My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Gums

388 34 8
By HEYNEENAMOR

Rita's POV



HALOS mangawit na yata tong panga ko dahil sa pagngiti dahil bigla ko na lang naalala yung nakakakabang eksena kagabi. Muntikan na talaga kaming maabutan ni Dad sa banyo. Hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko kung sakaling makita nga kami nito. Nagtagal din kami ng halos isang oras sa loob ng banyo bago kami nakalabas. Sinigurado rin namin na hindi magigising sila Mommy and Daddy sa paglabas namin ng kwarto. Nakuha namin ang dapat na makuha. Kaya ng makalabas na ito ng bahay ay halos ayaw pa nitong umalis.. Natatawa ako dahil dinadahilan pa niyang ayaw niyang mag drive ng inaantok. Eh yung totoo ay napakalapit lang naman ng hotel kung saan ito nag stay.












It's already 7am at nakaayos na ako para pumasok. Maaga akong nagising ngayon dahil aminado akong hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi. Dahil sa bawat pagpikit ng mga mga mata ko ay ang pagtitig nito ang naaalala ko..







"Rita, anak! Halika na dito hanggat mainit pa ang kanin!" bitbit ko ang ngiti hanggang makaupo sa harap ng hapagkainan. Namimiss ko yung ganito. Rice sa umaga. Ganito kami talaga. Hindi pumapayag ang Mommy ko na umalis ako ng bahay ng hindi pa nakakakain at umaga hanggang hapunan ay siguradong may Rice. Pero kahit ganoon ay kontrolado parin ako sa pagkain, mahirap na.. Ang hirap kayang mag work out!!





"Malapit lang naman dito yung opisina niyo anak diba?"





"Opo Dad.. 15 minutes po ang pag cocommute ko kung hindi traffic.."






"Eh bakit ang aga mong gumising ngayon?" pagtataka nito.. Eh hindi nga kasi ako nakatulog ng maayos!







"May kailangan po kasi akong asikasuhin ngayon sa office.." pagdadahilan ko dito..






"Si Ken, sabay ba kayong papasok ngayon?" usisa nito.







"Ay, hindi po Dad. Maaga po ang meeting niya ngayon. Siguro ay kanina pa siyang 6am nasa office.." napansin kong nagkatinginan sila Mommy at Daddy.. Teka. Bakit ko alam! Bakit pati ba naman iyon na-sshare ko!














"Kabisado mo ang schedule niya anak hah.." usisa ni Mommy at kunyaring natawa ako..












"Mommy naman! Ako kasi yung nag ayos ng schedule niya for this week!" pagsisinungaling ko dito.. Pero hindi naman scope ng trabaho ko iyon!! Wala namang Editor ang nag-aayos ng schedule ng boss niya! Juskooo Sana di mahalata..






"Sige na, kumain na tayo at para hindi ka ma-late!"

















"Ako na lang po ang maghuhugas ng mga plato. Maya-maya na lang ako aalis.." sabi ko kay Mommy ng lapitan ko siya sa sink..














"Rita anak, mas mabuti pang pumasok ka na para hindi ka maabutan ng traffic!" nag make face ako at niyakap ko si Mommy..











"Bye! Mauna na po ako!"











"Sige na! Ingat ka! Ako ng maghuhugas nito. Pati ba naman tagahugas ng pinggan ay trabaho na ngayon ng Editor!? Hindi naman!makahulugang sabi ni Mommy.. 











"Mommy!!" naiiyak na sabi ko dahil inaasar na niya ako..
















"Ingatan mo yan!!!" sigaw ni Mommy sabay turo sa bandang puso..














"Safe to and protected Mommy!!" sagot ko dito at tinawanan lang ako..




























Bago ako makapasok sa pinto ng office ay may tumawag sa pangalan ko..













"Daniela!"











"Oy! Oli!" lumapit ito sa akin kaya gumilid kami dahil nasa gitna kami ng hallway..









"Paalala lang hah, tingnan mo yang dinadaanan mo.. Para kang naglalakad sa hangin habang nakangiti.." sabi nito na ikinagulat ko.









