polaroid of our memories

By gyuselle

860 58 7

polaroid of our memories. More

Polaroid of Our Memories
Memories 01
Memories 02
Memories 04
Memories 05
Memories 06
Memories 07
Memories 08: The End
eliʼs letter

Memories 03

55 5 0
By gyuselle

Memories 03: A Lost Polaroid Film


"Raven..."

"Agnes? Is that you?" Raven looked at me like he didn't expect to see me today. Like, he actually does.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. It's been 5 years but he's still the same. He was still the boy I used to take pictures with.

"Raven!" I excitedly shouted before standing up then running towards him.

He smiled widely at me before welcoming me to his arms. It's been 5 years and his hugs feels the same. Walang pinagbago, he was still the Raven I used to know.

"Wala pa ring nag-bago sa'yo ha, ang tangkad mo pa rin!" pabiro kong tanong kay Raven.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at mapangiti nang mapansin ko na tumangkad lang siya ng kakaunti at nag-iba na ang postura. At higit sa lahat, mas lalo siyang gumwapo. Pabiro ko siyang tinusok sa tagiliran nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin, nang edyo nahimasmasan, saglit siyang umiling at tinawanan ulit ako.

"Pandak ka pa rin!" pabirong banat ni Raven sa akin bago malakas na tumawa. Tinaasan ko siya nang kilay bago pabirong pinalo ng sling bag ko. Mabilis siyang naka-ilag sa akin habang tumatawa. I laughed too then instantly hugged him because I freaking missed him!

"Ano bang ginawa mo aber at ngayon lang ulit kita nakita?" hindi ko alam kung bakit bigla akong naiiyak nang mayakap ko siya. Siguro dahil ilang taon na ang naka-lipas simula nang huli ko siyang nakita at naka-usap.

He's my only best friend when I was in my SHS, siya lang ang tanging kaibigan ko nung panahon na iyon. Pihikan ako sa mga kaibigan at alam ni Raven iyon kaya siguro hindi na siya mage-expect sa akin na lalawak ang circle of friends naming dalawa. Hindi naman sa pinipigilan ko siyang mag-kaibigan ng iba, hindi naman ako toxic na kaibigan kaya s'yempre hahayaan ko siyang makipag-kaibigan sa iba.

Pero bago kami grumaduate ng Senior High School, bigla na lang siyang naglaho na parang bula isang araw bago ang Graduation Day naming dalawa. Hindi ko alam ang dahilan, hindi ko alam kung bakit. Wala siyang sinabi sa akin bago siya mag-laho no'n, hindi man lang nagpaalam.

Buong Graduation Day naming noon, wala ako sa mood. Lahat ng kaklase ko ay nagkakasiyahan dahil sa wakas ay tapos na ang paghihirap nila sa school namin at ang iba ay nalulungkot habang mag-isa ako sa sulok, nagmumukmok at iniisip kung may nasabi o nabanggit ba sa akin si Raven na hindi ko masyadong naintindihan.

Buong araw no'n ay wala ako sa tamang huwisyo. Ni hindi ko man lang nakausap nang maayos ang mga magulang ko no'n dahil masyadong occupied ang pagiisip ko sa nangyari kay Raven.

Until the end of the day, Lucas went to me. Asking my family for a hand because he wanted to court me.

And that was the day where I started being miserable.

"Nakakainis ka naman!" pinigilan ko ang sarili kong lumuha. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil siguro sa mga pangyayari na nakita ko ngayong araw. Dagdag pa ang biglaan naming pagkikita ni Raven.

"Akala ko hindi ka na babalik! Tangina talaga nito!" sinamaan ko siya ng tingin bago pinaulanan ng mga suntok sa braso . "Gago ka! Nagpangako ka pa sa'kin na pupuntay tayong Tagaytay sa gabi ng Graduation natin tapos bigla kang nawala! Sabi mo pa bibigay mo sa'kin yung Fujifilm Instax mo tapos bigla kang nag-tago!"

"Sorry na nga! Sorry... May emergency kase..." natatawang sabi ni Raven bago hinawakan ang kamay ko para pigilan ang kamay ko na patuloy pa rin sa paghampas sa kanya.

"Oops, sorry. Pero?! Emergency?! Gago ka ba? Ano 'yun 5 years kang may emergeny? Huwag nga ako, Rav!" inirapan ko siya bago pinagkrus ang mga braso ko sa harapan.

"Totoo, Raven. Anong nangyari sa'yo?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Oops, change topic." He chuckled to hide his anxiousness.

