Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

31st

18.4K 866 381
By zaaaxy

Walkout



Nanlamig ang katawang lupa ko.


Ni hindi ko magawang lingunin ang pinanggalingan ng boses. I was frozen on my stance.


"Ate Einj?" the same feminine voice repeated. "Ikaw ba yan?"


Nanghihinang bumagsak ang mga kamay ko. Lumunok ako bago dahan-dahang humarap sa direksyon kung san nagmumula ang tinig.


A delicate figure wearing the same Dali costume with her mask up was standing right in front of us. Dumagundong ang dibdib ko.


Her lips parted when she confirmed my identity.


I swallowed the lump on my throat.


"Aria.."


I took a few steps towards her. Bumigay ang tuhod niya habang nakatulala.


"Ate... Bakit.." matamlay at putol-putol ang mga salita niya. "Anong.."


"Aria, baby.. listen,"


Lumuhod ako sa harap niya. Sa gilid ng mata ko ay kita ang matikas na bulto ni Ali. Tahimik na nakamasid samin.


Marahan kong hinaplos ang magkabilang gilid ng mukha ni Aria.


"Ate Einj.. anong ibig sabihin nito.." there was worry in her eyes. "Are you cheating on Kuya Elcid? Don't you love my brother anymore?"


Nanginginig pa ang boses niya. Narinig ko ang pagsinghap ni Ali sa gilid. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling inamo si Aria.


"No, baby. It's not what you think—"


Umiling-iling siya.


"My Kuya would be so hurt! He likes you so much!"


Nanlaki ang mata ko. Saglit pang na-distract sa paggalaw ng ulo ni Ali nang umirap ito.


"Aria—"


"Please don't do this to him, Ate! He doesn't deserve to be in pain!"


"Calm down... Look, I would never want to hurt your Kuya—"


"Then please don't do this! Don't break up with him!"


Umismid si Ali. Isinantabi ko muna ang mga reaksyon niya mula sa gilid at itinuon ang atensyon sa bata.


"I told you, Elcid and I are not together—"


Nagtubig ang mata niya.


"Because you have someone else already!"


Napanganga ako. Suminghot siya at pinunasan ang pisngi.


"Ate, Einj. I promise to keep whatever I saw as a secret. Basta't wag mo lang sasaktan si Kuya."


Umigting ang panga ni Ali.


"Aria, you don't—"


"Please, Ate..He'd been through so much lately." she sobbed. "We lost our father. Our mom got sick. His dreams are halted. We're... broke,"


Tila nanuyo ang lalamunan ko habang nakikita ang kumikislap na luha sa gilid ng mata niya.


She sniffed and turned to me.


"Ate.. I won't tell anyone about what I saw. Just please don't let Kuya know about this too. Kapag nalaman niya.. masasaktan siya," she broke into tears.


Nagparte ang labi ko bago siya dinaluhan. She was weeping like a kid that she is. Siniksik niya ang ulo sa dibdib ko.


"Sshh.." haplos ko sa buhok niya. I also caress her back up and down to calm her.


Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal nanatili sa ganoong posisyon. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang tumahan siya nang tuluyan.


Nakatulog na siya sa bisig ko. I figured since I can feel the weight of her still and motionless form.


I heard Ali heave a breath.


"I'll carry her."


Kinailangan naming bumaba sa guest room para maihiga si Aria. Bago kami umalis ay ginala ko muna ang mata sa paligid upang hanapin si Elcid. Nang hindi ito makita ay si Aysen na lang ang tinapik ko.


"Tell 'Cid we brought Aria in the guest room. She fell asleep,"


Ali was quiet on our way down. Ganun din ako. Umangat lang ang tingin ko nang may makasalubong kami sa hagdan.


It was Milli with a friend. Natigilan siya. My steps also halted. Napahinto rin si Ali nang tumigil ako.


Lumipat ang tingin ni Milli sa katabi ko bago bumalik sakin. Ngumiti siya. I ended up forcing a smile too.


"San kayo?" mahinhing tanong niya.


I cleared my throat.


"Ihahatid lang si Aria sa kwarto para mailapag sa kama. Nakatulog na kasi.."


Marahan at unti-unti siyang tumango. She smiled at me.


"Catch up later, Ate Einj!" aniya bago sila tuluyang nagpaalam.


Wala ko sa sarili habang pababa. Natutulala pa rin mula nang humiwalay kami ng landas kina Milli. Her smile rents in my mind rent-free. I feel bad.


