One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 23

1.4M 34.6K 6.2K
By jonaxx

Kabanata 23

I Said Leave

Tawang tawa ang mga pinsan ko sa ginawa ko sa babaeng iyon. Tawang tawa na rin ako. Of course we're under the starry night and drunk. This is their welcome party for me . Anila'y akala nila hindi na ako babalik dahil sa sandamakmak na problema ng pamilya ngunit nagkakamali sila. I'm here in front of them, gumuho man ang mundo.

My dad booked a flight to Cebu immediately that day. Pagkarating ko ng Cebu ay binisita ko kaagad si mommy sa bahay. Laking tuwa niya nang makita ako. Wala akong sinabi sa kanya na kahit ano. Ayaw kong lumala ang kanyang kalagayan.

Na windang ako nang paalis ako sa bahay at magtutungo kina tita para doon umiyak at magmura sa nangyari ay dumating si dad.

Titig na titig ako sa kanya habang nasa loob ako ng sasakyan ko. Hawak hawak ko ang manibela, palabas na ng garahe. Ngunit nang makita siya ay lumabas ako para sugurin siya at sumbatan sa lahat ng nangyari.

But then... my mother cried. Sinalubong niya si daddy sa gate pa lang ng bahay namin at niyakap niya ito. Nanlamig ang aking tiyan habang pinagmamasdan ang umiiyak kong mommy. Tinahan siya ni daddy at halos mandiri ako sa nakikita. Inalo ng bisig na iyan ang ipokritang babaeng iyon kanina! Now he's comforting my mother!

Bumalik ako sa sasakyan ko at imbes na bumati ay bumusina lang ako para tumabi sila sa gate na dadaanan ko nang makatulak na patungo kina tita. He called my phone while I was on the road. I didn't answer it. I don't need his words right now. Pasalamat siya at kailangan siya ni mommy. Dahil ako? Hindi ko na siya kailangan. Bumuhos ang luha ko sa sakit na naramdaman.

Tinigil ko ang sasakyan sa bahay ng pinsan kong si CJ sa Talamban. Pinatunog ko ang itim na Vios ko pagkatapos kong iparking sa isa sa mga garahe nila at nagsimula ng magtungo sa loob. Mabuti na lang at naisipan kong umalis ng bahay. Being with my dad is suffocating.

I shared what happened to my cousins. Sa kay tita at tito ko na naroon ay hindi ko sinabi. Nasa gitna ako ng pagtatalo sa aking sarili kung sisirain ko ba ang pananaw nila kay daddy o hindi. Though it was futile. Sira na ang pananaw nila kay daddy simula pa lang nong naghihisterya na si mommy.

"What was the name, again?" Nanliliit ang mga mata ni CJ, ang aking pinsan. Pulang pula na sa iniinom na hard liquor.

"Arielle Zalea Garcia." I couldn't forget the name.

"The man, I mean," pagtatama niya habang dinudungaw ang kanyang cellphone.

Si Lyka, Erica, Cole, Matteo at CJ lang ang narito. Apparently, Charity, one of my cousins, isn't available today for some reason.

"Man?" Gulat kong tanong. "Brandon Rockwell." Umirap ako.

Hindi ko na dinetalye sa kanila kung ano ang nangyari sa amin ni Brandon. Sinabi ko lang na imbes siya ang paikutin ko ay ako ang napaikot niya. Alam niya pala ang tungkol sa aming dalawa ni Arielle ngunit hindi niya sinabi sa akin. Why was CJ asking for his name, I didn't know.

"Complete name?" He asked again.

"Brandon Walter Del Fierro Rockwell. Don't make me say that again." Sabi ko sabay lapag sa basong iniinuman ng tequila.

Tumawa si Cole at kinuha ang mga poker chips ni Matteo. Isang mura galing kay Matteo habang naglalaro sila ng baraha ay naaliw na ako.

"Hindi ako kuntento nito." Sabay lagay ni Matteo ng sigarilyo sa kanyang labi. "Mag casino tayo."

That night, nagpadala lang ako sa kanila. Party, booze, music. Para makalimot sa mga pangyayaring alam kong kinabukasan, pag wala na ang sakit na idinulot ng alak sa akin, ay maaalala ko na naman ulit.

Kinaumagahan, nagising ako sa kwarto ko sa aming bahay sa Mandaue. Unti unti kong dinilat ng mabuti ang mga mata ko. Pumipintig sa sakit ang ulo ko at pakiramdam ko'y namamantal ang labi ko. Memories of last night is a blur. Hindi ko na lubos maalala basta ang alam ko ay ilang bar ang napuntahan namin pero nagtagal kami sa Den. I've seen some of my high school friends, chitchat and... well...

