Apricity (Published under PSI...

بواسطة zaaaxy

1.2M 53.2K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... المزيد

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

37th

17.3K 934 463
بواسطة zaaaxy

If only



Tawang-tawa si Seya nang ikwento ko sa kanya na sinabi ko kay Ali ang tungkol sa usapan namin.


"Oo nga naman, may point sya! Unfair," hagalpak niya. "Ba't pag may close sa babae ang tawag ay boy bestfriend pero pag sa lalaki side chick agad," halos maluha sya.


"Yan, ganyan kayong mga babae." Cal bitterly said bago sumubo ng chips. "Aping-api na talaga kami sa lipunang 'to sa totoo lang,"


Seya just laughed at him even more. Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria para sa break.


"Iba naman kasi yon," depensa ko. "Totoo namang kaibigan ko lang si Elcid eh."


"Ah, so si Elcid ang tinutukoy niya?" halakhak ni Seya.


Tumango ako.


"Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?" Cal asked before taking a sip of zesto.


"Hmm? What do you mean?" pangalumbaba ko habang nagsasawsaw ng fries.


Kumuha rin sya doon.


"Ali," he said. "You didn't tell him about Elcid?"


Natigilan pa ko bago nakuha ang sinasabi niya.


Bumagsak ang tingin ko bago umiling.


Kunot ang noo ni Seya samin. She leaned forward on the table.


"Tell him what?" she spat. "Give me context naman!"


Nagkibit-balikat si Cal habang dumadampot ng chips.


"Na matagal nang basted kay Einj si Elcid," he just nonchalantly said.


Nalaglag ang panga ni Seya.


"The fuck? Kelan pa?!"


Cal shrugged.


"Dati pa yun eh. I think grade 7 or 8?" bumaling pa sya sakin. "Basta nung high school," aniya na lang.


"Hindi naman basted ang tawag dun," agap ko. "Technically, he never really officially courted me in the first place."


Gulantang pa rin si Seya sa mga naririnig. Humagalpak naman si Cal.


"Ganun na rin yun, Einj. Kaya nga pinigilan mo na agad dahil alam mong nagpaparamdam na." aniya. "He just didn't directly declared na nililigawan ka na niya,"


"Damn, Einj! How come you never told me about all these?" Seya exclaimed.


Binalik ko ang atensyon sa pagkain.


"It's nothing to be proud of, Seya.. There's nothing to talk about either,"


"Tss.. hindi ko rin masisisi si Ali." matabang na wika ni Cal. "His heedfulness is valid,"


Tinapunan ko siya ng tingin. "You can't be serious. Ang tagal na non. At isa pa, wala nang nararamdaman sakin si Elcid,"


"Dyan ka nagkakamali." exaggerated na sabi nya habang abala sa nasa lamesa.


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Kidding," bawi niya. "Pero... malay mo?"


Inirapan ko siya. "I know him better. He doesn't like me anymore. I already made my self clear to him too. Magkaibigan na lang talaga kami,"


"Does it matter though?" singit ni Seya. "Na ni-reject mo na sya at magkaibigan na lang kayo ngayon? Kung ganon pa rin naman kayo kalapit sa isa't isa? I mean... did he even had the chance to get over you and move on?"


Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. I totally get her point because I used to be concern about the same thing.


When I told Elcid that I only see him as a friend after finding out that he liked me, ayun agad ang una kong naisip. Ang bigyan siya ng distansya bilang respeto sa nararamdaman niya.


I don't want to be unfair with him. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang paglayo kahit gaano ko pa man kagustong panatilihin ang samahan namin, kung nahihirapan naman sya tuwing magkasama kami. He can take all the time that he needs to heal. I won't take that away from him. He deserves it.


I did attempted to give him space. Yet, he clearly told me that I don't have to. He said he can't afford to lose the friendship as well. He wanna keep what we have atleast. Aniya, he'd like to overcome his feelings on his own. That he would get over it without me having to adjust.


Nakiusap pa sya na sana raw ay hindi ako mailang sa kanya. I knew he'd only feel bad kung mapapansin niyang nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya matapos ang nangyari. That's why I made sure nothing changes between us. Kung ano kami noon ay ganun lang din kami ngayon.


Isa lang naman ang nagbago. This time, wala nang nararamdaman sakin si Elcid na higit pa sa pagkakaibigan. I'm positive.


