Nepenthe's || A Poetry Anthol...

By rainpaintsrainbow

1.7K 605 165

My potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rig... More

PAUNANG SALITA
Bilang 1 - Pahimakas
Bilang 2 - Pulang Sinulid
Bilang 3 - Just A Friend Of Mine
Bilang 4 - Giniling
Bilang 6 - Bahid
Bilang 7 -Mahal, Gabayan Mo 'Ko Sa Ating Pangarap
Bilang 8 - Magkita Na Lang Tayo Sa Kawalan
Bilang 9 - Acacia
Bilang 10 - Bumalik Ka Na
Bilang 11 - Ang Panty Ni Pacita
Bilang 12 - Sanaol
Bilang 13 - Para Kang Ulan
Bilang 14 - Sulyap
Bilang 15 - salAMAt
Bilang 16 - Ulan
Bilang 17 - Fireflies
Bilang 18 - Sa 'yong palo
Bilang 19 - Pagpihit
Bilang 20 - Tamad Ako
Bilang 21 - It's You
Bilang 22 - Huwag Kang Bibitaw
Bilang 23 - Salamat Sa Lahat
Bilang 24 - Sa Bandang Huli
Bilang 25 - Sana Tayo Na Lang
Bilang 26 - Dare To Kill
Bilang 27 - Simbang Gabi
Bilang 28 - Gusto Pa Rin Kita
Bilang 29 - Oo, bagong taon na!
Bilang 30 - Imahinasyon
Bilang 31 - Pagpaparamdam Ng Nakaraan
Bilang 32 - Magtago Ka Na
Bilang 33 - Ang Iyong Gusto
Bilang 34 - Ang Liham Ni Kupido
Bilang 35 - Pighati
Bilang 36 - Biglaang Pagbabalik
Bilang 37 - Hagdanan
Bilang 38 - Adhika
Bilang 39 - Ikaw Lang
Bilang 40 - Dulo
Bilang 41 - Kasagutan
Bilang 42 - Kimo
Bilang 43 - Mauman
Bilang 44 - Unang Pagkikita
Bilang 45 - Kubli
Bilang 46 - Pangarap
Bilang 47 - Gintong Pitakang Walang Laman
Bilang 48 - Okay Lang Na Maging Mahina
Bilang 49 - Hindi Na Maayos Ang Lahat
Bilang 50 - Bituin
Bilang 51 - Once
Bilang 52 - Balintataw : Baliktanaw
Bilang 53 - Minsang Nakalimot
Bilang 54 - Kaligayahan Kita
Bilang 55 - Tuyot Na Damo
Bilang 56 - Mga Couplets
Bilang 57 - Sa Init Ng Baso
Bilang 58 - Agam-agam
Bilang 59 - Wala Nang Natira
Bilang 60 - Timpla Tayo
Bilang 61 - Pagkawala Kumakawala
Bilang 62 - Sa Iyo Lang Ako Kailanman
Bilang 63 - Paalam Na
Bilang 64 - Buong Akala

Bilang 5 - Haplos Ng Silangan

20 6 0
By rainpaintsrainbow

HAPLOS NG SILANGAN

Simula ng tumalikod ka,
Hanggang sa hinakbang mo ang iyong mga paa,
Papalayo, ika'y lumayo.
Nakatitig lang ako at nagwari kung saan ka tutungo.

Inakala 'kong babalik ka pa,
Kahit ang dami mo nang dala.
Inakala kong ika'y uuwi,
Dahil binitawan mo ako ng matamis na ngiti.

Tuwang tuwa pa ako ng umalis ka,
Sa kadahilanang pasalubong sa pag-uwi mo'y dala.
Ngunit ang paghihintay ng musmos na bata,
Ay nalungkot ng walang nagpakita.

Walang dumating at sumalubong,
Walang yakap ng bisig na kumulong,
Mga halik na nagpapakiliti,
Ay hindi na mararamdaman 'pang muli.

Iyon na pala ang huling nating pagkikita,
Ama, bakit hindi ko nakita?
Na tuluyan ka na pa lang nagbago,
Na ang pangako mo sa aking ina ay naglaho.

Pareho kaming nangungulila,
Pareho kaming nanghihina,
Dahil ang presensya mo'y nasa iba na,
At ang ina na lang sa'kin ang natira.

Na humahaplos sa mga luhang tumutulo,
Sa pangungulilang ayaw huminto,
Sa kalungkutang bumabalot,
At sa pusong kumikirot.

Ang haplos ng silangan na lang ang nanatili,
Ang silangang ako pa rin ang pinipili,
Dahil ang kabiyak nitong kanluran,
Ay sa iba na, masayang nanahan.


rainpaintsrainbow
011921

Continue Reading

You'll Also Like

423K 9.1K 107
Highest rank: #1 SCARY 2020 #2 MYSTERY/THRILLER 2014! No Soft Copies/ All Right Reserved 2014 It all started with a...
19.4K 716 32
Napagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito to...
1.2K 98 38
Taong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya...
35.4K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...