"Di nga???? Talaga ba?"










"Oo! Mabuti na lang at ako lang ang nakakita.." natatawang sabi nito..









"Sus. Wala yun!  Hmm ikaw? Kamusta ang Cherry blossom?"









"Cherry Blossom?"










"Oo! Cherry Blossom! Diba galing kang Japan!! "







"Hindi season ng cherry blossom ngayon eh."










"Kita mo yan, wala manlang pasalubong!"










"Next time! Bawi ako. haha. Hmmm, hihingi sana ulit ako ng sorry tungkol sa ——"











"Okay na. Tapos na yun. Lasing ka . "












"Alam mo Rita, ikaw lang yung taong ang bilis akong mapatawad.. Thanks God na may nag eexist na tulad mo.. Sana tulad mo din sila.." napansin kong mas lalong lumungkot ang mga mata ni Oli..









"Oli, kung may problema ka, nandito naman ang team ko. Pwede kang magkwento para malabas mo yang sakit diyan sa puso mo. Kung ano man yang malalim na problema mo, alam ko, magiging okay din ang lahat. Ang bait kaya ni Lord! Kapit ka lang sa kanya!"














"Salamat Daniela.."













"To naman!!! Di bagay sayo yang ganyan!!! Smile na dali!!!" sabi ko dito at ngayon ay nakita ko na itong ngumiti..











"Ayan! That's Oliver!!! "











"Sige na, pumasok ka na sa office mo!" utos nito..








"Teka, galing kang meeting? Tapos na ba yung meeting niyo?"












"Actually hindi pa, lumabas lang ako para mag yosi.." sabi nito..











"Hay naku! Sige na! Naistorbo ko pa yung pagyoyosi mo! " sabi ko dito at nagpaalam na ako para makapasok ng office ko..















Pagpasok ko ng office ay napatili ako ng isang party popper ang pumutok sa gilid ko ...








"Hey! What is that!!! Hindi ko birthday!!" halos kinakabahang tanong ko kay Tosh na ngayon ay tawa ng tawa..






"Gaga! Pang birthday lang ba ang party popper? Tss.. Magcecelebrate tayo!"






"At bakit naman?" bumilog ang mga mata ko ng nakita ko ang hawak hawak ni Tosh na magazine!!!! Tapos na! Tapos ng ma-imprenta ang bago naming magazine na featured si Miss Anne Curtis!!! My Gosh! Finally!!! Mabilis akong lumapit at kinuha iyon..










"Ang ganda talaga ng magazine cover. Iba talaga mag layout yung Tosh!" papuri ko sa baklang ito.











"Sus. Wala to! Ano ba! Ako lang to guys!" pabebeng sabi nito kaya tawa kami ng tawa..













"Congratulations guys!!" tili ni Iza at nagtatalunan na kami nila Camille sa loob..







"Nabuksan niyo na ba?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang umiling..







"Tulad ng nakasanayan, syempre, ikaw ang unang magbubukas niyan! Dali na! Tanggaling mo na sa balot!!" naeexcite na sabi ni Tosh..









"Hmm.. Later na lang.. May naisip ako.." nakangiting sabi ko sa kanila... Nagkatinginan silang tatlo..
































Hinintay ko talagang mag 4pm , bago ako lumabas sa office. Nagmamadali akong tumungo sa office ni Ken..









"Miss Rita, pwede na daw po kayong pumasok.." tawag sa akin ng secretary nito.














Pagpasok ko, busy itong nakaharap sa laptop niya pero pagkakita niya sa akin ay iginilid niya iyon at ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Dahan dahan akong naglalakad palapit sa kanya..









"Siguraduhin mo lang na hindi masasayang ang oras ko sa pinunta mo dito.." rinig kong sabi nito. Mabilis akong umupo sa upuan sa harap niya tyaka ko nilapag ang bagong imprentang magazine sa harap niya..








"Look! May final copy na tayo ng magazine and for delivery na siya today!! Tomorrow na ang first launching nito and gusto kong ikaw ang unang makabasa!!"  nakangiting sabi ko dito.. Kinuha nito ang magazine at nilagay sa gilid niya na ikinagulat ko..








