Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 34

73 2 0
By tamestnaive

Chapter 34

Kendra : Yes, girl. I was kinda shock knowing about it.

Ellie : Usap ulit tayo next time ahhh. Marami pa tayong ichichika. I miss you!

It was nice talking to my former friend, Kendra. We've been classmates for only a year but our friendship still remains even years passed. Medyo matagal din bago kami ulit nakapag-usap kasi busy rin siya.

Pagkatapos kong mailapag ang phone ay saka naman dumating si Fia. "Ellie, papayagan ka bang magsleep over sa birthday ko? Sige naaa, ngayon lang naman e." Pagpupumilit nito.

Napaisip ako saglit nang matahimik. Hmm, okay lang ba? Wala bang magiging sabagal. "Pwede rin." Sagot ko.

Mabilis ang pagliwanag ng kanyang mukha sa sobrang tuwa. "Talaga?! As in sureness?" Hindi maipinta ang kagalakan sa mukha nito dahil sa sagot ko.

Tumango ako. "Nakapag paalam naman ako kay mama dati pa at pinayagan ako, pero susubukan ko ulit kasi baka nakalimutan niya."

Tumango tango siya nang may ngiti sa labi. "Okay na okay, El. Sana payagan ka pa ngayon."

I have high hopes that my mom will allow me dahil birthday naman iyong pupuntahan ko. Binigay ko pa ang imbitasyon sa kanya para sigurado. Tsaka ngayong hindi na tuloy ang trip, baka mas payagan ako ni mama.

"Ellie, may sasabihin pala ako sa'yo." Napakunot noo ako nang sinabi niya iyon.

Naghintay ako at tumahimik bago niya ako tinitigan sa mga mata at nagpatuloy. "Hindi makakapunta si Kendrick."

Isang ngiting maikli ang binigay niya sa akin kasama ang mga malulungkot na mga matang iyon. Hindi ko aakaling pati ako ay nadadamay sa lungkot niya kahit hindi ko naman siya kaibigan. Ngunit mas mabuti na rin iyon para ma-enjoy ko ang party nang walang pinopoblema, lalo pa't karamihan sa mga bisita niya ay galing first year.

"Busy kasi siya sa school nila kasi malapit na exams week." Walang tigil na salita nito habang tahimik ako't napangiti lang. 

Syempre wala na akong magagawa pa roon. Si Fia nga na kaibigan at may birthday hindi na napilit e, sino ba naman ako para balikan niya. Okay na rin iyon, gaya nga ng lagi kong sinasabi, kung magkikita man kami gusto ko iyong pribado. Walang makakaalam, tanging kaming dalawa lang.

"Sino na naman 'yang kausap mo at tumatawa ka pa?"

Napatigil ako sa pagtawa nang biglang magsalita si Kesha. Dito ako dumiretso sa library pagkatapos kong iwan sina Fia sa canteen. Vacant naman namin pareho kaya okay lang. Kausap ko pa rin si Kendra ngunit naputol dahil kay Kesha. Nasa library lang kami at nagpapalipas ng oras. Nakikinig siya ng kanta nang biglang magsalita.

Malisyosang tingin niya agad ang bumungad sa akin. "Si Kendra lang 'to 'no."

Biglang nagbago ang ekspresyon niya at ngayon ay nakikipag-usap na. "Talaga? How is she na? You're really that close to even talk through chats until now?"

I nodded. Kaklase kaming tatlo noon pero ako iyong mas naging close sa kanya. Tahimik niya lang kasi dati kaya kinakausap ko dahil magkatabi lang kami.

"Mabuti hanggang ngayon nagco communicate pa kayo?" Hmmp, kakasabi pa nga lang e.

"Actually dati, nag stop iyong communication namin kasi naging busy siya kaya ayun nagkakahiyaan na dahil ilang taon na rin ang tinagal. Nagulat nalang ako nung last week, siya iyong unang nagchat sa 'kin hanggang sa ito na nga." Paliwanag ko para maklaro niya.

