Writer's Book Award 2021 (Bat...

Oleh queen_assassinate2

12.6K 486 547

Batch One [] Open [√] Closed [√] Judging [√] Awarding [] Giving of Prizes Deadline of Judging: February 25,20... Lebih Banyak

Prizes Section
Judges Payments
Activities' Scoreboard
Top 10
Poetry Results With Feedback
Action Results With Feedback
Horror Results With Feedback
General Fiction Results With Feedback
Romance Results With Feedback
Fantasy Results With Feedback
One Shot/Short Stories Results With Feedback
Fanfiction Results With Feedback
Random Results/Awarding Section
Mystery/Thriller Results With Feedback
Announcement
Announcement
Announcement
Announcement
Announcement
One Shot/Short Stories (JUDGING)
Mystery/Thriller (JUDGING)
Fanfiction (JUDGING)
Random (JUDGING)

Teen Fiction Results With Feedback

310 21 76
Oleh queen_assassinate2

🄹🅄🄳🄶🄴
UneecaIzzavella

CRITERIA FOR JUDGING

Title [5%]
Meron ba itong connection sa story?

Book cover [5%]
Maganda ba ang pagkakagawa nito?
Nakakadagdag ba ito sa panghahalina ng mga mambabasa?

Blurb [15%]
Meron ba itong kakayahan na makapanghalina sa mga readers na ipagpatuloy ang kanilang pagbabasa sa isang story?

Plot [25%]
Catchy ba ito?
Iba ba ito sa plot ng ibang story?
Hindi ba magulo at nakakalito ang plot?

Grammar [10%]
Nagamit ba ng maayos ang lenggwaheng ginamit?
Hindi ba magulo ang narration ng author?

Written Style [15%]
Tama ba ang pagkakalagay ng mga punctuation marks?
Nakakadala ba ang narration?
Meron bang mga pangyayari na ikakabaliw at ikakagulat ng mga readers?

Overall [25%]
Kapupulutan ba ito ng magandang mensahe?
Iba't ibang feelings ba ang mararamdaman ng readers habang binabasa ang story?

Total: [100%]

Note: Please wag kayong magalit sa ibinigay kong score at feedback sa inyo. Kung may mali ako ay pakisabi sa akin sa maayos na paraan.

PARTICIPANTS:

quiestkinah | Moments Around the Mistletoe

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [5/15]

Plot [22/25]
Grammar [10/10]
Written Style [15/15]
Overall [23/25]

Total: [85/100]

FEEDBACK:
Title and Book cover. Ang unique ng title at ang ganda ng book cover kaya perfect score ka.


Blurb. Wala kang blurb at dumiretso ka na agad sa chapter one. I suggest na lagyan mo po.

Grammar and Writing style. Wala namang wrong grammars kaya perfect score ka. Nagandahan lang ako dahil more on family members ang characters mo, ang unique lang dahil minsan lang ako makabasa ng ganyan.

Overall. Ang ganda n'yang basahin kahit maiksi lang yung story.

***

sweetixanne | I hate you Nissan

Title [5/5]
Book cover [4/5]
Blurb [12/15]
Plot [23/25]
Grammar [8/10]
Written Style [10/15]
Overall [20/25]

Total: [82/100]

FEEDBACK:

Title and book cover were perfect for me kaya no comment.

Blurb and plot. Sa unang basa palang sa blurb mo ay nagkaroon na ako ng hint kung bakit ganun ang title mo pero hindi sya masyadong nakakapanghatak ng readers. To be honest, halos katulad lang din sya ng ibang stories pero may something sa story mo na nagsasabi na KAKAIBA sya.

