Escaping the Friend Zone (PRE...

By Mandie_Lee

40.1K 631 163

PREVIEW ONLY!!! Complete story is available on my VIP group. Search TheMandieLee on Facebook and message us... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five

Chapter Six

3.1K 76 25
By Mandie_Lee


TUMALAB nga yata kay Elliot ang pasisinungaling ni Candy dahil hindi na siya nito tinantanan pa ng katatanong tungkol sa pakikipagbalikan niya kay Max. Heto at katatapos nilang manood ng pelikulang Legends of the Fall at kumakain ng sitsaron nang tanungin siya uli nito ng 'update'.

Humalukipkip si Candy habang nag-iisip ng isasagot.

"Well?" untag naman ni Elliot, mukhang na-corner siya nito ngayong gabi.

"H-hindi pa rin interesado sa akin. Ewan ko ba, nagpapaka-sweet naman ako sa kanya."

"Baka meron na siyang ibang ka-date?"

"Wala. W-wala na siyang naka-date pa after kaming naghiwalay."

Napahimas sa baba si Elliot, parang nagdadalawang-isip sabihin ang gustong sabihin. "Do you have a problem with intimacy, Candy?" pagkuwa'y tanong nito makaraan ang ilang segundo.

"W-what do you mean?"

"Well, you know... kissing, and—"

"Na h-hindi ako marunong humalik, ganoon?"

Tumawa ang binata. "Parang ganoon nga. Pero hindi ko naman nakikitang problema 'yan kung magaling magturo si Max."

Inirapan niya ito. "I'd like to think that I kiss very well, thank you very much!" pa-singhal na sabi niya.

Wala siguro sa itsura niya ang pagiging good kisser, ganoon? Ugh. Come to think of it nga naman, hindi niya naman alam talaga kung magaling siyang humalik. Hindi naman siya nagtanong sa dalawang lalaking nakahalikan na niya at wala namang sinasabi ang mga ito.

"You think?"

She scoffed at him. "What are you trying to imply, Elliot?"

Tumatawang nagkibit-balikat ang lalaking lihim niyang sinisinta. "Just sayin'! Napapaisip lang ako."

"Teka nga muna, basehan niyo bang mga lalaki ang intimacy para hiwalayan o hindi ang isang babae?" mataray niyang tanong.

"Depende sa lalaki," ngingiti-ngiti namang sagot ni Elliot.

"E, kung ikaw ang ka-date ko? At hindi ako marunong humalik?"

Nagbago ang tono ng pananalita nito, mukhang nagseryoso bigla. "Problema ba 'yun? Tuturuan kita. I won't let go you that easy, Candy."

"Oh, well, marunong naman ako humalik so—"

"Yeah, right."

Pinandilatan niya ito. "Halikan kita diyan makita mo," biglang nanulas mula sa bibig niya at huli na para bawiin iyon.

"Hinahamon mo ba ako, Candida?" game na game namang sabi ni Elliot. Aba, pinatulan talaga ang sinabi niya?

Hindi nakapagsalita si Candy. Pinanginigan siya ng mga tuhod at ipinagpasalamat niyang nakaupo siya sa mga sandaling iyon. Naghahamunan sila ng halik ni Elliot!

"Well?" naghihintay na pukaw sa kanya ng binata.

Napalunok siya.

"You don't wanna kiss me?" halos paanas na tanong ni Elliot, may mababanaag na disappointmet sa mukha nito.

Muli siyang napalunok. Oh, my God. Ano ba'ng gagawin niya?

Mahinang tumawa si Elliot. "Chicken," tudyo nito sa kanya saka sumandal sa upuan.

Noon na siya nagkaroon ng lakas ng loob, hinawakan ng isang kamay niya ang kuwelyo ni Elliot para hilain ang mukha ito paharap sa kanya. And then she did it. She planted her lips against his. One, two, three seconds... Then she withdrew.

Bibitawan na sana niya ang kuwelyo ng lalaki nang huliin naman nito ang kamay niya.

"That's it?" banayad nitong tanong sa kanya.

Hindi alam ni Candy kung natatawa lang ito sa uri ng panghahalik niya o mayroon pa itong ibang nararamdaman. Nabitin ba ito?