I told her about the failed field trip that happened. Karamay ko rin siya sa pagdadalamhati ng nasayang na pera, enerhiya, sabik, at tuwa ng bawat isa.

Flashback
"Nakakainis naman, ngayon na sana tayo aalis e."

"Okay lang na hindi natuloy basta ibalik lang iyong mga pera natin, 'no!"

Lahat ng madadaan ko ay puro mga third year students na nagagalit, nalulungkot, at naiinis dahil sa biglaang desisyon, idagdag mo pa iyong mga pera namin na hindi pa nababalik at hindi namin sigurado kung maibabalik pa.

"Alam mo, as in umiyak talaga ako nang todo kagabi. Nakakainis na nakakalungkot e." Chika ni Missy.

"Halata naman sa mga mata mo. Umiyak din naman ako nang sobra, halata nga rin e." Sagot ng kasama nito.

"I'm so emotional right now. Let's just eat, El, pampawala ng stress at sakit." Mabilis niyang hinatak ang kamay ko at iniwan ang kaibigan nito.

Pagpasok sa loob ng room, maraming estudyante ang nag-uusap usap dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, at ang iba ay galit at gustong kunin agad iyong mga pera. Nakalapag sa mesa ni prof ang sandamakdamk na ticket na binalik ng nga estudyante ngayon kung kaya't doon namin diniresto at mabilis na lumabas.

"Girls, saan kayo pupunta? Sama ako!" Napatigil kami para linungin iyon nagsalita.

Nitong mga nakaraang araw, nagiging malapit si Greg sa amin ni Missy. Nakikipag-usap kami sa isa't isa at kung minsan ay sumasama na rin sa mga lakad namin katulad ngayon. Tatlo na kami ang magkakasama at lalabas dahil wala namang pasok. Sadyang inihatid lang talaga iyong ticket pero naka-uniform pa rin.

"Nakakapanghinayang talaga. Iyon na 'yon e. Okay na e." Daldal pa rin ni Missy kahit kumakain

Hindi pa rin siya makamove on kahit nasa Starbucks na kami. Kwento nang kwento, nilalabas niya talaga lahat ng hinananakit niya at hindi ko aakaling pati si Greg ay may tinatago rin pala.

"Ako nga ang dami ko nang plano ng mga gagawin ko roon. May kanta na rin akong napili para sa pag edit ng mga videos. Plano ko paman kumuha ng mga litrato at videos tapos edit edit lang." Tahimik lang siya lagi pero ang daldal niya rin ngayon ahhh.

Greg is a really talented guy. No wonder Millie fall for him. At hindi ako makapaniwalang naging close ko siya ngayon lang na dati naman ay kahit mag-usap lang nang matagal ay hindi namin magawa.

"Paasa talaga. Hindi manlang inisip iyong mga pera ng mga estudyante." Sagot ko rin. 
End

Haayyy, nakakainis talaga. Nakakaasar. Sabi ko na nga bang hindi ako aasa nang sobra e.

"Mamaya nalang ulit, bess. May pasok na ako e." Paalam nito agad. We both parted ways with each other. I plan to meet Lance who's at the canteen when I bumped to a friend.

"Saan ka pupunta, El? Ba't ikaw lang mag-isa?" Tanong ng kaharap ko.

Tinaas ko ang kamay at todo kaway kahit nasa harapan ko lang siya. "Hi Abby! Nauna na kasi si Kesha dahil may pasok na siya kaya pupunta ako ng canteen para puntahan si Lance."

Bigla ako niyang pinanliitan ng mga mata dahilan para unti-unting mawala ang mga ngiti ko. Kinabahan ako bigla ngunit mabuti na lamang ay agad niyang iniba ang ekspresyon. Isang mukhang may malawak na ngiti na ngayon ang akong nakikita.

"Oyy Lance na naman ha. Alam mo ship ko talaga kayong dalawa." Napasinghap ako sa gulat.