Grammar and Writing Style. Medyo merong wrong grammar at mali ang paglalagay ng punctuation marks na pwede namang i-edit after mong matapos ang story mo. Hindi naman masyadong magulo yung flow ng story pero I suggest na lagyan mo ng kung sino ang nagsabi or nagsasalita para maintindihan ng maayos. Noong binasa ko kasi yung story mo ay nagkaroon ako ng tinatawag na 'lutang moments' kaya kapag binabasa ko ay hindi ko na maintindihan kung sino na yung nagsasalita dahil parang tinitipid mo yung pagta- type. Para mas maayos na maintindihan kahit matulad sa akin, alam nila at mas maiintindihan nila yung flow ng story.

Overall. Maganda naman yung story mo at kaunti edit lang sa mga mali at boring na scenes ay okay na yun.

***

night-firefly | Bookmark: I'll carve the secrets between you and I

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [23/25]
Grammar [9/10]
Witten Style [14/15]
Overall [23/25]

Total: [94/100]

FEEDBACK:

Haha hi! Since nabasa ko na yung story mo dahil naging partners tayo sa isang bookclub, hindi na ako nahirapan sa pagjujudge.

Book cover and title. Ang gaganda ng book covers mo pati narin sa ibang books mo. Talagang nakalagay na sa book cover mo kung sino yung characters sa story na nakakahatak sa readers mo. Yung iba kasi jinujudge muna nila yung book cover, kung pangit yun ay iisipin din nilang pangit ang story.

Sa blurb pa lang maaakit na agad ang mga readers dahil may pamysterious effect na agad. Parang mapapaisip na agad kung anong meron sa story mo.

Grammar and Writing Style. Nung nabasa ko na sya grabe nakakaloka parin nung nalaman kong psycho pala si First. Konting edit nalang sa mga mali ang spelling at mas gaganda na ang story mo. Tulad na lamang nung isa sa natandaan kong spelling mo na:

x poll dancing
√ pole dancing

Overall, ansaya basahin ng story mo hihi halo halong feelings yung naramdaman ko habang binabasa yun, kilig, pagkagulat at marami pang iba. May napulot din akong napakagandang message, hindi porke ikaw ang nauna ay ikaw na ang mamahalin niya, hindi natin makokontrol ang nararamdaman ng isang tao kaya matuto tayong magpaubaya kung saan sila sasaya. Hindi ko pa sure kung tama yung message nung story kasi hindi mo pa tapos, pero keep writing po.

***

elocincole | Resentments can kill you?

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [20/25]
Grammar [6/10]
Written Style [10/15]
Overall [22/25]

Total: [81/100]

FEEDBACK:

Book cover and title were perfect for me.

Blurb. Maganda naman yung blurb at talagang nakakaakit ng readers.

Plot. Medyo disappointed lang ako ng kaunti dahil parang ang boring nyang basahin. Teen fiction ang genre nya pero hindi na iba sa akin ang plot mo, please don't hate me. I know na ganyan yung mga nauna mong basahin dito sa wattpad pero kahit tulad din ng kanila, dapat ay nilagyan mo ng kaunting pinagkaiba sa ibang story. Minsan kasi ay yan ang nagiging problema ng mga readers, pare- pareho na sila ng nababasang plot kaya may posibilidad na tatamarin na silang magbasa.

Grammar and Writing Style. Unang kita ko palang sa first part ay kita ko na agad yung mali, I suggest na gawin mong capital letter yung first letter ng isang sentence at itama mo yung pag gamit ng salita.

Example:

x parang iisa lang noh?
√ Parang iisa lang ano?

Wag mong gagawing capital letter yung first letter after ng comma.

Wag mong gawing capital letter kung hindi nakan proper noun. Ayusin mo rin yung pagkakalagay ng maling punctuation marks.

Example:

x My mama said that Overthing can cause depression?

√ My mama said that overthing can cause depression.

Overall. Great job dahil napili mong gawing story yung tungkol sa resentments. Ngayon palang ako nakaencounter ng story na about dun kaya isang malaking thumbs up para sayo. Maganda naman yung story mo. Keep writing bb, tapusin mo ang story mo at kaunting edit lang yan ay ayos na. Huwag kang susuko sa pagsusulat.