I just rolled my eyes because he's obviously uncomfortable with this topic. Which I don't blame him for being uncomfortable, so I won't force him to tell his story. It's his choice to open up and it's no longer my business.

"Ikaw, ano nangyari sa'yo?" he asked back with his serious expression.

I uncomfortably shifted my positions because I know what he's probably been thinking.

"'Lika nga rito," he softened his expression before opening his arms for me.

Wala akong nagawa kung hindi lumambot na lang din at binalot ang braso ko sa bewang niya. He chuckled at me before hugging me back.

"So... is that your daughter?"

Tahimik akong tumango.

**

"Sorry ha, eto lang yung apartment ko eh." Nahihiya kong sabi kay Raven habang bahagyang naka-yuko. He just shook his head to me before looking around my apartment.

"'Lika, pasok ka." Alok ko bago binuksan ang pintuan ng 4 by 4 kong apartment. Hindi kasi pasok sa budget ko ang malalaking apartment kaya naka-studio lang ako.

"Shemas! Girl! Grabe ang iyak ng anak mo, walang tigil!" Loraine's complain welcomed me as I heard their footstep coming near us.

"Girl!- Ay hello," napatigil si Loraine sa pagtakbo sa akin habang hawak-hawak niya si Katherine sa kabila niyang braso. Katherine instantly reacted then started giggling so I excitedly took her on Loraine's arms.

"Miss mo ba ang mommy?" I cutely asked her. She giggled back before hugging her chubby arms around me. I instantly showered her with my kisses before tickling her. She responded with her cute laughter and just hearing that makes me want to protect her more with that man.

"Uhm... Uuwi na ako, Agnes... Okay?" I heard Loraine talking but my attention was focused on my little angel. "Sige, bye... Kuya, I mean, sir. Bye din po," magalang na paalam ni Loraine sa aming dalawa bago ko narinig ang mahinang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Goodbye too, Miss Santos." I heard Raven said goodbye to Loraine politely.

Kumunot ang noo ko bago ko binalik ang atensyon kay Raven. Kilala niya si Loraine? As far as I know, nakilala ko si Loraine nung college ako. At hindi ko batchmate si Raven nung college ako dahil sure ako na hindi ko siya nakikita sa University namin. So why do they know each other?

"Miss Santos? Sir? Kilala niyo isa't isa?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

He looked cutely at Katherine. "Oh Hi there, sweet baby." Katherine responded with a chuckle which normally, if a stranger talk to Katherine, she'll instantly cry but with Raven, it's weird how she responded with a chuckle to him. Probably he's trying to steal my cute cupcake away from me, I won't let that. Him and his charms.

"Yes, I know her. She works at my company." He responded to me.

Company? He owns a company?

"I know what you're probably thinking. I mean. my family owns a company." Diniinan niya ang sinabi niya bago tinignan ang loob ng apartment namin.

"Ano, lika? Pasok ka." Aya ko sa kanya papasok. He offered me a ride home and because I don't have any energy to fight or debate with anything, pumayag na ako at gusto ko ring mag-kwento sa kanya.

I know it's been a 5 years since I last talked to him and it's probably not a good idea to share my private stories with him since it's been so long. But our friendship was so strong that after all these years, I still have a faith and hope in him. Sana ay gano'n din siya sa akin.

"Sorry ha, maliit lang eh." Nilapag ko si Katherine sa kuna niya bago ako tumungo sa maliit kong kusina at naglabas ng tubig at tinapay. Nilapag ko ang pagkain na kinuha ko sa kusina sa maliit na coffee table sa maliit na sala ko bago siya sinenyasan na umupo sa iisang sofa sa apartment ko. He instantly nodded at me before sitting on the sofa.

I opened the 24'' TV before observing his looks. Hindi ko napansin ang suot niya kanina nang makita ko siya dahil siguro okyupado ako ng mga iniisip ko kanina at ngayon na hindi na, pansin ko na ang bawat galaw ni Raven. He was wearing a longsleeve polo and a black plants as his undergarments. He looks okay but maybe I'm not used to him wearing that kind of outfit.

"Kain ka," alok ko sa kanya ng cinnamon rolls na binili ko para kay Loraine para may kainin siya habang nagbabantay kay Katherine.

Tumango sa akin si Raven bago kalmado na kumuha ng cinnamon rolls sa coffee table at dahan-dahan na kinain 'yun.

"So, anong nangyari sa'yo?" biglang tanong ni Raven habang nginunguya niya ang tinapay sa bibig niya.

Nang marinig ko na papaiyak na si Katherine, agad-agad ko siyang kinuha sa crib niya bago ko siya dinala sa harap ni Raven.