"Can I just kiss you instead?" pabulong nitong sabi saka ang isang kamay ay humaplos sa kanyang leeg.

Candy was so alive at that moment. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat, ang mabilis at malakas na pagkabog ng kanyang dibdib; ang nakakakiliti at nakakaliyong halukay sa kanyang sikmura...

Elliot... he was going to... Kiss. Me.

"Y-yeah, sure. Go ahead," halos wala na sa sariling tugon niya sa lalaki.

She held her breath as he leaned his face towards hers. And when he claimed her lips with his, her whole world disappeared.

It was weird. But candy felt that she was being kissed for the very first time. Elliot was kissing her gently, his lips moved on hers with tenderness, but also with... hunger, passion.

At the back of her hazy mind, Candy was able to think that kisses should be done this way. It should be this way. Blissful, yearning, passionate.

Nang ihiwalay ni Elliot ang bibig mula sa kanya ay saka niya natuklasang nakakawit pala ang kanang kamay niya sa batok nito. Humihingal siyang tumuwid ng upo.

Tapos na 'yung halik. Did she kiss him back? Hindi niya alam! Sh*t.

Elliot was giving her a small, gentle smile. His gaze, still stuck on her. "That was not bad," tila nasisiyahang sabi nito.

"I-I'm sorry, I think I didn't kiss you back," nahihiyang sabi ni Candy.

"You did. Well, a little. But it's okay. I liked it."

He liked it daw? Nagustuhan ni Elliot ang paghalik sa kanya?

Huminga ito ng malalim na tila pinapawi ang tensiyon sa pagitan nila. "S-so, did you like it?" tanong nito sa kanya.

"U-uhm." She licked her lower lip, trying so hard to regain her composure. "Oo, nagustuhan ko. Lasang sitsaron, eh."

Nauwi tuloy sila sa tawanan.

"Umuwi ka na nga, matutulog na ako," pagtataboy ni Candy sa lalaki. Tumayo na siya at dinampot ang mga kalat sa mesita.

She didn't brush her teeth that night. Natulog siyang may matamis na ngiti sa mga labi.



TATLONG araw na hindi nagkita sina Candy at Elliot. Sinadya talagang umiwas ni Candy sa lalaki sa pamamagitan ng pagpasok nang late sa Daffodil at pag-uwi nang lampas alas-diyes ng gabi. Hindi pa siya handa na kaharapin ito pagkatapos ng nangyaring halikan. Ang OA na ng pakiramdam niya dahil daig pa niya ang naka-experience ng first kiss. Pero iyon nga siguro ang tunay na dahilan kung bakit no show muna siya ngayon kay Elliot. Gusto niyang maka-move on muna mula sa halik, gusto niyang makaarte siya nang maayos na parang wala lang sa kanya ang halikan nila nito, dahil ganoon ang alam niyang magiging reaksiyon nito ukol doon. That kiss was not a big deal for Elliot, and she didn't know how to handle that reality.

Ngunit ngayong umagang ito ay hindi nakaiwas si Candy dahil nang paglabas niya ng bahay ay nabungaran niya si Elliot na nasa open garage ng tirahan nito at akmang papasok sa kotse doon.

Kumaway ito sa kanya at hindi na itinuloy ang pagsakay sa Hyundai. "I haven't seen you for a while," nakangiting sabi nito na naglakad palapit sa kanya.

"Para three days lang," sabi niya naman.

Pinilit niyang huwag ilayo ang tingin mula kay Elliot. She needed to look him directly in the eye. Kaso nang gawin niya iyon ay mas lalo lang siyang nahalina sa kaguwapuhan nito. And, oh. That sensual mouth of his!

"Been busy?" usisa pa nito.

"Y-yeah, you can say that." Pinilit niya ring huwag mag-stammer.

"Busy sa trabaho o busy kay Max?"

Napatawa siya. "Shall I say both?" naisip niyang isagot. Did she just see him frowned O baka imahinasyon niya lang dahil sa totoo lang ay tensiyonado siya ngayon.

"Binyag kasi ng pamangkin niya ngayon," sabi ni Candy nang hindi umimik si Elliot. Aba, bakit kaya natahimik ang kumag? "Ninang ako at sa Daffodil gaganapin ang reception, noong isang araw pa ako nai-stress sa mga lulutuhin. Heto nga, maaga akong papasok ngayon, tapos tutuloy sa simbahan mamayang ten," part-true, part-lie na sabi niya.