Alam kong kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para kay Ali. Pati na ang namamagitan saming dalawa. Iyon naman talaga ang plano kong gawin. Nag-aabang lang ako ng tamang pagkakataon. I don't want to caught her off guard.


Hindi ko alam kung paano iyon uunti-untiin sa kaniya upang hindi siya mabigla. Pero hangga't hindi ko pa iyon nasasabi ay mas mabuting mag-ingat kami ni Ali sa mga ikinikilos


For now... we should keep 'us' a secret.


"No." mariing sabi ni Ali.


Iyon ang tugon nya matapos kong sabihin na ilihim na lang muna namin ang namamagitan sa amin.


Hindi namin agad na iniwan si Aria kaya't hanggang ngayon ay nasa guest room pa rin kami.


I sighed. "Ali.."


His jaw tightened. "Why do we have to hide it? Wala naman tayong ginagawang masama,"


"I know. Pero kasi... may masasaktan,"


Dumilim ang tingin niya.


"Si Elcid," he grimly declared.


My eyes widened. "No!" 


Umiwas siya ng tingin nang may sarkastikong kurba sa labi. Ramdam ko ang lamig nang bumalik sakin ang mata niya.


"Who then? Yung ibang may gusto sayo? Sino pa ba, Einj? Huh? Ms. Patron Saint of Other People's Welfare?"


My jaw dropped at his mocking tone. His voice reeks with sarcasm!


"Alister, pwede ba? That's not it!"


"Then who?"


Si Milli! Kasi may gusto siya sayo!


I wanna say it out loud but I can't! Dahil nangako ako sa kaniya na hindi ko yun sasabihin kay Ali. At isa pa, kung may dapat mang umamin non sa kanya ay si Milli yun. It's not my story to tell.


His expression changed at my silence. He blandly looked away.


"You must be so concern for that person.." matabang na wika niya "I wish you have the same amount of care for yourself. Sana ganyan ka rin mag-alala para sa sarili mo. Kahit wala na para sakin, Einj. Kahit para sayo na lang. Isipin mo naman ang kapakanan mo,"


My heart sank. Saka ko lang naramdaman ang panghihina nang tumunog ang pinto dahil sa paglabas niya.


That night didn't end right for me. The rest of the night was a blur. Ang malinaw lang sakin ay ang hindi namin pagkakasunduan ni Ali tungkol sa bagay na yon.


"Einj, pa-tape na ng ankle."


"Sige, kunin ko lang yung gamit."


Third game na ng team ngayon. Medyo kabado ako dahil matunog ang pangalan ng kalaban nila. Malakas daw.


Napahinto ako sa paglalakad nang umangat ang tingin at may natanaw. Napagtanto kong madadaanan ko si Ali sa hilera kung san nakapatong ang bag. Nagsisintas ito ng sapatos katabi si Cal.


Ilang araw na ang lumipas mula nung magkasagutan kami. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay. Siguro ay mas mabuti na rin muna yon sa ngayon para hindi kami mahalata.


Huminga ako nang malalim at tinuloy na ang paglalakad. Sakto iyon sa pag-angat ng ulo niya. Hindi ko nabasa ang ekspresyon niya dahil nilihis niya rin naman ang tingin.


Hindi na ko pumasok sa row ng bleachers na iyon dahil masikip at ayokong magkadikit pa kami. Huminto na lang ako sa may kanto.


"Paabot nung bag, Cal."


Umangat ang kilay nito.


"Abot mo nga, men. Mas malapit sayo eh." utos niya lang din sa katabi.


"Ikaw kausap," malamig na sabi ni Ali.


"Einj, siya na paubutin mo."


Tiim-bagang akong bumaling dito.


"Paabot." malamig ding wika ko.


Hindi nagbago ang mukha niya. Kinuha niya lang iyon at inabot sakin nang matigas pa rin ang ekspresyon.


Matabang akong tumikhim. Tinanggap ko lang iyon at pairap nang tumalikod.


"Inangyan. LQ pa rin?" rinig ko pang bulong ni Cal.


Tulad ng inaasahan ay magaling nga ang kalaban. Kadalasan ay hindi naman agad na napapagod ang mga shooter namin na sina Elcid at Ali. Pero first quarter pa lang ay ramdam ko na ang hingal nila. They are trying so hard to maintain our slight lead.


"Nasiko ka nung binabantayan mo?" dinaluhan ko si Elcid nung break nang mapansin ang kamay niyang nakapatong sa tagiliran niya.