***

havellana | 10 Days of Escaping Reality

Title [5/5]
Book cover [4/5]
Blurb [15/15]
Plot [23/25]
Grammar [9/10]
Written Style [15/15]
Overall [25/25]

Total: [96/100]

FEEDBACK:
Title. Maganda sya at unang tingin mo palang ay alam mo na agad kung tungkol saan ang story mo.

Book Cover. Ang simple n'ya pero parang nasa may dagat naman kaya connected sa story na natrap sila sa isang island. Ang problema lamang doon ay masyado s'yang simple.

Plot. Hindi din bago ang plot mo pero ang nakakamangha lamang ay dinagdagan mo s'ya ng twist which is toot* alam mo na yun, ayokong maging spoiler para sa mga gustong mag basa. Nagulat din kasi ako noong matapos ko yung pagbabasa ko, yung kasi nag maganda sa isang story 'e kahit hindi na bago yung plot ay dadagdagan mo na lamang para magulat parin ang readers mo.

Grammar and Writing Style. Isa lang ang masasabi ko sa story mo, napakaganda! OMG maiksi lang s'ya pero maiintindihan mo talaga yung mga nangyayari at hindi ka maguguluhan. Noong una medyo naguluhan ako dahil nabangga sya ng truck tapos bigla nalang syang nasa isang isla. Nice, ang ganda ng pagkakagawa mo ng story dahil napakaprofessional writer ng dating. May napansin din ako na yung hanggang dapat ay naging hangga't, pansin ko lang. Ayusin mo nalang bb dahil noong binasa ko ay ang pangit nyang pakinggan dahil mahili yung pagkakagamit mo sakanilang dalawa.

Overall. Habang binabasa ko rin sya, pinaghalong kilig, lungkot at awa ang naramdaman ko lalo na nang malaman kong *tooot* alam mo narin yun, ayokong maging spoiler. Hindi na ako magtataka kung bakit tinanggap sa PSCOM App yang story mo, sobrang ganda talaga n'ya! Keep writing❤

***

haneehany | Capturing Hue

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [25/25]
Grammar [10/10]
Written Style [10/15]
Overall [25/25]

Total: [100/100]

FEEDBACK:
Hindi ko alam kung ano pang ilalagay ko sa feedback dahil mula una hanggang huli ay sobrang linis ng pagkakagawa mo. Ang ganda ng story mo, sobrang nagustuhan ko siya. Mula sa plot na napakaangas, grabe ang talino mo din para maisip yung ganun tapos hinaluan mo pa ng mga poems para sa pamysterious effect niya. Kung hindi lang kita nakilala sa dito sa awards na ito ay aakalain kong isa kang professional writer! Ang galing mo ding gumawa ng poems, sana all talented. Sobrang nakakadala yung narration at may napakagandang message pa sya sa lahat ng readers mula sa mga loners, bully, and ect. Wala akong makitang pagkakamali sa story mo dahil para sa akin, napakaperfect at deserve mo ang perfect score. Job well done.

***

omyerika | It Perfectly Fits

Title [5/5]
Book cover [3/5]
Blurb [14/15]
Plot [21/25]
Grammar [10/10]
Written Style [14/15]
Overall [23/25]

Total: [90/100]

FEEDBACK:
Title. Maganda yung title at connected siya sa story kaya no comment ako.

Book cover. Okay naman sana yung book cover kaso para sa akin ay hindi masyadong maganda. May mga graphic shops po dito sa wattpad at pwede ka pong mag pagawa para mas gumanda yung book cover mo.

Plot. Hindi narin bago ang plot mo pero nadaan mo sya sa ganda ng pagna- narrate mo.