"Edi sana pala sinabi mo na lang ang lahat ng yan kay Ali para kampante na siya," Seya spat while still so engrossed in my narrative.


"Ewan ko ha? Pero kung ako si Ali, walang magbabago kahit malaman ko. Magseselos pa rin ako. Baka nga lumala lang," ani ni Cal. "Hindi yun matatahimik hangga't nandyan si Elcid. Or atleast until the guy is single,"


Bukod sa tingin ko ay hindi naman na importanteng sabihin iyon ay isa rin ang nabanggit ni Cal sa mga rason kung ba't hindi ko na kinwento kay Ali ang tungkol kay Elcid. Baka imbes na makatulong ay makalala pa. Yun ang dahilan kung bakit hindi na ko nag-abala pang ipaalam o sabihin iyon sa kanya. Isa pa, ang tagal na noon at hindi na mahalaga pa.


"Sa susunod na Sabado na ang 4th game," saad ni Adea isang hapon. "Pano na 'yan ngayong wala si Ali?"


Nasa gym kami ngayon para sa practice ng ng team. Dea went straight here right after her volleyball training. Naka-french braid pa ang buhok tulad ng madalas.


"They can still play as five. Two weeks lang namang mawawala si Ali. He'll only miss one game,"


Buo ang paniniwala ko na ganun nga ang mangyayari. Dahil batay sa kaalaman ko ay dalawang linggo lang si Ali sa New york.


Until his sister called me three days before his supposed return.


Natigilan ako nang marinig ang sinasabi ni Elle mula sa kabilang linya.


"Isang buwan lang naman," I can almost imagine her rolling her eyes. "Gusto pa siyang makasama ng Grandparents namin dito. Sayo lang iyon makikinig kaya't ikaw na ang bahalang mag-kumbinsi." utos niya.


Hindi ko alam kung anong ibibigay na reaksyon sa kanya. Hindi ko inaasahan ito. I barely survived the past few days without Alister. Habang tumatagal ay nagiging mahirap ang pagpapanatili ng komunikasyon dahil sa pagkakaiba ng oras.


Ayaw niyang napupuyat ako at ganun din ako sa kanya. We rarely had the chance to FaceTime lately. Pinanghahawakan na lang namin ang pag-asang malapit na siyang umuwi. Na konting tiis na lang makakabalik na sya. But now, this.


"Tutal minsan lang naman mangyari 'to! We should make the most out of the moment and spend time with our relatives. Ang tagal na rin nung huli kaming magkita-kita. Manila and NYC are thousands of miles away!"


Gaano man kahirap tanggapin ay hindi pa rin mapigilan sumimpatya ng puso ko. Pati ang utak ko ay sumasang-ayon. I shouldn't selfish. This is their family we're talking about.


"We don't know when we'll get another chance like this," she spat. "Wag mo namang ipagkait samin 'to. Go and tell him you're fine with him staying! Dahil ikaw lang naman ang posibleng maging dahilan ng pagtanggi niya kung sakali. Masyado ka nang nakakasagabal!"


More than her harsh words, what really pains me is the fact that I would have to let Ali be away for another 4 weeks. The thought itself is already torturing me.


Pero gasino ba naman ang sakit na nararamdamam ko sa sayang mararamdaman ng mga kamag-anak ni Ali kung mananatili siya? Maliit na bagay lang iyon kung ikukumpara doon. Kaligayan ng lolo't lola niya ang nakasalalay rito.


Marami pa kong pagkakataon na para makapiling si Ali pero sila, isang buwan lang naman ang hinihingi nila. Tama si Elle. Hindi ko dapat ipagkait iyon. Hindi ako dapat maging makasarili.


Ngunit kung naging mahirap ang pagkumbinsi sa sarili ay mas matinding dagok ang pagpilit kay Ali.


"The fuck, Einj?" halos makita ko ang pagyanig ng itaas na bahagi ng katawan niya sa sobrang gigil.


"How do you expect me to last for another month here? There's no damn way I'll agree! It's already been hell without you!" pulang-pula na ang balat niya mula leeg hanggang mukha.


But I was firm on my decision. Hinanda ko na ang sarili sa ganitong reaksyon niya.


"Calm down, Ali. Kung magwawala ka lang ay baka kung saan pa mapunta ang usapang 'to."


Napasabunot siya sa buhok habang nakatukod ang siko sa tuhod. He was talking to me through the laptop placed on the table in front of him.


