Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

42nd

18.3K 798 238
By zaaaxy

Titig



"Anong oras tayo dadalaw sa puntod ni Tita this Sunday?" tanong ni Adea mula sa kabilang linya ng telepono.


Nilapag ko na lang ang phone sa kama dahil abala ko sa pagbibihis. I just then turned on the loudspeaker.


"Cid said 10AM." natigilan ako. "Wait— you're coming? Papayagan ka bang umuwi? How about your SEA Games?"


Nasa Indonesia kasi siya ngayon para sa Southeast Asian Games. Ang alam ko'y mahigit dalawang linggo sila roon.


Adea's volleyball career instantly flourished right after college. She's a highly sought-after player. Nasa University pa lang kasi kami ay matunog na ang pangalan niya sa labas.


Davion always mock her by saying that she's only popular because of her looks. Pero alam naman naming lahat na mahusay talaga si Adea. Sobra. Bonus na lang na maganda siya. Kaya hindi na nakakagulat na agad siyang pinag-agawan ng mga sikat na kompanya para mapasama sa volleyball team nila.


"Hindi pa sigurado. But I'm planning to," she said. "Mga apat na oras lang naman ang byahe."


Halos ginagawa na lang atang jeep ni Adea ang eroplano. Nasanay na siyang magpabalik-balik tuwing may importanteng ganap kami at nagkakataong nasa ibang bansa siya. Parang wala na lang tuloy sa kanya iyon.


Binigay ko sa kanya ang ilang detalye tungkol sa okasyon sa darating na Linggo kung sakaling matutuloy siya. Elcid already mentioned the plan to me so it was easy.


Paglabas ko sa silid ay naabutan ko pa ang mga gamepad sa couch. Tinabi ko iyon at niligpit sa divider. My friends are here again last night. Medyo nakakalungkot lang dahil minsan na nga lang kami magsama-sama tapos ay kulang-kulang pa. Especially now that we all have our own place. Simula nang umalis kami sa Calle Nueva ay marami nang nangyari.


"Okay na clips and recordings for Episode 1," rinig kong usapan ng prod pagdating ko sa site. "More on shots ng area and voice over lang naman kasi."


"Anong agenda for today?" salubong ko pagkalapag ng gamit.


"Data gathering for Episode 2. Focus na to sa notable features ng museum. What sets it apart from the rest," Kenna said.


"Aralin mo na yung new set of facts na binigay, Einj." ani ni Maricon. "Gaya kahapon, raise mo na lang agad sa professionals here if may concern ka."


"Fixed naman na yung intro, pwede nating i-film mamaya kung kaya pa ng time." dagdag ni JJ.


Nagpadala na rin ng stylists ngayon ang istasyon ngayon dahil may appearance na ako sa shoot. Yun nga lang ay mamayang hapon pa iyon naka-schedule. For the rest of the morning, I am tasked to familiarize myself with the papers.


Pinapaliwanag sakin ni Maricon ang tungkol sa ilang impormasyon nang mahagip ng tingin ko si Ali.


With his white helmet, he stands out the most in here. Tulad ng karaniwan ay abala pa rin sya sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit tila nakakalma ang titigan at panoorin sya tuwing nakatuon sa ginagawa.


Mailap ang naging interaksyon namin sa unang araw ng pagtatayo ng museyo kahapon. Matapos niyang umalis sa lamesa namin kasama ang mga mangagawa ay hindi ko na siya masyadong nakasalamuha pa.


"Ms. Leyva, you can continue reading that in the makeshift office right there." suhestyon sakin ng coordinator. "You can bring your time with you. It's hot in here,"


Sumang-ayon doon si Maricon. Si Kenna at JJ ay abala sa pagkuha ng video kaya't hindi na namin naisama. Si Clark at ang mga stylists naman ay piniling manatili sa tent. Kami lang ni Maricon ang pumasok sa malamig na opisina.


Nadiskubre kong para sa mga may posisyon ang silid na iyon. Naroon ang architect, interior designer, engineer, assistants at may mga naka-ID rin na interns ng kompanyang may hawak ng proyektong ito. Mayroon ding lamesa para sa executive head ngunit bakante naman iyon.


Sa lounge kami dumiretso ni Maricon. May isang intern agad na lumapit samin upang mag-alok ng inumin.


"Coffee po? Or tea?"


Tubig lang ang hiningi ko habang juice naman ang kay Maricon. Hindi nagtagal ay binaling ko na ang atensyon sa dapat gawin. Tinuloy ko kung saan ako huminto kanina at tumuon na sa pagbabasa.


Kalaunan ay kinailangang lumabas ni Maricon kaya't nagpaalam ito sakin. I was left with the gay intern. Madaldal ito pati na ang kaibigan niyang babae na intern din.