Akala ko anong mayro'n dahil sa mga titig nito, pambihira't mang-asar ba naman sa kaibigan ko pa. Umakto akong parang nasusuka sa harapan niya dahilan para humalakhak siya. Ewan ko ba sa kanya at inaasar ako lagi kay Lance e kaibigan lang naman kami tsaka alam naman niyang may girlfriend na iyon e.

Ayaw niyang tumigil kaya inirapan ko na. "Whatever, pero wait. Kendra and I were talking lately through chats. Share ko lang." Ngisi ko.

I witnessed how her face shines as I mentioned her friend. "Talaga? Mabuti naman nagkakausap na kayo. Alam mo ba, konting konti nalang ireremove ka na talaga namin sa gc kasi naman hindi ka nag-aactive roon. Mas maingay ka pa kapag private message lang e."

Napangisi lang ako bilang sagot sa sinabi nito. Abby, Kendra and I, are groups of friends too together with our two girls. I really have a lot of group friends but we only meet sometimes kasi busy na rin. Sadyang sina Fia lang talaga iyong palagi kong nakakasama kasi pareho lang kami ng mga courses.

"Oy 'wag naman. Ang saya kaya magbasa ng mga kwento niyo." Pagpigil ko rito. Natawa ako nang mapailing nalang siya.

Ilang araw lumipas, medyo busy ang lahat lalo na para sa mga highschool students kasi may prom silang magaganap in two weeks kaya todo ensayo.

"Manood tayo ng practices pagkatapos ng klase. Maganda raw sabi ng iba e."

"Oo nga tsaka boy hunting na rin. Balita ko marami daw gwapong mga highschool students e."

Napailing kami sa mga pag-uusap nina Shaina at Missy kasi ang active pagdating sa mga lalaki. May boyfriend naman si Missy kaya alam naming nagbibiro lang silang dalawa.

"Ellie, tara na 'no. Ang busy mo naman diyan sa phone mo."

It was a rapid movement to withdraw my hand when Missy went close to see. I'm not hiding something because I was only talking to a girl, but it was kinda awkward if she see our convos when even she never let's me see her phone.

"Ang oa mo naman. Akala mo naman nanakawin. May tinatago ka riyan 'no." Reklamo nito. Hindi nalang ako nagsalita dahil kinakabahan pa ako.

"T-tara na. May pasok pa ako e."

Ilang araw ko nang kausap si Kendra kaya mas dumarami iyong kaalaman namin sa isa't isa. Dati naman nag-uusap kami pero karamihan ng pinag-uusapan namin ay tungkol sa crush ko na naging kaklase niya nung nag-aaral pa siya sa ibang bansa, pero ngayon kahit walang kabuluhan ay pinag-uusapan namin.

"Kailangan ba may gift?"

I am pressured and is also having a hard time to whether buy a gift or not. Pero kasi nakakahiya naman kung wala akong dala sa kanya kahit maliit lang.

"Ewan ko basta magdadala nalang ako kahit konti lang." Sagot ko.

We're waiting for our other friends since we talked about watching the practices all together. Labasan na naming lahat kaya marami nang estudyante sa may court para manood kaya pupunta kami agad para makapanood nang maayos.

"Nice moves 'no." Komento ni Missy habang nanonood.

Nanonood ako kasama sila nang biglang masagi ng nga titig ko si Nathan na nasa harapan ko lamang. Naka side view man ngunit halata pa rin ang malawak nitong ngiti habang nakatitig sa harapan. Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan.

Si Julia nasa harapan. I was watching when Kendra's profile pops up on my phone for a message. I smiled upon opening it. Marami din akong ikwekwento sa kanya kaya excited akong mag-usap kami nang matagal.

Ellie : We're watching some practices for highschool students, Ken.

It was nice calling her 'Ken' short for her name, it feels like I was talking to Kendrick and non-stop calling him on his name. Matagal siyang magreply kaya nakinood muna ako. I was mesmerized by their moves and someone caught my attention because of her bubbly moves and sways.

