Mahiwaga (On-going)

By knightius_austere

46 17 0

Sometimes, an hour can make us feel like a second. And a second, can make us feel like a lifetime. More

Author's Note
...
Lagrimas Series
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

9 2 0
By knightius_austere

Please listen to Ben & Ben's "Di ka sayang" while reading this chapter! Enjoy!

_____________________________

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon...

Ang nagpabago sa takbo ng buhay ko...

Ang sumira sa pagkatao ko...

Ang naging dahilan para mawalan ako ng silbi sa mundo...

Hindi na ako 'to....

Pakiramdam ko nabubuhay nalang ako artificially dahil hindi na ako katulad ng dati matapos ang insidenteng iyon.

*5 years ago*

Excited na akong maging ninong! Ako ang magiging pinakapoging ninong ng mga anak nila Elizair at Vinz!

Matapos kong masuot ng maayos ang aking long-sleeves ay maayos ko itong tinupi sa may pulso.

Naglagay ako ng kaunting pabango saka lumabas ng kwarto.

Napatigil ako saglit.

Agad akong bumalik sa kwarto dahil may nakalimutan ako.

Nakangisi akong tumingin sa salamin at kumindat saka umalis na.

"Ang pogi ko, syet." proud na sabi ko sa sarili ko.

Agad akong pumasok sa sasakyan ko at minaniobra ito papunta sa venue ng party nila Eli.

"Pasalamat ka Eli at hindi na kita crush. Hindi talaga ako papayag na maging ninong ng mga anak mo kapag ganun. Dahil ako magiging tatay ng mga anak mo. Pero syet! Kung ako din naman siguro magiging babae, magugustuhan ko din si Vinz. Pogi at seryoso lagi. Malinis pa sa katawan. Tama, tama. Tama lang na naging sila ni Eli. Atleast may maganda at gwapo akong mga inaanak ngayon! Yiee! " pagkausap ko sa sarili ko habang nagda-drive.

Tumatango-tango pa ako dahil tama lang ang sinabi ko.

Saktong nasa may highway ako ay may napansin ako sa hindi kalayuan.

Napansin ko ang isang babae at hindi ko na naialis ang tingin ko sa kanya.

Nakatalikod siya at umaalon ang mahaba niyang buhok. Tanghaling tapat at nakatambay siya sa may railings ng bridge. Mukhang wala sa sarili ang dalagang iyon.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Magpapakamatay ba siya?!" gulat na gulat na tanong ko sa sarili ko.

Natuliro na ako at napatingin sa harap. Bago ko pa magalaw ang manobela ay sumalubong na ang truck sa kotse ko.

Pagkabangga sa akin ng truck ay bumaliktad ang kotse ko.

Ang tanging narinig ko lang ay isang mahabang tunog. Habang duguan ako ay nagawa ko pang lingunin ang babae kanina.

Nakatingin siya sa akin banda. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam ko na nakatingin siya banda sa'kin.

"Huwag...kang magpakamatay..." bulong ko habang nakatingin sa kanya.

Siya lang ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

Iyon nalang ang huli kong alaala noong aksidenteng iyon.

Pagkagising ko, ibang-iba na ang mundo ko. Nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nagising nalang ako na wala na akong kwentang tao. Baldado. Palamunin. Kailangan pang alagaan. Umaasa sa magulang at kapatid.

Tss. Nakakahiya.

Mabuti nalang at nakilala ko si Ella. Nakilala ko siya 3 months ago. Nakilala ko siya sa burol ni Eli.

Noong una ay pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ni Eli. Baka inaasar niya ako sa langit dahil wala daw akong jowa. Kaya binigay niya sa'kin si Ella para mahalin ko.

Masayang kasama si Ella. Mabait at maganda. Matalino din. Mahinhin din. Nasa kanya ang langit ng pinapangarap ko sa isang babae.

Niligawan ko siya 2 weeks after kong makilala siya. Oo. Mabilis. Walang kuskos balungos.

Iba pala 'yon.

Sinagot din ako ni Ella dalawang linggo matapos ko siyang ligawan.

Ngayong araw ay monthsary namin kaya naman ay naghanda ako ng special na regalo para sa kanya.

Hindi siya nagtext sa' kin kaya naman ay naisip ko na surpresahin siya sa condo niya.

May dala-dala akong flowers, chocolate, doughnut, saka 'yong regalo ko sa kanya.

Kasama ko ang private nurse ko.

