AX4 (Book 1 & 2)

By Hopelessloner

108K 3.4K 649

Be careful criminals. More

Warning
Prologue
Chapter 1 - Confusing shits
Chapter 2 - Proofs
Chapter 3 - Way of having no choice
Chapter 4 - Another crime
Chapter 5 - Base
Chapter 6 - This isn't fantasy
Chapter 7 - The story telling
Chapter 8 - New life
Chapter 9 - On the job
Chapter 10 - Coffee break
Chapter 11 - Thinking out
Chapter 12 - The holdaper
Chapter 13 - Partnership
Chapter 14 - Training
Chapter 15 - He steamed her up
Chapter 16 - The reason
Chapter 17 - Tough girls cry too
Chapter 18 - The trouble
Chapter 19 - Snared by
Chapter 20 - Alteration
Chapter 21 - Heart Attack
Chapter 21 - Quick-witted
Chapter 22 - Behindhand
Chapter 23 - Like a warrior
Chapter 24 - Erstwhile
Chapter 25 - Who are they?
Chapter 27 - Codenames
Chapter 28 - Bomb hunting
Chapter 29 - Agents on duty
Chapter 30 - The do
Chapter 31 - Perhaps not today
Chapter 32 - When emotion interfere
Chapter 33 - Agency's matter
Chapter 34 - The leader
Chapter 35 - Thoughts
Chapter 36 - In question
Chapter 37 - Operation X
Chapter 38 - Breakdown
Chapter 39 - Amiss jugdements
Chapter 40 - The culprit
Final Chapter
EPILOGUE
Dedication corner
Writer's note
AX4 II: Prologue
AX4 II: 1.
AX4 II: 2
AX4 Trailer
AX4 II: 3.

Chapter 26 - Connected

1.5K 53 12
By Hopelessloner

Chapter 26

 Connected

Mabilis na binabaan ni Lei ng telepono si Michigan at tila nanghihina sa tanong nito. Paano at bakit niya nalaman ang bagay na ‘yun? Hindi naman siya nagkwento dito ng kahit ano tungkol sa kanya. Umupo muna siya sandali at nag-isip.

Mabilis na dinial ang numero ni Chris, isa sa mga kaibigan niya sa dating buhay niya noon, ngunit hindi ito sumasagot. Halos ibato na niya ang kanyang cell phone. Inilapag nalang niya ito sa mesa at mabilis na kinalikot ang kanyang laptop. Nagpunta siya sa facebook upang icheck ang mga account ng mga ito.

Itatype na niya sana pangalan ni Chris ng lumabas sa newsfeed niya ang pangalan ni Vinch. Natulala siya sa screen ng makitang isa itong litrato na kaka-upload lang. Litrato ni Vinch kasama ang taong kilalang kilala ni Lei, Ang mga kaibigan niya.... kasama si Vinch na kumakain sa pizza huat.

 “Oh fuck!” mahina niyang mura at mabilis na kumalabog ang puso sa kaba. “Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?”

 Nagmamadali siyang tumayo at dinampot ang kanyang cell phone. Patakbong lumabas ng base at nagpara ng taxi, nanlalamig ang kanyang mga kamay at nanginginig pa ito ng bahagya. Tumunog na naman ang kanyang telepono, mabilis niya itong sinagot.

 “Michigan, nasa mall ka pa ba?” bungad niya.

 “Oo, why?”

 “Makinig ka sa sasabihin ko, pumuta ka sa Pizza huat at pakihila si Vinch dalhin mo siya sa first floor. Hintayin niyo ako doon. Kahit anong mangyari kailangan mo siyang masama, okay? Wag mo nalang pansinin ‘yung mga kasama niya lalong lalo na ‘yung kamukha ko, wag na wag mong akong babanggitin sa kanila. Ipapaliwanag ko mamaya sa inyo...” pagkababa niya dito tinext niya si Vinch.

 ‘Susunduin ka ng Michigan, sumama ka sa kanya may biglaang kaso!’

