Till Next Blue Skies

By dauntlessnow

30 10 3

More

Arco Iris
01 | Balconies Under the Blue Sky

02 | Missing the Warmth

8 2 0
By dauntlessnow

Kinabukasan ay maaga akong nagising at napagalitan nila Mama at Papa.

"Ako na ang magsa-saing. Naka-rice cooker na nga at nasunog pa," sermon ni Mama.

Aiiish. Darn it! As I'm on Nico's balcony yesterday, nakalimutan ko nga palang nag-saing ako. Naka-rice cooker na nga at nasunog ko pa. Katanga.

Sinimulan 'ko ng nagwalis sa sala habang si Mama naman ay nagluluto. Si Papa ay gumagayak dahil papasok na.

"Sasabay ako sa Papa mo at ihahatid ko yung mga paninda 'ko." Ani Mama.

Tumango lang ako.

Sinabi ko na mamaya na ako kakain kaya naman umakyat muna ako sa taas para ayusin ang higaan ko.

After I finished fixing my bed, I went outside my balcony to check the cute neighbor who lived next door.

He's not here.

His sliding door was covered with a black curtain, meaning he's not there. Palaging naka-awang ang kurtina na iyon kapag nanjan siya.

Makulimlim niyon ay dismayado akong bumalik sa aking kwarto.

Umalis siya? Saan naman kaya pumunta yun?

Narinig kong nagpa-alam na sila mama at papa na aalis kaya naman inabala ko nalang ang sarili ko sa paga-ayos ng kwarto.

Ilang minuto pa ang nakalipas, bumaba na ako para kumain.

Fried egg at Ham ang ulam.

Naisip ko na marami pa nga pala kaming stocks ng kape mula sa coffee bay, nakatago sa ilalim ng lababo kaya naman ay kumuha ako ng isa roon.

Kinuha ko ang mga sangkap. Naalala ko na tinuruan nga pala ako ng isang staff sa coffee bay tungkol sa pagtitimpla ng kape.

Naglagay ako ng mainit na tubig at itinimpla iyon. Mabuti nalang limang taon pa ang expiration nito.

Nang malagay ko na lahat ay hinalo ko ito ng kutsara at tinikman.

Nothing beats with coffee bay's recipe.

Bigyan ko kaya si Nico nito para matikman niya?

Umakyat ako sa taas habang bitbit ang pagkain ko.

I decided to take my breakfast in my balcony.

Dali dali akong bumaba ng magsimula na pumatak ang ulan. Wala namang bagyo pero malakas lakas iyon.

After eating my breakfast, i showered hot water and wore my panjamas, naisip ko na malamig din naman.

I watch some sketching stuffs and tutorials on YouTube.

Isa sa naisip kong sidelines ay ang pag-art commission. Kahit papaano, maganda naman ang mga gawa ko kaya baka sakali ay may taong magustuhan iyon at bumili.

Isa isa kong hinalungkat ang mga sketch ko.

Parang kulang.

Wait... My sketch pad... Where is it? Nalimang na ako kakahanap, umiral na naman ang pagiging makakalimutin, nakalimutan ko kung saan ko iyon nailapag.

Bago pa maubos ang oras, inisa-isa ko ang mga gawa ko.

It looks pretty tho.

Una ang sunflower portrait.

madebyvern_ [ PHOTO ]
[ caption ] hi, im selling my sunflower portrait for affordable price, still negotiable, dm me if you're interested! <333 #portraitsforsale #sunflowerportrait #madebyvern

That was my first post in my Instagram account because I rarely post pictures. Tapos ay inarchive ko narin ang iba. Tho it has almost 500 followers, minsan ay nilalapag ko rin doon ang mga sketch ko.

Iba pa iyon sa main account ko.

My main account is onlyvern pero minsan ko nalang iyon buksan dahil tinatamad akong mag-switch account.

Puro pictures ang laman niyon lalo na kapag nagva-vacation kami.

My last recent post was a silhouette of me under the sky. My last vacation, it was a summer vacation. It was so aesthetic and satisfying.

Kukunin ko na dapat ang isa pang portrait para kuhanan ng picture pero tumunog ang cellphone ko.

[ 3 NEW NOTIFICATION - INSTAGRAM ]

saly_011 and 20 others liked your post. [ PHOTO ]
saly_011 commented on your post: 😍😍😍
saly_011 started following you.

Thanks for the likes haha.

Tinuloy ko na ang ginagawa. Pinost ko na rin ang dalawa pang portraits gaya ng Lady of Light and a beach portrait na inspired sa isang author.

With the same caption, umabot rin sa 50 ang likes niyon pagkatapos ng isang oras.

Nang matapos ay nagpahinga ako saglit.

Narinig kong kumalampag ang pinto kaya naman ay bumaba ako. It's my mom. Tinulungan ko siya sa pagbubuhat nung mga baked goodies.

"Nag-grocery ka?" I asked her.

"Oo," she nodded and continue what she's doing.

"Mamaaa!" I cried. Binitiwan ko ang bitbit at napaupo nalang sa inis.

"Bakit? Tumayo ka nga jan," sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hindi mo man lang ako sinabihan para sana nakasama ako," I exclaimed.

Mag-isa na nga lang ako dito sa bahay, para naman naka-labas labas ako. Huhu.

"Nextime nalang, Nak," wika niya at inalalayan ako sa pag-tayo.

Para tuloy akong kawawang bata kaya naman ay tumayo na ako at itinuloy ang pagbubuhat.