"Pasensya ka na kuya dahil nasama ka pa sa kalokohan ko. Hehe." kamot-ulong sabi ko kay Kuya Mark habang dala-dala niya ang mga doughnut at flowers na binili ko para kay Ella.

Nakapatong naman sa mga hita ko ang chocolates at ang regalo ko kay Ella.

Ako na ang nagpapagalaw ng wheelchair ko. Masyado ng nakakahiya kay Kuya Mark.

Nang makarating kami sa tapat ng condo ni Ella ay pinindot ko ang passcode ng condo niya.

"Kaya mo na ba, Sir? Gusto mo samahan na kita sa loob?" nag-aalalang tanong ni Kuya Mark.

Ngumiti ako saka umiling. "Kaya ko na, Kuya. Pakihintay nalang ako sa kotse. Ah! Teka..." kumuha ako ng 500 sa wallet ko saka binigay sa kanya. "Bili ka nalang muna ng makakain mo, Kuya."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Hala, Sir Kalvin! Huwag na po. May baon ako." tanggi niya.

"Sige na, Kuya. Isipin mo na tip ko 'yan. Or isipin mo nalang na nakapulot ka ng 500 pesos sa daan pero wala ka ng balak isauli sa may-ari."

Natawa si Kuya Mark. "Loko ka talaga, Sir. Sige po. Salamat, Sir! Pampasalubong ko nalang sa Mama ko. "

Kinuha niya ang 500 saka naman marahang inabot sa akin ang flowers saka ang doughnut.

Inilalayan niya ako na ayusin ang pagkakalagay ng chocolate saka doughnut sa hita ko. Saka ko hinawakan ang bulaklak.

Pinagbuksan na ako ni Kuya Mark ng pintuan.

"Salamat, Kuya." tumango ako sa kanya.

"Sige po, Sir. Goodluck!" nakangiting saad niya.

Tumango ako.

Hinintay kong makaalis siya at makalayo saka ako pumasok sa condo ni Ella.

Medyo nagtaka ako dahil parang hindi man lang napansin ni Ella na nakapasok ako.

Pero okay na rin yon. Mas magtatagumpay ako sa pagsurpresa ko sa kanya.

Pagkapasok ko ay tahimik na salas ang sumalubong sa akin.

Nakapatay din ang ilaw.

"Umalis ba siya?" bulong ko sa sarili ko.

Malalim akong bumuntong-hininga saka tinext siya.

To: Ella 💜

Babe, I'm in your place. Wer r u?

Send!

Matapos ang mga limang minuto ay wala talagang nagparamdam na Ella. Wala din siyang reply sa text ko.

Napagdesisyunan kong umalis nalang.

Nang malapit na ako sa may pintuan ay parang may narinig akong tunog sa may kwarto ni Ella. Parang may mga mahinang kalabog. Habang tumatagal ay lumalakas ito.

Kumunot ang noo ko.

Bumalik ako sa loob at saka ko inilapag muna ang mga dala ko sa malapit na sofa.

Ang regalo ko kay Ella ay inilagay ko sa may bulsa ng pantalon ko.

Bakit nga pala "pantalon" tawag sa pantalon? Kasi ginagamit lang pan-talon? Eh, ginagamit din pang-alis 'to 'di ba?

Pinilig ko ang ulo ko dahil kung anu-anong walang kwenta ang pumasok sa isip ko.

Nang makalapit na ako sa kwarto ni Ella ay napansin ko ang isang T-shirt sa may pintuan.

Hindi din nakasara ang pintuan niya at nakasiwang ito ng kaunti.

"Ella, let's get back to each other... Ah.. Ah...hmm... " saad ng lalaki habang umuungol.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan.

"I can't... I already love Kalvin... Ah! Ah! Faster, Rey... Ah! Ah!" mukhang sarap na sarap na saad ni Ella.

Binuksan ko ang pintuan at hinayaan ang paningin ko sa kanila.

Habang tumatagal ay naging malamig ang titig ko sa kanilang dalawa.

Sobrang sakit ng puso ko. Gusto kong umiyak pero walang luha ang gustong kumawala sa mga mata ko. Malamig na nakatitig sa kanila ang mga mata ko.

Dinama ko lahat ng nakikita ko. Tinatak ko sa puso ko.

Kung paanong gumalaw ang lalaking iyon sa ibabaw ng girlfriend ko. Kung paanong ang girlfriend ko ay parang sabik na sabik at napakahigpit ang pagkakabaon ng mga kuko niya sa likod ng lalaki. Kung paanong rinig na rinig ko ang mga ungol nilang dalawa at ang tunog ng mga laman nila habang gumagalaw sila.