Narinig kong may tumikhim kung saan sa kwarto ko. Luminga-linga ako sa apat na sulok nito at nakita kong nakaupo sa paanan ko si daddy, bigo at mukhang nagluluksa. Umuga ang kama nang umisod siya ng isang beses.

"What are you doing here?" I couldn't hide the venom dripping on my voice.

He's wearing a simple royal blue t shirt, khaki shorts, eye glass. Tipikal na pambahay niya sa Cebu. Nag dasal ako na sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyaring iyon sa Manila. Na sana ay hindi iyon totoo. Na sana ay sa wakas nandito na siya dahil natapos niya na ang kanyang kaso.

"A..." Namamaos ang boses ni daddy.

Umupo ako sa aking kama. I'm still wearing that black longsleeve pencil cut dress last night. Hindi niya ba ako papagalitan? Well, kung papagalitan niya ako dahil sa mga nangyari kagabi sa amin ng mga pinsan ko ay iiwan ko siya dito sa kwarto ko.

"Av?" Narinig ko ang boses ni mommy sa labas.

Pumihit ang door handle ng aking pintuan at nagpakita ang ulo ni mommy. She looked worried, but nevertheless, happy. Somehow, happy. Lumunok ako at sinubukang ngumiti kahit na alam kong sobrang sama ng ngiti ko. She mirrored my smile.

"Breakfast? Tanghali na." Napatingin si mommy kay daddy na nasa kama ko nakaupo.

Tumango ako. "Susunod na po ako." Sabi ko.

Nagkatinginan si mommy at daddy. Nag iwas ako ng tingin sa dalawa at nagkunwaring abala sa pag susuklay sa buhok gamit ang aking mga daliri.

"Sige," sabay sarado ni mommy sa aking pintuan.

Bakit di sumunod si daddy? Why is he still here? Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nangingilid ang luha sa kanyang mata. Nanginginig ang kanyang labi na para bang gusto niyang mag salita pero hindi niya alam kung paano mag sisimula.

Pain stabbed my chest. I hate to see him like that. The man I thought was the strongest of them all is in front of me breaking. But unlike my mom, I can never welcome him with arms wide open. Nag iwas ako ng tingin.

"Lumabas ka na, dad," taboy ko sa kanya.

Suminghot si daddy. Kahit na nilalatigo ng sakit ang aking puso ay hindi magawang tumulo ng luha ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nalukot ang kanyang mukha at isang beses niya itong pinasadahan ng kamay bago nanginginig ang labi sa pagsasalita.

"I'm sorry, Av." Nanginginig niyang sinabi.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang manginig at hindi pinaramdam na tinatanggap ko ang sinabi niya.

"Alam kong nagkamali ako. Hindi ko kayo maharap ng mommy mo. I wanted to see your sister-"

Pinutol ko siya. "She is not my sister!"

Bumuhos ang mga luha ni daddy na siyang nagpahabag sa akin. May bukol na bumara sa aking lalamunan at hindi na ako humihinga para lang pagtakpan ang nagbabadyang paghagulhol. "She is! I'm sorry. I'm sorry..." Lumapit siya sa akin at marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

Maagap kong hinawi ang kanyang kamay bago pa man nito mapisil ang aking mga daliri para manuyo.

"Anak, please... I didn't... I didn't mean it. Hindi ko alam na nabuntis ko ang mommy ni Arielle noon." Nanginig ang boses ni Daddy sa pag mamakaawang dinggin ko siya ngunit ang tanging mga naiisip ko ay mas nakapag pairita sa akin.

"Hindi mo alam? So kung nalaman mo noon pa lang, dapat ay hindi mo pinakasalan si mommy, ano?" Matapang kong sumbat.

Umiling si daddy. "I did not love her mom. You were two nong nalaman kong may anak ako sa kanya. But of course, I didn't want to ruin my relationship with your mom. I love your mom, Avon. And I love you even more. More than my life. More than anything. Kaya nagawa ko siyang balewalain kahit na alam kong walang kasalanan ang bata."

Walang kasalanan si Arielle. Nahirapan pa ako sa pag iimagine ng isang musmos na Arielle para lang mahabag ako. I know I'm being irrational. But heck I'm overpowered by my feelings right now! Hindi ko matanggap na ang daddy ko ay nagsinungaling sa akin! Na kung hindi pa nangyari iyong nangyari kahapon ay baka nga tuluyan na siyang naagaw ni Arielle sa amin ni mommy!

"Ilang beses akong nagpabalik balik ng Manila, pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magpakita sa anak ko."

Ngumiwi ako sa huling sinabi niya. I still couldn't accept that. And I don't think I will ever.

"But then while I was there for this case..." Sumayaw ang mata niya.

I could puke, right now. That moment was for them. It wasn't for me. Pero hinayaan ko siyang magsalita.

