If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 4

538 2 0
By SirIncredible

Si Janice.

Bata pa lamang ay kinakitaan na ng pagkabiba ang dilag. 4 years old nang matuto siyang sauluhin ang mga kulay sa rainbow pati na rin ang sunod sunod na pagsulat ng mga English Alphabet kahit paatras pa ito mula Z hanggang A.

Hilig din niya noon ang pagkanta sa mga piyesta ng 'Twinkle Twinkle Little Star' kaya pagkatapos ng kanyang fabulous performance sa stage ay binibigyan siya ng mga chichiriyang may kasamang limampiso pambaon sa eskuwela.

Naging gawi na ng batang Janice ang magpabasa ng mga Fairy Tale sa lola bago matulog.

Minsan nga ay inaabot na sila ng lola ng umaga sa pagbabasa ng 100 story-telling books kaya hindi na rin talaga nakakatulog pa. Mahilig manggaya si Janice noon ng mga tunog na naririnig niya sa mga kapitbahay.

Mula sa tiktilaok ng mga manok, mga ungol ng asong kalye, mga pusang madalas mag-away sa ibabaw ng bubong, mga kalapating palipat-lipat ng mapapahingahang espasyo, mga nagtitinda ng balot at taho sa daan, mga kambing at pati na rin yung cobra na nakita niya mag-isa sa kabinet ng kanilang lababo. Nakatitig sa kanya ang cobra at waring gusto siyang lapain, buti nalang at hawak hawak niya noon ang flute na regalo sa kanya ng tiyahin niya na nanay ni Leo.

Hinipan at pinatugtog niya ang flute sa harap ng nagngangalit na cobra at saka sinabayan ng sayaw. Hindi kalaunan ay naging magkaibigan sila ng makamandag na ahas na noong unang makita ng mga kasama niya sa bahay ay mababanaag ang pagkamangha.

Sa tuwing sasapit ang kaarawan ng batang ito, madalas na laruan ang naireregalo sa kanya bukod sa mga tsokolate at lollipop na paborito rin niya.

Sa katunayan nga ay naglaan pa siya ng espesyal na kuwarto para lamang maging taguan ng kanyang mga libu-libong laruan. Pero ang pinakamahahalaga sa kanya noon ay ang mga manikang sing-laki rin niya na bigay sa kanya ng kamag-anak mula sa India sa tatlong magkakasunod na taon.

Alagang alaga niya ang mga ito, mula sa pagpapaligo, pamamasyal, pagtitirintas ng buhok, pagpapalit ng damit, pagmomodel, paghawak ng kutsilyo -para magluto ng pagkain sa kanyang lutu-lutuan, pagtulog na siyang kusang pumipikit ang mga mata kapag naihihiga na katabi sa kanyang kama, at kausap niya habang kalaro ang ibang mga bata.

Ang tatlong mga manika ay pinangalanan niyang 'Maria... Leonora... at Teresa' na kapag pinindot sa likod nito ay magsasalita ng 'Habulin mo ako!".

Ngunit mahirap ang lumaking wala sa piling niya ang kanyang mga magulang. Grade 2 si Janice nang malaman niyang namatay ang mga magulang niya sa isang malaking aksidente sa araw rin ng kanyang unang taon sa mundo.

Hanggang lumipas ang maraming taon at naging palaisipan na rin sa kanya kung bakit nagiging miserable para sa kanya ang araw ng kanyang kapanganakan... ang araw kung kailan siya naging Janice sa mundo... ang araw na dapat ay ipagdiwang ng masaya at maligaya.

Nakahimlay pa rin ang ulo ni Janice sa dibdib ng lola sa kanyang higaan habang yakap-yakap ito. Ipinagpatuloy ng dalaga ang kanyang salaysay.

Flashback
Noong Grade 3 ako, kinantahan ako ng mga kaklase ko sa room namin ng Happy Birthday tapos pumunta sa silya ko yung may crush sa akin at nagbigay ng naka-box na regalo. Pagkabukas ko ng regalo, isang buhay na buhay na palaka ang lumabas...

sumigaw ako at tumalon ito sa mukha ng titser ko at hayun! na-stroke! Pinatawag tuloy yung loko-loko kong classmate sa Guidance kasama ng nanay niya. Grade 6, may ka-birthday din akong classmate na crush na crush ko kaya nagkasundo kaming pag-isahin na lamang ang blowout para sa kanilang lahat.

Tapos noong dumating na ang mga pagkain, napag-alaman din ng mga hayok na hayok na mga guro sa labas ng room. Dahil sa excitement, nagsipag-unahan silang pumasok sa kuwarto namin at hayun! stampede! walang nakapagpigil kahit mga security guard sa gate at maraming natabunang estudyante sa loob.

Second Year High school naman, may nanligaw sa akin sa Orchidarium ng eskuwelahan tapos birthday gift niya yung silver ring na inipon niya ng tatlong linggo para raw sa akin. Noong isusuot na niya sa daliri ko ang singsing, may naupuan pala siyang bahay ng mga langgam na pula hayun! Pinapak siya!

Tapos noong 4th year, pauwi na ako sa bahay nang makasalubong ko sa gitna ng highway ang kababata kong lalake na kapitbahay din natin...