Grammar, writing style and overall. Nakakabored basahin dahil sobrang haba lang per chapter kaya medyo nahirapan ako sa pagbabasa. Merong pong ibang parts na medyo hindi na nakakadala yung pagnanarrate dahil sa sobrang haba nya ay mauubusan kana ng scenes na magaganda. Hindi ko naman po sinasabing baguhin mo yung paraan ng pagsusulat mo, nagbibigay lang po ako ng opinyon tungkol sa napapansin ko. Medyo boring syang basahin dahil hindi na iba saakin ang mga scenes na ganun. Honestly, wala syang pinagkaiba sa ibang story na nababasa ko pero alam kong hindi pare parehas ng utak ang mga tao kaya nagtitiwala ako na mas mapapaganda mo pa po sya. Wala naman syang wrong grammars at tama naman yung pagkakalagay ng punctuation marks. Yun lang hehe keep writing po.

***

RixelBalt | The Boy Named TJ

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [13/15]
Plot [20/25]
Grammar [9/10]
Written Style [14/15]
Overall [21/25]

Total: [87/100]

FEEDBACK:

Title and Book cover. Maganda naman yung title at book cover mo dahil connected ito sa story.

Grammar and Writing Style. Kaunting edit lang sa mga kinulang sa letters, mahirap talagang magtype ng story lalo na kapag cellphone ang gamit, minsan din ay kulang sa letters at minsan ay bali baliktad ang letters. Wala naman siyang wrong grammars at tama din ang pagkakalagay ng mga punctuation marks at ang problema mo lamang ay yung typographical errors.

Overall. Maganda din po yung story mo pero medyo nabitin ako dahil hindi pa sya tapos. Wala akong masabing iba maliban dun sa mga kinulang sa letters dahil kaunti palang ang parts. Goodluck sa pagtapos ng story!

***

amvernheart | The Only Girl

Title [5/5]
Book cover [3/5]
Blurb [13/15]
Plot [22/25]
Grammar [8/10]
Written Style [14/15]
Overall [21/25]

Total: [86/100]

FEEDBACK:

Title and book cover. Maganda ang title at connected naman ito sa story. Honestly, sa book cover mo ay hindi ako nagandahan, meron namang pong graphic shops dito sa wattpad at pwede ka pong mag pagawa kung gusto mo po. Kung magpapagawa ka ng book cover ay nirerecommend ko si ate HannahRedspring, DM mo lang po siya para maisend sayo yung link ng shop niya, hindi libre iyon dahil may payments ka pang gagawin.

Grammar and Writing Style. Meron lang pong medyo may kamalian sa grammar.

x He deserve it
√ He deserves it

Yun lang naman po, medyo nabored po ako habang nagbabasa dahil sobrang haba niya per chapter at andami pang parts ng story mo.

Yung plot din nya ay parang walang pinagkaiba sa ibang stories na nabasa ko pero maganda at maayos naman yung pag kakasulat mo ng story, hindi din naman magulo ang narration kaya ayos narin. Keep writing po❤

***

ALIENRAIN_18 | Trip to Heaven

Title [4/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [20/25]
Grammar [9/10]
Written Style [11/15]
Overall [20/25]

Total: [84/100]

FEEDBACK:

Title, book cover and blurb. D'yan pa lamang sa tatlong yan ay magkakahint ka na agad kung tungkol saan ang story mo. Sa blurb palang maluluha kana agad dahil mapapaisip na agad yung readers na may mamamatay.

Grammar and Writing Style. Medyo boring siya sa una pero habang tumatagal ay gumaganda yung mga nangyayari. Sorry ate Rain HAHAHA. Natawa din ako dun sa last na chapter, LET THE SPERM CELLS AND EGG CELL MAKE OUR BABIES TONIGHT. Para naman sa grammar/punctuation marks, dapat ay nilalagayan ng spaces yung word na after ng isang punctuation mark.

x Okay,get one fourth sheet of paper.
√ Okay, get one fourth sheet of paper.

x Ms.Aguilar
√ Ms. Aguilar

I suggest din po na wag mo pong maikliin yung words dahil ang pangit pong pakinggan kapag binasa, tulad na lamang nito:

x Morning Ma'am
√ Goodmorning Ma'am

Gawin mo din pong capital letter yung unang letter ng word after ng punctuation mark.

x Ikaw talagang bata ka!sige maupo kana
√ Ikaw talagang bata ka! Sige maupo kana

Pwede din pong ganito:

x Ikaw talagang bata ka!sige maupo kana
√ Ikaw talagang bata ka, sige maupo ka na

Overall. Maganda naman po yung story at irevise mo nalang po kapag wala ka ng ginagawa.

