Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

21st

17.8K 942 922
By zaaaxy

Distansya



"Duty mo rin ngayon, Einj?" tanong ni Jaz pagkapasok niya sa studio at maabutan ako.


"Nope. Magsa-submit lang ng narrative,"


Tapos na ang last class ko at dumaan lang ako sa broadcast room upang magpasa ng weekly log. Tinatapos ko na lang ang pagpirma bago umalis para sa basketball training.


Inabot ko ang logbook sa lamesa at nirecord doon and submission ko.


Muli akong nakarinig ng pagbukas ng pinto kaya't umangat ang ulo ko.


I saw Elle entering from the other end of the studio and she's with... someone. Someone I know na fourth year din like her.


"I told you, Theo. Hindi mo naman ako kailangang ihatid dito.."


"Nah.. May sadya rin naman ako rito. I was hoping to see.. someone.." aniya saka lumibot ang mata.


Napakurap ako at akmang i-iiwas na ang tingin mula sa direksyon nila nang saktong magtama ang mata namin ni Theo.


His face lit up in an instant


"Einj," aniya habang papalapit na sa akin.


Nakita kong nakasunod sa kaniya ang tingin ng naiwang si Elle. Nabitin pa ang pagbubukas nito ng hawak na fit n' right juice. Lumipat sakin ang mata niya, bahagyang naka-arko ang kilay.


"Hey.." Theo pulled the chair next to me. "Hindi ka nagrereply sa mga messages ko,"


Tumikhim ako.


"Deadbatt na ang phone ko," nilabas ko pa iyon sa bulsa upang ipakita sa kanya.


Bumagsak din naman doon ang mata niya at nakumpirma.


"I'm sorry," habol ko.


Umangat sakin ang tingin niya. Ngayon ay may kumukurba nang ngiti. He simply shook his head.


"It's fine... Tinatanong ko lang naman through text kung may lakad ka ba after class." aniya. "Are you you free?"


I bit my lip.


"No... May basketball training kasi ang boys ngayon,"


"Oh.. Is this about the league which Calcifer was talking about?"


Tumango ako.


He smiled. "I heard you are the manager,"


Damn, bakit ba kasi ang wide ng reach ni Cal? Pati sa fourth year ay umaabot ang kadaldalan niya.


"Wala naman na kasi silang ibang choice," I could only smile cheekily.


Napangiti rin siya. His eyes even smiled too. He lightly ruffled my hair.


Nag-alok pa siyang ihatid ako ngunit hindi ko rin napagbigyan dahil dala ko naman ang sasakyan. Kalaunan ay kinailangan ko na ring magpaalam.


Pagtungo ko sa pinto upang lumabas ay naabutan kong bahagya pa ring nakaharang doon ang pigura ni Elle. She shot me a look.


"I rarely see you man the studio.."


"Uh.. I'm kinda busy these days.." lunok ko. "But I still make sure I'm here during my scheduled duties,"


Tumaas pa ang kilay niya bago gumilid upang makadaan ako. Saka lang ako nakahinga nang maluwag noong nakalabas na mula roon.


Agad kong chinarge ang phone pagkapasok sa kotse. Napanganga ko nang makitang may missed call doon kaninang tanghali mula kay Ali. Hinanap niya ba ko? Ang akala ko ay abala siya tulad ng sinabi ni Cal. 


Dumaan na lang ako sa burger king upang bumili ng snacks para sa kanya at sa mga kaibigan.


"Whopper, please."


Matapos mag-drive thru ay dinaanan ko naman si Elcid. Kinawayan ko pa si Aria nang makita ko ito roon.


"May food and drinks dyan, kain ka.." alok ko kay Elcid noong papunta na kami sa gym.


It was a short ride towards the gym. Hindi na iyon sa dating court kung saan kami nagpapractice before. This time, Davion's mom helped us in getting an access to the private basketball gym of the subdivision. Maganda ang facility at air-conditioned ang exclusive area. Kumpleto rin sa gamit at may maayos na shower room.


Si Aki at Rae at pa lamang ang naabutan namin sa loob. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang kotse ni Adea para i-drop off sina Davion at Cal. The dumbass is still talking about his crush.


"Men, alam ko namang masasaktan ako sa huli pero sa huli pa naman yun."


Even Aysen arrived after a short while. Napatingin ako sa relo nang mapagtantong si Ali na lang ang wala.


"Ayan na, he's here.." Rae said.


Umangat ang tingin ko at nakumpirma nga iyon. Elcid, being the team captain, instantly initiated the warm-up. Hindi tulad dati ay mas kaunti na lang ang oras na mayroon kami ngayon. Hapon na at tuwing pagkatapos ng klase lang kami pwedeng magsanay tuwing weekdays.


Habang nagpapalit ng damit ay nilapitan ko si Ali. Hindi niya ko tinapunan ng tingin kahit alam kong ramdam niya na ang presensya ko.


"Hey, I wasn't able to text you pero kaninang lunch kumain kami—"


"San?" he cut me off.


Kumunot ang noo ko. His voice was rather.. cold.


"Sa cafeteria—"


"..pake ko?" dagdag niya sa naunang sinabi, tuluyan nang nakapagsuot ng training jersey at tinalikuran ako.


Napanganga ako habang nakatitig sa likod niyang naglalakad papalayo sakin at patungo na sa gitna ng court.


Ano raw? 'San pake ko?' Hah! San pake niya?! Did he just freaking taunted me?!


