love. Happy second wedding anniversary, daddy vice."

She gave me a kiss, a simple kiss kaya tinugon ko yon. Hanggang sa naramdaman kong pinapa lalim nya yung halik niya, yung kamay nya unti unting inaangat ang suot kong shirt para mahubaran ako.

Binuhat ko siya papunta ng kama namin at pumunta na rin ako sa top niya.

"Oh god vice!" napa chuckle naman ako, wala pa akong ginagawa tumitili na siya.

"Pwede daw ba? Safe ba itong ganito love?" pero syempre unti unti ko na rin siyang hinubaran.

"Yung doctor ni mariel, sabi normal lang pala mag crave sa ganito kapag pregnant. Kaya pala lagi akong nag iinsist sayo na mag make love tayo."

Nakita kong namula yung mukha niya ng ipaliwanag nya sakin. Ang cute talaga nitong asawa ko na ito.

Hinalikan ko na siya sa leeg hanggang sa tuluyan na naman kaming mag isa.

Lagi kaming nag iingat pareho para kay baby, binibigay ko lahat ng cravings nya. Hindi rin muna kami nag popost sa media about sa pag bubuntis niya. Mas gusto namin na kami lang muna makaalam para mas maenjoy naming dalawa. Ang tanging nakaka alam lang, yung pamilya namin at mga showtime hosts.

"Vice!!" napa takbo ako sa aming kwarto ng tawagin nya ako. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakatayo sa may dulo ng kama habang may dugo na umaagos sa may hita nya.

Nakita ko rin yung kung paano siya lumuha. Agad ko siyang nilapitan at binuhat ko.

" Vice, yung baby.." unti unti na siyang pumipikit hanggang sa nawalan siya ng malay.

Dinala ko siya sa hospital. Hindi ko alam kung paano ako naka abot sa hospital ng ligtas sa bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan.

Sinabi sakin ng doctor ang nangyari kay karylle. Alam naman namin na mahina ang kapit ng baby, pero bakit? Iningatan naman namin siya. Ang bilis naman kunin, three months pa lang binawi na agad.

Matapos siyang i-raspa, nilipat na siya ng kwarto. Dinala siya sa private room. Paano ko sasabihin sa kaniya to?

Nakatitig lang ako sa kaniya habang tulog siya. Noong magkamalay sya, agad niyang hinawakan yung tyan niya.

"Love." tawag ko at hinawakan ko siya sa kamay.

"Vicey, okay lang ba si baby? Anong sabi ng doctor?" tinitigan ko siya at hinalikan ko siya sa kamay.

Kita kong pumatak yung luha nya, parang alam na nya ang ibig sabihin ng ginawa ko kahit hindi ko pa sabihin.

"Love, diba okay lang siya right? Dinala mo naman ako agad dito diba? Ano may binigay bang vitamins si doc para mas kumapit pa yung baby natin?"

Hindi ako makasagot sa kaniya. Ayokong makita siyang mas umiyak. Ayokong makita yung asawa ko na nadudurog dahil sa sakit.

"Kurba.. sabi ng baby natin kailangan na siya ni Lord sa heaven okay?"

"No vice! No! Not our baby!" tinabig niya ako at inalis niya yung dextrose na nasa kamay nya. Pilit ko naman siyang pinipigilan sa pamamagitan ng pag yakap ko. Dumudugo na yung kamay nya dahil sa kaniyang ginawa.

"Vice no! Nandito pa siya sa womb ko! Lalaki pa siya kasama natin!"

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ko ng mahigpit. Pinipigilan ko ang pag hikbi sa tuwing naririnig ko rin siyang umiiyak.

After mangyari yon akala ko walang magbabago sa aming dalawa. Akala ko ganoon pa rin siya na malambing, masayahin. Akala ko babalik yung sigla niya.

Pero hindi eh, ramdam ko yung bigat na namamagitan pa rin sa amin. Dinadamayan ko na lang siya sa pamamagitan ng pag yakap at pag halik sa kaniyang noo.

I always say I love you to her, pero wala na akong nakukuhang sagot. Ayokong mapagod. Trial lang naman to sa amin. Lagi ko rin siyang inaasikaso. Ako nag luluto ng breakfast namin bago kami pumunta ng showtime.

Alam ng mga kaibigan namin ang nangyari. Umiyak si karylle sa harap nila. Nakita nila yung kahinaan naming dalawa ni karylle, yung pagiging down naming pareho.

