Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.2K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

45th

20.4K 819 259
By zaaaxy

Desidido



"Cal, you meddled with my instagram again?" bungad ko sa kabilang linya.


Naghahanda na ko papasok sa trabaho nang mapansin kong andaming posted pictures sa stories ko mula sa trip namin sa Tagaytay kahapon when I clearly don't remember uploading even one.


"Hindi lang ako ah? Sila Davion din naman,"


Umikot ang mata ko. Halata nga! Tadtad iyon ng mga mukha nila. May mga videos pa! Puno na naman tuloy ng reactions mula sa fangirls nila ang inbox ko sa Ig.


"Ang pilosopo mo!"


"Nagpaalam kaya kami sayo," pa-inosente pang sabi niya.


"Hindi kaya! Wala 'kong maalalang nagsabi kayo,"


"Tss.. that's because you were asleep the whole time yesterday,"


"I wasn't!"


"Yeah you were awake for like an hour or two," sarkastikong aniya. "Only when we had to eat or walk."


Suminghap ako. Sus! Ginawa pang dahilan yung matinding antok ko kahapon. Eh gawain naman na talaga nila 'yon tuwing may lakad kami.


Binuksan ko muli ang sandamakmak na litrato at binura na lang ang iba. Ang dami kasi! Meron din sina Aysen. Pati ang pagtulog ko ay hindi pinalampas! May isa sa van at isa sa picnic grove. Nakatungo ako sa lamesa habang naka-pose si Elcid sa tabi ko. They all teamed up for this, I see.


I was shaking my head while deleting the chaotic ones. Tinira ko lamang ang group photos namin sa Sky Ranch.


Sino ba naman kasing hindi aantukin matapos ang nangyari nung isang gabi? Puyat na puyat ako bago ang byahe namin kahapon. Halos hindi ako nakatulog kakaisip. Nakaidlip man ay dahil lang sa pagod at alak.


"Cheka, ayoko na ayain ulit mag-inom si Engineer!" sumalampak si Chris sa bakanteng monoblock sa tent namin. "Mainit pala ulo niya pag may hangover!"


Kahit abala sa laptop ay nakiusyoso pa rin si Maricon. "Bakit? Anong ganap kahapon?"


"Basta! Badtrip siya buong araw! Swerte niyo nga wala kayo rito kahapon eh! Susme, sana pala nag-absent na lang din ako!"


Nanatili ang tingin ko sa binabasa. Hindi na nakisali pa sa usapan nila. Nagsisisi pa rin ako na hinayaan kong mangyari ang hindi dapat noong gabing iyon. No amount of alcohol can justify my actions. I should have been more responsible. Napasubo ako masyado sa pag-inom gayong hindi ko naman kayang kontrolin ang sarili ko paglasing.


Tuwing naiisip ko si Milli ay parang pinapatay ako ng konsensya ko. I shut my eyes close in frustration. She doesn't deserve this. I'm beyond remorseful. Hinding-hindi ko na hahayaang magkaroon pa ng anumang interaksyon sa pagitan namin ni Ali. Ang tamang gawin ay iwasan siya nang buong-buo. I feel like I'll repent for this my whole life.


"Sis, sa loob niyo na gawin 'yan!" aya samin ni Chris sa office. "Para naman may kausap kami ron! Ang tahimik eh,"


"Sige, tara! Init na rito eh," ani ni Maricon na agad nang sininop ang mga papel. "Ipapasok mo pa ba bag mo, Einj? Yung akin iwan ko na lang,"


"Uh.. dito na lang ako. Walang matitira dito sa tent eh. Baka may mawala," palusot ko.


"Ganun ba? Sige pabantay na lang din ng gamit ko ah? Sunod ka na lang samin pagbalik nila JJ,"


Tumango na lang ako kahit wala naman talagang planong pumasok sa makeshift office. No way. Nandoon si Ali. Hindi ako pupunta sa anumang lugar na malapit siya.


