Fortesque's Obsession

By RTP_20

19.6K 5.2K 1.5K

Klay Jose Montano, an ordinary young woman with an ordinary life fell into the trap of Fortesque's obsession... More

Fortesque's Obsession
Simula
Chapter 1: Alone
Chapter 2: He's Insane
Chapter 3: Grand Daughter
Chapter 4: Cousin
Chapter 5: Welcome Party
Chapter 6: Focus On Me
Chapter 7: First Love
Chapter 8: Reminiscence
Characters
Chapter 10: Shade of Memories
Chapter 11: Undiscovered Hidden Past
Chapter 12: Familiar
Chapter 13: Nightmares
Chapter 14: Confession
Chapter 15: Coincidence
Author's Note
Chapter 16: Fuck
Chapter 17: Solita Ubaldez
Chapter 18: Secretive
Chapter 19: Jealous
Chapter 20: Bitch
Chapter 21: It Hurts
Chapter 22: ?
Chapter 23: Marry Her
Chapter 24: She's Mine
Chapter 25: Who am I?
Chapter 26: At last
Chapter 27: Obsessed
Chapter 28: Close Your Eyes
Chapter 29: Inlove Mode
Chapter 30: Find Her
Chapter 31: The Truth: Kimura
Chapter 32: The past
Chapter 33: England
Chapter 34: I'm Sorry
Chapter 35: I'm Giving Up
Chapter 36: Just Wait
Chapter 37: Family Bonding
Chapter 38: Summer Vacation
Chapter 39: Promises
Chapter 40: Help Me!
Chapter 41: I'm Back
Chapter 42: Five Minutes
Wakas
Special Chapter

Chapter 9: Aya

486 145 24
By RTP_20

Xander's Point of View


MASAMA kong tiningnan si Gian. He's freaking me out, wala naman palang kwenta ang payo niya sa'kin.



“Sige na. One night stand lang naman,  women protects their dignity—virginity. Do you want to know why?” saad niya habang nagyoyosi, “Dahil 'yan ang weakness nila, Xander.” Dugtong niya habang nagyoyosi.



Gago talaga.


“Hindi lahat ng babae gan'yan, ano'ng masasabi mo sa mga babaeng bayaran—”

Pinutol niya ang sasabihin ko, “Tulad ng mga babaeng tinitira mo noon?” Natatawang tanong niya sa'kin, bigla na lang uminit ang ulo ko sa sinabi niya.


It's been two hours. Nandito ako sa bahay nila. Napagtanto ko kung bakit sa kaniya pa ako humingi ng payo, puro alak at sigarilyo lang ang takbo ng utak ng lalaking 'to. He's Gian Lopez, bestfriend ko noong college ako.

“I have to go!” Nauubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to.

“Ops. Xander, kilalang-kilala kita. Alam kong uhaw ka pa rin sa mga babae ngayon pinipigilan mo lang ang sarili mo dahil sa babaeng 'yon. Don't mind her. Just enjoy your life. Kung ayaw niya sa'yo edi 'wag. Maghanap ka na lang ng iba bro.” aniya. Umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Mabilis ko siyang kinuwelyuhan, “Fuck you! I only want her. Hindi ako nagbago para sa kaniya, nagbago ako para sa sarili ko. Ayoko ng magulong buhay Gian! Sawang-sawa na ako!” Matigas na sambit ko, halatang nagulat naman siya sa ginawa ko.




“I don't need your advice! Go fuck yourself!” Galit na wika ko at lumabas sa bahay nila. Buti naman wala dito ang mga magulang niya, nag-iisang anak siya pero sobrang spoiled sa magulang.

Pumasok agad ako sa loob ng sasakyan ko, “X-Xander...joke lang 'yon! Ano ka ba?” Tawag sa'kin ni Gian pero hindi ko na siya sinagot at mabilis na ipinaharurot ang sasakyan pabalik sa mansyon.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Napahampas na lang ako sa manibela. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ito. Agad kong hinanap ang pangalan ni Klay sa contacts.

“Hello? Sino 'to?” aniya sa kabilang linya. Her angelic voice, mas lalo akong nai-inlove sa kaniya.