"No, fuck." he frustratedly messed up his hair. "How can I calm down after hearing what you just said? Pano mo nagagawang kumalma? Don't you—"


"Tingin mo ba madali lang sakin 'to?" pinigilan ko ang panginginig ng boses. In this conversation, I promised to maintain my composure and strength. Hindi ko siya pakikitaan ng anumang bakas ng kahinaan. "Hindi, Ali. Hindi. But I have faith that we can get through this together. If only you'll cooperate."


Hinilamos niya ang palad sa mukha. Nanatili siyang tahimik sa ganoong posisyon nang ilang sandali. His fast and deep breathing were audible.


"LDR doesn't work, Einj. At least not for me. My stupid love language won't fucking let me survive this bullshit. I'm a fucking slave of your physical touch,"


"We can make up for everything once you come back, Ali. Isang buwan lang naman–"


"Matagal ang isang buwan sakin, Einj! I would want to hear your voice every minute but I can't just call you all the time! Gustuhin man kitang makita palagi ay hindi rin pwede dahil magkaiba ang oras natin! I don't want to exhaust you. Pero sa bawat oras na hindi kita kausap ay baka mapraning lang ako! I'd go crazy everytime you don't reply to my texts–"


"Then let's not make responsing mandatory." malamig na wika ko.


Nagsalubong ang kilay niya.


"What?"


"I'm sure I'd be busy. You'll be busy. Tama ka na hindi natin palaging masasagot ang isa't isa. Let's get rid of the possible anxiety for that and just completely cut off communication. That way, hindi na tayo mababaliw sa kakaabang tuwing abala ang isa't isa–"


"Tangina," he laughed without humor. "What are you trying to say right now?"


"Commitment would be a challenge in this situation, Ali. It would only pressure the both of us negatively. Baka iyon pa ang magdulot ng matinding pag-aaway natin." I said in a formal tone.


Pansin ko ang unti-unti niyang pamumutla. I sighed.


"I'm saying we should cut ourselves some slack, Ali.. We can always get back together once you're back. To how everything used to be. But the right thing to do for now is to cool off from this relationship,"


He paled even more.


"You're breaking up with me.." paos na sabi niya.


Umiling ako. "We'll just have to split up for the mean time, Ali. Pag uwi mo.. pwede na tayong bumalik sa dati."


His now bloodshot eyes are just staring right at me.


"Still.. You're breaking up with me," ulit niya lang sa naunang sinabi.


I inwardly swallowed the lump in my throat, not wanting to stretch this talk any longer.


Tumango ako. "If that's how you wanna see it,"


Napaawang ang mapulang labi niya. Nag-iwas ng tingin ang nagtutubig nyang mata bago yumuko.


Malabo na sakin ang mga sunod na sandali. Ang alam lang ay masikip ang dibdib ko habang panay naman ang mga pabulong niyang mura habang sapo ng parehong palad ang ulo.


"What if I don't agree?" paos na tanong niya isang beses.


"I'd still break up with you," malamig na sagot ko. "You have two choices. It's either we end on good terms with a possibility of getting back together. Or on bad terms with no other chance at all,"


It's mortfying to see all kinds of emotion flash on his face at once.


Pakiramdam ko ay sinusunog ako sa impyerno. I've never been so desperate in wanting to hug someone through the screen. With his disheveled hair, dejected eyes, parted pinkish lips, reddish nose, he still looks so striking despite the pain.


Maingat kong sinaulo ang bawat detalye ng mukha niya habang natititigan pa sya dahil alam kong matagal na ang kasunod non.


"Alam mo, Einj?" bwelo ni Seya matapos akong sermonan sa aniya'y katangahan ko. "Darating ang araw.. pagsisisihan mo 'yan. Sige nga, pano kung magkaroon ng iba si Ali?"


She doesn't have any idea how much this thought have crossed my mind and haunted me through my dreams. Ngunit sa huli, isa lang lagi ang konklusyon ko.


"I'll be happy for him.. I might get hurt but I'll never get mad at him." I sighed. "One thing is for sure, though.."


My chest tightened.


"I'll miss reading him to sleep.. If only I knew that was the last one, I'd read slower."




















واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

28.2K 1.1K 25
[epistolary] Two celebrities, doing their job just for the public, will eventually change into something that will make them feel what love truly is...
285K 14.5K 49
Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a prev...
809K 13.5K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
324K 14.1K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...