My Husband's Brother

De Kuya_Soju

469K 6.5K 517

[R-18] Ipinaglaban nina Ysabella at Fernan ang kanilang pagmamahalan at tila naging kapalit niyon ay ang pagk... Mais

Teaser
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15

KABANATA 04

30K 422 18
De Kuya_Soju

KABANATA 04

MABILIS na lumipas ang mga araw at unti-unti nang nasasanay si Ysabella sa buhay niya sa probinsiya. Gumigising siya ng maaga dahil siya na ang nagluluto ng kanilang almusal bilang siya ang babae sa bahay. Isa sa mga ikinatutuwa ni Ysabella ay mas nakilala niya si Fernan dahil nasa iisang bahay na lamang sila. Sweet ito at ugaling bigyan siya ng putting rosas araw-araw na hinihingi nito sa kanilang kapitbahay. Bago naman siya matulog ay palagi siya nitong binibigyan ng sariwang gatas ng baka para daw maganda ang kanyang maging pagtulog.

Halos gabi-gabi rin kung sila ay magtalik na dalawa. Tila palagi silang sabik sa isa't isa at kapag minsan pa nga'y siya pa ang mismong nangangalabit dito. At tila siya pa ang mas agresibo kesa sa lalaki. Kahit nga siya ay nagugulat sa kanyang sarili sa mga nagagawa niya kapag sila ay nagtatalik ni Fernan.

Paminsan-minsan ay sumasama na rin si Fernan kay Mikael sa dagat upang mangisda. Nahihiya rin naman ang kanyang nobyo na wala itong trabaho habang nakatira sila doon. Alam din naman ni Ysabella na kaya ginagawa iyon ng nobyo ay upang mapunan nito ang mga taon na hindi nito nakasama ang kapatid. Bigla tuloy siyang nangulila sa kanyang dalawang kapatid na sina Bettina at Desiree. Close din kasi silang tatlo dahil puro sila mga babae.

Hanggang sa sumapit na nga ang pinakahihintay na araw nina Ysabella at Fernan - ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Lahat ay naihanda nila sa takdang panahon kahit na hindi ganoon kalaki ang perang naipon ni Fernan para doon.

"Oh, bakit nakatulala ka diyan?" tanong sa kanya ni Fernan nang mapansin nitong nakatulala lang siya sa harap ng salamin.

Isang simpleng kasalan lamang ang inihanda nila. Sa munisipyo ng lugar ng Plaridel, Quezon sila ikakasal ng mayor. Tanging kulay putting bestida ang suot niya ngunit lalo niyong pinatingkad ang kanyang simpleng ganda. Hindi rin makapal ang make-up na inilagay niya sa kanyang mukha. At hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang tuwid at itim na buhok na hanggang balikat niya ang haba.

Ngumiti si Ysabella. "Wala... Naalala ko lang sina nanay. Mas masaya siguro kung 'andito sila, Fernan. Alam mo naman na pangarap ko dati pa na kapag ikinasal ako ay masasaksihan iyon ng buong pamilya ko."

Iginiya siya ni Fernan sa pagtayo at niyakap siya nito. "Patawari mo ako, Ysabella, kung hindi mangyayari iyon."

"'Wag kang humingi ng tawad. Wala kang kasalanan, ano ka ba?"

"O siya, tama na ang drama at pinuntahan lang kita dito para sabihin na 'andiyan na iyong tricycle na maghahatid sa atin sa munisipyo."

"Ah, ganoon ba? Eh 'di, tara na!" yakag niya.

"Teka, sandali."

"Bakit?"

"Mahal na mahal kita, Ysabella... Kahit anong mangyari ay hinding-hindi kita iiwanan!"

"Akala ko ba tama na ang drama?" biro niya. "Mahal na mahal din kita, Fernan!" buong pusong tugon ni Ysabella sa mapapangasawa.

"Ipinapangako ko na kahit ang kamatayan ay hindi tayo mapaghihiwalay..."

Nakaramdam si Ysabella sa sinabing iyon ng mapapangasawa. Oo, madalas nitong sabihin iyon sa kanya, ngunit iba ngayon. Para kasing nagpapaalam ito sa tono ng pananalita nito.

"A-ano ka ba naman, Fernan? 'Wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Kasal natin ngayon... K-kinakabahan lalo ako, eh."

Hindi na nagsalita pa si Fernan. Bagkus ay niyakap na lang siya nito at isiniksik sa mainit nitong katawan.

-----***-----

MATIWASAY na natapos ang kasal ni Ysabella kay Fernan. Napakasaya niya sapagkat nakatali na sila nang tuluyan sa isa't isa. Bagaman at hindi sa simbahan sila ikinasal ay nagpapasalamat na rin siya. Ipinangako naman sa kanya ni Fernan na oras na makaipon ito ay sa dambana na ng Diyos sila haharap upang magpalitan muli ng pangako nila para sa habangbuhay.

Sa harapan ng bahay nina Fernan ginanap ang maliit na salo-salo. Wala man kakilala si Ysabella sa mga bisita nila ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga ito sa kanya.