Nasasabik akong ibahagi lahat ng nakikita ko kay Kendra kasi kahit ano lang naman pinag-uusapan namin e. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.

"Ken, tingnan mo----"

"Huh?!" I got startled when Missy talked.

Huli na nang napagtanto ko ang sinabi ko. Nadulas ako sa pangalan ni Kendra at base sa reaction ni Missy, halatang nag-aassume siya na si Kendrick na naman ang laman ng utak ko na pati sa ganitong mga oras ay naibubulalas ko ang pangalan niya nang walang alinlangan, e mali iyong iniisip niya kung sakali man kasi kaibigan ko naman tinutukoy ko.

"Hoy hindi gano'n. May kaibigan kasi akong Kendra iyong pangalan kaya 'Ken' iyong tinatawag ko sa kanya for short." Paliwanag ko agad.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag pa e pero ginawa ko lang kasi iyong mukha ni Missy talagang hindi desidido sa sinabi ko. Talagang si Kendra naman iyong nasa isip ko kasi siya iyong nakaka-usap ko nitong mga nakaraang araw, at lahat nga ng mga ganap sa 'kin ay sinasabi ko sa kanya kaya hanggang ngayon ay siya pa rin ang naiisip ko.

But Missy never stop teasing me. She was just giving me her teasing smile widely. "T-tara na nga. Kung ano anong nasasabi ko e." Nag-iwas tingin ako ay naglakad.

"Yieee miss mo lang siya e." Sumunod naman siya at hindi natigil sa kakaasar.

Daldal siya nang daldal ng pangalan ni Ken kahit naglalakad kami kung kaya't hindi ko nalang namalayang mabangga sina Fia sa sobrang lutang ko ngayon. They got curious and asked Missy. Tumahimik nalang ako, wala namang makakapigil kay Missy e.

"Nadulas siya sa pangalan ni Kendrick, iniisip ata nito e."  Luh, issue maker nito.

As usual, kapag usapang Kendrick e mabilis pa sa kidlat ang paniniwala ng mga kaibigan ko kaya. Kahit walang kabuluhan, paniniwalaan pa rin. Ramdam ko na nga mga titig nila sa akin e.

"Huwag kayong maniwala diyan." Walang ganang sagot ko. They both chuckled but Missy doesn't stop.

"Hindi ba invited si Kendrick sa birthday mo, Fia?" She didn't stop. Nagtatanong lang naman pero naiirita lang ako.

Nagkatinginan kami ni Fia. Well, ako pa lang nakaka-alam na hindi siya makakapunta. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at hinyaan siya.

"Invited siya pero hindi siya makakapunta." Sagot nito.

Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan pa bang ulitin. Si Missy kasi lahat nalang napapansin kahit hindi naman dapat pansinin. Lahat tinatanong kahit hindi na kailangan ng sagot.

"Awwwee kaya pala. Okay lang 'yan, Ellie." Hinahagod niya pa ang likuran ko para i-cheer.

I narrowed my eyes on her for teasing me. Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. Alin ba sa salitang move on ang hindi nila maintindihan. Paulit ulit tayo? Bahala na talaga silang mag-usap diyan.

"Nandiyan lang pala kayo e. Tara na uwi na tayo." Mabuti nalang dumating iyong dalawang lalaki kaya bumaling sa kanila ang atensyon ng lahat.

Magkasama na naman sila at mukhang  katatapos lang ng paglalaro nila kasi hawak hawak pa rin iyong mga phone nila.

"Akala namin umuwi na kayo, bigla kasi kayong nawala e." Asar ni Fia.

Kumunot ang noo nilang dalawa kay Fia. "Akala ko ba sabay sabay tayo? Sa canteen nga lang kami naghintay sa inyo e." Marahang sagot ni Lay. 

Natameme si Fia dahil do'n. Nagulat din ata kasi medyo mahaba ang sinabi ni Lay. First time ahhh, kaka proud. Pati tuloy kami napalingon sa kanya.