"Hindi mo bubuksan? Gusto kong makita na binubuksan mo!"








"Nabasa ko na ito. Ako nga ang nag approved diba?" seryosong sabi nito..






"Pero iba parin pag final copy!! Dali na! Buksan mo na!"







"Mamaya na.."








"Hmmm.. So tapos na ang magazine, may final copy na, napa-proud ka na ba sa akin??" nakangiting tanong ko dito.











"No."









"Grabe ka! Wala ka talagang ka support support kahit kailan!!!" inis na sabi ko dito..









"You did a great job Rita. I know how hard you've worked for this.." bigla nitong sabi. Napangiti ako ng marinig ko iyon..








"Sus ! Wala to! Jusko ako lang to!!" paggaya ko sa sinabi ni Tosh kanina.. Ewan ko ba, natatawa din ako sa sinabi ko at itong kaharap ko ay bumulahaw ng tawa..







"HAHAHAHAHAHAH—-"







"Isa! Manahimik ka! Tawang tawa?"







"Kasi naman Rita, hindi lang ako proud sayo, masaya din ako for you. Para sa team mo."










"Dugo't pawis ang inalay ko, matapos ko lang yan!"









"Talaga? May dugo?"











"Eme!! To naman, mapagpatol. Hmp.. Ang dami naming pinagdaanan matapos lang yan. At lalo kaming nahirapan dahil dun sa boss namin na pabago-bago ng deadline! Akala niya siguro superhero kami or may magic eh ! Naku, pag nakilala mo yung boss namin na iyon, naku! Wag mo ng tangkaing makilala.." sabi ko dito ..










"Ah, talaga ba.." may tonong pagbabantang sabi nito..












"Charrot lang!!! So ano? Manlilibre ka ba?" tanong ko kay Ken at tinaasan ko ito ng kilay..









"Bakit ako yung manlilibre? Diba dapat ikaw?" ganting sabi nito.. Ang kuripot! Tsss..










"Okay! Wait mo ako after office hours.." sabi ko dito at napansin kong napasandal ito sa swivel chair niya..






"Ako talaga yung paghihintayin mo?" tanong nito. Tumayo ako at unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya..













"Aba syempre! Girl ako!" sagot ko dito sabay irap.. Mabilis kong kinuha ang magazine at nagpaalam na ako para lumabas..






































Pagbalik ko sa office, lumapit si Iza sa akin..













"Dinala mo yung magazine kay Sir Ken?"








"Oo! Ibibigay ko sana kaso maarte.. Kinuha ko na lang ulit.." pagdadahilan ko dito..









"Anong sabi niya?"









"Masaya siya for us."








"Naniniwala ka naman?" makahulugang tanong ni Iza. Oo? Naniniwala ako.








"Hindi ko alam. Siguro? O dapat akong maniwala.." sagot ko dito.








"Girl, boss natin siya. Hindi mo naman nakakalimutan yung kumpanyang binago at ginulo niya ng dumating siya diba?" makahulugang paalala ni Iza..











































Nandidito ako sa likod ng building para hintayin si Ken.. Minabuti ko na lang na mas agahan ang pag out para hindi na ito ang maghintay sa akin. Naisip kong nakakahiya nga naman kung yung boss ko pa yung paghihintayin ko dito.








"Oh? Daniela? May inaantay ka?" tanong ni Oli sa akin ng makita niya ako..








"Ah! Oo, sila Tosh." pagsisinungaling ko.








"Ahh. Sila Tosh. hmm pero kakadaan ko lang ng office niyo, wala ng tao. Naka-locked na." sabi nito.. Shocks!! Napahiya ako dun ah!!









"Ah kasi—"













"Mukhang alam ko na.." may pang-aasar na tonong sabii nito..








"Hay naku Oli. Hindi ikaw ang hinihintay ko ah!"










"Hahaha. I know! Mukhang kilala ko na."








"Wala akong inaantay.."








"Oo na. Wala na. Kahit meron. Sige na. I have to go! Take care Daniela!"










