Immortal' Sins |Immortal Seri...

By charmaineglorymae

392K 44.4K 13.2K

|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lie... More

Immortal' Sins
Prologue
Sins 🔸 1
Sins 🔸 2
Sins 🔸 3
Sins 🔸 4
Sins 🔸 5
Sins 🔸 6
Sins 🔸 7
Sins 🔸 8
Sins 🔸 9
Sins 🔸 10
Sins 🔸 11
Sins 🔸 12
Sins 🔸 13
Sins 🔸 14
Sins 🔸 15
Sins 🔸 16
Sins 🔸 17
Sins 🔸 18
Sins 🔸 19
Sins 🔸 20
Sins 🔸 22
Sins 🔸 23
Sins 🔸 24
Sins 🔸 25
Sins 🔸 26
Sins 🔸 27
Sins 🔸 28
Sins 🔸 29
Sins 🔸 30
Sins 🔸 31
Sins 🔸 32
Sins 🔸 33
Sins 🔸 34
Sins 🔸 35
Sins 🔸 36
Sins 🔸 37
Sins 🔸 38
Sins 🔸 39
Sins 🔸 40
Sins 🔸 41
Sins 🔸 42
Sins 🔸 43
Sins 🔸 44
Sins 🔸 45
Sins 🔸 46
Sins 🔸 47
Sins 🔸 48
Sins 🔸 49
Sins 🔸 50
Epilogue
Note

Sins 🔸 21

6.2K 797 199
By charmaineglorymae

Alessia's POV

NAGISING na lamang ako dahil sa kakaibang ingay. Napakunot ang noo ko dahil sa malalakas na putok at medyo yumayanig ang lupa. Agad na hinanap ko si Stefano at nakita ko naman siya na nakatayo pa rin sa dating pwesto pero medyo nakakunot noo na ito. Mukhang nababahala ito sa nangyayari sa labas lalo na at wala si Elijah.

"Kailan nagsimula ang atake?" Agad na tanong ko at si Sushi naman ngayon ay nasa sahig na nakatayo ngunit tuta pa rin ito. Nakatingin lang ito sa bakal na pintuan na tila may hinihintay. Alerto ito, lalo na at naririnig nito ang kagulohan sa labas.

"Around 10 minutes already, milady." Sagot niya sa akin. Binalewala ko na lang ang pagtawag niya sa akin ng milady kahit gusto ko siyang pandilatan.

Napatingin naman ako sa dako ni Natalia na ngayon ay napansin ko na tulog na tulog. Ang tagapagsilbe na si Aliyah naman ay inaantok habang nakatayo. Itinuon ko ang tingin ko sa sahig at pinakinggan ang ingay sa labas.

Sampung minuto na ang nakakaraan na nagsimula ang pag-atake. Maingay sa labas at hindi ko alam kung magtatagumpay ba sa pagdepensa ang mga kawal. Naalala ko na mas malakas ang mga demon ngayon sa gabing ito dahil bagong buwan.

Bigla naman humarap sa akin si Stefano. "Milady..." magalang na saad niya sa akin na pakiramdam ko naman ay binubuwiset niya lang ako sa pagtawag sa akin ng mga katagang iyon. "Kunin niyo ito." At iniumang niya sa akin ang isang may kaliitan na espada—o espada ba talaga ang tawag dito. Parang kalahati ito ng taas ng espada. Nagtataka naman akong tinanggap iyon.

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya na nagtataka. Medyo inaantok pa ako kaya hindi ako masyadong makapag-isip ng maayos.

"Ulamin mo kung sakaling gutom ka." Seryosong sagot sa akin ni Stefano at sa inis ko sa sagot niya ay muntik ko ng isaksak sa kanya ang patalim na binigay niya sa akin. Tumawa naman si Stefano. "Nagbibiro lang naman ako, Milady. Kakailanganin mo iyan kung sakaling may kalaban. Pero nag-aalala ako dahil wala ka pang karanasan sa paggamit ng espada. Maliit yan binigay ko sayo dahil hindi mo kakayanin ang malaki." Paliwanag naman niya sa akin at napakamot ito sa batok.