***

Maribellaxxx | Savier University: Love shot

Title [4/5]
Book cover [3/5]
Blurb [14/15]
Plot [20/25]
Grammar [10/10]
Written Style [12/15]
Overall [22/25]

Total: [85/100]

FEEDBACK:

Maganda naman po yung story, correct naman yung grammar kaso hindi na bago yung plot nya sa akin. Sa dami na kasi ng nabasa ko ay halos kaparehas lang sya ng iba hehe wag magagalit ha, honest feedback to. Ituloy mo lang po yung pagsusulat hanggang matapos, nakikita ko kasing maganda ang kakalabasan nya hihi goodluck.

Title and Book cover. Connected ng title sa story pero ang simple ng book cover mo.

Plot. Hindi na bago yung plot n'ya sa akin dahil sa dami narin kasi ng nabasa ko ay halos kaparehas lang s'ya ng iba  kong nabasa. Tingin ko din ay mas bagay siya sa romance genre.

Grammar and Writing Style. Perfect ka sa grammar dahil wala naman akong nabasang mali. Ang haba din per chapter kaya medyo na bored ako habang nagbabasa.

Overall. Maganda naman po ang story at bet ko na po ngayon ang bagong book cover niya, mas bagay po talaga siya sa romance genre kesa sa teen fiction.

***

Ugly_Writes | Three Seconds

Title [5/5]
Book cover [4/5]
Blurb [15/15]
Plot [22/25]
Grammar [10/10]
Written Style [12/15]
Overall [21/25]

Total: [89/100]

FEEDBACK:

Title and Book cover. Connected naman ang title sa story kaso ay medyo nakulang ako sa book cover mo. Ang simple po kasi pero tugma naman siya sa title ng story.

Grammar and Writing Style. Maganda naman po yung story pero sobrang haba lang po nya, gusto lang po kita icongratulate dahil napakalawak po ng utak mo. Grabe sobrang haba per chapter tapos andami pang chapters pero nagagawa mo paring imanage na gawan ito ng scenes na hindi ikakabored ng readers mo. Salute. Minsan lang ay may part na habang binabasa ko yung story mo ay inaantok na ako haha sorry sobrang haba kasi pero hindi naman siya boring sadyang antukin lang talaga ako. May napansin lang po ako na after din ng mga punctuation marks ay walang spaces.

Overall. Yun lang naman po ng nakita kong mali at ang maganda ang pagkakanarrate ng story, hindi sya magulo pero hindi na bago sa akin ang plot nya eh dahil narin siguro sa tagal ko na sa WP pero keep writing po parin po.

***

wttpdestiny | I Really Hate Destiny

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [13/15]
Plot [18/25]
Grammar [9/10]
Written Style [12/15]
Overall [18/25]

Total: [80/100]

FEEDBACK:

Title and Book cover were perfect for me. I suggest po na wag mo masyadong lagyan ng HAHA dahil parang nagiging OA na yung characters mo, puro HAHAHA nalang din yung nababasa ko. Hindi ko din masyadong majudge ng ayos yung story mo dahil sobrang unti ng chapters. Hindi parin kayo nakakapag update pero maganda naman siya. Maganda ang gawa mo at ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat, pakibawasan nung HAHA, ha.

