Wendy's POV
"Class dismiss!" Sabi ni sir Maestre, ang prof namin sa Physics
Tumayo kaagad kami ni Jamie "Bye sir!" Tapos hinila ko na sya papuntang corridor
"May naisip akong idea!" Sabi ko sakanya
"Ano nanaman yan? Kinakabahan ako sa mga ganyan mo Wendy ahh"
"What if.. sulatan natin si Aldrin? You know? As secret admirers lang naman?" Suggest ko ^^ naisip ko yan habang nag didiscuss si sir kanina, wala tuloy akong naintindihan sa mga lessons XD
"Hmmmm" reaksyon ni Jamie habang hinihimas himas pa yung baba nya
"SIGEEEEEEEEE!!!" -.- wala na .. basag na eardrums ko! Tsk! >
"Tara kuha ka papel!" At yon kumuha sya ng papel sa bag nya kahit hirap na hirap pa dahil backpack ang gamit nya.
Ako naman kumuha ng ballpen syempre dapat signpen ^___^
Haha XD
"Oh!" Abot ni Jamie ng 1/2 crosswise nyang yellow paper .. nu bayan punit na agad -.- imbis winan- whole na =__=z
"Akina!" Kinuha ko nalang agad yung papel at nag sulat sa lapag
~To: Aldrin Garcia
Hi Aldrin! Mag- aral ka ng mabuti ah? Para sa future natin!
-
"Hala ba't kayo lang? Unfair ka naman bes eh!" Reklamo nya sakin ^_^
"Ano gusto mo ? Para sa future nating tatlo? :3" sabi ko at inirapan sya
"Hmp!"
-
Galingan mo sa lahat ng subject, mag ingat ka lagi.
Pasensya ka na sa papel namin ah .. next time printed na promise ^^
Fr: Your secret admirerSSSS
(dalawa kami XD)
"ayan ahh.. dalawa na tayo!" Sabi ko sakanya
"Yaaann.. yan ang gusto ko sayo eh!" Sabi nya at tinaas pa ang kamay at nag apir kami :)
Tinupi ko na yung papel at agad kaming bumaba sa 2nd floor.
Sumilip kami agad sa room nila. Wlang tao? :(
"Baka break pa nila? 9:30 palang oh? Baka 10:00 next subject?" Hula ni Jamie
"Oo nga .. iwan nalang natin tong papel sa teacher's table?" Suggestion ko
"Sige look out mo ko rito!" Sabi nya kaya pumasok na ko sa room nila at iniwan ang sulat namin sa ibabaw ng lamesa ng prof.
"Tara na!" Nagpunta na muna kami ng canteen at mamaya ay babalikan namin tong room nila Aldrin, syempre para malaman namin kung nabasa nya ba o hindi :)
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Aldrin's POV
"AYIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEE!!" tss.. kanchaw ng barkada ko.
Nakita kasi nila na may binabasa akong letter mula sa 'secret admirerS' ko daw?
Wala kaming idea kung sino tong dalawang to pero wala rin naman akong pakielam dahil may girlfriend na ko, si Patrice :) at mahal na mahal ko yon.
Barkada ko lang ang nakakaalam na may gf ako at wala ng iba.
Sa ibang school nag aaral si Patrice, sa Bulacan sya nasa Manila ako. Long distance relationship kami pero okay lang, Loyal parin naman kami sa isa't- isa eh.
"Ano ba mga dre? May girlfriend na ko!" Bulong ko sakanila para itigil na ang panunukso sakin
"Oo nga .. ano naman? Secret admirerSSSSSSSS naman ehh!!" Tsk. Ayaw ako tantanan ng mga to ah?
Nilagay ko sa wallet ko yung sulat dahil bigla ng dumating yung prof. namin.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Wendy's POV
Naikwento ko na ba kung pano namin nakilala si Aldrin ??
*FLASHBACK*
(Freshmens orientation)
"Dahil bago kayo sa school namin, we'd like you to know more to each and everyone. Para maging pamilyar kayo. So it will happen if makikipag kilala kayo right?"
"Yes!"
"Pero we will do it this way. Kailangan nyong maghanap ng 10 tao na bagong kakilala nyo lang at you need to remember their name. Who can remember 10 names may prize.. clear?"
"Yes!"
Nagtinginan lang kami ni Jamie at naglibot libot ng mata. Ano bayan konti ng gwapo :3
"So let's start!"
Tumayo kami ni Jamie at nakipagkilala sa kung sino sino.
May Mark, Krisel, Jessa, Mica, Kim, may Fernando pa nga eh -.- makaluma pero ...