"Hinanap niya ako. She cried in front of me, begging for acknowledgement!" Pinilig ni daddy ang kanyang ulo, tila hindi makapaniwala sa nangyari sa kanila ng anak niya.

Hindi ko na maatim ang kwento niya. "Should I say 'thank you, dad'? For being with us kahit na nalaman mo na pala noon pa na may anak ka sa labas? Should I say thank you?" Nanliit ang mata ko.

"That's not my point. My point here, Aurora, is that I only wanted to give her more time with me-"

"Even if it means lying to me? Even if it means making my mother worry? Dad? I'm sorry, too, but for me? Walang rason ang pwedeng makapagpapagiba sa galit ko sayo ngayon! Sana ay sinabi mo na lang! Sana ay diniretso mo kami ni mommy! And wait? Sinabi mo na ba iyan kay mommy?"

"I did." Tumango si daddy. "Habang wala ka kagabi ay sinabi ko sa kanya iyon."

Umigting ang bagang ko. My strong mother accepted my goddamn father because she loved him so much. And he's taking advantage of her love!

I swear to God na pag ako ay nagmahal, hindi ako magiging tanga. I salute all the martyrs but I am sorry, I will never be one.

Umiling ako. "Ang kawawa kong mommy, dad. Tinanggap ka niya kasi sobrang lungkot na niya..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "Hindi mo alam kung gano siya nag hirap! Hindi mo alam kung anu-ano ang pinag daanan namin! All because of your stupid judgement! Bakit hindi mo na lang sinabi sa amin ang lahat ng iyan? Bakit kinailangan mo pang magpakagago?" Sigaw ko.

Nakita kong nagalit siya sa mga salita ko. I don't care kung pang estero na ang salita ko sa harap ng aking ama. "Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa mommy mo. Lalo na sayo. You're my princess. I love your mom, and you. At ang isiping baka iwan niyo ako pag nalaman niyo iyan ay nakakatakot para sa akin."

"Kaya ba kami na lang ang iniwan mo?" Akusa ko sa kanya.

"Hindi ko kayo iniwan!" Giit ni daddy.

"Hindi iniwan? God! My mother is depressed..." tinuro ko si daddy, nanginginig ang kamay ko. Ang luhang nagbabadya kanina ay napalitan ulit ng nag aalab na galit. "All because of you. All because of your stupid decisions! Tingin mo ay hindi namin 'yan malalaman? Kahapon man, ngayon, o bukas namin 'yan malaman, masasaktan parin kami. And guess what? You chose the most stupid way of revealing your heck of a secret! Nalaman ko pa sa iba? At pinatagal mo pa! Halos mabaliw na si mommy sa kakaisip kung bakit hindi ka na umuuwi! Did you really love her, by the way? Kasi hindi ganyan ang alam kong pagmamahal, dad." Iling ko, bigo sa lahat ng desisyon ni daddy kahit ano pang paliwanag niya sa akin.

I will never be able to comprehend his decisions. Not now. Probably, not ever.

Humagulhol si daddy sa iyak. Habang tinitingnan ko siyang ganon ay umiiling ako at kinukurot ang puso ko. Pumikit ako ng mariin at nag iwas ng tingin sa kanya.

He's still my dad.

Tinalikuran ko siya at tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim.

"Leave me alone, dad." Matapang kong sinabi.

Narinig ko ang singhot niya. "A, anak..."

"I said leave!" Sabi ko, nakatalikod parin sa kanya.

Ilang sandali pa siyang nanahimik sa aking likod bago siya pumihit. Narinig kong sumarado ang aking pintuan. Tsaka pa lang ako lumangoy ulit sa aking mga kumot at sa aking mga luha.

Isang linggo akong nasa loob lang ng aking kwarto habang naroon si daddy. Tsaka lang ako lumalabas pag nagyayaya sina CJ at Lyka na lumabas.

Hindi tulad noon na pinagpapaalam ko lahat ng aking mga transaksyon, ngayon ay labas pasok lang ako sa bahay at kay mommy lang nagpapaalam kahit na lagi niyang bilin na tanungin ang opinyon ni daddy. Gusto ko ring makipag usap kay mommy pero laging nariyan si daddy pag mag isa siya kaya hindi ko magawa.

Nilingon ko sila habang naka akbay si daddy sa kanya, nanonood ng isang movie sa aming sala gamit ang projector. Paalis na ako at wala parin akong planong magpaalam kay daddy. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang mga ngiti ni mommy na ngayon ko lang ulit nasilayan. I couldn't break her happiness. Gustuhin ko man siyang kausapin tungkol kay daddy ay hindi ko rin pala kayang masaktan ulit siya.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 5.3K 63
This is a story of a lone survivor of a devastating tragedy. She embarked on a quest to practice her magic while remaining silent about her true iden...
514K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.2M 88.1K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...