Suminghap ako saka pinilig ang ulo. Come on, Einj. Calm down. Hindi ka pa nasanay. Alam mo namang ganyan lang talaga 'yang si Ali. Maybe he's just having a bad day. Kaya bumabalik na naman ang pagiging suplado.


Lumandas ang mata ako kay Elcid na nakatingin sa direksiyon ko, mukhang nakita ang nangyari. Concern was evident in his eyes as he arch his brows at me. Nginitian ko na lamang siya.


Nang magsimula na ang practice games ay minabuti kong ituon doon ang atensyon. Tuluyan nang nabaling doon ang interes ko kaya't nanatili akong nakatutok sa laro.


"Good pass, Cal! There, shoot it Davion!" natigilan ako sa sunod na nangyari bago muling nakabawi. "Nice lay up, Ali!"


Laglag ang panga ko nang mahuli ang munting pag-irap niya sa narinig. Nag-halfrun ito paatras habang pinapanood ang pagbagsak ng bola bago tuluyang pumihit patungo sa kabilang ring.


Nang sumapit ang break nila ay kinuha ko ang paper bag mula sa fast food chain. Yung para kay Ali na lang ang natira doon.


"Kunin ko na yung mga Powerade sa ref, Ate?" tanong ni Rae.


Tinanguan ko siya at binilin na damihan ang mountain blast dahil mas marami ang may gusto noon. Sumang-ayon naman siya at agad nang inasikaso iyon.


I easily spotted Ali sitting down on one of the benches. Malayo ang tingin habang hawak ang towel at nagpapatuyo ng pawis.


Nilapitan ko siya at nilahad sa harap niya ang paper bag.


I sighed.


"Nag-drive thru ako kanina. May food and drinks—"


"Sino?" putol niya.


Nagsalubong ang kilay ko sa pagkalito.


"Huh? Para sayo t—"


"..nagtanong?" dugtong niya bago walang habas na tumayo at naglakad palampas sa akin.


Gulantang ang buong pagkatao ko habang sinusundan siya ng tingin.


Kumuha lamang siya ng isa sa mga orange flavor drinks na hawak ni Rae saka binuksan iyon at nagtungo sa panibagong pwesto.


What the actual fuck? What the hell is wrong with him?


San pake niya? Sinong nagtanong? Namumuro na siya ah! Bakit kanina niya pa ko binabara?


Huminga ako nang malalim upang kalmahin ang sarili. Patience, Einj. He's just being hard-headed as usual. Wag mo nang patulan. Be the bigger person.


Paulit-ulit ko iyong pinaalala sa sarili.


Nilihis ko ang atensyon sa mga sumunod na oras. Natapos ang training nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ni Ali. Napailing-iling na lang ako at kalaunan ay ipinagkibit-balikat iyon. I wasn't even able to properly say goodbye to him.


"Einj, sayo na ko sabay." wika ni Cal habang sinasara na ang zipper ng bag.


"Alright. Let's drop off Elcid first,"


Nahuling mag-shower si Elcid kaya't sa kotse na namin siya hinintay ni Cal. While waiting, I decided to send a message to Alister.


Einj:

Tambay ako saglit sa inyo later, hatid lang namin si Elcid


Wala iyon sa plano ko pero mabuti na rin sigurong dumaan sa bahay nila saglit para na rin maitanong ko kung ano bang pinuputok ng butchi niya.


Nang mag-beep ang phone ay chineck ko agad iyon para mabasa ang reply.


Ali:

sml


Nanatili ang titig ko sa screen.


My forehead knotted. What's this? SML? Wait is this.. so much love?


Tila may humaplos sa puso ko sa naisip. Lumingon ako kay Cal upang kumpirmahin.


"Cal, what's SML?" I asked. "So much love?"


"Huh?" humagalpak si Calcifer. "No, Einj. Dammit. It means— Share mo lang?" halakhak niya.


Napamaang ako habang tawang-tawa pa rin siya. Ramdam din ang bahagyang pag-init ng pisngi.


Tahimik na lang tuloy ako hanggang sa pagpasok ni Elcid sa sasakyan. Pati noong nasa byahe na kami patungong Java Shop. Maging si Cal ay nakaidlip na marahil dahil sa pinaghalong pagod at katahimikan.


"You're close with Alister?"


Natigilan ako nang bigla iyong itanong ni Elcid sa gitna ng byahe.


"H-huh? Uhm.. I think so?"


Kung sa ibang pagkakataon ay marahil walang pagdadalawang isip na 'kong sumagot ng oo. Pero dahil sa inaakto ni Ali ngayon ay maging ako tuloy ay hindi na sigurado!


"You're not sure?"


I sighed. "Actually, yes.. I'm not sure anymore,"


I saw Cid subtly nodding.


"Don't push yourself too much, Einj. I know you wanna be friends with everyone but not all people are the same. Just look at what happened during the team building. He clearly prefers being on his own."


Bumagal ang takbo ng sasakyan. Hindi ko mapigilang matulala sa daan.


"It's just that.. there are people who would rather be alone. It's their safe zone. They don't like letting people in to their lives... and we have to respect that,"


Somehow, Elcid's words really hit a nerve.


Siguro nga tama siya.


Maybe I should really keep my distance.



























Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.8K 10
(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan...
1.2M 49K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
281K 14.5K 49
Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a prev...
630K 15.6K 165
I wanted closure but ayaw niyang ibigay sa akin! Ano ba naman iyong sabihin niya harap-harapan na ayaw niya na hindi ba?! Bwisit ka talaga Trenton Ja...