Habang naka-red pa ang stoplight ay ibinigay niya yung gift niya sa akin. Nagpasalamat ako at tumawid na agad dahil sa pagmamadali. Siya naman itong sobrang natulala sa akin...
sa alindog na meron ako noon na sinubukan kong mag-mini skirt. At nung mag-green light na, napagitnaan siya ng mga nagbibilisang sasakyan! Hindi tuloy siya magkandaugaga kung paano siya makakaligtas doon.

"Ah... Ganoon ba?", sambit ng matanda habang unti-unting ipinipikit ang mga mata.

"Then... last year lang sa kabila ng sobrang lakas ng ulan, sinorpresa ako nina Rhyna dito sa bahay. Sa pag-open ko ng mga ilaw, ang daming lobo! at kung anu-anong birthday treats sa akin. Then, after blowing the candle bigla namang nag-brownout. Pinuntahan ni Rhino ang main switch para i-check ang fuse. Habang hawak ni Rhino yung handle ng Panel Board, bigla namang kumidlat tapos nung nag-open na ang lahat ng ilaw... Ayun! Nakuryente ang pinsan ni Rhyna!", patuloy ni Janice na mapapansing hindi na gumagalaw ang lola

"Tapos... La? Lola?", susubukang yugyugin at gisingin ang lola pero ayaw na nitong rumisponde, "Lola? Lo....la! Lola! Huwag niyo kaming iwan! huhuhu!",

sa lakas ng hiyaw at iyak ni Janice ay maririnig ito ni Leo at darating mula sa pinto

LOLA!!!!!!!

Habang nagsisipag-iyakan at nagdadrama-dramahan ay sisingit magsalita si Leo, "Lola, ang ipinangako niyong pamana sa akin?", at mauubo ang matanda

"Hoy!", sambit ng lola pagkatapos batukan ang dalawang apong umiiyak na nakayakap sa kanya,

"Nakaidlip lamang ako, ang haba kasi ng kuwento mo Janice eh! Dis oras na ng gabi, nais ko nang magpahinga"

"Ay! pasensiya na rin po, Kayo kasi eh inopen-up niyo pa yung love life ko, naikuwento ko tuloy ang mga naranasan ko. Sige na ho at gabi na rin pala... Good Night Lola!", wika ni Janice at agad hinalikan ng dalawang apo sa pisngi ang matanda.

"Good Night mga apo!"


Nasa frontpage ng maraming tabloid, magasin at broadsheet ang magaganap na awarding ceremony para sa mga pinakamahuhusay na Journalist sa buong bansa.

Ang advertisement na dadaluhan ng mga pinaka-pinagpipitagang personalidad kabilang sina Jessica Soho, Kara David, Letty Jimenez-Magsanoc, Dr. Cris Icban Jr., Jullie Y. Daza, Korina Sanchez-Roxas, Ricky Davao, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Joey De Leon at marami pang mga manunulat at brodkaster sa iba-ibang panig nito.

Ang napiling magpresenta ng awarding ceremony ay ang Company kung saan nagtatrabaho si Janice dahil tatlo ang nominado sa kanilang department na siyang pinakamarami sa iba pang korporasyon. Ito ay saglit na seremonya lamang na gaganapin upang magbigay daan sa mga gustong sumayaw at magperform sa gabing iyon.

Isang Manila Bulletin na pahayagan sa reading shelf na malapit sa cubicle ni Jaynel ang katatapos lamang iwan ng mga janitor sa Broadsheet Area. Naroroon ang pinaka-pinananabikang advertisement ng araw na iyon. Sa hindi kalayuan, nag-uusap usap naman ang tatlong magkakaibigan bago magsimula sa trabaho.

"Oh ano? nag-move on ka na ba?", tanong ni Janice sa blooming na si Rubie

"Yes! Okay na, Pasalamat pa rin ako sa Diyos at buhay ako at hindi pinakialaman yung wallet at cellphone ko sa vault. I'm starting to fix things slowly naman eh! Mabuti na lang at yung isa sa callboy na friend ni Cesar ay sumuko sa pulisya. Nakonsensiya ata! Wala raw kasi siyang naging parte , Haha! Pinaghahanap na rin yung iba pa niyang kasamahan", banggit ni Rubie

"Good for you, Sis! Ganyan dapat, move on move on din! Mahahanap mo rin si Mister Right para sa'yo", wika ni Rhyna

"Hay...", nakaupo si Rubie na nakatingala sa itaas, "Mahirap talaga ang ma-in love! Lalo na kung ibinibigay mo ang lahat ano!", at susulyap kay Janice

"Ikaw Sis, Musta ang life?", tanong ni Rubie

Biglang may magbubukas ng pintuan sa dulong Opisina. Naka-dilaw na polo shirt with tie at trouser at may masayang pagmumukha.

"Hello Guys!", bati ng manager mula sa malayo, "Get ready for tonight because at 7PM... It's awarding time!"

Kukurutin ni Rhyna si Janice sa gilid ng tiyan at pabulong na magsasalita, "Susyal! I'm very sure na mananalo ka diyan Sis!"


Tahimik na maiiwan ang kausap.


Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...