Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

43rd

18.1K 810 363
By zaaaxy

Mainit



I don't know what gotten to me either.


I was supposed to go out with my friends so I should've said no. Pero ewan ko ba. Parang nablangko ang isip ko. The taunting tone in Ali's voice irked something in me. Nakakairita. Nanghahamon. Nanunuya.


Idagdag pa ang madilim at mariin niyang tingin. Nakakalunod. Nakakawala. Nanunukat.


I don't get him. Akala ko ay ayos na kami. But the scene earlier tells me otherwise. Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang basahin. He's confusing the hell out of me.


Gusot tuloy ang mukha ko hanggang makarating kami sa bar. Kinailangan kong itext sina Elcid na hindi na ako makakasama sa dinner.


Elcid:

It's fine. Nagdala ka ba ng sasakyan? See you tomorrow.


"Oy, oy, oy. Tigil na kakatext!" saway sakin ni Maricon. "Respeto naman sa alak!"


Nabitin ang kamay ko nang agawin niya ang phone. Sinundan pa ng mata ko iyon sa ere bago niya tinaob sa tapat ko. My eyes even caught a glimpe of Ali seated across me. Madilim ang ekspresyon nito.


"Oo nga! Mamaya na 'yan!" sabat ni JJ. "Dumating na drinks oh. Ayan na sa harap mo,"


"Ano ba sayo, sis?" tanong ng katabi kong si Chris. He even stretched his hand on the table for me. "Oh ito na oh, ako na mag—"


Napailing-iling ako at winagayway ang kamay. Magmamaneho pa ko pauwi kaya't ayokong mag-alak.


"Wag na wag na. Club soda lang ako," I forced a cheeky smile. "Hindi ako maghahard drinks.."


Agad na kumontra ang mga kasama ko. They all jeered in unison. I saw Ali taking a shot from the glass he's been holding.


"Hina naman namin sayo," parinig na biro pa ni Kenna.


"Kaya nga tayo nag-bar para uminom eh!"


"Ge na, sis." Chris induced. "Try mo muna kahit isa—"


Natigilan ang lahat nang marinig ang matabang na tikhim ni Ali.


"Hayaan niyo na," malamig na sabi nito. "Baka may magalit pag uminom siya,"


The corner of his lips even sarcastically lifted up.


Natahimik ang mga kasama namin. Napaawang ang bibig ko.


What the fuck? Anong problema ng isang ito?


Salubong ang kilay ko nang makipagsukatan ng titig sa kanya. Naroon na naman ang tila nakakainsultong tingin niya.


I clenched my jaw before reaching for the glass of vodka. I took the shot straightly without breaking eye contact with him. Not leaving an ounce or a drop. Padabog ko pang nilapag ang baso nang matapos.


Nakarinig ako ng sipol mula sa isa sa mga kasama namin.


Hindi rin kailanman nagbitaw ng tingin si Ali sakin. Bahagya pa ngang nakaangat ang kilay. Gago.


"Yown!" Clark was the one who broke the silence.


Maging si Chris ay muli na ring nahanap ang boses.


"Palaban ka rin pala eh!"


"Ganyan dapat! Oh ako naman,"


Everyone else also went back to normal, not really minding what just happened. Maingay na ulit at nagkaayaan pa nga sa dance floor. Si Kenna at JJ ay agad na napasabak sa gitna.


Habang ako naman ay palihim na napapikit. Ramdam pa rin ang naiwang bakas ng vodka sa lalamunan. Gumuguhit. Shit. Nabigla ako ron ah.


Malakas uminom sila Chris. Kung tutuusin ay kaya kong makipagsabayan on a normal basis. But not today. I've set a limit for tonight. Pagkatapos ng pang-limang baso ay tumigil na ako.


"O anyare, Einj?" ani ni Majoy nang mapansing nakasandal na ako. "Ayaw mo na?"


Umayos ako ng upo.


"Quota na 'ko, kayo na lang. Hindi ako pwedeng magpalasing eh.."


Lumandas ang mata ko sa nasa harap na si Ali at naabutan ang palihim na pag-irap nito bago nilagok ang inumin.


Halos malaglag ang panga ako.


The fuck is wrong with him? Kanina pa sya ah? Akala niya ba ay hindi ko nahuhuli yung matatalim na tingin niya? Kung maka-ikot ang mata'y parang may kasalanan ako sa kanya. Pansin ko ring nakakarami na siya ng inom. Kelan pa siya naging lasinggero? Tss. I better hint Milli to watch his alcohol intake next time.


"Suko na agad? Ang aga pa oh!"


"Oo nga! Wala namang taping bukas, girl! Ayos lang yan—"


Natigalgal na naman ang lahat nang muling sumabat si Ali.


"Tss.. baka nga naman may magalit pag nalasing," he cockily said. "Huwag niyo nang pilitin."


Muntik na kong mapamura nang malutong. Imbes na mapasabi ng masasamang salita ay ininom ko ang tequila sa harap ko. Hindi na sigurado kung para iyon tanggapin ang hamon o dahil lang sukdulan na ang inis ko kay Ali.