Salamat sa nakabukas na lamp dahil kahit papaano ay nakikita ko sila. Kitang kita ko.

"I already love Kalvin? Ha..."

Nang medyo kumalma na silang dalawa ay nagsalita ako.

"Masarap ba? Nakaraos ka naman ba ng maayos sa girlfriend ko?" malamig na saad ko.

Napaalis sa pagkakapatong kay Ella ang lalaki.

May nakita pa akong tumulo sa sahig.

Tss.

Dumako kay Ella ang malamig na titig ko.

Dali-dali niyang tinakpan ang sarili niya ng kumot.

Nirespeto kita, pero sinira mo ang tiwala ko.

Ang taas ng tingin ko sa'yo. Hindi ko alam na magiging ganon din kataas ang pagbagsak ng kaligayahan ko dahil sa ginawa mo.

"Masarap ba, Ella? Mainit init pa siguro ang loob mo ngayon, 'no?" hindi na nawala ang malamig na tono ko.

"B-Babe... Kalv... L-Let me...explain... I'm... I'm sorry..." saka siya humagulgol ng humagulgol.

Simula nang makilala kita, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi kita paiiyakin. Na lagi lang kitang pasasayahin.

Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito. Nang ganito kaaga.

Umiiyak ka sa harap ko, pero nasasaktan ako para sa sarili ko.

Dapat na maawa ako sa'yo. Pero mas naaawa ako sa sarili ko.

Makasarili na ba ako?

Hindi ko na kayang magtagal pa sa kwarto ni Ella at nandon nakatayo ang ex niya siguro base sa narinig ko kanina.

Nakangisi ito sa akin at mukhang masaya siya sa nakikita niyang kalagayan ko.

Tinalikuran ko sila at bago pa man ako makalabas ng kwarto ni Ella ay nagsalita si Rey.

"Masakit ba, pare? Wala kang magawa, 'no? Ni hindi mo nga ako masuntok dahil sa ginawa namin ni Ella, eh? Sa tingin mo talaga magugustuhan ka niya? Mamahalin? Tss. Asa. Ang boring mo kayang tao. Baldado pa. " sabay humalakhak si Rey.

"Rey! Stop it! I love, Kalvin!" sigaw ni Ella.

Love? Ha....

"I'm not interested in your love, Ella. Not anymore...." tanging nagawa ko ay ibulong nalang ang mga salitang iyon.

Wala na akong lakas para makipagsagutan kay Ella.

Wala na din akong lakas na harapin sila dahil durog na ang puso ko.

Wala na din akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko.

Tama naman si Rey. Wala akong kwenta.

Hindi magagawa ni Ella 'yon kung normal lang ako.

Kung maayos ako.

Edi sana hindi ako boring katulad ng sinabi ni Rey.

Wala sa sarili na tinahak ko ang rooftop ng building ng condo nila Ella.

Hindi ko alam kung papaanong nakarating ako dito.

Namalayan ko nalang na nandito na ako dahil sa malakas na hangin na dumadaan sa mukha ko.

Saka ko ulit naalala ang nangyari kanina.

Kung paanong gumalaw ang lalaking iyon sa ibabaw ng girlfriend ko. Kung paanong iungol ng girlfriend ko ang pangalan ng lalaking iyon.

Kung paanong wala akong magawa para sa sarili ko. Para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Kahit isang sapak lang ng galit sa lalaking 'yon, hindi ko nagawa.

Hinayaan ko pa siyang maliitin ako.

Kusang bumagsak ang mga luha ko.

Limang taon ko na 'tong nararanasan ang hirap na 'to.

Pagod na ako.

Pinaandar ko ang wheelchair palapit sa may railings.

Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko ang ibaba ng building. Sobrang liit na ng mga sasakyan. Ang mga tao ay parang tuldok nalang sa paningin ko.

Para akong sinasakal ng hangin na dumadaan sa mukha ko.

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.

Kusang gumalaw ang wheelchair palapit pa sa may railings. Agad kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang bakal.

Hindi naman lulusot ang wheelchair na ito dahil may bakal na nakaharang sa railings pero parang hinihila ako ng hangin papunta sa baba.

Bumagsak ulit ang mga luha sa mga mata ko.

Oras ko na ba? Tama ba na gawin ko 'to?