"Einj, tara lunch?" aya ni Clark nang makabalik ito sa tent.


"Sila Kenna raw?" tanong ko.


"Mamaya pa raw sila eh,"


Sa mall pa kami madalas nagpupunta para kumain ng tanghalian. Yun na kasi ang pinakamalapit.


"Mga 12:30 na siguro. Medyo tinatamad pa 'ko eh," desisyon ko.


He shrugged before sitting down in front of his set up at the other end of the long table.


"Sige, sabihan niyo na lang ako."


Tumango ako at binalik ang atensyon sa ginagawa. Akala ko'y matiwasay kong maiiwasan ang makatagpo si Ali ngayon. Ngunit tila ayaw makisama ng tadhana. Kinabahan ako nang matanaw ang paglabas niya sa makeshift office.


Sa gilid ng mata ko ay kitang papalapit siya rito sa direksyon ng tent. Tahimik akong napamura. May dala pa itong paper bag mula sa isang japanese restaurant. Bakit hindi na lang siya sa loob kumain?


Hahayaan ko na lang sana kung ang balak niya lang naman ay dito pumwesto habang naglalunch. Ngunit nang tahimik niyang hilahin ang upuan sa tabi ko ay naalarma na ako. Lalo pa noong isa-isa niyang ilabas ang pagkain na napagtanto kong hindi lang para sa isang tao.


Marahas akong napatayo at tumikhim.


"Clark, lika na pala. Bili na tayo,"


Hindi ko na tinapunan ng tingin ang katabi nang kunin ang phone at wallet bago giniya ang kasama.


"Huh? A-ah sige," pansin ko pa ang paghaba ng leeg niya sa naiwan sa lamesa habang inaaya ko na sya paalis doon.


I thought that was it. Akala ko'y matagumpay ko nang nalampasan ang matinding hamon ng araw na yun. Pero warm-up pa lang pala iyon.


"Oh, andun pa rin si Engineer?" sambit ni Clark habang naglalakad na kami pabalik sa site matapos kumain.


Bumagal ang mga hakbang ko nang matanaw ang tinutukoy niya. Nakumpirmang naroon pa nga sa tent ng production si Ali.


Marahil naramdaman niya ang mga pares ng matang nakatitig kaya't napalingon siya sa gawi namin. Napaayos ito ng upo, unti-unting umamo ang mata.


Napasinghap ako bago bumaling kay Clark.


"Sa office na 'ko didiretso," paalam ko. "Nandun sila Maricon."


"Ha? Oh sige.."


Hindi na ko muli pang lumingon sa tent nang tinahak ang papunta sa opisina. Phone lamang ang dala ko pero bahala na. May soft copy naman ako ng script na kailangan kong kabisaduhin.


Doble trabaho si Chris ngayon dahil wala si Majoy. Hindi rin tuloy siya makatambay sa longue kasama namin. Pumipintig ang dibdib ko sa tuwing bumubukas ang pinto. Hindi na lang lumilingon doon dahil baka kung sino ang pumasok.


Hanggang sa dumating na nga ang kinakatakutan ko. Ali just won't leave me in peace. Mabuti na lang ay nag-CR si Maricon nang dumating ito. Lumapit ba naman sa pwesto ko at maingat na naglapag ng inumin sa harap. Nagkunwari akong may tumatawag sakin sa phone at lumabas na ulit sa office.


Mabuti na lang ay kinailangan na rin naming mag-shoot kalaunan. Naging abala kami sa pag-film ng spiel ko kaya't kampante akong hindi magkukrus ang landas namin ni Alister. Smooth ang naging delivery at unang take pa lang ay nakuntento na si Kenna sa kinalabasan.


The only task left for us to do on that day is the interview with one of the laborers. Si Mang Arnel na isang mason ang maaga nang nakausap para roon.