Tinatanaw ko ang papaalis na kotse ni Oli. Palaisipan parin sa akin kung ano ba talaga ang pinagdadaanan nito. Sigurado akong hindi lang ito tungkol sa position niya sa kumpanya eh. May iba pa..

















Napalingon ako sa likod ko ng bumusina si Ken.. Mabilis akong lumapit sa kotse nito at sumakay..








"Oh? Ngiting-ngiti ka diyan?" tanong ko dito at ngayon ay mabilis niyang binawi ang mga ngiting nakita ko kanina.








"Gutom ako. Tara na, excited ako sa libre mo." sabi nito kaya inirapan ko siya.. Oo na! Ako na ang mapapagastos ngayong gabi. Pasalamat siya at pinuri niya ang magazine namin kanina! Hmp.












Nanlaki ang mata ko ng huminto kami sa isang mamahaling kainan na sikat na sikat dito sa BGC.











"Ken! Juskooo! Ayokong makita yang Letter "W" na logo na yan! Sasakit ang bulsa ko diyan! Wag diyan! Wag dito!!"











Wolfgang's Steakhouse..















Pagkababa nito ng kotse ay tumingin ito sa akin. Sumisenyas ito na bumaba na ako pero ayoko. Hello!!! Wala akong panlibre sa ganito ka-mahal na steakhouse!!! Nang mapansin niyang hindi pa ako bumababa ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse at inilahad niya ang kamay niya sa akin.. Umiling-iling ako..







"Ken Chan! Hindi kaya ng bulsa ko sa ganito kamahal na restaurant! Sa iba na lang tayo!"









"Rita, nagugutom na ako. Wala na tayong time maghanap pa ng iba!"








"Pero—-" wala akong nagawa kasi siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at hinatak ako pababa ng kotse..








Pagpasok namin ng restaurant ay lumapit ito sa front desk at binigkas nito ang pangalan niya..








Teka? May reservation siya!?? Teka lang! Akala ko ba..













"Tara, sa second floor tayo.." sabi nito.. Tahimik akong sinundan ito paakyat ng second floor. Nang makaupo na kami ay hindi parin ako nagsasalita..








"Oy, kumakain ka naman ng steak diba?" tanong nito sa akin.








"Siguraduhin mo lang na handa ka ng maghugas ng pinggan pagkatapos nating kumain dahil I swear, wala akong pambayad——"








"Sa tingin mo hahayaan kitang ikaw ang magbabayad ng kakainin natin? Ako ng bahala.." nakangiting sabi nito.. Teka lang naman. Dahan dahan naman sa pagngiti Ken Chan! Para akong hihimatayin sa ginagawa mo eh!!!







"Akala ko ba magpapalibre ka sa akin?"








"Nagbago ang isip ko." sagot nito.. Nakatingin ako sa mga mata nito na ngayon ay titig na titig din sa akin.. Wala pa itong ginagawa pero grabe na yung kilig na nararamdaman ko. Alam kong kilig ito dahil para akong nasasakal at nalalagutan ng hininga dahil doon.. Pakiramdam na masaya akong nararamdaman sa mga oras na ito.. Nang mapansin kong bumaba na naman ang mga tingin nito sa labi ko ay pasimple kong tinakpan ang bibig ko ng phone ko. Napasandal ito sa upuan niya at natawa.. Automatic na napangiti ako..







"Rita ! Stop it!" natatawang sabi ni Ken..









"Lah? Bakit? Ano bang ginagawa ko?"









"Ayan! Ayang ganyan!"









"Anong ganyan?"










"Yang mga ngiti na yan. Nakikita ko na yung gums mo sa laki ng ngiti mo!"








"OA!! Ang panget ko ba?"










"Of course not!" mabilis na sagot nito na pareho naming ikinagulat.. Shit. What did he say? Hindi daw ako panget? So nagagandahan siya sa akin? Charr.







"Oy! Gandang-ganda siya sa akin!" pang-aasar ko dito. Sumeryoso ito ng tingin pero halata kong nagpipigil siya ng ngiti..