Ninang nga siya ni Augustus, ang pitong buwang panganay na anak ng Ate Gabriella ni Max. Ngunit hindi siya ang nai-stress tungkol sa reception kundi si Max mismo. Mataas daw kasi ang expectations ng family nito, lalo na ang parents nito.

"You know what, punta ka kaya sa reception?" yaya niya dito. "Lunch naman 'yun, I'm sure makakalabas ka ng clinic."

"I'd like to, pero hindi ba nakakahiya kina Max? Hindi naman ako imbitado-"

"May take one ang bawat godparents, so ikaw na lang ang take one ko," nakangiting putol ni Candy sa pagtanggi ni Elliot.

"Okay," pagpayag naman nito. "Halika na, ihahatid na kita sa Daffodil."

"Naku, huwag na. Baka ma-late ka sa unang pasyente mo," kuwanri ay tanggi niya.

"Maaga lang ako ngayon, sinadya kong magising nang maaga baka sakaling makita kita."

Nagtitili si Candy sa loob-loob. Gumising nang maaga si Elliot dahil gusto siyang makita nito!

Sa cooking area ng Daffodil ay hindi pinansin ni Candy ni Max na pinagsisigawan ang mga cook at iba pang kitchen staff nila. Wala siyang pakialam kahit mainit ang ulo nito. Masaya siya ngayong araw.

Nang nasa kotse na sila ni Max papuntang simbahan ay hindi nakatiis si Candy dito. "Will you please calm down? Maayos na ang lahat, Max. Kakain na lang sila mamaya and I'm assuring you na magugustuhan nila ang presentation, pati na ang lasa ng mga pagkain."

"Hindi iyon ang pinu-problema ko," nakasimangot na sabi ni Max. "Ninang din kasi sa binyag 'yung inaanak ng Daddy ko, si Lizzie. Kadarating lang nu'n galing London, at matagal na siyang inirereto ng pamilya ko sa akin."

Tumawa si Candy. "Anong problema? Gusto ka ba ni Lizzie?"

"Oo kaya! Lagi kayang nagme-message sa akin iyon sa Facebook ko, seen-zoned lang palagi sa akin. Tapos kagabi, nang nasa house ako ng parents ko ay andoon din siya, panay ang tabi sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan na hindi siya mao-offend, o nang hindi magagalit ang tatay ko!"

"Max, ipagtapat mo na lang kasi sa kanila na—"

Napapitik sa ere si Max. "Wait a minute!" Sumulyap ito kay Candy. "Alam ko na! Ipapakilala kita sa kanilang girlfriend ko!"

"What? No!" malakas na tanggi niya. "A-attend mamaya si Elliot ko, ano?" Naks, Elliot niya talaga? Kailan pa niya inangkin si Elliot na parang isang cellphone lang?

"Maka-Elliot ko naman ito, nahalikan lang minsan, eh," umiirap na sabi ng kaibigan. "Okay, ipapakilala kitang ka-date ko, ayos na ba iyon sa iyo?"

"Hindi rin puwede kasi nga alam ni Elliot ay hindi pa tayo nagbabalikan."

"Balik-date-date lang tayo kamo, hindi pa steady. Saka isipin mo,

pag aakto tayong may something nga sa pagitan natin ay makikita natin kung may reaction nga si Elliot mo. Malay mo, magselos?"

"Hmm... you got a point."

Hindi napigilan ni Candy na kurutin sa tagiliran si Max nang makita niya ang tinutukoy nitong si Lizzie sa simbahan. Aba'y pupuwedeng supermodel sa ganda at sexy ang babaeng nurse sa London.

"Loka, kapani-paniwala bang tanggihan mo ang babaeng ganyan ang itsura dahil lang sa tulad ko?"

"Sexy and pretty ka naman, ah. Lalo na ngayon, natututo ka nang magpakita ng alindog," biro naman ni Max sa kanya saka umakbay.

Habang hinihintay mag-umpisa ang seremonyas ay ipinakilala nga ni Max si Candy bilang 'special friend' nito sa mga kamag-anak at kaibigan nitong naroroon. Gustong maawa ni Candy sa nakitang pagbagsak ng balikat at paghaba ng mukha ni Lizzie.