“Hello?” aniya ulit. I took a deep breath bago siya sinagot.

“Klay...” Usal ko. Saglit naman siyang tumahimik.

“Pardon? Kilala mo ako?” Nagtatakang tanong niya sa'kin. Halata sa boses niya ang pagkalito. Akala ko ba nakilala niya ang boses ko pero hindi pala.

“Hey. It's me, Xander.” sagot ko sa kaniya. Bigla niya namang pinatay ang tawag. I just nodded. Napatingin ako sa side mirror, putik ba't ang lawak ng ngiti ko?

Damn it. Iniisip ko lang na ang cute niyang mairita.

Nang makarating ako sa mansyon ay kaagad akong bumaba sa sasakyan. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kay Klay noong nakaraang araw. Bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay.  I have to taker care of her.

Biglang sumagi sa isipan ko si Rylan, he has a long time girlfriend named Clarit. Siguro nasa apat na taon na ang relasyon nila. Kailangan ko ang tulong niya, kailangan ko ng payo niya.

***

Klay's Point of View

LUMAWAK ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang boses ng pinsan kong si Saira.

“Klay? Kumusta ka na? Diyos ko, miss na miss ka na namin ni lola.” Naiiyak na tugon ni Saira. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, pinipigilan kong maiyak pero ayaw talaga ng luha ko..

“S-Saira...miss na miss ko na rin kayo. Si lola? Kumusta na ang kalagayan niya? Alalang-alala ako sa kaniya, kumusta kayo d'yan sa hospital?” Humihikbing tanong ko sa kaniya.

“Klay, nasa probinsya lang ako. Hindi ako nakasama kay lola, nag-alala na rin ako sa kaniya. Hindi allowed ang watcher at visitors.” Garalgal ang boses na sagot niya.


“Ano? Siya lang ba mag-isa do'n? Ano'ng klaseng hospital ba 'yan?” Medyo tumaas ang boses ko.


“'Wag kang mag-alala, sabi sa'kin ng amo mo siya na ang bahala. Alam kong safe naman si lola kasi nasa private hospital siya di'ba? And base sa pagkakaalam ko na hindi allowed ang watcher at visitors dahil may naka-assign na Doctor in  every patient. It's their duty to check and heal the patient. So, 'wag kang mag-alala.” Napahinga naman ako ng maluwag. Ba't hind sinabi sa'kin ni Xander ukol sa SVH?

“Pinapangako rin ng amo mo na mapabilis ang paggamot ng mga Doktor kay lola. Klay, ang suwerte mo, ang bait-bait ng amo mo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. He's powerful. Anak siya ng Fortesque, di'ba?” aniya.

“Hindi nga ako makapaniwala eh. Nagpapasalamat naman ako sa Panginoon. Teka, kumusta na pala ang pagtuturo mo?” Tanong ko sa kaniya, rinig kong bumuntong-hining siya bago sumagot.


“Nag-resign ako, Klay. Lubog na lubog talaga ako sa utang ngayon.” Malungkot na sabi niya, napahipo naman ako sa aking noo, “Kumusta sina Lyssa? Rio?”


Mga pinsan ko rin sila. Nasa puder ni Saira ang dalawang 'yan dahil maagang iniwan ng mga magulang. Mga magulang na iresponsable. Takot naman pala sa responsibilidad na maging magulang, bakit anak ng anak? Pinoy talaga.


“Okay lang naman sila, doble kayod nga ang ginawa ko ngayon dito. Nagbibinta ako ng street foods sa umaga, sa gabi naman ay sa bakery.” Mahinaong saad niya.


“'Wag kang mag-alala tutulungan kita. Papadalhan kita ng pera d'yan, Sai. Sige na tawagan mo lang ako kung ano na ang balita ni lola okay? Kailagan ko nang bumalik sa trabaho ko.” Wika ko, nagpaalam na rin siya at pinatay ang tawag.



Huminga na lang ako ng malalim. Lumabas agad ako sa kwarto ko at dumiretso sa kwarto ni Xander. Ngayon ang trabaho ko ay lilinisin ko raw itong kwarto niya, buti naman at naisipan niyang ipalinis ito.