"Hi!" Sh*t nasa heaven na ba ko? Bakit may angel dito?
"Ah.. hi! Im Wendy" sabi ko
"Aldrin" tapos ngumiti pa sya *.*
at .. at .. at .. nakikipag shake hands :O KYAAAAAHH!!
"Jamie!" Singit nitong babaeng kasama ko -.- kitang nagshe-shake hands pa eh! Panira!
Mamaya ka sakin >_
Pagkatapos kong makamayan si Aldrin di na ko nakipagkilala sa iba. Ayoko ng may mahawakang kamay bukod sa kanya ♥_♥
"Bes .. he invaded my mind & my heart!" Bulong ko kay Jamie
"Me too! Oh my god!" Hirit nya
"Ano kayang course nya?" Nacurious ako eh .. sana Business Administration din ¥^_^¥
"Okay time's up!" Announce nung prof na MC sa harap
"Tayo lahat ng nasa Business Ad department?" edi nag sitayuan kami
Oh my G! Sign na ituuuu!
Anong course kaya sya tatayo?
"How about BS Accountancy?" Di parin
"Eh ang mga taga Tourism and Management ba ay mag papatalo?" Di parin sya tumatayo
"Computer Science make some noise!" O_O ahhh! Com. Sci. Ang course. Pang mayaman!
*****
~1st year 1st sem~
Monday, CWTS ang subject namin ngayon. Room 309.
"Ayun Wends!" Sabi ni Jamie kaya naglakad kami patungo dun sa room namin.
Umupo kami sa bandang likod, delikado sa harap eh XD
"Good morning class, I think we're still waiting for others? Two sections kasi kayo" hah? Bakit?
"Im sure it's BA & CS? right?"
"Yes ma'am!"
WAIT!!!
BA & CS daw ba kamo?
BA kami yun .. at Ang CS sila Aldrin yun ah? Pero sana sila nga. Kasi marami din namang section ang CS.
Biglang bumukas ang pinto sa likod
*tingin sa likod 'slowmo'*
O_O
pinaghahampas ko si Jamie na nasa tabi ko
"Si Aldrin bes!" Bulong ko sakanya
"Asan?"
"Ayun oh? Putcha! Sisipagin na ko mag aral nito!" Sabi ko
"Tabihan natin sya bilis" akmang tatayo na sana si Jamie pero ..
"Aray naman!" Reklamo nya, binatukan ko kasi eh
"Malandi ka masyado. Take it slowly girl. Let the boys chase us" sabi ko
"Hmm.. san mo nakuha yan?" -.-
"Nabasa ko lang sa GM kanina" sagot ko
=____= -sya
"Totoo naman eh!"
"Excuse me ma'am" may prof na kumatok sa room
"Yes ma'am ano po yon?"
"CS po ba yung isang section rito?" Tanong nya kay ma'am
"Yes po"
"Ahh.. I'm sorry but nabago na ang schedule nila---"
"HAAA?" ay tipaklong
"Ahh hehe sorry po!" Sabi ko. Ano bayan lagi nalang di mapigilan tong bibig na to! >__
Agaw atensyon tuloy T.T
"Yes ma'am Ahh ngayon ko lang po nabasa yung memo. Oo nga po. Sige CS lipat na kayo ng room sundan nyo nalang si ma'am Abi"
T__________T
Waaaaahhhh..
Wala naman akong balat sa pwet ah? .. hmm ewan di ko pa nakikita eh. Tignan ko nga mamaya =_=
Kainis naman! Yun na eh! Naging bato pa! Tsk!!!
Wala na, sira na diskarte ko :(
*End of FLASHBACK~*
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°• °•°•°•°•°•°•°•
Kitams? Oo hanggang ngayon na 2nd year college na kami ni Jamie, may gusto parin kami kay Aldrin.
Ewan ko ba anong klaseng appeal meron yun :))
Minsan nakikita namin sya pero once in a blue moon.
Kailan ko lang nalaman ang schedule nila kaya ngayon ngayon palang kami nakakapagmatyag ni Jamie eh. Kung di ko pa nabasa sa GM ni Kristian sa baba na #CS201A di ko pa malalaman na mag kaklase pala silang dalawa. Buti nalang close ko si Kristian ^^
"Tara akyat na ulit tayo sa taas?" Aya ni Jamie, nasa Canteen kasi kami ngayon diba?
"Sige"titignan na namin ang resulta ng pa letter letter namin ^^ sana nabasa nya ∞_∞
°•°•°•°•
Vote kayooooooo and Comment!! :D THANK YOU