****

“Vinch stop staring at Lorsen, baka gusto hindi kana abutan ng buhay?” pagbibiro ni Jhay sa kanyang pinsan. Nasa loob sila ngayon ng mall, kumakain sa Pizza Huat. Kasama ng binata ang mga kaibigan ng kanyang pinsan na nanggaling pa sa ibang bayan.

“Yeah right, Clyde you may saksak nga that pinsan ni Jhay..” maarteng sambit ni JM habang umiinom ng kanyang inumin.

 Ibinaba naman ni Vinch ang hawak niyang pizza sa kanyang plato. “Dude, para kasing nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan e,”

 Napatingin naman sila ng biglang humalakhak ang isa sa mga kaibigan ng pinsan ni Vinch, ‘yung lalaking mahaba ‘yung buhok. “Pasensya kana pare, naubusan ako ng memo plus gold e.” Sabay tapik dito. “Eto singkwenta, bili ka sa generics mamaya!”

 “Ang kuripot mo naman,” ani Vinch pero kinuha pa din ang pera. “Salamat meron na akong pambili ng candy,”

 “Welcome pinsan ni singkit!” sabay hagikgik nito.

 “Singkit din ako!” sagot ni Vinch. “Chris pangalan mo diba?”

 Tumango ‘yung Chris. “Alam kong singkit ka, hindi naman ako bulag!” aniya. “Oo Chris ang pangalan ko kadugtong ng salitang pogi!”

 “Hehe. Asa ka naman,” anang binata. “Mas pogi ako,”

 “Hindi halata e, mukha kang palaka. Boom!”

 Kinalbit naman siya ni Vinch. “Hoy pogi!”

Ngumiti naman ng pagkalapad lapad si Chris. “Bakit?”

 “Hindi ikaw, sarili ko kausap ko.”

 “Gago mo po!”

 “Alam ko,”

 Pagkatapos ay nagtawanan naman silang dalawa. Ang mga kasamahan naman nila, napapa-iling nalang. Kung minsa’y natatawa sa mga banat ng dalawa.

 “Onga pala, hanggang kailan kayo dito?” tanong ni Vinch habang kumagat sa pizza niya. Hinintay niya ang sagot nila habang nakatingin pa din ang mata kay Lorsen.

 “Hanggang Monday lang,” sagot ni Jhay pagkatapos ay binatukan ang pinsan niya halos mabulunan nga ito dahil kumakagat ng kanyang pagkain. Nagtawanan naman sila, samantalang tinignan naman ni Vinch ang pinsan niya ng masama.

 “Problema mo Chua?!” inis na tanong niya.

 Ngumisi si Jhay pagkatapos ay pasimpleng uminom ng kanyang inumin. “Yung mata mo,”

 “Napano?!”

 Itinaas ni Chris ang kanyang kamay. “Singkit daw!”

 “Sabi ng wag tignan si Lorsen e. Hindi tuloy makakain ‘yung tao ng maayos ng dahil sayo, nakakahiya ka!” ani Jhay habang isinandal ang kanyang likuran sa upuan. “Itinatakwil na kita,”

“Bakit ba ikaw ang nagsasabi niyan, hindi naman ikaw ‘yung boyfriend e!” sagot ni Vinch sabay sulyap kina Lorsen at sa boyfriend nitong naka-akbay sa kanya na si Clyde.

 “Jhay, hayaan mo na ‘yang pinsan mo baka ngayon lang nakakita ng maganda,” pagbibiro ni Lorsen at bahagyang tumawa. “Diba bi?” sabay baling ng atensyon sa kanyang nobyo.

 Natawa ‘yung Clyde at tumango. “Oo nga naman Jhay, ang ganda kaya ng baby ko.”

 “Duh, I’m the maganda here e!” sabat nung JM.

 “JM, kumain ka nalang. Okay?” sambit naman ng kanyang pinsan na si Rinz. “By the way, baka gusto mong sumama sa debut na pupuntahan namin bukas? Magsama kana din ng kaibigan.” Anito kay Vinch.

 “Sino na nga ba ‘yung magdedebut?” tanong niya. Nabanggit na kasi nila ito sa kanya kanina.