"Edi tara na." Nagtaka naman kami kay Fia na nagmamadaling maglakad kaya hinabol namin.

Nauna silang maglakad kaya nahuhuli na ako kasi mabagal lang ang lakad ko dahil kausap ko pa rin si Kendra. Nakayuko ako kasi tutok na tutok sa phone kung kaya't babawi nalang ako sa maingat na paglakad.

"Ikaw na ang magdrive, Nate." Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan niya.

I saw Nathan with Julia and their other friend. Mukhang pauwi na rin silang tatlo at hawak hawak pa ni Nate iyong susi ng kotse. I remembered before when we have a short film back in first year tapos pinakita iyong mga video ng nga engineering.

Flashback
"As usual, palaban na naman mga taga engineering. Effortless iyong mga gawa nila e. Walang kahurap hirap para sa kanila." 

Nasa may pinto lang ako kausap si Kesha kaya rinig na rinig ko ang mga pag-uusap ng mga kaklase ko. I was just listening to my blockmates when they talked about the short films at halos lahat ng naririnig ko ay mga taga engineering iyong sinasabing maganda.

"Kayo na naman ang bukambibig ng lahat. Ang effort niyo talaga. Hindi lang naman kasi ideas ang panlaban ng iba 'no pati mga gadgets at transportations din." Bulong ko kay Kesha.

"Gano'n naman talaga e. Kapag sinabing engineering lahat agad mayayaman, duh hindi naman 'no. May iba lang talaga na oa to the point na kailangan ilabas lahat ng mga gadgets tapos mga sasakyan pa."  Nakahalukipkip niyang sagot.

I shook my head, opposing her statement. "Hindi rin. Siguro talagang ginagawa lang nila iyon kasi gusto nila maging maganda ang kalalabasan. Kung kami rin naman gano'n syempre iyon din iyong gagawin namin para sa grado."

Natauhan naman siya sa sinabi niya kaya binawi niya ito at tumango. "Kung sabagay rin. Syempre grado na iyon kaya dapat todo effort."

We agreed at each other. Nag-usap pa kami ng kung ano ano nang bumukas ang tv screen at nagpalabas ng iba't ibang nga films. Unang una na roon ay ang grupo na kinabibilangan ni Nate.

"Girl, panoorin mo 'yan. Iyong scene na nag-drive si Nate, alam mo ba kung kaninong sasakyan iyon? Sa girlfriend niya lang naman na si Julia." Chika nito.

Ikinatigil ko nang marinig mula sa bibig ni Kesha iyon. Tiningnan ko siya nang gulat ngunit normal lamang ang mukha nitong nakatingin sa screen. Tiningnan ko ulit ang video, scene pa rin ni Nate.

Nakakagulat na nakakalula sila. Grabe, iba talaga ang nagagawa ng pera.
End

I could really say that they're perfect for each other. They're both gifted. Talented, rich, famous, and spoiled. Wala akong lugar sa kanila. Langit sila, lupa ako. Dalawa sila, isa lang ako. Bakit pa ako makikipaglaban kung sa una palang, alam kong talo na.

"Ang bagal mo talaga kahit kailan." Lance pops up infront of me and before I could even speak a word, he dragged me really fast towards them. Lagi naman akong mabagal sa lahat. 

Hindi ko namalayang ang layo na pala ng agwat ko sa kanila kaya medyo mahaba ang nilakad namin hanggang malagpasan sina Nate na nakatayo sa harap ng kotse nito, nag-uusap pa kasi sila.

Iniwas ko ang tingin sa kanila. "Saan ba tayo pupunta?"

"Karinderya nalang tayo para madali raw kasi gutom na tayong lahat." Nagmamadaling sagot nito.

Ilang araw nalang ay kaarawan na ni Fia kaya nag-iipon ulit ako ng lakas na loob para magpaalam kina mama. Linggo kasi iyong birthday at may pasok kinabukasan kaya dapat pag-usapan nang mabuti kung paano ang gagawin.