***

crisdrizzlee | My Pancreatic Prince

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [23/25]
Grammar [8/10]
Written Style [13/15]
Overall [24/25]
Total: [93/100]

FEEDBACK:

Ang ganda ng title at book cover mo kaya no comment ako dyan. Merong wrong grammars at typographical error pero kaunti lang naman at pwede s'yang iedit. Nakakakilig din yung last chapter before mag epilogue shit sana all gumagawa ng sweet moments sa ulan. Overall, ang ganda ng story mo medyo naiba naman yung plot nya sa ibang teen fiction stories. Sobrang tuwang tuwa ako habang binabasa yung story mo, ang ganda ng narration at talagang nakakadala talaga siya. Keep writing po.

***

Mrblue_ | Lira Bella

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [13/15]
Plot [21/25]
Grammar [7/10]
Written Style [12/15]
Overall [22/25]

Total: [85/100]

FEEDBACK:
Ang ganda po ng book cover at title mo kaya no comment po ako doon. Sa blurb mo naman po ay medyo nakulangan ako pero ayos narin po. Naaalala ko nga po yung story mo doon sa isang teleseryeng ipinalabas dati, yung Mira Bella.

Grammar and Writing style. Napansin ko na sa una palang ay may mali na agad sa pag gamit mo ng words.

X panget
√ pangit

Napansin ko din na mali yung pag gamit mo ng 'NG' at 'NANG'

X Ng Dahil sa pasakit na dulot ng lalaki
√ Nang dahil sa pasakit na dulot ng lalaki

Napansin ko din na may ginagawa kang capital letter kahit hindi naman proper noun.

X Ng Dahil sa pasakit na dulot ng lalaki
√ Nang dahil sa pasakit na dulot ng lalaki

Overall. Maganda naman po yung story at sana ay ipagpatuloy mo po ang pagsusulat, kaunting edit lang po ay perfect na❤

***

rafaellela | Small Talks at Night

Title [5/5]
Book cover [4/5]
Blurb [12/15]
Plot [22/25]
Grammar [10/10]
Written Style [12/15]
Overall [21/25]

Total: [86/100]

FEEDBACK:
Ang gaan n'yang basahin dahil isa syang Epistolary. Nawindang ang internal organs ko dun sa last chapter! Akala ko ba naaawa lang si Van kay Diane bakit girlfriend na agad? Wala po akong masabi sa story mo dahil ito ang unang beses na nakaencounter ako ng isang Epistolary. Maayos mo namang naipapaintindi sa readers yung daloy ng kwento. Minsan nga lang ay hindi ko maintindihan yung iba dahil para merong secret code na ipinahihiwatig yung pictures. Meron kasing chapter na picture lang yung nandun kaya hindi ko minsan maintindihan kung anong purpose nung picture na yun. Yun lang, sana ay ipagpatuloy mo ang pagsusulat dahil nabitin ako dun, goodluck.

***

bubblejanna | His Cover Girl

Title [5/5]
Book cover [2/5]
Blurb [13/15]
Plot [20/25]
Grammar [10/10]
Written Style [13/15]
Overall [20/25]

Total: [83/100]

FEEDBACK:
Hi! Ang ganda ng title, kakaiba pero tingin ko ay kailangan ng improvement sa book cover mo para mas madaming readers ang maaakit na magbasa ng story mo. Merong mga graphic shops dito sa wattpad at pwede kang magpagawa doon at depende sakanila ang hihingiin nilang payments sayo. Maganda naman yung story pero bilang isang matagal ng wattpader/wattpadian, hindi na bago sa akin ang plot ng story mo. Tingin ko ay habang ipinagpapatuloy mo ang pagsusulat, mas gaganda pa ito at magkakaroon ng kakaibang impact sa mga readers. Wala naman siyang wrong grammars pero pakibawasan sana ng period dahil hindi magandang tingnan habang binabasa. Yun lang, keep writing❤

***

SohDalMag09 | Run Away

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [22/25]
Grammar [9/10]
Written Style [14/15]
Overall [22/25]

Total: [92/100]