Nalibang ako kasama sila. Palipat-lipat ang mata ko sa binabasa at sa kanila upang makisala sa usapan.


"Sabi na pamilyar ka eh," Majoy said after my series of convincing them that they can regard me casually. "Ganda mo pala sa personal, teh!"


"Wala ba kaming exposure sa documentary?" biro ni Chris. "Baka naman!" he even added.


Napahalakhak ako kasabay nila. Nabitin lang ang buka ng bibig ko nang may pumasok sa pinto. Nagtagpo ang tingin namin ni Ali.


Napatayo si Majoy at mabilis na bumalik sa trabaho habang si Chris ay mukhang hindi naman natinag.


Nagtungo si Ali sa lamesa niya. Ako nama'y napatuwid din ng upo at pinagpatuloy ang pagbabasa.


"Keri lang, bait yan si sir." bulong ni Chris. "Close nga kami eh," hagikhik niya.


Tinawag siya ni Majoy kaya't kinailangan nya rin akong iwan. I was able to focus on the readings for the next couple of minutes. Huling page na sana ako kaso ay paulit-ulit ang basa ko sa isang paragraph doon. Hindi ko kasi maintindihan kaya't hindi pumapasok sa utak ko.


Naisip kong mabuti pa siguro'y ipagtanong ko na lang ang tungkol doon.


Umangat ang tingin ko at naabutan si Ali na nakatitig sakin. He casually dropped his eyes to the papers on the table in front of him.


My lips parted.


Ramdam ko ang bahagyang pagkabog ng dibdib sa nakita. What was that?


I inwardly shook my head. Nang makabawi ay bumaling ako sa mga nasa bandang gilid.


"Majoy," mahinang tawag ko.


"Hmm?" lumapit siya sakin.


"Ano meaning nito?" tanong ko saka tinuro ang talatang hindi ko maintindihan.


Bumaling siya roon at binasa ang tinutukoy ko. Ilang minuto niya iyong sinubukang intindihin bago tuluyang sumuko.


"Di ko alam, sis." aniya. "Tanong mo si sir, alam niya yan." tukoy niya kay Ali.


Tumango ako at napagtantong iyon nga ang tamang gawin.


Tumayo ako at tinahak ang daan patungo sa lamesa ni Ali. Nakatutok siya sa mga papeles sa lamesa niya habang may munting kunot pa ang noo. Taliwas sa nahuli kong postura niya kanina kung saan nakaharap sya sakin.


Huminto ako nang makarating sa tapat niya. Tumikhim ako.


"Engineer.." I figured it's better to regard him formally in the workplace. "Itatanong ko lang sana kung anong ibig sabihin nito.."


Hinarap ko sa kanya ang papel at tinuro ang tinutukoy ko.


Natagalan bago siya sumagot. I noticed he was intently staring at what I was pointing to. Tinitigan ko siya habang nag-aabang ng sasabihin niya.


I just got distracted when I noticed his jaw subtly clenching.


Sinundan ko ang linya ng tingin niya at napagtantong hindi sya nakatingin sa tinuturo ko kundi sa daliri ko. My ring finger. Partikular na sa singsing na naroon.


Kinabahan ako nang bahagyang magsalubong ang kilay niya. I suddenly felt the need to switch hands.


Lumunok ako at pinagpalit ang pagkakahawak sa papel. Ngayo'y nakatago na ang kaliwang kamay.


Hindi ko alam kung may pumasok man lang ba sa isip ko mula sa sinabi ni Ali. Isa lang ang tumatak sakin. Malamig. Malamig ang boses niya.


Sa paglipas ng oras ay paonti rin nang paonti ang tao sa office. Palabas-labas ang mga tao sa site, abala rin sa kanya-kanyang tungkulin. Halos bilang na lang sa isang daliri ang natira dito sa loob kasama ako... at si Ali.


My phone vibrated on the table one time.


Elcid is calling...


"Hmm?"


"You at work?" tanong niya.


"Yup,"


"Anong oras ang tapos mo?"


"Why?"


"Si Aysen kasama namin ngayon,"


"Really?!" I can't hide the excitement in my hushed voice.


Sobrang bihira na lang naming makasama si Aysen dahil laging abala sa Ospital. That guy is so damn devoted in his work. Hindi ko mapigilang maiinggit habang iniisip na magkakasama sila ngayon. I can even hear Cal's voice in the background!


"Yeah.. he's off until tomorrow. Nag-aaya sa Tagaytay. Wala ka ring pasok bukas diba?"


"Yes! But I might finish late today, though.."


"No worries. Bukas pa naman ang alis. Daytime stay lang. Daanan ka lang sana namin mamaya for dinner,"


"Oh, okay.. I'll just text you," wika ko. "I'm probably off by 6 or 7, not sure."