Bago ang mismong take ay siniguro kong lapitan. Kinausap ko saglit habang may tinatapos pa itong trabaho sa ilalim ng sikat ng araw.


"Basta ganun lang po, tulad ng napagusapan natin. Wag po kayong kabahan. Hindi rin po kailangang maging sobrang pormal ng mga sagot ninyo. Parang kwentuhan lang po,"


Nabitin ang ngiti ko nang mapansing lumilim sa kinatatayuan ko. Tumingala ako at nakitang may payong na naka-tabing sakin. Napaawang ang labi ko habang binababa ang tingin sa kung sino ang may hawak non.


Walang sinabi si Ali ngunit marahang inilahad sakin ang payong. Hindi ko tinanggap. Bagkus, bumaling ako sa kausap.


"Yun lang naman po. Tatawagin na lang po kayo mamaya. Salamat,"


Nagpaalam na ako bago pumihit. Mabilis ang hakbang upang iwanan ang nasa tabi.


The interview with Mang Arnel also went out smoothly. He was well-briefed by our director and writer so he was prepared. Matatas din itong magsalita.


"Okay na no? Palit na kong damit," paalam ko kina Kenna matapos naming panoorin ang kuha.


Nagtungo ako sa office dala ang pang-bihis. Napahinga ako nang maluwag nang hindi makita roon si Ali. May isang empleyado lang akong naabutan na abala sa xerox machine.


Nandito ang pinaka-maayos na CR kaya't wala rin naman akong choice. Dito kami nagpapalit kapag kailangan. Naghugas na rin ako ng kamay pagkatapos. I briefly checked my face on the mirror before going out.


Bumagal lamang ang hakbang ko nang maabutan si Ali na nakaupo sa harap ng lamesa niya habang nakapako ang mata sa sahig.


Both his hands on his sides are pressed on the table. Nang maramdaman ang presensya ko ay umangat ang tingin niya. Nag-iwas ako. Ngayon ko lang din napansing wala na ang kaisa-isang empleyado rito kanina.


Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tuwid lamang ang tingin. Sa gilid ng mata ay kita ko ang pagtayo niya.


Nang dumaan ako sa harap niya at lampasan sya ay kumapit siya sa braso ko. Napapikit ako.


"You're avoiding me.." he croaked.


Fuck. His palm was warm but his voice was even more mellow.


"Get your hand off me." mariin ngunit kalmadong wika ko.


Hindi siya nakinig. Mas humigpit lamang ang hawak nya at ramdam ko ang pagsisikap niyang mapaharap ako sa kanya.


"Einj, mag-usap naman tayo.." nakakapanlambot ang tinig niya. "I just want us to talk,"


Humarap ako sa kanya ngunit halos pagsisihan ko yon. Seeing his expression right now was a wrong move. Agad na nanghina ang tuhod ko.


"Ali, naririnig mo ba ang sarili mo?" tinatagan ko ang boses at pinigilang manginig. "Tapos na tayo! Wala nang tayo! Kung ano man ang nangyari noong gabing yon.." lumunok ako. "Isang malaking pagkakamali–"


"Why?" putol niya sakin. "What makes it so wrong when both of us obviously wanted it to happen, Einj? Huh?" nabasag ang boses niya. "Tell me. Anong–"


"Dahil may ibang taong masasaktan, Ali!" my voice broke.


Si Milli! Tiyak na guguho ang mundo niya pag nalaman niya! Wala na kong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos ng nangyari.


Somehing flashed in his eyes. He looked away. Nanlambot ang kalamnan ko nang magtubig ang sulok ng mata niya. Namumula na iyon nang ibalik niya sakin ang tingin.


"There.. you said it," matabang na wika niya. "Ibang tao na naman. You always care too much for other people. You're too kind for your own good. Mas iniintindi mo pa sila kaysa sa sarili mo,"


My chest gradually tightened. Bakas ang pagpipigil niya sa nagbabadya sa mata. He can't stand my gaze for long.