Pero sa harap ng camera, masaya siya. Masaya ako. Masaya kaming pareho. Nahahawakan ko yung kamay nya, nayayakap ko siya. Nakikita ko yung ngiti niya. Hindi niya ako binabawalan na hagkan siya. Sa likod ng camera, iba ang storya.

Nakikita ng mga kaibigan namin na lumalayo sa akin si karylle. Ni hindi niya ako kausapin man lang o kaya ngitian. Sabi ko hinahayaan ko na lang kase iintindihin ko siya, nadedepress na siya. Hindi ko pwedeng sukuan yung asawa ko. Patuloy ko pa rin siyang iintindihin.

Pero ang totoo, namimiss ko na siya.

"Love, tara date tayo. Bihis ka na, palit ka na ng damit tapos aalis tayo."

Tumingin siya sa akin at pinag patuloy nya yung pag titiklop niya ng damit. "Love, let's go. Masaya doon. I'm sure mag eenjoy ka."

"Vice,, marami pa akong aayusin dito sa bahay. Tska may pupuntahan pa akong shooting mamaya kasama ko sina iza."

Lagi na lang siyang tutok sa trabaho.

"Sasama ako. Samahan kita."

"Wala ka naman gagawing doon vice. You stay here. Tska kaya ko yung sarili ko okay?"

Namimiss ko na yung asawa kong masayahin. Yung laging nag lalambing. Pinilit ko pa rin siyang yakapin at halikan sa batok.

"namimiss ko na kaseng kabonding asawa ko oh! Mmm bango! Mm!" hinalikan ko siya ulit sa batok hanggang sa lumapat yung labi ko sa leeg nya.

Niyakap ko na siya ng mahigpit. Unti unti kong pinasok yung kamay ko sa loob ng shirt nya hanggang maabot ko yung dibdib niya.

" Vice stop doing that. " lumayo siya sa akin at  nilagay sa cabinet yung mga damit namin. Napa sigh na lang ako at ngumiti sa kaniya.

Nasanay na kami sa ganoong set up. Sa showtime, masaya kami sa harap ng camera. Pati nga sina vhong, sina anne, silang lahat alam na nila yung ganoong set up namin. Na immune na rin sila. Siguro pati ako rin. Sanay na nga ako eh. Kaya iba yung saya ko kapag nasa showtime.

Sana bumalik na yung dating karylle.

Hindi ko na rin inoopen sa kaniya yung tungkol sa baby namin, pero sa totoo lang masakit pa rin sa akin yon. Hindi lang naman siya ang nawalan. Ako rin. But kailan ba niya na consider yung nararamdaman ko bilang ama?

Ayoko na lang sabihin sa kaniya yung hinanakit ko.

Na pagod na ako.

Sukong suko na ako.

Nasasaktan ako.

Kase asawa ko siya. Kase mahal ko siya.

"Happy birthday" hinalikan nya ako sa labi pero mabilis lang yun. Nabuhayan ako ng loob noon, before nag bebake siya ng cake with her long sweet message pero ngayon wala na yon. Kahit na, naramdaman ko pa rin naman na mahal pa rin nya pala ako.

"Thank you love. I love you." hahalik na dapat ako sa kaniya pero umiwas na siya sa akin at kinuha na niya yung shoulder bag niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko habang naka kunot noo.

"May meeting ako with sangres" tumingin siya sa phone nya bago ulit tumingin sa akin.

"Love, birthday ko oh. Diba tuwing birthday ko nag dedate tayo? Nag cecelebrate tayong dalawa? Love, tara d-

" vice, I have a meeting. This is important than our date!"

Gusto kong maiyak sa harap niya. Dati halos piliin niya ang date naming dalawa kaysa sa mga trabaho niya.

"Do you still love me?"

Alam kong natigilan siya sa tanong na yon pero nag sigh lang siya sa akin. Napaisip rin ata siya kung mahal pa niya ako.

"I.. I do, I love you."

"Bakit hindi ko makita yung saya sa mga mata mo? Love, all I want to do is to make you happy. Pero bakit parang hindi ko na nakikita sayo na masaya ka pa sa akin?"

"ugh. Enough of your dramas, please? May meeting pa ako. Celebrate tayo next time ng birthday mo." tuluyan na niya akong tinalikuran at lumabas na ng bahay.