 “Jean is the pangalan, but my pangalan is more maganda.” Sabat muli nung JM. Kaya lang naman sila napadpad dito sa lugar nina Vinch ay dahil sa may aattendan silang debut, pagkatapos ay aalis din kaagad dahil hindi pa tapos ang final examination ng mga ito.

 “Sure, I’ll inform you later...” bigla nalang nagvibrate ‘yung cell phone niya nakita may nagtext dito. Kumunot ‘yung noo niya ng makitang si Lei ito ngunit bigla siyang may naalala, napatingin siya lalo doon sa Lorsen at tila may narealize dahil napaturo pa ito sa dalaga. Inilapag niya muna ang kanyang telepono sa lamesa.

 Nabigla nga sila sa inasal niya, ibubuka na sana niya ang bibig ng may biglang humila sa damit niya mula sa likod. Pagtingin nito si Michigan.

 “Tawag tayo ni Le.... Ah basta, may naghahanap satin,” sabay tingin niya sa mga kasama nito sa mesa. Medyo nabigla pa nga siya ng makita ‘yung mga taong nilapitan niya kanina pero hindi nalang siya nagpahalata. “I’ll borrow him for awhile,” sabay hila nito palayo.

****

“Huy Gan, saan tayo pupunta? Kidnapping ‘to!” ani Vinch habang hila hila pa din siya ni Michigan pababa ng escalator. Inirapan siya ng dalaga ngunit hindi niya pa din binibitawan ‘yung kamay nito.

 “Manahimik ka nga Vinch! You’re annoying,” aniya. “Anyway, bakit kasama mo ‘yung mga ‘yun?” biglang tanong niya at dahan dahan na binitawan ‘yung damit ng binata. Umaayos ng tayo si Vinch at nagseryoso ang mukha.

 “Pinsan ko ‘yung nakabeannie tapos kaibigan niya ‘yung mga kasama niya, pero aminin mo mas gwapo ako sa kanya diba?” pagbibiro niya dito pagkatapos ay humagikgik. Bumaba na sila sa escalator at nagpatuloy sa paglalakad.

 “Dream on Vinch, mas cute kaya ‘yung pinsan mo!” said Michigan as a matter of factly. “But wait, nakita mo ba ‘yung babaeng mahaba ‘yung buhok tapos kamukha ni Lei?”

 Biglang pumalakpak si Vinch. “Sabi na e! Kanina ko pa ‘yan iniisip,” anito. “Kaso hinila mo ako, badtrip!”

 “Luh?” ani Michigan at napahinto sa paglalakad. Tinitignan niya ‘yung babaeng nakatayo sa di kalayuan, may kasama itong lalaki na medyo may katandaan tila may pinag-uusapan ang mga ito. Hindi naman nagtagal umalis din ‘yung lalaki kaya’t nagkaroon na ng pagkakataon si Michigan na tawagin ito.

 “Rhanna!” sigaw niya, mabilis naman na napalingon ang dalaga maging ang iba nga ay napatingin sa biglaang pagsigaw nito. Hinala naman ni Michigan si Vinch papunta kay Rhanna.

“Oh, anong ginagawa niyo dito? Date?” nakangising tanong ni Rhanna. Bigla namang kumunot ang noo ni Michigan at tinaasan siya ng kilay.

 “Over my dead body,” sagot niya kaya’t natawa ang una. Inakbayan naman siya ni Vinch.

 “Wow ah, hindi ka naman lugi sa akin!” sabay kindat dito.

 “Seriously? Stop joking around Vinch. Hindi kasi nakakatuwa baka ipukpok ko sayo ‘tong sapatos ko!” sambit ni Michigan sabay alis na sa kamay ng binata na nasa balikat niya. Napa-urong nalang si Vinch at tumawa.

 “Woah! Stop there,” anito.

 “Wait, I almost forgot! Si Lei pala naghihintay doon,” anito tapos hinila na silang dalawa. Papalag pa nga sana si Rhanna ngunit wala na siyang nagawa.

 Nakita naman nila si Lei sa hindi kalayuan nakatalikod ito, may kausap sa telepono. Nilapitan nila ito ngunit napahinto din kaagad ng marinig ang sinabi niya. Nagkatingin pa silang tatlo na may pagtataka sa mukha.