Hindi ako sigurado pero parang natanaw ko ngang nangyari iyon kanina. The other team's #5 seems aggresive. Iyon pa naman ang natapat kay Elcid.


Umupo ako sa tabi niya.


"Ayos lang," aniya.


"Sure?"


He nodded.


I sighed. "Kung gusto mo, magpalit na lang kayo ng position ni Ays—"


"Excuse,"


Natigilan ako nang marinig ang malamig na boses ni Ali. Umangat ang tingin ko.


"H-huh?"


Nagtangis ang bagang niya.


"Usog. Nandyan yung towel ko,"


"Saan?" lumipat ako sa kabilang upuan para tignan kung natatakpan ko iyon. "Wala naman.."


"Men, ito oh."


Hinagis sa kanya iyon ni Cal mula sa likod. Nandoon naman pala sa isang bench. Babalik na sana ko sa tabi ni Elcid ngunit nauna nang umupo roon si Ali.


Wala itong sinabi. Tuwid lang ang tingin sa harap nang uminom mula sa hyrdroflask. Iniwas ko ang tingin sa adam's apple niya.


"Shit! Foul yun ah?" nag-papanic na wika ko nang sa second quarter ay matumba si Elcid matapos itulak ng bantay.


Inalalayan siya nila Davion pabalik sa bench. Pansin kong may iniinda siyang sakit sa tagiliran.


"Let me check."


Pumwesto ako sa tabi niya at inangat ang jersey niya.


"Namumula! Baka maging pasa 'to—"


Dadapo pa lang sana ang kamay ko sa balat niya nang may mahigpit na pumigil sa palapulsuhan ko.


It was Ali. Kinilabutan ako nang umangat ang tingin ko sa nagbabaga niyang mata.


"Get some ice," he coldly commanded, inagaw na ang trabaho ko.


Nanuyo ang lalamunon ko. I swallowed.


"S-sige."


Hindi ko na pinabalik pa sa game si Elcid. It was weird to see Ali treating his bruise earlier. Kahit pa mukhang labag sa loob nito iyon. Sabi ko naman kasi ay ako na ang gagawa noon pero mas sumasama lang ang tingin niya pag-inaako ko yun.


"Please, please!" panay ang dasal ko habang nanonood.


Sobrang dikit ng laban! Ang lalaking tao rin kasi ng mga kalaban. Ali was in rage though. Kahit siya na lang ang natitirang main shooter sa game mula sa team namin ay nasasabayan pa rin ang nagagawang puntos ng kalaban. Aysen was backing him up in scoring now.


Naramdaman ko ang kamay ni Elcid sa likod ko. Dumilat ako at naabutan ang tipid niyang ngiti.


"They'll win. I'm sure." kampanteng wika niya. "Don't worry,"


Sumilay rin ang ngiti sa labi ko. Kahit papano ay nabuhayan ako sa sinabi niya. If there's one person who knows the team better than I do, it's him. He's the captain, after all.


Panay ang sigaw ko tuwing nakaka-shoot ang team. Tuwing lumalandas naman ang tingin ko kay Ali ay lagi itong mukhang badtrip. Kahit puro pasok naman ang tira niya. Halos siya na nga ang mag-buhat ng score. Gigil na gigil. This is the wildest I've ever seem him play. He's on fire.


"Shoot! Shoot! Shoot!" I was crossing my fingers during the last seconds.


Tie ang score. Kung hindi papasok ang huling tira ni Ali ay mag-oovertime pa. Kontra ako roon lalo pa't alam kong pagod na ang lahat.


Napatili ako nang ma-shoot ang bola. Maging si Elcid ay bakas ang saya. Napatalon-talon ako at niyakap siya.


"Oh my gosh! Oh my gosh!"


Even Rae was beaming in happiness. Sinenyasan ko siyang lumapit. Kakalasin ko pa lang sana ang yakap kay Elcid nang marinig ang boses ni Cal sa di kalayuan.


"Men, san ka?"


Lumingon ako sa kanya at sinundan ang linya ng tingin niya. Likod na lang ni Ali ang naabutan ko. He was heading to the locker room.


























Continue Reading

You'll Also Like

93.2K 3.5K 100
Of Gods and Mortals III: (Hades & Persephone) She was as cold as ice, until him.
135K 3.8K 10
(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan...
486 106 32
One Last Series Book # 2 Subtitle: One Last Kiss (Raw Chapters Ahead. Un-edited, and On-Going.) Growing up with a broken family, EJ always thought i...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...