Tuluyan ko na lang din finocus ang sarili ko sa trabaho. Mag asawa kami pero wala na kaming napag uusapan. Hindi na kami nag uusap. Nakatira kami sa iisang bahay pero hindi na namin alam ang mga ginagawa at nangyayari sa isa't isa.

Umuuwi ako ng hatinggabi dahil sa trabaho pero parang wala na siyang pakialam sa akin. Before, uuwi ako pero may hinanda siyang food for me. Ngayon umuuwi ako, tulog na siya.

"Love, pinag prepare mo ako ng damit today?" sumiksik ako sa kaniya at niyakap ko siya.

"Nope. I am busy. Kaya mo naman na yon so ikaw na lang."

Tumingin ako sa kaniya pero agad ko rin binawi ang tingin ko.

"I love you, kurba ko."

Tinapik lang niya yung pisngi ko at umayos ng upo sa kama habang nasa lap niya yung laptop.


"Nandyan ba si karylle sa inyo, Anne?" kausap ko si Anne through phone call. Hindi pa siya umuuwi, nandito si mama sa amin at hinahanap siya.

"Wala sis eh, bakit?"

"Sige girl. Salamat."

Tumingin ako kay mama at ngumiti, "hanapin ko lang si Karylle ma."

Umalis ako ng bahay at nag drive na ako para hanapin siya. May napansin akong sasakyan na familiar. Sa kaniya yun. Sasakyan nya yun.

Sinundan ko si karylle kung saan siya pupunta. Hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang bahay.

Pag labas niya ng sasakyan, may sumalubong sa kaniya na isang lalaki. And I saw them, kissing.

Fuck.

Kitang kita ko yung saya niya habang nag uusap sila. Yung excitement nya nandoon rin. Yung kilig niya habang nag hahalikan sila.

Naglakas loob akong lumapit sa kanila.

"Hi Yael." bati ko ng maibaba ko ang window ng sasakyan. Tumingin sa akin si karylle at halatang nagulat siya ng makita niya ako.

"Vi.. Lo.. Vice.." Karylle.

Tumingin ako kay yael at ngumiti sa kaniya, "Iuuwi ko muna yung asawa ko. Nandoon kasi yung mother- in- law ko sa bahay naming mag asawa."

Tumingin ako kay karylle at nginitian ko siya.

"Umuwi ka love, nandoon si mama sa bahay. Hinahanap ka niya. Don't worry, hindi ko naman sasabihin yung nakita ko. Your secret is safe with me."

Putang inang pag ibig to.

Hinintay ko siya makasakay ng sasakyan niya at nag drive paalis bago ako ang sumunod sa kaniya. Sabay kaming umuwi. Pag dating sa bahay namin, hinayaan ko na silang mag ina na mag usap. Sinabi ko na lang na gusto ko mag pahinga.

Habang wala siya, nag punta ako sa bar namin dito sa bahay. Nandito lang ako, umiinom habang tahimik na lumuluha.

Tangina. Ano bang ginawa kong mali?

Ano pa bang kulang? I did my best to make our marriage strong. Ano pa bang hindi ko nagagawa?

Pag kaalis ni mama, lumapit siya sa akin.

"Hi.." bati ko sa kaniya at lumagok ulit ako ng alak.

"Lasing ka na. Enough that."

Umiling ako at binawi ko sa kaniya yung baso.

"Hindi pa ako lasing."

"Lasing ka na nga vice, enough that!"

"Tang ina! Hindi nga diba?! Alam ko yung ginagawa ko karylle! Bakit mo ba ako ginaganito?! Ano bang kulang, ano bang mali?!"

Nagagalit ako. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa ginagawa ko ngayong sinisigawan ko siya.

"Just tell me kung hindi mo na ako mahal kaysa binabalewala mo ako araw araw. Kaysa magkasama tayo pero ganito ang laging sitwasyon natin. Okay tayo sa harap ng ibang tao pero kapag tayong dalawa hindi tayo okay. Halos ayaw mong magpayakap sakin. Ayaw mong hinahalikan kita. Pero kay Yael, masaya ka. Yung ngiti mo ang saya saya. "

Pinilit kong hindi humikbi habang kinakausap ko siya. Pansin ko din siyang umiiyak. Gusto niya akong hawakan pero umiwas ako.