May karanasan naman ako, gayon nga lang ay pekeng espada iyon na itinuro sa akin ni lolo. Hindi iyon tunay kaya magaan lang iyon at madali kong natutunan. Pero ibang usapan ang totoong espada dahil mabigat iyon dahil gawa ito sa solidong bakal pati na ang hawakan at balute nito. Hahawakan mo pa lang ito ay mahirap na. Kaya miminsan lang ang mga babaeng mandirigma dahil iilan lang din ang hindi maarte at mas gusto ang mga mabibigat na bagay.

Ang ibinigay niya sa akin ay hindi masyadong mabigat, sakto lang. Hindi man kasing gaan ng nakasanayan ko ay kaya ko pa rin ito. Itinuon ko naman ang aking tingin kay Stefano.

"Makikipaglaban ba ako sa labas?" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay parang nabagok ang ulo ko at naging bobo dahil sa tanong na iyon. Paanong hahayaan niya akong makipaglaban sa labas? Kaya nga nandito na ako sa tagong silid na ito. Gusto ko na talagang batukan ang sarili ko dahil sa tanong na iyon. "Ah, wag mo ng sagutin. It's a stupid question."

Bumuntong hininga naman si Stefano bago nagsalita. "Just use this in case of emergency. I cannot stay here with you, I need to help the sentinels. You'll be safe here." Habilin sa akin ni Stefano at tumingin naman ito sa likuran ko kung saan ay nakatayo si Estrebelle.

Tumango naman ako sa kanya. "Mag-ingat ka. Mumultohin kita paghindi ka nakabalik ng buhay." Simangot ko sa kanya at bigla naman ginulo ni Stefano ang buhok ko. Ngayon na lang niya ulit ito ginawa kaya bigla akong kinabahan dahil parang nagpapaalam na ito sa kanyang mga huling sandali. Ngunit inalis ko naman iyon sa isipan ko.

"Stupid. Ganyan ba katindi ang pag-aalala mo sa akin at ikaw na buhay ang mumulto sa patay? Tsk, Ales ayokong mamatay sa kamay ng hari pag nalaman niya ito." Pailing iling na saad nito na tila kay laki ng problema niyang kakaharapin.

Alam ko na posible na magselos na naman si Elijah dahil dito kung malalaman niya ito. Kahit maliit na bagay ay pinagseselosan ni Elijah kaya posible ang sinabi ni Stefano.

"Wag kang mag-aalala, ako ang papatay sayo kung mangyayari man yun." Napapailing na tugon ko sa kanya. "Umalis ka na dahil baka kung ano na ang nangyayari sa labas." Taboy ko naman sa kanya at ngumiti dito. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag lumabas, ngunit alam ko na reaponsibilidad niya ito habang wala ang hari.

"Pakabait ka dito." Saad nito tsaka sumulyap ito kay Natalia na ngayon at tulog pa din sa sofa bed.

"Hhmm.." Tugon ko sa kanya at umalis na si Stefano. Naiwan kami doon, tahimik at may mangilan-ngilan na pagsabog ang naririnig ko.

Napansin ko naman si Sushi na alerto. Base sa ikinikilos niya ay hindi ito simpleng pangyayari. Something is happening but he's not saying anything. Biglang umungol naman si Sushi at umalulong ito. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. Patuloy ito sa pag-alulong walang tigil na naging dahilan para magising si Natalia.

"Can't you make that mutt shut up?!" Biglang asik ni Natalia at ngayon naman ay nanlilisik itong tiningnan ako. Galit ito dahil na-istorbo ang tulog nito dahil sa alulong ni Sushi. Hindi tumigil si Sushi kahit nagalit na si Natalia. Patuloy ito sa pag-alulong na tila nagtatawag ng mga kaluluwa.