Kumunot ang noo ko nang umambang tatalon si Katherine papunta kay Raven kaya wala akong nagawa kung hindi siya nahihiyang iabot kay Raven. Raven instantly responded with a light chuckle from his lips.

"'Yan, anak ko. Si Katherine." I started talking by introducing Katherine to Raven.

Tinaasan ako ng kilay ni Raven at tinignan mula ulo hanggang paa. "Kung nagsisisi ka na pinanganak mo siya, then I'd just adopt her." Raven rolled his eyes at me.

"Hoy 'wag! Mahal ko 'yang baby ko!" sabi ko habang tumatawa.

"So ano nangyari sa Tatay?" tanong ni Raven sa akin. "Hulaan ko, gago ano?"

Natatawa akong tumango. I saw him shaking his head because of dissapoinment.

"Ano, nagloko sa'yo? Hindi ka pinanagutan? Hindi naniwala sa'yo?" he asked with a lot of questions.

Napa-yuko ako nang marinig ko ang mga tanong niya. I couldn't answer them all, I'm too ashamed that that happened to me.

"Ay iyon, gago nga." Raven sighed with disappointment.

"Hoy Rav! Huwag ka ngang mag-mura sa harap ng anak ko!" suway ko sa kanya.

He just mocked me before setting his attention to Katherine. Aba!

Pasalamat siya at hindi ako nag-tanim ng galit nung umalis siya!

"Pagpasensyahan mo na si Mommy mo ha..."

"Katherine."

"Kath-kath, okay? Hindi ako magso-sorry na sinabihan ko na ogag yung Tatay mo dahil ogag naman talaga siya pero magso-sorry ako dahil nag-mura ako sa harap mo. Huwag mo 'kong gagayahin, ah? Pati yung Mommy mo na tatanga-tanga." He looked at me teasingly.

Hindi na ako nakapag-timpi at inambahan ko na siya ng sampal. Malakas na tumawa si Raven bago inangat ang isa niyang kamay at hinigpitan ang hawak kay Katherine na tumatawa na rin dahil sa nakikita.

"Grabe ka na sa'kin, ah!" sabi ko habang padabog na umupo pabalik sa upuan ko.

"Bakit? Totoo naman, ha? Tanga ka." He smirked at me.

"Pero seryosong tanong, sino ba yung Tatay?"

"Si ano... Si Lucas." Bigla na lang akong napa-yuko nang masabi ko ang pangalan ng lalaki na una kong minahal pagkatapos ng ilang taon.

"Ay put... Tupang inang 'yan."

"Agnes naman! Bakit ka nagpaka-ogag doon?!" rinig na rinig ko ang galit sa likod ng boses niya.

"M...malay ko ba! He was very kind and carrying when he... started to court me!" I defended Lucas,wish I never did because I can see how angry and rage Raven's eyes were.

"Kailan siya nanligaw sa'yo?" tanong ni Raven at pilit na pinakalma ang sarili.

"Uh... gabi nug graduation."

"Tupangina talaga." He sighed to release his anger.

"Tsk, halika nga rito." Naiinis na sabi sa akin ni Raven. "Umiiyak ka na naman, para kang tanga."

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Kahit nung High School pa lang kaming dalawa ni Raven, he used to really hate Lucas. It's because Lucas always makes fun at me at school. Raven was there to protect me when Lucas' group of friends bully me.

But at the time Raven was gone, I couldn't protect my feelings. I thought like if I'll be with Lucas, maybe, I could probably change him. That's when I answered Lucas, dahil naisip ko na unti-unti ko na siyang nababago.

Then it turns out that I can't.

"Shh, 'yan ka na naman eh." Raven kissed the top of my head before running his hands towards my hair. Napa-upo na ako sa bakanteng pwesto sa tabi niya dahil sa ginawa niya.

"Eh yung pagsusulat mo, wala na rin?"

Bigla kong naalala yung panahon na isa akong tanyag na manunulat.

I missed those moments.

"Wala na rin," bulong ko. "Pero may huli akong storya na isinulat bago ako tumigil."

"Ano Title?"

"Lost Polaroid Film."

Author's Note: I've been trying my best to improve my writing skills so I hope I'm doing better. Thank you. :)

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 476 47
Maurie Hevrea Zolina views herself as someone who does not act decently. Hevrea sleeps at her classes, laughs hysterically, and is never determined t...
5.4K 79 12
This book is about monsters which can be found in the Philippines. Enjoy Reading some info. However this book is writen in english. Not Filipino.
32K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.