"Hindi mo man lang nakita yung hirap ko noong nahihirapan ka rin. Iniintindi naman kita love eh, ginawa ko lahat para sa marriage na to. Bakit di mo nakita yung effort ko? Kinalimutan mo ng may asawa ka, ako yon. Hinayaan mo yung sarili mo na balutin ka ng lungkot kahit na lagi naman akong nag eeffort na pasayahin ka. Naging matatag naman ako sa harapan mo. Hindi ako madalas mag reklamo, pero ngayon ko lang sasabihin to sayo. Pagod na ako karylle. Mahal kita pero ang sakit sakit na ng nararamdaman ko sayo. Pagod na ako. Durog na durot na ako.. Habang ako gumagawa ng paraan para manatili tayo sa isa't isa, ikaw patuloy kang kumakalas, patuloy ka lang humihilagpos. "

" Vice.. "

"Mahal mo pa ba ako? Now tell me, mahal mo pa ba ako?"

"I love you!"

Hinagis ko yung bote ng alak, lahat ng mahawakan ko binato ko sa pader.

"Hanggang ngayon nag sisinungaling ka pa rin sa akin! Hindi mo na ako mahal karylle! Hindi mo na ako mahal!"

Niyakap niya ako mula sa likuran habang hinahalikan nya ako sa batok ko. "Vice, I am sorry.."

Kinalas ko yung pagkakayakap niya sakin at hinarap ko siya.

"Don't worry, mag fifile ako ng divorce papers para maging malaya ka na."

"no! No! Just give me another chance. Love, please.."

Akala ko magiging okay after giving her a second chance, pero hindi rin pala. Mas madalas kami mag away. Mas madalas kaming hindi nag papansinanan. Mahal ko siya, hindi nawala yon. Pero masyado ng masakit.

" Can we talk? Pwede bang mamaya na yang pakikipag usap mo sa kaniya?" Nagkaroon na naman sila ng connection sa isa't isa.

Hindi ko lang masabi kay mama. Nahihiya rin ako sa kaniya.

"nangamusta lang naman si yael."

"Okay. So hanggang kailan tayo ganito? Alam mo, mas mahihirapan tayong dalawa kung nanatili tayo pero hindi mo na ako mahal. Kase ako mahal kita."

Tumitig sya sa akin at pinunasan nya yung luha niya.

"I am sorry vice. I'm sorry, I fell out of love. Alam kong ginawa mo ang lahat for our marriage pero ako itong nagpahirap sayo. It's okay to me kung hihiwalayan mo na ako, para hindi ka na mahirapan pa. I am really sorry, you did everything for me,to be a great husband, to be my best partner. Lahat lahat ginawa mo pero hindi ko lahat na appreciate yon. Dapat nga mas minahal kita dahil sa ginagawa mo sa akin, pero ang tanga ko lang. I am sorry kung hindi ko binibigay sayo yung needs mo bilang husband, yung gusto mong make love."

"And kung gusto mo na akong hiwalayan, go. This time, I'm letting you go. Naranasan mo ng sobra yung pain dahil sa akin. You don't deserve me, you deserve someone na kaya kang alagaan. I'm sorry, napabayaan kita. Hindi ko nagawa yung role ko as your wife."

Doon ko nakita yung pag hikbi niya. Yung pag iyak niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapa hagulgol sa bawat salita na binibitawan nya.

She fell out of love. Wala na siyang pag mamahal sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you for being my wife for almost five years. That was the best thing happened in my life, but at the same time the most painful memories for me. I love you so much karylle, always remember that. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo kahit na napagod ako. Hindi ako sayo napagod kundi sa situation nating dalawa. Mahal na mahal kita, pero kailangan na kitang bitawan, kung palagi lang tayong ganito hindi tayo pareho mag ggrow, hindi tayo parehong mag he-heal. I love you so much kurba."

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ko siya ng mahigpit.

" I am sorry vice. Can we be friends pa ba after what happened?"

" Yes. Of course we can. I would love that. So okay na ba kung mag fifile na ako ng divorce?"

Alam kong natigilan siya sa sinabi kong yun pero ngumiti na rin siya sa akin.

"Y-yes. I-its okay with me, vice."

"Okay. Hanggat wala pa yung divorce papers, dito ka muna mag stay sa bahay habang nag uusap tayo about that." tumango lang siya sa akin at pagkatapos noon lumabas na ako ng kwarto.

Nag uusap naman kami habang nasa bahay kaming dalawa. Hindi lang ganoon kasaya. Nag tatanungan kami kung ano ng balak namin sa sarili namin kapag nag hiwalay na kami.