"Wala akong sinabing nagagandahan ako sayo!" sagot nito kaya sumimangot ako..








"Oo na! It's a tie. Hindi ka din naman gwapo sa paningin ko!" ganting sagot ko at ngayon ay tumawa naman ito.. Baliw ?












"Kanina ka pa tawa ng tawa!!!"








"Ikaw nga lang nakakapagpasaya sa akin ng ganito.." mahinang bulong nito pero narinig ko. Narinig ko. Pero mabilis kong iniba ang topic dahil na -aawkward ako sa binulong nito.. Sobra!










"Oo nga pala, pinapapunta kayo nila Mommy at Daddy sa bahay bukas ng gabi. May kaunting salo-salo sa bahay.. Kasama din sila Lola.." pag-iba ko sa usapan.








"Anong meron?"









"Wala. Magluluto kasi si Mommy .. Nagulat ako , ininvite ka.. Pero kung may lakad ka bukas, okay lang kahit di ka na pumunta.. Ako na lang magsasabi kay Mommy.."







"Pupunta ako."










"Alam kong busy ka Ken kaya——"













"Ayaw mo akong pumunta?" biglang tanong nito.









"Hindi sa ganun—-"










"Pupunta nga ako." pag ulit nito kaya tumango na lang ako.. Hindi naman sa ayokong pumunta si Ken. Kaso kilala ko si Dad eh. Kung ano-anong itatanong nito kay Ken...













Pagkalapag ng steak sa harap namin ay para akong maiiyak sa tuwa. Masarap to for sure!! Tiningnan ko si Ken habang nilalagyan niya ng wine ang glass ko..








"Dahan-dahan, wag mo akong lasingin. Strict ang parents ko.." biro ko dito at natawa na naman ito..






"Mababang volume lang to ng alcohol. Alam kong may mga magulang kang uuwian at ayokong mapagalitan ka dahil uuwi kang lasing.." seryosong sabi nito. Para naman akong nakarinig ng boses ng isang anghel ng marinig ko iyon kay Ken. Aba! Pumupuntos hah!
















Puntos?







Bakit ako nagbibilang ng puntos?










F*ck! This is wrong.
















"Cheers?" nakangiting alok nito kaya kinuha ko ang wine glass ko at ibinangga sa wine glass niya.. Pinagmamasdan ko lang ito kung papaano uminom ng wine at sa bawat paglagok nito ay para akong matutuyuan ng laway dahil sa pagtaas baba ng adams apple nito.. The hell! Anong nangyayari sa akin? Shit!





Mabilis akong umiwas ng tingin at madiing pumikit.. Ikinalma ko ang sarili ko.. Pagdilat ko ay magkasalubong na kilay na Ken ang bumungad sa akin.









"Okay ka lang?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala..






"Hah? Ah oo! Okay lang ako. Inantok lang ako bigla. Ganito ako pag nabubusog.." dahilan ko dito..







"Let's wait for the bill then uwi na tayo." sabi niyo kaya tumango ako..










"Tell me, saan ka ba nabusog? Sa steak o sa pagtitig sa akin?" biglang sabi nito ng mapansin niyang tinititigan ko na naman ito.
Napairap ako.





"Feeling ka!" sabi ko dito..










"Ano bang meron sa mukha ko at kanina ka pa titig na titig?" muling tanong nito.











"Nagtataka lang ako kung ano bang nagustuhan ng mga babae mo sayo.." sabi ko dito at natawa ito.









"Para namang ang dami kong babae! Hahahah.."








"Ay! Hindi halata! Hindi. Hindi ko halata! Di na nga mabilang sa daliri ko ang mga babaeng nakakapasok ng kwarto mo gabi-gabi! Grabe eyebags ko the whole month!! Nakaka-istorbo kaya kayo ng tulog!!" hinaing ko dito..











"Never akong nag force ng babae na sumama sa akin. Sila itong mapilit. Pero gentleman ako sa lahat ng babaeng nakakasama ko."









"Gentleman? Eh halos tumagos na kayo sa pader ng kwarto ko eh sa lakas ng balibagan—-"











"Pati yun naririnig mo?"