"Lord, tama po ba ang gagawin ko?" bulong ko habang nakatitig sa baba ng building.

Nanginginig pa ang mga kamay ko at hindi na maayos ang paghinga ko.

"Tanong mo sa bumilib at kung sinong malupet
1096 siksikan ang sustansya ang dala
Parang luto lang ni Gudds sentient food
1096 alam mo na kapag naririnig mo 'to
Nasa kabilang banda kami ng hinahanap mo
Pamparam pam pam pamparaparam pam..." parang binatukan ako sa batok ni Hulk dahil sa narinig kong tugtog sa kung saan.

Bigla akong bumalik sa sarili ko. Sa tunay na matinong isip ko.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang isang babaeng naka-suot ng puting croptop, maong jacket at black ripped-jeans na pinaresan ng puting sapatos.

"Sumabay lang sa bayo sarap sa pakiramdaman
Pamparam pam pam pamparaparam pam
Nagawa namin ito habang bilog din ang buwan, mga buang!" sumasayaw sayaw ang babaeng iyon at may pakagat-labi pa siyang ginawa.

Nagulat pa ako nang bigla ay medyo slow-mo siyang nagtwerk na ewan. Or parang ginalaw niya lang ang butt niya na pa-wave?

What the hell?

Natigil siya sa pagsayaw nang natigil na din ang tugtog saka niya tinignan ang cellphone niya.

Narinig ko na naman ang kantang iyon.

Kumunot ang noo ng babae sa kakatitig niya sa cellphone niya.

"Gagi. Hindi talaga ako marunong magpaalon ng pwet. Tss." umiiling-iling na saad niya na parang pasan-pasan ang problema ng mundo.

Malalim pa siyang bumuntong-hininga.

Parang nahugot ang hininga ko nang dumapo ang tingin niya sa'kin saka nagtataka akong tinignan.

"Oh? Ba't andyan ka pa?" nagtatakang tanong niya.

Tinignan ko pa ang magkabilang gilid ko para malaman kung ako ba ang kausap niya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako si Crisan at wala akong kakambal na nagdadalagang-multo na Crisel ang pangalan. Wala din akong ka-loveteam na Diego ang pangalan. Hindi ako nakakakita ng multo kaya yes! Oh yes! Ikaw ang kausap ko, Kuyang Naka-wheelchair! " bigay na bigay na saad niya habang nakaturo sa'kin.

Napangiwi ako sa iniasta ng babaeng nasa malayong harap ko.

Tss. Baliw amputa.

" What do you mean by saying "Bakit andito pa ako?" " clueless na tanong ko.

Medyo naiinis na din ako sa iniasta ng babaeng baliw na nasa harap ko.

Ngumiti siya. 'Yong inosenteng ngiti.

Natulala ako sa ngiti niya. Pero dahil baliw siya ay iniiling ko ang ulo ko para bumalik sa sarili ko.

"Akala ko kasi nasa baba ka na. Pinagpipyestahan ng mga taong nasa baba dahil basag na bungo mo pati na mga buto mo tapos nagkalat pa 'yong mga dugo mo. Ganon. 'Di ba magpapakamatay ka?" tanong niya habang inosente paring nakangiti.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Tss." tanging saad ko nalang saka iniiwas ang tingin sa kanya.

Saka ko napansin ang kulay kahel na na langit.

Am I so useless? Do I still deserve to live?

Bigla ay naalala ko ang mukha nila Mommy at Daddy sa kulay kahel na langit. At si Kaina sa araw na maliwanag na araw.

Ang kapatid ko na 'yon, kahit gaanong kasakit ang naramdaman niya, hindi siya sumuko. Lumaban parin siya kahit araw-araw ay masakit para sa kanya dahil sa pagkawala ni Lindon.

Samantalang ako ay naloko ng girlfriend, pero kaya pang magmahal ulit, pero nagpakaduwag at ito ang naisip na paraan para mawala ang sakit na naramdaman.

"What I feel right now is not even half on what my sister has been going through... I'm so pathetic. " I whispered those words in the wind.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo ang babae sa medyo malapit sa'kin sa sahig lang saka inilusot ang paa niya sa may railings. Saka katulad ko ay tinitigan ang papalubog na araw.

" Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa 'yong isipan
'Di kailangan na buhating mag-isa...." bigla siyang kumanta at pumiyok pa sa dulo.

Biglang naging maingay ang paligid dahil sa kanta niya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa mensahe ng kanta kahit na pumiyok siya nong kumanta siya.