Malaki ang ngiti ko nang matapos ang tawag. Bago ilapag ang phone sa lamesa ay nahagip ng tingin ko si Ali.


Tulala ito sa lamesa niya. An obvious knot was evident on his forehead. Hindi gumagalaw ang mata niya kaya't alam kong hindi sya nagbabasa. He's just... plainly staring into nothing.


Nang sumapit ang hapon ay kinailangan ko na ring lumabas para sa filming. Inayusan ako ng stylists bago ang take. I spent the entire afternoon working on that shoot.


Metikolosa si Kenna kaya't mahalaga talaga ang bawat detalye. We didn't stop until it was perfect and she was satisfied. Worth it naman ang lahat dahil maganda talaga ang kinalabasan noon.


Madilim na nang makapag-pack up kami. Itetext ko pa lang sana sina Elcid na pauwi na ako nang mapagtantong naiwan ko ang phone sa loob ng office. Nandoon nga rin pala ang ilang gamit ko. Nagdesisyon akong wag nang pakiaalam ang pagkakaayos sakin ng stylist at hindi na rin magpalit ng damit. Tutal ay pauwi na rin naman.


"Kunin ko lang mga naiwan ko sa opisina," paalam ko sa prod.


"Sama! Nandon din yung isang bag ko," habol ni Maricon.


Pagpasok namin doon ay agad kaming sinalubong ni Chris at Majoy. Kakaunti na lang silang naiwan roon. Umuwi na rin ata ang karamihan. Si Ali ay nakita kong tila nagliligpit na rin ng gamit. I realized he never went out of the office again.


"Ayan, tamang-tama!" Chris shrieked. "Sama kayo samin mga dzai! Poblacion tayo!"


Nakabuntot pa siya samin habang papunta kami sa longue upang kunin ang mga gamit. Dinampot ko ang phone at napansing may missed call na roon mula kay Elcid.


"Bar? G! Inom na inom na ko!" mabilis na sabi ni Maricon. "Ayain ko rin mga kasama namin sa prod! Payag din agad yung mga yun for sure!"


"Nice!" napapalakpak si Majoy.


Natigilan ako nang lapitan din ni Chris si Ali at walang hiyang ayain.


"Sir, sama ka na rin!" aniya sa malakas na tinig na parang kaibigan nya lang ito.


"Gaga! Wag mo na idamay si Sir!" saway ni Majoy.


"Malay mo naman gusto niya ring maglasing ngayon!" he boldly spat before turning to Ali. "Ano, sir? Sama ka?"


Lumipat ang tingin ko kay Ali. Natigilan pa ko nang maabutan na ang mata niyang nakadirekta pabalik sakin.


Kinilabutan ako sa klase ng titig niya.


"Sure," he coldly said.


Napatili si Chris at napalundag pa habang pumapalakpak.


"Uy ikaw, Einj?" baling sakin ni Majoy. "Sama ka ba?"


Nanigas ako nang mapagtantong nakabaling na silang lahat ngayon sakin. Nag-aabang sa sagot ko.


Tumikhim ako.


"Uh.. naku, kasi—"


The interns instantly reacted in disappointment as their shoulders slumped. Ganun din si Maricon.


"Sige na sis! I heard successful naman daw shoot niyo ngayon! Pang-celebrate lang!"


"Oo nga! Minsan lang naman,"


Saglit akong natahimik sa pangungumbinsi nila. Iniisip kung anong mabisang paraan upang tumanggi.


Hindi ako makatingin sa direksyon ni Ali. Pasimple kong minasahe ang batok.


Ibubuka ko pa lang sana ang labi nang kilabutan ako dahil biglang nagsalita si Ali habang nagsusuot ng coat.


"Wag niyong pilitin," malamig at tila patuyang sabi niya. "Baka may magalit pag sumama siya."


Kumunot ang noo ko.


What's with him and his tone? Akala ko ba ay ayos na kami nito?


Bumilog ang bibig nila Chris. Tila hindi na alam kung ano ang tamang reaksyon sa sitwasyon ngayon.


Nagsalubong ang kilay ko.


Nanatili ang mata ko kay Ali. Ganun din siya sakin. Nanunukat ang mga tingin. Walang nagtangkang bumitaw ni isa.


Nagtiim-bagang ako.


Bago ko pa mamalayan ay bumuka na pala ang bibig ko para sa sagot na nagpasigaw kina Chris.


"Sige. Sasama ko," mariing sabi ko nang hindi tinatanggal ang diretsong titig kay Ali.












Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 232 16
In the midst of a wild party, the night was ablaze with music, laughter, and euphoria, as friends celebrated the cusp of adulthood. Eighteen-year-old...
13.5K 516 5
~ProfxStudent~ [Zenbe University #2] Avira Veranda is a student who recently moved into a new university. She is an independent person who doesn't ca...
322K 14K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...
761K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...