[Oo nga basta magdala ka nalang ng mga damit mo, lalo na iyong uniform mo para makapasok ka pa rin ng monday]

Maayos ang pagkakausap namin ni Fia kaya mas lalo akong nasasabik. Hindi man natuloy ang field trip, pinayagan pa rin naman akong mag sleep over sa birthday kahit may pasok bukas.

"Nice party, Fia. Happy Birthday!"

Wala pang masyadong tao nang magpunta kami sa venue. Magkalapit lang iyong bahay ni Lance at Fia kaya mas nauna siya kaysa sa 'min. Masaklap lang kasi hindi kami kompleto ngayon, wala si Lay dahil may lakad daw. Kaya siguro matamlay si Fia kasi hindi kami kompleto. 

"Sayang, wala si Gab e." Panghihinayang ni Lance sa kaibigan.

"Okay lang 'yan, tuloy pa rin iyong party kahit wala siya." Sagot ni Sha.

Nasa round table kaming anim at nagkwekwentuhan naman silang apat habang kami ni Missy ay tahimik lang. Kilala naman namin si Lay kaya hindi kami nag-isip ng kung ano ni Missy, but they keep on showing us something different which that us curious.

"Ellie, nandito sina Dina, Lorie tsaka Francis."

As I was looking at my former classmates, there's this feeling that I'm missing Ken. Kung natuloy sana iyong pag alis niya baka nagkita kami rito. May kalungkutan kahit ayaw ko siyang makita pero sayang din sana. Kaya ko namang magkunwari na hindi kinakabahan kapag nandiyan siya, atleast nagkita.

"Lets party, guys!"

"Happy Birthday, Fia!"

The dance floor is now open for everybody. Nakaupo lang ako sa mesa namin at nanonood sa mga sumasayaw. I was roaming my eyes around my surroundings and saw my former classmates pero nabaling ang atensyon ko sa gate.

I look at the main gate imagining Kendrick entering that door with a smile. Kahit malabo, nakikita ko pa rin siya sa isipan ko.

"Hindi na siya darating."

Nagulat ako sa boses na nagsalita sa likuran ko. Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Fia. May lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa labasan.

"Hindi ko siya hinihintay." Sagot ko at Iniwas ang tingin.

Nakita ko ang maikling ngiti nito sa labi kasama ang malungkot na mga matang iyon habang hindi nawawala ang tingin sa harapan.

Napakunot noo ako. Anong trip nito at hindi nilulubayan ang gate. "May hinihintay ka rin ba?" Tanong ko.

That suddenly caught her, but eventually smiled, a weak one. "Hindi siya darating." 

Napakunot noo ulit ako sa sobrang lito. It's like she's talking to someone I don't know. I remained my eyes on her until she gets the chance to look at me.

She chuckled when she saw my reaction. "Mamaya na nga 'yan."

I feel like there's something that she should tell me. I'm really curious with the way they act lately, especially her. Hinyaan ko na siyang iwan ako dahil maraming naghihintay sa kanyang nga bisita niya.

"Ellie, tara dito." 'Yaya ng nga kaibigan ko. Walang alinlangan akong sumunod.

For now, I'll enjoy myself first. School weeks were exhausted lately, so I need to calm and rest for a while without thinking my deadlines. While partying, I really feel like there's something missing. May gusto akong makita pero malabo nang mangyari pa iyon. Ilang oras din ang ginugol no'n sa party at sinulit talaga namin para magsaya nang hindi iniisip ang klase bukas.

Nang matapos ang party, naisip kong magpahinga muna at umupo sa tabi. Tahimik na ang paligid. Tanging kaming apat na mga babae nalang ang natira maliban kay Missy na sinundo na ng jowa niya kanina. Nasa tabing dagat ang venue kaya mahangin at sobrang tahimik, kalmado kasi ng dagat.

"Kendrick."

I got startled when she called me to that name. I tried my best to act normal and just shook my head. Nasa kwarto na niya ako at katatapos lang magbihis at kakalabas lang din niya galing shower.