"I'm sorry your highness. Because of the attack outside, it's making him uncomfortable." Paliwanag ko naman sa kanya na kahit ako ay hindi sigurado kung iyon nga ang totoo. Sushi is more like calling some random spirits.

"Stand up!" Asik ni Natalia sa akin at doon napatigil si Sushi sa pag-alulong. Napalingon ito kay Natalia.

Nagugulohan man ako sa gusto niyang mangyari ay tumayo ako. Naalarma din si Estrebelle ngunit hindi nito magawang sumagot dahil na rin kay Natalia at kanyang estado.

"Stand in front of that wall." Utos nito sa akin at itinuro ni Natalia kung saan ako tatayo.

What? Face the wall ba ito? Kunot noong sumunod ako sa kanyang gusto. This is just simply facing the wall, a punishment for kids. Tumayo ako at nakaharap ako sa dingding na bakante at wala man lang nakasabit doon na kahit isang larawan.

Lumapit naman sa akin si Aliyah. Napapansin ko na masyado siyang malapit sa akin kaya biglang nakaramdam ako ng pagdududa. Ngunit bago ko pa mahulaan ang mga susunod na mangyayari ay naunahan na ako ni Natalia. She smiles menacingly like a devil taken over her body.

"Push her." She said coldly while eyeing me like death is hunting me.

Without any passing seconds, I felt the forceful push from Aliyah hands that made me close my eyes before hitting the wall. I expected a painful crash in the wall. A few bruises will surely appear on my body. But suddenly, I felt the wall turned into liquid, far from my expectation. I opened my eyes to see what's happening, I saw the raging snow, the roof and the lower ground who's hundreds feet below. I am temporarily suspended in mid air and some strands of almost invisible threads are slowly disappearing. I panicked and my fear of heights strike me like a battle sword wringing my internal organs, giving me a churning feeling. Before I even know it, my body started to fall down mercilessly.

Bago ko pa magawang sumigaw ay biglang may sumalo naman sa akin ng mabilis. Bumagsak ako sa isang mabalahibong bagay. Agad kong napagtanto iyon na si Sushi ito na naging malaki na at nasa likod niya ako. Agad akong kumapit sa kanya at mabilis na tumalon si Sushi sa bubong ng palasyo pababa hanggang sa lumapag na kami sa lupa ng walang gasgas.

Hiningal ako dahil sa gulat at trauma na hatid sa akin ng muntikan ng kamatayan ko. Hindi ko inasahan na magagawa iyon ni Natalia sa akin. I know she's not a good person but I never thought that she can kill me without batting an eye lashes.

Tila namuo ang galit sa dibdib ko. This is frustrated homicide. I need to think of something, something that can make her pay her deeds. Ngunit bago ako makapag-isip ay may dumating na isang malaking gagamba patungo sa akin. Pula ang mga mata nito at biglang tinapunan kami ng malaki at malagkit na sapot.

Mabilis na umilag si Sushi kaya dumikit ang sapot nito sa lupa. Sa pagkakaalala ko, ang mga gagambang ito ay nakikita sa Eleftheria. Naalala ko na iniiwasan ito ni Sushi noon unang pumasok kami sa Eleftheria. Paano sila nakarating dito? Hindi naman nila kami inatake doon, pero bakit ngayon?

"Sushi, what's happening?" Hindi ko mapigilang tanong kay Sushi. Hindi kaagad ito sumagot na tila mag-iisip.

It's the riseth of the demons. I'll protecteth thee, mine own mistress.

Sagot niya at hindi na muli itong nagsalita. Ibinaba ako ni Sushi mula sa likuran niya at mabilis niyang inatake ang higanteng gagamba. Tumalon si Sushi at walang kahirap hirap na pumatong ito sa ibabaw ng ulo ng gagamba at bastang kinagat nito ang ulo hanggang sa maputol iyon at bumagsak ang higanteng gagamba.