At nang sumapit na ang gabi, nang mapag-isa na sila ni Fernan sa kanilang kwarto ay niyakap siya nito sa kanyang likod habang nagpapalit siya ng damit.

"Magpapalit ka pa ng damit? 'Wag na, Ysabella... Huhubarin ko rin naman iyan ngayon, eh." Napangiti si Ysabella sa sinabi ni Fernan na ngayon ay asawa na niya.

Humarap siya dito at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat nito. "Ikaw talaga! At bakit mo naman ako huhubaran, ha?"

"Alam mo na. Pa-inosente ka pa talaga."

"Eh 'di, simulan na natin..." ani Ysabella sa nang-aakit na tinig.

Nang sabihin niya iyon ay sinimulan na siyang halikan ni Fernan sa kanyang mga labi. Napakabilis niyang mag-init kapag alam niyang aangkinin na siya ni Fernan. Gumanti siya sa halik nito. Nakipagtagisan ang dila niya sa dila ng lalaki.

Maya maya nga ay inihiga na siya nito sa papag at ilang sandali pa ay maririnig sa apat na sulok ng silid na iyon ang ungol nilang dalawa.

-----***-----

PAG-GISING ni Ysabella kinabukasan ay wala sa tabi niya si Fernan. Kaya naman kahit medyo inaantok pa ay bumangon na siya. Nakita niya sa bintana na maliwanag na.

Awtomatiko na sinulyapan niya ang orasan na nasa dingding at nalaman niya na alas-diyes na pala ng umaga. Ganoon siya katagal nakatulog? Paano ba naman ay parang wala nang bukas na nagtalik sila kagabi ni Fernan. Hindi na nga niya mabilang kung nakailan sila. Kagabi lang din niya nalaman na malakas pala ang resistensiya niya sa pakikipagniig dahil halos umayaw na si Fernan ngunit siya ay gusto pa rin.

Lumabas siya ng silid na iyon at nagtungo sa kusina. Nagmumog at naghilamos siya ng mukha sa lababo.

May nakita siyang pagkain na may takip sa hapag-kainan. Nang alisin niya ang takip ay meron doon na sinangag at kaldereta. Sigurado siya na iyon ay tira sa handa sa kasal nila kahapon.

Dahil sa nagugutom na ay hindi muna inintindi ni Ysabella kung nasaan si Fernan at kumain muna siya. Nagtimpla na rin siya ng kape. Matapos iyon ay hinugasan na niya ang pinagkainan.

Naisip niya na baka lumabas ng bahay si Fernan kaya naman nagtungo siya sa labas. Sumalubong sa kanya ang napakagandang tanawin. Malawak na dalampasigan at asul na dagat.

'Napakagandang mabuhay sa ganitong lugar. Para kang nasa paraiso...' Naisip ni Ysabella habang pinupuno ng sariwang hangin ang kanyang dibdib.

Hindi pa man siya nagtatagal sa labas nang may makita siyang bangka na dumaong sa dalampasigan. At napangiti ang babae nang malaman niya na sina Fernan at Mikael ang sakay niyon. Agad naman siyang sumalubong sa dalawa na pinagtutulungang buhatin ang isang medyo malaking timba.

Sinalubong niya ng mabilis na halik sa labi si Fernan. "Akala ko kung nasaan ka, eh. Iyon pala ay sumama ka kay Mikael na mangisda."

"Pasensiya ka na, Ysabella. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod na pagod ka," kumindat pa ito sa kanya.

Biglang namula ang pisngi ni Ysabella. Medyo napahiya siya dahil naririnig ng kapatid ni Fernan ang usapan nila.

"Tara na nga sa loob." yaya niya.

Inakbayan naman siya nito habang naglalakad sila. "Alam mo ba, Ysabella, ang dami naming nahuling isda ni Mikael! Ikaw 'ata ang swerte sa amin, eh."

"Bakit naman ako?"

"Tama si kuya, Ysabella. Maganda ang huli namin ngayon," sabat naman ni Mikael. Nasa loob na sila ng bahay. "Malaki-laki ang kikitain natin sa mga isdang iyan. May pang-ulam pa tayo mamaya. Ikaw nga yata ang swerte."

"Naku, kayong magkapatid, ha! Tigilan niyo na ang pambobola sa akin. Masipag lang talaga kayo kaya marami kayong nahuling isda," aniya. At tiningnan niya ang laman ng timba. "Ang lalaki naman ng mga isda. Gusto niyo bang mag-sinigang tayo para sa pananghalian?"

Pumayag naman ang dalawa sa gusto niya.

-----***-----

LUMIPAS pa ang ilang araw at unti-unting nasanay na si Ysabella sa buhay niya sa probinsiya ng Quezon kasama si Fernan. Sanay na siya na gumigising ng maaga para asikasuhin ang asawa bago ito mangisda kasama si Mikael.

Ngunit kahit medyo matagal na niyang nakakasama ang kapatid ni Fernan ay bahagya pa rin siyang naiilang dito. Naaalala pa rin niya iyong gabi na nalasing ito at pasukin siya sa kwarto. Minsan nga ay nangangamba siya na baka maulit ang pangyayaring iyon. Paano kung hindi lang iyon ang gawin sa kanya ni Mikael?