"Huwag mo na nga banggitin 'yan. Hindi na nga ngayon e." Umakto akong naiinis, kapag gano'n kasi tumatahimik sila.

Umupo siya sa tabi ko sa kama. "Don't me, Ellie! Alam ko namang gusto mo pa siya, ayaw mo lang talaga na inaasar ka namin."

Ngayon ko masasabing iba si Fia sa mga kaibigan ko. Siya lang kasi nakakakilala kay Kendrick nang matagal kung kaya't kahit anong pigil ng damdamin ko, mahuhuli't mahuhuli niya pa rin hanggang sa umamin ako.

Napatahimik ako bigla at umiwas ng tingin sa kanya. Mga ilang minuto ring katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa pero binasag niya ulit.

"Alam mo, Ellie. Sometimes, I realize, I just feel you. I just feel like I am you."

Nalito naman ako sa pinagsasabi niya kaya hinintay ko siyang patapusin. Tulala kasi siya na animo'y seryoso kaya dapat dahan dahang pakinggan.

"Ang pagkakaiba lang, sa'yo malayo at hindi mo nakikita o nakakausap, samantalang ako harap harapan kong nakikita, nakakausap at nahahawakan."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ngayon lang si Faye nagopen up ng ganito tungkol sa buhay pag-ibig niya kaya minabuti kong makinig. Marahan ngunit sigurado siya sa kanyang sinasabi. Tulala sa kawalan ngunit ramdam ko ang bigat ng emosyon niya. 

"Pero may pagkakapareho rin tayo." She stopped and look at me. "Natatakot din akong malaman niya ang tunay kong nararamdaman, baka kasi hindi niya matanggap. And worst, our friendship might get broken."

Kinakabahan na ako sa sinasabi niya. Gusto ko nang malaman kung sino iyon kasi may tao na akong naiisip, hinihintay ko lang na sa kanya mismo manggaling baka nagkakamali lang ako e.

"Subukan mo, Fia. Malay mo gusto ka rin pala niya. Huwag kang gumaya sa 'kin na huli ko nang napagtanto na gusto ko pala siya kaya ayun, napagiwanan ako."

Hindi na ako nahihiyang ipaglandakan ang kagagahan ko sa kanya. Alam ko namang maiintindihan niya ako e. Napatigil ako nang tinitigan niya ako sa mga mata. May lungkot sa mga titig na iyon.

"Baka mailang siya at lumayo sa 'kin. Mawawala ang pag-asa kong makita siya na iyon nalang ang tanging paraan para makausap at makasama si Lay nang walang malisya."

Medyo matagal pa bago paroseso ng aking utak ang sinabi niya. Hindi kasi ako makapaniwalang sa ilang taon naming magkakasama, hindi ko man lang nahalatang may gusto na pala siya sa kaibigan namin. Kailan pa? Papano? At bakit niya nilihim?

"M-may gusto ka kay L-lay?" Kinakabahang tanong ko.

Tiningnan niya lang ako at hindi nag react na mas lalong ikinataka ko. Kating kati na talaga akong malaman, pinapakiramdaman ko lang siya kasi baka nahihiya pa.

Bumuntong hininga muna siya. "Hindi ko alam kung paano basta ang alam ko lang habang tumatagal na magkasama kami, hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako sa kanya. Kasi gaya rin ni Ken, mabait siya, gentleman, at sa tingin ko kapag kausap ko siya, nagkakaintindihan kami."

Awwwee what a sweet words coming from her. Sa kanya na hindi ko inisip magiging ganito pala kapag nahulog sa lalaki. Ramdam ko iyong ng bigat ng damdamin niya, ngunit sa kabila nito, alam kong panatag na ang puso niya dahil sa wakas ay nasabi na rin niya ang tinatagong lihim nito.

Walang salita ko siyang niyakap. Siguro wala na akong magagawa pa kung gusto niya talaga. I just want her to know that I support her, and that her secret is safe from me.