Halos hindi ko naman maisara ang aking bibig dahil sa paghanga. Sushi deserves to be the Alpha of Necromancers. His power is too strong that even gigantic beast doesn't stand a chance against him.

Bigla naman may paniki na lumipad patungo sa akin, ngunit ang paniking ito ay halos kasing laki ng tao at mapupula ang mga mata. Mabilis ang galaw nito at alam kong hindi iyon maaabutan ni Sushi kaya mabilis ko naman kinuha ang ibinigay ni Stefano sa akin na maliit na espada at mabilis akong gumalaw sabay sa pagsalubong ko dito at lumikha ng matalas na ingay ang paghiwa ko sa paniki na agad nitong ikinabagsak sa lupa.

Both demons are slowly turning into black ashes as a sign of their complete death, not having a chance of revival. Napatingin naman si Sushi sa akin, mukhang hindi niya inasahan na marunong akong gumamit ng espada. Hindi ko naman nabanggit sa kanila na kahit papaano ay may alam ako, hindi nga lang yung malalaking espada.

Ngunit hindi na nagsalita si Sushi. Naglakad na si Sushi at sumunod naman ako sa kanya. Mukhang may tiwala na si Sushi sa akin na kaya kong protektahan ang sarili ko. Umaasa din naman ako na ililigtas niya ako kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Lahat ng mga nakakasalubong namin na mga demons ay hindi nakakalagpas kay Sushi. Ni wala na akong ginawa kundi ang maglakad sa kanyang likuran at tagahanga habang may napapatay siya na demon.

Kung mas malakas naman sa kanya ang demon ay simpleng kinakain lang niya ang kaluluwa nito at namamatay na kaagad ito. Isa lang ang masasabi ko, nagpapasalamat ako na hindi namin kalaban si Sushi, dahil baka maubos kaming lahat kung nagkataon man.

May mga mangilan ngilan din demons na naliligaw at nakakalapit sa akin, ngunit hindi ko naman hinayaan na mahawakan nila ako. Agad na mabilis kong sinasaksak ang kanilang puso na siyang sentro ng kanilang buhay at kamatayan ang naghihintay kung tatamaan iyon.

There are blood stain on my clothes. They are dark green, but they are not harming me. Unti-unti akong nasasanay sa pagkikipaglaban dahil na rin sa suporta ni Sushi. He's always looking at my back, covering the blindspots.

Hindi ako ganoon kagaling makipaglaban, pero nagmumukha akong magaling dahil kay Sushi. Kung wala si Sushi ay baka kanina pa ako namatay dahil sigurado akong uunahan na ako ng takot kaysa lakas ng loob.

A raging demon coming my way so I spin to my quickest movement and released a powerful blow striking it's heart. Tumalsik ang dugo nito at bumagsak ito sa lupa.

Dinig na dinig ko ang ingay, ang malakas na mga sigawan ng mga kawal at sentinel. Kalansingan ng mga bakal at mga iyak ng mga demons. Biglang may nakakita naman sa akin na isang sentinel. Ngayon lang nila ako napansin dahil abala sila sa pakikipaglaban.

"Lady Alessia?!" Gulat na turan nito kaya napalingon naman ang iba.

"DON'T LOOK AT ME! LOOK AT THE ENEMIES!" Galit na sigaw ko sa kanila dahil tila nakalimutan nila na nasa kalagitnaan sila ng digmaan.

Mabilis naman silang sumunod kahit nagulat dahil hindi nila inasahan na makikita nila ako dito. Tumulong ako sa pakikipaglaban. I strike a powerful kick that hit the neck of the demon that made it staggered. Agad ko naman pinagsamantalhan ang pagkakataon na iyon at mabilis kong hiniwa ang leeg nito at sinaksak ito sa puso. The black human like demon fell on the ground and slowly turned into black fragments. The smell of demons stench in the air is so thick. Nakaramdam na ako ng pagod at sa nakikita ko sa mga sentinels ay nahihirapan na din sila. Hindi na nagiging maganda ang nakikita ko lalo na at imbes na umunti ang mga demons, nagiging mas marami ito. Kaya napatingin ako kay Sushi.