“Vinch, nasaan na ba kayo? Bakit hindi ka nagsasalita? Kakalbuhin talaga kita kapag nakita kita, nako! Nandito na ako sa baba, nabuburo na ako dito!” rinig nilang sambit nito sa kabilang linya.

 “Wait, si Vinch ‘yung kausap niya?” nagtatakang tanong ni Rhanna. “Eh, sino ‘tong kasama natin Gan?”

 “Maybe impostor?” sagot ni Michigan at bahagya pa silang napalayo sa binata. Mabilis namang itinuro ng binata ang mga kasamahan.

 “Huy! Nag-iisa lang ako sa mundo no,” anito. “Atsaka, naiwan ko ‘yung cellphone ko dun sa pinsan ko e. Baka siya ‘yung kausap---“ Hindi na nila natuloy ‘yung sinasabi niya ng bigla nalang may bumunggo sa kanya mula sa likod tila nagmamadali pa ito, nang tignan nila nabigla sila sa kanila.

 Ang pinsan niya.... si Jhay!

 Nilapitan nito ang nakatalikod na si Lei na walang kamalay malay sa nangyayari, nabigla nalang nga ang dalaga ng may yumakap sa kanya mula sa likod.

“Leila....” mahinang bulong ng binata.

****

 “What’s this?” tanong ni Michigan habang dala dala ang isang envelope patungo sa sala kung saan nagpapahinga ang kanyang ama. Pagkarating niya kasi sa kanyang kwarto nakita nalang niya ito sa itaas ng mini cabinet niya sa gilid ng kama.

“Baka libro nak!” pagbibiro ni Michael sa anak. Bigla namang naglukot ang mukha ni Michigan at tumabi sa kanyang ama. Kinurot niya ito sa braso kaya’t napa-aray ito.

 “Bakit ganyan ka sa akin?” tanong niya. “You are always treating me like that,”

 Ginulo naman nito ang buhok ng anak at tumawa. “Nakikita mo na kasi, itatanong mo pa. Let’s talk about common sense kid,”

 “Tss! Bad father,” mahina niyang bulong. “Hindi ako aattend dito,” aniya sabay lapag noong envelope sa lamesita sa harap nila.

 “Magtatampo ang Ninong Fred mo kapag hindi ka nag-attend sa debut nga anak niya,” anang Michael at pinindot ang remote ng TV upang manuod.

 “Hindi kami close ng anak niya!” reklamo nito. “And even If I have a chance, I’ll never make friend with that brat!”

 “Sinong kayang mas brat sa inyo ngayon?” tanong ni Michael. Ngumuso si Michigan at nakipagtitigan sa kanyang ama.

 “Seriously, are you saying that I am a brat? Oh, pa! Hindi ako brat!” madiin niyang sambit habang nakapameywang sa harap ni Michael.

 Magsasalita pa sana si Chief Forteza ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila, iniluwa nito ang kanyang ina.

 “Michigan look, ito ‘yung gagamitin mo bukas sa debut ni Jean. Ang ganda diba? Kakabili ko lang nito,” sabay pakita ni Mrs Forteza ng isang kulay blue na dress. May mga palamuti ito pero simple at elegante.

 “You have no choice kid,” pang-aasar ng kanyang ama sa kanya habang nilalapitan ang asawa na tila excited para sa dadaluhan na debut ng anak.

 “UGH!” sabay padyak niya ng paa sa sahig na tila doon niya ibinubuhos ang inis. “Fine!” at nagmartsa na siya paka-akyat ng kanyang kwarto pagkadampot ng invitation.

End of Chapter 26

Thiz iz zo lame. Zorry. Hahahaha. Kailangan ko ng madaming katol para umayos ang aking kaisipan. Loljk. Thank you for reading. :*

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
2.4K 169 13
Two weeks ago namatay sa isang car accident ang fiancee ni Kath kasama ang alaga nilang pusa na si Perry. Ngunit, nang matagpuan nila ang katawan ni...
46K 2.9K 48
⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away.
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

601K 38.8K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...