Hanggang sa reception sa Daffodil ay talagang kina-career ni Max ang pagpapanggap nito. Hindi nito hiniwalayan si Candy kahit naroroon na si Elliot. Kinailangan pang pilit na kumalas si Candy mula sa pagkakaakbay ng kaibigan.

"Gaga, huwag ka masyadong dumikit sa kanya," pabulong na bilin sa kanya ni Max.

"Hindi 'no. Kakausapin ko lang at baka naa-out of place. Nakakahiya't ako pa ang nag-invite sa kanya dito."

Inilapit pa ni Max ang bibig sa tenga niya. "Tandaan mo, dalawa tayong makikinabang sa charade na ito, Candida," bulong nito bago siya hinalikan sa buhok.

"OA ka na," sabi niya naman sabay pisil sa baba nito.

Parang Manila Bay na nilubugan ng araw ang hilatsa ng mukha ni Elliot nang lapitan ito ni Candy.

"'You okay?" usisa niya dito.

"Uhm, yeah," tatango-tangong sabi naman nito.

Humawak siya sa braso ng binata. "Halika, maupo ka sa table namin ni Max," yaya niya dito.

"Hindi ba makakaistorbo ako sa inyo?" seryosong-seryoso namang tanong ni Elliot.

"Hindi naman. Ano ka ba? Ikaw ang take one ko dito, 'no?"

"You didn't tell me that you already got back together," sabi nito sa mababang tinig habang naglalakad sila palapit sa mesang laan para sa kanila ni Max.

Napahinto sa paglalakad si Candy. "We haven't. Parang ano lang... parang sa inyo ni Daphne, we're sort of dating, we're taking things slow. G-ganoon."

"Oh. I see."

Gustong mangiti ni Candy sa bland at nakasimangot na reaksiyon ni Elliot. Affected kaya ito sa kanila ni Max? Kung oo ay bakit? May natatanaw na ba siyang pag-asang makakatakas din siya mula sa lintek na friend zone bago pa siya tubuan ng mga ugat doon?



WHAT the f*ck is happening to me? inis na tanong ni Elliot sa sarili.

Nang dahil sa pakikipaghalikan niya kay Candy ay nabulabog na siya nang husto. Kagabing nagdi-date sila ni Daphne ay parang lumilipad ang isipan niya. Nang halikan siya nito ay si Candy ang sumagi sa kanyang isipan. Suddenly, all the he wanted to kiss during that time was Candy. Ang tamis, ang lambot ng mga labi nito ang gusto niya uling matikman. Ang mga labi ni Candy, wala nang iba.

Pero tama bang makaramdam siya ng ganoon para sa kanyang kaibigan? Kaibigan nga lang ba? Hindi ba't nitong mga nagdaang araw ay iniisip niyang baka may gusto sa kanya si Candy? She even shared a kiss with him! A kiss that he enjoyed, by the way. A kiss that he had been craving to taste again. God, that sweet, heavenly kiss kept haunting him for days. Kaninang umaga na nakita niya si Candy ay gusto niya itong hilahin at muling halikan upang mapunan ang pagkauhaw niya sa mga labi nito. Damn, her lips must have some potion or something to drive him crazy like this.

But what was going on? Balik na pala ito sa pakikipag-date kay Max at heto't para siyang gago sa harapan ng mga ito sa mesa. Kanina pa nagkukuwentuhan ang mga ito samantalang siya ay mistulang palamuti lamang doon.

Kumain ka na lang, Eleuterio, sabi niya sa loob-loob saka gigil na nginuya ang isang piraso ng lechon kawali. Sinadya niyang maging mabilis at matunog ang pagnguya niya at nagtagumpay naman siyang makatawag ng pansin mula sa dalawang kasama niya sa mesa.

"Enjoying the foods?" tanong sa kanya ni Max na gusto niyang sapakin upang mapalis ang nakakalokong ngiti sa mukha.

"Yeah," sagot niya pagkalunok ng pagkain sa bibig.