Yung conjugal property, since ayaw nyang tanggapin lahat, nag hati na lang kami. Ayaw ko rin naman sana na sa akin lang yon. Ang gusto lang naming pareho makalaya kami sa isa't isa. But at the end, katulad ng nangyayari sa ibang mag asawa na nag hihiwalay, nag hahati sa mga property nila.

After a month, nakuha ko na yung divorce papers naming pareho. Pinakita ko na rin nga sa kaniya.

Alam kong nalungkot siya at ganoon din naman ako. Kahit naman anong pilit ko na patibayin ang marriage na to kung sya di na niya ako mahal hindi na to mag wowork.

"You signed the papers na pala?" tanong nya ng makita niyang may pirma ko na yung papel. Tumango ako habang nakatingin sa kamay nya. Our wedding ring.

Nilapag na niya yung papel at pumirma na rin siya. Pansin kong may nabasang parte yung papel, alam kong umiiyak siya pero hindi niya lang pinakita sa akin. After that, hinubad na niya yung singsing niya.

"Thank you for a not so wonderful almost five years, vicey. Yeah, I mean it is wonderful because I had a husband like you but at the end sinayang ko yung chance na yon para makasama ka pang habang buhay. And I am hoping na sana you will find the better person who will love you, the whole you. Ang blessed ng taong magkakaroon ng isang vice sa buhay nya. I hope that I am still welcome to the new chapter of your life, even now that I am your ex-wife "

" You are always welcome Karylle. " niyakap ko na siya ng mahigpit bago ko siya titigan.

Hinalikan ko siya sa labi ng matagal kase alam kong hindi na to mauulit.

" Please respond to my kiss, kurba. Ito na yung huli na mahahalikan kita ng ganito. "I said to her. Tumitig sya sa akin hanggang sa halikan nya ako sa labi.

Tinugon ko yon ng buong puso. Hinalikan ko siya ng madiin pero puno ng pagmamahal. Ito na yung huli. Huling halik sa kaniya.

" I love you, Kurba. I love you. "

Pinicturan nya yung divorce papers namin habang nandoon nakapatong ang wedding ring naming pareho. May picture rin kami na pareho kaming nakayuko sa divorce papers habang may hawak na pen.

Parang dati lang, ang sabay naming pinirmahan wedding contract, ngayon divorce papers na.

Mahal na mahal kita, karylle. And kung ano man ang mangyari, poprotektahan pa rin kita.









"Nandito na ang ating guest, The Unkabogable Vice Ganda!" Tito Boy. Lumapit ako sa kaniya at nakipag beso ako.

"Good evening vice, welcome to my show.. Tonight with Boy Abunda."

"Hi tito boy, good evening. Hi madlang people. It's nice to be here, pero ganun pa man kinakabahan ako sa inyong mga itatanong sa akin. Baka eksaheradang mga katanungan yan." Sagot ko at umayos na ako ng upo.

"Well vice, medyo eksaherada nga ang mga tanong ko sayo. Idederekta ko na ang tanong. Vice, hiwalay na nga ba kayo ni Karylle after ng ilang taon?" tito boy. Ngumiti ako sa kaniya. Gustong gusto ko sagutin, pero nauuna na yung luha ko na tumulo. Pinipigilan ko lang.

" Yes tito boy. We got separated a week ago. Maayos kaming nag usap na mag hihiwalay na kami. " tanging sagot ko habang tumatango ako sa kaniya. Nakita ko rin ang pagkabigla ng mga audience sa revelation ko.

"What happened to the both of you? Pwede mo bang ishare sa amin? So no more vicerylle na ba?"

"Mayroon, mayroong vicerylle. We are friends, okay kami ni karylle. Makikita nyo kaming magkasama sa showtime habang nag uusap. The reason kung bakit kami nag hiwalay is nag simula yon ng depressed siya because we lost our first baby." Napansin ko rin na napanganga si tito boy dahil sa sagot ko.