"Minsan.. hindi ko maiwasang hilingin na sana.. sana.. ibang tao na lang ako.. Baka sakaling magkaroon ka ng pakialam sa nararamdaman ko. Baka sakaling pagbigyan mo naman ako. Baka sakaling ibigay mo naman ang gusto ko,"


Tila may pumipilipit sa sikmura ko habang nakikita ang pighati at paghihirap sa kanya.


"Kahit noon.. Parati mong inuuna ang iba tao kaysa satin. Kahit... nasasaktan na ko. Kahit ang hirap para sakin... basta para sa ibang tao.. nakakakaya mo kong tiisin," he bitterly said. "Lagi na lang yung ibang tao ang mahalaga. Kung anong iisipin at sasabihin ng ibang tao. Kung anong mararamdaman nila. Kung anong gusto nila."


May kung anong bumara sa lalamunan ko. Punong-puno ng hinanakit at sakit ang boses niya.


He took a step closer to me. Pumunay ang pagod na mga mata.


"Pero, Einj.. Pano naman ako? Pano naman tayo? Pano naman yung gusto mo? Pano naman yung nararamdaman nating dalawa?" pagsusumamo niya, humihina ang boses habang lumalapit.


My heart was beating erratically. Humahapdi na ang gilid ng mga mata sa pagpipigil na maluha.


A sigh came out from my mouth when his hand reached for my cheek.


"For once.." he hoarsely whispered. "Please think about what you really want instead of worrying about other people's sake.."


He caressed my skin. Kinilabutan ako sa marahan na pagdapyo niya.


My veins pulsated when he let out our foreheads touched. Ramdam ko ang init ng paghinga niya sa balat ko.


"Sundin mo naman ang puso mo.." mahina at paos na bulong niya. "Pagbigyan mo naman ang sarili mo.."


His thumb brushed my lower lip. Napapikit ako habang dinadama iyon. Bago ko pa man madilat ang mga mata ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko.


God. A kiss never felt so perfect. His lips were so hot and tender. Gusto kong maiyak.


Maingat ang dahan-dahang pagbuka ng bibig niya. May munting nginig dala ng naguumapaw na emosyon. The warmth of the insides of his mouth welcomed me. Napapikit ako nang mariin.


Bawat galaw, bawat halik, banayad niya kong hinagkan. Maamo. May lambing. Malumanay. Para akong hinehele ng mga halik niya. May pag-iingat at desperasyon. May pananabik at pagsusumamo.


Dalang-dala na ang puso ko. Nasa alapaap na ang isip ko. Ngunit biglang sumagi sa utak ko Milli.


Para kong sinampal ng katotohanan.


I pulled my self from the kiss. Lasing pa ang mga mata ni Ali nang abutan ko. Bagsak ang tingin nya sa labi ko. Naghabol ako ng hinga.


"Hindi.." bulalas ko. "Hindi pwede, Ali. Mali to. Hindi tama tong ginagawa natin!" unti-unti nang lumakas ang boses ko nang matauhan. "This is wrong!"


Hindi na ko nagdalawang isip pa at tinalikuran siya.


Nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang habulin ng kamay niya ang braso ko. Gumapang ito at pumulupot sa bewang ko.


Nawalan ng lakas ang binti ko nang maramdaman ang pagyakap niya sakin mula sa likod. Mahigpit at may pagmamakaawa.


"No.. no.. Einj, Please.." sinuksok niya ang mukha sa leeg ko. "Please.. don't do this. This is not a mistake. It feels so right with you. I know you feel the same way. I can sense it with your kisses. Please..."


Kinagat ko ang labi. Madiin at masakit. Pinapanatiling mulat ang sarili.


Pinilig ko ang ulo. Desidido sa kabila ng mga nagbabadyang luha. Gamit ang lahat ng natitirang lakas, kinalas ko ang mahigpit niyang yakap.
















Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
323K 14.1K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...
105K 6K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
601K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...