Nagmukha na kasing bodega ang kwarto niya. Maaga kasing umalis 'yon, iwan ko ka ba kung saan siya pupunta. Wala naman akong pakialam sa kaniya.

Pagbukas ko palang sa pintoan ay bumungad sa'kin ang baho ng pintora, nahihilo't naduduwal ako sa baho nito. Nilapag ko muna ang walis-tingting at dust pan sa sahig.

Kinuha ko ang tuyong mga pintura, kasalukuyan pa itong nasa paint box, ang iba naman ay nasa pallete pa. Bilib talaga ako sa mga taong may ganitong talent, like paano nila nakayanang magpinta? Totoong gifted nga sila.

Naalala ko tuloy noong bata pa ako, iginuhit ko si Lotus, alagang aso ko pero mukhang shark ata ang naiguhit ko. Hays. Buhay nga naman. Ang hirap palang ipanganak sa mundo na walang talento, kahit pagkanta man lang tunog takure pa rin.

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ito sa bulsa ng jacket ko. Unknown number?

Agad ko naman itong sinagot.

“Hello? Sino 'to?” Tanong ko sa kabilang linya pero hindi ako sinagot.

“Hello?” Wika ko ulit. This time, nagsimula na akong mairita.

“Klay...” Kumunot ang noo ko, sino ba ang taong 'to? Ba't nakikilala niya ako?


“Pardon? Kilala mo ako?” Nagtatakang tanong ko habang pinulot ang mga nagkalat na portraits sa iba't ibang sulok.


“Hey. It's me, Xander.” aniya. Akala ko kung sino si Xander lang pala, sasagutin ko na sana siya pero napahinto ako at napatitig sa portrait na hawak-hawak ko.

Pinatay ko na ang tawag. Uuwi rin naman siya dito. Maigi kong tinititigan ang portrait, black and white ito. Isa itong batang babae, mahaba ang kaniyang buhok, payat, singkit ang mga mata habang nakangiti ng matamis.

She's an innocent girl. She's wearing a dress, nakaupo siya sa damo habang may hawak na libro at ballpen.

“Ano'ng librong 'to?” Bulong ko sa sarili ko at maigi itong tiningnan.

The Power of Introverts in a World That Can't Stop Talking?

Introverted siya?

“Oh,” Sambit ko, “September 12, 2012?” Bulong ko ulit sa sarili ko. Nailipat ko ang tingin ko sa kanang banda nito, may nakasulat na Aya. Di kaya'y siya ang first love ni Xander?

Hindi ko na lang ito pinansin bagkus ay niligpit ko na lang ito. Now i realized, halos ang painting dito ay katulad ng painting na  nakita ko kamakailan lamang.

Aya? Sino ba si Aya?

Ganito ba talaga kainlove si Xander? Napatawa naman ako ng mahina. Saan na kaya si Aya ngayon?

Napahampas na lang ako sa ulo ko. I don't care about her. Kung siya ang first love ni Xander, why do i care? Baliw naman ang isang 'yon.

Nang matapos ko nang mailigpit at malinis ang lahat ng basura, at gulong-gulo na mga gamit dito sa kwarto ay hinihingal akong lumabas sa kwarto ni Xander at bumaba sa hagdan.

“Hi Cici and Siri! Don't you ever to approach me or else lulutuin ko kayong dalawa.” Nakangiwing wika ko, gumagapang kasi sila sa hagdanan. Nakakadiri talaga.

“Never ever hurt them.”

Napaangat ang ulo ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Teka, ano'ng ginawa ni Xero dito?

“Pardon?” Tanong ko sa kaniya. He didn't even answer me. Dumiretso siya sa sala, nakita kong umupo siya sa couch at dahan-dahang isinandal ang kaniyang likod.

“My pet. Don't hurt them or else,” Putol na saad niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ba't alaga ni Xander ang mga ahas na 'yan? How come naging sa kaniya?

“or else ikaw ang lulutuin ko.” aniya dahilan para mabilaukan ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Aba! Hinahamon mo ba ako?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
26.7K 941 47
Two unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...