"Tulungan mo nalang ako mag luto, bumili ako ng spaghetti para sa meryenda,"

"Wow, may ano?"

"Wala naman, medyo malaki ang kita sa baked goodies kaya ako nag-grocery."

"Okay."

Dumating ang tanghalian, pagkatapos kumain ay ako ang nagligpit ng pinag-kainan at ako rin ang naghugas ng mga ito.

Si Mama naman ay nakahiga sa sofa at nanunuod ng tv. Pagkatapos niyon ay dumiretso ako sa kwarto para matulog.

Since its raining, i turned my lights off at hinawi ko nalang ng kaunti ang kurtina ng sliding door para pumasok roon ang liwanag.

Binuksan ko ang speaker at kinonect sa spotify ko at nilipat sa playlist ni Taeyeon, soft songs lang para makatulog ako.

Now playing — Fine by Taeyeon ~ 🎶

And then I fell asleep.

After 2 hours of sleep, nagising ako ng maramdamang hindi na umuulan. It became colder than earlier kaya naman sinuot ko and sweater ko.

Bumaba ako para tignan si Mama, magluluto nga pala kami. At sakto, nilalaga niya na ang pasta.

Ako ang nag-gisa ng sauce.

Naglagay ako ng butter at nag-gisa roon. Inilagay ko rin ang Ham at Hotdog. Pagkatapos ay tomato sauce. Iniwan ko muna hanggang sa kumulo.

Hinango ni mama ang pasta mula sa kalan at nilagay sa strainer para matuyo. Pagkatapos ay naglagay kami ng pasta sa sari sariling plato at nilagay ang sauce sa itaas niyon. Hindi mahuhuli ang cheese.

Viola! Spaghetti sa tag-ulan!

Nagpahinga lang ako sandali matapos kumain ng may maisip ako.

"Mama!"

"Maraming pang tira, baka masira lang yung iba, bigyan kaya natin sila Nico?" Nakangiting tanong ko.

"Ilagay mo sa paper bag. Tirhan mo ang papa mo," sabi niya at tuloy parin kumakain. 

"Opo," sumunod ako sa utos. Nilagay ko ang tira sa ref at ipinagpatuloy ang pag-lagay sa paper bag ng mailagay ko na sa tupperware ang spaghetti.

Nilagyan ko pa iyon ng extra cheese.

Nagtimpla ako ng kape at inilagay sa coffee cups na gamit namin noon sa coffee bay. Naisip ko na dahil malamig ang panahon, masarap mag-kape.

Parehong Caramel ang flavor niyon.

Nang maitimpla ko na ay pumasok muna ako sa CR para tignan ang sarili.

Maayos naman ang damit ko, green na panjama  ka-partner ang puting long sleeves. Inayos ko lang ang tali ng buhok ko at nag-pulbo.

Sinuot ko ang tsinelas at lumabas ng gate habang hawak hawak ang paper bag na may lamang spaghetti at kape.

Mabuti ay tumila na rin ang ulan kaya naman ay hindi na ako nagdala ng payong at dire diretsong pumunta sa kapitbahay.

Pinindot ko ang doorbell nila.

"Sandali lang..." I heard a familiar voice.

Lumabas siyang nakasuot ng silky white panjamas at naka-lugay ang buhok.

Angganda.

Hindi ito ang unang pagkikita namin dahil nung lumipat kami dito ay nakausap rin namin siya nila mama sa labas.

Her skin color and her voice... Pinag-manahan nga ni Nico.

"Good afternoon po, pinabibigay po ni Mama," naka-ngiting sabi ko habang binubuksan niya ang gate.

Tumayo ako ng maayos at inabot ang paper bag.

"Spaghetti po at Coffee Caramel,"

"Wow mukhang masarap, kayo ang nagluto?" Namamanghang tanong niya.

"Ah opo hehe."

"Salamat dito. Baka gusto mong pumasok muna, hija?"

"Ay thank you po pero baka po kasi abutan ako ng ulan, sa uulitin nalang po. At tsaka, nanjan po ba si Nico?"

"Ah wala siya, nasa Maynila." Sabi habang kinakalikot ang paper bag.

"Manila po?" Out of curiosity.

"Isang linggo siya roon dahil malapit na siyang matapos sa Driving school at kukuha na rin ng driver's license,"

Driver's license? Ibig-sabihin ay makakapag-maneho na siya ng kotse? But it's age restricted. Ang alam ko at 18+ lang ang mga nakakakuha ng lisensya.

"Ganon po ba..." Sabi ko. "Sige po, uuwi na po ako at baka maabutan po ako ng ulan hehe." Tumango lang siya ay isinara ang gate habang ako naman ay naglakad na pauwi.

Pumasok ako ng bahay na basa ang mga paa dahil naapakan ko ang may tubig na parte sa daanan kanina.

That's what you call, katangahan.

Sa sobrang occupied ko ay hindi ko napansin ang dinadaanan ko kanina.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil sa lamig. Ang ginaw, narinig ko sa balita kagabi na may namumuong lpa na pwedeng maging bagyo.

Bago ako lumabas sa kwarto ay sumilip muna ako sa may kurtina.

He's still not here.

Tama nga, siguro nga ay isang linggo siya sa Maynila. Basang basa ang maliit na table set sa kanyang balcony.

Niyakap ko ang sarili ng umiihip ang malamig na hangin.

Continue Reading

You'll Also Like

269K 20.5K 60
Archana have everything that a girl could wish for, studying in one of the top universities of India, she have everything a human ever need, loving p...
277K 31.8K 80
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
859K 71.6K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
1.5M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...