Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

34th

17.3K 815 988
By zaaaxy

The burial



What happened in the parking lot is like a lucid dream to me.


Minsan lang ako umiyak, but when I do, pakiramdam ko humihiwalay ang kaluluwa sa katawan ko. Especially when I cry so hard. Exhaustion consumes my being and my surrounding seems unreal.


Ramdam ko ang kiliti sa mga munting galaw ng daliri ni Ali sa palad ko habang nakahiga kami sa kama niya. Plano ko lang maidlip kanina pero ngayon ay medyo nawawala na ang antok. Pahinga lang ata talaga ang kailangan ko. At siya 'yon.


"Please don't ever ask me to do favors like that again.." banayad na wika niya, patuloy ang malumanay na pagguhit sa palad ko.


Kahit nakauwi na kami ay tungkol pa rin sa nangyari kanina ang pinag-uusapan namin. Marahan siyang bumuntong-hininga.


"I don't wanna give you any reason to feel less. You're so much more than I could ever ask for, Einj. I'd like to lavish you with love and assurance instead of doubts. Ayokong pagdudahan mo ang nararamdaman ko para sayo kailanman. What I want to give you is certainty, not jealousy."


Lahat ng sinabi niya noong gabing yon ay tumatak sa isip ko.


"In this relationship, I want you to be the most secured that you can be. To get the most assurance that you can get. I ought to make you feel all the love that I can give."


Bawat salita'y nanunuot at bawat kataga'y tumatagos.


"Hanggang sa hindi na sumagi sa isip mo na may hihigit pa sayo para sakin. Na meron pang papantay o papalit sayo. Dahil ikaw lang naman. Ikaw lang ang para sakin,"


Somehow, I know his words boosted something in me. Kaya naman kompiyansa ako para sa paghaharap namin ni Milli kinabukasan.


Ngayon kami nakatakdang magtagpo. Sa wakas ay makakausap ko na sya tungkol sa bagay na matagal ko nang gustong sabihin.


"Hindi ako pwedeng magtagal, Ate. Wag na lang tayong umalis ng campus. Let's just order something. Tapos sa garden na lang siguro," iyon ang sabi nya sa telepono tungkol doon.


Agad naman akong sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.


Kaso nga lang ay hindi na ata umabot sa breaktime ang baon kong lakas ng loob. I can feel my heart beating faster than usual when I reached the garden.


Nauna akong dumating doon. Wala pa si Milli nang umupo ako sa wooden chair. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing halos walang ibang tao roon. Mayroon man ay malayo naman sa pwesto ko at dadalawa lamang.


Ilalapag ko pa lang sana ang inorder na inumin para saming dalawa nang marinig ko na ang boses ni Milli.


"Ate Einj!"


She looks blooming as she makes her way towards me. Maliwanag ang mukha nang hawiin ang buhok bago umupo sa tabi ko.


Agad kong inabot sa kanya ang isang frappe matapos siyang batiin. She said thanks upon receiving it.


"May afternoon class ka pa ba?" tanong ko habang tinutusok ang straw sa drinks.


"Yup. 1:30PM yung next," aniya at binuhay pa saglit ang phone para tignan ang oras.


Natigilan ako nang matanaw ang lockscreen niya. It was her picture with Ali yesterday. Nanuyo ang lalamunan ko.


I sipped from my cold coffee to replenish my drying throat. Magiliw siyang nagkwento tungkol sa mga nangyari kahapon. Tahimik akong nakinig sa masayang karanasan niya.


Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Lalo na tuwing nababanggit niya si Ali.


"Sorry, ang daldal ko!" she giggled.


"Ayos lang.."


She brought the straw to her lips. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"


Napalunok ako.


Nang hindi agad umimik ay napalingon siya sakin. Kyuryoso ang mga mata.


Humigpit ang kapit ko sa inumin.


"Milli.." tikhim ko. "I'm sorry,"


Natigilan siya. Ngayo'y may pagtatanong na sa mga mata.


Pinakawalan ko ang mabigat na buntong-hiningang kanina pa dumadagan sa dibdib.


"Si Ali..." napapikit ako. "I like him,"


Naabutan ko ang unti-unting pagbagsak ng kamay niyang may hawak na inumin. Tila nawalan ng lakas.


"W-what?"


"I'm sorry. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong saktan ka—"


"A-anong sinabi mo?!" napatayo siya.


Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Halo-halo ang dumadaang emosyon sa mata niya.


I stood up withstanding my jelly knees.


"Milli.."


Namanhid ako nang maramdaman ang marahas na paglapat ng palad niya sa pisngi ko.


For the first time in my life.. I got slapped.