Binilisan niya ang pagkain at pagkuwa'y nagpaalam na. Dahil ano pa ang gagawin niya doon? He couldn't stand seeing Candy with this man, or any other man! At naaasar siya dahil doon. Bakit siya nagkaroon ng ganitong pakiramdam? Hindi sa ayaw niya, pero... hindi niya lamang alam ang gagawin. He wanted to delve deeper into it but how? Hindi niya kayang ispelingin si Candida Escobar. What was she really feeling for him?

"I'm sorry, I really must go back to the clinic. Ayokong ma-traffic sa daan," paumanhin niya kay Candy nang ihatid siya nito palabas ng Daffodil. Tumigil sila sa patio ng restaurant.

"It's okay. Salamat sa pag-attend, Elliot."

"Salamat din sa pag-imbita."

"M-may sasabihin ka pa?" pukaw sa kanya ni Candy nang hindi siya humakbang palayo dito.

"It's..."

Inilapit ng dalaga ang mukha sa kanya. "Yes?" tila puno ng antisipasyong tanong nito.

"A-are you in love with Max?"

Hindi niya maipaliwanag ang reaksiyon na nabasa niya sa mukha ni Candy. Tila natuwa ito, nagliwanag ang mga mata.

"No," nakangiting sabi nito. "I'm not in love with him, Elliot." Tila may gusto pa itong idagdag sa mga sinabi ngunit nagtikom na ito ng bibig. And, somehow, what she had told him was exactly what he wanted to hear.

Sa unang pagkakataon mula nang umapak siya sa restaurant na ito ngayong araw ay ngumiti na si Elliot.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" pagkuwa'y usisa ni Candy sa kanya.

"Wala," umiiling na tugon niya. "I gotta go. See you later, Candy," paalam na niya at mabilis niyang dinampian ng halik ang mga labi nito.

A quick kiss that he soon regretted. Parang hindi na siya nakukuntentong mababaw na halik lang ang matitikman niya mula kay Candy.

"Damn it," mariing usal ni Elliot nang nakatalikod na siya kay Candy at nakahakbang ng dalawang beses. I have to do this or else I am going to fucking die today. Nag-about-face siya at tama siya sa kanyang hinala na nakatayo pa rin sa kinaroroonan nito si Candy.

Pakiramdam niya ay isa siyang sundalong sumugod sa balwarte ng kalaban nang muli niyang lapitan si Candy. Ngunit walang sinuman ang makakapigil sa gusto niyang gawin ngayon. Not Max, not anybody. Makikipagpatayan siya kung kinakailangan.

He cupped Candy's neck with his two hands and gave her mouth a deep, lingering kiss. He tasted her real good; licked, sucked her lower lip. And she answered every motion of his mouth against hers, her hands were on his chest. This was a torment of the most delicious kind.

Heaven help him, he wanted more of her.

Kung hindi pa ipinaalala ni Elliot sa sarili na nasa publikong lugar sila ay baka ipinasok na niya rin ang dila sa loob ng bibig ng dalaga. At kung gagawin niya iyon ay baka may isang parte ng katawan niya ang hindi niya maawat sa pagwawala. Shit, he didn't want to have a boner in a public place!

Stop. I should... stop.

"E-elliot," anas ni Candy nang sa wakas ay ihiwalay ng lalaki ang sarili mula dito. There was daze and confusion in her face, amidst her tiny smile.

Elliot wanted to say sorry but he was going to lie to her if he did. He was not apologetic on what he had done. He loved it. And it was just too bad because his cravings for her mouth wasn't satiated. Not yet. F*ck, not ever.

"See you later, babe," paalam na niya dito at ihinakbang ang mga namimigat na mga paa palayo.





END OF PREVIEW!!!

Complete story is available on my Facebook VIP group. Please message my page first and settle your subscription, search TheMandieLee. Thank you!

More details:


Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 104K 27
Once upon a time is only applicable in fairy tales and princesses. Aura never believed in those but when life gets the best of her, she started hopin...
2.3M 21.9K 26
WARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] I don't like guys who have vices. I promised myself not to be linked romantically with someone who's not five...
14.6M 388K 37
Drake Villafuente is a beach resort owner and a hottie single dad to his four year old son, Blake. Being a single father was never been a problem to...
12.2M 340K 35
One of the richest man in Asia, Brooke Montero is clearly needed only one thing... A woman who will marry him. They will get married and he will get...