Baka kung ano pang lumabas sa bibig ko o magawa ko sa kanya kaya't pinagbuntungan ko na lang ang mga inumin. Nanlilisik pa rin ang mata sa katapat.


Everyone cheered for me in unison. Nasa huli nga lang talaga ang pagsisisi. Ramdam ko na ang tama matapos ang hindi mabilang na tungga.


Napapikit pa ko nang tila lumundo ang paligid, nakumpirmang lasing na nga ang sarili. Habang sila Chris ay hindi pa rin maka-get over sa sinabi ni Ali.


"Bawal ka malasing? Bakit?!" Chris exclaimed. "Hindi ka ba pinapayagan ng boyfriend mo?" makahulugang sabi nito bago nanliit ang mata sakin.


Agad na nag-ingitan pati ang iba naming kasama. Nakisali sa panunuya niya.


"Grabe! Ang higpit naman ng boyfriend mo, Einj!" bulalas ni Maricon. "Pero in fairness, sinusunod mo rin ah? Mahal na mahal mo talaga!"


Inalog niya pa ang braso ko at nagtilian sila.


Napalunok ako. Aktong ibubuka pa lang ang bibig nang marinig ang tunog ng telepono ko sa lamesa.


Dinampot ko iyon upang basahin ang bagong pasok na mensahe. I can still hear my companion's voices in the background, teasing me about the same thing.


Cal:

isang kotse na lang daw tayo bukas


Einj:

oh okayy, meeting place?/


Cal:

no we'll pick u up from ur towers


Einj:

whst time)?


Cal:

8am


Einj:

greAt!! ily alL gvyx#$-;;+


Cal:

tf are you drunk?


Napangisi ako bago pinatay ang phone. Nang ibalik iyon sa lamesa ay dumapo ang mata ko sa nasa harap.


Naabutan kong bagsak ang tingin ni Ali sa lamesa. Nakatulala sa baso.


"Shit ba't ba ang dami niyong inorder? Di ko na rin kaya," daing ni Majoy kalaunan. "Sino uubos niyan lahat aber?"


Maging si Maricon ay dudang kaya pa naming maubos ang mga nai-serve. Sumuko na rin kasi pati si Kenna.


"Game na lang. Kung sino matalo siya uubos," Chris suggested.


No way, I can't possibly lose and finish this shit. Uwing-uwi na ko. Ayoko nang maiwan pa rito para inumin ang lahat ng ito.


"Can I just pass? Uwi na sana ko eh," wika ko.


"You can if you win, Einj. Basta't wag ka lang magpatalo at pwedeng-pwede ka nang umalis," kindat niya.


Damn. Pagkatapos na pagkatapos ng kung anumang laro ito ay talagang sisibat na ako. Now I just have to make sure na hindi ako matatalo.


I bit my lip. Nagtama pa ang mata namin ni Ali na nahuli kong nakatitig.


We played manhunt. A hide-and-seek drinking game. It has the same rules with that of the basic version except that it's now an upgraded adult game. Ayon kay Chris, it's better played when drunk. Hence, now is the perfect time coz we're all far from sober.


"You've got to be kidding me! Ang laki-laki ng bar!" reklamo ni Kenna.


"That makes it more exciting! Maraming tao! Madilim! Mahirap maghanap!"


Magaling mangumbinsi si Chris. Everyone eventually agreed. While me, I just want to get over this. Dammit.


"Here's the twist though. When you've already settled on a hiding spot, bawal nang lumipat! No switching, no moving!"


"Grabe naman!" reklamo ni Maricon. "Hindi pwede kahit konting galaw lang? So kapag may nahuling lumipat ng posisyon, talo na rin ganon? Void na ang game in that case?"


"Yes! You have to stay where you are for the entire 10 minutes! Saka lang lalabas pag katapos ng sampung minuto para malaman kung may nahuli ba o wala,"


Two persons were assigned as the seeker. Si Maricon at si Majoy. Masyadong malaki ang lugar para halughugin ng isang tao lamang. Kung sino ang unang makita nila ay ang siyang talo. Kapag wala silang nahuli sa loob ng sampung minuto ay isa sa kanila ang uubos ng inumin.


We just have 30 seconds to hide. Kaya naman nang magsimula na ang oras ay matulin ang mga hakbang ko. I even went upstairs to look for a secluded area.


Kaso nga lang ay puro saradong silid ang naabutan ko sa taas. Napapamura na ko habang papalapit sa dulo at wala pa ring mapagtaguan.


Pipihit na sana ko papunta sa hagdan nang matanaw sila Majoy na papaakyat. Nanlaki ang mata ko.


Bago pa man ako tuluyang manigas sa kinatatayuan ay may mainit na kamay nang kumapit sa palapulsuhan ko.











































Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
93.2K 3.5K 100
Of Gods and Mortals III: (Hades & Persephone) She was as cold as ice, until him.
12.4K 681 34
From online strangers to online friendship. From online chats to offline talks. From online calls to offline walks. They cross the boundaries of both...
280K 14.4K 49
Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a prev...