"Sushi, kill them all. All demons will die." Matigas na utos ko kay Sushi. I have a strange look in every demon and I wanted to exterminate them all at once.

Agad na sinunod ni Sushi ang kautusan ko. Nakatayo ako at hindi na gumalaw. Biglang lumiwanag ang buong paligid ng palasyo nang nagsimulang magsilabasan ang mga kaluluwa ng mga demons na ngayon ay hinihigup ni Sushi.

Hundreds...no thousands of spirits are rising all over Sennone going to only one direction. Coming to the direction of the powerful necromancer who's know howling and calling the souls. Napanganga na lang ako dahil hindi ko inasahan na kayang kainin ni Sushi ang lahat ng kaluluwa sa isang subukan lang. the spirits turned into a ball of light, it was compressed into a tiny black sphere contains of pure energy and Sushi swallowed it like it's just a candy.

Bumagsak ang lahat ng demon at lumipad ang mga alikabok. Biglang maghiyawan ang lahat ng mga sentinels at mga kawal ng Mythion dahil sa biglaang tagumpay na natamo. This will be the first victory against demon without Elijah. I will remember this.

Tuwang tuwa ang mga sentinels na nagsilapitan sila kay Sushi ngunit hindi naman sila makalapit masyado dahil may takot pa rin sila kay Sushi. He is a necromancer after all. Kaya tumakbo naman ako at lumapit kay Sushi at niyakap siya. His black fur is soft as I hug him.

"You're amazing." Bati ko kay Sushi. Ngayon ko lang nakita si Sushi na ganito makipaglaban. He's totally deadly.

It wast thee who is't commanded, mine own mistress. Without thy commandeth, I cannot function.

Hindi ko alam kung mapagkumbaba lang talaga si Sushi kaya sinasabi niya ito. How can it all be me, when it is not even my power? It was his ability, not mine to take credits.

Hindi na ako tumugon sa sinabi ni Sushi. Bumalik na rin siya sa pagiging maliit niya at dumating naman si Stefano na hindi maipinta ang mukha.

"Ales, I am happy that you helped. But putting yourself in danger will put us ourselves right in a guillotine." Hindi makapagdesisyon si Stefano kung babatiin ba niya ako o pagagalitan. Ang mukha niya ay hindi maipinta lalo na at maraming kulay berdeng dugo ang nakakapit sa akin.

Bumuntong hininga naman ako. "Hindi ko naman gustong lumabas. Ngunit itinulak ako ng reyna palabas na muntik ko ng ikamatay kung hindi ako sinundan ni Sushi." Sagot ko naman sa kanya. Gusto ko rin ipaliwanag ang sarili ko kung bakit ako napunta dito. Hindi ko naman sinadya na baliin ang kanyang habilin.

Kumunot ang noo ni Stefano. Pati ang ibang sentinels ay nagbulungan dahil sa sinabi ko.

"Ano? Itinulak ka niya? Paano ka nakarating dito?" Nagtatakang tanong sa akin ni Stefano.

"Hindi ko rin alam. Basta pinatayo niya ako kaharap ang isang dingding at bigla na lang akong itinulak. It was like a portal, I found myself outside the highest tower in the palace falling. Sinagip ako ni Sushi at dito kami lumapag." Paliwanag ko sa kanya ulit at tumalim ang aking tingin. "This is frustrated homicide, Stefano. Even she's the queen, she must pay for her sins." Matigas na saad ko at determinado akong bigyan ng hustiya ang muntikan ko ng pagkamatay kani-kanina lang.

©️charmaineglorymae

Continue Reading

You'll Also Like

285K 9.3K 52
Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected. She predicts your death and you can't d...
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...