Ramdam ko na tumingin siya sa'kin.

Tumikhim siya. Marahil ay nahiya dahil sa pangit ng boses niya.

Akala ko hindi na siya ulit kakanta ngunit narinig ko ulit ang boses niya.

"'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita..."

Sobrang pangit talaga ng boses niya. Pumipiyok piyok kahit may part sa kanta na mababa lang naman.

Akala mo iniipit ang leeg niya habang kumakanta. Masakit sa tainga.

Pero kahit na ganon ay gumaan ang pakiramdam ko.

Inintindi ko ng mabuti ang liriko ng kanta habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Tanggap kita
Woah-oh-oh-oh, sarili ay mahalaga
Kahit pa ano'ng tingin nila, tanggap kita...." hindi na nawala ang pagpiyok niya sa bawat lyrics ng kanta. Mas lalo siyang pumiyok sa dulo dahil iniba niya ang bersyon.

'Yong boses niya, parang paputok na piccolo. Masakit sa tainga.

Tahimik ko nalang na pinagmasdan ulit ang langit.

I am useless... and worthless. But I'll try my best to be not a coward.

"'Di ka sayang. Kaya kahit anong problema man ang hinaharap mo, kahit anong salita at pangungutya ang binabato ng mga tao sa' yo, kahit ano man ang karamdaman mo, piliin mong lumaban. Dahil may ibang taong pinipilit na lumaban kahit alam nila na wala ng pag-asa ang buhay nila. Kahit na sobrang sakit na ng mga dinadanas nila. Kaya mabuhay ka ng mahaba pa sa long. " sinasabi niya ang mga 'yon habang nakatingin sa langit at may malungkot na ngiti sa labi.

" Bakit? Mamamatay ka na ba? " hindi ko napigilang magtanong.

Nilingon niya ako saka ngumiti siya ng nang-aasar.

"Chismoso! Bakit? Nagagandahan ka sa' kin kaya nanghihinayang ka sa'kin? Crush mo 'ko 'no? Tss. Ayos lang. Itong ganda ko na 'to, minsan mo lang makita sa buong buhay mo." gumagalaw galaw pa ang kamay niya sa ere saka tinuturo ang mukha niya.

"That's absurd." saad ko.

"Asus. Arte. 'Di nalang umamin." umirap pa siya sa' kin.

"Hindi naman talag-------"

"Sir Kalvin! Sir!" natigil kaming dalawa saka sabay na napatingin kay Kuya Mark na hinihingal at nakayuko habang nakahawak sa magkabilang tuhod.

"Kuya Mark, bakit po?" tanong ko.

"Wow. Bait. May 'po'". narinig kong bulong ng katabi ko.

Tss.

"Ser. Kanina pa kita hinahanap saka tinatawagan. Manganganak na daw po si Mam Kaina!" nakangiting saad ni Kuya Mark.

"Kaina? Asawa mo?" nakatingin sa akin ang babae.

Hindi ko na siya nasagot dahil lumapit na ako kay Kuya Mark.

Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sobrang saya ng pakiramdam ko.

"Kuya! Bilisan natin. Umalis na tayo. Baka kailanganin tayo ni Kaina!" hindi ko na napansin ang saya sa boses ko.

"Tss. Taken na pala. Sayang." bulong nong babae.

Hindi ko na narinig ng maayos ang sinabi niya pero sure ako na may sinabi siya.

Hindi ko nalang aiya pinansin.

"Miss!" tawag ko sa kanya.

Tinignan niya naman ako. Seryoso lang ang tingin niya sa'kin.

Nginitian ko siya. Umawang naman ang labi niya.

"Salamat." sinserong saad ko.

Napakurap siya.

"Aish. Geh geh." saka niya ako tinalikuran at tinignan ulit ang langit.

Napatitig muna ako sa likod niya saka napangiti. Umaalon ang buhok niya dahil sa hangin at ang ganda niyang tignan kahit nakatalikod dahil sa magandang kulay ng langit.

"Let's meet again, my savior...." bulong ko saka sinabihan si Kuya Mark na umalis na.

Itutuloy.....

_____________________________

Other song played :

Pajama Party by 1096 gang

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 638K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.3M 285K 61
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
793K 34.6K 57
"Mujhe jhelna mushkil hai nader," she said with a smile while her gaze was fixed on the table. ("It's difficult to tolerate me, Nader") "Main jhel l...
4.3M 236K 49
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...