FEEDBACK:
Ang ganda ng title at book cover mo pero mas maganda ang blurb mo, talagang pang bungad palang ay naaakit na akong basahin yung story mo. Gusto ko yung kung papaano ka naglalagay ng qoutes every chapter, nakakamotivate kasi siya. Tulad ng ibang teen fiction stories, medyo wala din syang pinagkaiba dito pero maganda naman yung pagnanarrate at yung flow ng story. Ayos naman pero medyo nabitin ako dahil hindi pa sya tapos. Meron din akong napansin na nagkakabaliktaran yung letters baka  sa pagmamadali na atang itype yun, kaunting edit lang at perfect na. Keep writing

***

Mister_Ryu | Love Me Until the Quarantine Ends

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [23/25]
Grammar [10/10]
Written Style [12/15]
Overall [22/25]

Total: [92/100]

FEEDBACK:
Ang unique ng title mo at talagang nakakapanghatak ng readers ang blurb mo kahit maiksi lang siya. Sa blurb palang ay alam mo na agad ang mangyayari sa story-- para sa akin ha ewan ko sa iba. Love Me Until the Quarantine Ends, napakagandang title at doon palang ay mapapaisip na agad ang mga readers kung bakit ganun ang blurb mo. Ang ganda niyang basahin. Yung story nyo (since dalawa kayong nagsulat niyan) kasi, yan yung nangyayari ngayong pandemic eh, madaming nagkakaroon ng relasyon pero paano kung matapos ang quarantine, paano nga ba sila? Basta ang ganda ng story niyo kaso medyo nabitin ako dahil hanggang chapter 84 palang. Pangalawang beses kong nakabasa ng Epistolary kaya medyo naninibago ako. Madali lang din siyang i-judge dahil ang iksi lang per chapter kaya agad kong nakikita kung may mali ba, pero wala naman. Minsan nga lang ay hindi ako satisfied sa nababasa ko dahil meron po kasing chapter na sobrang ikli. Ewan ko pero hindi ko alam kung sadya bang ganun ang mga epistolary. Wala namang wrong grammars kaya perfect score ka po dun. Ipagpatuloy niyo po ang pagsusulat, more followers and reads to come po. Wag sana akong ibash ng RYUERS mo dahil sa feedback ko.

***

weakdreamer | Mad Love Chase

Title [5/5]
Book cover [5/5]
Blurb [15/15]
Plot [21/25]
Grammar [8/10]
Written Style [12/15]
Overall [22/25]

Total: [88/100]

FEEDBACK:
Title, Book cover and Blurb were perfect for me.

Plot. Common na yung plot niya pero nakakahanga lang dahil teen fiction ang genre ng story mo at na hinaluan mo pa ito ng kaunting action.

Grammar and Written Style.
I suggest na kung english lang ang isang line, english lang at wag mo ng haluan ng ibang lengguwahe, nagmumukha kasing 'conyo' dahil puro english ang simula tapos biglang magtatagalog tapos english ulit.

Napansin ko din na kapag magtatanggal ka ng letter sa isang salita, palitan mo ito ng apostrophe.

X Sya
√ S'ya/ Siya

X Nya
√ N'ya/ Niya

Napansin ko din po na ang pangit basahin kung ganito mo sisimulan ang isang linya.

X "Sya nga yun"
√ "Siya nga yun"

Nakita ko ding walang period yung iba.

Overall. Maganda naman yung story at kaunting edi lamang sa mga mali ay ayos na ayos na.

***

MAJOR AWARDS

FIRST PLACE | haneehany

SECOND PLACE | havellana

THIRD PLACE | night-firefly

***

MINOR AWARDS

BEST IN BOOK COVER| weakdreamer

BEST IN TITLE| Mister_Ryu

BEST IN BLURB| SohDalMag09

BEST IN TEEN FICTION| haneehany

***

CONGRATULATIONS!!!

FACEBOOK ACCOUNT: Queen Assassinate

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

211K 4.9K 55
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
25.3K 1.9K 46
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
196K 705 24
its all in the title babes 😋