Nanatiling nakatagilid ang mukha ko mula sa sampal niya. It stings. Ramdam ko ang tila tusok-tusok na kirot sa balat. Nanunuot.


Rinig ko ang mabilis at malalim niyang paghinga.


"I knew it! Nagbabait-baitan ka lang pero may tinatago ka talagang sungay!" she spat with a shaking voice. "Ang kapal ng mukha mo! Malandi ka! Pinagkatiwalaan kita!"


Suminghap ako at sinubukang abutin ang kamay niya.


"Milli, let me explain—"


Marahas niyang winaksi ang hawak ko. For a moment, I was damn terrified by the raging wrath in her eyes.. It seems beyond control.


"Tigilan mo ko!" bulyaw niya, nagtataas-baba ang dibdib. "Alam ko! Alam kong noon pa lang ay may inggit ka na sakin!"


"What? Milli—"


"Shut up! Lahat na lang inaagaw mo sakin! Mula noon hanggang ngayon! Lahat ng dapat ay para sakin ay inaangkin mo!"


Napanganga ako at mabilis na umiling.


"Hindi totoo yan—"


"Sinungaling! Tanda mo dati noong nagkasakit ka kaya't binigay sakin ang role mo?! I was so damn happy! That was supposed to be my first lead role! Pero anong ginawa mo?"


Nagbaga ang mga mata niya. Natameme ako.


"You walked into the rehearsals on the last fricking day of practice looking so fine and healthy! Halos sambahin ka ng lahat at walang pag-aalinlangang binalik sayo ang dapat ay akin na!"


Nanlambot ang kalamnan ko. I didn't know..


"Lagi na lang ikaw ang bida! Ikaw ang magaling! Ikaw ang pinaka! Palagi ka na lang pumapasok sa eksena! Pati mga nanliligaw sakin noon ay sinusulot mo para lumipat silang lahat sayo!"


Napanganga ako. I was overwhelmed by her overflowing grudge. Naguumapaw ang galit niya sakin. Malayo sa inaakala kong maayos na samahan namin. Para kong binuhusan ng malamig na tubig.


"Ngayon, si Ali! Si Ali!" she frustratedly screeched. "Siya na nga lang ang meron ako! Siya na nga lang ang gusto ko! Siya lang ang tanging hinahangad ko at wala nang iba! Tapos ito? Ganito ang gagawin mo?!"


Masyado akong natigalgal sa lahat ng nabulgar na sama ng loob sakin ni Milli. I was too apalled to even bring my self to speak and reason out.


Suminghap siya.


"Alam niya ba?" nagtitimping tanong niya.


I froze.


"Alam niya ba na gusto mo siya?" bakas pa ang pinipigilang uyam sa nanginginig niyang boses.


My insides trembled.


I shut my eyes close before nodding.


Dama ko ang tensyon sa katahimikan niya. Only her unstable breathing was audible.


"Anong sabi niya kung ganon?" tiim-bagang na tanong nito.


My grip on the frappe tightened.


Hindi ko siya matignan. Bagsak ang mata ko nang ibuka ang bibig.


"A-ali and I.." nanginig ang labi ko. "We're t-together,"


Halos takasan ng kulay ang mukha niya sa pagkagulantang.


I paled just as much.


"Milli, please—"


Isang malutong na sampal ang muli niyang pinadapo sa kabilang pisngi ko.


"Traydor ka! Hinding-hindi kita mapapatawad!"


I was stiff as steel when she splashed her drinks on me.


Kinilabutan ako nang maramdaman ang malamig na likidong gumapang sa balat ko.


Pakiramdam ko'y nasa isang bangungot ako. Sana nga ay masamang panaginip na lang ang lahat ng ito. Kahit umalis na si Milli ay nangangatog pa rin ang tuhod ko.


Bumigay ang katawan ko at tuluyang napaupo.


Wala na ko sa sarili matapos iyon. I didn't even bother to attend my remaining classes. Hindi na ko bumalik pa. I don't have the energy for anything.


Gusto ko na lang umuwi. Yun ang napagtanto ko. Matapos ang ilang sandali ng pagkakatulala ay sinunod ko ang bulong ng isipan. Nagdesisyon akong tumayo na upang umalis.


Hindi pa ko nakaka-isang hakbang nang maramdaman ko ang vibration ng telepono mula sa bulsa.


Ali:

Einj, something came up. I can't come home with you after class. Will call you later.


Mabuti na rin siguro iyon. I don't want him to see me in this state.


Coming home safe and sound was a huge achievement. Ilang beses pa man din akong napapreno nang wala sa oras dahil panay ang lipad ng isip. Tulala at wala sa sarili


Tila may sariling buhay ang mga paa ko pagkababa ng sasakyan. Imbes na sa bahay namin pumunta ay sa katapat na gate ako dumiretso.