"Oh, Fernan, gisingin mo na si Mikael. Handa na ang almusal niyo," ani Ysabella sa asawa nang lumabas na ito ng kwarto nila.

"Ginising ko na siya pero hindi siya makakasama sa pangingisda ngayon."

"Ha? Bakit?"

"Nilalagnat. Sabi ko ay magpahinga na lang muna siya ngayon. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, ha, Ysabella. Minsan lang kasi dapuan 'yon ng sakit kaya lambutin kapag may sakit."

"S-sige..." may alinlangan na sagot ni Ysabella.

-----***-----

NANG makaalis na si Fernan para mangisda ay nagpa-apoy ulit si Ysabella sa kalan upang ipagluto ng lugaw si Mikael. Habang nakasalang ang kaldero ay nagtungo siya sa may tindahan sa malapit. Mabuti na lang at may tinda doon na Paracetamol. Bumili siya ng lima at bumalik na ulit sa bahay.

Kumukulo na ang lugaw pagbalik niya. Habang hinihintay niya na tuluyang maluto ang lugaw ay nakatuwaan muna niyang tingnan ang photo albums na nasa salas. Puro picture ni Mikael ang naroon at may mangilan-ngilan na picture din naman si Fernan.

Maya maya pa ay naluto na ang lugaw.

Nagtungo siya sa kwarto ni Mikael na dala ang isang mangkok ng lugaw at ang gamot nito.

"Mikael, kumain ka na..." Naabutan niya ang binata na nakabaluktot sa higaan nito at balot ng kumot.

"N-nilalamig ako..."

"Kaya nga mas makakabuti kung kakain ka nitong lugaw para pawisan ka. Iiwanan ko na ito dito, ha. May gamot ka na rin dito."

Inilapag na niya sa ibabaw ng upuan na naroon ang mangkok.

Akmang lalabas na siya nang tawagin siya ni Mikael. "Ah, Ysabella! Pwede mo ba kong subuan ng lugaw? N-nanghihina pa talaga ako."

Ayaw sana niyang sundin ang nais nito ngunit nakaramdam naman siya ng awa nag makita niya ang hitsura nito. Malamlam ang mga mata at talagang nanghihina. Huminga siya ng malalim at lumapit dito. Kinuha niya ulit ang mangkok.

"Sige, basta, ubusin mo ito, ha... Bumangon ka na diyan," aniya.

Inumpisahan na niya itong subuan. Naubos naman nito ang lugaw. Pinainom na niya ito ng gamot at nagpasalamat ito sa kanya. Dinama niya ang noo at leeg nito. Mainit pa rin iyon. Siguro ay makakabuti dito kung pupunasan niya ito para bumaba ang temperatura ng katawan nito.

"Ang taas ng lagnat mo! Napakainit kasi sa dagat tapos naligo ka agad kahapon," palatak niya. "Pupunasan kita para bumaba ang lagnat mo. Sandali lang."

Pagbalik niya ay may dala na siyang palanggana na may laman na malamig na tubig at bimpo. Nang umpisahan niyang punasan sa braso si Mikael ay tila nag-iba ang tingin niya sa binata. Mukha na ni Fernan ang nakikita niya dito! At bumalik sa alaala niya iyong gabi na lasing si Fernan at pinunasan niya ang katawan nito.

Hindi mawari ni Ysabella ngunit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init ng katawan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Binitiwan niya ang bimpo. Tumayo siya at lumayo kay Mikael.

"Ysabella, may problema ba?" nagtatakang tanong ni Mikael.

"W-wala! I-ikaw na lang ang magpunas sa sarili mo. M-may agagwin pa pala ako," nagkakanda-bulol na sabi niya.

Patakbo siyang lumabas ng silid na iyon at nagkulong sa banyo.

'Bakit ka biglang nakaramdam ng init kay Mikael, Ysabella? Hindi mo pwedeng maramdaman 'yon! Kapatid siya ng asawa mo!' Sigaw niya sa kanyang sarili habang sinasampal niya ang pisngi.

Kahit siya ay hindi masagot ang katanungan na iyon.

Pilit niyang iwinaglit ang init na nararamdaman niya hanggang ngayon. Ngunit habang ginagawa niya iyon ay mas lalong naglalagablab. Pakiramdam niya ay naiihi siya na hindi niya mawari.

Nang makita niya ang timba na may tubig ay ibinuhos niya iyon sa kanyang sarili. Wala pa ring silbi iyon dahil patuloy na naglalaro sa imahinasyon niya ang mukha ni Mikael. Ang mapula nitong labi... ang matipuno nitong katawan.

Halos mabaliw na si Ysabella. Hindi na niya kaya pa!

Ibinaba na niya ang suot na palda kasama ang kanyang pangloob. Inumpisahan niyang hawakan ang kanyang pagkababae sa paraang alam niyang masisiyahan siya habang iniisip niya na inaangkin siya ni Mikael-ang kapatid ng kanyang asawa!

ITUTULOY...

Continue lendo

Você também vai gostar

297K 6.7K 70
Hanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
10.7K 864 35
(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa naka...
338K 17.8K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...