I chuckled a bit," Yeah. Mayroon kaming first baby pero nakunan sya. It's because of too much stress because of me. Lagi kasi akong wala sa bahay. Hindi ko na sasabihin kung saan ako pumupunta pero na sstress sya sakin.. Doon nag simula yon. Hindi na kami masyado nag uusap. Nakatira kami sa iisang bahay pero wala na akong pakialam sa kaniya. I fell out of love. Hindi ko alam ang eksaktong rason kung bakit. Basta one time gumising na lang ako, wala na akong nararamdaman sa kaniya.. "

Aakuin ko na lang yung sakit. Babaliktarin ko ang sitwasyon. I want to protect her, ayaw kong ibabash sya ng ibang tao. Pwedeng ako na lang eh, wag lang siya. Ayokong makita siyang umiyak dahil sa mga bashers. Ako sanay ako sa ganito. Pinapasok ko na nga siya sa mundo ko na magulo kaya it's my way para mapalabas ko siya sa mundo ko.

"Ayoko naman siya makitang umiyak dahil sa mga ginawa ko. Kaya sabi ko mag fifile na lang ako ng divorce para hindi na siya masaktan sakin. Kase kung patuloy kaming magsasama at nag sisisihan lang din naman, mas okay ng mag hiwalay kami. Mahirap ng ayusin ang isang bagay na may sira na, kase alam mo anytime matitibag na eh. "

"How are you now?"

"I am fine tito boy. I am okay, and she's fine also. She's happy. I can see that she's happy everyday." ngumiti ako at tuluyan ng pumatak ang luha ko.

"Sorry, I am emotional. Isang linggo pa lang kaming hiwalay, sariwang sariwa ang sakit. Hahahahah sorry sorry. But I am okay. Ako na nga itong nawala ang pagmamahal sa kaniya." pinunasan ko na ang luha ko at tumingin na muli kay tito boy.

"Second chance. Hindi nyo ba sinubukan ang second chance?"

"Tito boy, we did that. But hindi nag work. Wala na akong nararamdaman eh. Lagi ko na lang siyang sisigawan kapag ganoon, lagi ko siyang aawayin. Mas hindi kami magkakaintindihan." Paliwanag ko.

I roam my eyes and I saw some of audiences are crying. Maging ang iba naming fans umiiyak na rin.

"Kahit naman nangyari yon, may vicerylle pa rin. Makikita nyo kaming okay na dalawa."






After my interview with tito boy, umuwi na ako agad sa bahay ko. Sa sarili kong bagong bahay. Nakita ko ang isang sasakyan na familiar sa akin at kilala ko kung sino may ari noon.

Pagkapasok ko, nakita ko siyang naka upo sa couch at nililibot ang tingin nya sa salas ng bahay ko.

"Hi, vicey." bati niya sa akin ng naka ngiti. Ngumiti ako sa kaniya pabalik, hanggang sa sinalubong na nya ako ng yakap.

"Thank you for doing that kahit hindi naman dapat akong pag takpan. But you did. I am sorry. I'm still sorry for doing that to you, nag sisisi pa rin ako vice.." Karylle.

Yumakap ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo.

"Don't regret it. Okay ka na oh. Ayos lang ako, atleast masaya ka kasama siya. Diba sabi ko sayo, huwag mo na ako alalahanin. Ikaw ha, baka ma fall ka na naman delikado na yan girl." pag bibiro ko sa kaniya bago ko siya yakapin ng mahigpit.

"You're going to rest?"

"Yes. But since you are here, pwede naman tayo mag kwentuhan."

"Mmm no. Uuwi na rin ako. You should rest. Thank you vicey, I owe you a lot."

Hinalikan nya ako sa pisngi bago na siya lumabas ng bahay ko.

Now, another night to cry.  Para lunurin ko na naman ang sarili ko sa alak, at para maging malungkot na naman ako.

Tinignan ko yung wedding ring ko na nakasuot pa rin sa daliri ko. Mahal pa rin talaga kita, Karylle. Pero alam kong sa kaniya ka sasaya kaya ipapaubaya na kita.














A/N:
HI! dedicated to lil sis, glori. Thank you for your support! Thanks for the idea. Ang haba ng update na ito hahaha sorry if hindi pasok sa expectation mo.
To my readers, you can follow me on twitter @AKdncjlnn. Thank u!
I need feedbacks! Hahahaha comment please.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 280 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
1.7K 102 6
This is a compilation of One Shot AU's nang GaWong Madadagdagan lamang po ito sa tuwing magkakaroon si Author nang mga WHAT IF's para sa GaWong
963K 17.2K 49
⚠️⚠️⚠️SPG content ⚠️⚠️⚠️ You've been warned 🙊 Recently became a fan of Jedean and they inspired me to write my first story ever. Please bear with me...
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...