I pressed the doorbell. Natagalan bago iyon bumukas. Tinapat ko pa ang sarili sa security camera ng gate upang ipakita kay Ali na ako ang nasa labas.


It took unusually longer for the gate to open. Napatuwid ako ng tayo nang bumukas iyon.


My face was just about to lit up until I saw who are inside.


My forehead knotted in confusion.


There are two people.


Milli and.. Elle.


Bakas ang pagkamuhi sa mukha ni Milli. Akmang susugod ito sakin nang tipid na kumapit si Elle sa braso niya.


"Don't, Milli." she coolly said. "No stupid cat fights, I told you."


Aroganteng nakaangat sakin ang kilay ni Elle. I don't know what to feel. I am lost. Wala akong maintindihan sa kasalukuyang sitwasyon.


Naramdaman ko ang paghinto ng isang sasakyan sa likod. It was a familiar red car. Milli's.


Bumaling si Elle kay Milli. "Your driver's here. Go home and think about my suggestion,"


Elle has a small yet quirky smile at me all throughout. Tila mangha o naaliw.


Nanlilisik naman ang mata sakin ni Milli hanggang sa tuluyang pumasok sa sasakyan. Kahit tinted ang bintana ay pakiramdam ko'y nakatingin pa rin siya nang masama sakin hanggang makaalis ang kotse.


I was unmoving on my spot.


Elle's arms are now crossed in front of her chest. She still got an amused look on his face. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako roon.


Binuka niya ang gate habang naka-taas pa rin ang kilay.


"Come in," aniya sa parehong aliw na tono.


Hindi ko alam ang gagawin nang talikuran niya ko at pumihit papasok sa loob. My feet moved before my mind could even think.


Sa loob ay naabutan ko nang prenteng nakaupo sa ratan chair si Elle. She even gracefully sipped from the cup of tea before placing it back on the table.


Minwestra niya sakin ang upuan sa tapat niya, bakas pa rin ang interes sa mukha.


"Sit down,"


Gumala ang tingin ko sa paligid upang hanapin si Ali. Tila ngayon lang ako nabalik sa sarili at sa reyalidad. Lumibot ang mata ko habang papaupo.


"You must be looking for my brother.." nanigas ako sa sinabi ni Elle. "He's not here," she even playfully shrugged.


Nalaglag ang panga ko.


Napahalakhak siya sa reaksyon ko.


"Oh, you must be startled." aniya bago umayos ng upo. "Let me properly introduce myself to you,"


Nilahad niya ang kamay sa akin nang may ngiti.


"I'm Lefain, Ali's sister." ngisi niya. "Elle for short,"


The cold afternoon breeze brushed through my soul. I was beyond dumbfounded.


Natulala ako sa nalaman. Hindi na namalayan kung gaano katagal nakatanga.


Nabitin ang kurba ng labi niya sa katahimikan at kawalan ko ng tugon. Nagkibit balikat lang siya nang hindi ko tanggapin ang kamay niya. Binawi niya ito bago tumuwid ng upo.


"Well.. since you don't seem to be interested in me, let me get straight to the point.."


Kinuha niya ang tasa at humigop mula roon. Kinilabutan ako sa munting tunog na nilikha noon.


"I've heard so much about you from Milli. Biruin mo, ikaw pala 'yun?" she snortled.


Mahinhin niya pang pinunasan ang sulok ng mata sa kakatawa.


"No offense.. but between you and Milli, I like her better for my brother." aniya habang may mapagmataas na ekspresyon pa rin.


I felt a pang on my chest.


Muli siyang humigop ng tsaa. Nagpipigil ng ngiti at naka-arko pa rin ang kilay.


Mabagal ang paglapag niya ng tasa. Nang bitawan iyon ay malumanay niyang pinagdaop ang parehong palad sa ibabaw ng mesa.


Tumuwid siya ng pagkakaupo bago bumaling sakin.


"I'm glad you're here though. Tutal gusto rin naman kitang makausap." aniya. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa,"


Humor slowly started disappearing on her face. Ngayo'y sumeryoso na habang nakatingin sakin.


Hindi ko inaasahan ang sunod-sunod at nakagigimbal na rebelasyon nya. Hindi ko na nagawa pang ihanda ang sarili.


"Our father died earlier this morning. Ali is refusing to come with me to New York for the burial. Now I see you must be the reason why," she shot me a look. "If you have the slightest decency left on you, stop being such a nuisance and convince him to go."

































Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
52.7K 2.9K 45
[epistolary] It all started with wrong sent messages from Shiela, leaving no choice for Zeke but to fell in with. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2018
517K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.3M 52.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.