"That's okay. I support you. You're so brave to put off your feelings to someone you really like for the sake of our friendship. Mas mabuti iyon kaysa wala, 'di katulad ko." Mahinang sagot ko.

Masaya ako para sa kanya pero nahihiya ako para sa sarili ko. At least may ginawa siya para manatili ang taong gusto niya, hindi katulad ko. Siya ang unang kumalas sa yakap ko at tumingin sa 'kin. She smiled sincerely, walang halong biro o asar.

"Kahit hindi mo sabihin, I can really tell that you still like him and you're hoping that he'll come to my birthday to see him."

I remained silent. I was caught on guard when she told me those words. I couldn't talk nor speak a word. My heart is silent. Gano'n ba ako kahalata kanina. O sadyang hindi niya lang talaga matanggal ang tingin sa akin kaya napansin niya iyon. Hindi nalang ako nagsalita.

"Alam mo, dati palang talaga may nararamdaman din akong kakaiba kay Kendrick sa tuwing binabati ka niya. Kasi 'di ba, the whole class were teasing both of you dahil sa mga galawan niya. At kitang kita naman iyon ng lahat, iyon nga lang iba iyong nakikita ko sa'yo noon sa tuwing inaasar kayo o nagiging mabait siya sa'yo."

Mahabang kwento nito. Ngayon ko lang narinig ang nararamdaman niya tungkol sa amin dati. Hay naku, bumabalik na naman tayo roon e.

"Yeah, I was just too late to realize all of those." Sagot ko sa kawalan.

"Ilang beses ko ring inalam ang tungkol sa'yo pero base sa mga naririnig ko galing sa mga kaibigan mo at sa iyong pinapakita, naniwala akong wala ka ngang gusto sa kanya. Pero ngayon, malalaman ko nalang na mayro'n pala."

You could say that. It was my fault. Just too late to realize everything. Saka ko lang napagtanto, hinahanap hanap ko na pala siya.

"Alam mo ba, kinikilig din ako minsan kapag tinatawag ka ni Kendrick kasi consistent talaga siyang batiin ka sa tuwing nakikita ka niya, at sobrang lakas pa ng boses niya kaya rinig ng lahat." Ano baaaa. Bakit ba binabalik pa iyan. Tapos na e, nangyari na.

"Oo nga. Hindi ko rin alam kung bakit ako napapahinto kapag tinatawag niya ako dati kaya nasanay ako. His voice seems like melodies to my ears. I love him calling to my name." Pag-amin ko. Totoo naman e. Gano'n talaga nararamdaman ko, saka ko lang napagtanto.

Napatango siya. "Ang cold mo rin kasi tingnan minsan e. Ni hindi ko nga pansin iyong ginagawa mo sa kanya gaya ng magandang ginawa niya para sa'yo."

Nakakatangang pangyayari. Ilang beses ko ring naririnig ang boses niyang binabanggit ang pangalan ko at kung kailan ako pa ang binibigkas ng mga bibig niya ay siya namang hindi ko pinapansin hanggang sa wala na. Nawala na ang lahat at hindi na mababalik pa sa dati ang nangyari na.

"Ellie, isang salita lang iyan. Bakit hindi mabigkas ng bibig mo ang pangalan niya gayong laging Ikaw ang sinisgaw ng maganda niyang boses." Napatigil ako sa pagkatulala at tiningnan siya.

Oo nga pala. Bakit hindi ko magawa ang bagay na iyon. Bakit huli na nang maging makati ang bibig kong tawagin siya sa pangalan niya. Ngunit kung gano'n man ang gagawin, magpapakita pa kaya siya kahit malayo na kami sa isa't isa. 

"If I call his name lovingly, could we meet again as before?" Tulalang tanong ko sa kawalan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 39.1K 87
20 year old, Lena, working at a library tries to navigate her way through something she wishfully wants to indulge in. But with no proper help, she...
107K 3.3K 31
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
90.1K 323 13
As the title says
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...