"Soundproof ba kwarto ko? Duh!!!"












"Kaya you confronted me na humanap ako ng hotel para pagdalhan ng mga babae ko diba? Hindi ka naman maiistorbo kung noon pa lang umalis ka na sa bahay ko."











"Eh bahay ko din yun. Bakit ako aalis." iritang sabi ko dito.









"Pero seriously, matagal na akong hindi nagdadala ng babae sa bahay.."










"Matagal? Parang last week lang kakasabi lang ni RJ sa akin, bago mo kinuha si Oslo nun at balaking dalhin sa pulis.."









"Magulo ang utak ko that time. Oo kasalanan ko." pag amin nito.










"Kailan ka ba nagsimulang maging babaero?" matapang na tanong ko dito.. Napansin kong nag iwas ito ng tingin na para bang na-aawakward ito sa mga tanong ko..










"After collage? Yata! Hindi ko na matandaan. Before,wala kasi akong balak na magkaroon ng asawa at maging committed habang buhay. Ako kasi yung tipo ng tao na ayokong pinapakialaman ang lahat ng nagiging decision ko sa buhay. Gusto ko yung malaya lang ako sa anong gusto kong gawin. Nasanay kasi akong desisyon ko ang laging nasusunod.Gusto ko ang laging dapat na mangyari. Pero as time goes by, hindi pala dapat ganun. Mali pala.."









"So wala kang balak magkaroon ng sarili mong pamilya?" matapang na tanong ko dito.










"Sabi ni Feliciano sa akin, wag daw akong magsalita ng tapos. Pero ilang beses kong inulit yan sa kanya hanggang sa nasampal ako ng reyalidad. Pinakita nito sa akin kung gaano kakulay at kasaya ang magkaroon ng sariling pamilya.." ngayon ay napangiti ito habang nagkkwento.. Shit. Bakit ako biglang kinabahan. Di ko mapaliwanag tong nararamdaman ko.











"So inlove ka ngayon?" ang tapang ng tanong ko. Ewan ko. Siguro dahil nasa field ako ng pagsusulat at sisiw na lang sa akin ang mga personal interviews na ganito. Confident akong magtanong sa mga taong gusto kong malaman ang totoo.













Nagulat ito sa tanong ko.. Napahawak siya sa chin niya at tila nag iisip ng isasagot.














"Ilalagay mo ba yung buhay ko sa magazine? Kung makatanong naman to. Hindi pa tayo nag uusap sa magiging TF ko!" sagot nito. Magaling mag iba ng usapan!














"Never mind. Sorry kung masyadong personal yung tanong ko." seryosong sagot ko dito at ngayon ay naiilang na ako. Bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot? Disappointment? Dahil sa hindi nito pagsagot sa huling tanong ko..































Nakatitig ako sa cup ng kape na iniinom ko dito sa loob ng kwarto. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Ken kanina. So tulad ko siya, wala ding balak na magkaroon ng sariling pamilya dati.. So kaya ito naging womanizer dahil doon. Sus, di pa niya shinort cut!! Ang sabihin niya, malandi lang siya kaya ayaw niya ng commitment! Hmp..



Pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Iza kanina.. Hindi ko naman nakakalimutan na boss ko parin si Ken. At dahil sa mga bagong rules nito sa kumpanya kaya nabago at nagulo ang dati naming masaya at tahimik na workplace.

















"Dapat natin siyang mapaalis sa kumpanya. Wag mo sanang kakalimutan iyon Rita. Ibabalik natin si Sir Oliver sa posisyon niya.."
































hayys..













Napatingin ako sa phone ko ng mag text si Ken..




















"Thanks for tonight My Rita! I had a great time!"




















My Rita? Typo error lang yun diba? Saan nanggaling iyon!! HOOOOY!! Bakit ganito tong lalaking to!!! Napakatapang!!!!
















PUCHA. BAKIT GANITO KABILIS YUNG PINTIG NG PUSO KO!! DAHIL LANG SA TEXT NA TO. PAANO KUMALMA??

















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

322K 10.3K 57
Princess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magu...
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
96K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."